1. PAMBUGAD NA PANALANGIN
Amang Bukal ng biyaya at awa, narito kaming Iyong mga
lingkod na nagkakatipon upang magpuri at magpasalamat sa Iyo,
ipadala Mo nawa ang Banal na Espiritu upang bigyan kami ng
kaliwanagan ng isip at tunay na pagkaunawa, at maging bukas
kami sa mga aral ng buhay na aming mapupulot sa araw na ito.
O aming Ama, kalugdan mo po kaming iyong mga anak na
natitipon sa umagang ito, bigyan mo kami ng ibayong pang-unawa
sa tunay na kahalagahan ng pag-ibig at kabutihan sa aming kapwa
upang ang lahat ng aming magiging kilos sa araw na ito at sa mga
darating pang araw ay maging gabay namin tungo sa landas
patungo sa Iyo.
Patuloy Mo rin pong puspusin ng ibayong lakas at kagalingan
ang aming Tagapagdaloy at Tagapagsalita para sa aming
pagpupulong sa umagang ito. Itinataas po namin sa iyo ang aming
gagawing programa para sa paghahalal ng mga karapat dapat
magulang na siyang mamumuno sa aming General PTA. Buong
Puso at Kasiglahan po nawa niilang tanggapin ang hamon ng
panibagong misyon na igagawad sa kanila.
Gayundin po, patuloy naming itinataas ang bawat isang naririto
sa pagpupulong na ito upang patuloy Mo pong pakaingatan at ilayo
sa lahat ng uri ng kapahamakan .Gabayan at huwag Mo po kaming
pababayaan aming Ama sa aming patuloy na pagharap sa mga
hamon ng mga araw na darating. Ito nawa ay magsilbing gabay
namin sa pagkakamit ng aming mga naisin para sa aming sarili at
para sa kabutihan ng lahat.
Maging buhay na saksi nawa kami ng Iyong anak na si Hesus
sa aming mga Salita at Gawa at patuloy na papag-alabin ng Banal
na Espiritu ang aming kagustuhang maglingkod. Ang lahat ng ito
ay aming iniluluhog sa Makapangyarihang Ngalan ni Hesukristong
aming Tagapagligtas sa tulong ng aming Inang si Santa Maria.
Amen