1. MRS. LYKA M.DUNGO
Paggamit nang Wasto sa mga
Pangngalang Kongkreto at Di-
Kongkreto sa Pakikipag-usap
sa Iba’t Ibang Sitwasyon
2. Basahing mabuti ang maikling
sanaysay at tukuyin ang mga
pangngalang nakasaad dito.
3. Ang telebisyon o Internet ay ilang
halimbawa lamang ng samu’t saring
midya na maaari nating gamitin sa
ating pag-aaral. Kung noon aklat
lamang ang mabisang kagamitan sa
pag-aaral, ngayon, dahil sa
makabagong teknolohiya sa ating
mundo marami na ang kagamitang
ating magagamit. Napagagaan nito ang
pag-aaral sa mga impormasyong
makukuha sa bawat isa. Ngunit kung
minsan, dapat din nating alamin kung
ang bawat impormasyon ay may
mabuti at hindi mabuting maidudulot.
4. Paggamit nang Wasto sa mga
Pangngalang Kongkreto at Di-
Kongkreto sa Pakikipag-usap
sa Iba’t Ibang Sitwasyon
5. Ang pagtukoy ng mga pangngalang kongkreto at
di-kongkreto ay nakatutulong sa wastong paggamit
ng mga ito sa pakikipag-usap sa iba’ti bang
sitwasyon. Napadadali nito ang pag-unawa ng mga
mambabasa sa mga pangungusap o talatang
binabasa. Nabibigyang pagkakataon din ang mga
mambabasa na pahalagahan ang kanilang
nababasang mga kuwento o sanaysay.
7. Ang mga Pilipino ay likas na malikhain at masining. Nakikilala sa
buong mundo ang mga produkto ng Pilipinas. Nariyan ang mga
barong, bestida, mantel, telang pinya, sinamay, at jusina may
pinong-pinong burdang kamay mula sa Batangas at Bulacan. Kay
ganda rin ng mga telang hinahabi sa hand loom o habihan ng mga
kababaihan sa Ilocos, Baguio, Benguet at Ifugao. Sa Laguna
naman nagmumula ang magagandang nililok na mga kagamitan at
pandekorasyon. Kay gagandang muwebles din ang nanggagaling
sa Pampanga. Ang Leyte at Samar ay may magagandang banig
na tikug. At higit sa lahat ay ang makukulay na dyip na likha sa
Pilipinas. Ang lahat ng ito at iba pang likhang-sining ay
maipagmamalaki ng sinumang Pilipino.
9. Pangngalang pambalana ang
ginagamit na pantawag o pantukoy sa
di-tiyak na ngalan ng tao, bagay, pook
o lugar, pangyayari. Nauuri ang mga
pangngalang pambalana sa
pangngalang kongkreto at di-
kongkreto.
10. Pangngalang kongkreto o tahas
ang tawag sa mga pangngalang
pambalana na tumutukoy sa mga
material na bagay na maaaring
nakikita, nahihipo o nahahawakan.
Halimabawa: kamay, gamot, pagkain,
damit, silid
11. Pangngalang di-kongkreto o basal
ang tawag sa mga pangngalang
pambalana na tumutukoy sa diwa o
kaisipan, hindi man ito aktwal na
nakikita ngunit nararamdaman
naman. Halimbawa: bait, bulong,
lambing, poot, pagod
13. Tukuyin kung ang mga sumusunod na salita ay Kongkreto o Di-
Kongkreto.
Tukuyin kung ang mga sumusunod na salita ay Kongkreto o Di-
Kongkreto.
____1. dyaryo
____2. pag-ibig
____3. katahimikan
____4. salamin
____5. pagkain
____6. Kabayanihan
____2. Pag-titipid
____3. bulaklak
____4. mangingisda
____5. takot
14. _______ 1. Masakit para kay Bea ang mga sinabi ni Glenn
_______ 2. Maaari ba akong makitawag sa iyong telepono?
Tatawagan ko lamang si nanay.
_______ 3. Ipinakita sa akin ni Tin ang bago niyang bag.
_______ 4. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
_______ 5. Laging sinasabi ng aking magulang na gumalang ako
sa mga nakakatanda.
Basahin ang mga pangungusap at bilugan ang mga salitang
kongkreto o di-kongkreto. Isulat sa patlang ang K kung ito
ay kongkreto at DK kung ito ay di-kongkreto.
15. Basahin at unawain ang editoryal. Piliin ang mga pangngalang
pambalanang nakasaad dito.
Delivery – Ang Bagong Normal
Sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic naging uso ang delivery services, partikular ang
pagkain dahil sa lockdown, community quarantine, enhanced community quarantine at
maging ang general community quarantine. Kasi nga sarado ang mga restaurant at wala
ring masakyan patungong supermarket na pagkahaba-haba ng pila dahil sa social
distancing. Sarado ang malls, event centers, mga gyms, offices, sabungan at maging
simbahan ay hindi pa pinahihintulutang magdaos ng misa. Ito ay upang makasiguro na
hindi magkukumpulan sa iisang lugar ang mga tao at nang maiwasan ang pagdami ng
mga infected ng COVID-19. At nangyayari ito sa iba’t ibang sulok ng mundo. Isang pindot
nga lang ng cellphone ay agad-agad nakakaorder ng kailangan natin kagaya ng gamut
dahil nga sa dumami ang delivery services ngayon. Ito narin ang naging paraan ng mga
may puwesto na nagtitinda ng karne, isda o gulay upang may kita sila kahit paano.
Nakikita na natin ang trend sa mga darating na araw dahil sa COVID-19 pandemic. Ito ay
ang pamamayagpag ng delivery sa darating pang mga taon.
16. Gamit ang editorial na binasa sa Malayang Gawain 1, punan ng mga wastong
pangngalan ang mga grapiko sa ibaba ayon sa uri ng mga ito. Iguhit ang mga
grapiko sa sagutang papel at itala ang iyong mga wastong kasagutan.
18. Basahin ang sumusunod na usapan. Pagkatapos, punan ng
wastong pangngalang pambalana ang mga puwang upang
mabuo ang kaisipan ng usapan. Piliin ang wastong sagot sa
ibaba..
relief operations paghihirap Diyos
bagyo donasyon kababayan
ari-arian problema damit buhay
19. Tulong 101
Marta: Magandang umaga! Kumusta ka na Maria?
Maria: Magandang umaga rin sa iyo, Marta! Mabuti naman
ako. Ikaw, kumusta ka na?
Marta: Mabuti rin naman ako. Nabalitaan mo na ba ang
malaking pinsalang dulot ng nagdaang (1)___________?
Maria: Oo. Tunay na maraming nasirang (2) __________ at
mga (3) __________ nanawala pagkatapos ng bagyo.
Marta: Malaking (4) __________ ito. (5) __________ na ang
ating sandigan sa lahat ng pagkakataon. Maria: Sana
mabawasan ang (6) ___________ ng ating mga (7)
___________.
Marta: Gusto mo bang sumama sa akin?
20. Maria: Saan?
Marta: Magpupunta kami nina Juan at Pedro sa CSB
upang tumulong sa (8)___________.
Maria: Sige, sasama ako sa inyo. Naipon ko na sa
malaking kahon ang aking mga (9) ____________.
Marta: Mainam iyan. Ako rin. Uuwi ako at kukunin ko
muna ang mga (10) ___________ na ido-donate ko.
Maria: Magkita tayo mamaya sa labas ng CBS gate,
sa tabi ng mataas na puno, sa ganap na alas-9 ng
umaga.
Marta: Sige. Paalam! Maria: Kita tayo mamaya.
Paalam din.