Karaniwang tinututulan ang mga uri ng egoismo sa mga sistemang etikal na nakabatay sa pagsusustento na ang moralidad ay dapat magtaguyod ng kabutihan at katarungan para sa lahat, hindi lamang para sa sarili. Ito ay tinuturing na may kakulangan sa moralidad dahil ito ay nagbibigay-pansin lamang sa sariling interes.
Sa pangkalahatan, ang pagtutunguhing lubos sa sarili at ang pagiging egoistiko ay maaaring makasama sa lipunan, at ang mga prinsipyong ito ay madalas na nagiging sanhi ng hindi pagkakasunduan at kontrahan sa mga etikal na pananaw.
Bagama’t may kalayaan ang taong piliin at gawin ang isang kilos, hindi sakop
ng kalayaang ito ang piliin ang kahihinatnan ng kilos na pinili niyang gawin. Binigyanglinaw ito sa talakayan sa EsP sa Baitang 7. Palaging may pananagutan ang tao sa
kahihinatnan ng kaniyang piniling kilos.
Ano kung gayon ang kalayaan? Ano ang kaugnayan nito sa iba pang pakultad
ng tao? May kaugnayan kaya ito sa pagpapakatao ng tao? Naririto ang paliwanag ni
Johann tungkol sa tunay na kalayaan.
Ang salitang kalayaan ay karaniwang gumigising sa puso ng bawat tao.
Ipinaglalaban ng bawat tao ang kaniyang karapatang mabuhay at magpasiya ayon
sa kaniyang nais, sa pangangatuwirang walang panlabas na hadlang na sisirain
sa paggawa niya nito. Ito ang madalas na iniisip ng tao tungkol sa kalayaan – ang
paggawa ng isang bagay na nais niyang gawin o ang karapatang sabihin ang anumang
bagay na nais niyang sabihin. Karaniwang sa pag-asam at pagsisikap na makamit
ang kalayaan, nakaliligtaan ang mahalagang hakbang sa pagkamit nito. Karaniwang
tinitingnan ang kalayaan bilang kawalan ng panlabas na hadlang sa pagkamit ng
ninanais ng tao. Bibihirang kinikilala na ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay
hindi ang nagmumula sa labas kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao. Ito ay
hiwalay sa ginagawa o kilos ng iba kaya’t kailangan ng tao ng “higit” pa sa malayang
kilos-loob upang maging malaya. Ang tinutukoy na “higit” ay makikita kung titingnan
ang kalayaan sa aspektong mayroon itong kakambal na responsibilidad o sa madaling
sabi, ang kalayaan ay may kasunod na responsibilidad.
Narito ang paliwanag ni Johann sa dalawang pakahulugan sa pananagutan na
nakaaapekto sa ideya ng kalayaan.
1. Simulan natin sa pagsasabing ang malayang kilos ay kilos
na “mananagot ako.” Ito ay kilos na nagmula sa akin. Sa
puntong ito, ang kalayaan ay nakakabit sa aking sarili (sa
pagiging ako), sa aking kakayahang kumilos, sa aking
sariling kagustuhan, sa pagsasabi ng oo o hindi sa mga
nakapalibot sa akin, sa pagpapasiya ko kung ano ang
aking gagawin. Ito ang kalayaang kaugnay ng malayang
kilos-loob at mayroon ako nito dahil ako ay tao, likas ito sa akin. Sapagkat ang tao
ay tao, siya ang pinagmumulan ng kaniyang kilos. Kaya may pananagutan siya sa
kalalabasan ng kaniyang ginawa. Nangangahulugan
itong kailangan niyang harapin ang kahihinatnan ng
kaniyang ginawa. Halimbawa, maaaring bumagsak
ang marka ng isang mag-aaral na hindi pumapasok
sa klase. Hindi niya maiiwasang hara
2. Balik-aral:
• Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng
produkto ay nangangailangan ng sapat na
kasanayan at kahusayan.
• Ang paggawa ay mabuti sa tao sapagkat
naisasakatuparan niya ang kanyang tungkulin sa
sarili, kapwa at sa Diyos.
• Ang kagustuhang maisabuhay ang layuning ito ang
nagtutulak sa kaniya upang magkaroon ng
kagalingan sa paggawa.
3. Panimula
• Kahit anong bagay at
anumang larangan ang ating
gagawin, kailangan natin ang
kasipagan.
• Kung walang sipag ang isang
tao, wala siyang matatapos.
4. Ano ang kasipagan?
• Ito ang pagsisikap na
gawin at tapusin ang isang
gawain ng may kalidad.
• Ang kasipagan ang
tumutulong sa isang tao
upang mapaunlad niya
ang kanyang pagkatao.
5. Palatandaan ng Kasipagan
1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa
paggawa.
• Hindi nagmamadali sa ginagawa.
• Sinisiguro na maayos ang kalalabasan
• Hindi nagpapabaya sa gawain
2. Ginagawa ang gawain nang may
pagmamahal.
• Binibigay niya ang kanyang puso sa ginagawa.
• Sinisiguro niyang may kalidad ang kanyang
gawain.
6. Palatandaan ng Kasipagan
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain.
• Hindi na niya kailangang utusan upang gawin
ang isang gawain.
• Hindi naghihintay ng anumang kapalit sa gawain.
7. Ano ang katamaran?
• Ito ang kabaligtaran ng kasipagan.
• Ang isang taong tamad ay ayaw tumanggap
ng gawain.
• Ang katamaran ang pumapatay sa isang
gawain, hanapbuhay o trabaho.
• Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay
magtagumpay.
8. Ano ang pagpupunyagi?
• Ito ang pagtitiyaga na maabot o makuha ang
iyong layunin at mithiin sa buhay.
• Ito ay pagtanggap sa mga hamon o pagsubok
ng may kahinahunan at hindi nagrereklamo.
• Ito ay makatutulong upang magtagumpay ang
isang tao.
• Sa kabila ng mga balakid ay hindi siya dapat
panghinaan ng loob at kinakailangan niyang
magpatuloy at maging matatag.
9. Ano ang pagtitipid?
• Ito ang hindi paggasta ng pera nang walang
saysay.
• Ito ay isang birtud na nagtuturo sa tao na hindi
lamang mamuhay nang masagana kundi upang
higit na makapagbigay sa iba.
• Dapat maunawaan na kailangan na maging
mapagkumbaba at matutong makuntento sa
kung ano ang meron ka. Ito ang
pinakamahalagang paraan ng pagtitipid.
10. Ano ang pag-iimpok?
• Ito ay paraan upang makapag-
ipon ng salapi na siyang
magagamit sa ating
pangangailangan sa takdang
panahon.
• Ang pera ay pinagpapaguran
upang kitain ito. Kaya
kailangan na gastusin ito sa
tama upang huwag itong
mawala.
11. Kahalagahan ng pag-iimpok?
• Proteksyon sa buhay. Maraming mga hindi
inaasahan na maaaring mangyari sa buhay ng
tao. Mahalaga na may emergency fund
sapagkat kung wala ay mahihirapan siyang
makabangon mula dito.
• Hangarin sa buhay. Ang mag-impok para sa
hangarin sa buhay ay bahagi ng ating
kaganapan sa buhay.
12. Kahalagahan ng pag-iimpok?
• Pagreretiro. Mahalagang nag-iipon para sa
pagtanda sapagkat hindi sa lahat ng oras ay
kakayanin mo pa ang magtrabaho.
Kailangan na tratuhin ang
pag-iimpok na isang
obligasyon at hindi opsiyonal.
-Francisco Colayco
13. • Ano-ano ang mga indikasyon ng taong
nagtataglay ng kasipagan,
pagpupunyagi, pagiging matipid at
wastong pinamamahalaan ang
naimpok?
PAGPAPAHALAGA
TAKDA:
14. References:
• Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015 , DepEd
• https://www.pinterest.com/explore/hard-work-quotes/
• https://school.discoveryeducation.com/clipart/clip/suc
cess-boy.html
• http://www.supercoloring.com/coloring-pages/labor-
day-salute-to-you-the-american-worker
15. Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap.
NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong.
1. Ang pagsisikap na gawin at tapusin
ang isang gawain ng may kalidad.
2. Ang pumipigil sa tao upang siya ay
magtagumpay.
3. Ang pagtitiyaga na maabot o makuha
ang iyong layunin at mithiin sa buhay.
16. Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap.
NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong.
4. Ito ang hindi paggasta ng pera nang
walang saysay.
5. Paraan upang makapag-ipon ng
salapi na siyang magagamit sa ating
pangangailangan sa takdang
panahon.