Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Mga pinuno sa komunidad
1.
2. Pinuno – ito ay taong pinakamataas na
tungkulin at pananagutan sa isang pook,
samahan, o institusyon.
Pamumuno – ito ay paraan ng pagkalap,
pagkuha, o paghingi ng tulong sa mga tao
upang matupad ang mga layunin at
kailangang gawin.
3. Kapitan
• Ito ang tawag sa pinuno ng barangay o komunidad.
• Ang namamahala sa lahat nga gawain sa barangay.
• Katulong niya ang mga kagawad at mga barangay tanod sa
pagpapanatili ng kaayusan, katahimikan, at kaunlaran ng buong
komunidad.
• Sila ay makikita sa barangay hall.
• Bumubuo ng Emergency group na laging handa sa pagtugon sa
anumang kalamidad o sakuna sa komunidad.
4. Punong-guro
• Ang tawag sa pinuno ng paaralan.
• Siya ang namamahala sa sa lahat ng gawain ng mga mag-
aaral, guro, at iba pang lingkod sa paaralan.
• Siya rin ang nangunguna sa mga proyekto at sa
pagsasaayos ng sistema sa paaralan.
• Siya ang nagpapatupad ng mga patakaran sa paaralan.
5. Doktor
• Ito ang tawag sa namumuno sa health center o sentrong
pangkalusugan ng komunidad o barangay.
• Kasama niya ang mga dentist, nars, at barangay health
worker.
• Sila ang nangangalaga sa kalusugan ng mga tao at
nanggagamot sa mga maysakit sa komunidad.
• Nagbibigay sila ng libreng serbisy sa mga maysakit at sa
mga nangangailangan ng payong pangkalusugan.
6. Hepe
• Ito ang tawag sa namumuno sa himpilan ng pulisya.
• Siya at ang mga pulis ay ang nag-aalaga sa kaligtasan ng
lahat ng tao sa komunidad.
• Tungkulin niyang ipatupad ang mga batas at ordinansa na
nagbibigay ng proteksyon sa buhay, kalayaan, karapatan, at
ari-arian ng mga tao sa komunidad.
7. Pari, Pastor, at Imam
•Pari o pastor ang tawag sa namumuno sa simabahan. (Kristiyano)
•Imam ang tawag sa namumuno sa moske. (Muslim)
•Sila ang nangangasiwa sa mga gawain at seremonyang
panrelihiyon kasama ang kanilang mga kaanib.
•Tungkulin nitong ituro sa mga tao ang mga dapat gawin upang
makamit ang inaasam na layunin, alinsunod sa kanilang paniniwala.
8. Pangulo
•Ang tawag sa pinuno ng samahan o organisasyon,
tulad ng samahan ng mga may-ari at drayber ng
traysikel.
•Siya ang nangangalaga sa sa mga karapatan ng mga
pasahero, at drayber ng mga pampublikong sasakyan.
•Sa subdibisyon ay pangunahing tungkulin nga pinuno
ay maging maayos at payapa ang lugar.