Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Pang-Abay. Dito din matatagpuan ang kahulugan, mga uri at mga gawain patungkol sa paksang Pang-Abay
Panaganong-Paturol (definition,information and more)Ruellyn Ortega
kahulugan at mga Halimbawa ng Panaganong-Paturol . definition, information, and many more . indicative na pandiwa pokus sa aktor, internal na aksyon , external na kilos at malawakan,
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Pang-Abay. Dito din matatagpuan ang kahulugan, mga uri at mga gawain patungkol sa paksang Pang-Abay
Panaganong-Paturol (definition,information and more)Ruellyn Ortega
kahulugan at mga Halimbawa ng Panaganong-Paturol . definition, information, and many more . indicative na pandiwa pokus sa aktor, internal na aksyon , external na kilos at malawakan,
Ang Respeto sa magulang ay hindi mo dapat kaligtaan, saan ka man mapadpad ang mga payo at pangaral nila ay higit pa sa tunay na pag-ibig sa mga telenobela at pelikula. Ang mahalaga mahal mo sila at walang ano mang yaman ang makakapalit sa iyong ama't ina. Ang malayang PAG-IBIG.. -lUMAGO
Ito ay isang powerpoint presentation na naglalaman patungkol sa paksang Konotasyon at Denotasyon. Dito din matatagpuan ang mga kahulugan nito at ang mga halimbawa nito.
Ang Respeto sa magulang ay hindi mo dapat kaligtaan, saan ka man mapadpad ang mga payo at pangaral nila ay higit pa sa tunay na pag-ibig sa mga telenobela at pelikula. Ang mahalaga mahal mo sila at walang ano mang yaman ang makakapalit sa iyong ama't ina. Ang malayang PAG-IBIG.. -lUMAGO
Ito ay isang powerpoint presentation na naglalaman patungkol sa paksang Konotasyon at Denotasyon. Dito din matatagpuan ang mga kahulugan nito at ang mga halimbawa nito.
1. “Anak mag-aral kang mabuti para sa
Iyong kinabukasan at para sa ating
pamilya. “Narinig mo na ba ito sa iyong
nanay o tatay, maging sa Iyong lolo
o lola? May ideya ka ba kung bakit
nila ito sinabi sa iyo?
2. Matapos mong magpamalas ng kasipagan sa pag-aaral,
paghahasa ng iyong isipan sa mga pagsusulit, at pagbubuo ng
mga konsepto mula sa lahat ng iyong mga natutuhan ano
naman kaya ang paghahandang iyong ginawa upang makapili
ng angkop o tamang Track o Kurso tungo sa hanapbuhay o
trabahong iyong papasukin ?
Nais mo bang malaman ang mga pangunahing salik sa
pagpili ng tamang Track o Kurso akademiko o teknikal-
bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, ngunit nauunahanka ng
agam-agam o pagkalito dahil sa dami ng nanghihikayat sa iyo o
dahil sa impluwensiya ng kapaligiran at sa lumalaking Demand
ng lipunan?
3. Ngayong nasa baitang 9 ka na, may kakayahan ka nang mag-isip at may malayang
kilos-loob na gabay mo sa paggawa ng mabuti.Ang iyong isip ay may kakayahang
alamin at tuklasin ang anumang bagay na naisin. Dahil dito, sa pagkakataon na
ikaw ay magpapasiya at may panahong nalilito sa pagpili ng anumang bagay o
solusyon, nararapat na iwasan ang mabilisan at di pinag-isipang kilos.
Ngayong nasa baitang 9 ka na, may kakayahan ka nang mag-isip at may
malayang kilos-loob na gabay mo sa paggawa ng mabuti.Ang iyong isip ay
may kakayahang alamin at tuklasin ang anumang bagay na naisin. Dahil
dito, sa pagkakataon na ikaw ay magpapasiya at may panahong nalilito sa
pagpili ng anumang bagay o solusyon, nararapat na iwasan ang mabilisan at
di pinag-isipang kilos.
Kaugnay nito, mula sa pananaw ng isang Alemang Pilosoper
na si Jurgen Habermas tungkol sa pagiging indibidwal ng tao na
tayo ay nilikha upang makipagkapuwa at makibahagi sa buhay
sa mundo (Lifeworld), at itong buhay na mundo ay nabubuo
naman sa pagkomunikasyon ng kaniyang mga kasapi. Dagdag
pa niya, nahuhubog lamang ng tao ang kaniyang
pagkakakilanlan sa pakikibahagi sa kaniyang pakikipag-
ugnayan sa kapuwa. Ito ay pananaw na etikal sapagkat may
Kinalaman ito sa magandang buhay para sa akin, para sa atin at
sa ating lipunan (Good life for me for us in community) at moral
dahil ibinibigay nito kung ano ang mabuti para sa lahat
(what is just for all). Nakita mo na napakahalaga ng iyong
bahagi sa iyong sairili, kapuwa, at sa lipunan. Ikaw ang bumubuo
sa pangkalahatan.
4. Ang isang kabataan na nais ng kalayaan ay kailangan ng makintal sa
isip ang kaniyang kapangyarihan na gamitin sa tama at mabuti ang
kaniyang pagpili.
Mgapansariling salik
1.TALENTO (TALENTS)-Biyaya at likas na kakayahang kailangan tuklasin dahil ito ang
magsisilbi mong batayan sa pagpili ng tamang Track o Kursong akademiko o teknikal-
bokasyonal , negosyo o hanapbuhay sa iyong pagtatapos ng Junior High School (Baitang 10)
2.KASANAYAN (SKILLS)-Ito maituturing na mahalagang salik sa paghahanda sa iyong
Pipiliing Track o Kurso. Ang mga kasanayang ating tinutukoy ay ang mga bagay kung saan
tayo mahusay o magaling. Ito ay madalas na iniuugnay sa salitang abilidad , kakayahan
(competency) o kahusayan (proficiency). Upang makilala at matukoy mo ang iyong mga
kasanayan sa isang bagay, kailangan ikaw ay may hilig o interes,mga tiyak na potensiyal at
malakaw kaalaman. (Career Planning Workbook, 2006):
A.Kasanayan sa pakikiharap sa mga tao (People Skills)- nakikipagtulungan at nakikisama sa
iba, magiliw, naglilingkod, at nanghihikayat sa iba ma kumilos, mag isip para sa iba.
5. B.Kasanayan sa mga Datos (Data Skills)-humahawak ng mga dokumneto, datos, bilang,
nagsasalita o nag-aayos ng mga files at inoorganisa ito, lumilikha ng mga sistemang
nauukol sa mga trabahong inatang sakanya
C.Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Things Skills)-nagpapaandar, nagpapanatili o
nagbubuo ng mga makina, inaayos ang mga kagamitan; nakauunawa at umaayos sa mga
pisikal, kemikal, at biyolohikong mga functions.
D.Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills)-lumulutas ng mga mahihirap at
teknikal sa bagay at nagpapahayag ng mga saalobin at damdamin sa malikhaing paraan.
3.HILIG (HOBBY)-Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil
gusto mo at buo ang iyong puso na ubigay ang lahat ng makakaya nang hindi
nakakaramdam ng pagod o pagkabagot.
Hinati ng Sikolohistang si John Holland sa anim ang mga Jobs/Careers
/Workenvironments, ito ay ang sumusunod. Realistic, Investigative, Artistic, Social,
Enterprising, at Conventional. Hindi lamang nasa iisang kategorya ang hilig o insteres ng
isang tao, maari siyang magtaglay ng tatlong kombinasyon . Halimbawa, maaring tatlo
ang kombinasyon ng kaniyang trabaho gaya ng ESA (Enterprising, Social at Artistic) o di
kaya naman ISC (Investigative, Social, at Convention) o anumang dalawa o tatlo sa iba’t
ibang kombinasyon.
Kung ang linya ng ating interes ay ESA (Enterprising, Social, at Artistic), ikaw ay
malalagay sa linya na ang mga trabaho ay may kaugnayan din sa ESA
6. REALISTIC
Ang taong nasa ganitong interes ay mas
nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit ang
kanilang malikhaing kamay o gamit ang mga
kasangkapan kaysa makihalubilo sa mga tao at
makipagpalitang ng opinyon.Ang mga taong
realistic ay matapang at praktikal, at mahilig sa
mga gawaing outdoor.
INVESTIGATIVE
Ang mga trabahong may mataas na impluwensiya
rito ay nakatuon sa mga gawaing pang-agham.
Ang mga taong nasa ganitong interes ay mas
gustong magtrabaho nang mag-isa kaysa.
Gumagawa kasama ang iba. Sila ay mayaman sa
ideya at malikhain sa mga kakayahang pang-
agham, isa na rito ang mga pananaliksik,
mapanuri, malalim, matalino at task-oriented ang
mga katangian nila
ARTISTIC
Ang mga taong may mataas na interes dito ay
mailalarawan bilang malaya at malikhain, mataas
ang imahinasyon at may malawak na isipan.
Nasisiyahan ang mga nasa ganitong interes sa mga
sitwasyon kung saan nakararamdam sila ng
kalayaan na maging totoo,nang walang anumang
esktrukturang sinusunod at hindi basta napipilit
na sumusunod sa maraming mga panuntunan
.Nais nila ang mga gawaing may kaugnayan sa
wika, sining, musika, pag-arte, pagsulat at iba pa.
7. SOCIAL
Ang mga nasa ganitong grupo ay kakikitaan ng
pagiging palakaibigan, popular, at responsible. Gusto
Nila ang interaksiyon at pinaliligiran ng mga tao.
Madalas na mas interesado sila sa mga talakayan ng
mga porblema o sitwasyon ng iba at mga katulad na
gawain, kung saan mabibigyan sila ng pagkakataong
mgaturo, magsalita, manggamot, tumulong, at mag-
asikaso.
ENTERPRISING
Likas sa mga taong nasa ganitong grupo ang
pagiging mapanghikayat, mahusay mangumbinsi
ng iba para sa pagkamit ng inaasahan o target
goals . Ang mga taong may mataas na interes dito
ay madalas na masigla, nangunguna at may
pagkusa at kung minsan ay madaling mawalan ng
pagtitimpi at pasensiya.
CONVENTIOANAL
Ang mga grupo o pangkat ng mga taong may
mataas na interes dito ay naghahanap ng mga
panuntunan at direksiyon; kumikilos sila nang
ayon sa tiyak na inaasahan sa kanila. Sila ay
maaaring mailarawan bilang matiyaga,
mapanagutan, at mahinahon. Masaya sila sa mga
gawaing tiyak, may sistemang sinusunod, maayos
ang mga datos at organisado ang record.
8. 4.PAGPAPAHALAGA (VALUE)-Ito ang pagmamahal sa isang gawain.Paano mo malalaman
kung pinapahalagahan mo ang isang bagay o gawain.
5.MITHIIN (GOAL)-ay ang bagay o nais na pinapangarap o gustong makamit. Ito ay
naaayon sa pangangailangan ng isang tao. Ang mithiin ay makakamit kapag
pinagsikapang matamo sa abot ng makakaya.
Kung magagawa mo ngayon na pumili ng tamang Track o Kurso
para sa Baitang 11, makakamit mo ang tunay na layunin nito:
UNA, ang pagkakaroon ng makabuluhanghanapbuhay. Dito, hindi lamang
makatutulong na maiangatang antas ng iyong buhay dahil sa magandang kita/sweldong
kalakip nito kundi ang halaga ng pagkamiit ng iyong paggawa. Mas lalo mong naibibigay
ang iyong kahusayan dahil ang talento, kasanayan, at interes ang iyong puhunan.
PANGALAWA, tataglayin mo ang katangian ng isang produktibong manggagawa. Ang
produkttibong manggagawa ay masasabing isang asset ng kaniyang kompanya o
institusyong na kinabibilangan. Katulong siya sa pagpapaunlad ng mga programa at
adhikain ng kaniyang pinagtratrabuhan tungo sa sama-samang paggawa.
9. PANGATLO, kung masisiguro ang pagiging produktibo sa iyong mga gawain, ikaw rin ay
nakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. Naipamalas ito sa pamamagitan
ng tamang pamamahala ng oras sa pagtapos ng gawain, pagpapasa ng mga proyekto sa
takdang-araw, paggamit ng teknolohiya para sa mabilis na produksiyon, at maayos na
pakikitungo sa iba at naaabot mo ang iyong tinakdang layunin. Kung ang isang mag-aaral
na katulad mo ay may paghahanda sa hinaharap, hindi malayo na taglayin mo ang mga
kahanga-hanggang gawi na ito at maging bahagi ka ng lumalaking bilang ng mga
magagaling na manggagawa ng ating bansa
Ang pagsusuri ng maigi at pagbabalanse ng kahalagahan at
epekto sa iyo ng mga pansarili at panlabas na salik ay higit na
makapagbibigay ng tamang pasiya na makatutulong upang maging
produktibo bilang isang mamamayan. Mahalaga sa kukunin mong
hanapbuhay o negosyo sa hinaharap ay maibalik mo sa Diyos kung
ano ang mayroon ka bilang tao.