PAGGANYAK
Panuto: Ayusin ang pinaghalo-halong mga salita upang mabuo ang
pamagat ng bagong tatalakayin.
Florante at Laura ng Kahalagahan ng
Pag-aaral ng
Kahalagahan ng Pag-aaral ng
Florante at Laura
MELC: Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng
Florante at Laura batay sa mga nabasang pahiwatig sa
akda. (F8PN-IVa-b-33)
-Natutukoy ang apat na himagsik ni Balagtas
-Nakikilala ang katangian ng AWIT at KORIDO
-Naiisa-isa ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura
Si Francisco Balagtas ay naghimagsik laban sa mga
maling pamamalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Ayon kay Lope K. Santos, ang Ama ng Gramatika,
ang “Apat na Himagsik” ni Balagtas ay idinaan niya
sa pamamagitan ng panulat at panitikan. Narito
ang mga hinaing ni Francisco kaugnay ng pagsulat
niya ng Florante at Laura.
Apat na Himagsik
Himagsik laban sa malupit na pamahalaan
Mahigpit ang pamamalakad at ang pamumuno ng mga Kastila sa
bansang Pilipinas sa panahon ng kanilang pananakop. Isa ito sa mga
suliraning nais bigyang pansin ni Balagtas sa kanyang awit na Florante.
Isa sa pahiwatig na binigyang diin nya rito ay ang Saknong 14 kung saan
ipinamamalas ni Francisco ang kanyang hinagpis sa katauhan ni
Florante habang nakatali sa puno ng Higera.
“Sa loob at labas ng bayan kong sawi
Kaliluha’y siyang nangyayaring hari
Kagalinga’t bait ay nalulugami,
Ininis sa hukay ng dusa’t pighati.”
Himagsik laban sa maling kaugalian
Maraming Pilipino ang narahuyo sa maling kaugalian ng pagpapalaki sa
mga anak na nagbunga ng pagkakaroon ng mga ito ng mga ugaling
katulad ng : pagiging maiinggitin,pagiging mapaghiganti, pang- aagaw
ng pag-ibig at iba pang mga negatibong kaugalian na namana natin sa
mga kastila. Ito ay ipinahiwatig ni Balagtas sa saknong 202 kung saan
binanggit niyang ang labis na pagmamahal sa anak ay hindi nakabubuti
sa halip ay nagiging dahilan ng pagiging palalo.
“Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
sa bait at muni’t sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.”
Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya
Sa panahon ng pananakop ng mga kastila ay ipinayakap din nila sa mga
Pilipino ang Kristiyanismo, subalit kaugnay nito ay ang mga maling turo
na kaugnay ng relihiyon. Ipinakita nila ang hindi pagpapahalaga sa mga
Moro (Muslim) sa halip ay ipinaturing nilang kaaway ang mga ito. Sa
akda ni Balagtas na Florante at Laura ay ipinamalas niyang maaaring
maging magkaibigan ang Moro at Kristiyano na makikita sa katauhan
nina Aladin at Florante.
“Ipinahahayag ng pananamit mo,
Taga Albania ka at ako’y Persiano,
Ikaw ay kaaway ng bayan at sekta ko,
Sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo.”
Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila ay ipinagbawal ang pagsulat
ng mga akdang tumutuligsa sa kanilang pamamahala. Tanging ang
paksang relihiyon lamang ang pinapayagang mga paksa na dapat
taglayin ng mga panitikan. Gayunpaman sinikap ni Francisco na sumulat
ng isang awit na nasa anyong patula na tumutuligsa sa pamamahala ng
mga kastila. Ginamit niya rito ang paraan ng paglalahad na nasa anyong
patumbalik (flashback)
KATANGIAN NG FLORANTE AT LAURA
• Itinuturingn na awit ngunit sa patulang pasalaysay na anyo, ito ay
mayroong 399 na saknong at nakasulat sa isang makatang paraan na
may sumusunod na katangian
1. Mayroong apat na linya bawat saknong
2. Mayroong 12 pantig bawat linya
3. Mayroong sandaliang pagtigil sa ikaanim na pantig
4. Bawat saknong ay kumpleto at tama sa gramatikong pangungusap
5. Bawat saktong ay puno ng talinhaga
Panuto: Tukuyin ang himagsik na kinabibilangan ng
sumusunod na mga kalagayan sa ibaba. Piliin ang sagot
sa loob ng kahon.
A.Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya
B. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
C. Himagsik laban sa malupit na pamahalaan
D. Himagsik laban sa maling kaugalian
1. Ang mga Pilipino ay may matibay na paniniwala sa mga prayle (mga
kastilang pari) at labis nilang pinahahalagahan ang labis labis na pagbibigay
ng limos sa simbahan.
2. Hindi pinapayagang sumulat ng mga akdang laban sa mga kastila ang mga
Pilipino, ang sinomang magtangka ay pinararatangan ng pagiging pilibustero.
3. Nabuhay ang ugali ng pagkainggit sa mga Pilipino dahil na rin sa maling
pagpapamulat ng mga mananakop na Kastila.
4. Ang pamahalaan at ang simbahan ay pinamumunuan ng mga prayle at
hindi pinapayagan ang mga Pilipinong pumasok sa politika.
5. Ang mga akdang nalimbag ay nakatuon lamang sa paksang relihiyon at
hindi maaaring tumutol ang mga Pilipino.
*Bilang isang kabataan, paano mo ipakikita ang
iyong pagpapahalaga sa natatanging obra na
katulad ng Florante at Laura?
Ano - ano ang apat na himagsik ni Francisco
Balagtas na binigyang pansin sa kanyang
akdang Florante at Laura?
PAGTATAYA NG ARALIN
Panuto: Kilalanin ang katangiang binanggit sa mga pahayag. Isulat sa
sagutang papel kung ito ay Awit o Korido.
1. Ang mga taludtod ay binubuo ng labindalawang pantig na siyang
bumubuo sa mga saknong.
2. Ang bawat taludtod ay binibigkas sa tonong mabilis na tinatawag na
allegro.
3. Ang bawat taludtod ay binibigkas sa tonong mabagal o tinatawag na
andante.
4. Karaniwang paksa nito ay mga kabayanihan at kakayahan na
gumagamit ng kababalaghan.
5. Ang mga tauhan ay may mga katangiang katulad ng isang normal na
indibidwal at walang tinataglay na mga mahika at kapangyarihan.

filipino-week 2.pptx

  • 2.
    PAGGANYAK Panuto: Ayusin angpinaghalo-halong mga salita upang mabuo ang pamagat ng bagong tatalakayin. Florante at Laura ng Kahalagahan ng Pag-aaral ng
  • 3.
    Kahalagahan ng Pag-aaralng Florante at Laura
  • 4.
    MELC: Nahihinuha angkahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa mga nabasang pahiwatig sa akda. (F8PN-IVa-b-33) -Natutukoy ang apat na himagsik ni Balagtas -Nakikilala ang katangian ng AWIT at KORIDO -Naiisa-isa ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura
  • 5.
    Si Francisco Balagtasay naghimagsik laban sa mga maling pamamalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ayon kay Lope K. Santos, ang Ama ng Gramatika, ang “Apat na Himagsik” ni Balagtas ay idinaan niya sa pamamagitan ng panulat at panitikan. Narito ang mga hinaing ni Francisco kaugnay ng pagsulat niya ng Florante at Laura.
  • 6.
    Apat na Himagsik Himagsiklaban sa malupit na pamahalaan Mahigpit ang pamamalakad at ang pamumuno ng mga Kastila sa bansang Pilipinas sa panahon ng kanilang pananakop. Isa ito sa mga suliraning nais bigyang pansin ni Balagtas sa kanyang awit na Florante. Isa sa pahiwatig na binigyang diin nya rito ay ang Saknong 14 kung saan ipinamamalas ni Francisco ang kanyang hinagpis sa katauhan ni Florante habang nakatali sa puno ng Higera.
  • 7.
    “Sa loob atlabas ng bayan kong sawi Kaliluha’y siyang nangyayaring hari Kagalinga’t bait ay nalulugami, Ininis sa hukay ng dusa’t pighati.”
  • 8.
    Himagsik laban samaling kaugalian Maraming Pilipino ang narahuyo sa maling kaugalian ng pagpapalaki sa mga anak na nagbunga ng pagkakaroon ng mga ito ng mga ugaling katulad ng : pagiging maiinggitin,pagiging mapaghiganti, pang- aagaw ng pag-ibig at iba pang mga negatibong kaugalian na namana natin sa mga kastila. Ito ay ipinahiwatig ni Balagtas sa saknong 202 kung saan binanggit niyang ang labis na pagmamahal sa anak ay hindi nakabubuti sa halip ay nagiging dahilan ng pagiging palalo.
  • 9.
    “Ang laki salayaw karaniwa’y hubad sa bait at muni’t sa hatol ay salat; masaklap na bunga ng maling paglingap, habag ng magulang sa irog na anak.”
  • 10.
    Himagsik laban sahidwaang pananampalataya Sa panahon ng pananakop ng mga kastila ay ipinayakap din nila sa mga Pilipino ang Kristiyanismo, subalit kaugnay nito ay ang mga maling turo na kaugnay ng relihiyon. Ipinakita nila ang hindi pagpapahalaga sa mga Moro (Muslim) sa halip ay ipinaturing nilang kaaway ang mga ito. Sa akda ni Balagtas na Florante at Laura ay ipinamalas niyang maaaring maging magkaibigan ang Moro at Kristiyano na makikita sa katauhan nina Aladin at Florante.
  • 11.
    “Ipinahahayag ng pananamitmo, Taga Albania ka at ako’y Persiano, Ikaw ay kaaway ng bayan at sekta ko, Sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo.”
  • 12.
    Himagsik laban samababang uri ng panitikan Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila ay ipinagbawal ang pagsulat ng mga akdang tumutuligsa sa kanilang pamamahala. Tanging ang paksang relihiyon lamang ang pinapayagang mga paksa na dapat taglayin ng mga panitikan. Gayunpaman sinikap ni Francisco na sumulat ng isang awit na nasa anyong patula na tumutuligsa sa pamamahala ng mga kastila. Ginamit niya rito ang paraan ng paglalahad na nasa anyong patumbalik (flashback)
  • 13.
    KATANGIAN NG FLORANTEAT LAURA • Itinuturingn na awit ngunit sa patulang pasalaysay na anyo, ito ay mayroong 399 na saknong at nakasulat sa isang makatang paraan na may sumusunod na katangian 1. Mayroong apat na linya bawat saknong 2. Mayroong 12 pantig bawat linya 3. Mayroong sandaliang pagtigil sa ikaanim na pantig 4. Bawat saknong ay kumpleto at tama sa gramatikong pangungusap 5. Bawat saktong ay puno ng talinhaga
  • 15.
    Panuto: Tukuyin anghimagsik na kinabibilangan ng sumusunod na mga kalagayan sa ibaba. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. A.Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya B. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan C. Himagsik laban sa malupit na pamahalaan D. Himagsik laban sa maling kaugalian
  • 16.
    1. Ang mgaPilipino ay may matibay na paniniwala sa mga prayle (mga kastilang pari) at labis nilang pinahahalagahan ang labis labis na pagbibigay ng limos sa simbahan. 2. Hindi pinapayagang sumulat ng mga akdang laban sa mga kastila ang mga Pilipino, ang sinomang magtangka ay pinararatangan ng pagiging pilibustero. 3. Nabuhay ang ugali ng pagkainggit sa mga Pilipino dahil na rin sa maling pagpapamulat ng mga mananakop na Kastila. 4. Ang pamahalaan at ang simbahan ay pinamumunuan ng mga prayle at hindi pinapayagan ang mga Pilipinong pumasok sa politika. 5. Ang mga akdang nalimbag ay nakatuon lamang sa paksang relihiyon at hindi maaaring tumutol ang mga Pilipino.
  • 17.
    *Bilang isang kabataan,paano mo ipakikita ang iyong pagpapahalaga sa natatanging obra na katulad ng Florante at Laura?
  • 18.
    Ano - anoang apat na himagsik ni Francisco Balagtas na binigyang pansin sa kanyang akdang Florante at Laura?
  • 19.
    PAGTATAYA NG ARALIN Panuto:Kilalanin ang katangiang binanggit sa mga pahayag. Isulat sa sagutang papel kung ito ay Awit o Korido. 1. Ang mga taludtod ay binubuo ng labindalawang pantig na siyang bumubuo sa mga saknong. 2. Ang bawat taludtod ay binibigkas sa tonong mabilis na tinatawag na allegro. 3. Ang bawat taludtod ay binibigkas sa tonong mabagal o tinatawag na andante. 4. Karaniwang paksa nito ay mga kabayanihan at kakayahan na gumagamit ng kababalaghan. 5. Ang mga tauhan ay may mga katangiang katulad ng isang normal na indibidwal at walang tinataglay na mga mahika at kapangyarihan.