9. Maglaan ng oras para sa
paglilinis ng bakuran bago
pumasok at pagkauwi mula
sa paaralan. Maaari ding
gawin isang beses lang sa
isang araw ang paglilinis.
Maaaring gawin sa umaga o
sa hapon depende kung anong
oras maluwag ang iskedyul
sa paaralan.
10. ▶Hingin ang bahagi ng
bakuran na nakatakda
mong linisin araw-
araw.
▶Linisin ang bahagi ng
bakuran na
nakatakdang linisin
mo araw-araw.
11. Magsabi sa kasapi
ng mag-anak kung
hindi kayang linisin
ang bahaging
nakatakda sa iyo
upang hindi
mapabayaang
marumi ito.
14. ▶Diligan ang mga
halaman araw-
araw. Paminsan-
minsan, lagyan ito
ng patabang
organiko at
bungkalin ang lupa
sa paligid ng
halaman.
15. ▶Gupitan din ang mga halaman
kung kailangan upang gumanda
ang hugis at haba ng mga sanga
at maging malusog ang halaman.
16. Kung magtatapon ng
basura, paghiwalayin ang
nabubulok at hindi
nabubulok. Ang mga tuyong
dahon ay mga basurang
nabubulok at maaaring
gawing pataba. Ang mga
hindi nabubulok gaya ng
mga bote at plastik ay
maaaring ipagbili o
gamiting muli (recycle).
18. ▶- Bunutin ang mga
damong ligaw
hanggang sa mga ugat
upang hindi kaagad
tumubo ang mga ito.
Isama sa compost ang
mga binunot na damo
o ibaon sa lupa upang
maging pataba.
19. ▶Siguruhing ang mga
kanal o daluyan ng
tubig ay dumadaloy
nang tuloy-tuloy
upang hindi
pamahayan ng mga
lamok at upang
makaiwas sa sakit na
dengue.
23. Gawain C : Paglilinis ng bakuran:
▶Bilang pangkat, gawin ang tamang paglilinis sa
bakuran at sa labas ng silid-aralan.
▶Sundin ang panuntunan sa paggawa na ibinigay
ng inyong guro.
▶Tingnan kung nasunod ng inyong pangkat ang
mga pamamaraan sa pamamagitan ng pagsagot
ng lider sa tseklist:
24.
25. Sipiin sa iyong kuwaderno at lagyan ng tsek (/)
ang patlang ng bilang kung ang isinasaad ng
pangungusap ay wastong paraan ng paglilinis ng
bakuran at ekis (X) naman kung hindi.
1. Linisin ang bahagi ng bakuran na
nakatakdang linisin mo araw-araw.
2. Ang mga damong ligaw na tumutubo ay
kailangang bunutin kasama ang ugat nito.
3. Ang bakurang malinis ay nakatutulong
sa pagkakaroon ng malinis na pamayanan.
26. 4. Kinakailangang walisin ang mga
tuyong dahon at ibang kalat sa loob at
labas ng bakuran.
5. Ang mga basurang nabubulok ay
kailangang ilagay sa compost pit.
6. Ang mga basurang hindi nabubulok
ay kailangang itapon sa malayong lugar.
7. Bunutin ang mga ugat ng mga ligaw
na damo upang hindi na tumubo muli.
27. 8. Pagkatapos walisin ang mga
tuyong dahon, sunugin ito
9. Ang mga nabubulok na
basura ay pampataba sa mga
halaman.
10. Gamitin ang pandakot
kung ilalagay ang mga tuyong
dahon sa basurahan.