SlideShare a Scribd company logo
1 of 16
1
nna
Filipino 10
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Komite sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Estelita R. Portillano at Geraldo L. See Jr.
Tagasuri: Concepcion A. Argame at Imelda T. Tuaño
Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin
Tagapamahala : Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Office of the Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 10
Ikalawang Markahan
Modyul 1 para sa Sariling Pagkatuto
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Manunulat: Estelita R. Portillano at Geraldo L. See Jr.
Tagasuri: Concepcion A. Argame at Imelda T. Tuaño / Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P.
Iquin
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Modyul para sa araling Thor
at Loki sa Lupain ng mga Higante!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika 21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul
sa loob ng kahong ito:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 Modyul ukol sa Sina Thor at Loki sa Lupain
ng mga Higante!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silidaralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang
malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang
paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang pampagkatuto
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na
dapat sagutin ng mga mag-aaral
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang-
halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pagkatuto
ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Nailalahad ang pangunahing kaisipan at ideya batay sa nabasang usapan ng mga
tauhan.
MGA INAASAHAN
2. Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan.
(Collocation)
MGA INAASAHANG LAYUNIN
A. Natutukoy ang mahalagang paksa at kaisipan sa nabasang usapan.
B. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda.
C. Nakabubuo ng ibang kahulugan mula sa mga salitang pinag-ugnay.
PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot.
______1. Isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos
o bathala at ang kanilang karanasan sa pakikisalamuha sa tao.
A. Maikling kuwento B. Mitolohiya C. Nobela D. Talumpati
______2. Ang pagtatanong ni Skymir kay Thor kung may ibon ba sa taas ng puno ay
nangangahulugang hindi niya ________.
A. alam na unang nagising si Thor
B. alam na tinaga siya ni Thor
C. nalalaman ang sikreto ni Thor
D. nararamdaman ang paglipad ng ibon
______3. Ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor ay nangangahulugan
ng _________.
A. pag-alaala C. pagmamalasakit
B. pagmamahal D. pagtanaw ng utang na loob
______4. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “Nilinlang si Thor ng hari ng mga
higante upang hindi sila masakop sa kapangyarihan nito.” A. Ang
bayaning nasusugatan, nag-iibayo ng tapang.
B. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiranan sa masamang
paraan.
C. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa.
D. Matalino man ang matsing napaglalangan din.
______5. Ang salitang tubig kapag iniugnay sa salitang alat ay nagiging tubig alat na ang
ibig sabihin ay ___________.
A. tubig na galing sa dagat C. tubig na galing sa ulan
B. tubig na galing sa kanal D. tubig na nilagyan ng asin
PANUTO: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na pahayag.
_______1. Ang akdang “ Ang Kuba ng Notre Dame” ay isang nobela mula sa France.
_______2. Itinanghal si Quasimodo bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis
na kapangitan.
PAUNANG PAGSUBOK
BALIK -ARAL
_______3. Ang tauhang si Frollo na nag-alaga sa kubang si Quasimodo ay ipinakilala bilang
kontrabida.
_______4. Si Sister Gudule ang dalagang mananayaw.
_______5. Nasilayan sa nobelang ito ang hindi kapani-paniwalang katotohanang
nakayakap ang kalansay ng kuba sa katawan ng dalaga.
Basahin at unawain ang nilalaman ng mitolohiya
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
ni Snorri Sturluson
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
Mga Tauhan:
diyos: Thor - diyos ng kulog at kidlat; pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir
Loki - kasama ni Thor sa paglalakbay, may kapilyuhan higante: Skymir -
naninirahan sa kakahuyan
Utgaro-Loki - hari ng mga higante
Logi, Hugi, at Elli - kabilang sa kuta ni Utgaro-Loki
Mga tao: Thjalfti at Rosvka - anak na lalaki at babae ng magsasaka
Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utgaro, lupain
ng mga higante, ang kalaban ng mga diyos. Kinaumagahan, sila ay naglakbay sakay
ng karuwahe na hinihila ng dalawang kambing.
Nang abutin ng gabi sa paglalakbay, nagpahinga sila sa bahay ng isang
magsasaka. Kinatay ni Thor ang dalang kambing at inilagay sa malaking kaldero.
Iniluto at inihain ito sa hapunan. Inanyayahan ni Thor na sumalo sa kanila sa
pagkain ang mag-anak na magsasaka. Ang anak na lalaki ng magsasaka ay
nagngangalang Thjalfi at Roskva naman ang anak na babae. Inutos ni Thor sa
magsasaka na paghiwalayin ang buto ng kambing sa balat nito. Ngunit hindi
sumunod ang anak na lalaki na si Thjalfi sa halip ay kinuha ang bahaging pige at
hinati ito gamit ang kutsilyo. Kinabukasan, nagbihis si Thor, kinuha ang kaniyang
maso, itinaas ito at binentidahan ang kambing. Tumayo ang mga kambing ngunit
ang isa ay bali ang paa sa likod. Napansin ito ni Thor.Nagalit ito nang husto at
nanlilisik ang kaniyang mga mata. Gayon na lamang ang takot ng buong pamilya.
Halos magmakaawa sila kay Thor at sinabing handa nilang ibigay ang lahat. Nang
makita ni Thor kung gaano natakot sa kaniya ang mag-anak, naglubag din ang
kaniyang kalooban at hininging kapalit ang mga anak nito. Kaya’t sina Thjalfi at
Roskva ay naging alipin niya pagkatapos.
Ang kanilang paglalakbay ay nagpatuloy patungo sa silangang bahagi sa
lupain ng mga higante. Naglakbay sila buong araw at nang abutan ng dilim humanap
sila ng matutuluyan. Doon nila nakita ang malaking pasilyo at nagpasyang manatili
roon. Hatinggabi na nang gulatin sila ng malakas na lindol, umuuga ang buong
paligid at pakiramdam nila ay nagiba ang kanilang kinatatayuan. Nang siyasatin nila
ang paligid ay nakakita sila ng isang silid. Natakot ang mga kasama ni Thor kaya’t
ARALIN
binunot niya ang kaniyang maso at humanda sa pakikipaglaban. Maya-maya pa ay
nakarinig sila nang malakas na ungol. Kinaumagahan, nakita ni Thor sa labas ang
isang higante.Natutulog ito at umuungol nang malakas. Akmang pupukpukin ni
Thor ng kaniyang maso ang higante nang bigla itong magising. Tinanong ni Thor
ang pangalan ng higante.
Siya raw si Skrymir at nakikilala niya si Asa-Thor. Tinanong nito kung inalis
ba ni Thor ang kaniyang guwantes. Noon nalaman ni Thor na higante na pala ang
kanilang tinulugan at ang hintuturo nito ang inaakalang silid.
Tinanong ni Skrymir si Thor kung maaari siyang sumama sa kanilang
paglalakbay at ito ay pumayag naman. Nang buksan na ni Skrymir ang baon niyang
bag at humandang kumain ng almusal wala ang baon nina Thor at ito ay nasa ibang
lugar. Napagkasunduan nila na pagsamahin ang kanilang mga baon. Pumayag si
Thor, kaya’t pinagsama ni Skrymir ang kanilang mga baon sa isang bag at ibinuhol
ito. Sa kanilang paglalakad nauuna ang higante dahil sa malalaki nitong hakbang,
sila ay nagpahinga sa isang malabay na puno. Napagod ang higante kaya’t ito’y
nakatulog agad at napakalakas humilik. Kinuha ni Thor ang baon nilang bag at
inalis ang buhol nito ngunit hindi niya maalis kaya’t uminit ang kaniyang ulo at agad
kinuha ang kaniyang maso at pinukpok sa ulo ang higante. Nagising si Skrymir at
inaakalang may nalaglag na dahon sa kaniyang ulo, tinanong si Thor kung sila ay
kumain na. Sinabi nitong tapos na. Nang handa nang matulog lumipat sila ng ibang
puno. Hatinggabi na nang marinig na naman ni Thor ang malakas na hilik ng
higante. Nagising si Thor, kinuha ang kaniyang maso at muling pinukpok ang
higante. Nagising ang higante at tinanong kung may acorn ba na nahulog sa
kaniyang ulo. “Ano ang nangyayari sa iyo Thor?” sabi ng higante. Sinabi nitong siya
ay naalimpungatan lamang at mahaba pa ang oras para matulog. Naisip niya na
kapag pinukpok niya sa pangatlong beses si Skrymir ay maaaring hindi na nito
kayanin kaya’t hinintay niyang muling matulog ang higante.
Kinabukasan, habang natutulog pa ang higante ay hinugot ni Thor ang maso
sa ulo nito. Napatayo si Skrymir, kinamot ang kaniyang pisngi at nagwika kung may
mga ibon ba sa itaas ng puno. Nang siya ay magising tila may mga nahuhulog na
dahon sa kaniyang ulo. “Gising ka na ba Thor?” wika niya. Oras na upang bumangon
at magbihis. Malapit na kayo sa kaharian ni Utgaro. Narinig ko kayong
nagbubulungan na ako ay walang kuwentang higante. Kung makararating kayo kay
Utgaro makikita ninyo ang malalaking tao roon. Bibigyan ko kayo ng mabuting
payo. Huwag kayong magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro Loki.” sabi pa nito.
Nagpatuloy sa paglalakbay ang grupo ni Thor hanggang makita nila ang
matibay na tanggulan. Sinubok na buksan ni Thor ang tarangkahan ngunit hindi
niya mabuksan. Nakakita sila ng mataas na pader, pinanhik iyon at doon ay may
daanan.Nakita nila ang malalaking tao na nakaupo sa dalawang bangko. Sumunod
na araw ay kaharap na nila ang hari na si Utgaro-Loki. Nakilala niya si Thor ang
mahusay na mandirigma. “Ikaw ay malakas kaysa tingin ko lamang. Anong
kakayahan na mahusay kayo ng iyong mga kasama? Hindi namin hinahayaan na
manatili rito ang taong walang ipagmamalaki.” wika nito.
Sumagot si Loki. “Mayroon akong kakayahan na nais kong subukin. Walang
sinuman sa naririto ang bibilis pa sa akin sa pagkain.” Tinawag ni Utgaro-Loki ang
nakaupo sa dulong upuan na nagngangalang Logi. Inilagay sa gitna ng mesa ang
mga hiniwang karne. Magkatapat sa dulo ng mesa, naupo ang dalawang
magkatunggali. Kinain nila nang sobrang bilis ang karne, buto na lamang ang
naiwan sa parte ni Loki ngunit ni walang butong natira sa parte ni Logi. Kaya’t
malinaw na natalo si Loki sa nasabing labanan.
Sumunod na paligsahan naman ang pabilisan sa pagtakbo na nilahukan ng
batang si Thjalfi laban sa bata rin na si Hugi. Sa unang paglalaban, masyadong
malayo ang agwat ni Hugi. Inulit ito nang tatlong beses ngunit hindi talaga
maabutan ni Thjalfi si Hugi.
Tinanong ni Utgaro-Loki si Thor kung anong kakayahan naman ang ipakikita
nito. Sinabi nitong gusto niyang subukin ang labanan sa pabilisan ng pag-inom.
Kaya’t tinawag ni Utgaro-Loki ang cupbearer na dala-dala ang tambuli na madalas
inuman ng mga panauhin.
“Isang mahusay na manginginom ang makauubos nito sa isang lagukan, ang
iba ay kaya ito ng dalawa ngunit kadalasan ay nauubos ito nang tatlong lagukan,”
sabi ng pinuno ng mga higante.
Hindi pinansin ni Thor ang sukat ng tambuli dahil siya ay uhaw na uhaw.
Nilagok niya nang malaki ang lalagyan ngunit hindi na siya makahinga kaya’t nang
tingnan ang lalagyan ay parang wala pa ring nabawas. Ganito rin ang nangyari sa
ikalawang lagok.
Sinabi ni Utgaro-Loki “Kailangan mong lagukin itong lahat sa pangatlong
pagkakataon. Tingin ko ay hindi ka kasinlakas ng inaasahan ko.” Nagalit si Thor
kaya’t ininom ang alak gamit ang lahat ng lakas ngunit tila wala pa ring nabawas sa
laman ng tambuli kaya’t binitiwan ito hanggang sa matapon lahat ng laman.
“Ipinakikita lamang na ang lakas mong taglay ay hindi kasintindi tulad ng
aming iniisip. Gusto mo pa bang subukin ang iba pang uri ng pakikipaglaban?”
tanong ni Utgaro-Loki. “Anong labanan ang maimumungkahi mo?” sagot ni Thor.
“Isang laro na paborito ng kabataan dito buhatin ang aking pusa mula sa
lupa.” Isang abuhing pusa ang lumundag sa lupa. Malaki ito ngunit hinawakan ni
Thor ang palibot ng tiyan nito at sinubok na itaas gamit ang lahat ng lakas. Ngunit
paa lamang ng pusa ang naiangat ni Thor.
“Tapos na ang labanang ito tulad ng aking inaasahan, walang laban si Thor
sa aking malaking pusa, ano pa kaya sa malalaking tao rito?” wika ni UtgaroLoki.
“Tawagin mo na akong maliit kung gusto mo pero tumawag ka ng sinumang
makikipagbuno sa akin, galit na ako ngayon,” sabi ni Thor.
“Wala akong alam na gustong makipagbuno sa iyo ngayon pero hayaan mong
tawagin ko ang aking kinalakihang ina, ang matandang si Elli. Siya ang labanan
mo ng wrestling, marami na siyang pinatumbang mga lalaki na tulad mong
malakas.”
Hindi na dapat pahabain pa ang kuwento, habang gamit ni Thor ang kaniyang
buong lakas lalo lamang matatag ang matandang babae hanggang mawalan ng
balanse si Thor. Pumagitna si Utgaro-Loki at sinabing itigil na ang labanan. Hindi
na kailangang makipagbuno pa ni Thor kaninuman sa tagapaglingkod. Malalim na
noon ang gabi kaya’t sinamahan sila ni Utgaro-Loki kung saan sila
makapagpapahinga at inasikaso nang maayos.
Kinaumagahan, si Thor at ang kaniyang mga kasamahan ay nagbihis at
humanda na sa paglalakbay. Hinandugan sila ni Utgaro-Loki nang masaganang
agahan. Sa kanilang paghihiwalay tinanong ni Utgaro-Loki si Thor kung ano ang
naiisip nito sa kinalabasan ng kanilang paglalakbay at kung may nakilala ba itong
lalaki na higit na malakas kaysa kaniya (Utgaro-Loki). Sumagot si Thor na hindi
niya maikakaila na nalagay siya sa kahihiyan sa kanilang pagtatagpo at marahil
iniiisip nito na siya ay walang halaga at hindi niya ito gusto.
Sinabi ni Utgaro-Loki, “Ngayong palabas ka na sa aking kuta ay ipagtatapat
ko sa iyo ang katotohanan, kung ako ay mabuhay at may kontrol sa mga mangyayari,
hindi mo na kailangang bumalik pa ritong muli. Sa aking salita, ni hindi ka
makakapasok dito kung alam ko lang kung gaano ka kalakas, muntik ka nang
magdulot ng kapahamakan sa aming lahat. Ngunit nilinlang kita gamit ang aking
mahika. Noong una tayong magkita sa kakahuyan agad kitang nilapitan at nang
tangkain mong alisin ang pagkakatali ng bag hindi mo ito nagawa dahil binuhol ko
ito ng alambre. Pagkatapos noon hinampas mo ako ng iyong maso nang tatlong ulit.
Ang una ay mahina pero kung umabot ito sa akin ay patay na ako. Nang makita mo
ang burol na tila upuan ng kabayo malapit sa aking kuta kung saan naroon ang
tatlong kuwadradong lambak, ang isa ay napakalalim, ito ang marka ng iyong maso.
Inilagay ko talaga ang burol na hugis kabayo sa harap ng iyong mga hampas pero
hindi mo ito nakita. Gayun din ang nangyari nang magkaroon ng paligsahan laban
sa aking mga tagapaglingkod. Ang una, nang kainin nang mabilis ni Loki ang mga
hiniwang karne sa sobrang kagutuman pero ano ang laban niya kay Logi na tulad
ng mapaminsalang apoy na kayang sunugin ang kakahuyan. At si Thjalfi na
lumaban ng takbuhan sa tinatawag naming Hugi, siya ay lumaban sa aking
kaisipan. Walang makatatalo sa bilis ng aking kaisipan. At noong ikaw naman ay
uminom mula sa tambuli inakala mo na ikaw ay mabagal. Sa aking salita, anong
himala na ang dulo ng tambuli ay nakakabit sa dagat pero hindi mo ito nakita pero
tingnan mo ang dagat halos masaid ang tubig nito. Hindi rin kamangha-mangha sa
akin nang maiangat mo ang paa ng pusa sa lupa, pero para sabihin ko sa iyo ang
totoo ang lahat ng nakasaksi nito ay nahintakutan. Ang pusang iyon ay hindi
totoong pusa kundi isang Miogaro, isang ahas na ang haba ay sapat na upang
yakapin ang daigdig ng kaniyang ulo at buntot. Iniangat mo ito nang mataas halos
abot hanggang langit. Kamanghamangha rin nang makipagbuno ka nang matagal
at napaluhod ng isang tuhod lamang sa iyong pakikipaglaban kay Elli na wala kahit
sssino mang makagagawa niyon. At ngayon tayo ay maghihiwalay mas makabubuti
para sa ating dalawa na tayo’y di na muling magkita. Ipagpapatuloy ko ang
pagtatanggol sa aking kuta gamit ang aking mahika o anumang paraan upang hindi
manaig ang iyong kapangyarihan sa akin.
Nang marinig ito ni Thor kinuha niya ang kaniyang maso upang ipukol ngunit
wala na si Utgaro-Loki. Sa kaniyang paglingon wala na rin ang kuta kundi isang
malawak lamang na kapatagan. Muli siyang lumisan at ipinagpatuloy ang kaniyang
paglalakbay hanggang sa makabalik sa Thruovangar, ang mundo ng mga diyos.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA
Upang makasagot sa unang pagsasanay, alamin muna natin ang ibig
sabihin ng salitang kolokasyon.
Ang Kolokasyon ay ang pag-iisip ng iba pang salita na puwedeng isama sa
isang salita o talasalitaan. Dahil dito,makabubuo ng iba pang kahulugan ang salita.
Halimbawa:
1. Puso- isang importanteng parte ng katawan na nagpapadaloy ng dugo, ngunit
kung ito’y daragdagan ng iba pang salita, mag-iiba ang kahulugan nito.
• Pusong-mamon=mabait
• Puso ng saging=bunga ng saging na ginugulay
• Nagdurugong puso= nagdaramdam
• Bakal na puso= matapang, matatag
2. Hampas (malakas na pag palo) + lupa kapag ito ay pinagsama, ito ay magiging
hampas lupa.
• Hampaslupa= mahirap na tao, isang tambay
3. Basag (pagkasira ng isang bagay) + ulo (bahagi ng katawan) pag ito’y
pinagsama ito ay magiging basag ulo
• Basag ulo= isang away o laban
PAGSASANAY BLG.1
PANUTO: Magbigay ng mga salitang maisasama sa punong salita upang makabuo ng iba
pang kahulugan.
PAGSASANAY BLG. 2
MGA PAGSASANAY
Halimbawa: ulan
Tubig pampaligo
alat
kanal
Kuwento
1.
Bahay
2.
Kuwento
3.
Mata
PANUTO: Piliin sa Hanay B ang katapat ng mga pahayag sa Hanay A tungo sa pagbuo
ng isang makabuluhang kaisipan na kaugnay ng akdang binasa. Isulat
ang letra ng tamang sagot sa
patlang.
HANAY A
_____1. Nilinlang si Thor ng hari
ng mga higante _____2.
Nagalit si Thor sa hindi
pagsunod ni Thjalfi
_____3. Ipinagtapat ni Utgaro-Loki ang
ginawa niyang panlilinlang kay
Thor
_____4. Hindi lang lakas ng katawan
ang dapat gamitin sa
pakikipaglaban
_____5. Tanggapin na may mga tao o
nilalang na mas nakahihigit sa
iyo
HANAY B
A. kinuha niya ang kaniyang maso
upang ipukol ngunit wala na si
Utgaro-Loki at ang kuta nito. B.
gamitin din ang talino upang
manalo sa laban.
C. maaaring may mga bagay silang
kayang gawin na hindi mo kaya,pero
may kaya ka rin namang gawin na
hindi nila kaya.
D. upang hindi sila masakop sa
kapangyarihan nito.
E. kaya’t ginawa niyang alipin ang
dalawang anak ng magsasaka.
Tinalakay natin sa unang markahan ang mitolohiya at ang mga
elemento nito. Alamin nga natin kung natatandaan mo pa ito sa
pamamagitan ng pagsagot sa pagsasanay 3.
PAGSASANAY BLG.3
PANUTO: Suriin at unawain ang mga pahayag at tukuyin kung anong elemento
ng mitolohiya ang isinasaad ng bawat pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa patlang.
A. Banghay B. Tagpuan C. Tauhan D. Tema
____1. Si Thor ang pangunahing tauhan sa akda, diyos ng kulog at kidlat.
Pinakamalakas siya sa mga diyos ng Aesir.
____2. Naglakbay sina Thor at Loki papunta sa kaharian ni Utgora-Loki upang
makipagpaligsahan sa mga higante.
____3. Maraming kapana-panabik na pangyayari ang naganap sa akda.
____4. Nakatuon ang mga pangyayari sa akda sa mga naging suliranin ni Thor at
kung paano ito malulutas.
____5. Ang pagiging mainitin ng ulo ni Thor ay nagiging dahilan ng kanyang
kahinaan na kadalasang humahantong sa kanyang pagkatalo.
PANUTO: Mula sa paksang tinalakay dugtungan ang mga sumusunod upang
makabuo ng isang pahayag o kaisipan.
Nalaman ko na_________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Natutuhan ko na _______________________________________________________________
________________________________________________________________________________
PANUTO: Piliin sa Hanay B ang katapat ng mga pahayag sa Hanay A tungo sa
pagbuo ng isang makabuluhang kaisipan hinggil sa binasang akda. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa patlang.
Hanay A
_____1. Lakas ng katawan at
matalinong pag-iisip ang
gamiting sandata
_____2. Gamitin nang tama kung ano
man ang kapangyarihan mayroon
ka
_____3. Matutong magtimpi at huwag
pairalin ang init ng ulo
_____4. Tanggapin sa sarili na may
kaya silang gawin na hindi mo
kaya
_____5. Walang halaga ang
Kapangyarihan
Hanay B
A. kung wala naman sa puso ang
kabutihan.
B. pero may kaya ka rin namang
gawin na hindi nila kaya .
C. upang mas maging malinaw
ang isip sa pagharap sa mga
pagsubok. D. at huwag manlinlang
para lamang mapagtakpan ang
kahinaan .
E. upang manalo sa isang tunggalian.
PAGLALAHAT
PAGPAPAHALAGA
A. PANUTO: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga pahayag
__________1. Ang pagtatanong ni Skymir kay Thor kung may ibon ba sa taas ng puno
ay nangangahulugang hindi niya nalalaman ang sikreto ni Thor.
__________2. Ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor ay nangangahulugan ng
pagtanaw ng utang na loob.
__________3. Mga karaniwang mamamayan ang mga tauhan sa mitolohiya.
__________4. Hindi lang lakas ng katawan ang dapat gamitin sa pakikipaglaban,
gamitin din ang talino upang manalo sa laban.
__________5. Laging nahahampas ni Thor ng kanyang maso si Skymir dahil sa
paghihilik nito tuwing natutulog.
B. PANUTO: Tukuyin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang pinagsama sa
Hanay A isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot
Hanay A
______1. Basag-ulo
______2. Hampaslupa
______3. Matapobre
______4. Bahay kubo
______5. Taingangkawali
Hanay B
A. Isang taong nagbibingi-
bingihan lamang
B. Maliit na bahay na yari sa
pawid at kawayan
C. Isang taong mayaman na
mapanghamak sa mahirap
D. Isang taong mahirap o dukha
E. Isang away o laban
PANAPOS NA PAGSUSULIT
FILIPINO 10 SINA THOR AT LOKI SA LUPAIN NG MGA HIGANTE

More Related Content

Similar to FILIPINO 10 SINA THOR AT LOKI SA LUPAIN NG MGA HIGANTE

Filipino 10 learning material
Filipino 10  learning materialFilipino 10  learning material
Filipino 10 learning materialWalter Colega
 
Filipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModuleFilipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModulePRINTDESK by Dan
 
Filipino 10 1st Quarter.pdf
Filipino 10 1st Quarter.pdfFilipino 10 1st Quarter.pdf
Filipino 10 1st Quarter.pdfJanBaje
 
Filipino 10 learning material
Filipino 10  learning materialFilipino 10  learning material
Filipino 10 learning materialRonalyn Concordia
 
Filipino 10 learning material
Filipino 10  learning materialFilipino 10  learning material
Filipino 10 learning materialKakishika Ji
 
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892Calvin Tolentino
 
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892-150607221837-lva1-app6892
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892-150607221837-lva1-app6892Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892-150607221837-lva1-app6892
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892-150607221837-lva1-app6892Lea Eler
 
Filipino 10 learning material
Filipino 10  learning materialFilipino 10  learning material
Filipino 10 learning materialBotzKIER
 
Filipino_10_LM_1st_Grading.pdf
Filipino_10_LM_1st_Grading.pdfFilipino_10_LM_1st_Grading.pdf
Filipino_10_LM_1st_Grading.pdfJamiahBernal
 
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)Luwen Borigas
 
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892Kimberly Abao
 
Filipino Grade 10 module unit 2
Filipino Grade 10 module unit 2Filipino Grade 10 module unit 2
Filipino Grade 10 module unit 2Reynan Bolisay
 
LM Filipino Grade 10 Quarter 2
LM Filipino Grade 10 Quarter 2LM Filipino Grade 10 Quarter 2
LM Filipino Grade 10 Quarter 2Gabriel Fordan
 
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfLUELJAYVALMORES4
 
G10 Q2 W4 Filipino 10 lektura sa wikapptx
G10 Q2 W4 Filipino 10 lektura sa wikapptxG10 Q2 W4 Filipino 10 lektura sa wikapptx
G10 Q2 W4 Filipino 10 lektura sa wikapptxMark James Viñegas
 
9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)gielmark
 

Similar to FILIPINO 10 SINA THOR AT LOKI SA LUPAIN NG MGA HIGANTE (20)

FIlipino Grade 10
FIlipino Grade 10FIlipino Grade 10
FIlipino Grade 10
 
Filipino 10 learning material
Filipino 10  learning materialFilipino 10  learning material
Filipino 10 learning material
 
Filipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModuleFilipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's Module
 
Filipino 10 1st Quarter.pdf
Filipino 10 1st Quarter.pdfFilipino 10 1st Quarter.pdf
Filipino 10 1st Quarter.pdf
 
Filipino 10 learning material
Filipino 10  learning materialFilipino 10  learning material
Filipino 10 learning material
 
Filipino 10 learning material
Filipino 10  learning materialFilipino 10  learning material
Filipino 10 learning material
 
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892
 
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892-150607221837-lva1-app6892
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892-150607221837-lva1-app6892Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892-150607221837-lva1-app6892
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892-150607221837-lva1-app6892
 
Filipino 10 learning material
Filipino 10  learning materialFilipino 10  learning material
Filipino 10 learning material
 
Filipino_10_LM_1st_Grading.pdf
Filipino_10_LM_1st_Grading.pdfFilipino_10_LM_1st_Grading.pdf
Filipino_10_LM_1st_Grading.pdf
 
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
 
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892
 
Fil 10 lm q2
Fil 10 lm q2Fil 10 lm q2
Fil 10 lm q2
 
Filipino 10 lm q2
Filipino 10 lm q2Filipino 10 lm q2
Filipino 10 lm q2
 
Filipino Grade 10 module unit 2
Filipino Grade 10 module unit 2Filipino Grade 10 module unit 2
Filipino Grade 10 module unit 2
 
LM Filipino Grade 10 Quarter 2
LM Filipino Grade 10 Quarter 2LM Filipino Grade 10 Quarter 2
LM Filipino Grade 10 Quarter 2
 
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docxMITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
 
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
 
G10 Q2 W4 Filipino 10 lektura sa wikapptx
G10 Q2 W4 Filipino 10 lektura sa wikapptxG10 Q2 W4 Filipino 10 lektura sa wikapptx
G10 Q2 W4 Filipino 10 lektura sa wikapptx
 
9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)
 

Recently uploaded

ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxRioOrpiano1
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1NorbileneCayabyab1
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNRenzlorezo
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxCharmaineMacailan1
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 

Recently uploaded (20)

ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 

FILIPINO 10 SINA THOR AT LOKI SA LUPAIN NG MGA HIGANTE

  • 1. 1
  • 3. Filipino – Ikasampung Baitang Ikalawang Markahan – Modyul 1: Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may- akda. Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon Komite sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Estelita R. Portillano at Geraldo L. See Jr. Tagasuri: Concepcion A. Argame at Imelda T. Tuaño Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin Tagapamahala : Ma. Evalou Concepcion A. Agustin OIC-Schools Division Superintendent Carolina T. Rivera EdD OIC-Office of the Assistant Schools Division Superintendent Victor M. Javeña EdD Chief, School Governance and Operations Division and OIC-Chief, Curriculum Implementation Division Education Program Supervisors Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE) Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP) Bernard R. Balitao (AP/HUMSS) Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS) Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports) Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM) Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang) Perlita M. Ignacio PhD (EsP) Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE) Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
  • 4. Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig Filipino 10 Ikalawang Markahan Modyul 1 para sa Sariling Pagkatuto Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante Manunulat: Estelita R. Portillano at Geraldo L. See Jr. Tagasuri: Concepcion A. Argame at Imelda T. Tuaño / Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin
  • 5. Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Modyul para sa araling Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante! Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika 21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa loob ng kahong ito: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala at estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
  • 6. Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 Modyul ukol sa Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante! Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silidaralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. MGA INAASAHAN Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul. PAUNANG PAGSUBOK Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa. BALIK-ARAL Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa. ARALIN Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang pampagkatuto MGA PAGSASANAY Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral PAGLALAHAT Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang- halaga. PAGPAPAHALAGA Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga. PANAPOS NA PAGSUSULIT Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral. Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: KASANAYANG PAMPAGKATUTO 1. Nailalahad ang pangunahing kaisipan at ideya batay sa nabasang usapan ng mga tauhan. MGA INAASAHAN
  • 7. 2. Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan. (Collocation) MGA INAASAHANG LAYUNIN A. Natutukoy ang mahalagang paksa at kaisipan sa nabasang usapan. B. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda. C. Nakabubuo ng ibang kahulugan mula sa mga salitang pinag-ugnay. PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot. ______1. Isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang kanilang karanasan sa pakikisalamuha sa tao. A. Maikling kuwento B. Mitolohiya C. Nobela D. Talumpati ______2. Ang pagtatanong ni Skymir kay Thor kung may ibon ba sa taas ng puno ay nangangahulugang hindi niya ________. A. alam na unang nagising si Thor B. alam na tinaga siya ni Thor C. nalalaman ang sikreto ni Thor D. nararamdaman ang paglipad ng ibon ______3. Ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor ay nangangahulugan ng _________. A. pag-alaala C. pagmamalasakit B. pagmamahal D. pagtanaw ng utang na loob ______4. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “Nilinlang si Thor ng hari ng mga higante upang hindi sila masakop sa kapangyarihan nito.” A. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ng tapang. B. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiranan sa masamang paraan. C. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa. D. Matalino man ang matsing napaglalangan din. ______5. Ang salitang tubig kapag iniugnay sa salitang alat ay nagiging tubig alat na ang ibig sabihin ay ___________. A. tubig na galing sa dagat C. tubig na galing sa ulan B. tubig na galing sa kanal D. tubig na nilagyan ng asin PANUTO: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na pahayag. _______1. Ang akdang “ Ang Kuba ng Notre Dame” ay isang nobela mula sa France. _______2. Itinanghal si Quasimodo bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na kapangitan. PAUNANG PAGSUBOK BALIK -ARAL
  • 8. _______3. Ang tauhang si Frollo na nag-alaga sa kubang si Quasimodo ay ipinakilala bilang kontrabida. _______4. Si Sister Gudule ang dalagang mananayaw. _______5. Nasilayan sa nobelang ito ang hindi kapani-paniwalang katotohanang nakayakap ang kalansay ng kuba sa katawan ng dalaga. Basahin at unawain ang nilalaman ng mitolohiya Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante ni Snorri Sturluson Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina Mga Tauhan: diyos: Thor - diyos ng kulog at kidlat; pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir Loki - kasama ni Thor sa paglalakbay, may kapilyuhan higante: Skymir - naninirahan sa kakahuyan Utgaro-Loki - hari ng mga higante Logi, Hugi, at Elli - kabilang sa kuta ni Utgaro-Loki Mga tao: Thjalfti at Rosvka - anak na lalaki at babae ng magsasaka Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utgaro, lupain ng mga higante, ang kalaban ng mga diyos. Kinaumagahan, sila ay naglakbay sakay ng karuwahe na hinihila ng dalawang kambing. Nang abutin ng gabi sa paglalakbay, nagpahinga sila sa bahay ng isang magsasaka. Kinatay ni Thor ang dalang kambing at inilagay sa malaking kaldero. Iniluto at inihain ito sa hapunan. Inanyayahan ni Thor na sumalo sa kanila sa pagkain ang mag-anak na magsasaka. Ang anak na lalaki ng magsasaka ay nagngangalang Thjalfi at Roskva naman ang anak na babae. Inutos ni Thor sa magsasaka na paghiwalayin ang buto ng kambing sa balat nito. Ngunit hindi sumunod ang anak na lalaki na si Thjalfi sa halip ay kinuha ang bahaging pige at hinati ito gamit ang kutsilyo. Kinabukasan, nagbihis si Thor, kinuha ang kaniyang maso, itinaas ito at binentidahan ang kambing. Tumayo ang mga kambing ngunit ang isa ay bali ang paa sa likod. Napansin ito ni Thor.Nagalit ito nang husto at nanlilisik ang kaniyang mga mata. Gayon na lamang ang takot ng buong pamilya. Halos magmakaawa sila kay Thor at sinabing handa nilang ibigay ang lahat. Nang makita ni Thor kung gaano natakot sa kaniya ang mag-anak, naglubag din ang kaniyang kalooban at hininging kapalit ang mga anak nito. Kaya’t sina Thjalfi at Roskva ay naging alipin niya pagkatapos. Ang kanilang paglalakbay ay nagpatuloy patungo sa silangang bahagi sa lupain ng mga higante. Naglakbay sila buong araw at nang abutan ng dilim humanap sila ng matutuluyan. Doon nila nakita ang malaking pasilyo at nagpasyang manatili roon. Hatinggabi na nang gulatin sila ng malakas na lindol, umuuga ang buong paligid at pakiramdam nila ay nagiba ang kanilang kinatatayuan. Nang siyasatin nila ang paligid ay nakakita sila ng isang silid. Natakot ang mga kasama ni Thor kaya’t ARALIN
  • 9. binunot niya ang kaniyang maso at humanda sa pakikipaglaban. Maya-maya pa ay nakarinig sila nang malakas na ungol. Kinaumagahan, nakita ni Thor sa labas ang isang higante.Natutulog ito at umuungol nang malakas. Akmang pupukpukin ni Thor ng kaniyang maso ang higante nang bigla itong magising. Tinanong ni Thor ang pangalan ng higante. Siya raw si Skrymir at nakikilala niya si Asa-Thor. Tinanong nito kung inalis ba ni Thor ang kaniyang guwantes. Noon nalaman ni Thor na higante na pala ang kanilang tinulugan at ang hintuturo nito ang inaakalang silid. Tinanong ni Skrymir si Thor kung maaari siyang sumama sa kanilang paglalakbay at ito ay pumayag naman. Nang buksan na ni Skrymir ang baon niyang bag at humandang kumain ng almusal wala ang baon nina Thor at ito ay nasa ibang lugar. Napagkasunduan nila na pagsamahin ang kanilang mga baon. Pumayag si Thor, kaya’t pinagsama ni Skrymir ang kanilang mga baon sa isang bag at ibinuhol ito. Sa kanilang paglalakad nauuna ang higante dahil sa malalaki nitong hakbang, sila ay nagpahinga sa isang malabay na puno. Napagod ang higante kaya’t ito’y nakatulog agad at napakalakas humilik. Kinuha ni Thor ang baon nilang bag at inalis ang buhol nito ngunit hindi niya maalis kaya’t uminit ang kaniyang ulo at agad kinuha ang kaniyang maso at pinukpok sa ulo ang higante. Nagising si Skrymir at inaakalang may nalaglag na dahon sa kaniyang ulo, tinanong si Thor kung sila ay kumain na. Sinabi nitong tapos na. Nang handa nang matulog lumipat sila ng ibang puno. Hatinggabi na nang marinig na naman ni Thor ang malakas na hilik ng higante. Nagising si Thor, kinuha ang kaniyang maso at muling pinukpok ang higante. Nagising ang higante at tinanong kung may acorn ba na nahulog sa kaniyang ulo. “Ano ang nangyayari sa iyo Thor?” sabi ng higante. Sinabi nitong siya ay naalimpungatan lamang at mahaba pa ang oras para matulog. Naisip niya na kapag pinukpok niya sa pangatlong beses si Skrymir ay maaaring hindi na nito kayanin kaya’t hinintay niyang muling matulog ang higante. Kinabukasan, habang natutulog pa ang higante ay hinugot ni Thor ang maso sa ulo nito. Napatayo si Skrymir, kinamot ang kaniyang pisngi at nagwika kung may mga ibon ba sa itaas ng puno. Nang siya ay magising tila may mga nahuhulog na dahon sa kaniyang ulo. “Gising ka na ba Thor?” wika niya. Oras na upang bumangon at magbihis. Malapit na kayo sa kaharian ni Utgaro. Narinig ko kayong nagbubulungan na ako ay walang kuwentang higante. Kung makararating kayo kay Utgaro makikita ninyo ang malalaking tao roon. Bibigyan ko kayo ng mabuting payo. Huwag kayong magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro Loki.” sabi pa nito. Nagpatuloy sa paglalakbay ang grupo ni Thor hanggang makita nila ang matibay na tanggulan. Sinubok na buksan ni Thor ang tarangkahan ngunit hindi niya mabuksan. Nakakita sila ng mataas na pader, pinanhik iyon at doon ay may daanan.Nakita nila ang malalaking tao na nakaupo sa dalawang bangko. Sumunod na araw ay kaharap na nila ang hari na si Utgaro-Loki. Nakilala niya si Thor ang mahusay na mandirigma. “Ikaw ay malakas kaysa tingin ko lamang. Anong kakayahan na mahusay kayo ng iyong mga kasama? Hindi namin hinahayaan na manatili rito ang taong walang ipagmamalaki.” wika nito. Sumagot si Loki. “Mayroon akong kakayahan na nais kong subukin. Walang sinuman sa naririto ang bibilis pa sa akin sa pagkain.” Tinawag ni Utgaro-Loki ang nakaupo sa dulong upuan na nagngangalang Logi. Inilagay sa gitna ng mesa ang mga hiniwang karne. Magkatapat sa dulo ng mesa, naupo ang dalawang magkatunggali. Kinain nila nang sobrang bilis ang karne, buto na lamang ang
  • 10. naiwan sa parte ni Loki ngunit ni walang butong natira sa parte ni Logi. Kaya’t malinaw na natalo si Loki sa nasabing labanan. Sumunod na paligsahan naman ang pabilisan sa pagtakbo na nilahukan ng batang si Thjalfi laban sa bata rin na si Hugi. Sa unang paglalaban, masyadong malayo ang agwat ni Hugi. Inulit ito nang tatlong beses ngunit hindi talaga maabutan ni Thjalfi si Hugi. Tinanong ni Utgaro-Loki si Thor kung anong kakayahan naman ang ipakikita nito. Sinabi nitong gusto niyang subukin ang labanan sa pabilisan ng pag-inom. Kaya’t tinawag ni Utgaro-Loki ang cupbearer na dala-dala ang tambuli na madalas inuman ng mga panauhin. “Isang mahusay na manginginom ang makauubos nito sa isang lagukan, ang iba ay kaya ito ng dalawa ngunit kadalasan ay nauubos ito nang tatlong lagukan,” sabi ng pinuno ng mga higante. Hindi pinansin ni Thor ang sukat ng tambuli dahil siya ay uhaw na uhaw. Nilagok niya nang malaki ang lalagyan ngunit hindi na siya makahinga kaya’t nang tingnan ang lalagyan ay parang wala pa ring nabawas. Ganito rin ang nangyari sa ikalawang lagok. Sinabi ni Utgaro-Loki “Kailangan mong lagukin itong lahat sa pangatlong pagkakataon. Tingin ko ay hindi ka kasinlakas ng inaasahan ko.” Nagalit si Thor kaya’t ininom ang alak gamit ang lahat ng lakas ngunit tila wala pa ring nabawas sa laman ng tambuli kaya’t binitiwan ito hanggang sa matapon lahat ng laman. “Ipinakikita lamang na ang lakas mong taglay ay hindi kasintindi tulad ng aming iniisip. Gusto mo pa bang subukin ang iba pang uri ng pakikipaglaban?” tanong ni Utgaro-Loki. “Anong labanan ang maimumungkahi mo?” sagot ni Thor. “Isang laro na paborito ng kabataan dito buhatin ang aking pusa mula sa lupa.” Isang abuhing pusa ang lumundag sa lupa. Malaki ito ngunit hinawakan ni Thor ang palibot ng tiyan nito at sinubok na itaas gamit ang lahat ng lakas. Ngunit paa lamang ng pusa ang naiangat ni Thor. “Tapos na ang labanang ito tulad ng aking inaasahan, walang laban si Thor sa aking malaking pusa, ano pa kaya sa malalaking tao rito?” wika ni UtgaroLoki. “Tawagin mo na akong maliit kung gusto mo pero tumawag ka ng sinumang makikipagbuno sa akin, galit na ako ngayon,” sabi ni Thor. “Wala akong alam na gustong makipagbuno sa iyo ngayon pero hayaan mong tawagin ko ang aking kinalakihang ina, ang matandang si Elli. Siya ang labanan mo ng wrestling, marami na siyang pinatumbang mga lalaki na tulad mong malakas.” Hindi na dapat pahabain pa ang kuwento, habang gamit ni Thor ang kaniyang buong lakas lalo lamang matatag ang matandang babae hanggang mawalan ng balanse si Thor. Pumagitna si Utgaro-Loki at sinabing itigil na ang labanan. Hindi na kailangang makipagbuno pa ni Thor kaninuman sa tagapaglingkod. Malalim na noon ang gabi kaya’t sinamahan sila ni Utgaro-Loki kung saan sila makapagpapahinga at inasikaso nang maayos. Kinaumagahan, si Thor at ang kaniyang mga kasamahan ay nagbihis at humanda na sa paglalakbay. Hinandugan sila ni Utgaro-Loki nang masaganang agahan. Sa kanilang paghihiwalay tinanong ni Utgaro-Loki si Thor kung ano ang naiisip nito sa kinalabasan ng kanilang paglalakbay at kung may nakilala ba itong lalaki na higit na malakas kaysa kaniya (Utgaro-Loki). Sumagot si Thor na hindi niya maikakaila na nalagay siya sa kahihiyan sa kanilang pagtatagpo at marahil iniiisip nito na siya ay walang halaga at hindi niya ito gusto.
  • 11. Sinabi ni Utgaro-Loki, “Ngayong palabas ka na sa aking kuta ay ipagtatapat ko sa iyo ang katotohanan, kung ako ay mabuhay at may kontrol sa mga mangyayari, hindi mo na kailangang bumalik pa ritong muli. Sa aking salita, ni hindi ka makakapasok dito kung alam ko lang kung gaano ka kalakas, muntik ka nang magdulot ng kapahamakan sa aming lahat. Ngunit nilinlang kita gamit ang aking mahika. Noong una tayong magkita sa kakahuyan agad kitang nilapitan at nang tangkain mong alisin ang pagkakatali ng bag hindi mo ito nagawa dahil binuhol ko ito ng alambre. Pagkatapos noon hinampas mo ako ng iyong maso nang tatlong ulit. Ang una ay mahina pero kung umabot ito sa akin ay patay na ako. Nang makita mo ang burol na tila upuan ng kabayo malapit sa aking kuta kung saan naroon ang tatlong kuwadradong lambak, ang isa ay napakalalim, ito ang marka ng iyong maso. Inilagay ko talaga ang burol na hugis kabayo sa harap ng iyong mga hampas pero hindi mo ito nakita. Gayun din ang nangyari nang magkaroon ng paligsahan laban sa aking mga tagapaglingkod. Ang una, nang kainin nang mabilis ni Loki ang mga hiniwang karne sa sobrang kagutuman pero ano ang laban niya kay Logi na tulad ng mapaminsalang apoy na kayang sunugin ang kakahuyan. At si Thjalfi na lumaban ng takbuhan sa tinatawag naming Hugi, siya ay lumaban sa aking kaisipan. Walang makatatalo sa bilis ng aking kaisipan. At noong ikaw naman ay uminom mula sa tambuli inakala mo na ikaw ay mabagal. Sa aking salita, anong himala na ang dulo ng tambuli ay nakakabit sa dagat pero hindi mo ito nakita pero tingnan mo ang dagat halos masaid ang tubig nito. Hindi rin kamangha-mangha sa akin nang maiangat mo ang paa ng pusa sa lupa, pero para sabihin ko sa iyo ang totoo ang lahat ng nakasaksi nito ay nahintakutan. Ang pusang iyon ay hindi totoong pusa kundi isang Miogaro, isang ahas na ang haba ay sapat na upang yakapin ang daigdig ng kaniyang ulo at buntot. Iniangat mo ito nang mataas halos abot hanggang langit. Kamanghamangha rin nang makipagbuno ka nang matagal at napaluhod ng isang tuhod lamang sa iyong pakikipaglaban kay Elli na wala kahit sssino mang makagagawa niyon. At ngayon tayo ay maghihiwalay mas makabubuti para sa ating dalawa na tayo’y di na muling magkita. Ipagpapatuloy ko ang pagtatanggol sa aking kuta gamit ang aking mahika o anumang paraan upang hindi manaig ang iyong kapangyarihan sa akin. Nang marinig ito ni Thor kinuha niya ang kaniyang maso upang ipukol ngunit wala na si Utgaro-Loki. Sa kaniyang paglingon wala na rin ang kuta kundi isang malawak lamang na kapatagan. Muli siyang lumisan at ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakbay hanggang sa makabalik sa Thruovangar, ang mundo ng mga diyos. - Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA Upang makasagot sa unang pagsasanay, alamin muna natin ang ibig sabihin ng salitang kolokasyon. Ang Kolokasyon ay ang pag-iisip ng iba pang salita na puwedeng isama sa isang salita o talasalitaan. Dahil dito,makabubuo ng iba pang kahulugan ang salita. Halimbawa: 1. Puso- isang importanteng parte ng katawan na nagpapadaloy ng dugo, ngunit kung ito’y daragdagan ng iba pang salita, mag-iiba ang kahulugan nito. • Pusong-mamon=mabait • Puso ng saging=bunga ng saging na ginugulay
  • 12. • Nagdurugong puso= nagdaramdam • Bakal na puso= matapang, matatag 2. Hampas (malakas na pag palo) + lupa kapag ito ay pinagsama, ito ay magiging hampas lupa. • Hampaslupa= mahirap na tao, isang tambay 3. Basag (pagkasira ng isang bagay) + ulo (bahagi ng katawan) pag ito’y pinagsama ito ay magiging basag ulo • Basag ulo= isang away o laban PAGSASANAY BLG.1 PANUTO: Magbigay ng mga salitang maisasama sa punong salita upang makabuo ng iba pang kahulugan. PAGSASANAY BLG. 2 MGA PAGSASANAY Halimbawa: ulan Tubig pampaligo alat kanal Kuwento 1. Bahay 2. Kuwento 3. Mata
  • 13. PANUTO: Piliin sa Hanay B ang katapat ng mga pahayag sa Hanay A tungo sa pagbuo ng isang makabuluhang kaisipan na kaugnay ng akdang binasa. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang. HANAY A _____1. Nilinlang si Thor ng hari ng mga higante _____2. Nagalit si Thor sa hindi pagsunod ni Thjalfi _____3. Ipinagtapat ni Utgaro-Loki ang ginawa niyang panlilinlang kay Thor _____4. Hindi lang lakas ng katawan ang dapat gamitin sa pakikipaglaban _____5. Tanggapin na may mga tao o nilalang na mas nakahihigit sa iyo HANAY B A. kinuha niya ang kaniyang maso upang ipukol ngunit wala na si Utgaro-Loki at ang kuta nito. B. gamitin din ang talino upang manalo sa laban. C. maaaring may mga bagay silang kayang gawin na hindi mo kaya,pero may kaya ka rin namang gawin na hindi nila kaya. D. upang hindi sila masakop sa kapangyarihan nito. E. kaya’t ginawa niyang alipin ang dalawang anak ng magsasaka. Tinalakay natin sa unang markahan ang mitolohiya at ang mga elemento nito. Alamin nga natin kung natatandaan mo pa ito sa pamamagitan ng pagsagot sa pagsasanay 3. PAGSASANAY BLG.3 PANUTO: Suriin at unawain ang mga pahayag at tukuyin kung anong elemento ng mitolohiya ang isinasaad ng bawat pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang. A. Banghay B. Tagpuan C. Tauhan D. Tema ____1. Si Thor ang pangunahing tauhan sa akda, diyos ng kulog at kidlat. Pinakamalakas siya sa mga diyos ng Aesir. ____2. Naglakbay sina Thor at Loki papunta sa kaharian ni Utgora-Loki upang makipagpaligsahan sa mga higante. ____3. Maraming kapana-panabik na pangyayari ang naganap sa akda. ____4. Nakatuon ang mga pangyayari sa akda sa mga naging suliranin ni Thor at kung paano ito malulutas. ____5. Ang pagiging mainitin ng ulo ni Thor ay nagiging dahilan ng kanyang kahinaan na kadalasang humahantong sa kanyang pagkatalo.
  • 14. PANUTO: Mula sa paksang tinalakay dugtungan ang mga sumusunod upang makabuo ng isang pahayag o kaisipan. Nalaman ko na_________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ Natutuhan ko na _______________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ PANUTO: Piliin sa Hanay B ang katapat ng mga pahayag sa Hanay A tungo sa pagbuo ng isang makabuluhang kaisipan hinggil sa binasang akda. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang. Hanay A _____1. Lakas ng katawan at matalinong pag-iisip ang gamiting sandata _____2. Gamitin nang tama kung ano man ang kapangyarihan mayroon ka _____3. Matutong magtimpi at huwag pairalin ang init ng ulo _____4. Tanggapin sa sarili na may kaya silang gawin na hindi mo kaya _____5. Walang halaga ang Kapangyarihan Hanay B A. kung wala naman sa puso ang kabutihan. B. pero may kaya ka rin namang gawin na hindi nila kaya . C. upang mas maging malinaw ang isip sa pagharap sa mga pagsubok. D. at huwag manlinlang para lamang mapagtakpan ang kahinaan . E. upang manalo sa isang tunggalian. PAGLALAHAT PAGPAPAHALAGA
  • 15. A. PANUTO: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga pahayag __________1. Ang pagtatanong ni Skymir kay Thor kung may ibon ba sa taas ng puno ay nangangahulugang hindi niya nalalaman ang sikreto ni Thor. __________2. Ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor ay nangangahulugan ng pagtanaw ng utang na loob. __________3. Mga karaniwang mamamayan ang mga tauhan sa mitolohiya. __________4. Hindi lang lakas ng katawan ang dapat gamitin sa pakikipaglaban, gamitin din ang talino upang manalo sa laban. __________5. Laging nahahampas ni Thor ng kanyang maso si Skymir dahil sa paghihilik nito tuwing natutulog. B. PANUTO: Tukuyin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang pinagsama sa Hanay A isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot Hanay A ______1. Basag-ulo ______2. Hampaslupa ______3. Matapobre ______4. Bahay kubo ______5. Taingangkawali Hanay B A. Isang taong nagbibingi- bingihan lamang B. Maliit na bahay na yari sa pawid at kawayan C. Isang taong mayaman na mapanghamak sa mahirap D. Isang taong mahirap o dukha E. Isang away o laban PANAPOS NA PAGSUSULIT