Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) Grade 10: Module 3 (Paghubog ng Konsiyensiya batay sa Likas na Batas Moral) and Module 4 (Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan)
Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) Grade 10: Module 3 (Paghubog ng Konsiyensiya batay sa Likas na Batas Moral) and Module 4 (Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan)
Ayon kay Max Scheler (Dy M., 1994), ang pagpapahalaga ay obheto ng ating intensyonal na damdamin. Mauunawaan natin ang pagpapahalaga sa pamamagitan ng pagdama dito. Hindi ito naghihintay ng katuwiran upang lumitaw sa ating buhay. Ang pagpapahalaga ay hindi iniisip; ito ay dinaramdam. Hindi ito obheto ng isip kundi obheto ng puso. Ang ating isip ay bulag sapagpapahalaga; tulad ng ating mata na bingi sa ingay at ng ating tainga na bulag sa kulay. Ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi na natin mapag-iisipan ang halaga. Kapag ito ay pinag-iisipan na nang mabuti, hindi na ito sa pagpapahalaga bilang pagpapahalaga kundi ang konsepto na ngpagpapahalaga. Sinasabi ni Scheler na ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao. Narito ang mga katangian ng pagpapahalaga:
a. Immutable at objective. Ibig sabihin, hindi nagbabago ang mga pagpapahalaga dahil ang mga ito, lalo na ang nasa higit na mataas na antas, ay mga kalidad kung saan nakasalalay ang pagkatao. Halimbawa, ang pagpapahalaga ng kalusugan ay hindi nagbabago. Kung ang tao ay hindi tumugon sa pagpapahalaga ng kalusugan; hindi siya kumakain ng masustansiyang pagkain, hindi nag-eehersisyo o kaya’y palagiang umiinom ng alak at naninigarilyo, hindi ang pagpapahalaga ng kalusugan ang nasisira kundi ang tao mismo. Dahil ang mga gawaing ito ay magiging sanhi upang magkasakit siya.
6. Ang paglikha ng pagkasino ay
dumaraan sa tatlong yugto:
Tao bilang indibidwal
Tao bilang persona
Tao bilang personalidad
7. Tao bilang indibidwal
Pagiging hiwalay sa ibang tao
Isang proyektong bubunuin
habang buhay bilang nilalang
na hindi pa tapos(unfinished)
8. Tao bilang persona
Isang proseso ng pagpupunyagi
tungo sa pagiging ganap
May halaga ang tao sa kanyang
sarili mismo
Dahil bukod- tangi siya, hindi siya
mauulit(unrepeatable) at hindi siya
mauuwi sa anuman(irreducuble)
9. Tao bilang persona
Mahalaga ang pagtuklas at
pagpapaunlad ng mga talento,
hilig at kakayahan upang
mabuo niya ang kanyang
pagiging sino
Tumutukoy sa paglikha ng
pagka-sino ng tao
11. Tao bilang personalidad-
May matibay na pagpapahalaga
at paniniwala
Totoo sa kanyang sarili
Tapat sa kanyang misyon
May matibay na paninindigan at
hindi nagpapadala o
nagpapaimpluwensiya
12. Pagkamit ng pagka-personalidad
ay nangangailangan ng pagbuo
(integration)ng :
Pag-iisip
Pagkagusto(willingness)
Pananalita
Pagkilos
13. Mabubuo lamang ang kanyang
sarili kung itatalaga ang
kanyang pagka-sino sa
paglilingkod sa kanyang kapwa,
lalo na sa mga nangangailangan
14. Katangian bilang persona:
May kamalayan sa sarili
May kakayahang kumuha ng
buod o esensiya ng mga umiiral
Umiiral na nagmamahal(ens
emans)
15. May kamalayan sa sarili-
May kakayahan ang tao na
magnilay o gawing obheto ng
kanyang isip ang kanyang sarili
May pagtanggap sa kanyang
mga talento at kakayahan
16. May kakayahang kumuha ng buod o
esensiya ng mga umiiral
Bumuo ng konklusyon mula sa
isang pangyayari
Humanga at mamangha sa
kagandahan ng mga bagay,
maunawaan ang layunin ng pag-
iral ng mga ito at ang kaugnayan
sa kanyang pag-unlad
18. Ang pagmamahal ay galaw patungo
sa meron (being) tungo sa mas
mataas na pagpapahlaga na
naaayon sa kalikasan ng
minamahal
Ibinibigay ng nagmamahal ang
sarili sa minamahal ng walang
kondisyon o kapalit
19. Naisasabuhay mo ba ang mga
katangian ng pagpapakatao?
Paano makatutulong ang mga ito
sa pagtupad mo sa iyon misyon
sa buhay, ang magbibigay sa iyo
ng tunay na kaligayahan?
20. Hindi madali ang pagpapakatao.
Kung patuloy ang pagsisikap na
paglabanan ang mga tukso at
kahinaan, gabay ang
pananampalataya sa Diyos
mararating ng bawat isa ang
kanyang personalidad
21. Hindi madali ang pagpapakatao.
Mahalaga ang pagtukoy natin sa
ating misyon, gawin ang mga
angkop na hakbang sa pagtupad
nito upnag makatugon tayo sa
tawag ng pagmamahal
22. Hindi madali ang pagpapakatao.
Mahalaga ang pagtukoy natin sa
ating misyon, gawin ang mga
angkop na hakbang sa pagtupad
nito upnag makatugon tayo sa
tawag ng pagmamahal