153
DEPED COPY
YUNIT III
PAGSUSURI NG EKONOMIYA: MAKROEKONOMIKS
PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG
	 Ang makroekonomiks ay nakatuon sa pag-aaral ng buong ekonomiya.
Kung ang maykroekonomiks ay nakatuon sa desisyon ng bawat pamilya at
bahay-kalakal, ang makroekonomiks naman ay nakasentro sa komposisyon at
galaw ng pambansang ekonomiya. Matututuhan sa makroekonomiks ang mga
konseptong may kinalaman sa implasyon, patakarang piskal, patakaran sa
pananalapi, pambansang badyet, at pagsulong ng ekonomiya. Naitanong mo
ba sa sarili mo kung papaano gumagana ang pambansang ekonomiya? Kung
hindi pa, tayo nang tuklasin kung papaanong ang kaalaman sa pambansang
ekonomiya ay makatutulong sa pagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng mga
mamamayan tungo sa kaunlaran ng bansa.
	 Sa modyul na ito ay matutuklasan ang bumubuo sa pambansang
ekonomiya, mga suliraning pangkabuhayan, at ang pamamaraang ginagawa
ng pamahalaan upang malutas ang mga ito tungo sa pag-unlad. Handa ka na
bang alamin ang kasagutan sa mga tanong na ito? Kung handa ka na, halina at
saglit tayong maglakbay sa pambansang ekonomiya ng bansa, siyasatin natin
kung papaano kumikilos ang mga sektor na bumubuo rito.
	 Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa
pambansang ekonomiya at kung papaano ito gumagana upang matugunan
ang mga suliraning pangkabuhayan sa pagtamo ng pambansang kaunlaran.
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ng mga mag-aaral
ang pag-unawa sa mga pangunahing
kaalaman tungkol sa pambansang
ekonomiya bilang kabahagi sa
pagpapabuti ng pamumuhay ng kapuwa
mamamayan tungo sa pambansang
kaunlaran.
Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi
ng mga pamamaraan kung papaanong
ang pangunahing kaalaman tungkol
sa pambansang ekonomiya ay
nakapagpapabuti sa pamumuhay
ng kapuwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.
Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod:
Aralin 1:
PAIKOT NA DALOY
NG EKONOMIYA
•	 Nailalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya
•	 Natataya ang bahaging ginagampanan ng mga
bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya
•	 Nasusuri ang ugnayan sa isa’t isa ng mga
bahaging bumubuo sa paikot na daloy ng
ekonomiya
154
DEPED COPY
Aralin 2:
PAMBANSANG KITA
•	 Nasusuri ang pambansang produkto (Gross
National Product-Gross Domestic Product) bilang
panukat ng kakayahan ng isang ekonomiya
•	 Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng
pambansang produkto
•	 Nasusuri ang kahalagahan ng pagsukat ng
pambansang kita sa ekonomiya
•	 Nailalahad ang mga salik na nakaaapekto sa
pambansang kita at pambansang produkto
Aralin 3:
UGNAYAN NG
PANGKALAHATANG
KITA, PAG-IIMPOK,
AT PAGKONSUMO
•	 Naipahahayag ang kaugnayan ng kita sa
pagkonsumo at pag-iimpok
•	 Nasusuri ang katuturan ng consumption at
savings sa pag-iimpok
Aralin 4:
IMPLASYON
•	 Nasusuri ang konsepto at palatandaan ng
implasyon
•	 Natataya ang mga dahilan sa pagkakaroon ng
implasyon
•	 Nasusuri ang iba’t ibang epekto ng implasyon
•	 Nakilkiahok nang aktibo sa paglutas ng mga
suliranin kaugnay ng implasyon
Aralin 5:
PATAKARANG
PISKAL
•	 Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang piskal
•	 Napahahalagahan ang papel na ginagampanan
ng pamahalaan kaugnay ng mga patakarang
piskal na ipinatutupad nito
•	 Nasusuri ang badyet at ang kalakaran ng
paggasta ng pamahalaan
•	 Nakababalikat ng pananagutan bilang
mamamayan sa wastong pagbabayad ng buwis
•	 Naiuugnay ang mga epekto ng patakarang piskal
sa katatagan ng pambansang ekonomiya
Aralin 6:
PATAKARANG
PANANALAPI
•	 Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang
pananalapi
•	 Nakapagsisiyasat nang mapanuri sa mga paraan
at patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas
(BSP) upang mapatatag ang halaga ng salapi
155
DEPED COPY
Grapikong pantulong sa gawain
PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng pinakawastong sagot at isulat sa sagutang papel.
1.	 Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
A.	 ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
B.	 kita at gastusin ng pamahalaan
C.	 kalakalan sa loob at labas ng bansa
D.	 transaksiyon ng mga intitusyong pampinansyal
2.	 Kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa?
A.	 Kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho.
B.	 Kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay-
kalakal
C.	 Kapag may pag-angat sa Gross Domestic Product ng bansa
D.	 Kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa
3.	 Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat
sa Gross National Income?
A.	 Expenditure Approach
B.	 Economic Freedom Approach
C.	 Industrial Origin/Value-Added Approach
D.	 Income Approach
(K)
(K)
(K)
MAKROEKONOMIKS
PAIKOT NA
DALOY NG
EKONOMIYA
SULIRANING
PANGKABUHAYAN:
IMPLASYON
GROSS NATIONAL
PRODUCT /
INCOME
GROSS DOMESTIC
PRODUCT
PATAKARANG
PISIKAL
PATAKARANG
PANANALAPI
156
DEPED COPY
4.	 Kung ang kabuuang kita ni Jonas ay Php25,000.00 at ang kaniya
namang kabuuang gastusin ay Php21,000.00, magkano ang maaari
niyang ilaan para sa pag-iimpok?
A.	Php1,000.00
B.	Php2,000.00
C.	Php3,000.00
D.	Php4,000.00
5.	 Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa
ekonomiya?
A.	deplasyon
B.	implasyon
C.	resesyon
D.	depresyon
6.	 Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang
sambahayan at bahay-kalakal?
A.	 Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na
sumasailalim ng pagpoproseso ng bahay-kalakal.
B.	Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na
kapital sa mga bahay-kalakal.
C.	Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang
makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal.
D.	Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang
magkaroon ng karagdagang trabaho para sa mga bahay-kalakal.
7.	 Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa?
A.	Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang
institusyong pampinansiyal
B.	Dahil magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang
magpapaangat sa ekonomiya ng bansa
C.	 Dahil repleksiyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit
upang umani ng malaking boto sa eleksiyon
D.	Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na
pamamalakad ng ekonomiya
8.	 Piliin sa sumusunod na pahayag ang pinakawasto.
A.	 Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang
sa Gross National Income nito.
B.	Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa
pagsukat ng Gross National Income.
C.	 Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng
Gross National Income.
D.	Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang
isinasama sa Gross National Income.
(P)
(P)
(P)
(K)
(K)
157
DEPED COPY
9.	 Alin sa sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic
Product ng bansa?
A.	 Mataas na remittance ng mga Overseas Filipino Workers
B.	Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng
mundo
C.	Maayos na pamumuno ng pamahalaan na makahihikayat sa
pamumuhunan
D.	Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa
kawanggawa
10.	Ano ang epekto ng mababang interes sa pagkonsumo ng mga tao?
A.	 Mahihikayat ang tao na umutang at tataas ang pagkonsumo.
B.	 Mahihikayat ang tao na mag-impok sa bangko dahil sa malaking
tubo.
C.	 Mahihikayat ang tao na mag-angkat ng produkto sa ibang bansa.
D.	 Mahihikayat ang mga tao na magtipid para sa hinaharap.
11.	Si Apollo ay umutang kay Alex ng Php100.00 na ipinambili niya ng
isang kilong karne ng manok sa kasalukuyan. Kung 5% ang antas
ng implasyon sa susunod na buwan, ano na ang halaga ng isang
kilong karne ng manok?
A.	Php95.00
B.	Php100.00
C.	Php105.00
D.	Php110.00
12.	Sa papaanong paraan malulutas ang demand pull inflation?
A.	 Pagbibigay-pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas
ang output ng produksiyon
B.	Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang
matamlay na ekonomiya
C.	Pagpapautang na may mababang interes upang makahikayat
ng karagdagang paggasta
D.	Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na
paggasta sa ekonomiya
13.	Ang idinepositong Php100,000.00 ni Corazon sa bangko ay nagpapakita
ng paglabas (outflow) ng salapi sa paikot na daloy ng ekonomiya.
Ano ang nararapat na gawin upang pumasok (inflow) muli ang salapi
sa paikot na daloy?
A.	Magpataw ng mataas na interes upang makahikayat ng pag-
iimpok
B.	Ipautang ng bangko ang idineposito upang magamit na
panibagong kapital sa negosyo.
(P)
(P)
(P)
(P)
(U)
158
DEPED COPY
C.	 Ibaba ang interes mula 10% patungong 5% upang maragdagan
ang paggastos ng tao.
D.	 Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba
ng mga bangko.
14.	Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri
sa economic performance nito, dapat bang gumawa ng hakbang
ang pamahalaan upang mapataas ito?
A.	 Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig.
B.	 Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin.
C.	Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa
ekonomiyang pandaigdigan.
D.	 Oo, dahil repleksiyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng
ekonomiya.
15.	Si Mr. Chen, isang Chinese National, ay nagtatrabaho sa kompanya
na nasa Pilipinas. Saan dapat isinasama ang kaniyang kinita?
A.	 Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamayan siya nito
B.	 Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang
kaniyang kita
C.	 Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang
kaniyang kita
D.	 Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong
dito nagmula ang kaniyang kita
16.	Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang interpretasyon sa graph?
PHILIPPINE GROSS NATIONAL INCOME & GROSS DOMESTIC PRODUCT
At Current Prices, In Million Pesos
16,000,000
14,000,000 Legend:
12,000,000 Gross Domestic Product
10,000,000 Gross National Income
8,000,000
6,000,000
4,000,000
2,000,000
0
2012 2013
Pinagmulan: Philippine Statistics Authority
A.	 Mas malaki ang Gross Domestic Product ng bansa kumpara sa
Gross National Income nito.
B.	Mas malaki ang Gross National Income noong taong 2012
kumpara sa taong 2013.
C.	Mas malaki ang remittances mula sa mga OFW noong taong
2012 kumpara sa taong 2013.
(U)
(U)
(U)
159
DEPED COPY
D.	Mas Malaki ang Gross National Income kumpara sa Gross
Domestic Product sa parehong taon.
17.	Bilang isang mag-aaral, alin sa sumusunod ang nararapat na gawin
kung maliit lamang ang baon na ibinigay ng iyong magulang?
A.	 Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang na
ang salapi.
B.	Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi
naman mahalaga.
C.	Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng
pagkakataon.
D.	 Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari
kinabukasan.
18.	Piliin sa sumusunod ang pinakatamang paliwanag sa graph.
A.	Ang paglipat ng kurba ng demand pakanan ay magdudulot ng
kakulangan sa supply na hahantong sa pagtaas ng presyo.
B.	 Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng pagtaas sa mga gastos ng
produksiyon na ipapasa ng prodyuser sa mga mamimili.
C.	Ang paglipat ng kurba ng supply pakanan ay magdudulot ng
kalabisan sa supply na hahantong sa pagtaas ng presyo.
D.	Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng kakulangan ng supply ng
produkto sa pamilihan na hahantong sa pagtaas ng presyo.
19.	Bilang isang mamimili, papaano ka makatutulong sa paglutas ng
suliranin sa implasyon?
A.	Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa
pamilihan.
B.	 Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
C.	 Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang
presyo.
D.	Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi
magkaroon ng kakulangan.
(U)
(U)
(U)
P AS
Q
P 120
P 100
AD1
40 50
AD2
160
DEPED COPY
20.	Kung ikaw ay prodyuser ng produktong may kakulangan ng supply
sa pamilihan, dapat bang ang malaking kita lamang ang pagtutuunan
mo ng pansin?
A.	Oo, dahil ito na ang pagkakataon upang kumita at tumubo ng
malaki.
B.	Oo, dahil malaki ang inilabas na puhunan kaya’t nararapat na
kumita rin ng malaki.
C.	 Hindi, dahil malaki rin ang buwis na sisingilin ng pamahalaan sa
pagtaas ng presyo.
D.	 Hindi, dahil hindi kakayanin lalo ng mga mahihirap ang napakataas
na presyo.
GABAY SA PAGWAWASTO
1. A
2. C
3. B
4. D
5. B
6. A
7. B
8. D
9. C
10. A
11. C
12. D
13. B
14. D
15. C
16. D
17. B
18. A
19. D
20. D
(U)
161
DEPED COPY
PANIMULA
Ayon sa investopedia.com, ang makroekonomiks ay larangan ng
Ekonomiks na pinag-aaralan ang gawi ng kabuuang ekonomiya. Sinusuri ng
makroekonomiks ang malawakang pangyayaring pang-ekonomiya tulad ng
pagbabago sa kawalan ng trabaho, pambansang kita, gross domestic product,
implasyon, at antas ng presyo.
May apat na pangunahing pinagtutuunan ng pansin ang makroekonomiks:
•	 Una, binibigyang-pansin ng makroekonomiks ang kabuuang antas ng
presyo. Angpagtaasngkabuuangpresyoaypangunahingpinagtutuunan
ng pansin ng mga gumagawa ng batas o patakaran na nakaaapekto sa
mga mamamayan sa kabuuan.
•	 Pangalawa, ang makroekonomiks ay binibigyang-pansin ang kabuuang
produksiyon o ang bilang ng kalakal at paglilingkod na nagawa sa
ekonomiya. Ito rin ang nagiging batayan sa pagsukat sa kakayahan ng
isang ekonomiya kung papaano matutugunan ang pangangailangan ng
lipunan at ng buong bansa sa kabuuan.
•	 Pangatlo, binibigyang-pansin ng makroekonomiks ang kabuuang
empleyo. Mahalaga ito para sa mga nagpaplano ng ekonomiya at
bumubuo ng mga patakarang pangkabuhayan upang matiyak na may
mapagkukunan ng ikabubuhay ang bawat pamilya sa lipunan.
•	 Pang-apat, at panghuli, tinitingnan din ang ibang bahagi ng mundo at
ang relasyon nito sa panloob na ekonomiya. Hindi maihihiwalay ang
mga pangyayaring pandaigdigan sa kalagayan ng ekonomiya sa loob
ng bansa. May malaking epekto ang kalagayang pang-ekonomiya ng
ibang bansa sa ekonomiya ng iba’t ibang bansa sa buong daigdig.
ARALIN 1:
PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA
ALAMIN
	 Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman
ng mga mag-aaral tungkol sa paikot na daloy ng ekonomiya at
kung papaanong ang kaalaman sa pambansang ekonomiya ay
makatutulong sa pagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng mga
mamamayan tungo sa kaunlaran ng bansa.
162
DEPED COPY
Gawain 1: HULA-LETRA
	 Isulat sa loob ng lobo ang tamang letra upang mabuo ang salita. Ang
ilang letra ay ibinigay na bilang gabay.
1. Dibisyon ng Ekonomiks na nakatuon sa kabuuang ekonomiya
2. Salaping kinokolekta ng pamahalaan upang makalikom ng pondo
3. Pinagmumulan ng mga salik ng produksiyon
4. Bumubuo ng mga produkto at serbisyong panlipunan
5. Pagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong sariling pagkaunawa sa makroekonomiks?
2. Papaano kaya naiba ang makroekonomiks sa maykroekonomiks?
Gawain 2: SMILE KA DIN KAHIT KAUNTI
Bilugan ang nakangiting mukha kung malawak na ang kaalaman sa
paksa o konsepto. Kung hindi naman, bilugan ang hindi nakangiting mukha.
1. Dayagram ng paikot na daloy
2. Ugnayan ng sambahayan, bahay kalakal, at
pamahalaan
3. Buwis na binabayaran ng sambahayan at bahay
kalakal sa pamahalaan
M K S
W
B Y
P H A
X T
163
DEPED COPY
4. Ugnayan ng pag-iimpok at pamumuhunan
5. Konsepto ng angkat at luwas
6. Transfer payments na ibinabayad ng pamahalaan
7. Paglabas (outflow) ng salapi sa paikot na daloy
8. Pagpasok (inflow) ng salapi sa paikot na daloy
9. Pinagmumulan ng mga salik ng produksiyon
10. Pagbuo ng mga kalakal upang maging tapos na
produkto
Pamprosesong Tanong:
1.	 Matapos mong sagutan ang gawain, ilang konsepto ang alam mo
na sa paksa? Ilan naman ang konseptong hindi mo pa nalalaman?
2.	 Base sa iyong kasagutan sa bilang 1, ano ang mabubuo mong
hinuha batay sa lawak ng iyong kaalaman sa paksa?
Gawain 3: PAUNANG SAGOT
Ang gawaing ito ay susukat sa iyong paunang kaalaman tungkol sa
paksa. Isulat ang iyong sagot sa katanungan sa loob ng callout. Hindi kailangang
tama ang iyong sagot sa paunang gawaing ito.
Sa susunod na bahagi ay sasagutan ng mga mag-aaral ang paunang
sagot upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa paikot na
daloy ng ekonomiya.
	 Matapos maorganisa ng mga mag-aaral ang mga paunang kaalaman
tungkol sa paikot na daloy, ihanda sila sa susunod na bahagi ng aralin upang
higit nilang maunawaan nang mas malalim ang konsepto nito.
Papaano gumagana ang
pambansang ekonomiya
upang mapabuti ang
pamumuhay ng mamamayan
tungo sa pagtamo ng
pambansang kaunlaran?
164
DEPED COPYGawain 4: FILL IT RIGHT
	 Ibigay ang bahaging ginagampanan ng mga aktor at pamilihan sa paikot
na daloy ng ekonomiya.
MGA AKTOR SA PAIKOT NA DALOY
NG EKONOMIYA
BAHAGING GINAGAMPANAN
1. Sambahayan
2. Bahay-kalakal
3. Pamahalaan
4. Panlabas na Sektor
MGA URI NG PAMILIHAN BAHAGING GINAGAMPANAN
1. Product Market
2. Factor Market
3. Financial Market
4. World Market
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang ugnayang namamagitan sa sambahayan at bahay-kalakal?
Ipaliwanag.
2.	 Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa
ekonomiya?
3.	 Bakit kailangan ng ekonomiya ang panlabas na sektor?
PAUNLARIN
Matapos malaman ng mga mag-aaral ang mga paunang
impormasyon tungkol sa paksang-aralin, ngayon naman ay lilinangin
nila ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain
na sadyang inihanda upang maging batayan ng impormasyon. Ang
pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan nila bilang mag-
aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa pambansang
ekonomiya. Mula sa mga inihandang gawain at teksto ay inaasahang
gagabay ito sa mag-aaral upang masagot kung papaanong ang
kaalaman sa pambansang ekonomiya ay makatutulong sa pagpapabuti
ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan tungo sa kaunlaran ng
bansa.
165
DEPED COPY
Gawain 5: SURIIN AT UNAWAIN
	 Upang higit na maunawaan ang binasang teksto, hayaan ang mga mag-
aaral na masdang mabuti ang mga bagay na makikita sa dayagram. Ipatukoy
at ipasulat sa loob ng kahon kung anong sektor ang ipinapakita sa dayagram.
Pagkatapos ng pagsasagawa ng pagsusuri ay maaari nang pasagutan ang
mga pamprosesong tanong.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinapakita sa paikot na daloy?
2. Papaanong nagkakaroon ng ugnayan ang iba’t ibang sektor ng
ekonomiya? Ipaliwanag.
2.
____________
4
PAMILIHAN NG
KALAKAL AT
PAGLILINGKOD
PAMILIHAN NG
SALIK NG
PRODUKSIYON
Lupa,
Paggawa,
Kapital
Mamumuhuna
n
Bumibili ng
produktibong
resources
Pagbebenta ng kalakal
at paglilingkod
Pagbili ng kalakal
at paglilingkod
PaggastaKita
Sueldo, upa,
tubo o interes
Kita
5.
___________ Pag-iimpokPamumuhunan
3.
____________
Suweldo, tubo,
transfer
payments
BuwisPagbili ng kalakal
at paglilingkod
Buwis
1. _____________
Pagluluwas (export) Pag-aangkat (import)
Matapos mapalalim ng mga mag-aaral ang kaalaman ukol sa paikot
na daloy ng ekonomiya, maaari na silang magsimula sa susunod na bahagi
ng aralin. Gabayan ang mga mag-aaral para sa mas malalim na pag-unawa
ng konseptong ito.
166
DEPED COPY
Gawain 6: IPANGKAT NATIN
	 Ipasulat sa unang hanay ang mga konsepto na may malawak nang
kaalaman ang mga mag-aaral at sa ikalawang hanay naman ang mga
konseptong nangangailangan pa ng malawak na kaalaman.
	paikot na daloy			paggasta
	 pag-angkat at pagluwas		 sambahayan
	bayaring nalilipat			bahay kalakal
	buwis					subsidiya
	dibidendo 				upa
Malawak ang Kaalaman Hindi Malawak ang Kaalaman
Pamprosesong Tanong:
1.	 Matapos mong sagutan ang gawain, papaano mo bibigyan ng grado
ang iyong sarili base sa lawak ng iyong pagkaunawa sa paksa?
2.	 Papaano mo kaya higit na mauunawaan ang mga paksang hindi pa
malalim ang iyong kaalaman? Patunayan.
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ng mga
mag-aaral ang mga nabuong kaalaman ukol sa paikot na daloy ng
ekonomiya. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa konsepto
ng paikot na daloy ng ekonomiya upang maihanda ang mga mag-aaral
sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan.
167
DEPED COPY
Gawain 7: NASA GRAPH ANG SAGOT
	 Kung malalim na ang pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin, maaari na
nilang suriin ang pigura sa ibaba. Pagkatapos ay pasagutan ang mga gabay
na tanong.
Pamprosesong Tanong
1.	 Batay sa graph, ano ang kalagayan ng pag-aangkat at pagluluwas
ng bansa sa loob ng sampung taon?
2.	 Bakit hindi maiwasang lumahok sa pag-aangkat at pagluluwas ang
pambansang ekonomiya? Ipaliwanag.
Gawain 8: PAGGAWA NG COLLAGE
	 Gamit ang mga materyales na maaaring gamiting-muli (recyclable) o
mga materyales na indigenous sa lugar ng mga mag-aaral, hayaan silang
bumuo ng isang dayagram ng paikot na daloy at idikit ito sa kalahating bahagi
ng illustration board o cartolina. Maaari ding magtanghal ng isang mini exhibit
sa isang bahagi ng kanilang silid-aralan.
Pinagkunan: www.nscb.gov.ph retrieved on October 20, 2013
168
DEPED COPY
RUBRIK SA PAGMAMARKA NG COLLAGE
MAGALING
(3)
KATAMTAMAN
(2)
NANGANGA-
ILANGAN NG
PAGSISIKAP
(1)
NAKU-
HANG
PUNTOS
NILALAMAN
Naipakita ang
lahat ng sektor
na bumubuo
sa paikot na
daloy at ang
tungkuling
ginagampanan
ng bawat isa.
Naipakita
ang ilan sa
mga sektor
na bumubuo
sa paikot na
daloy at ang
ilang tungkuling
ginagampanan
ng bawat isa.
Hindi naipakita
ang mga sektor
na bumubuo
sa paikot na
daloy at hindi
rin naipakita
ang tungkuling
ginagampanan
ng bawat isa.
KAANGKUPAN
NG KONSEPTO
Lubhang
angkop ang
konsepto at
maaaring
magamit sa
pang-araw-
araw na
pamumuhay.
Angkop ang
konsepto at
maaaring
magamit sa
pang-araw-araw
na pamumuhay.
Hindi angkop
ang konsepto
at hindi
maaaring
magamit sa
pang-araw-
araw na
pamumuhay.
KABUUANG
PRESENTASYON
Ang kabuuang
presentasyon
ay maliwanag
at organisado
at may
kabuluhan
sa buhay ng
isang Pilipino.
Ang kabuuang
presentasyon
ay bahagyang
maliwanag at
organisado at
may bahagyang
kabuluhan sa
buhay ng isang
Pilipino.
Ang kabuuang
presentasyon
ay hindi
maliwanag,
hindi
organisado,
at walang
kabuluhan sa
buhay ng isang
Pilipino.
PAGKAMA-
LIKHAIN
Gumamit
ng tamang
kombinasyon
ng mga kulay
at recycled na
materyales
upang
ipahayag ang
nilalaman at
mensahe.
Gumamit ng
bahagyang
kombinasyon
ng mga kulay
at recycled na
materyales
upang ipahayag
ang nilalaman
at mensahe.
Hindi gumamit
ng tamang
kombinasyon
ng mga kulay
at hindi rin
gumamit ng
recycled na
materyales
upang
ipahayag ang
nilalaman at
mensahe.
Kabuuang Puntos
169
DEPED COPY
Gawain 9: PANGHULING KASAGUTAN
	 Pagkatapos ng mga babasahin at gawain ay muling pasagutan ang
katanungan sa ibaba. Ipasulat ang kanilang sagot sa loob ng callout. Inaasahang
maipahayag nila ang kanilang nalaman at naunawaan sa paksang tinalakay.
Papaanong ang kaalaman sa
pambansang ekonomiya ay
makatutulong sa pagpapabuti ng
antas ng pamumuhay ng mga
mamamayan tungo sa kaunlaran
ng bansa?
Transisyon sa Susunod na Aralin
Binigyang-diin sa araling ito ang konsepto ng paikot na daloy
ng ekonomiya. Ipinaliwanag din ang ugnayang namamagitan sa bawat
sektor ng ekonomiya. Ang susunod na aralin naman ay tatalakay sa
konsepto ng pambansang kita.
Papaanong ang kaalaman sa
pambansang ekonomiya ay
makatutulong sa pagpapabuti
ng antas ng pamumuhay ng
mga mamamayan tungo sa
kaunlaran ng bansa?
170
DEPED COPY
PANIMULA
Malalaman kung may narating na pagsulong at pag-unlad ang ekonomiya
ng isang bansa sa pamamagitan ng pagsusuri sa economic performance nito.
Sa pamamagitan ng paggamit ng mga economic indicators ay nasusukat
ang kasiglahan ng ekonomiya. Ito ay mga instrumento na maglalahad sa
anumang narating na pagsulong at pag-unlad ng isang ekonomiya. Ayon sa
Philippine Statistics Authority, ang Pilipinas ay gumagamit ng tinatawag na
leading economic indicators. Ang ilan sa mga ito ay ang Number of New
Businesses, Terms of Trade Index, Consumer Price Index, Hotel Occupancy
Rate, Wholesale Price Index, Electric Energy Consumption, Foreign Exchange
Rate, Visitor Arrivals, Money Supply, Stock Price Index, at Total Merchandise
Imports.
	 Sa mga nabanggit na indicators, madalas na ginagamit ang kabuuang
pambansang kita o Gross National Income (GNI) sa pagsukat ng kalagayan ng
ekonomiya ng isang bansa. Ang paraan ng pagsukat sa pambansang kita sa
pamamagitan ng GNI ay tinatawag na National Income Accounting.
ARALIN 2:
PAMBANSANG KITA
Gawain 1: PAGSUSURI SA LARAWAN
	 Ipasuri ang ipinahihiwatig ng larawan sa abot ng kanilang makakaya.
Matapos ang pagsusuri, pupunan ang pahayag sa ibaba.
Ang ekonomiya ng Pilipinas ay _____________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
EKONOMIYA
ALAMIN
	 Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng mga
mag-aaral tungkol sa pambansang kita at kung bakit mahalagang masukat
ang economic performance ng isang bansa?
171
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano kaya ang ipinahihiwatig ng larawan?
2.	 Ano ang naging batayan mo sa pagkompleto ng pangungusap?
3.	 Sa iyong palagay, ano ang mga ginagamit na panukat upang matukoy
ang kalagayan ng ekonomiya?
Gawain 2: PAWANG KATOTOHANAN LAMANG
	 May tatlong pahayag na nasa ibaba tungkol sa paksa. Isa sa mga
pahayag na ito ay walang katotohanan. Magsagawa ng brainstorming ang bawat
pangkat upang malaman kung alin sa mga pahayag ang may katotohanan
at walang katotohanan. Bawat isa ay magbabahagi ng kaniyang nalalaman
upang makabuo ng mga kolektibong pagsang-ayon ang buong pangkat. Iulat
ang nabuong kasagutan sa harap ng klase.
1.	 Ginagamit ang Gross National Income at Gross Domestic Product
upang masukat ang economic performance ng isang ekonomiya.
2.	 Tanging halaga ng mga tapos na produkto lamang ang isinasama sa
pagkuwenta ng Gross National Income.
3.	 Ang halaga ng mga nabuong produkto ng mga dayuhang nagtatrabaho
sa loob ng Pilipinas ay hindi ibinibilang sa pagkuwenta ng Gross
National Income ng bansang kanilang pinanggalingan.
	 Lahat ng kasagutan ay tatanggapin. Hayaan ang mga mag-aaral na
magbigay ng sariling kaalaman tungkol sa paksa. Iwawasto lamang ito sa
huling bahagi ng aralin ukol sa paglilipat at pagsasabuhay.
Gawain 3: MAGBALIK-TANAW
	 Ipasagot ang katanungan sa ibaba batay sa kanilang sariling karanasan
o opinyon. Hindi kailangang wasto ang kasagutan sa gawaing ito. Muli nila
itong sasagutan pagkatapos ng mga gawain sa PAGLINANG at PAGNILAYAN
upang makita ang pag-unlad ng kanilang kaalaman sa aralin.
	 Sa susunod na bahagi ay sasagutan ng mga mag-aaral ang isang
chart upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa
pambansang kita.
	 Matapos maorganisa ng mga mag-aaral ang mga paunang kaalaman
tungkol sa pambansang kita, gagabayan sila para sa susunod na bahagi
ng aralin upang higit na maunawaan nang mas malalim na konsepto nito.
Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang
bansa? ______________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
172
DEPED COPY
Gawain 4: GNI at GD
Matapos mabasa ang teksto, papunan ng tamang datos ang Venn
diagram na nasa ibaba. Ipatala ang pagkakaiba ng GNI at GDP. Pagkatapos
ay ipasulat sa gitnang bahagi ang pagkakahalintulad ng dalawa.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Batay sa nabuong Venn diagram, papaano naiba ang Gross National
Income sa Gross Domestic Product?
2.	 Bakit kailangang sukatin ang economic performance ng isang bansa?
3.	 Bakit may mga gawaing hindi kabilang sa pagsukat ng GNI at GDP?
Gawain 5: PAANO ITO SINUSUKAT?
	 Magbigay ng mga papel na may nakasulat na impormasyon ukol
sa pambansang kita. Magtatanong din ukol sa paraan ng pagsukat sa
pambansang kita at mag-uunahan ang mga mag-aaral na idikit ito sa dayagram
na nakapaskil sa pisara. Ang halimbawa ng pigura ay makikita sa susunod na
pahina. Pagkatapos ng gawain ay ipasagot ang mga pamprosesong tanong na
nasa susunod na pahina.
PAUNLARIN
	 Matapos malaman ng mga mag-aaral ang mga paunang
impormasyon tungkol sa paksang-aralin, ngayon naman ay kanilang
lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang ito sa tulong ng mga teksto
at mga gawain na sadyang inihanda upang maging sanggunian
ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay
matutuhan ng mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol
sa pambansang kita. Mula sa mga inihandang gawain at teksto ay
inaasahang gagabay ito sa mag-aaral upang masagot kung bakit
mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa.
173
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang mga paraan ng pagsukat sa pambansang kita?
2.	 Paano ito naiba sa isa’t isa?
3.	 Sa iyong palagay, bakit dapat na nasusukat ang pambansang kita?
Gawain 6: MATH TALINO
	 Matapos maipabasa at maunawaan ng mag-aaral ang teksto, susubukan
naman nila ang kanilang kaalaman sa pagkuwenta. Ito ay upang malinang ang
kanilang kakayahan sa pagkompyut na mabisang kasangkapan sa pag-aaral
ng Ekonomiks.
	 Ipakompyut ang Price Index at Real GNP. Ipagamit ang 2006 bilang
batayang taon.
TAON NOMINAL GNP PRICE INDEX REAL GNP
2006
2007
2008
2009
2010
10 500
11 208
12 223
13 505
14 622
PamprosesongTanong:
1.	 Ano ang sinusukat ng Price Index?
2.	 Bakit kalimitang mas malaki ang Nominal GNI kung ihahambing sa
Real GNI ng Pilipinas?
3.	 Ano ang kahihinatnan ng malaking populasyon ngunit maliit na GNI
ng bansa sa kontemporaryong panahon?
EXPENDITURE
APPROACH
VALUE ADDED
APPROACH/
INDUSTRIAL ORIGIN
INCOME
APPROACH
PARAAN NG
PAGSUKAT SA
PAMBANSANG
KITA
174
DEPED COPY
Gawain 7: MAGBALIK TANAW
	 Ngayon ay maaari nang itala ng mga mag-aaral ang lahat ng bagay
at impormasyon na kanilang natutuhan. Ipalagay o ipasulat sa isang buong
papel at ipaipon sa kanilang portfolio ang naging kasagutan para mabasa at
mabigyan ng grado.
Gawain 8: EKONOMIYA PAGNILAYAN
	 Ipabasa ang pahayag ng National Statistical Coordination Board batay
sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Matapos basahin, magpagawa sa mga
mag-aaral ng isang sanaysay na may pamagat na “Ekonomiya ng Pilipinas:
Saan Papunta?” Gawing gabay ang rubrik sa pagmamarka ng sanaysay.
Philippine Economy posts 7.0 percent GDP growth in Q3 2013
(Posted 28 November 2013)
Pinagkunan: http://www.nscb.gov.ph/sna/2013/3rd2013/highlights.asp#sthash.xsCOJ7DL.
dpuf retrieved on July 16, 2014
HIGHLIGHTS
•	 The domestic economy grew by 7.0 percent in the third quarter of 2013 from
7.3 percent recorded the previous year boosting the 2013 first nine months
growth to 7.4 percent from 6.7 percent last year.  The third quarter growth
was driven by the Services sector with the robust performance of Real
Estate, Renting & Business Activities, Trade and Financial Intermediation
Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_______________________________________________
Matapos mapalalim ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman ukol
sa pambansang kita, maaari na silang pumunta sa susunod na bahagi ng
aralin. Gabayan ang mga mag-aaral para sa mas malalim na pag-unawa ng
konseptong ito.
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ng mag-
aaral ang mga nabuong kaalaman ukol sa pambansang kita. Kinakailangan
ang mas malalim na pagtalakay sa konsepto upang maihanda sila sa
pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan.
175
DEPED COPY
sustained by the accelerated growth of the Industry sector.
•	 On the demand side, growth in the third quarter of 2013 came from increased
investments in Fixed Capital, reinforced by consumer and government
spending, and the robust growth in external trade.
•	 With accelerated growth of the Net Primary Income (NPI) from the Rest of
the World in the third quarter of 2013 by 11.9 percent, the Gross National
Income (GNI) expanded by 7.8 percent in the third quarter of 2013 from 7.3
percent in the third of 2012.
•	 On a seasonally adjusted basis, GDP posted a positive growth of 1.1
percent in the third quarter of 2013 but this was a deceleration from 1.6
percent in the previous quarter while GNI accelerated by 1.8 percent in the
third quarter of 2013 from 1.1 percent in the second quarter of 2013.  The
entire Agriculture sector rebounded its seasonally adjusted growth to 0.7
percent from a decline of 0.7 percent in the previous quarter while Industry
decelerated to 0.3 percent from 1.4 percent. On the other hand, the Services
sector recorded a 1.6 percent growth for the third quarter of 2013 from 2.1
percent in the previous quarter with the positive growth of all its subsectors.
•	 With projected population growing by 1.6 percent to  level of 97.6 million,
per capita GDP grew by 5.2 percent, per capita GNI accelerated by 6.0
percent while per capita Household Final Consumption Expenditures
(HFCE) decelerated by 4.5 percent.
RUBRIK SA PAGMAMARKA NG SANAYSAY
Napakahusay
(3)
Mahusay
(2)
Hindi Mahusay
(1)
NAKUHANG
PUNTOS
Nilalaman
Nakapagpakita
ng higit
sa tatlong
katibayan ng
pagsulong ng
ekonomiya ng
bansa.
Nakapagpakita
ng tatlong
katibayan ng
pagsulong ng
ekonomiya ng
bansa.
Nakapagpakita
ng kulang
sa tatlong
katibayan ng
pagsulong ng
ekonomiya ng
bansa.
Mensahe
Maliwanag at
angkop ang
mensahe.
Di-gaanong
maliwanag ang
mensahe.
Di-angkop ang
mensahe
Oras/
Panahon
Nakasunod sa
tamang oras ng
paggawa.
Lumagpas ng
isang minuto
sa paggawa.
Lumagpas ng
higit sa isang
minuto sa
paggawa.
Kabuuang Puntos
176
DEPED COPY
Gawain 9: KITA NG AKING BAYAN
	 Papuntahin ang mga mag-aaral sa ingat yaman (treasurer) ng
pamahalaang panlungsod o munisipalidad. Hayaan silang humingi ng sipi ng
kita at gastusin sa loob ng limang taon. Ipasuri kung may paglago sa ekonomiya
ng kanilang lokal na komunidad. Maaaring ipalipat sa graph ang nakuhang
datos upang maging mas maliwanag ang pagsusuri. Ipasulat ang ginawang
pagsusuri sa isang buong papel at ipapasa.
Gawain 10: GRAPH AY SURIIN
	 Maaaring tingnan ng mga mag-aaral ang website ng National Statistical
Coordination Board (NSCB) o iba pang mapagkakatiwalaang website sa
Internet. Mula rito ay hayaan silang magsaliksik tungkol sa Gross National
Income at Gross Domestic Product ng Pilipinas mula taong 2008 hanggang
2013. Pagawain sila ng vertical bar graph gamit ang Microsoft Excel o iba pang
application sa kompyuter. Ipa-print ang nabuong graph at upang maipasa ito.
Pasagutan din ng buong katapatan ang checklist sa ibaba. Palagyan ng isang
tsek (/) ang bawat aytem:
CHECKLIST SA NATUTUHAN
AYTEM NATUTUHAN
DI-GAANONG
NATUTUHAN
HINDI
NATUTUHAN
1.	 Pagkakaiba ng GNI sa GDP
2.	 Mga paraan ng pagsukat sa
GNI at GDP
3.	 Pagkompyut ng
pambansang kita.
4.	 Kahalagahan ng pagsukat
sa economic performance
ng bansa
5.	 Naisabuhay at nagamit
sa pang-araw-araw na
pamumuhay ang natutuhan
sa aralin
Gawain 11: STATE OF THE COMMUNITY ADDRESS
	 Base sa nakalap na datos ukol sa kita at gastusin ng pamahalaang
panlungsod o munisipalidad na tinitirhan ng mga mag-aaral, hayaan silang
gumawa ng talumpati ukol sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya sa
kanilang komunidad. Pagtutuunan nila ng pansin kung papaano tinutugunan
ang mga suliraning pangkabuhayan ng kanilang pamahalaang lokal. Iparinig
ang talumpati sa loob ng silid-aralan. Gawing gabay ang rubrik sa pagmamarka
ng talumpati.
177
DEPED COPY
Rubrik sa Pagmamarka ng Talumpati
Napakahusay
(3)
Mahusay
(2)
Hindi
Mahusay
(1)
NAKUHANG
PUNTOS
Nilalaman
Nakapagpakita
ng higit
sa tatlong
katibayan ng
pagsulong ng
ekonomiya
ng lungsod o
munisipalidad.
Nakapagpakita
ng tatlong
katibayan ng
pagsulong ng
ekonomiya
ng lungsod o
munisipalidad.
Nakapagpakita
ng kulang
sa tatlong
katibayan ng
pagsulong ng
ekonomiya
ng lungsod o
munisipalidad
Pagsasalita
Maliwanag at
nauunawaan
ang paraan ng
pagbigkas ng
talumpati.
Di-gaanong
maliwanag
ang paraan ng
pagbigkas ng
talumpati.
Hindi
maliwanag
ang paraan ng
pagbigkas ng
talumpati.
Oras/Panahon
Nakasunod sa
tamang oras.
Lumagpas ng
isang minuto.
Lumagpas ng
higit sa isang
minuto.
Pagsasabuhay
Makatotohanan
at magagamit
ang
impormasyon sa
pang-araw-araw
na pamumuhay.
Di-gaanong
makatotohanan
at hindi-
gaanong
magagamit
sa pang-
araw-araw na
pamumuhay.
Hindi
makatotohanan
at hindi
magagamit
sa pang-
araw-araw na
pamumuhay.
Kabuuang Puntos
Gawain 12: MAGBALIK TANAW
	 Ngayon ay maaari nang itala ng mga mag-aaral ang lahat ng bagay at
impormasyon na kanilang natutuhan. Maaari nilang balikan ang una at ikalawa
nilang kasagutan sa katanungang ito, at kung may mga pagkakamali ay maaari
na ring itama sa bahaging ito ng aralin.
Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
__________________________________
178
DEPED COPY
PANIMULA
	 Ang kakayahang kumonsumo ng tao ay nakabatay sa salapi na maaari
nitong gastusin. Ang salapi namang maaaring maimpok ay nakabatay kung
magkano ang matitirang salapi matapos ibawas ang salaping ginamit sa
pagkonsumo. Mauunawaan sa araling ito ang ugnayan ng pangkalahatang
kita, pag-iimpok, at pagkonsumo.
	 Sa pagtatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahan nang
nakapagpapahayag ng kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok.
ARALIN 3:
UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA,
PAG-IIMPOK, AT PAGKONSUMO
Gawain 1: LARAWANG HINDI KUPAS!
	 Ipasuri ang larawan at ipasagot ang mga pamprosesong tanong.
ALAMIN
	 Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng
mag-aaral tungkol sa ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, at
pagkonsumo at kung bakit kailangang maunawaan ang kahalagahan ng
ugnayan nito sa isa’t isa?
179
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?
2. Kung ikaw ay may trabaho at kita, saan mo iyon gagastusin?
Gawain 2: KITA, GASTOS, IPON
	 Hayaang bigyan ng sariling interpretasyon ng mga mag-aaral ang graph
sa ibaba. Maaaring maiugnay ang konsepto ng kita, pag-iimpok, at pagkonsumo
sa interpretasyon.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang may pinakamataas at pinakamababang bar sa graph? Ano
ang ibig ipahiwatig nito?
2.	 Kung ikaw ang tatanungin, ano ang dapat na pinakamataas sa mga
bar ng graph? Bakit?
3.	 Batay sa kahalagahan, ayusin ang sumusunod: kumita, gumastos,
o mag-ipon?
	 Sa susunod na bahagi ay sasagutan ng mga mag-aaral ang Gawain
3 upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa ugnayan ng
pangkalahatang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo.
KURYENTE TUBIG PAGKAINIPON
Kita 1
Kita 3
Kita 2
180
DEPED COPY
Gawain 3: BE A WISE SAVER
	 Papunan nang matapat na kasagutan ang kahon sa ibaba. Muling
ipasasagot ang katanungang ito matapos ang PAUNLARIN. Tandaan na
tanggapin ang lahat ng magiging kasagutan ng mga mag-aaral sa bahaging
ito.
Papaano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok, at
pagkonsumo?
ANG PAGKAKAALAM KO
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
	 Matapos maorganisa ng mag-aaral ang mga paunang kaalaman
tungkol sa ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo,
gagabayan sila para sa susunod na bahagi ng aralin upang higit na
maunawaan nang mas malalim ang konsepto.
PAUNLARIN
Matapos malaman ng mga mag-aaral ang paunang
impormasyon tungkol sa paksang-aralin, ngayon naman ay lilinangin
nila ang mga kaisipan/kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga
gawain na sadyang inihanda upang maging batayan ng impormasyon.
Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan ng mag-aaral
ang mga mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa pangkalahatang
kita, pag-iimpok, at pagkonsumo. Mula sa mga inihandang gawain at
teksto ay inaasahang gagabay ito sa mag-aaral upang masagot kung
papaano nauugnay ang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo.
Paano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok, at
pagkonsumo?
181
DEPED COPY
Gawain 4: Ipasuri ang pigura sa ibaba.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang pakakaiba ng Kita, Pagkonsumo, at Pag-iimpok?
2.	 Ano ang papel na ginagampanan ng financial intermediaries?
3.	 Kung ikaw ay mag-iimpok, ano ang maaari mong pakinabang dito?
Gawain 4: MAGKUWENTUHAN TAYO
Sabihin sa mga mag-aaral ang sumusunod na pahayag.
	
	 Nasubukan mo na bang mag-ipon? Palagi ba na kulang ang perang
ibinibigay sa iyo kaya hindi ka makaipon? Kung nakaipon ka, ano ang ginawa
mo sa perang naipon mo? Kung malinaw para sa iyo ang gusto mong mabili o
makamit ay hindi malalayo na makakaipon ka kahit wala halos natitirang pera
sa bulsa mo. Tunghayan mo ang kuwento.
KALAYAAN SA KAHIRAPAN
Kathang isip ni: Martiniano D. Buising
	 Si Jonas ay isang mag-aaral sa sekondarya. Mayroon siyang baon na
dalawampu’t limang piso (Php25) bawat araw. Ang kaniyang pamasahe ay
Php10 papasok at Php10 rin pauwi. Samakatuwid, mayroon lamang siyang
Php5 para sa kaniyang pagkain at iba pang pangangailangan. Upang makatipid,
gumigising siya nang maaga at naghahanda ng kaniyang pagkaing babaunin
sa pagpasok. Kung maaga pa, naglalakad na lamang siya papasok sa paaralan.
Financial
Intermediaries
Financial
Intermediaries
Commercial Banks
Savings and Loans
Credit Unions
Finance Companies
Life Insurance Companies
Mutual Funds
Pension Funds
Nag-iimpok Nangungutang
Naimpok (Savings) Utang (Loans)
Interes at Dibidendo
(Interest and Dividends)
Pag-aari (Assets)
182
DEPED COPY
At sa uwian sa hapon, naglalakad din siya kung hindi naman umuulan o kung
hindi nagmamadali. May mga pagkakataon na hindi niya nagagastos ang
kaniyang allowance, dahil may nanlilibre sa kaniya ng meryenda, at minsan
naman ay ibinabayad na siya ng kaibigan ng pamasahe. Basta may natirang
pera, inilalagay niya iyon sa kaniyang savings.
	 Sa loob ng isang buwan, nakakaipon si Jonas ng Php100 hanggang
Php150 daang piso at idinideposito niya iyon sa bangko. Parang isang natural
na proseso lang para kay Jonas ang pag-iipon, bilhin ang kailangang bilhin,
at huwag bilhin ang hindi kailangan, at ang matitira ay ilalagay sa savings. Sa
tuwing may okasyon at may nagbibigay sa kaniya ng pera bilang regalo, hindi
rin niya iyon ginagastos at inilalagay rin niya sa kaniyang savings account.
Hindi masasabing kuripot si Jonas, dahil may mga pagkakataong gumagastos
din siya mula sa kaniyang ipon upang ibili ng pangangailangan sa paaralan at
sa kanilang bahay.
	 Nakaipon si Jonas ng limang libong piso sa bangko at nagkataong
mayroong iniaalok na investment program ang bangko sa loob ng sampung
(10) taon. Sinamantala niya ang pagkakataon at siya ay nag-enrol sa nasabing
programa kung kaya’t ang kaniyang perang nakatabi bilang investment ay
may kasiguruhang kikita ng interes. Gayumpaman, nagpatuloy pa rin si
Jonas sa pag-iipon at pagdedeposito sa investment program sa tuwing siya
ay makaipon ng limang libong piso, hanggang sa siya ay makagraduate ng
kolehiyo at makapagtrabaho. Ang lahat ng kaniyang bonus, allowance, at iba
pang pera na hindi nagmula sa kaniyang suweldo ay deretso niyang inilalagay
sa investment program. Dahil may sarili na siyang kita, natuto na rin siyang
ihiwalay ang 20% ng kaniyang kita para sa savings at ang natitira ay hahati-
hatiin niya sa kaniyang pangangailangan. Kung may sobra pang pera na hindi
nagamit, inilalagay niya pa rin sa kaniyang savings.
Makalipas ang sampung taon, ang perang naipon ni Jonas sa investment
program ay umabot na sa halos isang milyon. Muli niyang inilagak sa ibang
investment program ang kaniyang pera at kumita na ito ng humigit kumulang
sa dalawampung libong piso (Php20,000.00) sa loob ng isang buwan. Malaya
na si Jonas sa kahirapan, bukod sa kaniyang suweldo mula sa trabaho ay may
inaasahan pa siyang kita ng kaniyang investment buwan-buwan.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Sa iyong palagay, kahanga-hanga ba ang katangiang ipinakita ni
Jonas? Bakit?
2.	 Anong aral na maaaring mapulot mula sa kuwento? Ipaliwanag.
3.	 Kung ikaw si Jonas, saan mo gagamitin ang perang naipon mo ng
sampung (10) taon?
183
DEPED COPY
Gawain 5: BABALIK KA RIN
	 Hayaang balikan ng mag-aaral ang aralin tungkol sa paikot na daloy
ng ekonomiya. Pangkatin sa dalawa ang klase. Magtalaga ng lider sa bawat
pangkat. Ang unang pangkat ay tatalakay sa konsepto at ugnayan ng kita
at pagkonsumo. Ang ikalawang pangkat naman ay tatalakay sa konsepto at
ugnayan ng kita at pag-iimpok. Matapos ito ay ipaulat sa bawat pangkat ang
kanilang paksa at sagutin ang mga pamprosesong tanong.
UNANG PANGKAT:
	 Batay sa modelo ng paikot na daloy, ang mga salik ng produksiyon;
lupa, paggawa, kapital, at kakayahang entrepreneurial ay nagmumula sa
sambahayan. Ang bahay-kalakal naman ay responsable upang pagsama-
samahin ang mga salik ng produksiyon upang mabuo ang produkto at serbisyo.
Sa ating dayagram sa ibaba, makikita na ang halagang Php100,00 ay napunta
sa sambahayan mula sa bahay-kalakal bilang kabayaran sa mga salik ng
produksiyon. Magsisilbi itong kita ng sambahayan. Samantala magagamit
ng sambahayan ang naturang halaga bilang pagkonsumo. Ang Php100,000
ay mapupunta sa bahay-kalakal bilang kabayaran sa mga nabuong produkto
at serbisyo. Ang gastos ng bahay-kalakal bilang kabayaran sa mga salik ng
produksiyon ay nagsisilbing kita ng sambahayan. Sa kabilang banda, ang
paggastos ng sambahayan bilang kabayaran sa nabuong produkto at serbisyo
ay nagsisilbing kita ng bahay-kalakal. Ipinapakita sa paikot na daloy ang pag-
aasahang nagaganap sa pagitan ng sambahayan at bahay-kalakal.
Sa panig ng Sambahayan (S)			 Kung saan:
Y = C							Y = Kita
Php100,000 = Php100,000				 C = Pagkonsumo
Sa panig ng Bahay-kalakal (B)
Y = C
Php100,000 = Php100,000
184
DEPED COPY
	 Ang kalagayang ito ay tinatawag na makroekonomikong ekwilibriyo
kung saan ang kita (Y) sa panig ng sambahayan ay katumbas sa pagkonsumo
(C) o kaya sa panig ng bahay-kalakal, ang kita sa produksiyon (Y) ay katumbas
ng pagkonsumo.
Pinagkunan: Balitao, B., Cruz, N., Rillo, J. (2004). Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad Makabayan Serye. Quezon
City: Vibal Publishing House, Inc.
PANGALAWANG PANGKAT:
	 Ipinapakita sa dayagram na hindi lahat ng kita ng sambahayan ay
ginagamit sa pagkonsumo. May bahagi ng kita ng sambahayan na hindi
ginagasta. Ang salaping hindi ginagastos ay tinatawag na impok (savings).
Sa ating halimbawa ang kita ng sambahayan na Php100,000 mula sa bahay-
kalakal bilang kabayaran sa mga salik ng produksiyon ay hindi ginagasta lahat.
Ang Php10,000 ay napupunta sa pag-iimpok kaya ang kabuuang pagkonsumo
ay aabot na lamang sa Php90,000. Mapapansin na ang halagang Php10,000
bilang impok ay papalabas (outflow) sa paikot na daloy. Ang halagang
Php10,000nainimpokngsambahayanaymaaaringgamitinngmgainstitusyong
pinansiyal bilang pautang sa bahay-kalakal bilang karagdagang puhunan. Sa
ganitong pagkakataon, ang pamumuhunan ay nagsisilbing dahilan upang
muling pumasok ang lumabas na salapi sa paikot na daloy.
185
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang ipinakikita ng dayagram?
2.	 Paano nagkakaugnay ang kita, pagkonsumo, at pag-iimpok?
3.	 Ano ang naging resulta ng naturang ugnayan?
4.	 Bakit mahalaga na malaman ang kita, pagkonsumo, at pag-iimpok
ng isang bansa? Ipaliwanag.
Rubrik sa Pagmamarka ng Pag-uulat
Mga Kraytirya
Natatangi
(5 puntos)
Mahusay
(4 puntos)
Hindi
gaanong
Mahusay
(3 puntos)
Hindi
Mahusay
(2 puntos)
1.	 Kaalaman at
Pagkakaunawa sa
Paksa
2.	 Organisasyon/
Presentasyon
3.	 Kalidad ng
Impormasyon o
Ebidensiya
Kabuuang Puntos
Gawain 6: BE A WISE SAVER
	 Muli mong ipasagot sa mag-aaral ang katanungan sa kabilang pahina.
Ngayon ay inaasahang maiwawasto na nila ang kanilang kasagutan gamit ang
mga natutuhan sa mga gawain at aralin.
Sa panig ng Sambahayan (S):		 Sa panig ng bahay-kalakal (B):
Y = C + S					 Y = C + I
Php100,000 = Php90,000 + Php10,000	 Php100,000 = Php90,000 + Php10,000
					 C + S = Y = C + I
Samakatwid,
S = I
Lumalabas na kita (outflow) = Pumapasok na kita (inflow)
Kung saan:
S = Pag-iimpok
I = Pamumuhunan
Pinagkunan: Balitao, B., Cruz, N., Rillo, J. (2004). Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad Makabayan Serye. Quezon City: Vibal Publishing
House, Inc.
186
DEPED COPY
Gawain 7: IDEKLARA IYONG YAMAN
	 Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa Statement of Assets,
Liabilities and Net Worth. Nakasaad ang impormasyon sa
Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for
public officials and Employees Section 4 (h) Simple living. - Public officials
and employees and their families shall lead modest lives appropriate
to their positions and income. They shall not indulge in extravagant or
ostentatious display of wealth in any form.
	SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth). Ito ay
deklarasyon ng lahat ng pag-aari (assets), pagkakautang (liabilities), negosyo,
at iba pang financial interest ng isang empleyado ng gobyerno, kasama ang
kaniyang asawa at mga anak na wala pang 18 taong gulang.
	 Ipagawa rin ito upang malaman ng mga mag-aaral ang kanilang
kalagayang pinansyal. Dahilan sa maaaring kakaunti pa ang kanilang pag-aari
Papaano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok, at
pagkonsumo?
ANG PAGKAKAALAM KO
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
Matapos mapalalim ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman ukol
sa ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo, maaari na
silang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Gagabayan ang mga mag-
aaral para sa mas malalim na pag-unawa ng konsepto.
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ng
mag-aaral ang mga nabuo nilang kaalaman ukol sa ugnayan ng
pangkalahatang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo. Kinakailangan ng
mas malalim na pagtalakay sa konsepto upang maihanda ang mga
mag-aaral sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan.
Papaano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok,
at pagkonsumo?
187
DEPED COPY
(asset), ipasama ang mga simpleng bagay na mayroon sila katulad ng relo,
damit, kuwintas, sapatos, singsing, at iba pang personal na gamit na mayroon
pang halaga.
	 Papunan sa mga mag-aaral ng kunwariang datos ang SALN na nasa
ibaba bilang pagpapakita ng kanilang pamumuhay. Sagutan din ang mga
pamprosesong tanong.
Pag-aari (Asset) Halaga
Php
Kabuuang halaga Php_____________
Pagkakautang (Liabilities) Halaga
Php
Kabuuang halaga Php_____________
Asset – Liabilities = Php_____________
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang naramdaman mo habang ginagawa ang gawain?
2.	 May natira ka bang asset matapos maibawas ang liability?
3.	 Ano ang ipinapahiwatig ng kalagayang ito sa iyong buhay bilang
isang mag-aaral?
4.	 Anoangdapatmonggawinmataposmongmalamanangkasalukuyan
mong kalagayang pinansiyal?
Gawain 8: KITA AT GASTOS NG AMING PAMILYA
Sabihin sa mga mag-aaral ang sumusunod na pahayag:
Alamin ang buwanang kita ng iyong pamilya. Kapanayamin ang iyong
mga magulang kung papaano ginagastos ang kita ng pamilya sa loob ng isang
buwan. Gamitin ang talahanayan bilang gabay. Pagkatapos ay sagutin ang
mga pamprosesong tanong.
188
DEPED COPY
PINAGMUMULAN NG KITA BAWAT BUWAN HALAGA
1. Suweldo
2. Iba pang Kita
KABUUANG KITA
GASTOS BAWAT BUWAN HALAGA
1. Pagkain
2. Koryente
3. Tubig
4. Matrikula/Baon sa Paaralan
5. Upa sa bahay
6. Iba pang Gastusin
KABUUANG GASTOS
KABUUANG KITA – GASTOS BAWAT BUWAN
Pamprosesong Tanong:
1.	 Batay sa ginawa mong talahanayan, mas malaki ba ang kita ng iyong
pamilya kumpara sa gastusin?
2.	 Kung mas malaki ang gastusin kaysa kita ng pamilya, paano ninyo
ito natutugunan?
3.	 Ano ang nararapat ninyong gawin upang hindi humantong sa mas
malaking gastos kumpara sa kita?
4.	 Kungmasmalaki naman angkitakumpara sagastusin,maybahagi ba
ng natirang salapi na napupunta sa pag-iimpok? sa pamumuhunan?
Idetalye ang sagot.
Gawain 9: BE A WISE SAVER
	 Papunan ng matapat na kasagutan ang kahon sa ibaba. Muling
sasagutan ang katanungang ito matapos ang PAUNLARIN. Tandaan na
tatanggapin ang lahat ng magiging kasagutan ng mga mag-aaral sa bahaging
ito.
PANIMULA
Papaano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok
at pagkonsumo ?
ANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO AY
NAGKAKAUGNAY
______________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
________
ANG KITA, PAG-IIMPOK, AT PAGKONSUMO AY
NAGKAKAUGNAY
Papaano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok,
at pagkonsumo?
189
DEPED COPY
PANIMULA
	 Pangunahing isyu sa lahat ng tao ang suliranin sa patuloy na pagtaas
ng presyo. Maraming mamamayan, noon at ngayon, ang nahaharap sa hamon
ng walang tigil na pagbabago sa mga presyo ng mga pangunahing produkto at
serbisyo. Dahil dito, ang bawat isa ay napipilitang humanap ng mas matatag
na hanapbuhay upang matugunan ang kanilang mga pang-araw-araw na
pangangailangan.
	 Kaugnay nito, kinakailangang maiayos ng pamahalaan ang
pangkalahatang presyo sa ekonomiya. Ito ay bilang pagsisiguro na ang
mamamayan ay matutulungan na maitawid sa mga pangangailangan upang
mabuhay nang sapat. Sa ganitong aspekto pumapasok ang bahaging
ginagampanan ng pamahalaan. Kung kaya’t ang pangunahing pokus mula
sa bahaging ito ng modyul ay ang mga patakaran ng pamahalaan bilang
instrumento sa pagpapatatag ng ekonomiya.
	 Sa iyong pagtahak sa landas ng kaalaman sa araling ito, ikaw ay haharap
sa mga tekstong magbibigay-kabatiran at mga mapanghamong gawain na
sadyang pupukaw ng iyong interes at magbibigay sa iyo ng kaalaman.
	 Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay nakapagsusuri ng
konsepto at palatandaan ng implasyon, natataya ang dahilan ng pagkakaroon
ng implasyon, at aktibong nakalalahok sa paglutas ng implasyon.
ARALIN 4
IMPLASYON
Gawain 1: LARAWAN SURIIN!
Ipasuri ang karikatura na nasa susunod na pahina. Hayaan na
magkaroon ng iba’t ibang pananaw ang mag-aaral tungkol dito. Matapos
ang pagsusuri, gamitin bilang gabay sa pagtalakay ang mga pamprosesong
tanong.
ALAMIN
	 Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng
mga mag-aaral tungkol sa implasyon at kung ano ang mga palatandaan,
epekto, at mga paraan sa paglutas ng mga suliraning kaugnay nito.
190
DEPED COPY
‘Ang Paglipad’
Iginuhit ni Gab Ferrera
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?
2.	 Ano ang basehan ng inyong naging obserbasyon?
3.	 Sa inyong palagay, ano ang maaaring maging dahilan ng ganitong
sitwasyon?
Gawain 2: MAGBALIK-TANAW!
Batay sa talahanayan sa ibaba, ipatanong sa mag-aaral ang mga
presyo ng mga produktong nasa talahanayan sa kanilang mga lolo at lola,
tatay at nanay, mga kuya at ate. Hayaang ibahagi sa klase ang mga natipong
impormasyon.
PRODUKTO
PRESYO NG PRODUKTO noong 3rd Year High School Sila
Panahon nina
Lolo at Lola
Panahon nina
Tatay at Nanay
Panahon nina
Kuya at Ate
Kasaluku-
yang Taon
1 kilong bigas
1 lata ng sardinas
25 grm. kape
1 kilong asukal
1 kilong galunggong
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang napansin mo sa presyo ng mga produkto ayon sa mga
panahong ibinigay?
2.	 Sa iyong palagay, bakit nagkakaroon ng pagbabago sa presyo ng
mga produkto?
191
DEPED COPY
3.	 Paano naaapektuhan ang inyong pamilya at ang ibang tao sa
pagbabago sa 	 presyo?
Gawain 3: I-KONEK MO
	 Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan ang baitang ng kaalaman sa
pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa aspektong ito ay pupunan nila ang Alam ko…
upang masukat ang inisyal na kasagutan sa katanungang itinuturo ng arrow.
Ang Nais Kong Matutuhan…ay sasagutan naman ng mag-aaral pagkatapos
ng bahagi ng paunlarin at ang Natutuhan ko…ay pupunan pagkatapos ng
gawain sa pagnilayan. Maaari itong ilagay sa portfolio o kuwaderno dahil ito ay
kakailanganin hanggang sa dulong bahagi ng modyul na ito.
Sa susunod na bahagi ay sasagutan ng mga mag-aaral ang isang
tsart upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa implasyon.
Paano ka makatutulong
sa paglutas ng mga
suliraning kaugnay ng
implasyon?
	 Matapos maorganisa ang mga paunang kaalaman ng mga mag-aaral
tungkol sa implasyon, ihanda sila sa susunod na bahagi ng aralin upang
higit na maunawaan nang mas malalim ang konsepto ng implasyon.
PAUNLARIN
	 Matapos malaman ang mga paunang impormasyon tungkol
sa aralin, ngayon naman ay lilinangin ang mga kaalamang ito sa
tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging
batayan ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging
ito ay matutuhan ng mga mag-aaral ang mahahalagang ideya o
konsepto tungkol sa implasyon. Inaasahang magagabayan sila ng
mga inihandang gawain at teksto upang masagot kung paano sila
makakatulong sa paglutas ng mga suliraning kaugnay ng implasyon.
Halina’t umpisahan sa pamamagitan ng gawain na nasa susunod na
pahina.
Alam Ko Nais Kong
matutuhan
Natutuhan Ko
192
DEPED COPY
Gawain 4: IKAW NAMAN ANG MAGKOMPYUT
Mula sa talahanayan, hayaan ang mag-aaral na punan ng tamang sagot
ang mga column ng CPI, Antas ng Implasyon at Purchasing Power. Gamitin
ang 2008 bilang batayang taon sa pagkompyut. Matapos ito, gamitin ang mga
pamprosesong tanong upang ganap na maunawaan ang gawain.
Taon Total Weighted
Price
C P I Antas ng
Implasyon
Purchasing
Power
2008 1 300 - -
2009 1 500
2010 1 660
2011 1 985
2012 2 000
2013 2 300
Pamprosesong Tanong:
1.	 Mula sa talahanayan, ano ang may pinakamataas na CPI?
2.	 Anong taon ang may pinakamalaking bahagdan ng pagtaas sa
pangkalahatang presyo ng mga pangunahing produkto na kabilang
sa basket of goods?
3.	 Ano ang kahalagahan sa iyo bilang miyembro ng pamilya ninyo, na
matukoy ang tunay na halaga ng piso? Ipaliwanag.
4.	 Paano mo mailalarawan ang karaniwang reaksyon ng iyong mga
magulang sa tuwing may pagtataas ng presyo sa mga bilihin?
Pangatwiranan.
Gawain 5: DAHILAN O BUNGA
	 Ipasuri ang sumusunod na sitwasyon. Ipatukoy kung ano sa mga ito ang
dahilan ng implasyon o bunga ng implasyon. Ipasulat ang DI para sa dahilan
ng implasyon o BI para sa bunga ng implasyon sa kanilang papel o kuwaderno.
1.	 Malaking bahagi ng badyet ng bansa ang napupunta sa pambayad-
utang.
2.	 Mas malaki ang gastusin sa military kaysa sa agrikultura.
3.	 Maraming produkto ang hindi kayang bilhin ng mamamayan.
4.	 Maraming mag-aaral ang hindi na kayang pag-aralin ng kanilang
mga magulang.
5.	 Paghingi ng karagdagang sahod ng mga manggagawa.
6.	 Mataas na halaga ng mga materyales na kailangan sa produksiyon.
7.	 Mataas na interes ang ipinapataw sa mga utang.
193
DEPED COPY
Gawain 6: LARAWAN–SURI
	 Ipasuri ang mga larawan. Ibahagi ang pananaw na nabuo mula rito.
Pinagkunan: http://www.imagestock.com/directory/i/industrial_rmarket.asp,http://www.imagestock.com/directorywelga _asp, http://
www.imagestock.com/ibon _asp. Retrieved on July 14, 2014
Pamprosesong Tanong:
1.	 Paano maiuugnay ang mga larawan sa konsepto ng implasyon?
2.	 Ano ang maaaring ibunga ng sumusunod na larawan?
3.	 Ikaw bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong imungkahi bilang
iyong ambag sa pagharap at pagtugon sa epekto ng implasyon sa
ekonomiya?
Gawain 7: I-KONEK MO
	 Sa puntong ito, maaari ng pasagutan sa mga mag-aaral ang ikalawang
kahon ng Nais Kong Matutuhan… subalit ang ikatlong kahon na Natutuhan
Ko… ay hahayaan lamang na walang laman sapagkat maaari lamang itong
sagutan sa pagtatapos ng bahagi ng PAGNILAYAN. Tandaan na dapat itong
sagutan sa kanilang portfolio o kuwaderno.
Paano ka makakatulong
sa paglutas sa suliranin
kaugnay ng implasyon?Alam Ko Nais Kong
matutuhan
Natutuhan Ko
194
DEPED COPYGawain 8: MAKIBALITA TAYO
Presyo ng Iba pang Pangunahing Bilihin, Tumaas Na Rin
By dzmm.com.ph | 09:37 PM 06/18/2014
	 Kasunod ng pagtaas ng pamasahe sa jeepney, sunod-sunod na rin
ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Bukod sa una nang
napabalitang pagtaas ng presyo ng bawang, luya, bigas, at asukal,
tumaas na rin ang presyo ng manok at baboy habang nagbabadya
naman ang pagtaas ng ilang brand ng gatas at produktong de lata. 
	 Dahil dito, nagpulong ngayong Miyerkules ang National Price
CoordinatingCouncil(NPCC)paratalakayinangsunod-sunodnapagtaas
na ito ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Sa kaso ng bawang, sinabi
ni NPCC Chairman at Trade and Industry Secretary Gregory Domingo
sa panayam ng DZMM na nagkaroon lang ng temporary shortage.
	 Aniya, 30% lang ng suplay ng bawang ang nagmumula sa
lokal na supplier habang ang nalalabing 70% ay nagmumula na
sa importasyon. Naipit lang aniya ang ibang suplay sa mga port at
inaasahang babalik na sa normal ang presyo sa loob ng dalawang
linggo hanggang isang buwan.
	 Matatandaang naglunsad na rin ng caravan ang gobyerno na
nagbebenta ng mga murang bawang. Sa pagtaas naman ng commercial
na bigas, tutugunan ito ng National FoodAuthority (NFA) sa pamamagitan
ng pagdodoble ng inilalabas nilang bulto ng bigas. 
	 Sa kaso naman ng pagtaas ng presyo ng manok, ipinaliwanag ng
Matapos mapalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa implasyon,
maaari na silang tumungo sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda ang mga
mag-aaral para sa mas malalim na pag-unawa ng implasyon.
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ng
mga mag-aaral ang mga nabuo nilang kaalaman ukol sa implasyon.
Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa implasyon upang
maihanda sila sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan.
195
DEPED COPY
broiler groups na bumagal ang paglaki ng mga manok dahil sa labis na
init na panahon na naranasan nitong mga nakalipas na buwan. 
	 Tiniyak naman ng mga ito na babalik din sa normal ang presyo sa
mga susunod na linggo. Pinayagan naman ng DTI ang pagtaas ng
presyo ng gatas dahil sa pagtaas ng world price nito. 
	 May hiling na rin para naman itaas ang presyo ng de lata at
bagama’t hindi pa ito inaaprubahan, sinabi ni Domingo na karaniwan
naman nilang pinapayagan ang pagtaas basta’t malapit sa antas ng
inflation. “Kailangan talaga every year may ine-expect ka na pag-akyat
kahit konti,” sabi pa ng kalihim. (With a report from Alvin Elchico, ABS-
CBN News)
Pinagkunan: Elchico, A (2014). News Presyo ng Iba pang Pangunahing Bilihin, Tumaas Na Rin. ABS-CBN:Philippines - http://dzmm.
abs-cbnnews.com/news/National/Presyo_ng_iba_pang_pangunahing_bilihin,_tumaas_na_rin.html retrieved on July 15, 2014
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang pangunahing impormasyon na ipinahahatid ng balita?
2.	 Ano ang iyong reaksiyon matapos mong basahin ang balita?
3.	 Bilang isang mag-aaral, paano ka at ang iyong pamilya ay
naapektuhan ng isyung tinalakay? Patunayan.
Gawain 9: MAG-SURVEY TAYO
	 Sabihan ang mag-aaral na magsagawa ng sarbey sa mga kamag-aral
nila na nasa ika-apat na taon. Batay sa inihandang listahan ng mga posibleng
maiaambag ng isang mag-aaral upang makontrol ang pagtaas ng presyo ng
mga bilihin, kanilang pagsusunud-sunurin ang mga sitwasyon sa ibaba ayon
sa kanilang pananaw at paniniwala. Ipasulat lamang ang bilang 1 na susundan
ng 2, 3… hanggang sa pinakahuling bilang. Magkaroon ng pag-uulat tungkol
sa nakalap na impormasyon.
_____pag-iimpok sa natirang baon
_____pag-aayos ng lumang gamit upang muling magamit
_____pagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan sa paaralan at sa tahanan
_____iwasan ang pag-aaksaya ng koryente sa tahanan maging sa paaralan
_____matutong magbadyet
_____pagnanais na makabili ng maramihang bilang ng produkto
_____pagsasaayos ng prayoridad sa paggastos
_____pagbili ng mga produktong gawang Pilipino
_____paglalaan ng tamang oras sa paggamit ng kompyuter at iba pang gadyet
_____pagnanasa na makapagtabi sa bahay ng maraming dayuhang salapi
_____maayos na paggamit sa mga pampublikong pasilidad
iba pa____________________________________________________
196
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Anoangnagingpangkalahatangresultangnakalapnaimpormasyon?
2.	 Batay sa nakuhang impormasyon, masasabi mo bang bukas ang
isipan ng mga mag-aaral na makatulong sa paglutas ng suliranin ng
implasyon? Pangatwiranan.
3.	 Paano tinanggap ng mga mag-aaral ang mga mungkahing paraan
upang makatulong at makapag-ambag sa paglutas ng suliranin ng
implasyon?
Gawain 10: SAMA-SAMA TAYO
	 Matapos ang masusing pagtalakay sa implasyon, inaasahan na
naunawaan ng mag-aaral kung paano ito nakaaapekto sa buhay ng tao. Bawat
isa ay may responsibilidad na makapag-ambag upang mapamahalaan ang
pagtaas ng presyo. Magpagawa ng isang komitment kung paano sila makapag-
aambag na maiwasan ang pagtataas ng presyo ng mga bilihin. Hikayatin na
maging malikhain sa pag-post ng mga komitment sa Facebook at iba pang
social media. Para sa mga paaralan na walang access sa Internet, maaaring
ipaskil sa loob ng paaralan ang mga output upang maipabatid sa mga kamag-
aral ang komitment na ginawa.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang pangunahing nilalaman ng iyong komitment?
2.	 Paano mo matitiyak na ang isinagawang komitment ay makapag-
aambag sa kabutihan ng bayan?
3.	 Ano ang iyong mga isinaalang-alang sa paggawa ng komitment?
Ipaliwanag.
Gawain 11: TAYAHIN ANG IYONG PAG-UNAWA
	 Sa puntong ito, maaari ng isagawa ng mag-aaral ang huling kahon at
sagutin ang bahaging Natutuhan Ko. Tandaan na dapat maitago sa kanilang
portfolio o kuwaderno ang tsart sapagkat ito ay maaaring maging proyekto nila.
Paano ka makakatulong
sa paglutas sa suliranin
kaugnay ng implasyon?
Alam Ko Nais Kong
matutuhan
Natutuhan Ko
197
DEPED COPY
Transisyon sa Susunod Na Aralin:
	 Inaasahang naunawaan ng mag-aaral kung ano ang implasyon at
ang mga dahilan at epekto nito sa bawat mamamayan. Hinimay rin ang
mahahalagang impormasyon upang maunawaan ang dahilan ng isa sa
mga suliraning binabalikat ng bawat pamilya.
	 Kaugnay nito, tatalakayin sa susunod na aralin ang isang mahalagang
konsepto sa makro-ekonomiks, ang patakarang piskal. Ito ang isa sa mga
paraang ginagamit ng pamahalaan upang maiwasan ang epektong dulot
ng implasyon. Makikita at mauunawaan ng mag-aaral ang mga estratehiya
ng pamahalaan upang masiguro na ang pagbibigay ng serbisyo publiko ay
hindi makadaragdag sa suliranin na kaakibat ng implasyon. Bagkus, ang
mga paraang ito ay makatutulong na maiwasto ang daloy ng presyo at ng
pananalapi sa bansa.
198
DEPED COPY
PANIMULA
Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang implasyon. Malinaw nating
sinuri ang malaking pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa mga
nagdaang panahon. Ito ay isang katotohanan ng buhay na hindi magagawang
matakasan ninuman. Bagama’t isang malaking suliranin ang implasyon sa
pambansang ekonomiya, ang kaalaman tungkol dito ay makatutulong para
maiwasan ang paglala nito.
Kaugnay ng suliraning dulot ng implasyon, ating tatalakayin ang isang
pamamaraan ng pamahalaan upang matugunan ang negatibong epekto
ng implasyon. Sa pamamagitan ng pangangasiwa sa mga gastusin ng
pamahalaan, inaasahang matatamo ang katatagan ng ekonomiya. Sama-sama
nating unawain ang maaaring impluwensiya ng pamahalaan sa pamamagitan
ng patakarang piskal.
Kaya muli kitang iniimbitahan sa pagtalakay ng bagong aralin upang
iyong maunawaan ang kahalagahan ng paglikom ng pondo ng pamahalaan at
upang matustusan ang mga programa at proyektong pangkaunlaran nito.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay nakapagpapaliwanag
sa mga layunin ng patakarang piskal, nakapagpapahalaga sa papel na
ginagampanan ng pamahalaan kaugnay ng mga patakarang piskal na
ipinapatupad nito, nakapagsusuri ng badyet at ang kalakaran ng paggasta ng
pamahalaan, nakababalikat ng pananagutan bilang mamamayan sa wastong
pagbabayad ng buwis, at naiuugnay ang mga epekto ng patakarang piskal sa
katatagan ng pambansang ekonomiya.
ARALIN 5
PATAKARANG PISKAL
ALAMIN
Ang mga panimulang gawain sa araling ito ay tutuklas sa
kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa patakarang piskal ng bansa at
kung paano ito maaaring gamitin sa kanilang personal na karanasan
o kaalaman bilang batayan sa pagsagot sa mga gawain. Halina at
simulan natin ang Alamin.
199
DEPED COPY
Gawain 1: LARAWAN-SURI
	 Ipasuri ang mga larawan. Mula sa mga opinyon ng mag-aaral, magkaroon
ng talakayan batay sa mga pamprosesong tanong na nasa ibaba.
Pinagkunan: http://www.imagestock.com/taxed-receipt/asp,http://www.imagestock.com/road-repair/asp retrieved on July 15, 2014
http://www.imagestock.com/bridge-road/asp retrieved on July 15, 2014
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ilarawan ang nakikita mo sa mga larawan.
2.	 Anong mensahe ang mabubuo mo mula sa mga larawan? Ipaliwanag.
Gawain 2: TALASALITAAN
	 Ipahanap ang naaangkop na konsepto at tinutukoy ng mga kahulugan
sa ibaba. Piliin lamang ang mga sagot mula sa loob ng kahon.
1.	 Pagbawas ng gastusin ng pamahalaan at pagtataas ng singil sa
buwis upang maiwasan ang implasyon
2.	 Nagaganap kung mas malaki ang paggasta ng pamahalaan kumpara
sa kita
3.	 Pagdagdag ng gastusin ng pamahalaan at pagbaba ng singil sa
buwis upang tumaas ang kabuuang demand na magiging daan
upang sumigla ang ekonomiya
BUWIS
SIN TAX
PATAKARANG PISKAL
BUDGET DEFICIT
EXPANSIONARY FISCAL POLICY
CONTRACTIONARY FISCAL POLICY
200
DEPED COPY
4.	 Pagkontrol ng pamahalaan sa ekonomiya sa pamamagitan ng
pagbubuwis at paggastos upang matamo ang maayos na daloy ng
ekonomiya
5.	 Sapilitang kontribusyon sa pamahalaan upang maipatupad ang
serbisyong pambayan.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Naging madali ba sa iyo na tukuyin ang kahulugan ng mga konsepto/
termino? 	Bakit?
2.	 Saan maaaring mabasa o marinig ang mga salitang ito?
3.	 Sa iyong palagay, kailangan bang maunawaan ang kahulugan ng
mga konseptong nasa kahon? Ipaliwanag.
Gawain 3: I-KONEK MO
Ipabuo ang hindi tapos na pahayag na Alam ko na… at sa Nais kong mala-
man… Simulan sa simple hanggang sa mahirap na antas ang maaaring maging ka-
tanungan ng mga mag-aaral. Ipasulat sa patlang sa ibaba ang kanilang mga tanong
tungkol sa paksa.
		
Sa susunod na bahagi ay sasagutan ng mga mag-aaral ang isang
tsart upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa paksa na
patakarang piskal.
Alam ko na ang patakarang piskal ay ____________________________
__________________________________________________________
_________________________________________________________
Nais kong malaman _________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
	 Matapos maorganisa ang mga paunang kaalaman ng mga mag-
aaral tungkol sa patakarang piskal, ihanda sila sa susunod na bahagi ng
aralin upang higit nilang maunawaan nang mas malalim ang konsepto ng
patakarang piskal.
201
DEPED COPY
Gawain 4: ALIN ANG MAGKASAMA
	 Ipatukoy at ipahanay ang mga patakaran na nasa loob ng kahon kung
ito ay naaayon sa expansionary fiscal policy o contractionary fiscal policy.
Magkaroon ng talakayan ayon sa naging gawain.
Gawain 5: PAGTALUNAN NATIN ITO
	 Ipangkat ang mag-aaral sa tatlo. Ang dalawang pangkat na may limang
kasapi ang bawat isa ang magiging kalahok sa isang impormal na debate. Ang
matitirang pangkat ang siyang magiging hurado sa nasabing gawain. Bigyan
ng isang minuto ang bawat miyembro ng pangkat na kasali sa debate upang
ipagtanggol ang kanilang panig kung sang-ayon o salungat sa:
PAUNLARIN
	 Matapos malaman ang mga pang-unang impormasyon tungkol
sa aralin, ngayon naman ay lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong
ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan
ng impormasyon ng mga mag-aaral. Ang pinakatiyak na layunin ng
bahaging ito ay matutuhan ng mga mag-aaral ang mahahalagang
konsepto tungkol sa patakarang piskal. Inaasahang magagabayan
sila ng mga inihandang gawain at teksto upang masagot kung paano
naiuugnay ang mga epekto ng patakarang piskal sa katatagan ng
pambansang ekonomiya.
•	 Pagbaba ng singil sa buwis		
•	 Pagdaragdag ng gastusin ng pamahalaan
•	 Pagtaas ng kabuuang demand
•	 Pagbaba ng kabuuang demand
•	 Pagtaas ng singil ng buwis
•	 Pagbaba ng gastusin ng pamahalaan
•	 Pagdaragdag ng supply ng salapi
EXPANSIONARY
FISCAL POLICY
CONTRACTIONARY
FISCAL POLICY
202
DEPED COPY
Paksa: Malaking bahagi ng badyet(19.6%) ang pambayad sa utang
ng pamahalaan. Huwag nang magbayad ng utang upang
gastusin sa mas mahalagang proyekto ng pamahalaan.
	 Ang pangkat na naging hurado ay pipili ng pinakamahusay na pangkat
na naipagtanggol ang kanilang panig. Gamiting pamantayan sa pagpili ang
rubrik.
Rubrik sa Pagmamarka ng Impormal na Debate
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang
Puntos
Paksa
Maliwanag na sumunod
sa paksang tatalakayin
4
Argumentasyon
Nagpakita ng ebidensiya
upang suportahan ang
argument
10
Pagpapahayag
Malinaw na naipahayag at
maayos ang pananalita ng
mga kasapi
6
Kabuuang Puntos 20
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang isinaalang-alang mo sa mga naging argumento sa
pakikipagdebate?
2.	 Ano sa palagay mo ang pinakaimportanteng ideya sa naging debate?
3.	 Kung bibigyan ka ng pagkakataon, ano ang pipiliin mong panig?
Pangatwiranan.
Gawain 6: GAWA TAYO NG TINA-PIE
Bigyanngpagkakataonangmag-aaralnamagbalangkasngpambansang
badyet. Hayaan sila na gumawa ng desisyon kung ano ang kanilang magiging
prayoridad. Ipaliwanag ang batayan ng kanilang mga desisyon.
Ipakita ang nabalangkas na badyet sa isang maikling bond paper sa
pamamagitan ng isang pie graph. Ipabahagi ang output sa klase.
•	 Tanggulang Bansa
•	 Social Services
•	 Kalusugan
•	 Agrikultura
•	 Repormang Agraryo
•	 Edukasyon
203
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang mga naging basehan mo sa binalangkas na pambansang
badyet?
2.	 Ikompara ang iyong prayoridad sa ginawang pagbabadyet sa
prayoridad ng pamahalaan.
3.	 Paano mo mapangangatwiranan ang isinagawang alokasyon?
Gawain 7: I-KONEK MO
Muling pabalikan ang Gawain 3 sa ALAMIN at iwasto ang maling mga
kasagutan.
Gawain 8: MAGANDANG BALITA
		 Ipabasa at ipaunawa ang nilalaman ng artikulo mula sa BIR
Weekender Briefs. Hayaang makabuo ng sariling hinuha ang mag-aaral
tungkol sa nilalaman ng artikulo. Gamiting gabay sa pagtalakay ang mga
pamprosesong tanong.
Natuklasan ko na ang patakarang piskal ay _______________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
Matapos mapalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa
patakarang piskal, maaari na silang pumunta sa susunod na bahagi ng
aralin. Ihanda ang mga mag-aaral para sa mas malalim na pag-unawa ng
patakarang piskal.
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ang
mga nabuong kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa patakarang piskal.
Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa patakarang piskal
upang maihanda sila sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan.
204
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang tax evasion?
2.	 Bakit itinuturing itong labag sa batas?
3.	 Sa iyong palagay, ano pa ang maaaring gawin ng pamahalaan upang
masigurong mahuhuli ang mga tax evader? Pangatwiranan.
Run after Tax Evaders Program
	 Commissioner Kim S. Jacinto-Henares, together with DCIR EstelaV.
Sales and DOJ representative, Atty. Michael John Humarang, engages
members of tri-media in the discussion on the three (3) tax cases filed by
the BIR during the regular Run after Tax Evaders (RATE) Press Briefing
conducted last August 14 at the DOJ Executive Lounge. DIOSDADO T.
SISON, a civil sanitary engineer contractor by profession engaged in the
business of buying, selling, renting/leasing, and operation of dwellings, was
slapped with P18.95 million tax evasion suit for substantially under-declaring
his income/sales for taxable year 2010 by 2,778.66% or P21.61 Million.
SISON has received income payments amounting to P22.39 Million from
BJS DEVELOPMENT but reported a gross income of only P777,714.00 in
his Income Tax Return (ITR) for 2010. Likewise charged was independent
CPA DANILO M. LINCOD who certified the Financial Statements of SISON
for taxable year 2010 despite the essential misstatement of facts therein, as
well as the clear omission with respect to the latter’s actual taxable income, in
violation of Section 257 of the Tax Code. Two (2) more delinquent individual
taxpayers from Revenue Region (RR) No. 7-Quezon City were charged
with “Willful Failure to Pay Taxes.” PERSEUS COMMODITY TRADING sole
proprietor, MANUEL NUGUID NIETO and MILLENIUM GAZ MARKETING
sole proprietress, AGNES M. DAYAO were charged for their failure to pay
long overdue deficiency taxes amounting to P86.46 Million (2007) and P30.15
Million (2006), respectively. The filing of the three (3) cases brought to two
hundred and seventy-eight (278) the total number of cases already filed by
the BIR under its RATE program during the administration of Commissioner
Henares.
205
DEPED COPY
Gawain 9: AWITIN NATIN ‘TO
	 Magpagawa ng jingle campaign para sa tema ng BIR 2013 tax campaign
“I love Philippines, I pay taxes correctly.”
	
	
	 Ipaawit sa bawat pangkat ang nagawang komposisyon at gamiting
gabay ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka.
Rubrik sa Pagmamarka ng Jingle Campaign
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nakuhang
Puntos
Kaangkupan ng
Nilalaman
Angkop at makabuluhan ang
mensaheng nakapaloob sa
jingle campaign sa wastong
pagbabayad ng buwis
10
Kahusayan sa
Pag-awit
Mahusay na pagsasaayos
ng lyrics at tono 5
Kahusayan sa
Pagtatanghal
Mapanghikayat at
makapukaw-pansin ang
ginawang jingle campaign;
nagpakita ng malikhaing
pagtatanghal
5
Kabuuan Puntos 20
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang naging batayan o inspirasyon ninyo sa paggawa ng jingle?
2.	 Paano mahihikayat ang mamamayan sa mga ginawang jingle upang
sila ay maging matapat sa pagbabayad ng buwis?
3.	 Kailan nagiging epektibo ang isang jingle na maimpluwensiyahan ang
mga mamamayan upang maging matapat sa bayan? Patunayan.
Gawain 10: I-DRAWING NATIN ‘TO
	 Magpagawa ng poster para sa tema ng BIR 2013 tax campaign “I love
Philippines, I pay taxes correctly.”
BIR campaigns
	 Bureau of Internal Revenue (BIR) office across the country campaign for
the early filing of Income Tax Return (ITR) and correct payment of taxes, as
expressed in the Bureaus 2013 tax campaign theme “I love Philippines, I pay
taxes correctly.
Pinagkunan: BIR Monitor Vol 15 No.2
206
DEPED COPY
Rubrik sa Pagmamarka ng Poster Campaign
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nakuhang
Puntos
Kaangkupan
ng Nilalaman
Angkop at makabuluhan
ang mensahe
10
Kahusayan
sa Paggawa
Mapanghikayat at
makapukaw-pansin ang
ginawa
5
Kahusayan
sa Paggawa
Mapanghikayat at
makapukaw-pansin ang
ginawa
5
Kabuuang Puntos 20
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang mensahe na nais mong maalaala at maunawaan ng mga
mamamayan na nasa drawing mo?
2.	 Sa iyong palagay, paano magiging epektibo ang iyong ginawang
drawing upang makahikayat sa mamamayan na maging responsableng
taxpayer? Patunayan.
Gawain 11: MAG-REFLECT TAYO
	 Magpagawa ng reflection paper na nagsusuri sa isyu ng PDAF. Ipa-
post sa kanilang Facebook account ang mga nagawa. Ipahikayat sa mga mag-
aaral na magbigay ng komento ang kanilang mga kaibigan sa mga output nila.
Matapos ang tatlong araw, ipabilang kung ilan ang kabuuang tanong kung
mayroon man. Ipa-print ang resulta sa bond paper.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang karaniwang tanong o komento ng mga nakabasa?
2.	 Ano ang nakaantig sa kanila upang magtanong o magkomento?
3.	 Paano makahihikayat ang isang reflection paper upang magbahagi ng
niloloob ang ibang tao na makababasa nito?
Gawain 12: I-KONEK MO
Muling pabalikan ang Gawain 7 sa PAUNLARIN at iwasto ang maling
mga kasagutan.
Natuklasan ko na ang patakarang piskal ay _______________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
207
DEPED COPY
Transisyon sa Susunod Na Aralin
Ang patakarang piskal ay isang mahalagang estratehiya ng
pamahalaan upang masiguro ang katatagan ng ekonomiya ng bansa. Isa ito
sa mahahalagang aspekto ng ekonomiya na kinakailangan ang matalinong
pagdedesisyon at pagpaplano ng pamahalaan. Ginagawa ito upang
matiyak na ang ekonomiya ay nasa tamang daan tungo sa pagkakamit ng
kaunlaran.
Kaugnay nito, isa pang mahalagang patakaran ang ating tatalakayin
sa susunod na aralin – ang patakarang pananalapi. Isa rin ito sa mga
importanteng kasangkapan ng pamahalaan upang matiyak na ang bansa
ay magiging matatag at may sapat na kakayahan upang mapanatili sa
normal na antas ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa at matamo
ang tunay na pagseserbisyo sa mamamayan.
208
DEPED COPY
PANIMULA
Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang patakarang piskal.
Natunghayan natin ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan
upang ang ekonomiya ay maging ganap na maayos at matatag. Maaaring
maimpluwensiyahan at makontrol ng pamahalaan ang buong ekonomiya sa
pamamagitan ng pagbubuwis at paggastang nababatay sa badyet. Samantala
sa bahaging ito, isa pang mahalagang patakaran ang maaaring gamitin ng
pamahalaan upang mapaunlad ang ekonomiya, ang patakaran sa pananalapi.
Kaya’t muli kitang iniimbitahan na patuloy na makiisa upang maunawaan
ang pangangasiwa ng pamahalaan sa dami ng salapi sa ekonomiya.
	 Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ang mag-aaral ay
nakapagpapaliwanagsalayuninngpatakarangpananalapi,nakapagpapahayag
ng kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan bilang salik ng ekonomiya,
nakapagtataya sa bumubuo ng sektor ng pananalapi, nakapagsusuri sa
patakarang pang-ekonomiya, at natitimbang ang epekto ng patakarang pang-
ekonomiya sa patakarang panlabas ng bansa sa buhay ng nakararaming
Pilipino.
ARALIN 6:
PATAKARANG PANANALAPI
Gawain 1: MONEY KO YAN
Ipasuri ang larawan sa mag-aaral. Matapos ang pagsusuri, hatiin ang
klase sa limang pangkat. Hayaan silang bumuo ng pamagat ayon sa nakikita
nila sa larawan. Hikayatin na maging malikhain sa pagbuo ng pamagat ang
mag-aaral.
Pabigyan ng dalawang piraso ng parihabang kartolina ang bawat
pangkat. Papiliin sila ng isang natatanging pamagat na katanggap-tanggap,
ipasulat sa kartolina at ipaliwanag ang dahilan sa naging pagpili.
ALAMIN
	 Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng mga
mag-aaral tungkol sa patakarang pananalapi at kung makaiimpluwensiya
ba ang supply ng salapi sa kabuuang produksiyon, empleyo, antas ng
interes, at presyo? Mahalagang maiugnay ang kanilang natutuhan sa
nakaraang aralin upang ganap na maunawaan ang paksang tatalakayin sa
bagong aralin.
209
DEPED COPY
Ipapaskil sa pisara at ipaulat sa klase ang naging output.
Pinagkunan:http://www.imagestock.com/money-pull/asp
Pamprosesong Tanong:
1.	 Alin sa mga pamagat ang pumukaw sa iyong pansin? Bakit?
2.	 Tumutugma ba ito sa inilalahad ng larawan?
3.	 Ano ang iyong batayan sa pagbuo ng pamagat? Ipaliwanag.
Gawain 2: BALITA NGA!
	 Pag-aralan ang titulo ng balita at sagutan ang pamprosesong tanong.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang mensahe na unang pumasok sa iyong isipan nang mabasa
ang titulo?
2.	 Sa iyong palagay, sino ang higit na makikinabang sa kaalaman na
matatamo ng mag-aaral tungkol sa impormasyon na ipinababatid ng
titulo? Patunayan.
Usapin tungkol sa Pananalapi at Pagpapalago ng Pera, Dapat na Ituro Raw sa
mga Kabataan
December 25, 2012 6:46pm
Pinagkunan:http://www.gmanetwork.com/news/story/287676/ulatfilipino/balitangpinoy/usapin-tungkol-sa-pananalapi-at-
pagpapalago-ng-pera-dapat-na-ituro-raw-sa-mga-kabataan retrieved on January 14, 2015
Sa susunod na bahagi ay sasagutan ng mga mag-aaral ang isang tsart
upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa patakarang
pananalapi.
210
DEPED COPY
Gawain 3: I-KONEK MO
	 Ipasulat sa unang kahon kung ano ang nalalaman ng mag-aaral tungkol
sa paksa. Matapos ito, ipasulat naman ang mga bagay at konsepto na nais pa
nilang matutuhan sa ikalawang kahon. Ipasasagot lamang ang huling kahon
kung tapos na ang pagtalakay sa paksa.
	
Ang alam ko___________
Ang aking natutuhan_____
Nais kong malaman_____
	 Matapos maorganisa ng mga mag-aaral ang mga paunang kaalaman
tungkol sa patakarang pananalapi, ihanda sila para sa susunod na bahagi
ng aralin upang higit nilang maunawaan ang konsepto ng patakarang
pananalapi.
PAUNLARIN
Matapos nilang malaman ang mga paunang impormasyon
tungkol sa aralin, ngayon naman ay kanilang lilinangin ang mga
kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda
upang maging batayan ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin
ng bahaging ito ay matutuhan nila bilang mag-aaral ang mahahalagang
ideya o konsepto tungkol sa patakarang pananalapi. Mula sa mga
inihandang gawain at teksto, inaasahang magagabayan sila upang
masagot kung paano nakakaapekto ang patakarang pananalapi
sa buhay ng nakararaming Pilipino. Halina’t umpisahan muli sa
pamamagitan ng gawain.
211
DEPED COPY
Gawain 4: KOMPLETUHIN ANG DAYAGRAM
	 Batay sa teksto tungkol sa patakarang pananalapi, ipatukoy kung
kailan isinasagawa ang bawat patakaran.
PATAKARANG
PANANALAPI
Expansionary
money policy
Contractionary
money policy
	
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang patakarang pananalapi?
2.	 Ano ang pagkakaiba ng expansionary money policy at contractionary
money policy?
3.	 Kailan isinasagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang sumusunod
na patakaran?
Gawain 5: PAGYAMANIN ANG KASANAYAN
	 Hayaang pag-aralan ang sumusunod na pangungusap. Ipaguhit ang
kung kailangan ipatupad ang expansionary money policy at naman
kung contractionary money policy.
1.	 Maraming nagsarang mga kompanya bunga ng pagkalugi at
mababang benta.
2.	 Dahil sa digmaan sa Syria, maraming Overseas Filipino Workers
(OFW) ang umuwing walang naipong pera.
3.	 Tumanggap ng Christmas bonus at 13th month pay ang karamihan
sa mga manggagawa.
4.	 Tumaas ang remittance ng dolyar mula sa mga OFW.
5.	 Matamlay ang kalakalan sa stock market dahil sa pandaigdigang
krisis pang-ekonomiya.
212
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang naging daan upang masagot mo ang mga sitwasyon?
2.	 Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan na maunawaan ang mga
sitwasyon na inilalarawan sa gawain na ito? Ipaliwanag.
Gawain 6: LOGO…LOGO
	 Ipakita ang iba’t ibang larawang nasa ibaba. Ipatukoy ang ginagampanan
at tungkulin ng sumusunod na institusyong pananalaping kinakatawan ng logo
sa ibaba. Hayaang piliin ng mga bata ang mga logo na kabilang sa bangko at
hindi bangko.
Pinagkunan:,http://www.imagestock.com/bank-centralbank/asp,http://www.imagestock.com/bank-pbcom/asp, http://www.imagestock.
com/bank-metrobank/asp, http://www.imagestock.com/ -gsis/asp, http://www.imagestock.com/ -sss/asp, http://www.imagestock.com/
pag-ibig,http://www.imagestock.com/ cooperative, retrieved on August 11, 2014
Pamprosesong Tanong:
1.	 Paano nagkakaiba ang bangko at di-bangko bilang institusyong
pananalapi?
2.	 Bakit itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga
institusyon ng pananalapi sa lipunan?
3.	 Ano sa mga institusyon na ito ang pinupuntahan ng inyong pamilya
upang makipagtransaksiyon? Ipaliwanag.
4.	 Gaano kalaki ang naitutulong sa iyo at sa iba pang mamamayan ng
mga institusyon na ito? Pangatwiranan.
BANGKO HINDI BANGKO
213
DEPED COPY
Gawain 7: SAGUTIN MO ‘TO
	 Ipahanap sa hanay B ang bangkong inilalarawan sa hanay A. Ipasulat
sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
A B
1.	 Dahil sa malaking kapital, ang mga bangkong ito
ay nagpapautang para sa ibang layunin tulad ng
pabahay at iba pa.
a.	 bangkong
pagtitipid
2.	 Pangunahing layunin ng mga bangkong ito na
hikayatin ang mga tao na magtipid at mag-impok.
b. Land Bank of the
Philippines
3.	 Itinatag ito upang mapabuti ang kalagayang
pangkabuhayan sa kanayunan.
c. bangkong
komersyal
4.	 Pangunahing tungkulin nito na tustusan ng
pondo ang programang pansakahan ng
pamahalaan.	
d. Development
Bank of the
Philippines
5.	 Layunin ng bangkong ito na mapaunlad ang
sektor ng agrikultura at industriya, lalo na sa
mga programang makatulong sa pag-unlad ng
ekonomiya.
e. bangkong rural
BSP Supervised/Regulated Financial Institutions
(2012)
TYPE OF FINANCIAL INSTITUTION NUMBER
I.BANKS
A. Universal and Commercial Banks
Expanded Commercial Banks
Private Domestic Banks
Government Banks
Branches of Foreign Banks
Non-Expanded Commercial Banks
Domestic Banks
Subsidiaries of Foreign Banks
Branches of Foreign Banks
B.Thrift Banks
C.Rural and Cooperative Banks
Rural Banks
Cooperative Banks
II. Non-Bank Financial Institutions
With Quasi-Banking Functions
Without Quasi-BankingFunctions
Non-Stock Savings and Loan
Association
Pawnshops
Others
III.Offshore Banking Units
TOTAL NUMBER
4,231
3,766
448
17
584
76
13
1,545
2,570
167
39
174
16,936
59
5
Pinagkunan: www.bsp.gov.ph/banking/2012 retrieved on July 15, 2014
I. BANKS
C. Rural and Cooperative Banks
Rural Banks
Cooperative Banks
III. Offshore Banking Units
214
DEPED COPY
Gawain 8: MAGKUWENTA TAYO
	 Ipasuri sa mga mag-aaral ang talaan sa itaas. Matapos ito, ipakompyut
ang kabuuang bilang ng mga uri ng institusyong pinansiyal. Gumamit ng pie
graph upang madaling matukoy ang bilang o bahagdan.
	 Hayaang ipagkumpara ang mga uri ng A, B, at C ayon sa katangian ng
mga ito. Magbuo ng sariling kongklusyon ayon sa nakalap na impormasyon.
A.	 Banks
B.	 Non-Bank
C.	 Offshore Banking Unit
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang mga uri ng institusyon ng pananalapi ayon sa talaan?
2.	 Ano ang nagtala ng may pinakamataas na bilang sa mga institusyon
ng pananalapi?
3.	 Ano ang naging batayan sa mga nabuong kongklusyon?
Pangatwiranan.
Gawain 9: I-KONEK MO
	 Pabalikang muli ang Gawain 3 para sagutan ang ikatlong kahon.
Matapos mapalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa
patakarang pananalapi, maaari nang tumungo ang mga mag-aaral sa
susunod na bahagi ng aralin. Ihanda ang mga mag-aaral para sa mas
malalim na pag-unawa sa patakarang pananalapi.
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang
mag-aaralangmganabuonilangkaalamanukolsapatakarangpananalapi.
Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa patakarang pananalapi
upang maihanda sila sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan.
Nalaman ko ang patakarang pananalapi ay ___________________
_____________________________________________________________
215
DEPED COPY
Gawain 10: PAKAISIPIN MO ITO!
	 Ipasuri ang nilalaman ng balita. Matapos ito ay ipasagot ang mga
pamprosesong tanong.
Usapin tungkol sa pananalapi at pagpapalago ng pera, dapat na ituro sa mga
kabataan.
Panahon na umano para bigyan ng edukasyon ang mga kabataan tungkol sa
usaping pinansiyal at pagpapalago ng kabuhayan, ayon sa isang kongresista.
Sa isang pahayag nitong Martes, sinabi ni Aurora Rep. Juan Edgardo “Sonny”
Angara, na hindi sapat na matuto lamang ang mga mag-aaral at kabataan sa pagbibilang.
Sa aspeto ng pananalapi, makabubuti umano kung matuturuan din sila kung papaano ito
mapapalago.
“Mostly, Filipinos grow up without knowledge on how to handle their resources.
They know how to count their money, but rarely know how to make it grow,” puna ni
Angara, chairman ng House Committee on Higher and Technical Education.
Dahil dito, inihain ni Angara ang House Bill (HB) No. 490 o ang Financial Literacy
Act of 2012, na naglalayong isulong ang financial literacy programs sa mga pampubliko at
pribadong paaralan.
Ayon sa mambabatas, panahon na para suportahan ang mga kabataan sa usapin
ng pananalapi batay na rin sa pinakabagong ulat ng “Fin-Q Survey,” na ang “financial
quotient” ng Pinoy ay nagtala ng all-time high na 52.6 points noong 2011.
Pagpapakita umano ito na dumadami ang mga Pilipino na nag-iimpok ng pera,
namumuhunan, at may magandang credit management.
“The results of the Fin-Q survey in the Philippines are very encouraging. Of course,
there’s still more to cover but we can improve our financial quotient as a country by
teaching more of our people how to take charge of their finances and become responsible
users of credit,” paliwanag ng kongresista tungkol sa nasabing pag-aaral ng international
financial services firm na Citi.
Sa mga nagdaang survey, ang Pilipinas umano ay nasa below average sa Asia at
malayo sa ibang bansa sa ASEAN. Sa pinakahuling ulat lamang umano nakapagtala ng
mataas na marka ang mga Pinoy.
“Financial literacy is a must in today’s world if Filipinos would really want to
have financial freedom,” ani Angara. “Unfortunately, our school system does not teach
our students and youth about money and personal finance. Our schools teach students
numerous subjects but they don’t teach them how to handle their own money wisely.”
Sa ilalim ng panukalang batas, magkakaloob ang DepEd ng award grants na hindi
hihigit sa P1 milyon sa mga magpapatupad ng programa tungkol financial literacy courses
o components para sa mga mag-aaral.
Pinagkunan:http://www.gmanetwork.com/news/story/287676/ulatfilipino/balitangpinoy/usapin-tungkol-sa-
pananalapi-at-pagpapalago-ng-pera-dapat-na-ituro-raw-sa-mga-kabataan retrieved on January 14, 2015
Prosesong Tanong:
1.	 Ano ang nilalaman ng balita?
2.	 Sumasang-ayon ka ba sa isinasaad ng balita? Bakit?
3.	 Sa iyong palagay, kailan ang tamang panahon upang matutuhan
ang konseptong tinatalakay sa balita? Pangatwiranan.
216
DEPED COPY
Gawain 11: QUIET TIME
Sa pagkakataong ito, magpasulat ng isang repleksiyon tungkol
sa patakarang pananalapi bilang isang instrumento sa pagpapatatag ng
ekonomiya. Ipasama ang repleksiyon sa kanilang portfolio.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang pinakamahalagang aral ang naitala mo sa iyong repleksiyon?
2.	 Ano ang dahilan at ito ang aral na higit mong naunawaan?
3.	 Sa iyong palagay, dapat bang matutuhan din ito ng iba pang kabataan
at mamamayan? Bakit oo o hindi? Patunayan.
Sabihin sa mga mag-aaral ang sumusunod na panuto.
Pumunta sa tanggapan ng inyong lungsod at humingi ng kopya ng
badyet ng inyong lungsod o bayan. Kapanayamin din ang pinuno ng lungsod
kung paano inihahanda ang badyet para sa bawat taon. Pag-aralan ang kita,
pag-iimpok, pamumuhunan, at implasyon sa nakalipas na limang taon. Maging
malikhain sa pag-uulat ng nakalap na impormasyon sa klase.
Rubrik sa Pagmamarka ng Panayam
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nakuhang
Puntos
Nilalaman
Wasto ang lahat ng datos na
binanggit sa panayam. Gumamit
ng mahigit sa limang sanggunian
upang maging makatotohanan
at katanggap-tanggap ang mga
impormasyon.
6
Pagsusuri
Naipakita ang pagsusuri
sa opinyon at ideya ng
kinakapanayam
5
Mga Tanong
Maayos at makabuluhan ang
mga tanong. May kaugnayan
ang tanong sa bawat isa.
5
Pagkamalikhain
Gumamit ng mga visual o video
presentation.
4
Kabuuang Puntos 20
ISABUHAY
	 Matagumpay na natapos at naisakatuparan ng mag-aaral ang lahat
ng gawain para sa patakarang pananalapi. Ngayon ay mayroon na silang
sariling pamantayan sa nagaganap sa ating ekonomiya. Tutungo na sila sa
huling bahagi ng ating aralin.
217
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang naging resulta ng iyong naging survey?
2. Nasiyahan ka ba sa naging resulta?
3. Ano ang iyong naging obserbasyon sa mga naging reaksiyon ng
kapwa mo mag-aaral?
MAG-REFLECT TAYO
	 Magpagawa ng reflection paper na nagsusuri sa napapanahong isyu ng
PDAF. Ipa-post sa kanilang Facebook account ang kanilang ginawa. Ipahikayat
ang kanilang mga kaibigan na magbigay ng kanilang komento. Matapos ng
tatlong araw, bilangin ang kabuuang tanong. I-print ang resulta sa bond paper.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang karaniwang tanong o komento ng mga nakabasa?
2.	 Ano ang nakaantig sa kanila upang magtanong o magkomento?
3.	 Paano makahihikayat ang isang reflection paper upang magbahagi ng
niloloob ang ibang tao na makababasa nito?
MAHUSAY! Natapos na ang mga gawain para sa mag-aaral!
Transisyon sa Susunod Na Modyul
	 Ang patakaran sa pananalapi ay may layuning kontrolin ang suplay ng
salapi sa sirkulasyon at ang antas ng interes upang mapanatiling matatag
ang presyo.
	 Sa pangunguna ng BSP, ang sistema sa pananalapi at pagbabangko
ay maisasaayos para sa katuparan ng layuning mapanatili ang katatagan
ng halaga ng piso at presyo.
	 Natapos mo ang talakayan sa makroekonomiks. Sana ay naging
malalim ang naging pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga konseptong
nakapaloob dito dahil magagamit nila ito upang maunawaan ang daloy
ng mga pangyayari sa ekonomiya ng ating bansa. Ang pangkalahatang
aksiyon at reaksiyon ng mamamayan, mamumuhunan, at pamahalaan,
gayundin ng mundo ay nakapagdudulot ng malaking epekto sa takbo ng
presyo at produkto sa ating bansa. Mauunawaan nila ang mga bagay na ito
kung napag-ugnay-ugnay ang mga paksang tinalakay sa loob ng yunit na
ito. Kung gayon, masisiguro na handa na silang harapin ang huling yugto
ng asignaturang ito na tumatalakay sa iba’t ibang sektor ng ekonomiya.
Kinakailangan muli ang kanilang pag-unawa, pagsusuri, at angking
pasensiya upang lubos na makilala ang ekonomiya ng bansa.
Kaya tayo na!
218
DEPED COPY
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng pinakawastong sagot at isulat sa sagutang papel.
1.	 Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
A.	 Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
B.	 Kita at gastusin ng pamahalaan
C.	 Kalakalan sa loob at labas ng bansa
D.	 Transaksiyon ng mga intitusyong pampinansyal
2.	 Kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa?
A.	 Kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho
B.	 Kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay-
kalakal
C.	 Kapag may pag-angat sa Gross Domestic Product ng bansa
D.	 Kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa
3.	 Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat
sa Gross National Income?
A.	 Expenditure Approach
B.	 Economic Freedom Approach
C.	 Industrial Origin/Value Added Approach
D.	 Income Approach
4.	 Kung ang kabuuang kita ni Jonas ay Php25,000.00 at ang kanya
namang kabuuang gastusin ay Php21,000.00, magkano ang maaari
nyang ilaan para sa pag-iimpok?
A.	 Php1,000.00
B.	 Php2,000.00
C.	 Php3,000.00
D.	 Php4,000.00
5.	 Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa
ekonomiya?
A.	 Deplasyon
B.	 Implasyon
C.	 Resesyon
D.	 Depresyon
(K)
(K)
(K)
(K)
(K)
219
DEPED COPY
6.	 Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang
sambahayan at bahay-kalakal?
A.	 Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na
sumasailalim ng pagpoproseso ng bahay-kalakal.
B.	 Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na
kapital sa mga bahay-kalakal.
C.	 Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang
makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal.
D.	 Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang
magkaroon ng karagdagang trabaho para sa mga bahay-kalakal.
7.	 Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa?
A.	 Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang
institusyong pampinansiyal.
B.	 Dahil magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang
magpapaangat sa ekonomiya ng bansa.
C.	 Dahil repleksiyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit
upang umani ng malaking boto sa eleksiyon.
D.	 Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na
pamamalakad ng ekonomiya.
8.	 Piliin sa sumusunod na pahayag ang pinakawasto.
A.	 Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang
sa Gross National Income nito.
B.	 Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa
pagsukat ng Gross National Income.
C.	 Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng
Gross National Income.
D.	 Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang
isinasama sa Gross National Income.
9.	 Alin sa sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic
Product ng bansa?
A.	 Mataas na remittance ng mga Overseas Filipino Workers
B.	 Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng
mundo
C.	 Maayos na pamumuno ng pamahalaan na makahihikayat sa
pamumuhunan
D.	 Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa
kawanggawa
(P)
(P)
(P)
(P)
220
DEPED COPY
10.	Ano ang epekto ng mababang interes sa pagkonsumo ng mga tao?
A.	 Mahihikayat ang tao na umutang at tataas ang pagkonsumo.
B.	 Mahihikayat ang tao na mag-impok sa bangko dahil sa malaking
tubo.
C.	 Mahihikayat ang tao na mag-angkat ng produkto sa ibang bansa.
D.	 Mahihikayat ang mga tao na magtipid para sa hinaharap.
11.	Si Apollo ay umutang kay Alex ng Php100.00 na ipinambili niya ng
isang kilong karne ng manok sa kasalukuyan. Kung 5% ang antas
ng implasyon sa susunod na buwan, ano na ang halaga ng isang
kilong karne ng manok?
A.	 Php95.00
B.	 Php100.00
C.	 Php105.00
D.	 Php110.00
12.	Sa papaanong paraan malulutas ang demand-pull inflation?
A.	 Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas
ang output ng produksiyon
B.	 Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang
matamlay na ekonomiya
C.	 Pagpapautang na may mababang interes upang makahikayat
ng karagdagang paggasta
D.	 Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na
paggasta sa ekonomiya
13.	Ang dinepositong Php100,000.00 ni Corazon sa bangko ay
nagpapakita ng paglabas (outflow) ng salapi sa paikot na daloy ng
ekonomiya. Ano ang nararapat na gawin upang pumasok (inflow)
muli ang salapi sa paikot na daloy?
A.	 Magpataw ng mataas na interes upang makahikayat ng pag-
iimpok.
B.	 Ipautang ng bangko ang idineposito upang magamit na
panibagong kapital sa negosyo.
C.	 Ibaba ang interes mula 10% patungong 5% upang maragdagan
ang paggastos ng tao.
D.	 Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang
reserba ng mga bangko.
(P)
(P)
(P)
(U)
221
DEPED COPY
14.	Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa
pagsusuri sa economic performance nito, dapat bang gumawa ng
hakbang ang pamahalaan upang mapataas ito?
A.	 Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig.
B.	 Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin.
C.	 Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa
ekonomiyang pandaigdigan.
D.	 Oo, dahil repleksiyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng
ekonomiya.
15.	Si Mr. Chen, isang Chinese National, ay nagtatrabaho sa kompanya
na nasa Pilipinas. Saan dapat isinasama ang kaniyang kinita?
A.	 Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamayan siya nito.
B.	 Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang
kaniyang kita.
C.	 Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang
kanyang kita.
D.	 Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong
dito nagmula ang kaniyang kita
16.	Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang interpretasyon sa graph?
PHILIPPINE GROSS NATIONAL INCOME & GROSS DOMESTIC PRODUCT
At Current Prices, In Million Pesos
16,000,000
14,000,000 Legend:
12,000,000 Gross Domestic Product
10,000,000 Gross National Income
8,000,000
6,000,000
4,000,000
2,000,000
0
2012 2013
Pinagmulan: Philippine Statistics Authority
A.	 Mas malaki ang Gross Domestic Product ng bansa kompara sa
Gross National Income nito.
B.	 Mas malaki ang Gross National Income noong taong 2012
kompara sa taong 2013.
C.	 Mas malaki ang remittances mula sa mga OFW noong taong
2012 kumpara sa taong 2013.
D.	 Mas malaki ang Gross National Income kumpara sa Gross
Domestic Product sa parehong taon.
(U)
(U)
(U)
222
DEPED COPY
17.	Bilang isang mag-aaral, alin sa sumusunod ang nararapat na gawin
kung maliit lamang ang baon na ibinigay ng iyong magulang?
A.	 Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang
na ang salapi.
B.	 Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi
naman mahalaga.
C.	 Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng
pagkakataon.
D.	 Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari
kinabukasan.
18.	Piliin sa sumusunod ang pinakatamang paliwanag sa graph.
A.	 Ang paglipat ng kurba ng demand pakanan ay magdudulot ng
kakulangan sa supply na hahantong sa pagtaas ng presyo.
B.	 Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng pagtaas sa mga gastos ng
produksiyon na ipapasa ng prodyuser sa mga mamimili.
C.	 Ang paglipat ng kurba ng supply pakanan ay magdudulot ng
kalabisan sa supply na hahantong sa pagtaas ng presyo.
D.	 Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng kakulangan ng supply ng
produkto sa pamilihan na hahantong sa pagtaas ng presyo.
19.	Bilang isang mamimili, papaano ka makatutulong sa paglutas ng
suliranin sa implasyon?
A.	 Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa
pamilihan.
B.	 Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
C.	 Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang
presyo.
D.	 Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi
magkaroon ng kakulangan.
(U)
(U)
(U)
P AS
Q
P 120
P 100
AD1
40 50
AD2
223
DEPED COPY
20.	Kung ikaw ay prodyuser ng produktong may kakulangan ng supply sa
pamilihan, dapat bang ang malaking kita lamang ang pagtutuunan
mo ng pansin?
a.	 Oo, dahil ito na ang pagkakataon upang kumita at tumubo ng
malaki.
b.	 Oo, dahil malaki ang inilabas na puhunan kaya’t nararapat na
kumita rin ng malaki.
c.	 Hindi, dahil malaki rin ang buwis na sisingilin ng pamahalaan sa
pagtaas ng presyo.
d.	 Hindi, dahil hindi kakayanin lalo ng mga mahihirap ang napakataas
na presyo.
GABAY SA PAGWAWASTO
1.	A
2.	C
3.	B
4.	D
5.	B
6.	A
7.	B
8.	D
9.	C
10.	A
11.	C
12.	D
13.	B
14.	D
15.	C
16.	D
17.	B
18.	A
19.	D
20.	D
(U)
224
DEPED COPY
YUNIT IV
MGA SEKTOR PANG-EKONOMIYA AT
MGA PATAKARANG PANG-EKONOMIYA NITO
PANIMULA AT GABAY NA TANONG
	 Matapos matalakay ang mga batayang konsepto sa Ekonomiks
nararapat din na makilala ang iba’t ibang sektor ng ekonomiya. Ang mga sektor
na tinalakay sa mga nakaraang aralin ay may kinalaman sa mga sektor ng
pananalapi. Ang daloy ng pananalapi sa ekonomiya ang pinakapangunahing
pokus ng naging talakayan. Samantala ang mga sektor pang-ekonomiya ay
nakapokus sa daloy ng mga produkto at serbisyo at ang kaugnayan nito sa
kabuuang kita ng bansa. Ang ugnayan na nagaganap sa loob at labas ng mga
sektor ay inaasahang nakaaapekto sa bansa. Ito ang isa mga indikasyon ng
isang matatag at malusog na ekonomiya. Ayon na rin sa mga ekonomista, ang
bansang may matatag na mga sektor ay may potensiyal na makapagtamo ng
kaunlaran. Mas mataas na empleyo at malaking ambag sa pambansang kita
ay maaaring maghatid tungo sa mas maayos, maunlad, at may kalidad na
pamumuhay.
	 Ngunit sa katotohanan, hindi madali ang daan para maabot ang
kaunlaran. Hindi ito kayang gawin ng isang sektor lamang. Bawat isa ay may
napakahalagang papel na ginagampanan upang masiguro ang maayos na
takbo at daloy ng ekonomiya ng bansa. Sa ganitong perspektibo, patuloy na
nagsisikap ang pamahalaan na matugunan ang mga pangangailangan ng
bawat sektor. Ngunit sapat ba ang mga programa at batas na isinusulong
ng pamahalaan upang mapangalagaan ang mga nasabing sektor pang-
ekonomiya? Ano-ano ba ang mga kinakaharap na hamon ng bawat sektor?
Ang mga patakarang pang-ekonomiya bang ito ay talagang nakatutulong sa
kanila upang maabot ang matagal nang pinapangarap na kaunlaran?
	 Dahil dito, bilang isang mamamayang Pilipino na nagnanais na
makaranas ng kaunlaran, hayaang matuklasan at masuri ng mga mag-aaral
kung paano hinaharap ng mga sektor pang-ekonomiya ang mga hamon tungo
sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa mga sektor ng ekonomiya at
mga patakarang ekonomiya nito sa harap
ng mga hamon at puwersa tungo sa
pambansang pagsulong at pag-unlad.
Ang mga mag-aaral ay aktibong
nakibabahagi sa maayos na pagpa-
patupad at pagpapabuti ng mga sektor
ng ekonomiya at mga patakarang
ekonomiya nito tungo sa pambansang
pagsulong at pag-unlad.
225
DEPED COPY
Sa araling ito, inaasahang matutuhan ng mag-aaral ang sumusunod:
ARALIN 1:
KONSEPTO NG
PALATANDAAN
NG
PAMBANSANG
KAUNLARAN
•	 Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa
pambansang kaunlaran
•	 Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang
kaunlaran
•	 Natutukoy ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang
Pilipino upang makatulong sa pambansang kaunlaran
•	 Napahahalagahan ang sama-samang pagkilos ng
mamamayang Pilipino para sa pambansang kaunlaran
•	 Nakapagsasagawa ng isang pagpaplano kung paano
makapag-ambag bilang mamamayan sa pag-unlad ng
bansa
ARALIN 2:
SEKTOR NG
AGRIKULTURA
•	 Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura,
pangingisda, at paggugubat sa ekonomiya at sa bansa
•	 Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng
sektor ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa
bawat Pilipino
•	 Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang-
ekonomiya na nakatutulong sa sektor ng agrikultura
ARALIN 3:
SEKTOR NG
INDUSTRIYA
•	 Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor
ng industriya tulad ng pagmimina, tungo sa isang
masiglang ekonomiya
•	 Nasusuri ang pagkakaugnay ng sektor agrikultural at
industriyal tungo sa pag-unlad ng kabuhayan
•	 Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang-
ekonomiyang nakatutulong sa sektor ng industriya
ARALIN 4:
SEKTOR NG
PAGLILINGKOD
•	 Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng
paglilingkod
•	 Napapahalagahan ang mga patakarang pang-
ekonomiyang nakatutulong sa sektor ng paglilingkod:
Batas na nagbibigay proteksiyon at nangangalaga sa
mga karapatan ng manggagawa
ARALIN 5:
IMPORMAL NA
SEKTOR
•	 Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa konsepto
ng impormal na sektor
•	 Nasusuri ang mga dahilan ng pagkakaroon ng impormal
na sektor
•	 Natataya ang mga epekto ng impormal na sektor ng
ekonomiya
•	 Napahahalagahan ang pagsunod sa mga patakarang
pang-ekonomiya tungo sa pagkamit ng pambansang
kaunlaran
226
DEPED COPY
ARALIN 6:
KALAKALANG
PANLABAS
•	 Nasusuri ang ugnayan ng Pilipinas para sa
kalakalang panlabas nito sa mga samahan tulad ng
World Trade Organization at Asia-Pacific Economic
Cooperation tungo sa patas na kapakinabangan ng
mga mamamayan ng daigdig
•	 Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng
pamahalaan kaugnay ng mga patakarang piskal na
ipinatutupad nito
•	 Nasusuri ang mga patakaran pang-ekonomiya na
nakatutulong sa patakarang panlabas ng bansa sa
buhay ng nakararaming Pilipino
GRAPIKONG PANTULONG
AGRIKULTURA
INDUSTRIYA
PAGLILINGKOD
IMPORMAL NA
SEKTOR
KALAKALANG
PANLABAS
KAUNLARAN
227
DEPED COPY
PANIMULANG PAGTATAYA
Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.
1.	 Ang sumusunod ay ang mga salik na maaaring makatulong sa
pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa maliban sa:
A.	 likas na yaman
B.	yamang-tao
C.	teknolohiya
D.	kalakalan
Para sa bilang 2, basahin ang sumusunod na talata at sagutin ang mga tanong
sa ibaba nito.
	 Noong nakaraang taon, umangat daw ng 7.2 porsiyento ang
ekonomiya ng Pilipinas at pumangalawa sa China. Maraming nasiyahan
nang marinig ang balitang ito. Napakagandang balita dahil pangalawa
sa magandang ekonomiya. Pero nang lumabas ang survey ng Social
Weather Stations (SWS) kamakailan na 12.1 milyong Pilipino ang
walang trabaho, maraming nadismaya at hindi makapaniwala. Nasaan
na ang sinasabing magandang ekonomiya. Hindi ito tugma sa laging
sinasabi ng pamahalaan, gumanda ang ekonomiya ng bansa.
(http://www.philstar.com/psn-opinyon/2014/02/13/1289713/editoryal-umangat-ang-ekonomiya-dumami-ang-jobless)
2.	 Kung ang konsepto ng kaunlaran ang pagbabasehan, malinaw na
inilalahad sa balita na:
A.	 Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay hindi nangangahulugan
ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan.
B.	Hindi sapat na batayan ang paglago ng ekonomiya upang
masabing ganap na maunlad ang bansa.
C.	 Ang bansa ay patuloy pa ring nakaasa sa mga manggagawang
Pilipinong nakabase sa ibayong-dagat.
D.	Hindi sapat na sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyonal na
panukat gaya ng GDP.
3.	 Datapwa’t patuloy ang pagtaas ng mga pigura na nagpapakita ng
paglago ng ekonomiya ng bansa, marami pa ring Pilipino ang hindi
naniniwala rito. Isa sa mga dahilan nito ay ang patuloy na korapsiyon.
Paano kumikilos ang mga mamamayang Pilipino upang tuluyan nang
matuldukan ang napakatagal na problemang ito?
A.	Hinahayaan na lamang ng mga Pilipino na ang pamahalaan
at ang mga hukuman ang umusig sa mga tiwaling opisyal ng
gobyerno.
B.	 Idinadaan na lamang nila sa samu’t saring protesta ang kanilang
mga hinaing ukol sa talamak na korapsiyon sa pamahalaan.
C.	Mulat ang mga Pilipino sa mga anomalya at korapsiyon, maliit
(K)
(U)
(U)
228
DEPED COPY
man o malaki, kaya’t nakahanda silang ipaglaban kung ano ang
tama at nararapat.
D.	Ipinagsasawalang-kibo na lamang ng mga mamamayan ang
mga maling nagaganap sa ating bansa.
4.	 Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at
ang mithiing kaunlaran. Bilang isang mamamayang Pilipino, may
obligasyon ka ring dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa
kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano ang bagay na maaari mong
gawin upang makatulong sa bansa?
A.	 Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.
B.	 Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong
pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.
C.	 Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.
D.	 Wala sa nabanggit
5.	 Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa
mga probinsiya ang nakaasa sa agrikultura para mabuhay. Alin sa
sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?
A.	pagmimina
B.	pangingisda
C.	paggugubat
D.	paghahayupan
6.	 Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura
ay ang pagkabulok o madaling pagkasira ng kanilang mga ani o
produktong agrikultural. Bakit nangyayari ito?
A.	 Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.
B.	 Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan
C.	Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm-to-
market road)
D.	 Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.
7.	 Noong Hunyo 2014, natapos na ang Comprehensive Agrarian
Reform Program Extension with Reforms (CARPER). Kaya ang iba’t
ibang samahan at ang Simbahang Katolika ay nagkapit-bisig upang
hilingin sa pamahalaan na dagdagan pa ng dalawang taon ang
implementasyon nito. Gaano ba kahalaga ang repormang agraryo
ng pamahalaan para sa mga magsasaka?
A.	 Nagkakaroon ng sariling lupa ang mga magsasaka.
B.	 Natutugunan ng pamahalaan ang mga hinaing at problema ng
sektor ng agrikultura.
C.	Nabibigyang-pansin ang mga magsasaka sa pamamagitan
ng maayos na sistema ng pautang, mga proyektong pang-
(U)
(U)
(K)
(P)
229
DEPED COPY
imprastruktura, redistribusyon ng lupa, at iba pa.
D.	 Lahat ng nabanggit
Para sa bilang 8, suriin ang sumusunod na datos at sagutin ang tanong sa
ibaba nito.
Talahanayan 2
Distribusyon ng mga Sektor ng Pang-ekonomiya
2005 – 2010 (In-Million Pesos)
SEKTOR 2005 2006 2007 2008 2009 2010
Agrikultura 778,370 853,718 943,842 1,102,465 1,138,334 1,182,374
Industriya 1,735,148 1,909,434 2,098,720 2,347,803 2,318,882 2,663,497
Paglilingkod 2,930,521 3,268,012 3,606,057 3,959,102 4,221,702 4,667,166
Pinagkunan: National Statistical Coordination Board (NSCB), January 31, 2011
8.	 Ang Pilipinas ang isa sa pinakamayayamang bansa kung ang pag-
uusapan ay likas na yaman. Mataba ang mga lupain at hitik ang ating
mga anyong-tubig sa iba’t ibang yamang-dagat. Ngunit kapansin-
pansin sa mga datos sa itaas na ang sektor ng agrikultura ang may
pinakamaliit na ambag sa ekonomiya ng bansa mula 2005-2010.
Ano ang nais ipahiwatig nito?
A.	Kulang ang mga pasilidad at imprastruktura na tutulong sa
agrikultura.
B.	Mas prayoridad ng pamahalaan ang sektor ng industriya at
serbisyo.
C.	Kulang ang suporta na tinatanggap ng mga kababayan nating
nasa sector ng agrikultura.
D.	 Lahat ng nabanggit
9.	 Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng
mga hilaw na materyal upang ito ay maging isang produkto?
A.	agrikultura
B.	industriya
C.	paglilingkod
D.	 impormal na sektor
10.	Itinuturing ang agrikultura bilang primaryang sektor ng ekonomiya
samantalang ang industriya naman ang tinatawag na sekondaryang
sektor. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng dalawang sektor
na ito sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Alin sa sumusunod na
pahayag ang nagpapakita ng epektibong ugnayan o interaksiyon ng
dalawang sektor?
A.	Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng
agrikultura samantalang ang industriya ay sa mga bahay-kalakal.
(P)
(P)
(K)
230
DEPED COPY
B.	Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura
samantalang ang mga entreprenyur naman ang kapitan ng
industriya.
C.	Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng
agrikultura ay lubhang mahalagang sangkap sa sektor industriya
upang gawing panibagong uri ng produkto.
D.	Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang
ang agrikultura ay nanatili sa tradisyonal na pamamaraan ng
pagsasaka.
11.	Ang industriyalisasyon, sa kasalukuyan, ang nagsisilbing batayan ng
kaunlaran ng isang bansa. Sa pananaw na ito, nagaganap lamang
ang kaunlaran kung nagkakaroon ng pagbabago mula sa pagiging
agrikultural patungo sa pagiging industriyal. Ngunit marami ring
limitasyon ang industriyalisasyon. Alin sa sumusunod na pahayag
ang HINDI nagpapatotoo rito?
A.	 Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nakatutulong upang makagawa
pa ng mas maraming produkto at serbisyong kailangan at gusto
ng mga tao.
B.	Ang malawakang paggamit ng teknolohiya katulad ng mga
makinarya ay nakaaapekto sa availability ng hanapbuhay para
sa mga manggagawa.
C.	Unti-unting nasisira ang ating kapaligiran dulot ng polusyon at
masyadong mabilis na industriyalisasyon.
D.	 Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas ng bansa bunga
na rin ng mataas na pambansang kita.
12.	Alinsasumusunodnasektorangbinubuongmgapormalnaindustriya
tulad ng pananalapi, insurance, komersiyo, real estate, kalakalang
pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon,
at mga serbisyong pampamayanan, panlipunan, at personal?
A.	agrikultura
B.	industriya
C.	paglilingkod
D.	 impormal na sektor
13.	Isa sa mga napakalaking problemang kinakaharap ng sektor ng
paglilingkod ang suliranin sa kontraktuwalisasyon. Maraming
kompanya ang humahanap lamang ng mga manggagawang handang
magtrabaho sa kanila nang hindi lalampas sa anim na buwan. Alin
sa sumusunod na pahayag ang dahilan kung bakit patuloy pa rin
ang contractualization sa kabila ng kabi-kabilang protesta ng mga
manggagawa?
(P)
(K)
(U)
231
DEPED COPY
A.	 Mas makatitipid ang mga kompanya kung ang mga manggagawa
ay kontraktuwal dahil wala silang mga benepisyo tulad ng SSS at
PhilHealth.
B.	 Dahil mababa lamang ang mga pasahod sa mga manggagawang
kontraktuwal, lumiliit ang gastusin ng mga kompanya.
C.	Ang mga manggagawang kontraktuwal ay hindi maaaring
tumanggi sa mga overtime na trabaho lalo na sa mga peak
season kahit na lumagpas pa ito sa itinakdang oras ng paggawa
sa batas.
D.	 Lahat ng nabanggit
14.	Ang kakayahan ng sektor ng paglilingkod na matugunan ang
pangangailangan ng lipunan ay isang palatandaan ng masiglang
ekonomiya ng bansa. Bakit itinuturing na mahalaga ang papel na
ginagampanan ng sektor ng paglilingkod?
A.	 Sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman,
at serbisyo upang matugunan ang mithiin ng pangangailangan.
B.	 Sila ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal.
C.	 Silaangdahilanupangmagkaroonngoportunidadsapagkakaroon
ng trabaho sa isang bansa.
D.	 Larawan sila ng mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa.
15.	Alin sa sumusunod na sektor ang hindi nakarehistro sa pamahalaan,
hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa operasyon ng
negosyo, at hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na
inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo?
A.	agrikultura
B.	industriya
C.	paglilingkod
D.	 impormal na sektor
16.	Ayon sa IBON Foundation, ang impormal na sektor ay kabilang
sa “isang kahig, isang tuka.” Ano naman ang positibong epekto ng
paglaganap ng impormal na sektor?
A.	 Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries.
B.	 Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa.
C.	 Maraming mamamayan ang umaasa na lamang sa pamahalaan.
D.	 Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino
upang tugunan ang pangangailangan sa kabila ng krisis sa buhay.
17.	Isa sa mga epekto ng impormal na sektor sa ekonomiya ay ang
paglaganap ng mga ilegal na gawain gaya ng pamimirata. Laganap
ang pamimirata sa halos lahat ng puwesto ng palengke sa buong
kapuluan. Ang patuloy na paglaganap ng pamimirata sa bansa ay
(U)
(K)
(P)
(P)
232
DEPED COPY
maaaring bunga ng sumusunod maliban sa isa.
A.	Kakulangan ng maigting at komprehensibong kampanya at
edukasyon sa mga tao ukol sa masasamang bunga nito
B.	Kakulangan ng mahigpit na implementasyon ng mga batas na
laban sa pamimirata
C.	 Kakulangan ng mapapasukang trabaho
D.	 Pagnanais ng ilang negosyante na kumita nang malaki kahit sa
illegal na pamamaraan
18.	Ang mga bansa ay makikinabang sa isa’t isa ayon sa konsepto
ng comparative advantage. Alin sa sumusunod na paraan sila
makikinabang?
A.	 trade embargo at quota
B.	kasunduang multilateral
C.	 espesyalisasyon at kalakalan
D.	 sabwatan at kartel
19.	Hindi maiiwasan na makipag-ugnayan ang mga bansa sa ibang
bansa lalo na sa panahon ng globalisasyon. Alin sa sumusunod na
pangungusap ang pinakaakmang dahilan ng pakikipag-ugnayan ng
mga bansa sa daigdig lalo na sa larangan ng pakikipagkalakalan?
A.	Madaragdagan ang pantugon sa mga panustos para sa
pangangailangan ng lokal na ekonomiya.
B.	 Abot-kamay na ang angkat na produkto sa lokal na pamilihan.
C.	Upang dumami ang mga produktong banyaga na maaaring
gayahin
D.	Maipagmamalaki ang kanilang produkto sa pandaigdigang
pamilihan.
20.	Ang globalisasyon ay sumasakop sa malawak na dimensiyon ng
lipunan at panig ng daigidig. Bagama’t hinihikayat nito ang pag-
uugnayan ng mga bansa lalo na sa aspekto ng kalakalan, maraming
mga bansang papaunlad pa lamang ang nakararanas ng masamang
epekto nito. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita
ng paghina ng kalakalang lokal at panlabas ng mga bansang
naapektuhan ng globalisasyon?
A.	Ang patuloy na pag-unlad at paglawak ng mga korporasyong
transnasyonal
B.	Ang pagtambak ng mga labis na produkto o surplus sa mga
pamilihan
C.	Ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga
bansa
D.	 Ang pagbabago sa kabuuang pamumuhay ng mamamayan
(P)
(U)
(K)
233
DEPED COPY
SAGOT:
1.	 D
2.	 A
3.	 C
4.	 B
5.	 A
6.	 C
7.	 D
8.	 D
9.	 B
10.	 C
11.	 C
12.	 C
13.	 D
14.	 A
15.	 D
16.	 D
17.	 C
18.	 B
19.	 A
20.	 B
234
DEPED COPY
PANIMULA
	 Pinagtuunan sa nakaraang markahan ang pambansang ekonomiya
bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapuwa mamamayan
tungo sa pambansang kaunlaran. Sa dahilang ito ang pinakamithiin ng lahat
sa atin, lubhang mahalaga ang maayos na ugnayan ng lahat ng sektor ng
ekonomiya upang ganap na matamo ang tunguhing ito.
	 Ang mga sektor ng agrikultura, industriya, at paglilingkod, gayundin
ng impormal na sektor at kalakalang panlabas, ay may mahahalagang papel
na ginagampanan upang maisakatuparan ang pagkakamit ng pambansang
kaunlaran. Higit sa lahat, ikaw bilang isang mag- aaral at mamamayang Pilipino
ay may mga tungkuling dapat gampanan. Subalit ano nga ba ang magagawa
mo para sa bayan sa ngalan ng kaunlaran? Sa ganitong aspekto papasok
ang konsepto ng aktibong pakikisangkot at pagsusulong nito. Kung kaya’t
ang pangunahing pokus sa araling ito ay ang konsepto at palatandaan ng
pambansang kaunlaran. Pag-aaralan mo rin kung ano ang iba’t ibang tungkulin
ng mga mamamayang Pilipino upang makatulong sa sama-samang pagkilos
para sa pagsulong at pag-unlad ng bansa.
	 Sa pagtahak sa landas ng kaalaman sa araling ito, ang mga mag-aaral
ay haharap sa mga tekstong magbibigay-kabatiran at mga mapanghamong
gawain na sadyang pupukaw ng kanilang interes at magbibigay sa kanila ng
kaalaman.
	 Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang
makapagbibigay ng sariling pakahulugan sa pambansang kaunlaran at
masiyasat ang mga palatandaan nito. Inaasahan ding matutukoy nila ang iba’t
ibang gampanin ng bawat mamamayan tungo sa sama-samang pagkilos at
pagplano kung paano makapag-aambag sa mithiing ito.
ARALIN 1
KONSEPTO AT PALATANDAAN NG PAMBANSANG KAUNLARAN
Gawain 1: INSTA-SAGOT
Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan.Atasan silang suriing mabuti
ang kalagayan sa bawat larawan. Hayaan sila na bigyan ng angkop at mala-
ALAMIN
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng mga
mag-aaral tungkol sa konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran
at kung papaano sila makapag-aambag sa pag-unlad ng bansa bilang
mabuting mamamayan nito.
235
DEPED COPY
teleseryeng pamagat ang mga ito batay sa kanilang pagsusuri. Gamitin ang
mga pamprosesong tanong sa pagtalakay ng gawain.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang iyong napuna sa mga larawan? Alin ang higit na nakapukaw
ng iyong pansin? Bakit?
2.	 Alin sa mala-teleseryeng pamagat na ibinigay mo sa mga larawan ang
ninais mong maging kalagayan ng iyong lipunan at ng ating bansa?
Ipaliwanag.
Gawain 2: ANG SA AMIN LANG
Mula sa Gawain 1, atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng isang triad.
Bigyan sila ng sapat na oras upang magkaroon ng isang maliit na pangkatang
talakayan tungkol sa mga nakita nila sa larawan. Ipatukoy ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga ito gamit ang speech balloon.
236
DEPED COPYGawain 3: EVOLUTION OF IDEAS
Muling balikan ang mga konseptong nakuha ng mga mag-aaral mula sa
Gawain 1 at 2.
-	 Ipasulat sa unang kahon kung ano lamang ang kanilang nalalaman sa
paksa.
-	 Ipasulat naman sa ikalawang kahon ang mga bagay at konsepto na
nais pa nilang matutuhan.
-	 Ang huling kahon naman ay sasagutin lamang ng mga mag-aaral kung
tapos na ang pagtalakay sa paksa.
	
Batay sa mga larawan,
malinaw na ang buhay sa
Pilipinas ay
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
Sa susunod na bahagi ay ipasagutan sa mga mag-aaral ang isang
tsart upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa konsepto
at palatandaan ng pambansang kaunlaran.
	 Matapos maorganisa ng mag-aaral ang mga paunang kaalaman
tungkol sa konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran, ihanda sila
para sa susunod na bahagi ng aralin upang higit nilang maunawaan ang
konsepto ng kaunlaran.
237
DEPED COPY	 Ipabasa at ipasuring mabuti sa mga mag-aaral ang teksto tungkol sa
konsepto ng kaunlaran. Hikayatin ang mga mag-aaral na itala sa kanilang ku-
waderno ang mahahalagang salita na kanilang makikita upang lubos nilang
maunawaan ang mga nilalaman nito.
Gawain 4: POWER OF TWO
Atasan ang mga mag-aaral na basahin at suriin ang mga nilalaman ng
dayagram na “Power Thinking.” Sa tulong ng isa nilang kamag-aral, ipasagot
ang mga tanong sa bawat kahon. Dito sinusubok ang kanilang kakayahan na
balangkasin ang mga impormasyon/konseptong kanilang nabasa. Maaaring
dagdagan ang mga power box ayon sa pagkaunawa ng mga mag-aaral sa
tekstong binasa.
PAUNLARIN
Matapos malaman ang mga paunang impormasyon tungkol
sa paksang-aralin, ngayon naman ay kanilang lilinangin ang mga
kaisipan/kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na
sadyang inihanda upang maging sanggunian nila ng impormasyon.
Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan nila bilang
mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa kaunlaran.
Inaasahan na ang mga inihandang gawain at teksto ay gagabay sa kanila
upang masagot kung papaano sila makapag-aambag sa pag-unlad ng
bansa bilang mabuting mamamayan nito. Halina’t paumpisahan ang
bahaging ito sa pamamagitan ng unang gawain na nasa ibaba.
Konsepto ng Pag-unlad
Kahulugan ayon
sa Diksyunaryo
Kahulugan ayon kay
Feliciano Fajardo
Kahulugan ayon kina
Todaro at Smith
Kailan
masasabing may
pag-unlad?
Kailan
masasabing may
pag-unlad?
Kailan
masasabing may
pag-unlad?
Kailan
masasabing may
pag-unlad?
Kailan
masasabing may
pag-unlad?
Kailan
masasabing may
pag-unlad?
Kailan
masasabing may
pag-unlad?
Kailan
masasabing may
pag-unlad?
Kahulugan ayon
kay Sen
238
DEPED COPY
Gawain 5: TEKS-TO-SURI
	 Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na tanong batay sa kanilang
binasang teksto.
1.	 May pagkakatulad ba ang pagsulong at pag-unlad? Ipaliwanag.
2.	 Kailan masasabing maunlad ang isang bansa?
3.	 Ano ang pagkakaiba ng tradisyonal na pananaw ng pag-unlad at
makabagong pananaw nito?
4.	 Sang-ayon ka ba sa konsepto ni Todaro na ang pag-unlad ay dapat
na kumatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang
panlipunan? Pangatwiranan.
5.	 Sa iyong sariling pagtataya, maunlad na ba ang Pilipinas? Pagtibayin.
Gawain 6: OO O HINDI?
Bago dumako sa susunod na aralin, ipasagot muna ang sumusunod na
tanong na may kinalaman sa pag-unlad sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek
(√) sa kolum na kanilang sinasang-ayunan. Gamitin ang mga pamprosesong
tanong sa pagtalakay sa gawain.
PAHAYAG OO HINDI
1.	 May pag-unlad kung may mga nagtataasang gusali at
naglalakihang kalsada.
2.	 May pag-unlad kung lumalaki ang GNP at GDP ng isang
bansa.
3.	 May pag-unlad kung may mga makabagong teknolohiya
at makinarya.
4.	 May pag-unlad kung may demokrasya.
5.	 May pag-unlad kung napangangalagaan ang kapaligiran.
6.	 May pag-unlad kung tumataas ang export ng isang bansa.
7.	 May pag-unlad kung dumarami ang dayuhang
mangangalakal.
8.	 May pag-unlad kung ang bayan ay naging lungsod.
9.	 May pag-unlad kung may mataas na pasahod.
10.	 May pag-unlad kung may trabaho ang mga mamamayan.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Alin sa mga pahayag ang higit mong nararanasan sa iyong lipunan?
2.	 Sa iyong palagay, ano kaya ang nagiging mga balakid sa pagpapatuloy
ng pag-unlad sa sumusunod na aspekto:
•	 Kultural
•	 Sosyal (lipunan)
•	 Politikal
239
DEPED COPY
3.	 BalikannatinangmgalarawansaGawain1.Maaarimobangsabihinkung
ano ang mga palatandaan ng pag-unlad sa isang bansa? Ipaliwanag.
4.	 Paano mo nakikita ang iyong sarili limang taon mula ngayon bilang
kabahagi ng mga palatandaan ng pag-unlad na iyong natukoy?
Gawain 7: GRAPHIC ORGANIZER
Ipatala ang mga salik na nakatutulong sa pagsulong ng ekonomiya ng
bansa gamit ang concept mapping chart sa ibaba. Ipaliliwanag naman sa text
box kung paano pa mapagbubuti ng Pilipinas ang pagsulong ng ekonomiya
nito.
Gawain 8: PAGKAKAMUKHA AT PAGKAKAIBA
Sa tulong ng isa nilang kamag-aral, hayaan ang mga mag-aaral na
ilahad ang pagkakamukha at pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad gamit
ang Venn diagram sa ibaba. Matapos ito ay gamitin ang mga pamprosesong
tanong bilang gabay sa talakayan.
PAGSULONG PAG-UNLAD
Pagsulong ng
Ekonomiya?
?
?
?
240
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang kaibahan ng pagsulong sa pag-unlad?
2.	 Maaari bang magkaroon ng pagsulong kahit walang pag-unlad?
Ipaliwanag.
3.	 Maaari bang magkaroon ng pag-unlad kahit walang pagsulong?
Pagtibayin,	
Gawain 9: GRAPHIC ORGANIZER
Ipabuo ang graphic organizer na matatagpuan sa ibaba batay sa
isinasaad ng tekstong kanilang nabasa. Upang higit na maunawaan ay gamitin
ang mga pamprosesong tanong bilang gabay sa talakayan.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang tatlong aspektong sinusukat ng Human Development Index?
2.	 Sa iyong palagay, sapat na kaya ang mga aspekto at pananda ng HDI
upang ganap na masukat ang antas ng pag-unlad ng isang bansa?
Patunayan.
3.	 Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ng mga pamahalaan ng iba’t
ibang bansa ang mga aspekto at indicators ginagamit sa HDI?
Gawain 10: JUMBLED LETTERS
Gamit ang mga pinaghalo-halong letra, ipatukoy ang mga konsepto at
salitang inilalarawan ng sumusunod na pahayag. Ipasulat ang nabuong salita
sa kahon sa ibaba.
1.	 Sangay ng United Nations na naglalabas ng ulat ukol sa estado ng human
development sa mga kasaping bansa nito
PNDU
PANUKAT NG
PAG-UNLAD
ASPEKTO
NG HDI
INDICATOR
241
DEPED COPY
2.	 Ang nagpasimula ng Human Development Report.
BAHBUM LU AQH
3.	 Ang itinuturing na tunay na yaman ng isang bansa
OTA
4.	 Nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang
dapat na pangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang
bansa
NHMUA OPETENDVMLE EDIXN
5.	 Palatandaang ginagamit upang masukat ang kahirapan sa mga bansang
kasapi ng UN.
DNMMLTNUOALIISEI RTYOVER
DIXNE
Gawain 11: KAHON-ANALYSIS
Hayaan ang mga mag-aaral na basahin at suriin ang sumusunod na
pahayag. Atasan silang ipaliwanag ang kanilang pagkaunawa sa mga pahayag
na ito.
Gawain 12: PAGSUSURI NG TSART
Ang sumusunod na tsart ay galing sa United Nations Development
Programme (Human Development Report 2014). Dito makikita ang
kasalukuyang estado ng mga bansa batay na rin sa iba’t ibang panukat ng
pag-unlad na ginagamit ng United Nation. Bigyan ng sapat na oras ang mga
mag-aaral upang suriing mabuti ang nilalaman ng tsart. Talakayin ang sagot ng
mga mag-aaral sa tulong ng mga pamprosesong tanong.
Ang mga tao ang
tunay na kayamanan
ng isang bansa
_______________
_______________
_______________
_______________
_______________
Ang layunin ng pag-unlad ay
makalikha ng kapaligirang
nagbibigay ng pagkakataon
sa mga tao na magtamasa ng
matagal, malusog, at maayos na
pamumuhay
_____________________
_____________________
_____________________
Ang pag-unlad ay tunay
na nasusukat lamang sa
pamamagitan ng epekto nito
sa pamumuhay ng mga tao.
__________________
__________________
__________________
__________________
242
DEPED COPY
Very high
human
development
High human
development
Medium human
development
Low human
development
1 Norway
2 Australia
3 Switzerland
4 Netherlands
5 United States
6 Germany
7 New Zealand
8 Canada
9 Singapore
10 Denmark
11 Ireland
12 Sweden
13 Iceland
14 United Kingdom
15 Hong Kong,
China (SAR)
16 Korea (Republic
of)
17 Japan
18 Liechtenstein
19 Israel
20 France
21 Austria
22 Belgium
23 Luxembourg
24 Finland
25 Slovenia
26 Italy
27 Spain
28 Czech Republic
29 Greece
30 Brunei
Darussalam
31 Qatar
32 Cyprus
33 Estonia
34 Saudi Arabia
35 Lithuania
36 Poland
37 Andorra
38 Slovakia
39 Malta
40 United Arab
Emirates
50 Uruguay
51 Bahamas
52 Montenegro
53 Belarus
54 Romania
55 Libya
56 Oman
57 Russian Federation
58 Bulgaria
59 Barbados
60 Palau
61 Antigua and Barbuda
62 Malaysia
63 Mauritius
64 Trinidad and Tobago
65 Lebanon
66 Panama
67 Venezuela (Bolivarian
Republic of)
68 Costa Rica
69 Turkey
70 Kazakhstan
71 Mexico
72 Seychelles
73 Saint Kitts and Nevis
74 Sri Lanka
75 Iran (Islamic Republic
of)
76 Azerbaijan
77 Jordan
78 Serbia
79 Brazil
80 Georgia
81 Grenada
82 Peru
83 Ukraine
84 Belize
85 The former Yugoslav
Republic of
Macedonia
86 Bosnia and
Herzegovina
87 Armenia
88 Fiji
89 Thailand
103 Maldives
104 Mongolia
105 Turkmenistan
106 Samoa
107 Palestine, State of
108 Indonesia
109 Botswana
110 Egypt
111 Paraguay
112 Gabon
113 Bolivia
(Plurinational State of)
114 Moldova
(Republic of)
115 El Salvador
116 Uzbekistan
117 Philippines
118 South Africa
119 Syrian Arab
Republic
120 Iraq
121 Guyana
122 Vietnam
123 Cape Verde
124 Micronesia
(Federated States
of)
125 Guatemala
126 Kyrgyzstan
127 Namibia
128 Timor-Leste
129 Honduras
130 Morocco
131 Vanuatu
132 Nicaragua
133 Kiribati
134 Tajikistan
135 India
136 Bhutan
137 Cambodia
138 Ghana
139 Lao People’s
Democratic
Republic
140 Congo
141 Zambia
142 Bangladesh
145 Nepal
146 Pakistan
147 Kenya
148 Swaziland
149 Angola
150 Myanmar
151 Rwanda
152 Cameroon
153 Nigeria
154 Yemen
155 Madagascar
156 Zimbabwe
157 Papua New
Guinea
158 Solomon
Islands
159 Comoros
160 Tanzania
(United
Republic of)
161 Mauritania
162 Lesotho
163 Senegal
164 Uganda
165 Benin
166 Sudan
166 Togo
168 Haiti
169 Afghanistan
170 Djibouti
171 Côte d’Ivoire
172 Gambia
173 Ethiopia
174 Malawi
175 Liberia
176 Mali
177 Guinea-
Bissau
178 Mozambique
179 Guinea
180 Burundi
181 Burkina Faso
182 Eritrea
183 Sierra Leone
184 Chad
243
DEPED COPY
Very high
human
development
High human
development
Medium human
development
Low human
development
41 Chile
42 Portugal
43 Hungary
44 Bahrain
45 Cuba
46 Kuwait
47 Croatia
48 Latvia
49 Argentina
90 Tunisia
91 China
92 Saint Vincent and the
Grenadines
93 Algeria
94 Dominica
95 Albania
96 Jamaica
97 Saint Lucia
98 Colombia
99 Ecuador
100 Suriname
101 Tonga
102 Dominican Republic
143 Sao Tome and
Principe
144 Equatorial Guinea
185 Central
African
Republic
186 Congo
(Democratic
Republic of
the)
187 Niger
Pamprosesong Tanong:
1.	 Aling sampung mga bansa ang itinuturing na maunlad sa taong
2014?
2.	 Saang kontinente matatagpuan ang karamihan sa mga bansang
maunlad?
3.	 Pang-ilan ang Pilipinas batay sa talang inilabas ng United Nations
Development Programme (Human Development Report 2014)?
Paano inilarawan ng nasabing ulat ang antas ng pag-unlad ng
bansa?
4.	 Bilang isang Pilipino, ano ang maaaring gawin ng bawat mamamayan
upang matamo ang pambansang kaunlaran?
5.	 Ano ang maaari mong maging bahagi sa pagtatamo ng pambansang
kaunlaran?
Gawain 13: SURIIN NATIN! 	
Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng isang triad. Muling balikan
ang mga palatandaan ng pag-unlad. Hayaan sila na kumuha ng mga datos
mula sa kanilang lokal na pamahalaan o sa mismong ahensiya upang lubos
na makita ang tunay na kalagayan sa mga aspeto ng kalusugan, edukasyon,
at pamantayan ng pamumuhay ng kanilang komunidad at ganap na matukoy
ang antas ng kaunlaran nito.
244
DEPED COPY
Palatandaan Paliwanag
	 Ipabasa at ipasuring mabuti sa mga mag-aaral ang teksto tungkol sa
sama-samang pagkilos tungo sa pambansang kaunlaran. Hikayatin sila na itala
sa kanilang kuwaderno ang mahahalagang salita na kanilang makikita upang
lubos nilang maunawaan ang mga nilalaman nito. Magagamit itong takdang-
aralin o kaya ay gawain sa klase.
Gawain 14: AKO BILANG MAG- AARAL
Ipasagot ang sumusunod na tanong gamit ang mga konseptong kanilang
natutuhan mula sa binasang teksto.
1.	 Datapwat seryoso ang pamahalaan na labanan ang korapsiyon,
patuloy pa rin ang maling paggasta ng kaban ng bayan. Bilang isang
mapanagutang mag-aaral, paano ka makatutulong upang masugpo
ito?
2.	 Maraming tao na ang nagpatunay na hindi hadlang ang kahirapan
upang magtagumpay sa kahit anumang negosyo. Ilan sa mga ito sina
Lucio Tan, Henry Sy, at Manny Villar. Bilang isang maabilidad na mag-
aaral, paano ka makapag-aambag sa ekonomiya ng bansa kahit sa
maliit na pamamaraan?
3.	 Maliban sa mga nabanggit na halimbawa, paano mo ipinakikita ang
iyong pagiging makabansa?
4.	 Ang pagboto ay isang obligasyon ng mga mamamayan ng bansa.
Hindi natatapos sa pagboto ang obligasyong ito. Kinakailangang
makilahok ang bawat isa sa mga proyektong pangkaunlaran. Bilang
isang mag-aaral, paano mo ginagamit ang iyong pagiging maalam sa
pagpili ng mga pinuno at pakikilahok sa mga gawaing pampaaralan at
pampamayanan?
Gawain 15: KAPIT- BISIG!
Hatiin ang klase sa apat na pangkat:
•	 Unang Pangkat - Mapanagutan
•	 Ikalawang Pangkat - Maabilidad
•	 Ikatlong Pangkat - Makabansa
•	 Ikaapat na Pangkat - Maalam
245
DEPED COPY
	 Balikan muli ang tekstong binasa. Atasan ang bawat pangkat na
magsagawa ng brainstorming upang masuri nang mabuti ang paksa. Ipakikita
sa klase ang resulta ng pagsusuri ng ilan sa mga estratehiya ng makatutulong
sa pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng:
•	 role playing - para sa unang pangkat
•	 jingle - para sa ikalawang pangkat
•	 interpretative dance - ikatlong pangkat
•	 pantomime - ikaapat na pangkat
Gamiting batayan sa pagsasagawa ng mga gawain ang mga tanong sa Gawain
14. Gawin ding batayan ang rubrik sa ibaba.
RUBRIK PARA SA MGA PAGTATANGHAL
PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS
NAKUHANG
PUNTOS
Nilalaman
Naipakita sa pamamagitan ng
ginawang pagtatanghal ang
pagsusulong sa sama-samang
pagkilos para sa pambansang
kaunlaran.
30
Pagkamalikhain
Ang mga konsepto at simbolismong
ginamit ay naging makabuluhan
upang lubos na maipakita ang
sama-samang pagkilos sa aktibong
pakikisangkot tungo sa pambansang
kaunlaran
20
Mensahe
Ang mensahe ng ginawang
pagtatanghal ay direktang nakatugon
sa mga stratehiyang inilahad sa
aralin.
20
Pamagat
Naipaloob ng wasto ang konsepto
ng sama- samang pagkilos tungo sa
pambansang kaunlaran sa pamagat
ng ginawang pagtatanghal.
15
Pakikisangkot sa
Grupo
Ginawa ng bawat kasapi ng grupo
ang mga iniatang na gawain para sa
ikagaganda ng pagtatanghal.
15
Kabuuang Puntos 100
246
DEPED COPY
Gawain 16: ANG PANATA KO
Ang pagkakaroon ng maunlad na ekonomiya ang hangarin ng maraming
bansa sa daigdig. Ilan lamang sa maraming gampanin ang inilahad sa teksto.
Sa mga gampaning inisa-isa mula sa tekstong binasa ng mga mag-aaral,
papiliin sila ng isang gampanin. Atasan silang gumawa ng isang panata ukol
dito. Ipasulat ito sa loob ng status box sa ibaba. Matapos ito ay gamitin ang
mga pamprosesong tanong bilang gabay sa talakayan.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Bakit mo napiling gawing panata ang nasabing gampanin?
2.	 Ano-ano ang handa mong gawin para sa ikauunlad ng ating bayan?
Pangatwiranan.
3.	 Paano mo maihahanda ang iyong sarili para maging isang
mapagkakatiwalaang, maabilidad, makabansa, at maalam na
mamamayan ng Pilipinas sa hinaharap?
Gawain 17: EVOLUTION OF IDEAS
	 Sa pamamagitan ng mga talakayan sa klase at mapanghamong mga
gawain, inaasahang makukumpleto na ang huling kahon sa gawain. Ipasulat
ang mahahalagang pang-unawa na natutuhan ng mga mag-aaral sa kanilang
aralin sa loob ng titik L.
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
247
DEPED COPY
Gawain 18: MAGSURI!
Ipabasa ang hinalaw na editoryal sa mga mag-aaral. Gamit ang mga
pamprosesong tanong, bibigyang puna nila ang nilalaman ng artikulo.
Matapos na maibigay ang mahahalagang konsepto at kaisipan sa
paksa, inaasahan na nagkaroon ng karadagang kaalaman ang mga mag-
aaral. Inaasahan din na ang mga nilalamang ito ay kanilang magagamit
upang higit pang mapalalim ang kanilang kaalaman at kasanayan na kritikal
sa isang mag-aaral ng Araling Panlipunan. Ang mga gawaing inihanda sa
susunod na bahagi ay napapanahon, makatotohanan, at mangangailangan
ng pagsusuri at kasanayan upang maisabuhay ang natutunan sa bahaging
ito.
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo,
bilang mag-aaral, ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa konsepto at
palatandaan ng pambansang kaunlaran. Kinakailangan ang mas malalim
na pagtalakay sa mga konsepto at palatandaang ito upang maihanda
ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.
248
DEPED COPY
EDITORYAL - Umangat ang ekonomiya, dumami ang jobless
 (Pilipino Star Ngayon) | Updated February 13, 2014
	 Hindi tugma ang nangyayari sa bansa kung ang kalagayan ng buhay ng mga
Pilipino ang pag-uusapan. Noong nakaraang taon, umangat daw ng 7.2 percent ang
ekonomiya ng Pilipinas at pumangalawa sa China. Maraming nasiyahan nang marinig
ang balitang ito. Napakagandang balita dahil pangalawa sa magandang ekonomiya.
	 Pero nang lumabas ang survey ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan
na 12.1 milyong Pilipino ang walang trabaho, maraming nadismaya at hindi
makapaniwala. Nasaan na ang sinasabing magandang ekonomiya. Hindi ito tugma
sa laging sinasabi ng pamahalaan, gumanda ang ekonomiya ng bansa. Noong 2012,
umangat daw ng 6.6 percent ang ekonomiya. Tuwang-tuwa ang pamahalaan sapagkat
ngayon lamang umigpaw nang malaki ang ekonomiya ng bansa. Sabi, ang pag-angat
ng ekonomiya ay dahil sa maayos at mabuting pamamahala.
	 Maaaring tama na kaya gumaganda ang ekonomiya ay dahil sa maayos
na pamumuno pero ano naman kaya ang dahilan at marami ang walang trabaho
sa kasalukuyan. Noong Martes na magdaos ng meeting sa Malacañang, maski si
President Noynoy Aquino ay nagtaka kung bakit tumaas ang unemployment rate.
Hiningan niya ng paliwanag ang mga miyembro ng Cabinet kung bakit maraming Pinoy
ang jobless. Katwiran ng isang miyembro ng Cabinet, ang sunud-sunod na kalamidad
na tumama sa bansa ang dahilan kaya tumaas ang bilang ng mga walang trabaho.
Binanggit ang pananalasa ng Yolanda sa Visayas at pagtama ng lindol sa Bohol.
	 Ang problema sa unemployment ang nagbubunga ng iba pang problema.
Tiyak na tataas ang krimen at marami ang magugutom. Sa nangyayaring ito, dapat
nang tutukan ng pamahalaan ang pagpapaunlad sa agricultural sector para makalikha
ng mga trabaho. Sa sektor na ito maraming makikinabang. Nararapat din namang
rebisahin o ibasura ang contractualization. Maraming kompanya ang hanggang anim
na buwan lamang ang kontrata sa manggagawa kaya pagkatapos nito wala na silang
trabaho. Lalo lang pinarami ng contractualization ang mga walang trabaho.
Pinagkunan: http://www.philstar.com/psn-opinyon/2014/02/13/1289713/editoryal-umangat-ang-ekonomiya-dumami-ang-jobless.
Retrieved on November 15, 2014
249
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang nilalaman ng editoryal?
2.	 Sa iyong palagay, ano ano ang mga posibleng dahilan kung bakit
maraming Pilipino pa rin ang walang trabaho sa kabila ng sinasabing
pag-angat ng ekonomiya ng bansa?
3.	 Batay sa iyong nabasang artikulo, masasabi bang may pag-unlad sa
bansa? Ipaliwanag ang sagot.
Gawain 19: AWITIN MO AT GAGAWIN KO!
Maraming mamamayang Pilipino ay patuloy na umaasang matatamo
ng bansa ang hinahangad nitong kaunlaran. Patuloy tayong nangangarap na
minsan ay makaahon ang karamihan sa atin sa kahirapan at magkaroon ng
maayos na pamumuhay. Ngunit bago ito mangyari, kinakailangang magising
tayo sa katotohanang may obligasyon o responsibilidad tayong dapat gawin.
Upang matamo ang pambansang kaunlaran, napakahalaga na magtulungan
tayo at magbahagi ng ating panahon at kakayahan tungo sa pag-abot nito.
Sa gawaing ito, ipasuri ang isang awiting pinasikat ni Noel Cabangon.
Inilahad sa awitin ang mga simpleng pamamaraan upang matawag tayong
“Mabuting Pilipino.” Ang mga simpleng bagay na ginagawa natin sa araw- araw
ay maaring makatulong sa unti-unti nating pag-abot sa pinapangarap nating
kaunlaran.Bawat isa sa atin - kahit ano pa man ang papel mo sa lipunan, ay
may magagawa upang maabot ang mithiing ito.
Ipagamit na gabay ang mga pamprosesong tanong sa gilid ng mga
kahon sa pag-unawa at pagninilay sa aralin.
Ako’y Isang Mabuting Pilipino
Noel Cabangon
Ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga
tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga
alituntunin
Tumatawid ako sa tamang tawiran
Sumasakay ako sa tamang sakayan
Pumipila at ‘di nakikipag-unahan
At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan
Maaaring panoorin ang video sa
Youtube upang masundan ang himig ng
awit.
http://www.yo.utube.com/watch?v=hkfO
uCzJl78
250
DEPED COPY
Bumababa’t nagsasakay ako sa tamang
sakayan (Nagbababa ako sa tamang
babaan)
‘di nakahambalang parang walang
pakialam
Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa
kalsada
Humihinto ako ‘pag ang ilaw ay pula
[chorus]
‘pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
Sumasakay at
bumababa ka ba
sa tamang sakayan
at babaan?
Ano- anong mga
tuntunin at
alituntunin sa
paaralan ang
sinusunod mo?
‘Di ako nangongotong o nagbibigay
ng lagay
Tiket lamang ang tinatanggap kong
ibinibigay
Ako’y nakatayo doon mismo sa kanto
At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno
‘Di ako nagkakalat ng basura sa
lansangan
‘Di bumubuga ng usok ang aking
sasakyan
Inaayos ko ang mga kalat sa
basurahan
Inaalagaan ko ang ating kapaligiran
[repeat chorus]
Lagi akong nakikinig sa aking mga
magulang
Kaya’t pag-aaral ay aking
pinagbubutihan
‘di ako gumagamit ng bawal na gamot
O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y
‘di pumapasok
Paano ka
makatutulong sa
pangangalaga ng
ating kapaligiran?
Gaano kahalaga
ang pag- aaral
sa iyo?
Pangatwiranan.
sinusunod mo?
Ano-anong
pag-aaral
251
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang pangkalahatang mensahe ng awitin? Paano mo maiuugnay
ito sa pagtatamo ng kaunlaran? Ipaliwanag.
2.	 Kanino kayang mga tungkulin ang inilahad sa awitin? Ano ang
implikasyon nito sa pambansang kaunlaran?
3.	 Paano ka makatutulong sa pag- unlad ng bansa bilang isang
mabuting Pilipino? Pagtibayin.
Gawain 20: IKAMPANYA MO NA!
Itanong sa mga mag- aaral kung papaano sila makapag-aambag sa
pag-unlad ng bansa bilang mabuting mamamayan? Ipalahad ang kanilang
kasagutan gamit ang isang campaign slogan. Gamiting gabay ang rubrik sa
susunod na pahina sa pagsasagawa ng gawain.
Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan
‘pagkat ito lamang ang tangi kong
kayamanan
‘di ko ibinebenta ang aking kinabukasan
Ang boto ko’y aking pinahahalagahan
[repeat chorus]
Ako’y isang tapat at totoong lingkod ng
bayan
Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan
Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan
‘Di ko ibinubulsa ang pera ng bayan
Ipinagtatanggol ko ang mamamayang
Pilipino
Mga karapatan nila’y kinikilala ko
Iginagalang ko ang aking kapwa-tao
Ipinaglalaban ko ang dangal ng bayan ko.
[repeat chorus twice]
Bakit mahalaga ang
pagkakaloob ng
tapat na serbisyo
sa mga tao?
252
DEPED COPY
RUBRIK SA PAGMAMARKA NG CAMPAIGN SLOGAN
PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS
NAKUHANG
PUNTOS
Nilalaman
Ang ginawang campaign slogan ay
mabisang nakapanghihikayat sa mga
makababasa nito
20
Pagkamalikhain
Ang paggamit ng mga angkop at malalalim
na salita (matalinghaga) ay akma sa mga
disenyo at biswal na presentasyon upang
maging mas maganda ang slogan.
15
Kaangkupan sa
Tema
Angkop sa tema ang ginawang slogan. 10
Kalinisan Malinis ang pagkakagawa ng slogan. 5
Kabuuang Puntos 50
	
Transisyon sa Susunod na Aralin
	 Inilahad sa aralin na ito ang konsepto at palatandaan ng pambansang
kaunlaran. Natalakay din ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino
at sama-samang pagkilos ng mga ito tungo sa inaasam na pambansang
kaunlaran. Bilang mga mamamayan ng Pilipinas, nararapat lamang na
makiisa at aktibong makisangkot sa mga gawain at tungkulin ang bawat
mamamayan upang makapag- ambag tayo sa pag-unlad ng bansa.
	 Sa mga susunod na aralin, tutuklasin at aalamin ng mga mag-aaral
ang iba’t ibang sektor ng ating ekonomiya at ang mga patakarang pang-
ekonomiya na maaaring makatulong sa bawat sektor.
	 Ngayon ay may sapat na silang kaalaman tungkol sa konsepto at
palatandaan ng kaunlaran. Gamit ang mga konsepto at pag-unawa na
kanilang natutunan sa araling ito, magiging madali na lamang ang mga
susunod pang aralin! Napagtagumpayan na ng mga mag-aaral ang unang
aralin kaya mas paghusayan pa nila sa iyong paggabay ang susunod pang
mga gawain!
MAHUSAY! Natapos mo na ang paggabay sa mga mag-aaral upang
maisakatuparan nila ang mga gawain!
253
DEPED COPY
PANIMULA
Sa nakaraang aralin, tinalakay ang kahulugan at palatandaan ng
kaunlaran. Ipinaunawa ang kahulugan at mahahalagang impormasyon na
dapat makita upang masukat ang kaunlaran ng isang bansa. Ipinakilala rin ang
iba’t ibang elemento sa buhay at kapaligiran bilang indikasyon ng kalidad sa
pamumuhay ng mga tao. Kaugnay nito, inaasahang malalaman ng mga mag-
aaral ang kalagayan ng mga sektor ng ekonomiya gayundin ang kontribusyon
ng mga ito sa pagtatamo ng kaunlaran.
	 Sa araling ito ay sisimulan ang pagtalakay sa Sektor ng Agrikultura.
Susuriin kung ano ang kahalagahan ng sektor na ito sa pang-araw-araw na
buhay ng mga Pilipino. Iisa- isahin din ang mga suliraning kinakaharap nito at
ang mga patakarang pang-ekonomiya na itinataguyod ng pamahalaan upang
mapalakas ang sektor. Inaasahan na mauunawaan ang papel ng agrikultura at
ang kaugnayan nito sa pagkakaroon ng matiwasay na pamumuhay ng bawat
mamamayan.
	 Bago tuluyang magsimula sa mga talakayan ang mga mag-aaral, aalamin
muna ang kanilang mga paunang kaalaman hinggil dito. Kaya umpisahan na!
ARALIN 2:
SEKTOR NG AGRIKULTURA
Gawain 1: KANTANG BAYAN – ALAM KO!
Isulat ng guro ang awiting “Magtanim ay Di Biro” sa pisara o sa manila
paper. Ipaaawit sa mga mag-aaral ang nasabing kantahing bayan. Maaaring
patayuin ang mga mag-aaral o manatili silang nakaupo habang umaawit.
Matapos ito, itanong sa mga mag-aaral kung ano ang limang bagay na
pumapasok sa kanilang isipan kapag binabasa, naririnig, o inaawit ang kantang
bayan.
Layunin ng gawain na matukoy ang sektor agrikultura. Hindi dapat
maikintal sa isipan ng mga mag-aaral na mahirap ang gawain sa bukid bagkus
ay dapat na maipaunawa na ang lahat ng gawain ay dapat na maisagawa nang
tama.
ALAMIN
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng mga
mag-aaral tungkol sa sektor ng agrikultura at kung ano ang bahaging
ginagampanan ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng bansa.
254
DEPED COPY
Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di naman makatayo
Di naman makaupo
Bisig ko’y namamanhid
Baywang ko’y
nangangawit.
Binti ko’y namimintig
Sa pagkababad sa tubig.
Kay-pagkasawing-palad
Ng inianak sa hirap,
Ang bisig kung di iunat,
Di kumita ng pilak
Sa umagang
pagkagising
Lahat ay iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na
pagkain.
Halina, halina, mga
kaliyag,
Tayo’y magsipag-unat-
unat.
Magpanibago tayo ng
lakas
Para sa araw ng
bukas
(Braso ko’y
namamanhid
Baywang ko’y
nangangawit.
Binti ko’y namimintig
Sa pagkababad sa
tubig.)
Pinagkunan: Retrieved from http://tagaloglang.com/Filipino-Music/Tagalog-Folk-Songs/magtanim-ay-di-biro.html on January 13,
2015
Matapos ibigay ang tanong tungkol sa naisip ng mag-aaral, isusunod
na ibibigay isa-isa ang mga pamprosesong tanong.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Bakit ang limang bagay na ito ang naisip mo kaugnay ng awiting
“Magtanim Ay Di Biro”?
2.	 Ano ang nabubuo o pumapasok sa isipan mo habang inaawit ang
“Magtanim ay Di Biro”?
3.	 Anong sektor ng ekonomiya ang nabibilang ang tema ng awitin?
Ipaliwanag.
Gawain 2 : KILALA KO ANG SEKTOR NA ITO!
Muling babalikan ang awiting “Magtanim Ay Di Biro.” Magpakuha sa
mga mag-aaral ng isang bagay sa loob ng silid-aralan na sa palagay nila ay
maglalarawan o maaaring nagmula sa sektor ng agrikultura. Atasan sila na
humanap ng ka-triad at talakayin ang bagay na napili at ang kaugnayan nito
sa sektor. Matapos ito, tatalakayin ang gawain gamit ang mga pamprosesong
tanong.
Pamprosesong Tanong
1.	 Ano ang naging batayan mo sa napiling bagay?
2.	 Paano mo ito iniugnay sa sektor ng agrikultura?
3.	 Para sa iyo, ano ang kahalagahan ng sektor na ito at sa buong bansa
upang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa? Patunayan.
255
DEPED COPY
Gawain 3: IDEYA-KONEK!
Ipahalintulad sa mag-aaral ang kanilang sarili sa isang puno na nasa
larawan. Ipasukat ang kanilang kaalaman katulad sa lalim ng ugat ng nasabing
puno. Ipaunawa na kung mas malalim ang ugat, ganoon din kalalim ang
kaalaman ng mag-aaral tungkol sa sektor ng agrikultura. Ipasagot sa mag-
aaral ang tanong na nasa ibaba.
Ano ang alam ko sa
sektor ng agrikultura?
Ang susunod na bahagi ng aralin ay magbibigay-daan upang ang
mga mag-aaral ay magabayan sa pagkatuto ng mga kaalaman tungkol
sa sektor ng agrikultura. Ang kabatiran sa mga impormasyong ito ay daan
upang ang pamantayang pangnilalaman ay matamo. Ang lahat ng ito ay
bilang paghahanda na rin sa mga kasanayan na lilinangin sa mga susunod
na bahagi ng aralin.
PAUNLARIN
Matapos maipamalas ng mag-aaral ang kanilang kaalaman
sa aralin, asahan na ito ay higit pang malilinang sa pamamagitan ng
mga babasahin at mga gawain na makatutulong sa pagpapaunlad
ng kanilang kakayahan. Mahalaga ang aktibong partisipasyon
nila sa mga gawain at mga talakayan para sa kanilang lubos na
pagkatuto. Simulan ang pagpapaunlad sa kanilang kaalaman.
256
DEPED COPY
Gawain 4: CONCEPT DEFINITION MAP
Atasan ang mag-aaral na bumuo ng Concept Definition Map gamit ang
modelo sa ibaba. Hayaan na tukuyin nila at bigyan ng kahulugan kung ano ang
sektor ng agrikultura, ano ang bumubuo rito, at ipaisa-isa ang mga kahalagahan
nito. Maaari itong ipagawa nang dalawahan, tatluhan, o pangkatin ang mag-
aaral depende sa laki ng klase. Ipalagay ang kasagutan sa bawat kahon.
Ipaalam sa mag-aaral na ang mga impormasyon sa paggawa ng
Concept Definition Map ay makukuha mula sa teksto na tumatalakay tungkol
sa sektor ng agrikultura. Matapos ang gawain, ipatalakay ang output ng mga
mag-aaral. Sunod na isagawa ang pamprosesong tanong upang malinaw na
maipaliwanag ang kabuuan ng nasabing gawain.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Bakit mahalagang sektor ng ekonomiya ang agrikultura?
2.	 Sa iyong palagay, paano ka magiging kaakibat upang maitaguyod ang
sektor ng agrikultura? Ipaliwanag.
Ano ang mga
bumubuo rito?
Ano ito?Ano ang mga
kahalagahan nito?
Sektor ng
Agrikultura
257
DEPED COPY
GAWAIN 5: LARAWAN! KILALANIN!
Sa gawaing ito, muling balikan ang mga impormasyon mula sa binasang
teksto. May apat na larawan na kumakatawan sa bawat sekundaryang sektor ng
agrikultura. Mula rito, ipasulat sa mga mag-aaral ang bahaging ginagampanan
ng bawat sekundaryang sektor at ambag ng mga ito sa kabuuan ng sektor
agrikultura.
Hayaang maibahagi ng mga mag-aaral ang kanilang output. Matapos
ito, gamit ang pamprosesong tanong bilang gabay, talakayin ang nilalaman ng
gawain.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano-ano ang bumubuo sa sektor ng agrikultura?
2.	 Paano nakatutulong ang sektor ng agrikultura sa pamumuhay ng tao sa
komunidad?
3.	 Sa iyong palagay, sapat ba ang naitutulong o pagtugon ng sektor ng
agrikultura sa mga pangangailangan ng maraming Pilipino? Bakit?
4.	 Iugnay ang papel ng sektor ng agrikultura sa pagkakamit ng kaunlaran
ng bansa.
A
G
R
I
K
U
L
T
U
R
A
GAWAIN
_________________
____
GAWAIN
_________________
____
GAWAIN
_________________
____
GAWAIN
_________________
____
258
DEPED COPY
Gawain 6: CONCEPT WEB
Gamit ang modelong Concept Web bilang gabay, papunan sa mag-
aaral ang kahon ng mga salita na may kaugnayan sa mga suliranin ng sektor.
Ipaalam na ang mahahalagang impormasyon ay makukuha mula sa babasahin
nilang teksto tungkol sa suliranin sa sektor ng agrikultura.
Ipaalala rin sa mag-aaral na ang talakayan ay umiikot sa bawat
sekundaryang sektor ng agrikultura upang mabigyan sila ng mas malinaw
na ideya tungkol sa mga isyu. Ang ganap na pag-unawa ay kinakailangan
upang maibigay ang mga wastong impormasyon sa gawain. Gamitin ang
pamprosesong tanong upang lubos na matalakay ang layunin ng gawain.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano-ano ang suliranin ng sektor ng paghahalaman, paggugubat,
paghahayupan, at pangingisda?
2.	 Ano-ano ang kasalukuyang solusyong ginagawa ng pamahalaan, mga
magsasaka, at mga nasa pribadong sektor?
3.	 Sa iyong palagay, paano mahihikayat ang kabataan na gumawa ng mga
hakbang na makatutulong sa sektor ng agrikultura?
4.	 Ano ang iyong maaaring maiambag upang maging kabahagi sa pagtugon
sa mga suliranin sa sektor ng agrikultura?
Gawain 7: I-VENN DIAGRAM NA YAN!
Gamit ang istratehiyang Venn Diagram, ipaisa-isa ang pagkakaiba at
pagkakapareho ng mga sekundaryang sektor ng agrikultura. Atasan ang mga
mag-aaral na gamiting huwaran ang dayagram sa susunod na pahina bilang
tugon sa gawain. Siguraduhin na mauunawaan ng mga mag-aaral na ang mga
patakaran at programa ay ipinatupad ayon sa kaunlaran na nais nitong matamo.
Ipaunawa sa mga mag-aaral na mahalagang maunawaan ang nilalaman
ng teksto upang makatugon sa gawain. Ipasagot ang mga pamprosesong
tanong upang matamo ang kabuuang layunin ng gawain.
SULIRANIN NG
AGRIKULTURA
259
DEPED COPY
	 Inaasahan sa gawaing ito na ilan sa mga kasagutan ay maaaring
livelihood program para sa pamilya ng mga magsasaka, scholarship para sa
mga anak ng mangingisda at mga batas para sa kapakanan ng mga nabibilang
sa sektor ng magsasaka.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang pagkakapareho at pagkakaiba sa mga naging patakaran ng
pamahalaan sa iba’t ibang aspekto ng agrikultura?
2.	 Sa iyong palagay, mayroon bang mga naging pagkukulang upang ganap
na matamo ang layunin ng mga patakaran? Patunayan.
3.	 Bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang maaari mong maging papel
upang maging matagumpay ang pagpapalakas sa sektor ng agrikultura?
Gawain 8. RIPPLES OF KNOWLEDGE
Batay sa layunin na maipakita ang kasanayan sa paghinuha, hayaan ang
mga mag-aaral na punan ang hanay ng inaasahang epekto at ang ahensiya
ng pamahalaan na nangangasiwa ayon sa mga patakaran o programa ng
pamahalaan. Maaaring pangkatin ang mga mag-aaral ayon sa laki ng klase
bilang tugon sa gawaing Ripples of Knowledge.
Tiyakin na maunawaan ng mga mag-aaral ang teksto tungkol sa mga
patakaran at programa ng pamahalaan upang makapagbigay ng angkop at
kritikal na mga kasagutan. Sundan ang mga pamprosesong tanong upang
matamo ang layunin sa gawaing ito.
Pangisdaan
Pagtotroso
Pagsasaka
260
DEPED COPYPamprosesong Tanong:
1.	 Ano-ano ang patakarang ipinatutupad ng pamahalaan sa
pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura?
2.	 Epektibo ba ang mga patakarang ito batay sa naging sagot mo sa mga
inaasahang magiging epekto nito? Bakit?
3.	 Paano magiging makabuluhan ang pagpapatupad ng mga patakarang
nabanggit sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura at bansa?
Gawain 9: IDEYA - KONEK!
Bilang pagpapatuloy, hayaan na suriin ng mga mag-aaral ang naidagdag
na kaalaman mula sa pagtatapos ng bahaging ito. Upang malaman ang lalim
ng kaalaman, muli itong tayain sa pamamagitan ng paghahalintulad sa isang
puno na patuloy ang paglago at pagkalat ng mga ugat sa lupa. Gamitin ang
katanungan na nasa ibaba bilang pamaraan sa pagsukat.
Ano ang alam ko sa sektor ng
agrikultura?
Sitwasyon
Mga Patakaran/
Programang
Pang-
ekonomiya
Pagpapatayo
ng sistema ng
patubig, daan, at
post harvest
facilities
Hamon sa
globalisasyon
Pagbibigay ng
lupang sakahan
Ahensiya ng
Pamahalaan
Inaasahang
Magiging
Epekto
261
DEPED COPY
	
Gawain 10: KASO-LUTASIN!
	 Ipangkat ang mga mag-aaral na may limang miyembro bawat grupo.
Bigyan ang bawat pangkat ng kopya ng editoryal tungkol sa “Aangkat pa pala
ng bigas.” Ipasuri ito sa mga mag-aaral gamit ang mga pamprosesong tanong
at ipaulat sa klase ang mga naging kasagutan.
Gamitin ang pamantayan sa pagmamarka sa gagawing pag-uulat ng
mga mag-aaral.
EDITORYAL: Aangkat pa pala ng bigas
	 Hindi nagkakatugma ang sinasabi ng Department of Agriculture (DA) at
National Food Authority (NFA) ukol sa pag-angkat ng bigas. Hindi malaman ng
taumbayan kung sino ang paniniwalaan.
Matapos na maibigay ang mahahalagang konsepto at kaisipan
tungkol sa aralin na ito, ang mag-aaral ay inaasahan na nagkaroon ng mga
karagdagang kaalaman tungkol sa sektor ng agrikultura. Inaasahan din na
ang mga nilalamang ito ay kanilang magagamit upang higit pang mapalalim
ang kanilang kaalaman at kasanayan na kritikal sa isang mag-aaral ng
Araling Panlipunan. Ang mga gawaing inihanda sa susunod na bahagi
ay napapanahon, makatotohanan, at mangangailangan ng pagsusuri at
kasanayan na magamit ang mga natutuhan sa naunang bahagi.
PAGNILAYAN
	 Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin pa ng
mag-aaral ang mga nabuong kaalaman ukol sa sektor ng agrikultura.
Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa sektor ng agrikultura
upang maihanda sila sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan.
262
DEPED COPY
	 Ayon sa NFA, tinatayang 120,000 tonelada ng bigas ang bibilhin ng
Pilipinas sa Thailand at Vietnam ngayong 2012. Darating ang mga bigas sa
Hulyo. Bukod sa Thailand at Vietnam, posible raw umangkat din ng bigas sa
Cambodia. Mag-uusap pa umano ang NFA at Cambodia para maisara ang
usapan at maging supplier na ng bigas ang nasabing bansa. Ang pahayag
ng NFA sa pag-aangkat ng bigas ay nagbibigay ng kalituhan sapagkat hindi
pa natatagalan nang ihayag ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na sa
susunod na taon ay hindi na aangkat ang Pilipinas ng bigas. At sa 2016 umano
ay maaaring ang Pilipinas na ang mag-export ng bigas. Sa halip na bumili
ng bigas sa Thailand at Vietnam, ang Pilipinas na ang magluluwas katulad
noong dekada ’60 na ang Pilipinas ang nangungunang rice exporter sa Asia.
Ayon kay Alcala, hindi na aangkat ng bigas ang Pilipinas sapagkat pauunlarin
ang sakahan ng bansa. Iri-rehabilitate umano ang mga irigasyon. Bibigyan ng
makinarya at binhi ang mga local na magsasaka. Isasailalim sa pagsasanay
ang mga magsasaka. Lahat daw ng pangangailangan ng mga magsasaka ay
tutugunan.
	 Pero nakapagdududa kung magkakaroon ng katotohanan ang mga
sinabi ni Alcala sapagkat taliwas nga sa pahayag ng NFA na aangkat pa pala
nang maraming bigas at balak pang kausapin ang Cambodia para maging
supplier. Ano ang totoo?
	 Kung positibo ang Department of Agriculture na magiging masagana
ang ani, bakit pa dadagdagan ang supplier? Bakit kailangang damihan pa ang
aangkatin na umaabot sa 120,000 tonelada? Hindi kaya ito mabulok kagaya
ng nangyari sa administrasyon ni dating Pangulong Arroyo? Ipaliwanag ito sa
taumbayan.
Pinagkunan: http://www.philstar.com/opinyon/811177/editoryal-aangkat-pa-pala-ng-bigas Retrieved on November 5, 2014
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang magkatunggaling isyu na ipinahihiwatig ng editoryal?
2.	 Anong patakarang pang-ekonomiya ang binibigyang-diin sa binasa?
3.	 Ano ang kahalagahan ng sektor ng agrikultura sa pagkamit ng
kaunlaran ng bansa?
4.	 Kung ikaw ay isang magsasaka o mangingisda, anong suliranin ang
dapat na bigyan ng pansin ng pamahalaan upang mapaunlad ang
sektor ng agrikultura?
5.	 Kung ikaw ay kasapi ng pamahalaan na nagpapatupad ng mga
batas o programa sa sektor ng agrikultura, ano ang gagawin mo para
mapaunlad ito?
263
DEPED COPY
PAMANTAYAN SA PAG-UULAT
Pamantayan Puntos Natamong
Puntos
Kawastuhan ng ideya batay sa paksa 5
Organisado at malikhain na paglalahad ng
ideya ayon sa paksa ng araling inilahad
5
Kagamitang ginamit sa paglalahad 5
Kooperasyon ng bawat kasapi ng pangkat 5
Kabuuang Puntos 20
Katumbas na Interpretasyon:
		
			Magaling				5
			Lubhang kasiya-siya		4
			Kasiya-siya				3
			Hindi gaanong kasiya-siya		2
			Dapat pang linangin			1
Gawain 11: Mangampanya Tayo!
Magpagawa ng isang advocacy campaign bilang mag-aaral at
mamamayan ng kanilang pamayanan at ng bansa. Siguruhin na nakatutok ang
nasabing kampanya sa pagpapalakas ng agrikultura at paghikayat sa kapuwa
kabataan na makapag-ambag ng mga gawain na magpapalakas sa sektor na
ito.
Ilang halimbawa na maaaring gawin ay paggawa ng mga shout out na
makaka-inspire sa mga mambabasa tungkol sa kabutihan ng sektor. Maaari
ding gumawa ng mga artikulo o magbasa ng mga artikulo mula sa mga website
at blog na may impormasyon tungkol sa agrikultura. Ang pagrekomenda ng
mga palabas sa telebisyon, programa sa radyo, o mga dokumentaryo ay
maaari ding maging bahagi ng kampanyang ito.
Maaaring i-upload sa Facebook, blogs, o iba pa ang mga materyal na
maaaring gamitin bilang kampanya.
264
DEPED COPY
MGA PAMANTAYAN SA GAWAIN
INDIKADOR
NATATANGI MAHUSAY
HINDI
MAHUSAY
KAILANGAN
PANG
PAUNLARIN
MARKA
4 3 2 1
Nilalaman
Malinaw na
nagpapahi-
watig ng
pagpapa-
halaga sa
sektor ng
agrikultura
tungo sa
pamban-
sang
pagsulong at
pag-unlad
Hindi
gaanong
malinaw
ang
ipinapahi-
watig na
pagpapa-
halaga sa
sektor ng
agrikultura
Hindi
malinaw
ang ipinahi-
hiwatig na
pagpapa-
halaga sa
sektor ng
agrikultura
Walang
pagpapa-
halaga sa
sektor ng
agrikultura
Pagka-
malikhain
Ang likha ay
orihinal.
Ang likha
ay orihinal
subalit
kulang sa
kaayusan.
Ang likha
ay hindi
orihinal at
kulang sa
kaayusan.
Ang likha ay
hindi orihinal
at walang
tunguhin.
Nakahi-
hikayat na
maging
kabahagi sa
pagpapala-
kas ng
sektor ng
agrikultura
Nakahi-
hikayat
ngunit
walang
panahon
kung paano
maging
kabahagi sa
pagpapa-
lakas ng
sektor ng
agrikultura
Nakahi-
hikayat
ngunit hindi
handang
maging
kabahagi sa
pagpapa-
lakas ng
sektor ng
agrikultura
Nakahi-
hikayat
ngunit hindi
handang
maging
kabahagi sa
pagpapa-
lakas ng
sektor ng
agrikultura
Kooperasyon
ng grupo
Ang lahat ng
miyembro ay
nagsagawa
ng mga
gawain.
Tatlo
lamang na
miyembro
ang
nagsagawa
sa mga
gawain.
Isa lang na
miyembro
ang
nagsagawa
sa gawain.
Walang
nagsagawa
sa mga
gawain.
265
DEPED COPY
Gawain 12: IDEYA-KONEK
	 Sa bahaging ito ay muling tatayain ng mga mag-aaral ang antas ng
kanilangkaalaman.Gamitanglarawansaibabaatpaghahalintuladngnatamong
kaalaman sa lalim ng mga ugat ng isang puno, ipasagot ang katanungan sa
ibaba.
Bilang isang mag-aaral, paano ako
makatutulong sa pagpapatupad ng
mga patakarang pang-ekonomiya
tungo sa pambansang pagsulong at
pag-unlad?
MAHUSAY! Natapos mo na ang paggabay sa mga mag-aaral upang
maisakatuparan nila ang mga gawain!
Transisyon sa Susunod na Aralin
Sa araling ito ay natutuhan mong ang sektor ng agrikultura ay binubuo
ng paghahalaman, paghahayupan, pangingisda, at paggugubat. Ang bawat
isa ay may malaking gampanin sa pagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa.
Nakasalalay rin dito ang katugunan sa mga pangunahing pangangailangan
ng tao at ng buong bansa. Ang mga suliraning nararanasan sa sektor na ito
ay mga hamon upang tayo ay manindigan at gumawa ng mga pamamaraan
para mapaunlad ang nabanggit na sektor. Samantala, ang iba’t ibang
ahensya ng pamahalaan ay nagbabalangkas ng mga batas at programa
tulad ng CARP para mapaunlad ang antas ng produktibidad nito.
Nabigyang-diin ang kaugnayan ng sektor ng agrikultura sa sektor
ng industriya at iba pa. Sa susunod naman na aralin ay tatalakayin ang
kahalagahan at kontribusyon ng industriya sa pagkakamit ng kaunlaran ng
bansa.
266
DEPED COPY
PANIMULA
Sa nakaraang aralin ay tinalakay ang sektor ng agrikultura. Sinuri ang
kahalagahan nito sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Inisa-isa din ang
mga suliraning kinakaharap nito at ang pagbibigay diin sa matalinong paggamit
ng mga likas na yaman para sa kapakanan ng mga susunod na Pilipino. Hindi
rin nakaligtaan ang mga patakarang pang-ekonomiya na itinataguyod ng
pamahalaan upang masiguro na patuloy ang pagpapalakas sa sektor.
Samantala, bilang bahagi ng yunit na ito, ang susunod na sektor na
tatalakayin ay ang sektor ng industriya. Ipauunawa sa mga mag-aaral ang
papel ng industriya at ang kaugnayan nito sa pagkakaroon ng matiwasay na
pamumuhay ng bawat mamamayan. Susuriin din ang kahalagahan at ang
kasalukuyang kalagayan nito, maging ang mga balakin ng pamahalaan upang
masiguro ang kapakinabangan nito sa pagtatamo ng kaunlaran ng bansa.
Kaya’t muling gabayan ang mga mag-aaral na patuloy na makiisa upang
ganap nilang maunawaan ang papel ng sektor ng industriya at ang kaugnayan
nito sa buhay bilang mga Pilipino. Bago tuluyang tumungo sa mga talakayan,
alamin muna ang mga paunang kaalaman hinggil dito. Kaya imbitahin na sila
upang umpisahan na!
ARALIN 3:
SEKTOR NG INDUSTRIYA
Gawain 1. PRIMARYA – SEKUNDARYA HALA!
Atasan ang mag-aaral na tingnan at pag-aralan ang bawat larawan.
Ipaugnay ang larawan sa kanan at sa kaliwa.
ALAMIN
	 Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng mga
mag-aaral tungkol sa sektor ng industriya at kung ano ang bahaging
ginagampanan ng sektor ng industriya sa ekonomiya ng bansa.
1
267
DEPED COPYPamprosesong Tanong:
1.	 Mula sa mga larawan, ano ang iyong mabubuong hinuha?
2.	 Paano nabuo ang mga produktong papel, sardinas, at furniture o
muwebles? Ipaliwanag.
3.	 Anong sekondaryang sektor ng ekonomiya nakapaloob ang
transpormasyon ng mga produkto?
Gawain 2: PINAGMULAN, ALAM KO!
Atasan ang mga mag- aaral na maglista ng limang gamit na nasa
kanilang bag o nasa loob ng silid-aralan at sabihin kung anong produktong
primarya ang pinagmulan nito. Gamitin ang mga pamprosesong tanong sa
pagtalakay sa gawain.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Bakit mo napili ang mga isinulat mong produkto?
2.	 Paano mo ito maiuugnay sa sektor ng industriya? Sa iyong palagay,
bakit mahalaga ang sektor ng industriya sa pagtugon ng iyong
pangangailangan?
2
3
	 Sa susunod na bahagi ay ipasasagot mo sa mga mag-aaral ang
isang target ring upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman
tungkol sa sektor ng industriya.
SARDINAS
268
DEPED COPY
Gawain 3: ARROW IN ACTION
	 Tanungin ang mag-aaral kung saan sa “target ring” aabot ang kaalaman
nila? Upang matukoy ang antas ng kanilang kaalaman, ipasagot ang arrow
question sa ibaba para masuri ang daloy ng kaalaman sa sektor ng industriya.
Pinagkunan:
https://www.google.com.ph/search?q=clip+art+arrow+man&espv= 2&tbm=isch&tbo=u&source=univ&sa
=X&ei=6Vv5U5DKGonl8AWPj4KgAQ&ved=0 CGYQsAQ&biw=1024&bih=610#facrc=_&im
gdii=_&imgrc=ZY1QL6cw3xlMiM%253A%3BHntzdV7QpryUYM%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.clipartbest.
com%252Fcliparts%252FecM%252F5db%252FecM5dbpcn.png%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.clipartbest.com%252Fclipart-
ecM5dbpcn%3B600%3B600, Retrieved on October 2013
Matapos maorganisa ng mag-aaral ang mga paunang kaalaman
tungkol sa sektor ng industriya, ihanda sila para sa susunod na bahagi ng
aralin upang higit na maunawaan ang konsepto ng sektor na ito.
PAUNLARIN
Matapos malaman ng mga mag-aaral ang mga paunang
impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay kanilang lilinangin
ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na
inihanda upang maging batayan ng impormasyon. Ang pinakatiyak
na layunin ng bahaging ito ay matutuhan nila bilang mag-aaral ang
mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa sektor ng industriya. Mula
sa mga inihandang gawain at teksto ay inaasahang gagabay ito upang
masagot kung ano ang bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya
sa ekonomiya ng bansa. Mag-umpisa sa pamamagitan ng gawain sa
susunod na pahina.
Pambansang pag-unlad
Napagtanto
Natutuhan
Ang alam ko
Ano ang alam ko sa
Sektor ng Industriya?
269
DEPED COPY
Gawain 4: CONCEPT MAP!
Batay sa binasang teksto tungkol sa sektor ng industriya, atasan ang
mag-aaral na punan ang concept map na nasa ibaba. Ipatukoy ang iba’t ibang
industriya sa loob ng mga sekundaryang sektor at katangian ng mga ito. Gamitin
ang mga pamprosesong tanong sa gagawing talakayan.
Gawain 5: DATOS… DATOS…
Pangkatin ang klase batay sa dami ng mag-aaral. Tingnan muli ang
Talahanayan 6. Hayaan ang mga bata na pag-aralan ang mga datos. Atasan
ang bawat pangkat na gumawa ng graph batay sa Talahanayan. Siguraduhin
na ang bawat pangkat ay may takdang graph na gagawin na hindi katulad ng
ibang grupo.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang naging trend ng mga datos sa ginawang graph?Ano ang naging
dahilan ng nasabing trend?
2.	 Kung ikaw ang magbibigay ng isang presentasyon, paano mo gagamitin
ang talahanayan at graph upang ipakita ang kakayahan ng industriya
bilang isang sektor ng ekonomiya ng bansa?
Gawain 6: BENEPISYO O EPEKTO?
Halos bawat bansa ay nagsisikap na matamo ang industriyalisasyon dahil
sa kaugnayan nito sa konsepto ng kaunlaran. Ngunit ayon mismo sa ilang mga
ekonomista, ang industriyalisasyon ay nagdudulot din ng masamang epekto
sa kapaligiran. Kaugnay nito, magkaroon ng debate ang mag-aaral. Ipangkat
ang klase sa dalawa. Itakda ang bawat panig ayon sa benepisyo at masamang
epekto ng industriyalisasyon. Gamiting gabay ang mga pamprosesong tanong
sa pagtalakay ng gawain.
Pagmimina
Konstruksyon Utilities
Pagmamanupaktura
Sektor ng Industriya
270
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang pinakatampok na isyu sa naging debate?
2.	 Ano ang iyong personal na katayuan sa isyu? Bakit?
3.	 Kung ikaw ang pinuno ng bayan, ano ang iyong higit na bibigyan ng bigat
sa paggawa ng desisyon, ang benepisyo mula sa industriyalisasyon o
ang epekto nito sa kapaligiran at sa mga mamamayan? Pangatwiranan.
Gawain 7: VENN DIAGRAM
Malalim ang ugnayan ng mga sektor ng agrikultura at industriya.
Kinakailangan ang dalawa upang higit na mapabuti ang katatagan bilang mga
sandigan ng ekonomiya. Mula sa binasang teksto, papunan ang Venn diagram
ng mga hinihinging impormasyon.
		
Ugnayan: _____________________________________________________
Pagkakaiba: ___________________________________________________
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang bahaging ginagampanan ng industriya? agrikultura?
2.	 Paano nagiging mahalaga ang bawat isa sa pagtugon sa mga
pangangailangan ng tao? bansa?
3.	 Sa mga gampanin ng bawat isa, paano ka makatutulong sa pag-unlad
ng sektor ng industriya?
Gawain 8: ECO-SIGNS
Ang pamahalaan ay nagpapatupad ng mga patakaran at programa dahil
sa layunin nito na mapatatag ang ekonomiya ng bansa. Mula sa binasang
teksto, hayaan ang mag-aaral na gamitin at sundin ang paggamit ng Eco-signs
na hango sa konsepto ng traffic signs. Ang mga panandang ito ay STOP, GO,
at CAUTION. Ang STOP ay ilalagay kung nais ng mag-aaral na ang patakaran
ay ihinto, GO kung nais ipagpatuloy, at CAUTION kung itutuloy nang may pag-
iingat.
Agrikultura Industriya
271
DEPED COPY
Ipasuriatipagawasamag-aaralanggawainsaibabaayonsapanuntunan
ng Eco-Signs.
BATAS ECO-SIGNS DAHILAN
•	 Pagsusog (amendments) sa
Executive Order (EO) No. 226 o
ang Omnibus Investment Code
of 1987
•	 Pagpapatibay sa Anti-Trust/
Competition Law
•	 Pagsusog sa Export
Development Act
•	 Pagpapabuti sa industriya ng
Aviation
•	 Pagsusog sa Tariff and Customs
Code ng Pilipinas
•	 Pagsusog sa Local Government
Code
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang iyong palagay sa kasalukuyang kalagayan ng sektor ng
industriya? Ipaliwanag.
2.	 Makatwiran ba ang direksiyon ng pamahalaan na magsagawa ng
pagbabago sa mga patakaran at polisiya ng bansa kaugnay sa sektor
ng industriya? Patunayan.
3.	 Paano ka makatutulong sa pag-unlad ng sektor ng industriya tungo sa
pagkamit ng kaunlaran ng bansa?
Gawain 9: ARROW IN ACTION!
Ipagpatuloy ang gawaing ito sa pamamagitan ng pagsagot sa arrow
question.
Hindi dapat
ipatupad
Dapat
ipatupad
Hinay-hinay sa
pagpapatupad
Hindi dapat
ipatupad
Dapat
ipatupad
Hinay-hinay sa
pagpapatupad
272
DEPED COPY
Pinagkunan:https://www.google.com.ph/search?q=clip+art+arrow+man&espv=2&tbm
=isch&tbo=u&source=univ&sa=X&ei=6Vv5U5D KGonl8AWPj4KgAQ&ved=0CGYQsAQ&biw=1024&bi
h=610#facrc=_&imgdii=_&imgrc=ZY1QL6cw3xlMiM%253A%3BHntzdV7QpryUYM%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.clipartbest.
com%252Fcliparts%252FecM%252F5db%252FecM5dbpcn.png%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.clipartbest.com%252Fclipart-
ecM5dbpcn%3B600%3B600, Retrieved on October 2013
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ng
mag-aaral ang mga nabuong kaalaman ukol sa sektor ng industriya.
Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa sektor ng industriya
upang maihanda sila sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan.
	 Matapos na maibigay ang mahahalagang konsepto at kaisipan sa
paksa, inaasahan na nagkaroon ng karadagang kaalaman ang mag-aaral.
Inaasahan din na ang mga nalalamang ito ay kanilang magagamit upang
higit pang mapalalim ang kanilang kaalaman at kasanayan na kritikal sa
isang mag-aaral ng Araling Panlipunan. Ang mga gawaing inihanda sa
susunod na bahagi ay napapanahon, makatotohanan, at mangangailangan
ng pagsusuri at kasanayan upang maisabuhay ang natutunan sa bahaging
ito.
Pambansang pag-unlad
Napagtanto
Natutuhan
Ang alam ko
Ano natutuhan ko sa
Sektor ng Industriya?
273
DEPED COPY
Gawain 10: KNOWLEDGE! POWER!
Ipabasa ang hinalaw na teksto sa mag-aaral. Ipasuri ang mga ideya at
ang nakapaloob na paniniwala sa sumulat. Gamitin ang mga pamprosesong
tanong bilang gabay sa pagtalakay ng gawain.
	

Pinagkunan: http://sasaliwngawit.wordpress.com/2012/10/12/doon-po-sa-amin-balik-tanaw-usapang-pag-unlad-2/Retrieved
on October 15, 2014
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang nilalaman ng hinalaw na teksto?
2.	 Anong damdamin ang mararamdaman mula sa sumulat?
3.	 Ano ang naging kongklusyon ng sumulat? Bakit iyon ang naging
pangwakas niya?
Gawain 11: GAWAIN 2, TAKE 2
Batay sa naging Gawain 2, pabalikan sa mag-aaral ang kanilang naging
listahan ng mga bagay na kanilang napili. Batay sa listahan, ipasaliksik sa
kanila kung ano ang estado ng mga sekundaryang sektor ng industriya na
pinagmulan ng mga ito mula 2000 – 2010 (isang dekada).
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang naging kalagayan ng mga nasabing sekundaryang sektor na
sinaliksik?
2.	 Bakit ganoon ang naging kalagayan?
3.	 Ano ang kongklusyon na maaari mong mabuo mula sa naging
pagtingin sa mga datos?
4.	 Ano ang mga bagay na kailangan upang mapalakas o mapanatiling
malakas ang mga ito?
Ang kuwento ng grupo naming taga-UP, post-EDSA dreamers
– mga nangarap ng magandang Pilipinas na maaaring maipagmalaki kahit
saan. Noong araw, nagtatalo-talo lang kami tungkol sa industrialization, bakit
ang Pilipinas ay hindi naka-take off kompara sa mga kasabayang bansa at
paanongang technologyandknow-how ng agriculture natin, severalcenturies
behind – kompara sa ibang agricultural countries. Ang consensus namin
noon – hindi nagkaroon ang Pilipinas ng land reform, totoong land reform
na talagang namahagi ng lupa sa tillers of the land, gaya ng ginawa sa US at
Japan. Ang pinag-uusapan, social policies na dapat gawin – para paramihin
at palakihin pa ang middle class ng bansa o mga pamilyang may purchasing
powers. Isa pa, ang tax system sa bansang masyadong skewed in favor ng
mga may properties na at conducive para gawing idle lamang ang marami
sa mga ari-arian. Anyway, marami sa amin ay nakapagtrabaho na sa
gobyerno at alam namin – first-hand – hindi ganoon kadaling baguhin
ang mga kalakaran at bagay-bagay…
274
DEPED COPY
Gawain 12: PRESYO NG LANGIS, PARANG SPAGHETTI BA NA TATAAS
O BABABA?
Pinagkunan: Arao, D. (2011). Presyo ng langis, parang spaghetti ba na tataas o bababa?. Retrieved from http://
pinoyweekly.org/new/2011/02/presyo-ng-langis-bilang-epekto-ng-deregulasyon-2/ on November 7, 2014
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang ipinararating ng mensahe sa loob ng text box?
2.	 Ano ang iyong mahihinuha mula rito?
3.	 Sa iyong palagay, ano ang maaaring mangyari sa susunod na
labinlimang taon? Ipaliwanag.
Gawain 13: Pag-aralan Mo ang Presyo ng Langis!
Ipasaliksik sa mag-aaral ang naging pagbabago sa presyo ng gasolina
sa pamayanan kung saan nabibilang ang mga mag-aaral sa mga taong 2012
at 2013. Gamit ang talahanayan at graph, hayaang ilapat nila ang nasaliksik
na datos at tandaan ang mahahalagang panahon at pagbabago sa presyo.
Kasama rin na ipasaliksik ang epekto ng mga pagbabago sa araw-araw na
pamumuhay ng mga negosyante, pamilya, simbahan, guro, at ng mga tindero/
tindera. Gumawa ng pag-uulat sa isinagawang pagsasaliksik.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Anong panahon naganap ang mga pagbabago?
2.	 Paano naapektuhan ng mga pagbabago ang mamamayan?
3.	 Sa iyong palagay, ano ang naging hamon sa iyong pamilya ng mga
pagbabago sa presyo ng langis? Pangatwiranan.
GAWAIN 14: INDUSTRIYA, MAYROON BA?
Ang gawaing ito ay maglalagay sa iyo sa sitwasyong aktibo kang
makibabahagi sa pagpapatupad ng patakarang pang-ekonomiya na
magpabubuti sa sektor ng industriya. Hatiin ang klase sa tatlong grupo. Ang
mga pangkat ay magsasagawa ng sarbey upang alamin ang mga industriya
na mayroon sa komunidad. Kasabay nito, isaliksik din ang mga polisiya
na sumusuporta sa mga industriya na ito. Gumawa ng isang balangkas sa
	 Noong Abril 1996, ang gasolina at diesel ay nagkakahalaga lang ng
Php9.50 at Php7.03 bawat litro. Ang LPG naman ay Php145.15 ang bawat
11-kilong cylinder na karaniwang ginagamit sa mga bahay.
	 Ayon sa Oil Monitor (1 February 2011) ng Department of Energy,
ang price range ng gasolina ay Php47.55-Php48.89 bawat litro, samantalang
ang diesel ay Php39.20-P41.35 bawat litro. Sa kaso ng 11-kg LPG, ito
naman ay Php686.00-Php743.00. Aba, nangangahulugan po ito ng mahigit
400 porsiyentong pagtaas sa presyo ng gasolina, diesel, at LPG sa loob ng
15 taon!
275
DEPED COPY
kalagayan ng mga industriya at tingnan ang kapakinabangan ng mga makikitang
polisiya. Matapos ito ay bumuo ng kongklusyon ayon sa:
•	 Kalagayan ng mga industriya
•	 Kakayahan na mapalago ang mga industriya
•	 Kasapatan ng mga polisiya bilang tugon sa mga pangangailangan ng
industriya
•	 Mga dagdag na kailangan mula sa lokal na pamahalaan
MGA PAMANTAYAN SA MGA GAGAWIN
INDIKADOR NATATANGI MAHUSAY
HINDI
MAHUSAY
KAILANGAN
PANG
PAUNLARIN
MARKA
4 3 2 1
Panahon na
Iginugol sa
Gawain
Hindi umabot
sa limang
(5) araw ng
pagsasagawa
Umabot sa
pitong (7)
araw ng
pagsasagawa
Umabot sa
siyam (9)
na araw ng
pagsasagawa
Umabot
ng higit sa
sampung
araw (10+) ng
pagsasagawa
Kooperasyon
ng Grupo
Ang lahat ng
miyembro ay
nagsagawa
ng mga
gawain.
Kalahati
lamang na
miyembro ang
nagsagawa
ng mga
gawain.
Isa lang na
miyembro
ang
nagsagawa
ng mga
gawain.
Walang
nagsagawa
ng mga
gawain.
Gawain 16: ARROW IN ACTION
Sagutin ang tanong sa bahaging ito.
Pinagkunan:https://www.google.com.ph/search?q=clip+art+arrow+man&espv=2&tbm=isch&tbo=u&source=univ&sa
= X & e i = 6 V v 5 U 5 D K G o n l 8 A W P j 4 K g A Q & v e d = 0 C G Y Q s A Q & b i w = 1 0 2 4 & b i h = 6 1 0 # f a c r c = _ &
imgdii=_&imgrc=ZY1QL6cw3xlMiM%253A%3BHntzdV7QpryUYM%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.clipartbest.
com%252Fcliparts%252FecM%252F5db%252FecM5dbpcn.png%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.clipartbest.com%252Fclipart-
ecM5dbpcn%3B600%3B600, Retrieved on October 2013
Pambansang pag-unlad
Napagtanto
Natutuhan
Ang alam ko
Paano ako makatutulong sa
mga patakarang industriyal
tungo sa pambansang
pagsulong at pag-unlad?
276
DEPED COPY
	 MAHUSAY! Natapos mo na ang paggabay sa mga mag-aaral upang
maisakatuparan nila ang mga gawain!
Transisyon sa Sususnod na Aralin
Naunawaan ng mga mag-aaral ang kalagayan at kahalagahan ng
sektor ng industriya sa ekonomiya. Malaki ang kontribusyon ng sektor na
ito bilang isang industriya. Maaari itong maging sandigan ng bansa upang
masiguro na ang mamamayan ay magkaroon ng hanapbuhay at madama
ang tunay na epekto ng industriyalisasyon.
Sa isang banda, ang sektor ng industriya ay limitado kahit na
malaki pa ang potensiyal nito na makapaghatid ng kabutihan sa bansa. Sa
kabilang banda, ang kakayahan nito na makipag-ugnay sa iba pang sektor
ay malaking tulong upang higit na matamo ang kaunlaran. Ang kakayahan
na makabuo ng mga produkto upang higit na mapalaki ang kita ng iba pang
sektor ay isang makabuluhang inisyatibo para sa ekonomiya. Kaakibat nito
ang kakayahan naman na mapagbuti at magamit ng iba pang sektor ang
produktong mula sa sektor ng industriya.
Upang lubos na maunawaan ang buong ekonomiya, susunod na
pag-aaralan ang sektor ng paglilingkod, ang kasalukuyang kalagayan at
kakayahan nito sa pag-aambag sa kabuuang kita ng bansa. Aalamin ng
mga mag-aaral kung ano ang kaugnayan nito sa sektor ng industriya at
kung paano ito gumagalaw sa loob ng ekonomiya.
277
DEPED COPY
PANIMULA
	 Ang lahat ng tao ay may mga pangangailangan na dapat matugunan.
Kabilang dito ang pagkain, damit, tirahan, at edukasyon. Ang mga ito ay hindi
kayang ipagkaloob ng iisang sektor lamang. Kailangan din ng mga serbisyo
kagaya ng transportasyon, komunikasyon, at edukasyon.
	 Ang mga pagkain tulad ng mga gulay, prutas, karne, at isda ay
nagmumula sa sektor ng agrikutura. Ang mga pangangailangang tulad ng
damit ay nagmumula naman sa sektor ng industriya. Subalit sa anong sektor
naman ng ekonomiya ang nagkakaloob ng mga pangangailangang tulad
ng transportasyon, komunikasyon, at edukasyon? Sa ganitong aspekto
pumapasok ang bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod. Kung
kaya’t ang pangunahing pokus ng araling ito ay ang bahaging ginagampanan
ng sektor ng paglilingkod at mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong
dito.
	 Sa pagtahak sa landas ng kaalaman sa araling ito, ang mag-aaral
ay haharap sa mga tekstong magbibigay-kabatiran at mga mapanghamong
gawain na sadyang pupukaw ng kaniyang interes at magdudulot sa kaniya ng
kaalaman.
	 Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ang mag-aaral ay
makapagsusuri ng bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod at
mapahalagahan ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong dito.
ARALIN 4:
SEKTOR NG PAGLILINGKOD
Gawain 1: ON THE JOB!
Ipasuri sa mga mag-aaral ang mga larawan sa susunod na pahina.
Ipatukoy kung ano ang trabaho ng mga makikitang tao sa larawan. Hayaan
silang ipaliwanag ang batayan ng kanilang sagot.
ALAMIN
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng mga
mag-aaral tungkol sa sektor ng paglilingkod at kung ano ang bahaging
ginagampanan nito sa ekonomiya ng bansa.
278
DEPED COPY
Gawain 2: CALLOUT
Ipasagot ang mga tanong sa una at pangalawang icon. Samantala, ang
panghuling icon ay sasagutin lamang pagkatapos ng aralin na ito.
1 2 3
4 5 6
Sa susunod na bahagi ay ipapasagot sa mga mag-aaral ang isang
callout upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa sektor
ng paglilingkod.
279
DEPED COPY
PAUNLARIN
Matapos malaman ang mga paunang impormasyon tungkol
sa aralin, ngayon naman ay lilinangin ang mga kaalamang ito sa
tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging
batayan ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging
ito ay matutuhan ng mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto
tungkol sa sektor ng paglilingkod. Inaasahan na magagabayan ka ng
mga inihandang gawain at teksto upang masagot ang katanungan
na kung ano ang bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod
sa ekonomiya ng bansa. Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng
gawain na nasa ibaba.
	 Ang susunod na bahagi ng aralin ay magbibigay-daan upang ang mga
mag-aaral ay magabayan sa pagkatuto ng mga kaalaman tungkol sa sektor
ng agrikultura. Ang kabatiran sa mga impormasyong ito ay daan upang ang
pamantayang pangnilalaman ay matamo.Ang lahat ng ito ay bilang paghahanda
na rin sa mga kasanayan na lilinangin sa mga susunod na bahagi ng aralin.
Ang
aking paunang
nalalaman ay________
_____________________
___________________
____________
Ang
aking gustong
malaman ay __________
______________________
____________________
______________
Ang
aking mga
nalaman ay__
_____________
____________
________
280
DEPED COPY
Gawain 3: TEKS-TO-GRAPH
Atasan ang mga mag-aaral na basahin at unawain ang sumusunod
na teksto tungkol sa sektor ng paglilingkod. Hikayatin sila na itala ang
mahahalagang bagay o konsepto na nakapaloob dito para sa susunod nilang
gawain. Gamiting gabay ang mga pamprosesong tanong sa pagtalakay ng
aralin.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang ibig sabihin ng sektor ng paglilingkod?
2.	 Isa-isahin ang bumubuo sa sektor ng paglilingkod.
3.	 Sumasang-ayon ka bang malaking bilang ng sektor ng paglilingkod
sa bansa ay maaaring isang indikasyon ng kaunlaran ng ekonomiya?
Pangatwiranan.
Gawain 4: TRI-QUESTION CHART
Gamit ang tri-question chart bilang gabay, ipasagot sa mga mag-aaral
ang mga tanong sa loob ng tsart. Ipatala ang mga ito ayon sa mga hinihingi
ng bawat titik. Gamiting gabay ang mga pamprosesong tanong sa pagtalakay
ng gawain.
ANG SEKTOR NG PAGLILINGKOD
Ano-anong gawaing pang-
ekonomiya ang nasasaklawan
ng sektor ng paglilingkod?
Ano-ano ang
halimbawa nito?
Paano nakatutulong
ang mga gawaing ito sa
pambansang ekonomiya?
A.
B.
C.
D.
E.
F.
281
DEPED COPY
Gawain 5: DATOS-INTERPRET KO
Atasan ang mga mag-aaral na paghambingin ang distribusyon ng mga
sektor ng ekonomiya. Ipasagot ang mga pamprosesong tanong upang lubos
na maunawaan ng mga mag-aaral ang konsepto.
Talahanayan 2
Distribusyon ng mga Sektor ng Pang-ekonomiya,
2005 – 2010 (In Million Pesos)
SEKTOR 2005 2006 2007 2008 2009 2010
Agrikultura 778,370 853,718 943,842 1,102,465 1,138,334 1,182,374
Industriya 1,735,148 1,909,434 2,098,720 2,347,803 2,318,882 2,663,497
Paglilingkod 2,930,521 3,268,012 3,606,057 3,959,102 4,221,702 4,667,166
Pinagkunan: National Statistical Coordination Board (NSCB), January 31, 2011
Pamprosesong Tanong:
1.	 Aling sektor ang nagbigay ng malaking kontribusyon sa kabuuang kita
ng ekonomiya mula 2005 hanggang 2010?
2.	 Alin naman ang may pinakamaliit na kontribusyon sa ekonomiya sa
nakalipas na mga taon?
3.	 Ano ang ipinahihiwatig na patuloy na paglaki ng distribusyon ng sektor
ng paglilingkod sa ekonomiya ng bansa?
4.	 Ano ang maaaring maging epekto ng paglaki ng paglilingkod sa
ekonomiya ng bansa kompara sa sektor ng agrikultura at industriya?
Gawain 6: PAGLILINGKOD KOLEK
Gamit ang datos mula 1st Quarter 2014 Gross National Income & Gross
Domestic Product by Industrial Origin, ipakompyut sa mga mag-aaral ang
antas ng kontribusyon ng bawat sub-sektor sa kabuuang Gross Value Added
ng sektor ng paglilingkod para sa 2013 (Q1) at 2014 (Q1). Pagkatapos ay
ipatukoy kung tumaas o bumaba ang antas ng kontribusyon nito.
282
DEPED COPY
GROSS VALUE ADDED in SERVICES
AT CONSTANT 2000 PRICES, IN MILLION PESOS
1st Quarter 2013 and 1st Quarter 2014
INDUSTRY/INDUSTRY
GROUP
Q1 2013 Q1 2014 Growth
Rate (%)
SERVICE SECTOR 885,830 946,095 6.8
a.	 Transportation,
Storage, and
Communication
123,446 134,452 8.9
b.	 Trade and Repair
of Motor Vehicles,
Motorcycles, Personal
and Household Goods
238,463 251,792 5.6
c.	 Financial Intermediation 118,743 126,118 6.2
d.	 Real Estate, Renting &
Business Activity
165,317 180,536 9.2
e.	 Public Administration &
Defense; Compulsory
Social Security
65,178 69,289 6.3
f.	 Other Services 174,683 183,907 5.3
Pinagkunan: National Statistical Coordination Board, May 2014
SEKTOR NG
PAGLILINGKOD
2013 (Q1)
(%)
2014 (Q1)
(%)
Tumaas o
Bumaba
a.	 Transportation,
Storage, and
Communication
b.	 Trade and Repair
of Motor Vehicles,
Motorcycles, Personal
and Household Goods
c.	 Financial
Intermediation
d.	 Real Estate, Renting
& Business Activity
e.	 Public Administration
& Defense;
Compulsory Social
Security
f.	 Other Services
283
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Anong bahagi ng sektor ng paglilingkod ang nagbigay ng malaki at
maliit na kontribusyon sa GVA ng Q1 2013 at Q1 2014?
2.	 Paano mapananatili ang potensiyal ng kabuuang sektor ng
paglilingkod upang maging kaakibat sa pagpapaunlad ng bansa?
Gawain 7: PINOY SAAN MAN SA MUNDO
Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto tungkol sa mga katangian ng mga
manggagawang Pilipino. Pagkatapos ay ipakumpleto ang dayagram na nasa
ibaba. Gamiting gabay ang mga pamprosesong tanong sa pagtalakay.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Saang mga larangan nakikilala ang mga manggagawang Pilipino
sa mundo?
2.	 Sa iyong palagay, sa papaanong paraan mapapangalagaan ang
kalagayan ng mga manggagawang Pilipino?
284
DEPED COPY
Gawain 8: TULONG PAGLILINGKOD
Mula sa nakalap na impormasyon mula sa pagsasaliksik, ipatala ang
mga nakalap na impormasyon sa dayagram sa ibaba tungkol sa mga ahensiya
ng pamahalaan na tumutulong sa mga manggagawang Pilipino. Pagkatapos
ay ipasagot sa mga mag-aaral ang mga gabay na tanong.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Alin sa mga ahensiya ang tumututok sa mga manggagawa sa ibang
bansa?
2.	 Alin sa mga ahensiya ang tumutulong sa pagsasanay sa mga
manggagawang Pilipino?
3.	 Bakitkailangangsiguruhinangkapakapananngmgamanggagawang
Pilipino sa ibang bansa?
Gawain 9: BATAS-PAGLILINGKOD
Ipabasa ang teksto na nasa kanilang modyul. Ito ay naglalaman ng
mga batas na nangangalaga sa mga karapatan ng manggagawa. Pagkatapos
mabasa at masuri ay papunan ang graphic organizer na nasa susunod na
pahina. Gamiting gabay ang mga pamprosesong tanong sa pagtalakay ng
aralin.
Mga Ahensiyang
Tumutulong
sa Sektor ng
Paglilingkod
Nangangalaga
sa kapakanan
ng mga
manggagawa
Humuhubog
sa kakayahan
ng mga
manggagawa
Klasipikasyon
ng Ahensiya
Mga
Ahensiya ng
Pamahalaan
?
?
?
?
?
?
285
DEPED COPY
				 Batas:	 	 Mahalagang Probisyon:
	
Atasan ang mga mag-aaral na sagutan ang sumusunod na tanong.
Pagkatapos ay ipasuri sa tulong ng isa nilang kamag-aral ang naging kasagutan
ng bawat isa gamit ang Guide Question Sheet. Ipalagay sa ikalawang hanay
kung may pagkakatulad ang kanilang mga sagot o wala.
	(May pagkakatulad)			 (Walang pagkakatulad)
TANONG
1.	 Sa mga nabanggit na probisyon, alin ang maituturing
mo na pinaka-nakabubuti sa mga manggagawa?
Pangatwiranan.
2.	 Paano makabubuti sa mga manggagawa ang mga
napiling probisyon?
3.	 Alin sa mga probisyon ang sa palagay mo ay
nakaliligtaan o napababayaan ng kinauukulan?
Ipaliwanag.
4.	 Ano ang kontraktuwalisasyon? Ano ang epekto nito sa
mga manggagawang Pilipino?
5.	 Alin sa mga karapatan na binanggit ng ILO ang sa
palagay mo ay hindi naisasakatuparan sa bansa?
Paano ito maaaring mapalakas o maipalaganap?
Batas na
nangangalaga
sa karapatan
ng mga
manggagawang
Pilipino
286
DEPED COPY
		
Gawain 10: SULIRANIN AT DAHILAN
Ipatukoy ang nilalaman ng mga larawan at ipasulat sa kahon ang sa
palagay nilang dahilan ng mga ito. Gamiting gabay ang mga pamprosesong
tanong sa pagtalakay ng gawain.
.
Matapos na maibigay ang mahahalagang konsepto at kaisipan
tungkol sa aralin na ito, ang mag-aaral ay inaasahang nagkaroon ng mga
karagdagang kaalaman tungkol sa sektor ng paglilingkod. Inaasahan din na
ang mga nilalamang ito ay kanilang magagamit upang higit pang mapalalim
ang kanilang kaalaman at kasanayan na kritikal sa isang mag-aaral ng
Araling Panlipunan. Ang mga gawaing inihanda sa susunod na bahagi
ay napapanahon, makatotohanan, at mangangailangan ng pagsusuri at
kasanayan na magamit ang mga natutuhan sa naunang bahagi.
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin pa ang mga
nabuong kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa sektor ng paglilingkod at
kahalagahan nito sa pambansang ekonomiya. Kinakailangan ang mas
malalim na pagtalakay sa kahalagahan ng sektor na ito upang maihanda
sila sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan.
1
287
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang kaugnayan ng edukasyon sa pag-unlad ng bansa?
2.	 Paano nakaaapekto sa isang bansa ang pagbagsak ng kalidad ng
edukasyon?
3.	 Bakit dumarami ang bilang ng mga manggagawang Pilipino na
nangingibang-bayan partikular na ang labor skilled worker at
propesyonal?
4.	 Sa iyong palagay, magiging maunlad ba ang ekonomiya ng isang
bansa kung sisiguraduhin ng pamahalaan na mapapangalagaan
ang kapakanan ng mamamayan?
Gawain 11: PAGLILINGKOD-POSTAL
Pasulatin ng isang BUKAS NA LIHAM para sa tanggapan ng Pangulo
ng bansa ang mga mag-aaral ukol sa kanilang mga natutuhan, reyalisasyon,
at opinyon tungkol sa sektor ng paglilingkod sa pag-unlad ng ekonomiya ng
bansa. Hikayatin sila na magbigay ng mga mungkahing programa para sa
kagalingan ng mga manggagawang Pilipino. Gamiting gabay ang rubrik sa
susunod na pahina sa pagsasagawa ng gawain.
2
3
288
DEPED COPY
RUBRIK PARA SA BUKAS NA LIHAM
PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS
NAKUHANG
PUNTOS
Pagkilala sa sarili
Maliwanag na nailahad ang lahat ng
mga tanong, isyung nalutas at hindi
nalutas, at nakagawa ng kongkreto
at akmang kongklusyon batay sa
pansariling pagtataya.
25
Paglalahad ng
sariling saloobin
sa paksa
Napakaliwanag ang paglalahad ng
saloobin sa paksa.
25
Pagpapahalagang
natalakay sa
aralin
Natukoy ang lahat ng mga
pagpapahalagang natalakay sa
paksa.
25
Pagsasabuhay
ng mga
pagpapahalagang
natutuhan sa
paksa
Makatotohanan ang binanggit na
paraan ng pagsasabuhay ng mga
pagpapahalagang natutuhan sa
paksa.
25
Kabuuang Puntos 100
Gawain 12: SALIK-ULAT: PAGSASALIKSIK AT PAG-UULAT
	 Sa pamamagitan ng pagsasaliksik ay daragdagan pa ng mga mag- aaral
ang kanilang kaalaman kaugnay sa paksa na tinalakay.
Gabay sa Pagsasaliksik
1.	 Atasan ang mga mag-aaral na magsaliksik sa mga aklatan, magasin, o sa
mga Internet website ng ilang mga isyu tulad ng labor outsourcing at salary
standardization law.
2.	 Pagawin sila ng pagbubuod gamit ang mga graphic organizer ukol sa
kanilang pamamaraang ginamit upang mapalakas at maproteksiyunan ang
sektor na ito.
3.	 Ipabahagi ang resulta ng ginawang pagsasaliksik sa klase.
289
DEPED COPY
RUBRIK PARA SA PAGMAMARKA NG PAGSASALIKSIK
PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS
NAKUHANG
PUNTOS
Nilalaman
Kumpleto at kumprehensibo ang
nilalaman ng pagsasaliksik. Wasto ang
lahat ng impormasyon. Gumamit ng mga
primarya at sekondaryang sanggunian
upang mabuo ang nilalaman. May mga
karagdagang kaalaman na matututuhan
mula sa pagsasaliksik.
Paglalahad ng
Pananaw
Masusing sinuri at tinimbang ang
mga pananaw na inilahad. Nakabatay
sa moralidad, ebidensiya, at sariling
pagsusuri ang paglalahad ng pananaw.
Hindi nagpakita ng pagpanig sa sino mang
personalidad o pangkat.
Mensahe
Malinaw na naipabatid ang mensahe
ng pagsasaliksik. Naimulat ang mga
manonood sa mga katotohanan at maling
pananaw ukol sa paksa ng pagsasaliksik.
Nakabatayangmensahesamganilalaman
ng sangguniang ginamit. Nahikayat
ang mga manonood na kumilos ayon sa
mensahe ng pagsasaliksik.
Presentasyon
Organisado, malinaw, simple, at may
tamang pagkakasunod-sunod ang
presentasyon ng mga pangyayari at ideya
sa pagsasaliksik. Malinaw ang daloy ng
istorya at organisado ang paglalahad ng
mga argumento at kaisipan.
Pagkamalikhain
Malikhain, malinis, at kumprehensibo
ang nabuong pagsasaliksik. Gumamit ng
iba pang midya o teknolohiya bukod sa
hinihingi ng gawain upang mas maging
kaaya-ayang panoorin ang ginawang
pagsasaliksik. Nakatulong ang mga
ginamit na midya o teknolohiya upang
makakuha ng karagdagang impormasyon
na nagpayaman sa pagsasaliksik.
Kabuuang Puntos 100
290
DEPED COPY
Gawain 13: CALLOUT
Muling pabalikan ang kanilang inilagay sa una at pangalawang icon.
Atasan silang kompletuhin na ang callout icon na ito sa pamamagitan ng
paglalagay ng kanilang mahalagang natutuhan sa aralin na ito. Ipasulat mo ito
sa ikatlong icon.
MAHUSAY! Natapos mo na ang paggabay sa mga mag-aaral upang 	
maisakatuparan nila ang mga gawain!
Transisyon sa Susunod na Aralin
	 Inilahad sa aralin na ito ang bumubuo, naging bahaging ginampanan,
at kontribusyon ng sektor ng paglilingkod sa pambansang ekonomiya.
Natalakay rin ang mga katangian ng mga manggagawang Pilipino na
kabilang sa sektor na ito na kinikilala sa buong mundo at mga suliraning
kinakaharap nila. Sa gitna ng mga hamon na ito, ang pamahalaan ay
nagpatupad ng mga programa para sa kanilang kapakanan sa tulong ng
mga ahensiyang may kaugnayan sa kanila at mga batas na kumikilala sa
kanilang karapatan.
	 Sa susunod na aralin ay tatalakayin ang isa pang sektor pang-
ekonomiya na patuloy na lumalago sa ating bansa – ang Impormal na
Sektor. Tatalakayin sa aralin na ito ang mga kadahilanan, epekto, at kung
paano pahahalagahan ang sektor na ito.
Ang
aking paunang
nalalaman ay________
_____________________
___________________
____________
Ang
aking gustong
malaman ay __________
______________________
____________________
______________
Ang
aking mga
nalaman ay__
_____________
____________
________
291
DEPED COPY
PANIMULA
Ang pagkamit ng pambansang kaunlaran ay hinahangad ng bawat
mamamayan. Ang hangaring ito ay makakamit lamang kung ang lahat ng
bumubuo sa sektor ng ekonomiya at ang pamahalaan ay magtutulungan.
Sa nakaraang mga aralin, naunawaan ng mga mag-aaral ang bahaging
ginagampanan ng mga sektor ng agrikultura, industriya, at paglilingkod
upang matugunan ang mga pangangailangan ng ekonomiya at makamit ang
pambansang kaunlaran. Subalit, hindi masasabing komprehensibo ang pag-
aaral ng ekonomiya ng isang bansa kung hindi natin maibibilang ang pagsusuri
ng tinatawag nating impormal na sektor sapagkat maraming mga mamamayan
ang kabilang dito.
Kaugnay nito, ang pangunahing pokus ng araling ito ay ang impormal
na sektor ng ekonomiya. Upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral
ang mga konseptong nakapaloob sa paksang ito, sila ay haharap sa mga
impormatibong teksto na siyang magbibigay sa kanila ng mga impormasyon at
mga mapanghamong gawain na pupukaw sa kanilang interes at magdudulot
ng kaalaman.
	 Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na sila ay makapagsuri ng mga
dahilan at epekto ng pagkakaroon ng impormal na sektor sa ekonomiya at
mapahalagahan ang mga patakarang pang-ekonomiya na may kaugnayan sa
impormal na sektor.
ARALIN 5:
ANG IMPORMAL NA SEKTOR:
MGA DAHILAN AT EPEKTO NITO SA EKONOMIYA
Gawain 1: SHAPE TEXT BOX
Ipaayos sa mga mag-aaral ang sumusunod na titik na nasa loob ng
shape box upang mabuo ang salita o konsepto na tumutukoy sa iba’t ibang
gawain o hanapbuhay. Atasan silang isulat ang kanilang sagot sa kanilang
kuwaderno at pagkatapos ay kanilang sagutin ang mga pamprosesong tanong.
ALAMIN
Matapos matutuhan ng mag-aaral ang mga konsepto at kung paano
nakatutulong ang mga sektor ng agrikultura, industriya, at paglilingkod sa
ekonomiya ng ating bansa, ngayon naman ay tutuklasin niya ang tungkol
sa impormal na sektor. Upang higit na maging masaya ang magiging
paglalakbay sa paksang ito, halina’t simulan munang maglaro at sagutin
ang susunod na mga gawain.
292
DEPED COPY
	 					
	
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang pagkakatulad ng mga nabuo mong uri ng hanapbuhay?
2.	 Alin sa mga salitang ito ang bago o hindi mo ganap na nauunawaan?
Bakit?
3.	 Sa iyong palagay, maituturing ba silang bahagi ng ekonomiya ng
bansa? Bakit?
Gawain 2: PHOTO-BUCKET
	 Atasan ang mga mag-aaral na suriin ang photo-bucket na nasa ibaba
at sagutin ang mga pamprosesong tanong. Ang mga larawang ito ay maaaring
ilahad sa pamamagitan ng powerpoint presentation, pagguhit sa kartolina, o
paggupit ng ibang larawan mula sa mga dyaryo o magasin na katulad ng mga
hanapbuhay na ipinapakita ng mga larawang nasa ibaba.
A T H O
E V N D O R
A B U L T
E O D R N V
E A R L A N B D A
K L W A I D E S
N V O R D E
A B C E P I D
R E V I D R
Pinagkunan: http://watwatworldcom.c.presscdn.com/wp-content/uploads/underground-economy.jpg
Retrieved on November 7, 2014
293
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	Patungkol saan ang mga larawan?
2.	Saang lugar mo madalas makikita ang mga ganitong sitwasyon?
3.	Paano mo maiuugnay ang mga larawang ito sa ekonomiya at
pamumuhay ng mga tao?
Gawain 3: PYRAMID OF KNOWLEDGE CHART
Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan ang baitang ng kaunlaran ng
mga mag-aaral sa pagkatuto. Sa bahaging ito ng aralin, ang sasagutan lamang
ng mga mag-aaral ay ang pinakaibabang bahagi ng pyramid of knowledge
chart upang masukat ang inisyal nilang kaalaman mula sa katanungan.
Ipaliwanag sa kanila na ang gitnang bahagi ay pupunan lamang pagkatapos
ng bahagi ng paunlarin at ang pinakaitaas na bahagi ay pagkatapos ng gawain
sa PAGNILAYAN. Ipaunawa sa mga mag-aaral na dapat nilang ingatan ang
kanilang pyramid of knowledge chart. Maaari nila itong ilagay sa portfolio o
kuwaderno dahil ito ay kanilang kakailanganin hanggang sa dulong bahagi ng
modyul na ito.
	 Sa susunod na bahagi ay gabayan ang mga mag-aaral upang
masagutan ang chart at inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol
sa impormal na sektor.
Ano-ano ang dahilan at epekto ng
pag-iral ng impormal na sektor ng
ekonomiya?
	 Matapos maorganisa ang mga paunang kaalaman ng mga mag-aaral
tungkol sa paksang impormal na sektor, ihanda silang muli para sa susunod
na bahagi ng aralin upang higit na maunawaan ang konsepto ng impormal
na sektor.
ekonomiya
294
DEPED COPYGawain 4: PROJECT R.A.I.D. (READ, ANALYZE, INTERPRET & DRAW)
PAKSA: Ang Impormal na Sektor: Isang Pagpapaliwanag
Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto na matatagpuan sa kanilang mga
Learner’s Module. Layunin ng gawaing ito na ang mga mag-aaral ay magkaroon
ng kaalaman at pang-unawa sa paksang-aralin.
Ipaunawa sa mga mag-aaral na sa nakatakdang Gawain, hindi lamang
pagbabasa ang kanilang isasakatuparan kundi pati ang pagsusuri ng mga
mahahalagang salita na siyang bubuo sa pangunahing konsepto ukol sa
impormal na sektor ng ekonomiya. Mula sa kanilang malalim na pagsusuri
ay makukuha ang mga pangunahing salita/ideya na bubuo ng mahahalagang
konsepto na siyang sasagot sa mga pamprosesong tanong na matatagpuan
sa ibaba ng teksto. Pagkatapos nito ay ipaguhit at papunan ang dayagram at
ipasulat sa itinalagang tri-linear model chart na nasa ibaba.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang nais iparating/ipahayag ng teksto?
2.	 Sumasang-ayon ka ba sa pangkalahatang mensahe o ideya ng
teksto? Bakit?
3.	 Mula sa datos na nakalap sa teksto, iguhit at punan ng kasagutan sa
kuwaderno o papel ang dayagram na nasa susunod na pahina.
PAUNLARIN
Matapos malaman ng mga mag-aaral ang mga paunang
impormasyon tungkol sa paksang-aralin, ngayon naman ay kanilang
lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang ito sa tulong ng mga teksto
at mga gawaing sadyang inihanda upang maging batayan nila ng
impormasyon.Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan
ng mga mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa
impormal na sektor. Inaasahang magagabayan sila ng mga inihandang
gawain at teksto upang masagot ang katanungan na kung ano ang
dahilan at epekto ng pag-iral ng impormal na sektor ng ekonomiya.
Halina’t mag-umpisa sa pamamagitan ng unang babasahin na inihanda
para sa mga mag-aaral.
295
DEPED COPY
TRI-LINEAR MODEL
Gawain 5: WORDS/CONCEPT OF WISDOM! Sabi Nila! Isulat Mo!
Layunin ng gawain na ito na mabigyang-diin ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagsulat sa kahon ng mahahalagang konseptong sinabi ng
ilang piling tao o organisasyon tungkol sa impormal na sektor mula sa tekstong
kanilang nabasa.
1
2
3
4
5
6
7
8
296
DEPED COPY
Gawain 6: TEKSTO-SURI
Ipabasa at ipasuri sa mga mag-aaral ang teksto na nasa ibaba. Layunin
ng gawaing ito na magkaroon ng kaalaman at pang-unawa ang mga mag-aaral
tungkol sa mga kadahilanan ng pagkakaroon at epekto ng impormal na sektor
sa kabuuan ng ekonomiya. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na sa nakatakdang
Gawain, hindi lamang pagbabasa ang kanilang isasakatuparan kundi pati ang
pagsusuri ng mahahalagang salita na siyang magbibigay daan upang kanilang
masagot ang mga pamprosesong tanong na matatagpuan pagkatapos ng
teksto.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang pangkalahatang tema ng teksto?
2.	 Isa-isahin ang mga inilahad na dahilan kung bakit umiiral o
lumalaganap ang impormal na sektor. Isulat ang iyong kasagutan sa
radial cycle na nasa ibaba.
3.	 Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga dahilan kung bakit
pumapasok ang isang tao sa loob ng impormal na sektor? Bakit?
4.	 Gamit ang cycle matrix chart, isa-isahin at ipaliwanag ang mga epekto
ng impormal na sektor.
297
DEPED COPY
Gawain 7: ULAT SA BAYAN: AYON SA BATAS!
Ipabasa at ipaunawa sa mga mag-aaral ang teksto na naglalaman ng
mga programa at patakarang pang-ekonomiya na may kaugnayan sa impormal
na sektor. Pagkatapos nito ay ipasagot ang mga pamprosesong tanong na nasa
ibaba ng teksto na susukat sa antas ng kanilang kaalaman at pang-unawa.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Batay sa teksto, ano ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan
upang mabigyan ng solusyon o mapabuti ang mga mamamayang
nasa impormal na sektor?
2.	Sa pamamagitan ng hierarchy list chart, isa-isahin at ipaliwanag ang
mga batas at programa o proyekto ng pamahalaan na may kaugnayan
sa impormal na sektor.
	 Matapos maunawaan ng mga mag-aaral ang konsepto ng impormal
na sektor, mga dahilan at epekto nito sa ekonomiya ng bansa, ngayon
naman ay ihanda sila upang maipaunawa at mapahalagahan ang mga
patakarang pang-ekonomiyang may kinalaman dito.
298
DEPED COPY
Gawain 8: PORMAL o IPOPORMAL: TAMA o MALI: Sagutin Mo!
Atasan ang mga mag-aaral na basahin at unawain ang sumusunod
na pahayag at tukuyin kung tama o mali ang mensahe ayon sa mga salitang
nakasalungguhit. Lagyan ng salitang PORMAL kung TAMA ang mensahe at
IMPORMAL kung ito ay MALI.
1.	 Ang pormal na pagsisimula ng paggamit ng terminong “impormal na
sektor” ay pinasimulan ni Keith Hart noong taong 1973.
2.	 Ang International Labour Organization (ILO) ay nagpalabas ng
pandaigdigang batayan ng paglalarawan ng impormal na sektor.
3.	 Ang impormal na sektor ay tumutukoy sa yunit na nagsasagawa ng
mataas na antas ng organisasyon na may sinusunod na itinakdang
kapital at pamantayan ng produksiyon ayon sa batas.
	 Mahusay, ngayong natapos na magabayan ang mga mag-aaral
upang maunawaan nila ang konsepto ng impormal na sektor, sa punto
namangitoaysusukatinangantasngkanilangnatutuhansapamamagitan
ng maiksing pagsusulit bilang kasunod na gawain.
Mga batas na may kaugnayan sa
impormal na sektor
Mga programa, proyekto, o patakarang
pang-ekonomiya na may kaugnayan sa
impormal na sektor
299
DEPED COPY
4.	 Batay sa 2008 Informal Sector Survey (ISS), mayroong halos 10.5
milyon ang kabilang sa impormal na sektor.
5.	 Ang impormal na sektor ay nakarehistro at sumusunod sa batas at
pamantayan ng pamahalaan.
6.	 Ang Asian Development Bank (ADB) ay nagsagawa ng pag-aaral
tungkol sa ekonomiya at impormal na sektor ng 162 bansa sa daigdig.
7.	 Ayon sa 2007 BLES NSO Report, ang impormal na sektor ay
nakapag-ambag ng 10-15% sa kabuuang Gross Domestic Product
(GDP) ng ating bansa.
8.	 Inilarawan ng IBON Foundation ang impormal na sektor bilang
binubuo ng mga taong “isang kahig, isang tuka.”
9.	 Ang karaniwang katangian ng impormal na sektor ay hindi
nakarehistro, hindi nagbabayad ng buwis, at hindi nakapaloob sa
legal at pormal na balangkas ng pamahalaan.
10.	Ang impormal na sektor ay kilala rin bilang underground o hidden
economy.
Gawain 9: IPORMAL MO! JUMBLED LETTERS!
Ipabasa at ipasuri sa mga mag-aaral ang sumusunod na pahayag o
katanungan at tukuyin sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga titik upang
mabuo ang hinihinging kasagutan sa bawat bilang.
1.	 Ang bahagi ng ekonomiya na gumagamit ng mababang antas ng
produksiyon at halos wala ang mga kondisyong legal na kinakailangan
sa pagpapatakbo ng negosyo.	 MIORPALM AN	 ORSKET
2.	 Ang tawag sa mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipag-
transaksiyon sa pamahalaan. CITARCUAERUB DER	 EATP
3.	 Ito ay ang pinagmumulan o nagsisilbing badyet o pondo ng pamahalaan
upang maisagawa ang mga program at proyektong panlipunan. ISUBW
4.	 Ito ay ipinatutupad ng mga kompanya bilang proteksiyon sa mamimili
laban sa mga depektibong kalakal o serbisyo na maaaring magresulta
sa kanilang kapahamakan. ITYQAULI	 TRLONOC
5.	 Ito ay tumutukoy sa illegal o walang permisong pangongopya ng mga
pelikula, musika, at iba pa sa anyong CD, VCD, o DVD. ERTFSOAW	
IRYCAP
300
DEPED COPY
6.	 Ang programa ng pamahalaan ayon sa itinatadhana ng R.A. 8425
na naglalayong iahon sa kahirapan ang mga Pilipinong kabilang sa
impormal na sektor. ALCISO	 FROERM	GENADA
7.	 Batay sa pag-aaral at survey sila ang bumubuo sa halos kalahati ng
kabuuang populasyon ng impormal na sektor. AIHKBANABA
8.	 Ang itinuturing bilang pangunahing batas ng bansa para sa mga
manggagawa.
ENILIPPHP	OBLRA	 OCDE
9.	 Ang ahensiya ng pamahalaan na itinatag upang makapagbigay ng
edukasyong teknikal at kasanayan ng mga Pilipino. EDTSA
10.	Ang tawag sa programa ng pamahalaan na may kinalaman sa kalusugan,
serbisyong medikal para sa mga manggagawa. HTEALHILPH
PGRMAOR
Gawain 10: PYRAMID OF KNOWLEDGE CHART
Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan mo bilang guro ang baitang
ng kaunlaran ng mga mag-aaral sa pagkatuto. Sa aspektong ito ay pupunan
nila ang gitnang bahagi ng pyramid of knowledge chart batay sa mga kaalaman
na nakuha mula sa pagbabasa ng mga teksto. Ang pinakaitaas na bahagi ay
papupunan lamang sa mga mag-aaral pagkatapos ng gawain sa PAGNILAYAN.
Ipaliwanag sa kanila na dapat ingatan ang pyramid of knowledge chart.
Maaari nila itong ilagay sa kanilang portfolio o kuwaderno dahil ito ay kanilang
kakailanganin hanggang sa dulong bahagi ng modyul na ito.
	
Sa puntong ito, maaari mo ng pasagutan sa mga mag-aaral ang
gitnang bahagi ng Pyramid of Knowledge Chart mula sa kanilang kaalaman
na natutuhan mula sa nabasang teksto. Ipasagot sa mga mag-aaral ang
gitnang bahagi ng chart.
Ano-ano ang dahilan at epekto ng
pag-iral ng impormal na sektor ng
ekonomiya?ekonomiya?
301
DEPED COPY
		
Gawain 11: DISCUSSION WEB! PANGATWIRANAN MO!
Ang layunin ng gawaing ito ay masukat ang natutuhan ng iyong
mga mag-aaral ukol sa impormal na sektor at sanayin sila sa sistematikong
pangangatwiran. Atasan silang gumawa ng katulad na pigura ng discussion
web chart na nasa ibaba upang kanilang mapangatwiranan kung nakabubuti
ba o nakasasama sa ekonomiya ng bansa ang pag-iral ng impormal na sektor.
Pagkatapos nito ay ipasagot ang mga pamprosesong tanong upang mas
maging kongkreto ang kanilang kaalaman ukol sa impormal na sektor.
	 Matapos mong matulungan ang mga mag-aaral na maorganisa ang
kanilang mga paunang kaalaman tungkol sa impormal na sektor kaugnay
ang mga dahilan, epekto, at mga batas na may kinalaman dito, sa puntong
ito naman ay ihanda mo sila para sa susunod na bahagi ng aralin upang higit
nilang maunawaan ng mas malalim ang konsepto ng impormal na sektor.
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng modyul ay palalawakin at pagtitibayin mo ang
mga kaalamang nabuo ng mga mag-aaral ukol sa impormal na sektor,
mga dahilan at epekto nito sa ekonomiya, mga batas, programa, at
patakarang pang-ekonomiya na may kaugnayan dito. Kinakailangan
ang mas malalim na pagtalakay sa paksa upang maihanda ang mga
mag-aaral para maisabuhay nila ang kanilang mga natutuhan.
NAKAKABUTI
BA O
NAKASASAMA
SA EKONOMIYA
ANG PAG-IRAL NG
IMPORMAL NA
SEKTOR
DAHILAN /
PALIWANAG
DAHILAN /
PALIWANAG
KONGKLUSYON
302
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang naging batayan mo sa pagbibigay ng desisyon ng kabutihan
at hindi kabutihan ng pagkakaroon ng impormal na sektor sa
ekonomiya? Ipaliwanag.
2.	 Sa anong panig ka nahirapan maglahad ng mga kadahilanan? Bakit?
3.	 Ano ang pangkalahatang repleksiyon o kongklusyon mong nabuo
tungkol sa pagkakaroon ng impormal na sektor sa ekonomiya ng
bansa? Pangatwiranan ang iyong kasagutan.
Gawain 12: FLASH REPORT: STORY MAP CHART!
Basahin at ipaunawa sa mga mag-aaral ang balita na matatagpuan sa
kanilangLearner’sModule.Pagkataposnitoayipasagotangmgapamprosesong
tanong at papunan ng mahahalagang datos ang story map chart na nasa ibaba.
Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saan ang balita?
2. Sa pamamagitan ng story map chart na nasa ibaba, isulat mo sa loob
ng kahon ang mga pinakatampok na mahahalagang detalye ng balita.
3. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang inilalahad ng balita? Bakit?
Gawain 13: PANGKATANG GAWAIN: SOCIO-POLITICAL CARICATURE
Ito ay isang pangkatang gawain na kung saan ay aatasan ang mga mag-
aaral na gumawa ng isang socio-political caricature na nagpapakita ng mukha ng
impormal na sektor. Ipaunawa na ito ay dapat na naglalaman ng mga elemento
ng impormal na sektor sa aspektong kadahilanan, epekto, at mga batas o
patakarang pang-ekonomiya ukol dito. Upang maisagawa nang maayos ang
presentasyon, ipasaalang-alang ang sumusunod na pamprosesong tanong at
ang bawat presentasyon ay bibigyan ng marka o puntos gamit ang rubrik sa
susunod na pahina.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano-ano ang pangunahing konsepto ng impormal na sektor ang inyong
ipinakita sa caricature?
2.	 Isa-isahin at ipaliwanag ang mga simbolismong inyong ginamit para
ilahad ang mensahe ng caricature.
3.	 Sa iyong palagay, maliwanag bang naipapakita ng inyong larawan ang
konsepto ng impormal na sektor? Pangatwiranan ang inyong sagot.
303
DEPED COPY
RUBRIK PARA SA SOCIO-POLITICAL CARICATURE
Pamantayan Indikador Puntos Natamong
Puntos
Kaangkupan
sa Tema
Akma ang kabuuang
caricature sa hinihinging
mensahe at tema para sa
impormal na sektor.
10
Paglalahad ng
Pananaw/Kaisipan
Mahusay na nailahad ang
pananaw/kaisipan gamit ang
mga elemento o simbolismo.
10
Presentasyong
Biswal
Masining na ipinakita ang
ideya batay sa kabuuang
larawan.
10
Kabuuang Puntos 30 puntos
Gawain 14: PYRAMID OF KNOWLEDGE CHART
Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan ang baitang ng kaunlaran sa
pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa aspektong ito ay pupunan nila ang pinakataas
na bahagi ng pyramid of knowledge chart batay sa mga kaalaman na nakuha
mula sa pagbabasa ng mga teksto. Ipaliwanag sa kanila na dapat ingatan ang
pyramid of knowledge chart, maaari nila itong ilagay sa kanilang portfolio o
kuwaderno dahil ito ay magsisilbi nilang proyekto.
	 Sa puntong ito, na may sapat nang kaalaman ang mga mag-aaral tungkol
sa impormal na sektor at mga konseptong may kaugnayan sa mga kadahilanan,
epekto, mga batas, programa, at patakarang pang-ekonomiya ay pasagutan na sa
kanila ang huling baitang o ang pinakamataas na bahagi ng Pyramid of Knowledge
Chart. Paalalahanan sila na dapat nila itong ingatan sapagkat ito ay kanilang
proyekto.
Ano-ano ang dahilan at epekto ng
pag-iral ng impormal na sektor ng
ekonomiya?
	 MAHUSAY! Napagtagumpayan mong ipagawa sa mga mag-aaral
ang mga gawain upang kanilang maunawaan ang impormal na sektor ng
ekonomiya.
ekonomiya?
304
DEPED COPY
PANIMULA
“No man is an island.” Ito ay isang popular na kasabihan na nagsasaad
na walang tao sa mundo na maaaring mabuhay ng mag-isa. Nagpapatunay
ito na sa buhay ay kailangan ng karamay o kasama. Ang konseptong ito ay
hindi lamang akma sa tao kundi maging sa isang bansa. Sa larangan ng mga
bansa, ang kasabihang ito ay makikita sa pampolitika, panlipunan, at higit
sa lahat sa pang-ekonomikong usaping masasalamin sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan.
Kaugnay nito, ang araling ito ay patungkol sa kalagayan, kalakaran,
at kahalagahan ng kalakalang panlabas ng Pilipinas. May mga inihandang
mapanghamong mga gawain at mga tekstong babasahin na makapagbibigay
sa mga mag-aaral ng mga kaalaman at impormasyon upang mabigyang-
linaw kung ano ang kalakalang panlabas at bakit ito nagaganap sa pagitan ng
Pilipinas at ibang bansa sa daigdig.
Sa pagtatapos ng araling ito inaasahan na ang mga mag-aaral ay
nakapagtataya ng kalakaran o sitwasyon ng kalakalang panlabas ng Pilipinas,
napapahalagahan ang bahaging ginagampanan ng kalakalang panlabas sa
ekonomiya ng ating bansa, at nasusuri ang ugnayan at mga patakarang
pang-ekonomiya ng Pilipinas sa iba’t ibang samahan o organisasyong may
kinalaman sa kalakalang pandaigdig.
ARALIN: 6
ANG PILIPINAS AT ANG KALAKALANG PANLABAS
Gawain 1: COUNTRY & FLAG HUNT
Ipaayos sa mga mag-aaral ang mga titik na nasa loob ng kahon sa
HANAY A upang mabuo ang pangalan ng bansang tinutukoy at pagkatapos ay
piliin ang titik ng katumbas na watawat nito sa HANAY B.
Layunin ng bahaging ito na tukuyin ang schema o dati nang
alam ng mga mag-aaral tungkol sa paksang-aralin na kalakalang
panlabas ng Pilipinas sa tulong ng sumusunod na gawain na pupukaw
sa kanilang interes.
ALAMIN
305
DEPED COPY
HANAY A							HANAY B
306
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Alin sa mga bansang ito ang naging madali/mahirap sa iyong
hanapin? Bakit?
2.	 Paano nakatulong ang iyong paunang kaalaman sa heograpiya at
kasaysayan ng daigdig upang madali mong masagutan ang bawat
bilang?
3.	 Sa iyong palagay, sa paanong paraan nagkakaroon ng ugnayan
ang mga bansang ito sa Pilipinas?
Pinagkunan: http://www.worldatlas.com/aatlas/world.htm
307
DEPED COPY
Gawain 2: HANAP-SALITA
Ipahanap sa mga mag-aaral ang sumusunod na salita sa word box. Ang
mga ito ay maaaring nasa anyo ng pababa, pahalang, pataas, o pabaliktad.
E K O N O P R U T A S
S A W  B A T O U Q E L
Q L G A L L E O N S A
W A R R W D X E A C N
A K E T R O P M I I G
B A X E F D G O T N I
I L Z R O O T A T O S
G A L L L K E K A R L
A N Y L U X C E  R T B
S A O D P A E D I C A
R P O O T N I G P E T
A R R N M E U L A L A
P T A B A K O D A E S
Pamprosesong Tanong:
1.	 Alin sa mga ito ang bago o hindi gaanong pamilyar sa iyo? Bakit?
2.	 Sa iyong sariling opinyon, paano kaya nagkakaroon ng ugnayan sa
bawat isa ang mga salitang iyong hinanap? Ipaliwanag.
Gawain 3: TOWER OF KNOWLEDGE
Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan mo bilang guro ang baitang
ng kaunlaran sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa aspektong ito ay ipasagot
sa kanila ang katanungang nasa kahon at ipasulat sa bahaging SIMULA
bilang inisyal na kasagutan. Samantalang ang bahagi ng GITNA at WAKAS ay
sasagutan lamang nila sa iba pang bahagi ng paglalakbay sa araling ito.
Sa susunod na bahagi ay ipapasagot sa mag-aaral ang isang tower
of knowledge upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa
kalakalang panlabas.
BARTER	BATAS	 BIGAS	 DOLYAR	 ELECTRONICS
EXPORT	GALLEON	GINTO	 IMPORT	 KALAKALAN
LANGIS	PRUTAS	TABAKO	TARIPA	 QUOTA
308
DEPED COPY
Paano mo ilalarawan ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa
ibang bansa sa larangan ng kalakalan at ano ang bahaging
ginagampanan nito sa ekonomiya ng bansa?
	 Matapos mong maorganisa ang mga paunang kaalaman ng iyong mga
mag-aaral tungkol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas, ihanda mo naman
sila para sa susunod na bahagi ng aralin upang higit nilang maunawaan
nang mas malalim ang paksang ito.
PAUNLARIN
Pagkatapos balikan ng mga mag-aaral ang kanilang mga
kaalaman tungkol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas, ipabasa sa
kanila ang mga teksto na nasa kanilang Learner’s Module kaugnay
ng paksa na nasa Gawain 4. Layunin ng gawaing ito na mapalawak
pang lalo ang kanilang kaalaman sa aralin. Bilang guro, maaaring
ibigay sa kanila bilang takdang-aralin ang ilang konsepto tungkol sa
kalakalang panlabas ng Pilipinas nang sa gayon ay maging madali
para sa kanilang maunawaan ang nilalaman ng mga babasahin o
teksto.
309
DEPED COPY
Gawain 4: TEKS-TO-GRAPH LIST
Pagkatapos basahin at unawain ng mga mag-aaral ang teksto na nasa
kanilang modyul, ipasagot sa kanila ang mga pamprosesong tanong gamit ang
graphic organizer na nasa ibaba.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Tungkol saan ang tekstong iyong binasa?
2.	 Bakit nagkakaroon ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa?
3.	 Paano binago ng pag-unlad ng pag-aaral ng Ekonomiks ang
kaisipan tungkol sa kalakalang panlabas?
Gawain 5: T-CHART: ABSOLUTE o COMPARATIVE
Sa pamamagitan ng t-tsart, paghahambingin ng mga mag-aaral ang
dalawang batayan o kalakaran ng kalakalang panlabas ng isang bansa batay
sa tekstong nabasa.
A.	 Batay sa Paglikha ng Produkto o Serbisyo:
310
DEPED COPY
B.	 Batay sa Pakinabang sa Kalakalan:
Gawain 6: IMPORT o EXPORT: I-VENN DIAGRAM MO!
Ipabasa at ipaunawa sa mga mag-aaral ang teksto tungkol sa kalakalang
panlabas ng Pilipinas sa kanilang Learner’s Module. Layunin ng gawaing
ito na masuri ng mga mag-aaral ang mahahalagang datos o impormasyon
tungkol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas. Pagkatapos ay ipasagot ang mga
pamprosesong tanong at papunan ang sa pagkatuto Venn diagram.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Tungkol saan ang tekstong iyong binasa?
2.	 Paano mo ilalarawan ang takbo ng kalakalang panlabas ng Pilipinas?
3.	 Batay sa datos na inilahad ng teksto, pagkomparahin ang export at
import ng ating bansa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang
impormasyon.
EXPORTIMPORT
311
DEPED COPY
Gawain 7: PHILIPPINE ECONOMIC TIES: Logo Natin, Alamin at Talakayin
	
	 Ipabasa at ipaunawa sa mga mag-aaral ang teksto tungkol sa pakikipag-
ugnayan ng ating bansa sa iba’t ibang samahan o organisasyong pang-
ekonomiko na nasa Learner’s Module. Layunin ng gawain na ito na masuri ng
mga mag-aaral ang mahahalagang datos o impormasyon tungkol sa gampanin
ng iba’t ibang samahan o organisasyong pang-ekonomiko sa mga patakaran
o programa ng ating bansa tungkol sa kalakalang panlabas. Pagkatapos ay
ipasagot ang mga pamprosesong tanong at papunan ng mga impormasyon
ang dayagram na nasa ibaba.
	
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang pangunahing diwa o mensahe ng iyong binasang teksto?
2.	 Mula sa iyong binasa, bakit nakikipag-ugnayan ang ating bansa sa mga
samahang pandaigdig?
3.	 Batay sa datos na inilahad ng teksto, punan mo ng mahahalagang
impormasyon ang dayagram na nasa ibaba upang maikompara ang
pakikipag-ugnayan ng ating bansa sa mga samahang pandaigdig.
Layunin ng
Pagkakatatag ng
Samahan
Mga Samahang Pang-
ekonomiko
Pangunahing
Tulong na Naidulot
sa Ekonomiya ng
Pilipinas
312
DEPED COPY
Gawain 8: TEKS-TO-DATA RETRIEVAL CHART
	 Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto na pinamagatang “Kalakalang
Panlabas ng Pilipinas: Kahalagahan, Mga Patakaran, at Programa”. Layunin
ng gawain na ito na magabayan ang mga mag-aaral upang mapaghusay pa
ang kanilang kakayahan sa pagsuri ng mga impormasyon. Pagkatapos ay
kanilang sasagutin ang mga pamprosesong tanong na nasa ibaba at papunan
ang data retrieval chart ng mahahalagang datos at impormasyon.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang ipinapahayag ng teksto?
2.	 Batay sa iyong binasa bakit kinakailangang ang pamahalaan ay
magpatupad ng mga batas,patakaran, oprogramang maykaugnayan
sa kalakalang panlabas?
3.	 Batay sa datos na inilahad ng teksto, punan mo ng datos ang data
retrieval chart na nasa ibaba.
Batas o Programang may
Kaugnayan sa Kalakalang
Panlabas
Isinasaad o
Nilalaman
Kahalagahan
Gawain 9: MIND TRADE: QUIZ
Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga kaalamang hinihingi batay sa mga
natutuhan mula sa mga tekstong binasa. Ipasagot ang sumusunod na pahayag
o katanungang nasa ibaba.
1.	 Ang tawag sa sistema ng pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng
mga bansa sa daigdig
2.	 Ito ay ang buwis na ipinapataw sa mga produktong inaangkat.
3.	 Ito ay tumutukoy sa ganap na kalamangan ng isang bansa sa isang
produkto kapag mas mababa ang halaga ng produksiyon nito kaysa
halaga ng produksiyon ng ibang bansa.
4.	 Ang tawag sa pandaigdigang batayan o sukatan para sa mga gawaing
pang-ekonomiya
5.	 Isang batayan ng pakikipagkalakalan na kung saan mas makabubuti
sa bansa ang espesyalisasyon bilang batayan ng kalakalan at ang
prinsipyo ng opportunity cost
313
DEPED COPY
6.	 Ang tawag sa batayan ng transaksiyon ng pakikipag-ugnayan ng isang
bansa sa larangan ng kalakalang pandaigdig
7.	 Ang pagluluwas ng mga produkto patungo sa iba’t ibang bansa sa
daigdig
8.	 Ang tawag sa pag-aangkat o pagbibili ng produkto sa ibang bansa
9.	 Ito ay ang takdang dami ng mga produkto na maaaring iluwas sa isang
bansa.
10.	 Ang patakarang nagbubunsod upang isulong ang malayang kalakalan
sa pagitan ng mga bansa sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga hadlang
dito
11.	 Ang pangunahing bansang may mataas na pagluluwas ang Pilipinas
ayon sa datos ng Philipppine Statistical Authority ng June 2014
12.	 Sa ilalim ng economic bloc, ito ang samahang may mataas na
pagluluwas ang ating bansa ng mga produkto at serbisyo.
13.	 Isang organisasyong pangkalakalan na itinatag upang isulong ang
malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa daigdig.
14.	 Ang samahan ng mga bansa saAsya Pasipiko na naglalayong paunlarin
ang ekonomiya ng mga kasaping bansa sa pamamagitan ng pag-iibayo
ng kalakalan.
15.	 Ang samahan ng mga bansa na nagtatag ng tatlong pangunahing
komunidad na kinabibilangan ng Political & Security Community,
Economic Community at Socio-Cultural Community na siyang magiging
batayan ng ugnayan ng mga kasaping bansa.
Gawain 10: TOWER OF KNOWLEDGE
Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan mo bilang guro ang baitang
ng kaunlaran sa pagkatuto ng iyong mga mag-aaral. Sa aspektong ito ay
pasagutan mo sa kanila ang katanungang nasa kahon at kanila itong isulat
sa bahaging GITNA bilang kanilang kasagutan. Samantalang ang bahagi ng
WAKAS ay sasagutan lamang nila sa iba pang bahagi ng kanilang paglalakbay
sa araling ito.
314
DEPED COPY
Gawain 11: BALITA-NALYSIS
Ipabasa at ipaunawa sa mga mag-aaral ang balitang pinamagatang
“Pinas, obligadong umangkat ng bigas” na nasa kanilang modyul at pagkatapos
ay ipasagot ang mga pamprosesong tanong na nasa ibaba.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Tungkol saan ang balita?
2.	 Makatwiran ba ang isinasaad ng balita? Bakit?
3.	 Maglista ng mga pahayag mula sa balita na siyang nagpapahayag
ng pakikipag-ugnayan ng ating bansa sa larangan ng kalakalang
panlabas.
Paano mo ilalarawan ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang
bansa sa larangan ng kalakalan at ano ang bahaging ginagampanan
nito sa ekonomiya ng bansa?
Matapos mong gabayan ang iyong mga mag-aaral upang mapalalim
ang kanilang kaalaman ukol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas, ngayon
naman ay gabayan mo sila sa susunod na bahagi ng modyul.
PAGNILAYAN
	 Sa bahaging ito ng modyul ay palalawakin at pagtitibayin
mo bilang guro ang mga nabuong kaalaman ng mag-aaral ukol sa
kalakalang panlabas ng Pilipinas. Kinakailangan ang mas malalim
na pagtalakay sa naturang paksa upang maihanda mo sila para sa
pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan.
315
DEPED COPY
Gawain 12: BRAND B-ANYAGA o BRAND L-OKAL: SURVEY
	 Sa tulong ng kanilang mga kagrupo, atasan ang mga mag-aaral na
magsagawa ng isang survey sa 10 katao gamit ang isang checklist na sasagutan
ng mga respondents (kapuwa mag-aaral, kamag-anak, kaibigan, o kapitbahay)
na naglalayong malaman at masukat ang kanilang mga preference o mga nais
bilhin o ikonsumong mga produkto o serbisyo. Ipakita sa mga mag-aaral ang
halimbawa ng checklist form na nasa ibaba upang maging gabay. Pagkatapos
ng gawain, ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pamprosesong tanong.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang naging batayan mo sa pagpili ng respondents?
2.	 Paano ka nagkaroon ng ideya kung anong mga produktong lokal o
banyaga ang iyong isasama sa checklist?
3.	 Ano at alin sa mga aytem o brand name ang maraming pumili? Bakit
kaya maraming pumili nito?
4.	 Sa kabuuan ano ang produktong mas marami ang pumili, gawang
banyaga o gawang lokal?
Sa Kinauukulan:
	 Ang gawaing ito ay naglalayong masukat ang inyong preference bilang isang mamimili
pagdating sa pagpili ng mga produkto o serbisyo. Ipagpalagay na ikaw ay mamimili ng iyong gamit.
Alin sa mga sumusunod ang iyong pipiliin?
	 Mangyari po lamang na pakipunan at pakisagutan ng mahahalagang impormasyon ang
sumusunod na aytem. Anumang impormasyon o datos ay mananatilng confidential.
BATAYANG IMPORMASYON
Pangalan: ____________________________________Kasarian: __________	Edad: __________
Tirahan: _______________________Hanapbuhay: ______Meron (Anong uri) ______________
Pinag-aralan: _____________________________	 _______Wala
PANUTO: Pakilagyan ng tsek ang mga aytem o brand na gusto mong bilhin. Maaari kang
pumili ng higit sa isa.
	 BRAND NG DAMIT
	_________Bench		________Giordano
	_________Dickies		________Polo Sport
	 BRAND NG SAPATOS
__________Nike		 _________gawang Marikina	 ________Swatch
__________Reebok	 _________gawang Liliw, Laguna	 ________Accel
	 BRAND NG TSINELAS/SANDALS
__________Bantex	 _________Havianas		 ________Spartan
	 __________Adidas	 _________Happy Feet		 ________Crocs
	 BRAND NG CHOCOLATE
__________Chocnut	 _________Hershey’s		 _________Cloud-9
__________Goya	 _________Toblerone		 _________Snickers
316
DEPED COPY
Gawain 13: EDITORIAL at CARTOON
Itoayisangpangkatanggawainnakungsaansapamamagitannggrupong
kinabibilangan ng mga mag-aaral ay magsasaliksik sila tungkol sa kalagayan
ng kalakalang panlabas ng Pilipinas. Batay sa mga datos o impormasyon na
kanilang makukuha, sila ay bubuo ng mahahalagang impormasyon o detalye
upang makagawa ng sariling balitang editoryal at cartoon. Ipaliwanag sa mga
mag-aaral na kinakailangang ang mabubuo nilang balita ay naglalaman ng
maayos na panimula kung saan ipinaaalam nila sa mambabasa ang paksa,
ang katawan ng balita na siyang nagpapaliwanag ng paksa, at ang wakas kung
saan mababasa ang kanilang mga tagubilin o mungkahi tungkol sa paksa.
Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang kanilang output ay mamarkahan gamit
ang sumusunod na rubrik.
RUBRIK PARA SA EDITORIAL
Pamantayan Indikador Puntos
Natamong
Puntos
Kalinawan
Ang pagkakasulat ng
balita ay nagpapahayag
ng malinaw na kaisipan at
impormasyon tungkol sa
kalagayan ng kalakalang
panlabas ng Pilipinas.
20
Katiyakan
Ang mga datos at
impormasyon na
nakapaloob tungkol sa
kalagayan ng kalakalang
panlabas ng Pilipinas ay
tama, may basehan, at
angkop sa paksa.
20
Istilo
Maayos at may kahusayan
sa pagpapaliwanag
ang kabuuang balita at
nagpamalas ito ng angking
pagkamalikhain ng grupo.
10
317
DEPED COPY
RUBRIK PARA SA EDITORIAL CARTOON
Pamantayan Indikador Puntos Natamong
Puntos
Nilalaman
Naipakita at
naipaliwanag nang
mahusay ang
kaangkupan editorial
cartoon batay sa
inilahad na balita
tungkol sa kalagayan ng
kalakalang panlabas ng
Pilipinas.
20
Pagkamalikhain at
Pagkamasining
Maliwanag at angkop
ang mensahe sa
paglalarawan ng
konsepto kung kalian
at bakit nakikialam
ang pamahalaan sa
pamilihan.
20
Kabuuang
Presentasyon at
Kahusayan sa
Pagpapaliwanag
Malinis, maayos at
may kahusayan sa
pagpapaliwanag ang
kabuuang larawan.
10
Pamprosesong Tanong:
1.	 Anong mga sanggunian ang inyong ginamit upang makakuha ng
impormasyon tungkol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas?
2.	 Ano ang pangunahing mensahe ng nagawa ninyong balita?
3.	 Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng nabuo ninyong editorial cartoon?
4.	 Paano kayo nakabuo ng ideya o konsepto para makabuo ng editorial
cartoon?
5.	 Mula sa gawain, ano ang iyong naging pangkalahatang impresyon
tungkol sa kalagayan ng kalakalang panlabas ng Pilipinas?
318
DEPED COPY
Gawain 14: TOWER OF KNOWLEDGE
Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan mo bilang guro ang baitang
ng kaunlaran sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa aspektong ito ay pasasagutan
sa kanila ang katanungang nasa kahon at kanila itong isusulat sa bahaging
WAKAS bilang kasagutan. Ipaalala sa mga mag-aaral na dapat nila itong itago
sa kanilang portfolio o kuwaderno bilang kanilang proyekto.
Paano mo ilalarawan ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang
bansa sa larangan ng kalakalan at ano ang bahaging ginagampanan
nito sa ekonomiya ng bansa?
	 MAHUSAY! Napagtagumpayan mo na gabayan ang mga mag-aaral
upang kanilang maisagawa ang mga iniatang na gawain.
ISABUHAY
Ngayong lubos na ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa
kalakalang panlabas ng Pilipinas, sa bahaging ito ng aralin ay gagabayan
mo sila upang mailapat nila ang mga natutuhan sa kanilang pang-araw-
araw na buhay. Ano nga ba ang kahalagahan ng mga paksang pinag-
aralan sa kanilang buhay bilang isang mamamayang Pilipino na bahagi
sa pagkamit ng pambansang kaunlaran? Upang mabigyan ng kasagutan
ang katanungan, isasakatuparan nila ang isang gawain upang maging
kapaki-pakinabang ang mga aral na kanilang natutuhan.
319
DEPED COPY
Gawain 15: PANATA NG MABUTING MAMAMAYAN
Sa pamamagitan ng isang pangkatang gawain ay aatasan ang mga
mag-aaral na bumuo ng isang “panata” na nagsasaad kung papaano sila
magiging mabuting kabahagi ng bansa upang mapaunlad ang ekonomiya ng
ating bansa. Upang maging maayos at makabuluhan ang kanilang gagawin,
gawing gabay ang talahanayan na nakabatay sa konsepto ng G.R.A.S.P.
Goal
Makagawa ng isang panata na naglalaman ng
inyong commitment o pangako kung paano
magiging mabuting kabahagi para sa kaunlaran ng
ekonomiya ng ating bansa
Role
Bahagi ka ng isang pangkat na nagpapahayag
ng panata o pangako upang maging mabuting
mamamayan na magiging kabahagi para sa pag-
unlad ng ekonomiya ng bansa
Audience Mga kapuwa mag-aaral at guro
Situation
Sa isang klase na kung saan kayo ay gagawa ng
pangkatang panata at bibigkasin ito sa harap ng
inyong mga kamag-aral
Product/
Performance
Isang mapanagutang Panata para sa Kaunlaran ng
Ekonomiya
	
Ipaunawa sa mga mag-aaral na marapat nilang bigyang-tuon ang
sumusunod sa paggawa ng Panata ng Mabuting Mamamayan.
a.	 Komprehensibong nagpapahayag ng mga pamamaraan kung
paano magiging kabahagi sa kaunlaran ng bansa
b.	 Napapangatwiranan kung bakit kailangan tayong maging
kabahagi upang isulong ang kaunlaran ng ating bansa
c.	 Kahalagahan sa pagtataguyod at paghihimok sa pagiging
matalinong mamimili at mapanagutang negosyante
320
DEPED COPY
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel
1.	 Maraming mga salik ang maaaring makatulong sa isang bansa
upang umangat ang ekonomiya nito, MALIBAN sa:
A.	teknolohiya
B.	kalakalan
C.	yamang-tao
D.	 likas na yaman
2.	 Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng konsepto ng
kaunlaran?
A.	 Hindi ganap na maipakikita ng paglago ng ekonomiya ang pag-
unlad ng bansa.
B.	 Sa mga OFWs lamang nabubuhay ang ekonomiya ng bansa.
C.	 Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan din
ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan.
D.	Isang mabisang sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyonal na
panukat gaya ng GDP.
3.	 Isa ang korapsiyon sa itinuturong dahilan ng kahirapan ng bansa.
Paano kumikilos ang mga Pilipino upang labanan ang hamong dulot
nito?
A.	 Mulat ang mga Pilipino sa mga anomalya at korapsiyon kaya’t
ipinaglalaban nila kung ano ang tama at nararapat.
B.	Hinahayaan na lamang ng mga Pilipino na ang pamahalaan
at ang mga hukuman ang umusig sa mga tiwaling opisyal ng
gobyerno.
C.	Idinadaan nila sa samu’t-saring rally at protesta ang kanilang
mga saloobin ukol sa talamak na korapsiyon sa bansa.
D.	Ipinagsasawalang-kibo na lamang ng mga mamamayan ang
mga maling nagaganap sa ating bansa.
Binabati Kita! Napagtagumpayan mo na isagawa bilang guro ang
lahat ng gawain sa bahagi ng modyul na ito ukol sa kalakalang panlabas ng
Pilipinas.
Ngayon ay ihanda mo na sila para sa pangwakas na pagtataya.
(U)
(U)
(K)
321
DEPED COPY
4.	 Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon din tayong
dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang
isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa
bansa?
A.	 Tangkilikin ang mga produktong gawang Pilipino.
B.	 Maging mapagmasid sa mga nangyayari sa lipunan.
C.	 Maging aktibo sa pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran
sa paaralan at sa komunidad.
D.	 Wala sa nabanggit.
5.	 Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?
A.	pangingisda
B.	paggugubat
C.	paghahayupan
D.	pagmimina
6.	 Ang madaling pagkasira ng mga produktong agrikultural ang isa sa
mga pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura.
Ano ang dahilan nito?
A.	 Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.
B.	 Kawalan ng mga konsyumer sa pamilihan
C.	 Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.
D.	Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm-to-
market road)
7.	 Bakit mahalaga ang repormang agraryo ng pamahalaan para sa
mga magsasaka?
A.	Nabibigyang-pansin ang mga magsasaka sa pamamagitan
ng maayos na sistema ng pautang, mga proyektong pang-
imprastruktura, redistribusyon ng lupa, at iba pa.
B.	 Nagkakaroon ng sariling lupang sakahan ang mga magsasaka.
C.	Natutugunan ng pamahalaan ang mga hinaing at problema ng
sektor ng agrikultura.
D.	 Lahat ng nabanggit
(P)
(U)
(K)
(U)
322
DEPED COPY
Para sa bilang 8, suriin ang sumusunod na datos at sagutin ang tanong sa
ibaba nito.
Talahanayan 2
Distribusyon ng mga Sektor ng Pang-ekonomiya
2005 – 2010 (In-Million Pesos)
SEKTOR 2005 2006 2007 2008 2009 2010
Agrikultura 778,370 853,718 943,842 1,102,465 1,138,334 1,182,374
Industriya 1,735,148 1,909,434 2,098,720 2,347,803 2,318,882 2,663,497
Paglilingkod 2,930,521 3,268,012 3,606,057 3,959,102 4,221,702 4,667,166
Pinagkunan: National Statistical Coordination Board (NSCB), January 31, 2011
8.	 Lubhang napakayaman ng bansa kung likas na yaman lamang ang
pagbabatayan. Ngunit kapansin-pansin sa mga datos sa itaas na ang
sektor ng agrikultura ang may pinakamaliit na ambag sa ekonomiya
ng bansa mula 2005-2010. Ano ang nais ipahiwatig nito?
A.	 Kulang ang mga programa at proyektong tutulong sa sektor ng
agrikultura.
B.	 Mas binibigyang-pansin ng pamahalaan ang sektor ng industriya
at serbisyo.
C.	Kulang ang suporta na tinatanggap ng mga magsasakang
Pilipino.
D.	 Lahat ng nabanggit
9.	 Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng
mga hilaw na materyal upang ito ay maging isang produkto?
A.	paglilingkod
B.	 impormal na sektor
C.	agrikultura
D.	industriya
(P)
(K)
323
DEPED COPY
10.	Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga ektor ng agrikultura
at industriya sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Alin sa sumusunod
na pangungusap ang nagpapakita ng epektibong ugnayan ng
dalawang sektor?
A.	Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng
agrikultura ay lubhang mahalagang sangkap sa sektor industriya
upang gawing panibagong uri ng produkto.
B.	Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng
agrikultura samantalang ang industriya ay sa mga bahay-kalakal.
C.	Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura
samantalang ang mga entreprenyur naman ang kapitan ng
industriya.
D.	Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang
ang agrikultura ay nanatili sa tradisyonal na pamamaraan ng
pagsasaka.
11.	Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng limitasyon ng
industriyalisasyon?
A.	Ang malawakang paggamit ng inobasyon katulad ng mga
makinarya ay nakaaapekto sa pagkakaroon ng hanapbuhay para
sa mga manggagawa.
B.	 Ang mga makabagong teknolohiya ay nakatutulong sa paggawa
ng mas maraming produkto at serbisyo.
C.	 Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas ng bansa bunga
na rin ng mataas na pambansang kita.
D.	Unti-unting nasisira ang kapaligiran dulot ng polusyon at
masyadong mabilis na industriyalisasyon.
12.	Ang sektor ng paglilingkod ay binubuo ng sumusunod maliban sa:
A.	 kalakalang pakyawan at pagtitingi
B.	 serbisyong pampamayanan, panlipunan, at personal
C.	 sektor sa pananalapi
D.	pagmimina
13.	Alin sa sumusunod na pangungusap ang dahilan kung bakit patuloy
pa ring problema ng kontraktuwalisasyon sa bansa?
A.	 Mas makatitipid ang mga kompanya kung ang mga manggagawa
ay kontraktuwal dahil wala silang mga benepisyo tulad ng SSS at
PhilHealth.
(P)
(P)
(K)
(U)
324
DEPED COPY
B.	Maliit lamang ang gastusin ng mga kompanya sa mga
manggagawang kontraktuwal.
C.	 Hindi maaaring tumanggi ang mga manggagawang kontraktuwal
sa mga overtime na trabaho lalo na sa mga peak season.
D.	 Lahat ng nabanggit
14.	Gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng
paglilingkod?
A.	 Sila ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal.
B.	 Sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman,
at serbisyo.
C.	 Silaangdahilanupangmagkaroonngopurtunidadsapagkakaroon
ng trabaho sa isang bansa.
D.	 Larawan sila ng mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa.
15.	Alin sa sumusunod na sektor ang hindi nakapaloob sa legal at pormal
na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo?
A.	agrikultura
B.	 impormal na sector
C.	industriya
D.	paglilingkod
16.	Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng positibong
epekto ng paglaganap ng impormal na sektor?
A.	 Ipinapakita nito ang pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang
tugunan ang pangangailangan sa kabila ng krisis sa buhay.
B.	 Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries.
C.	 Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa.
D.	 Maraming mamamayan ang umaasa na lamang sa pamahalaan.
17.	Ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng mga bunga ng
pamimirata sa bansa maliban sa:
A.	 Kakulangan ng komprehensibong kampanya sa mga tao ukol sa
masasamang bunga nito
B.	 Kakulangan ng trabaho sa bansa
C.	Kakulangan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga batas na
laban sa pamimirata
(P)
(U)
(K)
(P)
325
DEPED COPY
D.	 Pagnanais ng ilang negosyante na kumita nang malaki kahit sa
illegal na pamamaraan
18.	Ang mga bansa ay makikinabang sa isa’t isa ayon sa konsepto
ng comparative advantage. Alin sa sumusunod na paraan sila
makikinabang?
A.	kasunduang multilateral
B.	 trade embargo at quota
C.	 espesyalisasyon at kalakalan
D.	 sabwatan at kartel
19.	Alin sa sumusunod na pangungusap ang pinakaakmang dahilan ng
pakikipagkalakalan ng mga bansa sa daigdig?
A.	 Abot-kamay na ang angkat na produkto sa lokal na pamilihan
B.	Upang dumami ang mga produktong imported na maaaring
gayahin o kopyahin
C.	Madaragdagan ang pantugon ng mga panustos para sa
pangangailangan ng lokal na ekonomiya
D.	Maipagmamalaki ang kanilang produkto sa pandaigdigang
pamilihan
20.	Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paghina ng
kalakalang lokal at panlabas ng mga bansang naapektuhan ng
globalisasyon?
A.	 Ang pagkakaroon ng mga surplus sa mga pamilihan
B.	 Ang patuloy na paglawak ng mga korporasyong transnasyonal
C.	Ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga
bansa
D.	 Ang pagbabago sa kabuuang pamumuhay ng mamamayan
(U)
(K)
(P)
326
DEPED COPY
SAGOT:
1.	 B
2.	 C
3.	 A
4.	 C
5.	 D
6.	 D
7.	 D
8.	 D
9.	 D
10.	 A
11.	 D
12.	 D
13.	 D
14.	 B
15.	 B
16.	 A
17.	 B
18.	 A
19.	 C
20.	 A

Ekonomiks Teaching Guide Part 5

  • 1.
    153 DEPED COPY YUNIT III PAGSUSURING EKONOMIYA: MAKROEKONOMIKS PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG Ang makroekonomiks ay nakatuon sa pag-aaral ng buong ekonomiya. Kung ang maykroekonomiks ay nakatuon sa desisyon ng bawat pamilya at bahay-kalakal, ang makroekonomiks naman ay nakasentro sa komposisyon at galaw ng pambansang ekonomiya. Matututuhan sa makroekonomiks ang mga konseptong may kinalaman sa implasyon, patakarang piskal, patakaran sa pananalapi, pambansang badyet, at pagsulong ng ekonomiya. Naitanong mo ba sa sarili mo kung papaano gumagana ang pambansang ekonomiya? Kung hindi pa, tayo nang tuklasin kung papaanong ang kaalaman sa pambansang ekonomiya ay makatutulong sa pagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan tungo sa kaunlaran ng bansa. Sa modyul na ito ay matutuklasan ang bumubuo sa pambansang ekonomiya, mga suliraning pangkabuhayan, at ang pamamaraang ginagawa ng pamahalaan upang malutas ang mga ito tungo sa pag-unlad. Handa ka na bang alamin ang kasagutan sa mga tanong na ito? Kung handa ka na, halina at saglit tayong maglakbay sa pambansang ekonomiya ng bansa, siyasatin natin kung papaano kumikilos ang mga sektor na bumubuo rito. Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa pambansang ekonomiya at kung papaano ito gumagana upang matugunan ang mga suliraning pangkabuhayan sa pagtamo ng pambansang kaunlaran. Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapuwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran. Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung papaanong ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapuwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran. Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod: Aralin 1: PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA • Nailalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya • Natataya ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya • Nasusuri ang ugnayan sa isa’t isa ng mga bahaging bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya
  • 2.
    154 DEPED COPY Aralin 2: PAMBANSANGKITA • Nasusuri ang pambansang produkto (Gross National Product-Gross Domestic Product) bilang panukat ng kakayahan ng isang ekonomiya • Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang produkto • Nasusuri ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita sa ekonomiya • Nailalahad ang mga salik na nakaaapekto sa pambansang kita at pambansang produkto Aralin 3: UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK, AT PAGKONSUMO • Naipahahayag ang kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok • Nasusuri ang katuturan ng consumption at savings sa pag-iimpok Aralin 4: IMPLASYON • Nasusuri ang konsepto at palatandaan ng implasyon • Natataya ang mga dahilan sa pagkakaroon ng implasyon • Nasusuri ang iba’t ibang epekto ng implasyon • Nakilkiahok nang aktibo sa paglutas ng mga suliranin kaugnay ng implasyon Aralin 5: PATAKARANG PISKAL • Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang piskal • Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng pamahalaan kaugnay ng mga patakarang piskal na ipinatutupad nito • Nasusuri ang badyet at ang kalakaran ng paggasta ng pamahalaan • Nakababalikat ng pananagutan bilang mamamayan sa wastong pagbabayad ng buwis • Naiuugnay ang mga epekto ng patakarang piskal sa katatagan ng pambansang ekonomiya Aralin 6: PATAKARANG PANANALAPI • Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang pananalapi • Nakapagsisiyasat nang mapanuri sa mga paraan at patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang mapatatag ang halaga ng salapi
  • 3.
    155 DEPED COPY Grapikong pantulongsa gawain PANIMULANG PAGTATAYA Panuto: Piliin ang titik ng pinakawastong sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya? A. ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya B. kita at gastusin ng pamahalaan C. kalakalan sa loob at labas ng bansa D. transaksiyon ng mga intitusyong pampinansyal 2. Kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa? A. Kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho. B. Kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay- kalakal C. Kapag may pag-angat sa Gross Domestic Product ng bansa D. Kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa 3. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat sa Gross National Income? A. Expenditure Approach B. Economic Freedom Approach C. Industrial Origin/Value-Added Approach D. Income Approach (K) (K) (K) MAKROEKONOMIKS PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA SULIRANING PANGKABUHAYAN: IMPLASYON GROSS NATIONAL PRODUCT / INCOME GROSS DOMESTIC PRODUCT PATAKARANG PISIKAL PATAKARANG PANANALAPI
  • 4.
    156 DEPED COPY 4. Kungang kabuuang kita ni Jonas ay Php25,000.00 at ang kaniya namang kabuuang gastusin ay Php21,000.00, magkano ang maaari niyang ilaan para sa pag-iimpok? A. Php1,000.00 B. Php2,000.00 C. Php3,000.00 D. Php4,000.00 5. Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya? A. deplasyon B. implasyon C. resesyon D. depresyon 6. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal? A. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim ng pagpoproseso ng bahay-kalakal. B. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal. C. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal. D. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa mga bahay-kalakal. 7. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa? A. Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansiyal B. Dahil magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa C. Dahil repleksiyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng malaking boto sa eleksiyon D. Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya 8. Piliin sa sumusunod na pahayag ang pinakawasto. A. Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa Gross National Income nito. B. Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat ng Gross National Income. C. Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng Gross National Income. D. Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa Gross National Income. (P) (P) (P) (K) (K)
  • 5.
    157 DEPED COPY 9. Alinsa sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic Product ng bansa? A. Mataas na remittance ng mga Overseas Filipino Workers B. Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo C. Maayos na pamumuno ng pamahalaan na makahihikayat sa pamumuhunan D. Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kawanggawa 10. Ano ang epekto ng mababang interes sa pagkonsumo ng mga tao? A. Mahihikayat ang tao na umutang at tataas ang pagkonsumo. B. Mahihikayat ang tao na mag-impok sa bangko dahil sa malaking tubo. C. Mahihikayat ang tao na mag-angkat ng produkto sa ibang bansa. D. Mahihikayat ang mga tao na magtipid para sa hinaharap. 11. Si Apollo ay umutang kay Alex ng Php100.00 na ipinambili niya ng isang kilong karne ng manok sa kasalukuyan. Kung 5% ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, ano na ang halaga ng isang kilong karne ng manok? A. Php95.00 B. Php100.00 C. Php105.00 D. Php110.00 12. Sa papaanong paraan malulutas ang demand pull inflation? A. Pagbibigay-pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon B. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya C. Pagpapautang na may mababang interes upang makahikayat ng karagdagang paggasta D. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya 13. Ang idinepositong Php100,000.00 ni Corazon sa bangko ay nagpapakita ng paglabas (outflow) ng salapi sa paikot na daloy ng ekonomiya. Ano ang nararapat na gawin upang pumasok (inflow) muli ang salapi sa paikot na daloy? A. Magpataw ng mataas na interes upang makahikayat ng pag- iimpok B. Ipautang ng bangko ang idineposito upang magamit na panibagong kapital sa negosyo. (P) (P) (P) (P) (U)
  • 6.
    158 DEPED COPY C. Ibabaang interes mula 10% patungong 5% upang maragdagan ang paggastos ng tao. D. Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba ng mga bangko. 14. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri sa economic performance nito, dapat bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas ito? A. Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig. B. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin. C. Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa ekonomiyang pandaigdigan. D. Oo, dahil repleksiyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya. 15. Si Mr. Chen, isang Chinese National, ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas. Saan dapat isinasama ang kaniyang kinita? A. Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamayan siya nito B. Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kaniyang kita C. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kaniyang kita D. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong dito nagmula ang kaniyang kita 16. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang interpretasyon sa graph? PHILIPPINE GROSS NATIONAL INCOME & GROSS DOMESTIC PRODUCT At Current Prices, In Million Pesos 16,000,000 14,000,000 Legend: 12,000,000 Gross Domestic Product 10,000,000 Gross National Income 8,000,000 6,000,000 4,000,000 2,000,000 0 2012 2013 Pinagmulan: Philippine Statistics Authority A. Mas malaki ang Gross Domestic Product ng bansa kumpara sa Gross National Income nito. B. Mas malaki ang Gross National Income noong taong 2012 kumpara sa taong 2013. C. Mas malaki ang remittances mula sa mga OFW noong taong 2012 kumpara sa taong 2013. (U) (U) (U)
  • 7.
    159 DEPED COPY D. Mas Malakiang Gross National Income kumpara sa Gross Domestic Product sa parehong taon. 17. Bilang isang mag-aaral, alin sa sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit lamang ang baon na ibinigay ng iyong magulang? A. Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi. B. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga. C. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon. D. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan. 18. Piliin sa sumusunod ang pinakatamang paliwanag sa graph. A. Ang paglipat ng kurba ng demand pakanan ay magdudulot ng kakulangan sa supply na hahantong sa pagtaas ng presyo. B. Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng pagtaas sa mga gastos ng produksiyon na ipapasa ng prodyuser sa mga mamimili. C. Ang paglipat ng kurba ng supply pakanan ay magdudulot ng kalabisan sa supply na hahantong sa pagtaas ng presyo. D. Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng kakulangan ng supply ng produkto sa pamilihan na hahantong sa pagtaas ng presyo. 19. Bilang isang mamimili, papaano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon? A. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan. B. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan. C. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang presyo. D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan. (U) (U) (U) P AS Q P 120 P 100 AD1 40 50 AD2
  • 8.
    160 DEPED COPY 20. Kung ikaway prodyuser ng produktong may kakulangan ng supply sa pamilihan, dapat bang ang malaking kita lamang ang pagtutuunan mo ng pansin? A. Oo, dahil ito na ang pagkakataon upang kumita at tumubo ng malaki. B. Oo, dahil malaki ang inilabas na puhunan kaya’t nararapat na kumita rin ng malaki. C. Hindi, dahil malaki rin ang buwis na sisingilin ng pamahalaan sa pagtaas ng presyo. D. Hindi, dahil hindi kakayanin lalo ng mga mahihirap ang napakataas na presyo. GABAY SA PAGWAWASTO 1. A 2. C 3. B 4. D 5. B 6. A 7. B 8. D 9. C 10. A 11. C 12. D 13. B 14. D 15. C 16. D 17. B 18. A 19. D 20. D (U)
  • 9.
    161 DEPED COPY PANIMULA Ayon sainvestopedia.com, ang makroekonomiks ay larangan ng Ekonomiks na pinag-aaralan ang gawi ng kabuuang ekonomiya. Sinusuri ng makroekonomiks ang malawakang pangyayaring pang-ekonomiya tulad ng pagbabago sa kawalan ng trabaho, pambansang kita, gross domestic product, implasyon, at antas ng presyo. May apat na pangunahing pinagtutuunan ng pansin ang makroekonomiks: • Una, binibigyang-pansin ng makroekonomiks ang kabuuang antas ng presyo. Angpagtaasngkabuuangpresyoaypangunahingpinagtutuunan ng pansin ng mga gumagawa ng batas o patakaran na nakaaapekto sa mga mamamayan sa kabuuan. • Pangalawa, ang makroekonomiks ay binibigyang-pansin ang kabuuang produksiyon o ang bilang ng kalakal at paglilingkod na nagawa sa ekonomiya. Ito rin ang nagiging batayan sa pagsukat sa kakayahan ng isang ekonomiya kung papaano matutugunan ang pangangailangan ng lipunan at ng buong bansa sa kabuuan. • Pangatlo, binibigyang-pansin ng makroekonomiks ang kabuuang empleyo. Mahalaga ito para sa mga nagpaplano ng ekonomiya at bumubuo ng mga patakarang pangkabuhayan upang matiyak na may mapagkukunan ng ikabubuhay ang bawat pamilya sa lipunan. • Pang-apat, at panghuli, tinitingnan din ang ibang bahagi ng mundo at ang relasyon nito sa panloob na ekonomiya. Hindi maihihiwalay ang mga pangyayaring pandaigdigan sa kalagayan ng ekonomiya sa loob ng bansa. May malaking epekto ang kalagayang pang-ekonomiya ng ibang bansa sa ekonomiya ng iba’t ibang bansa sa buong daigdig. ARALIN 1: PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA ALAMIN Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paikot na daloy ng ekonomiya at kung papaanong ang kaalaman sa pambansang ekonomiya ay makatutulong sa pagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan tungo sa kaunlaran ng bansa.
  • 10.
    162 DEPED COPY Gawain 1:HULA-LETRA Isulat sa loob ng lobo ang tamang letra upang mabuo ang salita. Ang ilang letra ay ibinigay na bilang gabay. 1. Dibisyon ng Ekonomiks na nakatuon sa kabuuang ekonomiya 2. Salaping kinokolekta ng pamahalaan upang makalikom ng pondo 3. Pinagmumulan ng mga salik ng produksiyon 4. Bumubuo ng mga produkto at serbisyong panlipunan 5. Pagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang iyong sariling pagkaunawa sa makroekonomiks? 2. Papaano kaya naiba ang makroekonomiks sa maykroekonomiks? Gawain 2: SMILE KA DIN KAHIT KAUNTI Bilugan ang nakangiting mukha kung malawak na ang kaalaman sa paksa o konsepto. Kung hindi naman, bilugan ang hindi nakangiting mukha. 1. Dayagram ng paikot na daloy 2. Ugnayan ng sambahayan, bahay kalakal, at pamahalaan 3. Buwis na binabayaran ng sambahayan at bahay kalakal sa pamahalaan M K S W B Y P H A X T
  • 11.
    163 DEPED COPY 4. Ugnayanng pag-iimpok at pamumuhunan 5. Konsepto ng angkat at luwas 6. Transfer payments na ibinabayad ng pamahalaan 7. Paglabas (outflow) ng salapi sa paikot na daloy 8. Pagpasok (inflow) ng salapi sa paikot na daloy 9. Pinagmumulan ng mga salik ng produksiyon 10. Pagbuo ng mga kalakal upang maging tapos na produkto Pamprosesong Tanong: 1. Matapos mong sagutan ang gawain, ilang konsepto ang alam mo na sa paksa? Ilan naman ang konseptong hindi mo pa nalalaman? 2. Base sa iyong kasagutan sa bilang 1, ano ang mabubuo mong hinuha batay sa lawak ng iyong kaalaman sa paksa? Gawain 3: PAUNANG SAGOT Ang gawaing ito ay susukat sa iyong paunang kaalaman tungkol sa paksa. Isulat ang iyong sagot sa katanungan sa loob ng callout. Hindi kailangang tama ang iyong sagot sa paunang gawaing ito. Sa susunod na bahagi ay sasagutan ng mga mag-aaral ang paunang sagot upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa paikot na daloy ng ekonomiya. Matapos maorganisa ng mga mag-aaral ang mga paunang kaalaman tungkol sa paikot na daloy, ihanda sila sa susunod na bahagi ng aralin upang higit nilang maunawaan nang mas malalim ang konsepto nito. Papaano gumagana ang pambansang ekonomiya upang mapabuti ang pamumuhay ng mamamayan tungo sa pagtamo ng pambansang kaunlaran?
  • 12.
    164 DEPED COPYGawain 4:FILL IT RIGHT Ibigay ang bahaging ginagampanan ng mga aktor at pamilihan sa paikot na daloy ng ekonomiya. MGA AKTOR SA PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA BAHAGING GINAGAMPANAN 1. Sambahayan 2. Bahay-kalakal 3. Pamahalaan 4. Panlabas na Sektor MGA URI NG PAMILIHAN BAHAGING GINAGAMPANAN 1. Product Market 2. Factor Market 3. Financial Market 4. World Market Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang ugnayang namamagitan sa sambahayan at bahay-kalakal? Ipaliwanag. 2. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa ekonomiya? 3. Bakit kailangan ng ekonomiya ang panlabas na sektor? PAUNLARIN Matapos malaman ng mga mag-aaral ang mga paunang impormasyon tungkol sa paksang-aralin, ngayon naman ay lilinangin nila ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na sadyang inihanda upang maging batayan ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan nila bilang mag- aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa pambansang ekonomiya. Mula sa mga inihandang gawain at teksto ay inaasahang gagabay ito sa mag-aaral upang masagot kung papaanong ang kaalaman sa pambansang ekonomiya ay makatutulong sa pagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan tungo sa kaunlaran ng bansa.
  • 13.
    165 DEPED COPY Gawain 5:SURIIN AT UNAWAIN Upang higit na maunawaan ang binasang teksto, hayaan ang mga mag- aaral na masdang mabuti ang mga bagay na makikita sa dayagram. Ipatukoy at ipasulat sa loob ng kahon kung anong sektor ang ipinapakita sa dayagram. Pagkatapos ng pagsasagawa ng pagsusuri ay maaari nang pasagutan ang mga pamprosesong tanong. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang ipinapakita sa paikot na daloy? 2. Papaanong nagkakaroon ng ugnayan ang iba’t ibang sektor ng ekonomiya? Ipaliwanag. 2. ____________ 4 PAMILIHAN NG KALAKAL AT PAGLILINGKOD PAMILIHAN NG SALIK NG PRODUKSIYON Lupa, Paggawa, Kapital Mamumuhuna n Bumibili ng produktibong resources Pagbebenta ng kalakal at paglilingkod Pagbili ng kalakal at paglilingkod PaggastaKita Sueldo, upa, tubo o interes Kita 5. ___________ Pag-iimpokPamumuhunan 3. ____________ Suweldo, tubo, transfer payments BuwisPagbili ng kalakal at paglilingkod Buwis 1. _____________ Pagluluwas (export) Pag-aangkat (import) Matapos mapalalim ng mga mag-aaral ang kaalaman ukol sa paikot na daloy ng ekonomiya, maaari na silang magsimula sa susunod na bahagi ng aralin. Gabayan ang mga mag-aaral para sa mas malalim na pag-unawa ng konseptong ito.
  • 14.
    166 DEPED COPY Gawain 6:IPANGKAT NATIN Ipasulat sa unang hanay ang mga konsepto na may malawak nang kaalaman ang mga mag-aaral at sa ikalawang hanay naman ang mga konseptong nangangailangan pa ng malawak na kaalaman. paikot na daloy paggasta pag-angkat at pagluwas sambahayan bayaring nalilipat bahay kalakal buwis subsidiya dibidendo upa Malawak ang Kaalaman Hindi Malawak ang Kaalaman Pamprosesong Tanong: 1. Matapos mong sagutan ang gawain, papaano mo bibigyan ng grado ang iyong sarili base sa lawak ng iyong pagkaunawa sa paksa? 2. Papaano mo kaya higit na mauunawaan ang mga paksang hindi pa malalim ang iyong kaalaman? Patunayan. PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ng mga mag-aaral ang mga nabuong kaalaman ukol sa paikot na daloy ng ekonomiya. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa konsepto ng paikot na daloy ng ekonomiya upang maihanda ang mga mag-aaral sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan.
  • 15.
    167 DEPED COPY Gawain 7:NASA GRAPH ANG SAGOT Kung malalim na ang pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin, maaari na nilang suriin ang pigura sa ibaba. Pagkatapos ay pasagutan ang mga gabay na tanong. Pamprosesong Tanong 1. Batay sa graph, ano ang kalagayan ng pag-aangkat at pagluluwas ng bansa sa loob ng sampung taon? 2. Bakit hindi maiwasang lumahok sa pag-aangkat at pagluluwas ang pambansang ekonomiya? Ipaliwanag. Gawain 8: PAGGAWA NG COLLAGE Gamit ang mga materyales na maaaring gamiting-muli (recyclable) o mga materyales na indigenous sa lugar ng mga mag-aaral, hayaan silang bumuo ng isang dayagram ng paikot na daloy at idikit ito sa kalahating bahagi ng illustration board o cartolina. Maaari ding magtanghal ng isang mini exhibit sa isang bahagi ng kanilang silid-aralan. Pinagkunan: www.nscb.gov.ph retrieved on October 20, 2013
  • 16.
    168 DEPED COPY RUBRIK SAPAGMAMARKA NG COLLAGE MAGALING (3) KATAMTAMAN (2) NANGANGA- ILANGAN NG PAGSISIKAP (1) NAKU- HANG PUNTOS NILALAMAN Naipakita ang lahat ng sektor na bumubuo sa paikot na daloy at ang tungkuling ginagampanan ng bawat isa. Naipakita ang ilan sa mga sektor na bumubuo sa paikot na daloy at ang ilang tungkuling ginagampanan ng bawat isa. Hindi naipakita ang mga sektor na bumubuo sa paikot na daloy at hindi rin naipakita ang tungkuling ginagampanan ng bawat isa. KAANGKUPAN NG KONSEPTO Lubhang angkop ang konsepto at maaaring magamit sa pang-araw- araw na pamumuhay. Angkop ang konsepto at maaaring magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi angkop ang konsepto at hindi maaaring magamit sa pang-araw- araw na pamumuhay. KABUUANG PRESENTASYON Ang kabuuang presentasyon ay maliwanag at organisado at may kabuluhan sa buhay ng isang Pilipino. Ang kabuuang presentasyon ay bahagyang maliwanag at organisado at may bahagyang kabuluhan sa buhay ng isang Pilipino. Ang kabuuang presentasyon ay hindi maliwanag, hindi organisado, at walang kabuluhan sa buhay ng isang Pilipino. PAGKAMA- LIKHAIN Gumamit ng tamang kombinasyon ng mga kulay at recycled na materyales upang ipahayag ang nilalaman at mensahe. Gumamit ng bahagyang kombinasyon ng mga kulay at recycled na materyales upang ipahayag ang nilalaman at mensahe. Hindi gumamit ng tamang kombinasyon ng mga kulay at hindi rin gumamit ng recycled na materyales upang ipahayag ang nilalaman at mensahe. Kabuuang Puntos
  • 17.
    169 DEPED COPY Gawain 9:PANGHULING KASAGUTAN Pagkatapos ng mga babasahin at gawain ay muling pasagutan ang katanungan sa ibaba. Ipasulat ang kanilang sagot sa loob ng callout. Inaasahang maipahayag nila ang kanilang nalaman at naunawaan sa paksang tinalakay. Papaanong ang kaalaman sa pambansang ekonomiya ay makatutulong sa pagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan tungo sa kaunlaran ng bansa? Transisyon sa Susunod na Aralin Binigyang-diin sa araling ito ang konsepto ng paikot na daloy ng ekonomiya. Ipinaliwanag din ang ugnayang namamagitan sa bawat sektor ng ekonomiya. Ang susunod na aralin naman ay tatalakay sa konsepto ng pambansang kita. Papaanong ang kaalaman sa pambansang ekonomiya ay makatutulong sa pagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan tungo sa kaunlaran ng bansa?
  • 18.
    170 DEPED COPY PANIMULA Malalaman kungmay narating na pagsulong at pag-unlad ang ekonomiya ng isang bansa sa pamamagitan ng pagsusuri sa economic performance nito. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga economic indicators ay nasusukat ang kasiglahan ng ekonomiya. Ito ay mga instrumento na maglalahad sa anumang narating na pagsulong at pag-unlad ng isang ekonomiya. Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang Pilipinas ay gumagamit ng tinatawag na leading economic indicators. Ang ilan sa mga ito ay ang Number of New Businesses, Terms of Trade Index, Consumer Price Index, Hotel Occupancy Rate, Wholesale Price Index, Electric Energy Consumption, Foreign Exchange Rate, Visitor Arrivals, Money Supply, Stock Price Index, at Total Merchandise Imports. Sa mga nabanggit na indicators, madalas na ginagamit ang kabuuang pambansang kita o Gross National Income (GNI) sa pagsukat ng kalagayan ng ekonomiya ng isang bansa. Ang paraan ng pagsukat sa pambansang kita sa pamamagitan ng GNI ay tinatawag na National Income Accounting. ARALIN 2: PAMBANSANG KITA Gawain 1: PAGSUSURI SA LARAWAN Ipasuri ang ipinahihiwatig ng larawan sa abot ng kanilang makakaya. Matapos ang pagsusuri, pupunan ang pahayag sa ibaba. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay _____________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ EKONOMIYA ALAMIN Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa pambansang kita at kung bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa?
  • 19.
    171 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Ano kaya ang ipinahihiwatig ng larawan? 2. Ano ang naging batayan mo sa pagkompleto ng pangungusap? 3. Sa iyong palagay, ano ang mga ginagamit na panukat upang matukoy ang kalagayan ng ekonomiya? Gawain 2: PAWANG KATOTOHANAN LAMANG May tatlong pahayag na nasa ibaba tungkol sa paksa. Isa sa mga pahayag na ito ay walang katotohanan. Magsagawa ng brainstorming ang bawat pangkat upang malaman kung alin sa mga pahayag ang may katotohanan at walang katotohanan. Bawat isa ay magbabahagi ng kaniyang nalalaman upang makabuo ng mga kolektibong pagsang-ayon ang buong pangkat. Iulat ang nabuong kasagutan sa harap ng klase. 1. Ginagamit ang Gross National Income at Gross Domestic Product upang masukat ang economic performance ng isang ekonomiya. 2. Tanging halaga ng mga tapos na produkto lamang ang isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income. 3. Ang halaga ng mga nabuong produkto ng mga dayuhang nagtatrabaho sa loob ng Pilipinas ay hindi ibinibilang sa pagkuwenta ng Gross National Income ng bansang kanilang pinanggalingan. Lahat ng kasagutan ay tatanggapin. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng sariling kaalaman tungkol sa paksa. Iwawasto lamang ito sa huling bahagi ng aralin ukol sa paglilipat at pagsasabuhay. Gawain 3: MAGBALIK-TANAW Ipasagot ang katanungan sa ibaba batay sa kanilang sariling karanasan o opinyon. Hindi kailangang wasto ang kasagutan sa gawaing ito. Muli nila itong sasagutan pagkatapos ng mga gawain sa PAGLINANG at PAGNILAYAN upang makita ang pag-unlad ng kanilang kaalaman sa aralin. Sa susunod na bahagi ay sasagutan ng mga mag-aaral ang isang chart upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa pambansang kita. Matapos maorganisa ng mga mag-aaral ang mga paunang kaalaman tungkol sa pambansang kita, gagabayan sila para sa susunod na bahagi ng aralin upang higit na maunawaan nang mas malalim na konsepto nito. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa? ______________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________
  • 20.
    172 DEPED COPY Gawain 4:GNI at GD Matapos mabasa ang teksto, papunan ng tamang datos ang Venn diagram na nasa ibaba. Ipatala ang pagkakaiba ng GNI at GDP. Pagkatapos ay ipasulat sa gitnang bahagi ang pagkakahalintulad ng dalawa. Pamprosesong Tanong: 1. Batay sa nabuong Venn diagram, papaano naiba ang Gross National Income sa Gross Domestic Product? 2. Bakit kailangang sukatin ang economic performance ng isang bansa? 3. Bakit may mga gawaing hindi kabilang sa pagsukat ng GNI at GDP? Gawain 5: PAANO ITO SINUSUKAT? Magbigay ng mga papel na may nakasulat na impormasyon ukol sa pambansang kita. Magtatanong din ukol sa paraan ng pagsukat sa pambansang kita at mag-uunahan ang mga mag-aaral na idikit ito sa dayagram na nakapaskil sa pisara. Ang halimbawa ng pigura ay makikita sa susunod na pahina. Pagkatapos ng gawain ay ipasagot ang mga pamprosesong tanong na nasa susunod na pahina. PAUNLARIN Matapos malaman ng mga mag-aaral ang mga paunang impormasyon tungkol sa paksang-aralin, ngayon naman ay kanilang lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na sadyang inihanda upang maging sanggunian ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan ng mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa pambansang kita. Mula sa mga inihandang gawain at teksto ay inaasahang gagabay ito sa mag-aaral upang masagot kung bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa.
  • 21.
    173 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang mga paraan ng pagsukat sa pambansang kita? 2. Paano ito naiba sa isa’t isa? 3. Sa iyong palagay, bakit dapat na nasusukat ang pambansang kita? Gawain 6: MATH TALINO Matapos maipabasa at maunawaan ng mag-aaral ang teksto, susubukan naman nila ang kanilang kaalaman sa pagkuwenta. Ito ay upang malinang ang kanilang kakayahan sa pagkompyut na mabisang kasangkapan sa pag-aaral ng Ekonomiks. Ipakompyut ang Price Index at Real GNP. Ipagamit ang 2006 bilang batayang taon. TAON NOMINAL GNP PRICE INDEX REAL GNP 2006 2007 2008 2009 2010 10 500 11 208 12 223 13 505 14 622 PamprosesongTanong: 1. Ano ang sinusukat ng Price Index? 2. Bakit kalimitang mas malaki ang Nominal GNI kung ihahambing sa Real GNI ng Pilipinas? 3. Ano ang kahihinatnan ng malaking populasyon ngunit maliit na GNI ng bansa sa kontemporaryong panahon? EXPENDITURE APPROACH VALUE ADDED APPROACH/ INDUSTRIAL ORIGIN INCOME APPROACH PARAAN NG PAGSUKAT SA PAMBANSANG KITA
  • 22.
    174 DEPED COPY Gawain 7:MAGBALIK TANAW Ngayon ay maaari nang itala ng mga mag-aaral ang lahat ng bagay at impormasyon na kanilang natutuhan. Ipalagay o ipasulat sa isang buong papel at ipaipon sa kanilang portfolio ang naging kasagutan para mabasa at mabigyan ng grado. Gawain 8: EKONOMIYA PAGNILAYAN Ipabasa ang pahayag ng National Statistical Coordination Board batay sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Matapos basahin, magpagawa sa mga mag-aaral ng isang sanaysay na may pamagat na “Ekonomiya ng Pilipinas: Saan Papunta?” Gawing gabay ang rubrik sa pagmamarka ng sanaysay. Philippine Economy posts 7.0 percent GDP growth in Q3 2013 (Posted 28 November 2013) Pinagkunan: http://www.nscb.gov.ph/sna/2013/3rd2013/highlights.asp#sthash.xsCOJ7DL. dpuf retrieved on July 16, 2014 HIGHLIGHTS • The domestic economy grew by 7.0 percent in the third quarter of 2013 from 7.3 percent recorded the previous year boosting the 2013 first nine months growth to 7.4 percent from 6.7 percent last year.  The third quarter growth was driven by the Services sector with the robust performance of Real Estate, Renting & Business Activities, Trade and Financial Intermediation Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa? _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _______________________________________________ Matapos mapalalim ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman ukol sa pambansang kita, maaari na silang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Gabayan ang mga mag-aaral para sa mas malalim na pag-unawa ng konseptong ito. PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ng mag- aaral ang mga nabuong kaalaman ukol sa pambansang kita. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa konsepto upang maihanda sila sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan.
  • 23.
    175 DEPED COPY sustained bythe accelerated growth of the Industry sector. • On the demand side, growth in the third quarter of 2013 came from increased investments in Fixed Capital, reinforced by consumer and government spending, and the robust growth in external trade. • With accelerated growth of the Net Primary Income (NPI) from the Rest of the World in the third quarter of 2013 by 11.9 percent, the Gross National Income (GNI) expanded by 7.8 percent in the third quarter of 2013 from 7.3 percent in the third of 2012. • On a seasonally adjusted basis, GDP posted a positive growth of 1.1 percent in the third quarter of 2013 but this was a deceleration from 1.6 percent in the previous quarter while GNI accelerated by 1.8 percent in the third quarter of 2013 from 1.1 percent in the second quarter of 2013.  The entire Agriculture sector rebounded its seasonally adjusted growth to 0.7 percent from a decline of 0.7 percent in the previous quarter while Industry decelerated to 0.3 percent from 1.4 percent. On the other hand, the Services sector recorded a 1.6 percent growth for the third quarter of 2013 from 2.1 percent in the previous quarter with the positive growth of all its subsectors. • With projected population growing by 1.6 percent to  level of 97.6 million, per capita GDP grew by 5.2 percent, per capita GNI accelerated by 6.0 percent while per capita Household Final Consumption Expenditures (HFCE) decelerated by 4.5 percent. RUBRIK SA PAGMAMARKA NG SANAYSAY Napakahusay (3) Mahusay (2) Hindi Mahusay (1) NAKUHANG PUNTOS Nilalaman Nakapagpakita ng higit sa tatlong katibayan ng pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Nakapagpakita ng tatlong katibayan ng pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Nakapagpakita ng kulang sa tatlong katibayan ng pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Mensahe Maliwanag at angkop ang mensahe. Di-gaanong maliwanag ang mensahe. Di-angkop ang mensahe Oras/ Panahon Nakasunod sa tamang oras ng paggawa. Lumagpas ng isang minuto sa paggawa. Lumagpas ng higit sa isang minuto sa paggawa. Kabuuang Puntos
  • 24.
    176 DEPED COPY Gawain 9:KITA NG AKING BAYAN Papuntahin ang mga mag-aaral sa ingat yaman (treasurer) ng pamahalaang panlungsod o munisipalidad. Hayaan silang humingi ng sipi ng kita at gastusin sa loob ng limang taon. Ipasuri kung may paglago sa ekonomiya ng kanilang lokal na komunidad. Maaaring ipalipat sa graph ang nakuhang datos upang maging mas maliwanag ang pagsusuri. Ipasulat ang ginawang pagsusuri sa isang buong papel at ipapasa. Gawain 10: GRAPH AY SURIIN Maaaring tingnan ng mga mag-aaral ang website ng National Statistical Coordination Board (NSCB) o iba pang mapagkakatiwalaang website sa Internet. Mula rito ay hayaan silang magsaliksik tungkol sa Gross National Income at Gross Domestic Product ng Pilipinas mula taong 2008 hanggang 2013. Pagawain sila ng vertical bar graph gamit ang Microsoft Excel o iba pang application sa kompyuter. Ipa-print ang nabuong graph at upang maipasa ito. Pasagutan din ng buong katapatan ang checklist sa ibaba. Palagyan ng isang tsek (/) ang bawat aytem: CHECKLIST SA NATUTUHAN AYTEM NATUTUHAN DI-GAANONG NATUTUHAN HINDI NATUTUHAN 1. Pagkakaiba ng GNI sa GDP 2. Mga paraan ng pagsukat sa GNI at GDP 3. Pagkompyut ng pambansang kita. 4. Kahalagahan ng pagsukat sa economic performance ng bansa 5. Naisabuhay at nagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ang natutuhan sa aralin Gawain 11: STATE OF THE COMMUNITY ADDRESS Base sa nakalap na datos ukol sa kita at gastusin ng pamahalaang panlungsod o munisipalidad na tinitirhan ng mga mag-aaral, hayaan silang gumawa ng talumpati ukol sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya sa kanilang komunidad. Pagtutuunan nila ng pansin kung papaano tinutugunan ang mga suliraning pangkabuhayan ng kanilang pamahalaang lokal. Iparinig ang talumpati sa loob ng silid-aralan. Gawing gabay ang rubrik sa pagmamarka ng talumpati.
  • 25.
    177 DEPED COPY Rubrik saPagmamarka ng Talumpati Napakahusay (3) Mahusay (2) Hindi Mahusay (1) NAKUHANG PUNTOS Nilalaman Nakapagpakita ng higit sa tatlong katibayan ng pagsulong ng ekonomiya ng lungsod o munisipalidad. Nakapagpakita ng tatlong katibayan ng pagsulong ng ekonomiya ng lungsod o munisipalidad. Nakapagpakita ng kulang sa tatlong katibayan ng pagsulong ng ekonomiya ng lungsod o munisipalidad Pagsasalita Maliwanag at nauunawaan ang paraan ng pagbigkas ng talumpati. Di-gaanong maliwanag ang paraan ng pagbigkas ng talumpati. Hindi maliwanag ang paraan ng pagbigkas ng talumpati. Oras/Panahon Nakasunod sa tamang oras. Lumagpas ng isang minuto. Lumagpas ng higit sa isang minuto. Pagsasabuhay Makatotohanan at magagamit ang impormasyon sa pang-araw-araw na pamumuhay. Di-gaanong makatotohanan at hindi- gaanong magagamit sa pang- araw-araw na pamumuhay. Hindi makatotohanan at hindi magagamit sa pang- araw-araw na pamumuhay. Kabuuang Puntos Gawain 12: MAGBALIK TANAW Ngayon ay maaari nang itala ng mga mag-aaral ang lahat ng bagay at impormasyon na kanilang natutuhan. Maaari nilang balikan ang una at ikalawa nilang kasagutan sa katanungang ito, at kung may mga pagkakamali ay maaari na ring itama sa bahaging ito ng aralin. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa? _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ __________________________________
  • 26.
    178 DEPED COPY PANIMULA Angkakayahang kumonsumo ng tao ay nakabatay sa salapi na maaari nitong gastusin. Ang salapi namang maaaring maimpok ay nakabatay kung magkano ang matitirang salapi matapos ibawas ang salaping ginamit sa pagkonsumo. Mauunawaan sa araling ito ang ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo. Sa pagtatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahan nang nakapagpapahayag ng kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok. ARALIN 3: UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK, AT PAGKONSUMO Gawain 1: LARAWANG HINDI KUPAS! Ipasuri ang larawan at ipasagot ang mga pamprosesong tanong. ALAMIN Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng mag-aaral tungkol sa ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo at kung bakit kailangang maunawaan ang kahalagahan ng ugnayan nito sa isa’t isa?
  • 27.
    179 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1.Ano ang ipinahihiwatig ng larawan? 2. Kung ikaw ay may trabaho at kita, saan mo iyon gagastusin? Gawain 2: KITA, GASTOS, IPON Hayaang bigyan ng sariling interpretasyon ng mga mag-aaral ang graph sa ibaba. Maaaring maiugnay ang konsepto ng kita, pag-iimpok, at pagkonsumo sa interpretasyon. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang may pinakamataas at pinakamababang bar sa graph? Ano ang ibig ipahiwatig nito? 2. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang dapat na pinakamataas sa mga bar ng graph? Bakit? 3. Batay sa kahalagahan, ayusin ang sumusunod: kumita, gumastos, o mag-ipon? Sa susunod na bahagi ay sasagutan ng mga mag-aaral ang Gawain 3 upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo. KURYENTE TUBIG PAGKAINIPON Kita 1 Kita 3 Kita 2
  • 28.
    180 DEPED COPY Gawain 3:BE A WISE SAVER Papunan nang matapat na kasagutan ang kahon sa ibaba. Muling ipasasagot ang katanungang ito matapos ang PAUNLARIN. Tandaan na tanggapin ang lahat ng magiging kasagutan ng mga mag-aaral sa bahaging ito. Papaano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo? ANG PAGKAKAALAM KO _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ Matapos maorganisa ng mag-aaral ang mga paunang kaalaman tungkol sa ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo, gagabayan sila para sa susunod na bahagi ng aralin upang higit na maunawaan nang mas malalim ang konsepto. PAUNLARIN Matapos malaman ng mga mag-aaral ang paunang impormasyon tungkol sa paksang-aralin, ngayon naman ay lilinangin nila ang mga kaisipan/kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na sadyang inihanda upang maging batayan ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan ng mag-aaral ang mga mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa pangkalahatang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo. Mula sa mga inihandang gawain at teksto ay inaasahang gagabay ito sa mag-aaral upang masagot kung papaano nauugnay ang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo. Paano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo?
  • 29.
    181 DEPED COPY Gawain 4:Ipasuri ang pigura sa ibaba. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pakakaiba ng Kita, Pagkonsumo, at Pag-iimpok? 2. Ano ang papel na ginagampanan ng financial intermediaries? 3. Kung ikaw ay mag-iimpok, ano ang maaari mong pakinabang dito? Gawain 4: MAGKUWENTUHAN TAYO Sabihin sa mga mag-aaral ang sumusunod na pahayag. Nasubukan mo na bang mag-ipon? Palagi ba na kulang ang perang ibinibigay sa iyo kaya hindi ka makaipon? Kung nakaipon ka, ano ang ginawa mo sa perang naipon mo? Kung malinaw para sa iyo ang gusto mong mabili o makamit ay hindi malalayo na makakaipon ka kahit wala halos natitirang pera sa bulsa mo. Tunghayan mo ang kuwento. KALAYAAN SA KAHIRAPAN Kathang isip ni: Martiniano D. Buising Si Jonas ay isang mag-aaral sa sekondarya. Mayroon siyang baon na dalawampu’t limang piso (Php25) bawat araw. Ang kaniyang pamasahe ay Php10 papasok at Php10 rin pauwi. Samakatuwid, mayroon lamang siyang Php5 para sa kaniyang pagkain at iba pang pangangailangan. Upang makatipid, gumigising siya nang maaga at naghahanda ng kaniyang pagkaing babaunin sa pagpasok. Kung maaga pa, naglalakad na lamang siya papasok sa paaralan. Financial Intermediaries Financial Intermediaries Commercial Banks Savings and Loans Credit Unions Finance Companies Life Insurance Companies Mutual Funds Pension Funds Nag-iimpok Nangungutang Naimpok (Savings) Utang (Loans) Interes at Dibidendo (Interest and Dividends) Pag-aari (Assets)
  • 30.
    182 DEPED COPY At sauwian sa hapon, naglalakad din siya kung hindi naman umuulan o kung hindi nagmamadali. May mga pagkakataon na hindi niya nagagastos ang kaniyang allowance, dahil may nanlilibre sa kaniya ng meryenda, at minsan naman ay ibinabayad na siya ng kaibigan ng pamasahe. Basta may natirang pera, inilalagay niya iyon sa kaniyang savings. Sa loob ng isang buwan, nakakaipon si Jonas ng Php100 hanggang Php150 daang piso at idinideposito niya iyon sa bangko. Parang isang natural na proseso lang para kay Jonas ang pag-iipon, bilhin ang kailangang bilhin, at huwag bilhin ang hindi kailangan, at ang matitira ay ilalagay sa savings. Sa tuwing may okasyon at may nagbibigay sa kaniya ng pera bilang regalo, hindi rin niya iyon ginagastos at inilalagay rin niya sa kaniyang savings account. Hindi masasabing kuripot si Jonas, dahil may mga pagkakataong gumagastos din siya mula sa kaniyang ipon upang ibili ng pangangailangan sa paaralan at sa kanilang bahay. Nakaipon si Jonas ng limang libong piso sa bangko at nagkataong mayroong iniaalok na investment program ang bangko sa loob ng sampung (10) taon. Sinamantala niya ang pagkakataon at siya ay nag-enrol sa nasabing programa kung kaya’t ang kaniyang perang nakatabi bilang investment ay may kasiguruhang kikita ng interes. Gayumpaman, nagpatuloy pa rin si Jonas sa pag-iipon at pagdedeposito sa investment program sa tuwing siya ay makaipon ng limang libong piso, hanggang sa siya ay makagraduate ng kolehiyo at makapagtrabaho. Ang lahat ng kaniyang bonus, allowance, at iba pang pera na hindi nagmula sa kaniyang suweldo ay deretso niyang inilalagay sa investment program. Dahil may sarili na siyang kita, natuto na rin siyang ihiwalay ang 20% ng kaniyang kita para sa savings at ang natitira ay hahati- hatiin niya sa kaniyang pangangailangan. Kung may sobra pang pera na hindi nagamit, inilalagay niya pa rin sa kaniyang savings. Makalipas ang sampung taon, ang perang naipon ni Jonas sa investment program ay umabot na sa halos isang milyon. Muli niyang inilagak sa ibang investment program ang kaniyang pera at kumita na ito ng humigit kumulang sa dalawampung libong piso (Php20,000.00) sa loob ng isang buwan. Malaya na si Jonas sa kahirapan, bukod sa kaniyang suweldo mula sa trabaho ay may inaasahan pa siyang kita ng kaniyang investment buwan-buwan. Pamprosesong Tanong: 1. Sa iyong palagay, kahanga-hanga ba ang katangiang ipinakita ni Jonas? Bakit? 2. Anong aral na maaaring mapulot mula sa kuwento? Ipaliwanag. 3. Kung ikaw si Jonas, saan mo gagamitin ang perang naipon mo ng sampung (10) taon?
  • 31.
    183 DEPED COPY Gawain 5:BABALIK KA RIN Hayaang balikan ng mag-aaral ang aralin tungkol sa paikot na daloy ng ekonomiya. Pangkatin sa dalawa ang klase. Magtalaga ng lider sa bawat pangkat. Ang unang pangkat ay tatalakay sa konsepto at ugnayan ng kita at pagkonsumo. Ang ikalawang pangkat naman ay tatalakay sa konsepto at ugnayan ng kita at pag-iimpok. Matapos ito ay ipaulat sa bawat pangkat ang kanilang paksa at sagutin ang mga pamprosesong tanong. UNANG PANGKAT: Batay sa modelo ng paikot na daloy, ang mga salik ng produksiyon; lupa, paggawa, kapital, at kakayahang entrepreneurial ay nagmumula sa sambahayan. Ang bahay-kalakal naman ay responsable upang pagsama- samahin ang mga salik ng produksiyon upang mabuo ang produkto at serbisyo. Sa ating dayagram sa ibaba, makikita na ang halagang Php100,00 ay napunta sa sambahayan mula sa bahay-kalakal bilang kabayaran sa mga salik ng produksiyon. Magsisilbi itong kita ng sambahayan. Samantala magagamit ng sambahayan ang naturang halaga bilang pagkonsumo. Ang Php100,000 ay mapupunta sa bahay-kalakal bilang kabayaran sa mga nabuong produkto at serbisyo. Ang gastos ng bahay-kalakal bilang kabayaran sa mga salik ng produksiyon ay nagsisilbing kita ng sambahayan. Sa kabilang banda, ang paggastos ng sambahayan bilang kabayaran sa nabuong produkto at serbisyo ay nagsisilbing kita ng bahay-kalakal. Ipinapakita sa paikot na daloy ang pag- aasahang nagaganap sa pagitan ng sambahayan at bahay-kalakal. Sa panig ng Sambahayan (S) Kung saan: Y = C Y = Kita Php100,000 = Php100,000 C = Pagkonsumo Sa panig ng Bahay-kalakal (B) Y = C Php100,000 = Php100,000
  • 32.
    184 DEPED COPY Angkalagayang ito ay tinatawag na makroekonomikong ekwilibriyo kung saan ang kita (Y) sa panig ng sambahayan ay katumbas sa pagkonsumo (C) o kaya sa panig ng bahay-kalakal, ang kita sa produksiyon (Y) ay katumbas ng pagkonsumo. Pinagkunan: Balitao, B., Cruz, N., Rillo, J. (2004). Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad Makabayan Serye. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc. PANGALAWANG PANGKAT: Ipinapakita sa dayagram na hindi lahat ng kita ng sambahayan ay ginagamit sa pagkonsumo. May bahagi ng kita ng sambahayan na hindi ginagasta. Ang salaping hindi ginagastos ay tinatawag na impok (savings). Sa ating halimbawa ang kita ng sambahayan na Php100,000 mula sa bahay- kalakal bilang kabayaran sa mga salik ng produksiyon ay hindi ginagasta lahat. Ang Php10,000 ay napupunta sa pag-iimpok kaya ang kabuuang pagkonsumo ay aabot na lamang sa Php90,000. Mapapansin na ang halagang Php10,000 bilang impok ay papalabas (outflow) sa paikot na daloy. Ang halagang Php10,000nainimpokngsambahayanaymaaaringgamitinngmgainstitusyong pinansiyal bilang pautang sa bahay-kalakal bilang karagdagang puhunan. Sa ganitong pagkakataon, ang pamumuhunan ay nagsisilbing dahilan upang muling pumasok ang lumabas na salapi sa paikot na daloy.
  • 33.
    185 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang ipinakikita ng dayagram? 2. Paano nagkakaugnay ang kita, pagkonsumo, at pag-iimpok? 3. Ano ang naging resulta ng naturang ugnayan? 4. Bakit mahalaga na malaman ang kita, pagkonsumo, at pag-iimpok ng isang bansa? Ipaliwanag. Rubrik sa Pagmamarka ng Pag-uulat Mga Kraytirya Natatangi (5 puntos) Mahusay (4 puntos) Hindi gaanong Mahusay (3 puntos) Hindi Mahusay (2 puntos) 1. Kaalaman at Pagkakaunawa sa Paksa 2. Organisasyon/ Presentasyon 3. Kalidad ng Impormasyon o Ebidensiya Kabuuang Puntos Gawain 6: BE A WISE SAVER Muli mong ipasagot sa mag-aaral ang katanungan sa kabilang pahina. Ngayon ay inaasahang maiwawasto na nila ang kanilang kasagutan gamit ang mga natutuhan sa mga gawain at aralin. Sa panig ng Sambahayan (S): Sa panig ng bahay-kalakal (B): Y = C + S Y = C + I Php100,000 = Php90,000 + Php10,000 Php100,000 = Php90,000 + Php10,000 C + S = Y = C + I Samakatwid, S = I Lumalabas na kita (outflow) = Pumapasok na kita (inflow) Kung saan: S = Pag-iimpok I = Pamumuhunan Pinagkunan: Balitao, B., Cruz, N., Rillo, J. (2004). Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad Makabayan Serye. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc.
  • 34.
    186 DEPED COPY Gawain 7:IDEKLARA IYONG YAMAN Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth. Nakasaad ang impormasyon sa Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for public officials and Employees Section 4 (h) Simple living. - Public officials and employees and their families shall lead modest lives appropriate to their positions and income. They shall not indulge in extravagant or ostentatious display of wealth in any form. SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth). Ito ay deklarasyon ng lahat ng pag-aari (assets), pagkakautang (liabilities), negosyo, at iba pang financial interest ng isang empleyado ng gobyerno, kasama ang kaniyang asawa at mga anak na wala pang 18 taong gulang. Ipagawa rin ito upang malaman ng mga mag-aaral ang kanilang kalagayang pinansyal. Dahilan sa maaaring kakaunti pa ang kanilang pag-aari Papaano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo? ANG PAGKAKAALAM KO _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ Matapos mapalalim ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman ukol sa ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo, maaari na silang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Gagabayan ang mga mag- aaral para sa mas malalim na pag-unawa ng konsepto. PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ng mag-aaral ang mga nabuo nilang kaalaman ukol sa ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo. Kinakailangan ng mas malalim na pagtalakay sa konsepto upang maihanda ang mga mag-aaral sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan. Papaano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo?
  • 35.
    187 DEPED COPY (asset), ipasamaang mga simpleng bagay na mayroon sila katulad ng relo, damit, kuwintas, sapatos, singsing, at iba pang personal na gamit na mayroon pang halaga. Papunan sa mga mag-aaral ng kunwariang datos ang SALN na nasa ibaba bilang pagpapakita ng kanilang pamumuhay. Sagutan din ang mga pamprosesong tanong. Pag-aari (Asset) Halaga Php Kabuuang halaga Php_____________ Pagkakautang (Liabilities) Halaga Php Kabuuang halaga Php_____________ Asset – Liabilities = Php_____________ Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang naramdaman mo habang ginagawa ang gawain? 2. May natira ka bang asset matapos maibawas ang liability? 3. Ano ang ipinapahiwatig ng kalagayang ito sa iyong buhay bilang isang mag-aaral? 4. Anoangdapatmonggawinmataposmongmalamanangkasalukuyan mong kalagayang pinansiyal? Gawain 8: KITA AT GASTOS NG AMING PAMILYA Sabihin sa mga mag-aaral ang sumusunod na pahayag: Alamin ang buwanang kita ng iyong pamilya. Kapanayamin ang iyong mga magulang kung papaano ginagastos ang kita ng pamilya sa loob ng isang buwan. Gamitin ang talahanayan bilang gabay. Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong tanong.
  • 36.
    188 DEPED COPY PINAGMUMULAN NGKITA BAWAT BUWAN HALAGA 1. Suweldo 2. Iba pang Kita KABUUANG KITA GASTOS BAWAT BUWAN HALAGA 1. Pagkain 2. Koryente 3. Tubig 4. Matrikula/Baon sa Paaralan 5. Upa sa bahay 6. Iba pang Gastusin KABUUANG GASTOS KABUUANG KITA – GASTOS BAWAT BUWAN Pamprosesong Tanong: 1. Batay sa ginawa mong talahanayan, mas malaki ba ang kita ng iyong pamilya kumpara sa gastusin? 2. Kung mas malaki ang gastusin kaysa kita ng pamilya, paano ninyo ito natutugunan? 3. Ano ang nararapat ninyong gawin upang hindi humantong sa mas malaking gastos kumpara sa kita? 4. Kungmasmalaki naman angkitakumpara sagastusin,maybahagi ba ng natirang salapi na napupunta sa pag-iimpok? sa pamumuhunan? Idetalye ang sagot. Gawain 9: BE A WISE SAVER Papunan ng matapat na kasagutan ang kahon sa ibaba. Muling sasagutan ang katanungang ito matapos ang PAUNLARIN. Tandaan na tatanggapin ang lahat ng magiging kasagutan ng mga mag-aaral sa bahaging ito. PANIMULA Papaano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok at pagkonsumo ? ANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO AY NAGKAKAUGNAY ______________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ________ ANG KITA, PAG-IIMPOK, AT PAGKONSUMO AY NAGKAKAUGNAY Papaano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo?
  • 37.
    189 DEPED COPY PANIMULA Pangunahingisyu sa lahat ng tao ang suliranin sa patuloy na pagtaas ng presyo. Maraming mamamayan, noon at ngayon, ang nahaharap sa hamon ng walang tigil na pagbabago sa mga presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo. Dahil dito, ang bawat isa ay napipilitang humanap ng mas matatag na hanapbuhay upang matugunan ang kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan. Kaugnay nito, kinakailangang maiayos ng pamahalaan ang pangkalahatang presyo sa ekonomiya. Ito ay bilang pagsisiguro na ang mamamayan ay matutulungan na maitawid sa mga pangangailangan upang mabuhay nang sapat. Sa ganitong aspekto pumapasok ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan. Kung kaya’t ang pangunahing pokus mula sa bahaging ito ng modyul ay ang mga patakaran ng pamahalaan bilang instrumento sa pagpapatatag ng ekonomiya. Sa iyong pagtahak sa landas ng kaalaman sa araling ito, ikaw ay haharap sa mga tekstong magbibigay-kabatiran at mga mapanghamong gawain na sadyang pupukaw ng iyong interes at magbibigay sa iyo ng kaalaman. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay nakapagsusuri ng konsepto at palatandaan ng implasyon, natataya ang dahilan ng pagkakaroon ng implasyon, at aktibong nakalalahok sa paglutas ng implasyon. ARALIN 4 IMPLASYON Gawain 1: LARAWAN SURIIN! Ipasuri ang karikatura na nasa susunod na pahina. Hayaan na magkaroon ng iba’t ibang pananaw ang mag-aaral tungkol dito. Matapos ang pagsusuri, gamitin bilang gabay sa pagtalakay ang mga pamprosesong tanong. ALAMIN Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa implasyon at kung ano ang mga palatandaan, epekto, at mga paraan sa paglutas ng mga suliraning kaugnay nito.
  • 38.
    190 DEPED COPY ‘Ang Paglipad’ Iginuhitni Gab Ferrera Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan? 2. Ano ang basehan ng inyong naging obserbasyon? 3. Sa inyong palagay, ano ang maaaring maging dahilan ng ganitong sitwasyon? Gawain 2: MAGBALIK-TANAW! Batay sa talahanayan sa ibaba, ipatanong sa mag-aaral ang mga presyo ng mga produktong nasa talahanayan sa kanilang mga lolo at lola, tatay at nanay, mga kuya at ate. Hayaang ibahagi sa klase ang mga natipong impormasyon. PRODUKTO PRESYO NG PRODUKTO noong 3rd Year High School Sila Panahon nina Lolo at Lola Panahon nina Tatay at Nanay Panahon nina Kuya at Ate Kasaluku- yang Taon 1 kilong bigas 1 lata ng sardinas 25 grm. kape 1 kilong asukal 1 kilong galunggong Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang napansin mo sa presyo ng mga produkto ayon sa mga panahong ibinigay? 2. Sa iyong palagay, bakit nagkakaroon ng pagbabago sa presyo ng mga produkto?
  • 39.
    191 DEPED COPY 3. Paanonaaapektuhan ang inyong pamilya at ang ibang tao sa pagbabago sa presyo? Gawain 3: I-KONEK MO Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan ang baitang ng kaalaman sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa aspektong ito ay pupunan nila ang Alam ko… upang masukat ang inisyal na kasagutan sa katanungang itinuturo ng arrow. Ang Nais Kong Matutuhan…ay sasagutan naman ng mag-aaral pagkatapos ng bahagi ng paunlarin at ang Natutuhan ko…ay pupunan pagkatapos ng gawain sa pagnilayan. Maaari itong ilagay sa portfolio o kuwaderno dahil ito ay kakailanganin hanggang sa dulong bahagi ng modyul na ito. Sa susunod na bahagi ay sasagutan ng mga mag-aaral ang isang tsart upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa implasyon. Paano ka makatutulong sa paglutas ng mga suliraning kaugnay ng implasyon? Matapos maorganisa ang mga paunang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa implasyon, ihanda sila sa susunod na bahagi ng aralin upang higit na maunawaan nang mas malalim ang konsepto ng implasyon. PAUNLARIN Matapos malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan ng mga mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa implasyon. Inaasahang magagabayan sila ng mga inihandang gawain at teksto upang masagot kung paano sila makakatulong sa paglutas ng mga suliraning kaugnay ng implasyon. Halina’t umpisahan sa pamamagitan ng gawain na nasa susunod na pahina. Alam Ko Nais Kong matutuhan Natutuhan Ko
  • 40.
    192 DEPED COPY Gawain 4:IKAW NAMAN ANG MAGKOMPYUT Mula sa talahanayan, hayaan ang mag-aaral na punan ng tamang sagot ang mga column ng CPI, Antas ng Implasyon at Purchasing Power. Gamitin ang 2008 bilang batayang taon sa pagkompyut. Matapos ito, gamitin ang mga pamprosesong tanong upang ganap na maunawaan ang gawain. Taon Total Weighted Price C P I Antas ng Implasyon Purchasing Power 2008 1 300 - - 2009 1 500 2010 1 660 2011 1 985 2012 2 000 2013 2 300 Pamprosesong Tanong: 1. Mula sa talahanayan, ano ang may pinakamataas na CPI? 2. Anong taon ang may pinakamalaking bahagdan ng pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga pangunahing produkto na kabilang sa basket of goods? 3. Ano ang kahalagahan sa iyo bilang miyembro ng pamilya ninyo, na matukoy ang tunay na halaga ng piso? Ipaliwanag. 4. Paano mo mailalarawan ang karaniwang reaksyon ng iyong mga magulang sa tuwing may pagtataas ng presyo sa mga bilihin? Pangatwiranan. Gawain 5: DAHILAN O BUNGA Ipasuri ang sumusunod na sitwasyon. Ipatukoy kung ano sa mga ito ang dahilan ng implasyon o bunga ng implasyon. Ipasulat ang DI para sa dahilan ng implasyon o BI para sa bunga ng implasyon sa kanilang papel o kuwaderno. 1. Malaking bahagi ng badyet ng bansa ang napupunta sa pambayad- utang. 2. Mas malaki ang gastusin sa military kaysa sa agrikultura. 3. Maraming produkto ang hindi kayang bilhin ng mamamayan. 4. Maraming mag-aaral ang hindi na kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang. 5. Paghingi ng karagdagang sahod ng mga manggagawa. 6. Mataas na halaga ng mga materyales na kailangan sa produksiyon. 7. Mataas na interes ang ipinapataw sa mga utang.
  • 41.
    193 DEPED COPY Gawain 6:LARAWAN–SURI Ipasuri ang mga larawan. Ibahagi ang pananaw na nabuo mula rito. Pinagkunan: http://www.imagestock.com/directory/i/industrial_rmarket.asp,http://www.imagestock.com/directorywelga _asp, http:// www.imagestock.com/ibon _asp. Retrieved on July 14, 2014 Pamprosesong Tanong: 1. Paano maiuugnay ang mga larawan sa konsepto ng implasyon? 2. Ano ang maaaring ibunga ng sumusunod na larawan? 3. Ikaw bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong imungkahi bilang iyong ambag sa pagharap at pagtugon sa epekto ng implasyon sa ekonomiya? Gawain 7: I-KONEK MO Sa puntong ito, maaari ng pasagutan sa mga mag-aaral ang ikalawang kahon ng Nais Kong Matutuhan… subalit ang ikatlong kahon na Natutuhan Ko… ay hahayaan lamang na walang laman sapagkat maaari lamang itong sagutan sa pagtatapos ng bahagi ng PAGNILAYAN. Tandaan na dapat itong sagutan sa kanilang portfolio o kuwaderno. Paano ka makakatulong sa paglutas sa suliranin kaugnay ng implasyon?Alam Ko Nais Kong matutuhan Natutuhan Ko
  • 42.
    194 DEPED COPYGawain 8:MAKIBALITA TAYO Presyo ng Iba pang Pangunahing Bilihin, Tumaas Na Rin By dzmm.com.ph | 09:37 PM 06/18/2014 Kasunod ng pagtaas ng pamasahe sa jeepney, sunod-sunod na rin ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Bukod sa una nang napabalitang pagtaas ng presyo ng bawang, luya, bigas, at asukal, tumaas na rin ang presyo ng manok at baboy habang nagbabadya naman ang pagtaas ng ilang brand ng gatas at produktong de lata.  Dahil dito, nagpulong ngayong Miyerkules ang National Price CoordinatingCouncil(NPCC)paratalakayinangsunod-sunodnapagtaas na ito ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Sa kaso ng bawang, sinabi ni NPCC Chairman at Trade and Industry Secretary Gregory Domingo sa panayam ng DZMM na nagkaroon lang ng temporary shortage. Aniya, 30% lang ng suplay ng bawang ang nagmumula sa lokal na supplier habang ang nalalabing 70% ay nagmumula na sa importasyon. Naipit lang aniya ang ibang suplay sa mga port at inaasahang babalik na sa normal ang presyo sa loob ng dalawang linggo hanggang isang buwan. Matatandaang naglunsad na rin ng caravan ang gobyerno na nagbebenta ng mga murang bawang. Sa pagtaas naman ng commercial na bigas, tutugunan ito ng National FoodAuthority (NFA) sa pamamagitan ng pagdodoble ng inilalabas nilang bulto ng bigas.  Sa kaso naman ng pagtaas ng presyo ng manok, ipinaliwanag ng Matapos mapalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa implasyon, maaari na silang tumungo sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda ang mga mag-aaral para sa mas malalim na pag-unawa ng implasyon. PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ng mga mag-aaral ang mga nabuo nilang kaalaman ukol sa implasyon. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa implasyon upang maihanda sila sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan.
  • 43.
    195 DEPED COPY broiler groupsna bumagal ang paglaki ng mga manok dahil sa labis na init na panahon na naranasan nitong mga nakalipas na buwan.  Tiniyak naman ng mga ito na babalik din sa normal ang presyo sa mga susunod na linggo. Pinayagan naman ng DTI ang pagtaas ng presyo ng gatas dahil sa pagtaas ng world price nito.  May hiling na rin para naman itaas ang presyo ng de lata at bagama’t hindi pa ito inaaprubahan, sinabi ni Domingo na karaniwan naman nilang pinapayagan ang pagtaas basta’t malapit sa antas ng inflation. “Kailangan talaga every year may ine-expect ka na pag-akyat kahit konti,” sabi pa ng kalihim. (With a report from Alvin Elchico, ABS- CBN News) Pinagkunan: Elchico, A (2014). News Presyo ng Iba pang Pangunahing Bilihin, Tumaas Na Rin. ABS-CBN:Philippines - http://dzmm. abs-cbnnews.com/news/National/Presyo_ng_iba_pang_pangunahing_bilihin,_tumaas_na_rin.html retrieved on July 15, 2014 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pangunahing impormasyon na ipinahahatid ng balita? 2. Ano ang iyong reaksiyon matapos mong basahin ang balita? 3. Bilang isang mag-aaral, paano ka at ang iyong pamilya ay naapektuhan ng isyung tinalakay? Patunayan. Gawain 9: MAG-SURVEY TAYO Sabihan ang mag-aaral na magsagawa ng sarbey sa mga kamag-aral nila na nasa ika-apat na taon. Batay sa inihandang listahan ng mga posibleng maiaambag ng isang mag-aaral upang makontrol ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kanilang pagsusunud-sunurin ang mga sitwasyon sa ibaba ayon sa kanilang pananaw at paniniwala. Ipasulat lamang ang bilang 1 na susundan ng 2, 3… hanggang sa pinakahuling bilang. Magkaroon ng pag-uulat tungkol sa nakalap na impormasyon. _____pag-iimpok sa natirang baon _____pag-aayos ng lumang gamit upang muling magamit _____pagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan sa paaralan at sa tahanan _____iwasan ang pag-aaksaya ng koryente sa tahanan maging sa paaralan _____matutong magbadyet _____pagnanais na makabili ng maramihang bilang ng produkto _____pagsasaayos ng prayoridad sa paggastos _____pagbili ng mga produktong gawang Pilipino _____paglalaan ng tamang oras sa paggamit ng kompyuter at iba pang gadyet _____pagnanasa na makapagtabi sa bahay ng maraming dayuhang salapi _____maayos na paggamit sa mga pampublikong pasilidad iba pa____________________________________________________
  • 44.
    196 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Anoangnagingpangkalahatangresultangnakalapnaimpormasyon? 2. Batay sa nakuhang impormasyon, masasabi mo bang bukas ang isipan ng mga mag-aaral na makatulong sa paglutas ng suliranin ng implasyon? Pangatwiranan. 3. Paano tinanggap ng mga mag-aaral ang mga mungkahing paraan upang makatulong at makapag-ambag sa paglutas ng suliranin ng implasyon? Gawain 10: SAMA-SAMA TAYO Matapos ang masusing pagtalakay sa implasyon, inaasahan na naunawaan ng mag-aaral kung paano ito nakaaapekto sa buhay ng tao. Bawat isa ay may responsibilidad na makapag-ambag upang mapamahalaan ang pagtaas ng presyo. Magpagawa ng isang komitment kung paano sila makapag- aambag na maiwasan ang pagtataas ng presyo ng mga bilihin. Hikayatin na maging malikhain sa pag-post ng mga komitment sa Facebook at iba pang social media. Para sa mga paaralan na walang access sa Internet, maaaring ipaskil sa loob ng paaralan ang mga output upang maipabatid sa mga kamag- aral ang komitment na ginawa. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pangunahing nilalaman ng iyong komitment? 2. Paano mo matitiyak na ang isinagawang komitment ay makapag- aambag sa kabutihan ng bayan? 3. Ano ang iyong mga isinaalang-alang sa paggawa ng komitment? Ipaliwanag. Gawain 11: TAYAHIN ANG IYONG PAG-UNAWA Sa puntong ito, maaari ng isagawa ng mag-aaral ang huling kahon at sagutin ang bahaging Natutuhan Ko. Tandaan na dapat maitago sa kanilang portfolio o kuwaderno ang tsart sapagkat ito ay maaaring maging proyekto nila. Paano ka makakatulong sa paglutas sa suliranin kaugnay ng implasyon? Alam Ko Nais Kong matutuhan Natutuhan Ko
  • 45.
    197 DEPED COPY Transisyon saSusunod Na Aralin: Inaasahang naunawaan ng mag-aaral kung ano ang implasyon at ang mga dahilan at epekto nito sa bawat mamamayan. Hinimay rin ang mahahalagang impormasyon upang maunawaan ang dahilan ng isa sa mga suliraning binabalikat ng bawat pamilya. Kaugnay nito, tatalakayin sa susunod na aralin ang isang mahalagang konsepto sa makro-ekonomiks, ang patakarang piskal. Ito ang isa sa mga paraang ginagamit ng pamahalaan upang maiwasan ang epektong dulot ng implasyon. Makikita at mauunawaan ng mag-aaral ang mga estratehiya ng pamahalaan upang masiguro na ang pagbibigay ng serbisyo publiko ay hindi makadaragdag sa suliranin na kaakibat ng implasyon. Bagkus, ang mga paraang ito ay makatutulong na maiwasto ang daloy ng presyo at ng pananalapi sa bansa.
  • 46.
    198 DEPED COPY PANIMULA Sa nakaraangaralin, tinalakay natin ang implasyon. Malinaw nating sinuri ang malaking pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa mga nagdaang panahon. Ito ay isang katotohanan ng buhay na hindi magagawang matakasan ninuman. Bagama’t isang malaking suliranin ang implasyon sa pambansang ekonomiya, ang kaalaman tungkol dito ay makatutulong para maiwasan ang paglala nito. Kaugnay ng suliraning dulot ng implasyon, ating tatalakayin ang isang pamamaraan ng pamahalaan upang matugunan ang negatibong epekto ng implasyon. Sa pamamagitan ng pangangasiwa sa mga gastusin ng pamahalaan, inaasahang matatamo ang katatagan ng ekonomiya. Sama-sama nating unawain ang maaaring impluwensiya ng pamahalaan sa pamamagitan ng patakarang piskal. Kaya muli kitang iniimbitahan sa pagtalakay ng bagong aralin upang iyong maunawaan ang kahalagahan ng paglikom ng pondo ng pamahalaan at upang matustusan ang mga programa at proyektong pangkaunlaran nito. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay nakapagpapaliwanag sa mga layunin ng patakarang piskal, nakapagpapahalaga sa papel na ginagampanan ng pamahalaan kaugnay ng mga patakarang piskal na ipinapatupad nito, nakapagsusuri ng badyet at ang kalakaran ng paggasta ng pamahalaan, nakababalikat ng pananagutan bilang mamamayan sa wastong pagbabayad ng buwis, at naiuugnay ang mga epekto ng patakarang piskal sa katatagan ng pambansang ekonomiya. ARALIN 5 PATAKARANG PISKAL ALAMIN Ang mga panimulang gawain sa araling ito ay tutuklas sa kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa patakarang piskal ng bansa at kung paano ito maaaring gamitin sa kanilang personal na karanasan o kaalaman bilang batayan sa pagsagot sa mga gawain. Halina at simulan natin ang Alamin.
  • 47.
    199 DEPED COPY Gawain 1:LARAWAN-SURI Ipasuri ang mga larawan. Mula sa mga opinyon ng mag-aaral, magkaroon ng talakayan batay sa mga pamprosesong tanong na nasa ibaba. Pinagkunan: http://www.imagestock.com/taxed-receipt/asp,http://www.imagestock.com/road-repair/asp retrieved on July 15, 2014 http://www.imagestock.com/bridge-road/asp retrieved on July 15, 2014 Pamprosesong Tanong: 1. Ilarawan ang nakikita mo sa mga larawan. 2. Anong mensahe ang mabubuo mo mula sa mga larawan? Ipaliwanag. Gawain 2: TALASALITAAN Ipahanap ang naaangkop na konsepto at tinutukoy ng mga kahulugan sa ibaba. Piliin lamang ang mga sagot mula sa loob ng kahon. 1. Pagbawas ng gastusin ng pamahalaan at pagtataas ng singil sa buwis upang maiwasan ang implasyon 2. Nagaganap kung mas malaki ang paggasta ng pamahalaan kumpara sa kita 3. Pagdagdag ng gastusin ng pamahalaan at pagbaba ng singil sa buwis upang tumaas ang kabuuang demand na magiging daan upang sumigla ang ekonomiya BUWIS SIN TAX PATAKARANG PISKAL BUDGET DEFICIT EXPANSIONARY FISCAL POLICY CONTRACTIONARY FISCAL POLICY
  • 48.
    200 DEPED COPY 4. Pagkontrolng pamahalaan sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagbubuwis at paggastos upang matamo ang maayos na daloy ng ekonomiya 5. Sapilitang kontribusyon sa pamahalaan upang maipatupad ang serbisyong pambayan. Pamprosesong Tanong: 1. Naging madali ba sa iyo na tukuyin ang kahulugan ng mga konsepto/ termino? Bakit? 2. Saan maaaring mabasa o marinig ang mga salitang ito? 3. Sa iyong palagay, kailangan bang maunawaan ang kahulugan ng mga konseptong nasa kahon? Ipaliwanag. Gawain 3: I-KONEK MO Ipabuo ang hindi tapos na pahayag na Alam ko na… at sa Nais kong mala- man… Simulan sa simple hanggang sa mahirap na antas ang maaaring maging ka- tanungan ng mga mag-aaral. Ipasulat sa patlang sa ibaba ang kanilang mga tanong tungkol sa paksa. Sa susunod na bahagi ay sasagutan ng mga mag-aaral ang isang tsart upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa paksa na patakarang piskal. Alam ko na ang patakarang piskal ay ____________________________ __________________________________________________________ _________________________________________________________ Nais kong malaman _________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ Matapos maorganisa ang mga paunang kaalaman ng mga mag- aaral tungkol sa patakarang piskal, ihanda sila sa susunod na bahagi ng aralin upang higit nilang maunawaan nang mas malalim ang konsepto ng patakarang piskal.
  • 49.
    201 DEPED COPY Gawain 4:ALIN ANG MAGKASAMA Ipatukoy at ipahanay ang mga patakaran na nasa loob ng kahon kung ito ay naaayon sa expansionary fiscal policy o contractionary fiscal policy. Magkaroon ng talakayan ayon sa naging gawain. Gawain 5: PAGTALUNAN NATIN ITO Ipangkat ang mag-aaral sa tatlo. Ang dalawang pangkat na may limang kasapi ang bawat isa ang magiging kalahok sa isang impormal na debate. Ang matitirang pangkat ang siyang magiging hurado sa nasabing gawain. Bigyan ng isang minuto ang bawat miyembro ng pangkat na kasali sa debate upang ipagtanggol ang kanilang panig kung sang-ayon o salungat sa: PAUNLARIN Matapos malaman ang mga pang-unang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan ng impormasyon ng mga mag-aaral. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan ng mga mag-aaral ang mahahalagang konsepto tungkol sa patakarang piskal. Inaasahang magagabayan sila ng mga inihandang gawain at teksto upang masagot kung paano naiuugnay ang mga epekto ng patakarang piskal sa katatagan ng pambansang ekonomiya. • Pagbaba ng singil sa buwis • Pagdaragdag ng gastusin ng pamahalaan • Pagtaas ng kabuuang demand • Pagbaba ng kabuuang demand • Pagtaas ng singil ng buwis • Pagbaba ng gastusin ng pamahalaan • Pagdaragdag ng supply ng salapi EXPANSIONARY FISCAL POLICY CONTRACTIONARY FISCAL POLICY
  • 50.
    202 DEPED COPY Paksa: Malakingbahagi ng badyet(19.6%) ang pambayad sa utang ng pamahalaan. Huwag nang magbayad ng utang upang gastusin sa mas mahalagang proyekto ng pamahalaan. Ang pangkat na naging hurado ay pipili ng pinakamahusay na pangkat na naipagtanggol ang kanilang panig. Gamiting pamantayan sa pagpili ang rubrik. Rubrik sa Pagmamarka ng Impormal na Debate Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos Paksa Maliwanag na sumunod sa paksang tatalakayin 4 Argumentasyon Nagpakita ng ebidensiya upang suportahan ang argument 10 Pagpapahayag Malinaw na naipahayag at maayos ang pananalita ng mga kasapi 6 Kabuuang Puntos 20 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang isinaalang-alang mo sa mga naging argumento sa pakikipagdebate? 2. Ano sa palagay mo ang pinakaimportanteng ideya sa naging debate? 3. Kung bibigyan ka ng pagkakataon, ano ang pipiliin mong panig? Pangatwiranan. Gawain 6: GAWA TAYO NG TINA-PIE Bigyanngpagkakataonangmag-aaralnamagbalangkasngpambansang badyet. Hayaan sila na gumawa ng desisyon kung ano ang kanilang magiging prayoridad. Ipaliwanag ang batayan ng kanilang mga desisyon. Ipakita ang nabalangkas na badyet sa isang maikling bond paper sa pamamagitan ng isang pie graph. Ipabahagi ang output sa klase. • Tanggulang Bansa • Social Services • Kalusugan • Agrikultura • Repormang Agraryo • Edukasyon
  • 51.
    203 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang mga naging basehan mo sa binalangkas na pambansang badyet? 2. Ikompara ang iyong prayoridad sa ginawang pagbabadyet sa prayoridad ng pamahalaan. 3. Paano mo mapangangatwiranan ang isinagawang alokasyon? Gawain 7: I-KONEK MO Muling pabalikan ang Gawain 3 sa ALAMIN at iwasto ang maling mga kasagutan. Gawain 8: MAGANDANG BALITA Ipabasa at ipaunawa ang nilalaman ng artikulo mula sa BIR Weekender Briefs. Hayaang makabuo ng sariling hinuha ang mag-aaral tungkol sa nilalaman ng artikulo. Gamiting gabay sa pagtalakay ang mga pamprosesong tanong. Natuklasan ko na ang patakarang piskal ay _______________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ Matapos mapalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa patakarang piskal, maaari na silang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda ang mga mag-aaral para sa mas malalim na pag-unawa ng patakarang piskal. PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ang mga nabuong kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa patakarang piskal. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa patakarang piskal upang maihanda sila sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan.
  • 52.
    204 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang tax evasion? 2. Bakit itinuturing itong labag sa batas? 3. Sa iyong palagay, ano pa ang maaaring gawin ng pamahalaan upang masigurong mahuhuli ang mga tax evader? Pangatwiranan. Run after Tax Evaders Program Commissioner Kim S. Jacinto-Henares, together with DCIR EstelaV. Sales and DOJ representative, Atty. Michael John Humarang, engages members of tri-media in the discussion on the three (3) tax cases filed by the BIR during the regular Run after Tax Evaders (RATE) Press Briefing conducted last August 14 at the DOJ Executive Lounge. DIOSDADO T. SISON, a civil sanitary engineer contractor by profession engaged in the business of buying, selling, renting/leasing, and operation of dwellings, was slapped with P18.95 million tax evasion suit for substantially under-declaring his income/sales for taxable year 2010 by 2,778.66% or P21.61 Million. SISON has received income payments amounting to P22.39 Million from BJS DEVELOPMENT but reported a gross income of only P777,714.00 in his Income Tax Return (ITR) for 2010. Likewise charged was independent CPA DANILO M. LINCOD who certified the Financial Statements of SISON for taxable year 2010 despite the essential misstatement of facts therein, as well as the clear omission with respect to the latter’s actual taxable income, in violation of Section 257 of the Tax Code. Two (2) more delinquent individual taxpayers from Revenue Region (RR) No. 7-Quezon City were charged with “Willful Failure to Pay Taxes.” PERSEUS COMMODITY TRADING sole proprietor, MANUEL NUGUID NIETO and MILLENIUM GAZ MARKETING sole proprietress, AGNES M. DAYAO were charged for their failure to pay long overdue deficiency taxes amounting to P86.46 Million (2007) and P30.15 Million (2006), respectively. The filing of the three (3) cases brought to two hundred and seventy-eight (278) the total number of cases already filed by the BIR under its RATE program during the administration of Commissioner Henares.
  • 53.
    205 DEPED COPY Gawain 9:AWITIN NATIN ‘TO Magpagawa ng jingle campaign para sa tema ng BIR 2013 tax campaign “I love Philippines, I pay taxes correctly.” Ipaawit sa bawat pangkat ang nagawang komposisyon at gamiting gabay ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka. Rubrik sa Pagmamarka ng Jingle Campaign Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos Kaangkupan ng Nilalaman Angkop at makabuluhan ang mensaheng nakapaloob sa jingle campaign sa wastong pagbabayad ng buwis 10 Kahusayan sa Pag-awit Mahusay na pagsasaayos ng lyrics at tono 5 Kahusayan sa Pagtatanghal Mapanghikayat at makapukaw-pansin ang ginawang jingle campaign; nagpakita ng malikhaing pagtatanghal 5 Kabuuan Puntos 20 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang naging batayan o inspirasyon ninyo sa paggawa ng jingle? 2. Paano mahihikayat ang mamamayan sa mga ginawang jingle upang sila ay maging matapat sa pagbabayad ng buwis? 3. Kailan nagiging epektibo ang isang jingle na maimpluwensiyahan ang mga mamamayan upang maging matapat sa bayan? Patunayan. Gawain 10: I-DRAWING NATIN ‘TO Magpagawa ng poster para sa tema ng BIR 2013 tax campaign “I love Philippines, I pay taxes correctly.” BIR campaigns Bureau of Internal Revenue (BIR) office across the country campaign for the early filing of Income Tax Return (ITR) and correct payment of taxes, as expressed in the Bureaus 2013 tax campaign theme “I love Philippines, I pay taxes correctly. Pinagkunan: BIR Monitor Vol 15 No.2
  • 54.
    206 DEPED COPY Rubrik saPagmamarka ng Poster Campaign Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos Kaangkupan ng Nilalaman Angkop at makabuluhan ang mensahe 10 Kahusayan sa Paggawa Mapanghikayat at makapukaw-pansin ang ginawa 5 Kahusayan sa Paggawa Mapanghikayat at makapukaw-pansin ang ginawa 5 Kabuuang Puntos 20 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang mensahe na nais mong maalaala at maunawaan ng mga mamamayan na nasa drawing mo? 2. Sa iyong palagay, paano magiging epektibo ang iyong ginawang drawing upang makahikayat sa mamamayan na maging responsableng taxpayer? Patunayan. Gawain 11: MAG-REFLECT TAYO Magpagawa ng reflection paper na nagsusuri sa isyu ng PDAF. Ipa- post sa kanilang Facebook account ang mga nagawa. Ipahikayat sa mga mag- aaral na magbigay ng komento ang kanilang mga kaibigan sa mga output nila. Matapos ang tatlong araw, ipabilang kung ilan ang kabuuang tanong kung mayroon man. Ipa-print ang resulta sa bond paper. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang karaniwang tanong o komento ng mga nakabasa? 2. Ano ang nakaantig sa kanila upang magtanong o magkomento? 3. Paano makahihikayat ang isang reflection paper upang magbahagi ng niloloob ang ibang tao na makababasa nito? Gawain 12: I-KONEK MO Muling pabalikan ang Gawain 7 sa PAUNLARIN at iwasto ang maling mga kasagutan. Natuklasan ko na ang patakarang piskal ay _______________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________
  • 55.
    207 DEPED COPY Transisyon saSusunod Na Aralin Ang patakarang piskal ay isang mahalagang estratehiya ng pamahalaan upang masiguro ang katatagan ng ekonomiya ng bansa. Isa ito sa mahahalagang aspekto ng ekonomiya na kinakailangan ang matalinong pagdedesisyon at pagpaplano ng pamahalaan. Ginagawa ito upang matiyak na ang ekonomiya ay nasa tamang daan tungo sa pagkakamit ng kaunlaran. Kaugnay nito, isa pang mahalagang patakaran ang ating tatalakayin sa susunod na aralin – ang patakarang pananalapi. Isa rin ito sa mga importanteng kasangkapan ng pamahalaan upang matiyak na ang bansa ay magiging matatag at may sapat na kakayahan upang mapanatili sa normal na antas ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa at matamo ang tunay na pagseserbisyo sa mamamayan.
  • 56.
    208 DEPED COPY PANIMULA Sa nakaraangaralin, tinalakay natin ang patakarang piskal. Natunghayan natin ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan upang ang ekonomiya ay maging ganap na maayos at matatag. Maaaring maimpluwensiyahan at makontrol ng pamahalaan ang buong ekonomiya sa pamamagitan ng pagbubuwis at paggastang nababatay sa badyet. Samantala sa bahaging ito, isa pang mahalagang patakaran ang maaaring gamitin ng pamahalaan upang mapaunlad ang ekonomiya, ang patakaran sa pananalapi. Kaya’t muli kitang iniimbitahan na patuloy na makiisa upang maunawaan ang pangangasiwa ng pamahalaan sa dami ng salapi sa ekonomiya. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ang mag-aaral ay nakapagpapaliwanagsalayuninngpatakarangpananalapi,nakapagpapahayag ng kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan bilang salik ng ekonomiya, nakapagtataya sa bumubuo ng sektor ng pananalapi, nakapagsusuri sa patakarang pang-ekonomiya, at natitimbang ang epekto ng patakarang pang- ekonomiya sa patakarang panlabas ng bansa sa buhay ng nakararaming Pilipino. ARALIN 6: PATAKARANG PANANALAPI Gawain 1: MONEY KO YAN Ipasuri ang larawan sa mag-aaral. Matapos ang pagsusuri, hatiin ang klase sa limang pangkat. Hayaan silang bumuo ng pamagat ayon sa nakikita nila sa larawan. Hikayatin na maging malikhain sa pagbuo ng pamagat ang mag-aaral. Pabigyan ng dalawang piraso ng parihabang kartolina ang bawat pangkat. Papiliin sila ng isang natatanging pamagat na katanggap-tanggap, ipasulat sa kartolina at ipaliwanag ang dahilan sa naging pagpili. ALAMIN Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa patakarang pananalapi at kung makaiimpluwensiya ba ang supply ng salapi sa kabuuang produksiyon, empleyo, antas ng interes, at presyo? Mahalagang maiugnay ang kanilang natutuhan sa nakaraang aralin upang ganap na maunawaan ang paksang tatalakayin sa bagong aralin.
  • 57.
    209 DEPED COPY Ipapaskil sapisara at ipaulat sa klase ang naging output. Pinagkunan:http://www.imagestock.com/money-pull/asp Pamprosesong Tanong: 1. Alin sa mga pamagat ang pumukaw sa iyong pansin? Bakit? 2. Tumutugma ba ito sa inilalahad ng larawan? 3. Ano ang iyong batayan sa pagbuo ng pamagat? Ipaliwanag. Gawain 2: BALITA NGA! Pag-aralan ang titulo ng balita at sagutan ang pamprosesong tanong. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang mensahe na unang pumasok sa iyong isipan nang mabasa ang titulo? 2. Sa iyong palagay, sino ang higit na makikinabang sa kaalaman na matatamo ng mag-aaral tungkol sa impormasyon na ipinababatid ng titulo? Patunayan. Usapin tungkol sa Pananalapi at Pagpapalago ng Pera, Dapat na Ituro Raw sa mga Kabataan December 25, 2012 6:46pm Pinagkunan:http://www.gmanetwork.com/news/story/287676/ulatfilipino/balitangpinoy/usapin-tungkol-sa-pananalapi-at- pagpapalago-ng-pera-dapat-na-ituro-raw-sa-mga-kabataan retrieved on January 14, 2015 Sa susunod na bahagi ay sasagutan ng mga mag-aaral ang isang tsart upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa patakarang pananalapi.
  • 58.
    210 DEPED COPY Gawain 3:I-KONEK MO Ipasulat sa unang kahon kung ano ang nalalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa. Matapos ito, ipasulat naman ang mga bagay at konsepto na nais pa nilang matutuhan sa ikalawang kahon. Ipasasagot lamang ang huling kahon kung tapos na ang pagtalakay sa paksa. Ang alam ko___________ Ang aking natutuhan_____ Nais kong malaman_____ Matapos maorganisa ng mga mag-aaral ang mga paunang kaalaman tungkol sa patakarang pananalapi, ihanda sila para sa susunod na bahagi ng aralin upang higit nilang maunawaan ang konsepto ng patakarang pananalapi. PAUNLARIN Matapos nilang malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay kanilang lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan nila bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa patakarang pananalapi. Mula sa mga inihandang gawain at teksto, inaasahang magagabayan sila upang masagot kung paano nakakaapekto ang patakarang pananalapi sa buhay ng nakararaming Pilipino. Halina’t umpisahan muli sa pamamagitan ng gawain.
  • 59.
    211 DEPED COPY Gawain 4:KOMPLETUHIN ANG DAYAGRAM Batay sa teksto tungkol sa patakarang pananalapi, ipatukoy kung kailan isinasagawa ang bawat patakaran. PATAKARANG PANANALAPI Expansionary money policy Contractionary money policy Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang patakarang pananalapi? 2. Ano ang pagkakaiba ng expansionary money policy at contractionary money policy? 3. Kailan isinasagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang sumusunod na patakaran? Gawain 5: PAGYAMANIN ANG KASANAYAN Hayaang pag-aralan ang sumusunod na pangungusap. Ipaguhit ang kung kailangan ipatupad ang expansionary money policy at naman kung contractionary money policy. 1. Maraming nagsarang mga kompanya bunga ng pagkalugi at mababang benta. 2. Dahil sa digmaan sa Syria, maraming Overseas Filipino Workers (OFW) ang umuwing walang naipong pera. 3. Tumanggap ng Christmas bonus at 13th month pay ang karamihan sa mga manggagawa. 4. Tumaas ang remittance ng dolyar mula sa mga OFW. 5. Matamlay ang kalakalan sa stock market dahil sa pandaigdigang krisis pang-ekonomiya.
  • 60.
    212 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang naging daan upang masagot mo ang mga sitwasyon? 2. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan na maunawaan ang mga sitwasyon na inilalarawan sa gawain na ito? Ipaliwanag. Gawain 6: LOGO…LOGO Ipakita ang iba’t ibang larawang nasa ibaba. Ipatukoy ang ginagampanan at tungkulin ng sumusunod na institusyong pananalaping kinakatawan ng logo sa ibaba. Hayaang piliin ng mga bata ang mga logo na kabilang sa bangko at hindi bangko. Pinagkunan:,http://www.imagestock.com/bank-centralbank/asp,http://www.imagestock.com/bank-pbcom/asp, http://www.imagestock. com/bank-metrobank/asp, http://www.imagestock.com/ -gsis/asp, http://www.imagestock.com/ -sss/asp, http://www.imagestock.com/ pag-ibig,http://www.imagestock.com/ cooperative, retrieved on August 11, 2014 Pamprosesong Tanong: 1. Paano nagkakaiba ang bangko at di-bangko bilang institusyong pananalapi? 2. Bakit itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga institusyon ng pananalapi sa lipunan? 3. Ano sa mga institusyon na ito ang pinupuntahan ng inyong pamilya upang makipagtransaksiyon? Ipaliwanag. 4. Gaano kalaki ang naitutulong sa iyo at sa iba pang mamamayan ng mga institusyon na ito? Pangatwiranan. BANGKO HINDI BANGKO
  • 61.
    213 DEPED COPY Gawain 7:SAGUTIN MO ‘TO Ipahanap sa hanay B ang bangkong inilalarawan sa hanay A. Ipasulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. A B 1. Dahil sa malaking kapital, ang mga bangkong ito ay nagpapautang para sa ibang layunin tulad ng pabahay at iba pa. a. bangkong pagtitipid 2. Pangunahing layunin ng mga bangkong ito na hikayatin ang mga tao na magtipid at mag-impok. b. Land Bank of the Philippines 3. Itinatag ito upang mapabuti ang kalagayang pangkabuhayan sa kanayunan. c. bangkong komersyal 4. Pangunahing tungkulin nito na tustusan ng pondo ang programang pansakahan ng pamahalaan. d. Development Bank of the Philippines 5. Layunin ng bangkong ito na mapaunlad ang sektor ng agrikultura at industriya, lalo na sa mga programang makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya. e. bangkong rural BSP Supervised/Regulated Financial Institutions (2012) TYPE OF FINANCIAL INSTITUTION NUMBER I.BANKS A. Universal and Commercial Banks Expanded Commercial Banks Private Domestic Banks Government Banks Branches of Foreign Banks Non-Expanded Commercial Banks Domestic Banks Subsidiaries of Foreign Banks Branches of Foreign Banks B.Thrift Banks C.Rural and Cooperative Banks Rural Banks Cooperative Banks II. Non-Bank Financial Institutions With Quasi-Banking Functions Without Quasi-BankingFunctions Non-Stock Savings and Loan Association Pawnshops Others III.Offshore Banking Units TOTAL NUMBER 4,231 3,766 448 17 584 76 13 1,545 2,570 167 39 174 16,936 59 5 Pinagkunan: www.bsp.gov.ph/banking/2012 retrieved on July 15, 2014 I. BANKS C. Rural and Cooperative Banks Rural Banks Cooperative Banks III. Offshore Banking Units
  • 62.
    214 DEPED COPY Gawain 8:MAGKUWENTA TAYO Ipasuri sa mga mag-aaral ang talaan sa itaas. Matapos ito, ipakompyut ang kabuuang bilang ng mga uri ng institusyong pinansiyal. Gumamit ng pie graph upang madaling matukoy ang bilang o bahagdan. Hayaang ipagkumpara ang mga uri ng A, B, at C ayon sa katangian ng mga ito. Magbuo ng sariling kongklusyon ayon sa nakalap na impormasyon. A. Banks B. Non-Bank C. Offshore Banking Unit Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang mga uri ng institusyon ng pananalapi ayon sa talaan? 2. Ano ang nagtala ng may pinakamataas na bilang sa mga institusyon ng pananalapi? 3. Ano ang naging batayan sa mga nabuong kongklusyon? Pangatwiranan. Gawain 9: I-KONEK MO Pabalikang muli ang Gawain 3 para sagutan ang ikatlong kahon. Matapos mapalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa patakarang pananalapi, maaari nang tumungo ang mga mag-aaral sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda ang mga mag-aaral para sa mas malalim na pag-unawa sa patakarang pananalapi. PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-aaralangmganabuonilangkaalamanukolsapatakarangpananalapi. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa patakarang pananalapi upang maihanda sila sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan. Nalaman ko ang patakarang pananalapi ay ___________________ _____________________________________________________________
  • 63.
    215 DEPED COPY Gawain 10:PAKAISIPIN MO ITO! Ipasuri ang nilalaman ng balita. Matapos ito ay ipasagot ang mga pamprosesong tanong. Usapin tungkol sa pananalapi at pagpapalago ng pera, dapat na ituro sa mga kabataan. Panahon na umano para bigyan ng edukasyon ang mga kabataan tungkol sa usaping pinansiyal at pagpapalago ng kabuhayan, ayon sa isang kongresista. Sa isang pahayag nitong Martes, sinabi ni Aurora Rep. Juan Edgardo “Sonny” Angara, na hindi sapat na matuto lamang ang mga mag-aaral at kabataan sa pagbibilang. Sa aspeto ng pananalapi, makabubuti umano kung matuturuan din sila kung papaano ito mapapalago. “Mostly, Filipinos grow up without knowledge on how to handle their resources. They know how to count their money, but rarely know how to make it grow,” puna ni Angara, chairman ng House Committee on Higher and Technical Education. Dahil dito, inihain ni Angara ang House Bill (HB) No. 490 o ang Financial Literacy Act of 2012, na naglalayong isulong ang financial literacy programs sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Ayon sa mambabatas, panahon na para suportahan ang mga kabataan sa usapin ng pananalapi batay na rin sa pinakabagong ulat ng “Fin-Q Survey,” na ang “financial quotient” ng Pinoy ay nagtala ng all-time high na 52.6 points noong 2011. Pagpapakita umano ito na dumadami ang mga Pilipino na nag-iimpok ng pera, namumuhunan, at may magandang credit management. “The results of the Fin-Q survey in the Philippines are very encouraging. Of course, there’s still more to cover but we can improve our financial quotient as a country by teaching more of our people how to take charge of their finances and become responsible users of credit,” paliwanag ng kongresista tungkol sa nasabing pag-aaral ng international financial services firm na Citi. Sa mga nagdaang survey, ang Pilipinas umano ay nasa below average sa Asia at malayo sa ibang bansa sa ASEAN. Sa pinakahuling ulat lamang umano nakapagtala ng mataas na marka ang mga Pinoy. “Financial literacy is a must in today’s world if Filipinos would really want to have financial freedom,” ani Angara. “Unfortunately, our school system does not teach our students and youth about money and personal finance. Our schools teach students numerous subjects but they don’t teach them how to handle their own money wisely.” Sa ilalim ng panukalang batas, magkakaloob ang DepEd ng award grants na hindi hihigit sa P1 milyon sa mga magpapatupad ng programa tungkol financial literacy courses o components para sa mga mag-aaral. Pinagkunan:http://www.gmanetwork.com/news/story/287676/ulatfilipino/balitangpinoy/usapin-tungkol-sa- pananalapi-at-pagpapalago-ng-pera-dapat-na-ituro-raw-sa-mga-kabataan retrieved on January 14, 2015 Prosesong Tanong: 1. Ano ang nilalaman ng balita? 2. Sumasang-ayon ka ba sa isinasaad ng balita? Bakit? 3. Sa iyong palagay, kailan ang tamang panahon upang matutuhan ang konseptong tinatalakay sa balita? Pangatwiranan.
  • 64.
    216 DEPED COPY Gawain 11:QUIET TIME Sa pagkakataong ito, magpasulat ng isang repleksiyon tungkol sa patakarang pananalapi bilang isang instrumento sa pagpapatatag ng ekonomiya. Ipasama ang repleksiyon sa kanilang portfolio. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pinakamahalagang aral ang naitala mo sa iyong repleksiyon? 2. Ano ang dahilan at ito ang aral na higit mong naunawaan? 3. Sa iyong palagay, dapat bang matutuhan din ito ng iba pang kabataan at mamamayan? Bakit oo o hindi? Patunayan. Sabihin sa mga mag-aaral ang sumusunod na panuto. Pumunta sa tanggapan ng inyong lungsod at humingi ng kopya ng badyet ng inyong lungsod o bayan. Kapanayamin din ang pinuno ng lungsod kung paano inihahanda ang badyet para sa bawat taon. Pag-aralan ang kita, pag-iimpok, pamumuhunan, at implasyon sa nakalipas na limang taon. Maging malikhain sa pag-uulat ng nakalap na impormasyon sa klase. Rubrik sa Pagmamarka ng Panayam Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos Nilalaman Wasto ang lahat ng datos na binanggit sa panayam. Gumamit ng mahigit sa limang sanggunian upang maging makatotohanan at katanggap-tanggap ang mga impormasyon. 6 Pagsusuri Naipakita ang pagsusuri sa opinyon at ideya ng kinakapanayam 5 Mga Tanong Maayos at makabuluhan ang mga tanong. May kaugnayan ang tanong sa bawat isa. 5 Pagkamalikhain Gumamit ng mga visual o video presentation. 4 Kabuuang Puntos 20 ISABUHAY Matagumpay na natapos at naisakatuparan ng mag-aaral ang lahat ng gawain para sa patakarang pananalapi. Ngayon ay mayroon na silang sariling pamantayan sa nagaganap sa ating ekonomiya. Tutungo na sila sa huling bahagi ng ating aralin.
  • 65.
    217 DEPED COPY Pamprosesong Tanong 1.Ano ang naging resulta ng iyong naging survey? 2. Nasiyahan ka ba sa naging resulta? 3. Ano ang iyong naging obserbasyon sa mga naging reaksiyon ng kapwa mo mag-aaral? MAG-REFLECT TAYO Magpagawa ng reflection paper na nagsusuri sa napapanahong isyu ng PDAF. Ipa-post sa kanilang Facebook account ang kanilang ginawa. Ipahikayat ang kanilang mga kaibigan na magbigay ng kanilang komento. Matapos ng tatlong araw, bilangin ang kabuuang tanong. I-print ang resulta sa bond paper. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang karaniwang tanong o komento ng mga nakabasa? 2. Ano ang nakaantig sa kanila upang magtanong o magkomento? 3. Paano makahihikayat ang isang reflection paper upang magbahagi ng niloloob ang ibang tao na makababasa nito? MAHUSAY! Natapos na ang mga gawain para sa mag-aaral! Transisyon sa Susunod Na Modyul Ang patakaran sa pananalapi ay may layuning kontrolin ang suplay ng salapi sa sirkulasyon at ang antas ng interes upang mapanatiling matatag ang presyo. Sa pangunguna ng BSP, ang sistema sa pananalapi at pagbabangko ay maisasaayos para sa katuparan ng layuning mapanatili ang katatagan ng halaga ng piso at presyo. Natapos mo ang talakayan sa makroekonomiks. Sana ay naging malalim ang naging pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga konseptong nakapaloob dito dahil magagamit nila ito upang maunawaan ang daloy ng mga pangyayari sa ekonomiya ng ating bansa. Ang pangkalahatang aksiyon at reaksiyon ng mamamayan, mamumuhunan, at pamahalaan, gayundin ng mundo ay nakapagdudulot ng malaking epekto sa takbo ng presyo at produkto sa ating bansa. Mauunawaan nila ang mga bagay na ito kung napag-ugnay-ugnay ang mga paksang tinalakay sa loob ng yunit na ito. Kung gayon, masisiguro na handa na silang harapin ang huling yugto ng asignaturang ito na tumatalakay sa iba’t ibang sektor ng ekonomiya. Kinakailangan muli ang kanilang pag-unawa, pagsusuri, at angking pasensiya upang lubos na makilala ang ekonomiya ng bansa. Kaya tayo na!
  • 66.
    218 DEPED COPY PANGWAKAS NAPAGTATAYA Panuto: Piliin ang titik ng pinakawastong sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya? A. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya B. Kita at gastusin ng pamahalaan C. Kalakalan sa loob at labas ng bansa D. Transaksiyon ng mga intitusyong pampinansyal 2. Kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa? A. Kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho B. Kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay- kalakal C. Kapag may pag-angat sa Gross Domestic Product ng bansa D. Kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa 3. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat sa Gross National Income? A. Expenditure Approach B. Economic Freedom Approach C. Industrial Origin/Value Added Approach D. Income Approach 4. Kung ang kabuuang kita ni Jonas ay Php25,000.00 at ang kanya namang kabuuang gastusin ay Php21,000.00, magkano ang maaari nyang ilaan para sa pag-iimpok? A. Php1,000.00 B. Php2,000.00 C. Php3,000.00 D. Php4,000.00 5. Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya? A. Deplasyon B. Implasyon C. Resesyon D. Depresyon (K) (K) (K) (K) (K)
  • 67.
    219 DEPED COPY 6. Sapaikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal? A. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim ng pagpoproseso ng bahay-kalakal. B. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal. C. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal. D. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa mga bahay-kalakal. 7. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa? A. Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansiyal. B. Dahil magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa. C. Dahil repleksiyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng malaking boto sa eleksiyon. D. Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya. 8. Piliin sa sumusunod na pahayag ang pinakawasto. A. Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa Gross National Income nito. B. Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat ng Gross National Income. C. Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng Gross National Income. D. Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa Gross National Income. 9. Alin sa sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic Product ng bansa? A. Mataas na remittance ng mga Overseas Filipino Workers B. Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo C. Maayos na pamumuno ng pamahalaan na makahihikayat sa pamumuhunan D. Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kawanggawa (P) (P) (P) (P)
  • 68.
    220 DEPED COPY 10. Ano angepekto ng mababang interes sa pagkonsumo ng mga tao? A. Mahihikayat ang tao na umutang at tataas ang pagkonsumo. B. Mahihikayat ang tao na mag-impok sa bangko dahil sa malaking tubo. C. Mahihikayat ang tao na mag-angkat ng produkto sa ibang bansa. D. Mahihikayat ang mga tao na magtipid para sa hinaharap. 11. Si Apollo ay umutang kay Alex ng Php100.00 na ipinambili niya ng isang kilong karne ng manok sa kasalukuyan. Kung 5% ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, ano na ang halaga ng isang kilong karne ng manok? A. Php95.00 B. Php100.00 C. Php105.00 D. Php110.00 12. Sa papaanong paraan malulutas ang demand-pull inflation? A. Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon B. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya C. Pagpapautang na may mababang interes upang makahikayat ng karagdagang paggasta D. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya 13. Ang dinepositong Php100,000.00 ni Corazon sa bangko ay nagpapakita ng paglabas (outflow) ng salapi sa paikot na daloy ng ekonomiya. Ano ang nararapat na gawin upang pumasok (inflow) muli ang salapi sa paikot na daloy? A. Magpataw ng mataas na interes upang makahikayat ng pag- iimpok. B. Ipautang ng bangko ang idineposito upang magamit na panibagong kapital sa negosyo. C. Ibaba ang interes mula 10% patungong 5% upang maragdagan ang paggastos ng tao. D. Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba ng mga bangko. (P) (P) (P) (U)
  • 69.
    221 DEPED COPY 14. Kung mabagalang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri sa economic performance nito, dapat bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas ito? A. Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig. B. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin. C. Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa ekonomiyang pandaigdigan. D. Oo, dahil repleksiyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya. 15. Si Mr. Chen, isang Chinese National, ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas. Saan dapat isinasama ang kaniyang kinita? A. Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamayan siya nito. B. Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kaniyang kita. C. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita. D. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong dito nagmula ang kaniyang kita 16. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang interpretasyon sa graph? PHILIPPINE GROSS NATIONAL INCOME & GROSS DOMESTIC PRODUCT At Current Prices, In Million Pesos 16,000,000 14,000,000 Legend: 12,000,000 Gross Domestic Product 10,000,000 Gross National Income 8,000,000 6,000,000 4,000,000 2,000,000 0 2012 2013 Pinagmulan: Philippine Statistics Authority A. Mas malaki ang Gross Domestic Product ng bansa kompara sa Gross National Income nito. B. Mas malaki ang Gross National Income noong taong 2012 kompara sa taong 2013. C. Mas malaki ang remittances mula sa mga OFW noong taong 2012 kumpara sa taong 2013. D. Mas malaki ang Gross National Income kumpara sa Gross Domestic Product sa parehong taon. (U) (U) (U)
  • 70.
    222 DEPED COPY 17. Bilang isangmag-aaral, alin sa sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit lamang ang baon na ibinigay ng iyong magulang? A. Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi. B. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga. C. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon. D. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan. 18. Piliin sa sumusunod ang pinakatamang paliwanag sa graph. A. Ang paglipat ng kurba ng demand pakanan ay magdudulot ng kakulangan sa supply na hahantong sa pagtaas ng presyo. B. Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng pagtaas sa mga gastos ng produksiyon na ipapasa ng prodyuser sa mga mamimili. C. Ang paglipat ng kurba ng supply pakanan ay magdudulot ng kalabisan sa supply na hahantong sa pagtaas ng presyo. D. Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng kakulangan ng supply ng produkto sa pamilihan na hahantong sa pagtaas ng presyo. 19. Bilang isang mamimili, papaano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon? A. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan. B. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan. C. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang presyo. D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan. (U) (U) (U) P AS Q P 120 P 100 AD1 40 50 AD2
  • 71.
    223 DEPED COPY 20. Kung ikaway prodyuser ng produktong may kakulangan ng supply sa pamilihan, dapat bang ang malaking kita lamang ang pagtutuunan mo ng pansin? a. Oo, dahil ito na ang pagkakataon upang kumita at tumubo ng malaki. b. Oo, dahil malaki ang inilabas na puhunan kaya’t nararapat na kumita rin ng malaki. c. Hindi, dahil malaki rin ang buwis na sisingilin ng pamahalaan sa pagtaas ng presyo. d. Hindi, dahil hindi kakayanin lalo ng mga mahihirap ang napakataas na presyo. GABAY SA PAGWAWASTO 1. A 2. C 3. B 4. D 5. B 6. A 7. B 8. D 9. C 10. A 11. C 12. D 13. B 14. D 15. C 16. D 17. B 18. A 19. D 20. D (U)
  • 72.
    224 DEPED COPY YUNIT IV MGASEKTOR PANG-EKONOMIYA AT MGA PATAKARANG PANG-EKONOMIYA NITO PANIMULA AT GABAY NA TANONG Matapos matalakay ang mga batayang konsepto sa Ekonomiks nararapat din na makilala ang iba’t ibang sektor ng ekonomiya. Ang mga sektor na tinalakay sa mga nakaraang aralin ay may kinalaman sa mga sektor ng pananalapi. Ang daloy ng pananalapi sa ekonomiya ang pinakapangunahing pokus ng naging talakayan. Samantala ang mga sektor pang-ekonomiya ay nakapokus sa daloy ng mga produkto at serbisyo at ang kaugnayan nito sa kabuuang kita ng bansa. Ang ugnayan na nagaganap sa loob at labas ng mga sektor ay inaasahang nakaaapekto sa bansa. Ito ang isa mga indikasyon ng isang matatag at malusog na ekonomiya. Ayon na rin sa mga ekonomista, ang bansang may matatag na mga sektor ay may potensiyal na makapagtamo ng kaunlaran. Mas mataas na empleyo at malaking ambag sa pambansang kita ay maaaring maghatid tungo sa mas maayos, maunlad, at may kalidad na pamumuhay. Ngunit sa katotohanan, hindi madali ang daan para maabot ang kaunlaran. Hindi ito kayang gawin ng isang sektor lamang. Bawat isa ay may napakahalagang papel na ginagampanan upang masiguro ang maayos na takbo at daloy ng ekonomiya ng bansa. Sa ganitong perspektibo, patuloy na nagsisikap ang pamahalaan na matugunan ang mga pangangailangan ng bawat sektor. Ngunit sapat ba ang mga programa at batas na isinusulong ng pamahalaan upang mapangalagaan ang mga nasabing sektor pang- ekonomiya? Ano-ano ba ang mga kinakaharap na hamon ng bawat sektor? Ang mga patakarang pang-ekonomiya bang ito ay talagang nakatutulong sa kanila upang maabot ang matagal nang pinapangarap na kaunlaran? Dahil dito, bilang isang mamamayang Pilipino na nagnanais na makaranas ng kaunlaran, hayaang matuklasan at masuri ng mga mag-aaral kung paano hinaharap ng mga sektor pang-ekonomiya ang mga hamon tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pagganap Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at puwersa tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad. Ang mga mag-aaral ay aktibong nakibabahagi sa maayos na pagpa- patupad at pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
  • 73.
    225 DEPED COPY Sa aralingito, inaasahang matutuhan ng mag-aaral ang sumusunod: ARALIN 1: KONSEPTO NG PALATANDAAN NG PAMBANSANG KAUNLARAN • Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa pambansang kaunlaran • Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran • Natutukoy ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa pambansang kaunlaran • Napahahalagahan ang sama-samang pagkilos ng mamamayang Pilipino para sa pambansang kaunlaran • Nakapagsasagawa ng isang pagpaplano kung paano makapag-ambag bilang mamamayan sa pag-unlad ng bansa ARALIN 2: SEKTOR NG AGRIKULTURA • Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa ekonomiya at sa bansa • Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa bawat Pilipino • Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang- ekonomiya na nakatutulong sa sektor ng agrikultura ARALIN 3: SEKTOR NG INDUSTRIYA • Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya tulad ng pagmimina, tungo sa isang masiglang ekonomiya • Nasusuri ang pagkakaugnay ng sektor agrikultural at industriyal tungo sa pag-unlad ng kabuhayan • Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang- ekonomiyang nakatutulong sa sektor ng industriya ARALIN 4: SEKTOR NG PAGLILINGKOD • Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod • Napapahalagahan ang mga patakarang pang- ekonomiyang nakatutulong sa sektor ng paglilingkod: Batas na nagbibigay proteksiyon at nangangalaga sa mga karapatan ng manggagawa ARALIN 5: IMPORMAL NA SEKTOR • Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa konsepto ng impormal na sektor • Nasusuri ang mga dahilan ng pagkakaroon ng impormal na sektor • Natataya ang mga epekto ng impormal na sektor ng ekonomiya • Napahahalagahan ang pagsunod sa mga patakarang pang-ekonomiya tungo sa pagkamit ng pambansang kaunlaran
  • 74.
    226 DEPED COPY ARALIN 6: KALAKALANG PANLABAS • Nasusuri ang ugnayan ng Pilipinas para sa kalakalang panlabas nito sa mga samahan tulad ng World Trade Organization at Asia-Pacific Economic Cooperation tungo sa patas na kapakinabangan ng mga mamamayan ng daigdig • Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng pamahalaan kaugnay ng mga patakarang piskal na ipinatutupad nito • Nasusuri ang mga patakaran pang-ekonomiya na nakatutulong sa patakarang panlabas ng bansa sa buhay ng nakararaming Pilipino GRAPIKONG PANTULONG AGRIKULTURA INDUSTRIYA PAGLILINGKOD IMPORMAL NA SEKTOR KALAKALANG PANLABAS KAUNLARAN
  • 75.
    227 DEPED COPY PANIMULANG PAGTATAYA Isulatang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel. 1. Ang sumusunod ay ang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa maliban sa: A. likas na yaman B. yamang-tao C. teknolohiya D. kalakalan Para sa bilang 2, basahin ang sumusunod na talata at sagutin ang mga tanong sa ibaba nito. Noong nakaraang taon, umangat daw ng 7.2 porsiyento ang ekonomiya ng Pilipinas at pumangalawa sa China. Maraming nasiyahan nang marinig ang balitang ito. Napakagandang balita dahil pangalawa sa magandang ekonomiya. Pero nang lumabas ang survey ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan na 12.1 milyong Pilipino ang walang trabaho, maraming nadismaya at hindi makapaniwala. Nasaan na ang sinasabing magandang ekonomiya. Hindi ito tugma sa laging sinasabi ng pamahalaan, gumanda ang ekonomiya ng bansa. (http://www.philstar.com/psn-opinyon/2014/02/13/1289713/editoryal-umangat-ang-ekonomiya-dumami-ang-jobless) 2. Kung ang konsepto ng kaunlaran ang pagbabasehan, malinaw na inilalahad sa balita na: A. Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay hindi nangangahulugan ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan. B. Hindi sapat na batayan ang paglago ng ekonomiya upang masabing ganap na maunlad ang bansa. C. Ang bansa ay patuloy pa ring nakaasa sa mga manggagawang Pilipinong nakabase sa ibayong-dagat. D. Hindi sapat na sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyonal na panukat gaya ng GDP. 3. Datapwa’t patuloy ang pagtaas ng mga pigura na nagpapakita ng paglago ng ekonomiya ng bansa, marami pa ring Pilipino ang hindi naniniwala rito. Isa sa mga dahilan nito ay ang patuloy na korapsiyon. Paano kumikilos ang mga mamamayang Pilipino upang tuluyan nang matuldukan ang napakatagal na problemang ito? A. Hinahayaan na lamang ng mga Pilipino na ang pamahalaan at ang mga hukuman ang umusig sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno. B. Idinadaan na lamang nila sa samu’t saring protesta ang kanilang mga hinaing ukol sa talamak na korapsiyon sa pamahalaan. C. Mulat ang mga Pilipino sa mga anomalya at korapsiyon, maliit (K) (U) (U)
  • 76.
    228 DEPED COPY man omalaki, kaya’t nakahanda silang ipaglaban kung ano ang tama at nararapat. D. Ipinagsasawalang-kibo na lamang ng mga mamamayan ang mga maling nagaganap sa ating bansa. 4. Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran. Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa bansa? A. Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan. B. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad. C. Tangkilikin ang mga produktong sariling atin. D. Wala sa nabanggit 5. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga probinsiya ang nakaasa sa agrikultura para mabuhay. Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura? A. pagmimina B. pangingisda C. paggugubat D. paghahayupan 6. Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagkabulok o madaling pagkasira ng kanilang mga ani o produktong agrikultural. Bakit nangyayari ito? A. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka. B. Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan C. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm-to- market road) D. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad. 7. Noong Hunyo 2014, natapos na ang Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER). Kaya ang iba’t ibang samahan at ang Simbahang Katolika ay nagkapit-bisig upang hilingin sa pamahalaan na dagdagan pa ng dalawang taon ang implementasyon nito. Gaano ba kahalaga ang repormang agraryo ng pamahalaan para sa mga magsasaka? A. Nagkakaroon ng sariling lupa ang mga magsasaka. B. Natutugunan ng pamahalaan ang mga hinaing at problema ng sektor ng agrikultura. C. Nabibigyang-pansin ang mga magsasaka sa pamamagitan ng maayos na sistema ng pautang, mga proyektong pang- (U) (U) (K) (P)
  • 77.
    229 DEPED COPY imprastruktura, redistribusyonng lupa, at iba pa. D. Lahat ng nabanggit Para sa bilang 8, suriin ang sumusunod na datos at sagutin ang tanong sa ibaba nito. Talahanayan 2 Distribusyon ng mga Sektor ng Pang-ekonomiya 2005 – 2010 (In-Million Pesos) SEKTOR 2005 2006 2007 2008 2009 2010 Agrikultura 778,370 853,718 943,842 1,102,465 1,138,334 1,182,374 Industriya 1,735,148 1,909,434 2,098,720 2,347,803 2,318,882 2,663,497 Paglilingkod 2,930,521 3,268,012 3,606,057 3,959,102 4,221,702 4,667,166 Pinagkunan: National Statistical Coordination Board (NSCB), January 31, 2011 8. Ang Pilipinas ang isa sa pinakamayayamang bansa kung ang pag- uusapan ay likas na yaman. Mataba ang mga lupain at hitik ang ating mga anyong-tubig sa iba’t ibang yamang-dagat. Ngunit kapansin- pansin sa mga datos sa itaas na ang sektor ng agrikultura ang may pinakamaliit na ambag sa ekonomiya ng bansa mula 2005-2010. Ano ang nais ipahiwatig nito? A. Kulang ang mga pasilidad at imprastruktura na tutulong sa agrikultura. B. Mas prayoridad ng pamahalaan ang sektor ng industriya at serbisyo. C. Kulang ang suporta na tinatanggap ng mga kababayan nating nasa sector ng agrikultura. D. Lahat ng nabanggit 9. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyal upang ito ay maging isang produkto? A. agrikultura B. industriya C. paglilingkod D. impormal na sektor 10. Itinuturing ang agrikultura bilang primaryang sektor ng ekonomiya samantalang ang industriya naman ang tinatawag na sekondaryang sektor. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng dalawang sektor na ito sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng epektibong ugnayan o interaksiyon ng dalawang sektor? A. Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng agrikultura samantalang ang industriya ay sa mga bahay-kalakal. (P) (P) (K)
  • 78.
    230 DEPED COPY B. Ang magsasakaang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang ang mga entreprenyur naman ang kapitan ng industriya. C. Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng agrikultura ay lubhang mahalagang sangkap sa sektor industriya upang gawing panibagong uri ng produkto. D. Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang agrikultura ay nanatili sa tradisyonal na pamamaraan ng pagsasaka. 11. Ang industriyalisasyon, sa kasalukuyan, ang nagsisilbing batayan ng kaunlaran ng isang bansa. Sa pananaw na ito, nagaganap lamang ang kaunlaran kung nagkakaroon ng pagbabago mula sa pagiging agrikultural patungo sa pagiging industriyal. Ngunit marami ring limitasyon ang industriyalisasyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapatotoo rito? A. Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nakatutulong upang makagawa pa ng mas maraming produkto at serbisyong kailangan at gusto ng mga tao. B. Ang malawakang paggamit ng teknolohiya katulad ng mga makinarya ay nakaaapekto sa availability ng hanapbuhay para sa mga manggagawa. C. Unti-unting nasisira ang ating kapaligiran dulot ng polusyon at masyadong mabilis na industriyalisasyon. D. Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas ng bansa bunga na rin ng mataas na pambansang kita. 12. Alinsasumusunodnasektorangbinubuongmgapormalnaindustriya tulad ng pananalapi, insurance, komersiyo, real estate, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, at mga serbisyong pampamayanan, panlipunan, at personal? A. agrikultura B. industriya C. paglilingkod D. impormal na sektor 13. Isa sa mga napakalaking problemang kinakaharap ng sektor ng paglilingkod ang suliranin sa kontraktuwalisasyon. Maraming kompanya ang humahanap lamang ng mga manggagawang handang magtrabaho sa kanila nang hindi lalampas sa anim na buwan. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan kung bakit patuloy pa rin ang contractualization sa kabila ng kabi-kabilang protesta ng mga manggagawa? (P) (K) (U)
  • 79.
    231 DEPED COPY A. Masmakatitipid ang mga kompanya kung ang mga manggagawa ay kontraktuwal dahil wala silang mga benepisyo tulad ng SSS at PhilHealth. B. Dahil mababa lamang ang mga pasahod sa mga manggagawang kontraktuwal, lumiliit ang gastusin ng mga kompanya. C. Ang mga manggagawang kontraktuwal ay hindi maaaring tumanggi sa mga overtime na trabaho lalo na sa mga peak season kahit na lumagpas pa ito sa itinakdang oras ng paggawa sa batas. D. Lahat ng nabanggit 14. Ang kakayahan ng sektor ng paglilingkod na matugunan ang pangangailangan ng lipunan ay isang palatandaan ng masiglang ekonomiya ng bansa. Bakit itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod? A. Sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman, at serbisyo upang matugunan ang mithiin ng pangangailangan. B. Sila ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal. C. Silaangdahilanupangmagkaroonngoportunidadsapagkakaroon ng trabaho sa isang bansa. D. Larawan sila ng mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa. 15. Alin sa sumusunod na sektor ang hindi nakarehistro sa pamahalaan, hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa operasyon ng negosyo, at hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo? A. agrikultura B. industriya C. paglilingkod D. impormal na sektor 16. Ayon sa IBON Foundation, ang impormal na sektor ay kabilang sa “isang kahig, isang tuka.” Ano naman ang positibong epekto ng paglaganap ng impormal na sektor? A. Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries. B. Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa. C. Maraming mamamayan ang umaasa na lamang sa pamahalaan. D. Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang tugunan ang pangangailangan sa kabila ng krisis sa buhay. 17. Isa sa mga epekto ng impormal na sektor sa ekonomiya ay ang paglaganap ng mga ilegal na gawain gaya ng pamimirata. Laganap ang pamimirata sa halos lahat ng puwesto ng palengke sa buong kapuluan. Ang patuloy na paglaganap ng pamimirata sa bansa ay (U) (K) (P) (P)
  • 80.
    232 DEPED COPY maaaring bungang sumusunod maliban sa isa. A. Kakulangan ng maigting at komprehensibong kampanya at edukasyon sa mga tao ukol sa masasamang bunga nito B. Kakulangan ng mahigpit na implementasyon ng mga batas na laban sa pamimirata C. Kakulangan ng mapapasukang trabaho D. Pagnanais ng ilang negosyante na kumita nang malaki kahit sa illegal na pamamaraan 18. Ang mga bansa ay makikinabang sa isa’t isa ayon sa konsepto ng comparative advantage. Alin sa sumusunod na paraan sila makikinabang? A. trade embargo at quota B. kasunduang multilateral C. espesyalisasyon at kalakalan D. sabwatan at kartel 19. Hindi maiiwasan na makipag-ugnayan ang mga bansa sa ibang bansa lalo na sa panahon ng globalisasyon. Alin sa sumusunod na pangungusap ang pinakaakmang dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig lalo na sa larangan ng pakikipagkalakalan? A. Madaragdagan ang pantugon sa mga panustos para sa pangangailangan ng lokal na ekonomiya. B. Abot-kamay na ang angkat na produkto sa lokal na pamilihan. C. Upang dumami ang mga produktong banyaga na maaaring gayahin D. Maipagmamalaki ang kanilang produkto sa pandaigdigang pamilihan. 20. Ang globalisasyon ay sumasakop sa malawak na dimensiyon ng lipunan at panig ng daigidig. Bagama’t hinihikayat nito ang pag- uugnayan ng mga bansa lalo na sa aspekto ng kalakalan, maraming mga bansang papaunlad pa lamang ang nakararanas ng masamang epekto nito. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paghina ng kalakalang lokal at panlabas ng mga bansang naapektuhan ng globalisasyon? A. Ang patuloy na pag-unlad at paglawak ng mga korporasyong transnasyonal B. Ang pagtambak ng mga labis na produkto o surplus sa mga pamilihan C. Ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga bansa D. Ang pagbabago sa kabuuang pamumuhay ng mamamayan (P) (U) (K)
  • 81.
    233 DEPED COPY SAGOT: 1. D 2. A 3. C 4. B 5. A 6. C 7. D 8. D 9. B 10. C 11. C 12. C 13. D 14. A 15. D 16. D 17. C 18. B 19. A 20. B
  • 82.
    234 DEPED COPY PANIMULA Pinagtuunansa nakaraang markahan ang pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapuwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran. Sa dahilang ito ang pinakamithiin ng lahat sa atin, lubhang mahalaga ang maayos na ugnayan ng lahat ng sektor ng ekonomiya upang ganap na matamo ang tunguhing ito. Ang mga sektor ng agrikultura, industriya, at paglilingkod, gayundin ng impormal na sektor at kalakalang panlabas, ay may mahahalagang papel na ginagampanan upang maisakatuparan ang pagkakamit ng pambansang kaunlaran. Higit sa lahat, ikaw bilang isang mag- aaral at mamamayang Pilipino ay may mga tungkuling dapat gampanan. Subalit ano nga ba ang magagawa mo para sa bayan sa ngalan ng kaunlaran? Sa ganitong aspekto papasok ang konsepto ng aktibong pakikisangkot at pagsusulong nito. Kung kaya’t ang pangunahing pokus sa araling ito ay ang konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran. Pag-aaralan mo rin kung ano ang iba’t ibang tungkulin ng mga mamamayang Pilipino upang makatulong sa sama-samang pagkilos para sa pagsulong at pag-unlad ng bansa. Sa pagtahak sa landas ng kaalaman sa araling ito, ang mga mag-aaral ay haharap sa mga tekstong magbibigay-kabatiran at mga mapanghamong gawain na sadyang pupukaw ng kanilang interes at magbibigay sa kanila ng kaalaman. Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang makapagbibigay ng sariling pakahulugan sa pambansang kaunlaran at masiyasat ang mga palatandaan nito. Inaasahan ding matutukoy nila ang iba’t ibang gampanin ng bawat mamamayan tungo sa sama-samang pagkilos at pagplano kung paano makapag-aambag sa mithiing ito. ARALIN 1 KONSEPTO AT PALATANDAAN NG PAMBANSANG KAUNLARAN Gawain 1: INSTA-SAGOT Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan.Atasan silang suriing mabuti ang kalagayan sa bawat larawan. Hayaan sila na bigyan ng angkop at mala- ALAMIN Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran at kung papaano sila makapag-aambag sa pag-unlad ng bansa bilang mabuting mamamayan nito.
  • 83.
    235 DEPED COPY teleseryeng pamagatang mga ito batay sa kanilang pagsusuri. Gamitin ang mga pamprosesong tanong sa pagtalakay ng gawain. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang iyong napuna sa mga larawan? Alin ang higit na nakapukaw ng iyong pansin? Bakit? 2. Alin sa mala-teleseryeng pamagat na ibinigay mo sa mga larawan ang ninais mong maging kalagayan ng iyong lipunan at ng ating bansa? Ipaliwanag. Gawain 2: ANG SA AMIN LANG Mula sa Gawain 1, atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng isang triad. Bigyan sila ng sapat na oras upang magkaroon ng isang maliit na pangkatang talakayan tungkol sa mga nakita nila sa larawan. Ipatukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito gamit ang speech balloon.
  • 84.
    236 DEPED COPYGawain 3:EVOLUTION OF IDEAS Muling balikan ang mga konseptong nakuha ng mga mag-aaral mula sa Gawain 1 at 2. - Ipasulat sa unang kahon kung ano lamang ang kanilang nalalaman sa paksa. - Ipasulat naman sa ikalawang kahon ang mga bagay at konsepto na nais pa nilang matutuhan. - Ang huling kahon naman ay sasagutin lamang ng mga mag-aaral kung tapos na ang pagtalakay sa paksa. Batay sa mga larawan, malinaw na ang buhay sa Pilipinas ay _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ Sa susunod na bahagi ay ipasagutan sa mga mag-aaral ang isang tsart upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran. Matapos maorganisa ng mag-aaral ang mga paunang kaalaman tungkol sa konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran, ihanda sila para sa susunod na bahagi ng aralin upang higit nilang maunawaan ang konsepto ng kaunlaran.
  • 85.
    237 DEPED COPY Ipabasaat ipasuring mabuti sa mga mag-aaral ang teksto tungkol sa konsepto ng kaunlaran. Hikayatin ang mga mag-aaral na itala sa kanilang ku- waderno ang mahahalagang salita na kanilang makikita upang lubos nilang maunawaan ang mga nilalaman nito. Gawain 4: POWER OF TWO Atasan ang mga mag-aaral na basahin at suriin ang mga nilalaman ng dayagram na “Power Thinking.” Sa tulong ng isa nilang kamag-aral, ipasagot ang mga tanong sa bawat kahon. Dito sinusubok ang kanilang kakayahan na balangkasin ang mga impormasyon/konseptong kanilang nabasa. Maaaring dagdagan ang mga power box ayon sa pagkaunawa ng mga mag-aaral sa tekstong binasa. PAUNLARIN Matapos malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa paksang-aralin, ngayon naman ay kanilang lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na sadyang inihanda upang maging sanggunian nila ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan nila bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa kaunlaran. Inaasahan na ang mga inihandang gawain at teksto ay gagabay sa kanila upang masagot kung papaano sila makapag-aambag sa pag-unlad ng bansa bilang mabuting mamamayan nito. Halina’t paumpisahan ang bahaging ito sa pamamagitan ng unang gawain na nasa ibaba. Konsepto ng Pag-unlad Kahulugan ayon sa Diksyunaryo Kahulugan ayon kay Feliciano Fajardo Kahulugan ayon kina Todaro at Smith Kailan masasabing may pag-unlad? Kailan masasabing may pag-unlad? Kailan masasabing may pag-unlad? Kailan masasabing may pag-unlad? Kailan masasabing may pag-unlad? Kailan masasabing may pag-unlad? Kailan masasabing may pag-unlad? Kailan masasabing may pag-unlad? Kahulugan ayon kay Sen
  • 86.
    238 DEPED COPY Gawain 5:TEKS-TO-SURI Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na tanong batay sa kanilang binasang teksto. 1. May pagkakatulad ba ang pagsulong at pag-unlad? Ipaliwanag. 2. Kailan masasabing maunlad ang isang bansa? 3. Ano ang pagkakaiba ng tradisyonal na pananaw ng pag-unlad at makabagong pananaw nito? 4. Sang-ayon ka ba sa konsepto ni Todaro na ang pag-unlad ay dapat na kumatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan? Pangatwiranan. 5. Sa iyong sariling pagtataya, maunlad na ba ang Pilipinas? Pagtibayin. Gawain 6: OO O HINDI? Bago dumako sa susunod na aralin, ipasagot muna ang sumusunod na tanong na may kinalaman sa pag-unlad sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (√) sa kolum na kanilang sinasang-ayunan. Gamitin ang mga pamprosesong tanong sa pagtalakay sa gawain. PAHAYAG OO HINDI 1. May pag-unlad kung may mga nagtataasang gusali at naglalakihang kalsada. 2. May pag-unlad kung lumalaki ang GNP at GDP ng isang bansa. 3. May pag-unlad kung may mga makabagong teknolohiya at makinarya. 4. May pag-unlad kung may demokrasya. 5. May pag-unlad kung napangangalagaan ang kapaligiran. 6. May pag-unlad kung tumataas ang export ng isang bansa. 7. May pag-unlad kung dumarami ang dayuhang mangangalakal. 8. May pag-unlad kung ang bayan ay naging lungsod. 9. May pag-unlad kung may mataas na pasahod. 10. May pag-unlad kung may trabaho ang mga mamamayan. Pamprosesong Tanong: 1. Alin sa mga pahayag ang higit mong nararanasan sa iyong lipunan? 2. Sa iyong palagay, ano kaya ang nagiging mga balakid sa pagpapatuloy ng pag-unlad sa sumusunod na aspekto: • Kultural • Sosyal (lipunan) • Politikal
  • 87.
    239 DEPED COPY 3. BalikannatinangmgalarawansaGawain1.Maaarimobangsabihinkung anoang mga palatandaan ng pag-unlad sa isang bansa? Ipaliwanag. 4. Paano mo nakikita ang iyong sarili limang taon mula ngayon bilang kabahagi ng mga palatandaan ng pag-unlad na iyong natukoy? Gawain 7: GRAPHIC ORGANIZER Ipatala ang mga salik na nakatutulong sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa gamit ang concept mapping chart sa ibaba. Ipaliliwanag naman sa text box kung paano pa mapagbubuti ng Pilipinas ang pagsulong ng ekonomiya nito. Gawain 8: PAGKAKAMUKHA AT PAGKAKAIBA Sa tulong ng isa nilang kamag-aral, hayaan ang mga mag-aaral na ilahad ang pagkakamukha at pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad gamit ang Venn diagram sa ibaba. Matapos ito ay gamitin ang mga pamprosesong tanong bilang gabay sa talakayan. PAGSULONG PAG-UNLAD Pagsulong ng Ekonomiya? ? ? ?
  • 88.
    240 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang kaibahan ng pagsulong sa pag-unlad? 2. Maaari bang magkaroon ng pagsulong kahit walang pag-unlad? Ipaliwanag. 3. Maaari bang magkaroon ng pag-unlad kahit walang pagsulong? Pagtibayin, Gawain 9: GRAPHIC ORGANIZER Ipabuo ang graphic organizer na matatagpuan sa ibaba batay sa isinasaad ng tekstong kanilang nabasa. Upang higit na maunawaan ay gamitin ang mga pamprosesong tanong bilang gabay sa talakayan. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang tatlong aspektong sinusukat ng Human Development Index? 2. Sa iyong palagay, sapat na kaya ang mga aspekto at pananda ng HDI upang ganap na masukat ang antas ng pag-unlad ng isang bansa? Patunayan. 3. Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ng mga pamahalaan ng iba’t ibang bansa ang mga aspekto at indicators ginagamit sa HDI? Gawain 10: JUMBLED LETTERS Gamit ang mga pinaghalo-halong letra, ipatukoy ang mga konsepto at salitang inilalarawan ng sumusunod na pahayag. Ipasulat ang nabuong salita sa kahon sa ibaba. 1. Sangay ng United Nations na naglalabas ng ulat ukol sa estado ng human development sa mga kasaping bansa nito PNDU PANUKAT NG PAG-UNLAD ASPEKTO NG HDI INDICATOR
  • 89.
    241 DEPED COPY 2. Angnagpasimula ng Human Development Report. BAHBUM LU AQH 3. Ang itinuturing na tunay na yaman ng isang bansa OTA 4. Nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na pangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa NHMUA OPETENDVMLE EDIXN 5. Palatandaang ginagamit upang masukat ang kahirapan sa mga bansang kasapi ng UN. DNMMLTNUOALIISEI RTYOVER DIXNE Gawain 11: KAHON-ANALYSIS Hayaan ang mga mag-aaral na basahin at suriin ang sumusunod na pahayag. Atasan silang ipaliwanag ang kanilang pagkaunawa sa mga pahayag na ito. Gawain 12: PAGSUSURI NG TSART Ang sumusunod na tsart ay galing sa United Nations Development Programme (Human Development Report 2014). Dito makikita ang kasalukuyang estado ng mga bansa batay na rin sa iba’t ibang panukat ng pag-unlad na ginagamit ng United Nation. Bigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral upang suriing mabuti ang nilalaman ng tsart. Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral sa tulong ng mga pamprosesong tanong. Ang mga tao ang tunay na kayamanan ng isang bansa _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ Ang layunin ng pag-unlad ay makalikha ng kapaligirang nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na magtamasa ng matagal, malusog, at maayos na pamumuhay _____________________ _____________________ _____________________ Ang pag-unlad ay tunay na nasusukat lamang sa pamamagitan ng epekto nito sa pamumuhay ng mga tao. __________________ __________________ __________________ __________________
  • 90.
    242 DEPED COPY Very high human development Highhuman development Medium human development Low human development 1 Norway 2 Australia 3 Switzerland 4 Netherlands 5 United States 6 Germany 7 New Zealand 8 Canada 9 Singapore 10 Denmark 11 Ireland 12 Sweden 13 Iceland 14 United Kingdom 15 Hong Kong, China (SAR) 16 Korea (Republic of) 17 Japan 18 Liechtenstein 19 Israel 20 France 21 Austria 22 Belgium 23 Luxembourg 24 Finland 25 Slovenia 26 Italy 27 Spain 28 Czech Republic 29 Greece 30 Brunei Darussalam 31 Qatar 32 Cyprus 33 Estonia 34 Saudi Arabia 35 Lithuania 36 Poland 37 Andorra 38 Slovakia 39 Malta 40 United Arab Emirates 50 Uruguay 51 Bahamas 52 Montenegro 53 Belarus 54 Romania 55 Libya 56 Oman 57 Russian Federation 58 Bulgaria 59 Barbados 60 Palau 61 Antigua and Barbuda 62 Malaysia 63 Mauritius 64 Trinidad and Tobago 65 Lebanon 66 Panama 67 Venezuela (Bolivarian Republic of) 68 Costa Rica 69 Turkey 70 Kazakhstan 71 Mexico 72 Seychelles 73 Saint Kitts and Nevis 74 Sri Lanka 75 Iran (Islamic Republic of) 76 Azerbaijan 77 Jordan 78 Serbia 79 Brazil 80 Georgia 81 Grenada 82 Peru 83 Ukraine 84 Belize 85 The former Yugoslav Republic of Macedonia 86 Bosnia and Herzegovina 87 Armenia 88 Fiji 89 Thailand 103 Maldives 104 Mongolia 105 Turkmenistan 106 Samoa 107 Palestine, State of 108 Indonesia 109 Botswana 110 Egypt 111 Paraguay 112 Gabon 113 Bolivia (Plurinational State of) 114 Moldova (Republic of) 115 El Salvador 116 Uzbekistan 117 Philippines 118 South Africa 119 Syrian Arab Republic 120 Iraq 121 Guyana 122 Vietnam 123 Cape Verde 124 Micronesia (Federated States of) 125 Guatemala 126 Kyrgyzstan 127 Namibia 128 Timor-Leste 129 Honduras 130 Morocco 131 Vanuatu 132 Nicaragua 133 Kiribati 134 Tajikistan 135 India 136 Bhutan 137 Cambodia 138 Ghana 139 Lao People’s Democratic Republic 140 Congo 141 Zambia 142 Bangladesh 145 Nepal 146 Pakistan 147 Kenya 148 Swaziland 149 Angola 150 Myanmar 151 Rwanda 152 Cameroon 153 Nigeria 154 Yemen 155 Madagascar 156 Zimbabwe 157 Papua New Guinea 158 Solomon Islands 159 Comoros 160 Tanzania (United Republic of) 161 Mauritania 162 Lesotho 163 Senegal 164 Uganda 165 Benin 166 Sudan 166 Togo 168 Haiti 169 Afghanistan 170 Djibouti 171 Côte d’Ivoire 172 Gambia 173 Ethiopia 174 Malawi 175 Liberia 176 Mali 177 Guinea- Bissau 178 Mozambique 179 Guinea 180 Burundi 181 Burkina Faso 182 Eritrea 183 Sierra Leone 184 Chad
  • 91.
    243 DEPED COPY Very high human development Highhuman development Medium human development Low human development 41 Chile 42 Portugal 43 Hungary 44 Bahrain 45 Cuba 46 Kuwait 47 Croatia 48 Latvia 49 Argentina 90 Tunisia 91 China 92 Saint Vincent and the Grenadines 93 Algeria 94 Dominica 95 Albania 96 Jamaica 97 Saint Lucia 98 Colombia 99 Ecuador 100 Suriname 101 Tonga 102 Dominican Republic 143 Sao Tome and Principe 144 Equatorial Guinea 185 Central African Republic 186 Congo (Democratic Republic of the) 187 Niger Pamprosesong Tanong: 1. Aling sampung mga bansa ang itinuturing na maunlad sa taong 2014? 2. Saang kontinente matatagpuan ang karamihan sa mga bansang maunlad? 3. Pang-ilan ang Pilipinas batay sa talang inilabas ng United Nations Development Programme (Human Development Report 2014)? Paano inilarawan ng nasabing ulat ang antas ng pag-unlad ng bansa? 4. Bilang isang Pilipino, ano ang maaaring gawin ng bawat mamamayan upang matamo ang pambansang kaunlaran? 5. Ano ang maaari mong maging bahagi sa pagtatamo ng pambansang kaunlaran? Gawain 13: SURIIN NATIN! Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng isang triad. Muling balikan ang mga palatandaan ng pag-unlad. Hayaan sila na kumuha ng mga datos mula sa kanilang lokal na pamahalaan o sa mismong ahensiya upang lubos na makita ang tunay na kalagayan sa mga aspeto ng kalusugan, edukasyon, at pamantayan ng pamumuhay ng kanilang komunidad at ganap na matukoy ang antas ng kaunlaran nito.
  • 92.
    244 DEPED COPY Palatandaan Paliwanag Ipabasa at ipasuring mabuti sa mga mag-aaral ang teksto tungkol sa sama-samang pagkilos tungo sa pambansang kaunlaran. Hikayatin sila na itala sa kanilang kuwaderno ang mahahalagang salita na kanilang makikita upang lubos nilang maunawaan ang mga nilalaman nito. Magagamit itong takdang- aralin o kaya ay gawain sa klase. Gawain 14: AKO BILANG MAG- AARAL Ipasagot ang sumusunod na tanong gamit ang mga konseptong kanilang natutuhan mula sa binasang teksto. 1. Datapwat seryoso ang pamahalaan na labanan ang korapsiyon, patuloy pa rin ang maling paggasta ng kaban ng bayan. Bilang isang mapanagutang mag-aaral, paano ka makatutulong upang masugpo ito? 2. Maraming tao na ang nagpatunay na hindi hadlang ang kahirapan upang magtagumpay sa kahit anumang negosyo. Ilan sa mga ito sina Lucio Tan, Henry Sy, at Manny Villar. Bilang isang maabilidad na mag- aaral, paano ka makapag-aambag sa ekonomiya ng bansa kahit sa maliit na pamamaraan? 3. Maliban sa mga nabanggit na halimbawa, paano mo ipinakikita ang iyong pagiging makabansa? 4. Ang pagboto ay isang obligasyon ng mga mamamayan ng bansa. Hindi natatapos sa pagboto ang obligasyong ito. Kinakailangang makilahok ang bawat isa sa mga proyektong pangkaunlaran. Bilang isang mag-aaral, paano mo ginagamit ang iyong pagiging maalam sa pagpili ng mga pinuno at pakikilahok sa mga gawaing pampaaralan at pampamayanan? Gawain 15: KAPIT- BISIG! Hatiin ang klase sa apat na pangkat: • Unang Pangkat - Mapanagutan • Ikalawang Pangkat - Maabilidad • Ikatlong Pangkat - Makabansa • Ikaapat na Pangkat - Maalam
  • 93.
    245 DEPED COPY Balikanmuli ang tekstong binasa. Atasan ang bawat pangkat na magsagawa ng brainstorming upang masuri nang mabuti ang paksa. Ipakikita sa klase ang resulta ng pagsusuri ng ilan sa mga estratehiya ng makatutulong sa pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng: • role playing - para sa unang pangkat • jingle - para sa ikalawang pangkat • interpretative dance - ikatlong pangkat • pantomime - ikaapat na pangkat Gamiting batayan sa pagsasagawa ng mga gawain ang mga tanong sa Gawain 14. Gawin ding batayan ang rubrik sa ibaba. RUBRIK PARA SA MGA PAGTATANGHAL PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS NAKUHANG PUNTOS Nilalaman Naipakita sa pamamagitan ng ginawang pagtatanghal ang pagsusulong sa sama-samang pagkilos para sa pambansang kaunlaran. 30 Pagkamalikhain Ang mga konsepto at simbolismong ginamit ay naging makabuluhan upang lubos na maipakita ang sama-samang pagkilos sa aktibong pakikisangkot tungo sa pambansang kaunlaran 20 Mensahe Ang mensahe ng ginawang pagtatanghal ay direktang nakatugon sa mga stratehiyang inilahad sa aralin. 20 Pamagat Naipaloob ng wasto ang konsepto ng sama- samang pagkilos tungo sa pambansang kaunlaran sa pamagat ng ginawang pagtatanghal. 15 Pakikisangkot sa Grupo Ginawa ng bawat kasapi ng grupo ang mga iniatang na gawain para sa ikagaganda ng pagtatanghal. 15 Kabuuang Puntos 100
  • 94.
    246 DEPED COPY Gawain 16:ANG PANATA KO Ang pagkakaroon ng maunlad na ekonomiya ang hangarin ng maraming bansa sa daigdig. Ilan lamang sa maraming gampanin ang inilahad sa teksto. Sa mga gampaning inisa-isa mula sa tekstong binasa ng mga mag-aaral, papiliin sila ng isang gampanin. Atasan silang gumawa ng isang panata ukol dito. Ipasulat ito sa loob ng status box sa ibaba. Matapos ito ay gamitin ang mga pamprosesong tanong bilang gabay sa talakayan. Pamprosesong Tanong: 1. Bakit mo napiling gawing panata ang nasabing gampanin? 2. Ano-ano ang handa mong gawin para sa ikauunlad ng ating bayan? Pangatwiranan. 3. Paano mo maihahanda ang iyong sarili para maging isang mapagkakatiwalaang, maabilidad, makabansa, at maalam na mamamayan ng Pilipinas sa hinaharap? Gawain 17: EVOLUTION OF IDEAS Sa pamamagitan ng mga talakayan sa klase at mapanghamong mga gawain, inaasahang makukumpleto na ang huling kahon sa gawain. Ipasulat ang mahahalagang pang-unawa na natutuhan ng mga mag-aaral sa kanilang aralin sa loob ng titik L. ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________
  • 95.
    247 DEPED COPY Gawain 18:MAGSURI! Ipabasa ang hinalaw na editoryal sa mga mag-aaral. Gamit ang mga pamprosesong tanong, bibigyang puna nila ang nilalaman ng artikulo. Matapos na maibigay ang mahahalagang konsepto at kaisipan sa paksa, inaasahan na nagkaroon ng karadagang kaalaman ang mga mag- aaral. Inaasahan din na ang mga nilalamang ito ay kanilang magagamit upang higit pang mapalalim ang kanilang kaalaman at kasanayan na kritikal sa isang mag-aaral ng Araling Panlipunan. Ang mga gawaing inihanda sa susunod na bahagi ay napapanahon, makatotohanan, at mangangailangan ng pagsusuri at kasanayan upang maisabuhay ang natutunan sa bahaging ito. PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo, bilang mag-aaral, ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa mga konsepto at palatandaang ito upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.
  • 96.
    248 DEPED COPY EDITORYAL -Umangat ang ekonomiya, dumami ang jobless  (Pilipino Star Ngayon) | Updated February 13, 2014 Hindi tugma ang nangyayari sa bansa kung ang kalagayan ng buhay ng mga Pilipino ang pag-uusapan. Noong nakaraang taon, umangat daw ng 7.2 percent ang ekonomiya ng Pilipinas at pumangalawa sa China. Maraming nasiyahan nang marinig ang balitang ito. Napakagandang balita dahil pangalawa sa magandang ekonomiya. Pero nang lumabas ang survey ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan na 12.1 milyong Pilipino ang walang trabaho, maraming nadismaya at hindi makapaniwala. Nasaan na ang sinasabing magandang ekonomiya. Hindi ito tugma sa laging sinasabi ng pamahalaan, gumanda ang ekonomiya ng bansa. Noong 2012, umangat daw ng 6.6 percent ang ekonomiya. Tuwang-tuwa ang pamahalaan sapagkat ngayon lamang umigpaw nang malaki ang ekonomiya ng bansa. Sabi, ang pag-angat ng ekonomiya ay dahil sa maayos at mabuting pamamahala. Maaaring tama na kaya gumaganda ang ekonomiya ay dahil sa maayos na pamumuno pero ano naman kaya ang dahilan at marami ang walang trabaho sa kasalukuyan. Noong Martes na magdaos ng meeting sa Malacañang, maski si President Noynoy Aquino ay nagtaka kung bakit tumaas ang unemployment rate. Hiningan niya ng paliwanag ang mga miyembro ng Cabinet kung bakit maraming Pinoy ang jobless. Katwiran ng isang miyembro ng Cabinet, ang sunud-sunod na kalamidad na tumama sa bansa ang dahilan kaya tumaas ang bilang ng mga walang trabaho. Binanggit ang pananalasa ng Yolanda sa Visayas at pagtama ng lindol sa Bohol. Ang problema sa unemployment ang nagbubunga ng iba pang problema. Tiyak na tataas ang krimen at marami ang magugutom. Sa nangyayaring ito, dapat nang tutukan ng pamahalaan ang pagpapaunlad sa agricultural sector para makalikha ng mga trabaho. Sa sektor na ito maraming makikinabang. Nararapat din namang rebisahin o ibasura ang contractualization. Maraming kompanya ang hanggang anim na buwan lamang ang kontrata sa manggagawa kaya pagkatapos nito wala na silang trabaho. Lalo lang pinarami ng contractualization ang mga walang trabaho. Pinagkunan: http://www.philstar.com/psn-opinyon/2014/02/13/1289713/editoryal-umangat-ang-ekonomiya-dumami-ang-jobless. Retrieved on November 15, 2014
  • 97.
    249 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang nilalaman ng editoryal? 2. Sa iyong palagay, ano ano ang mga posibleng dahilan kung bakit maraming Pilipino pa rin ang walang trabaho sa kabila ng sinasabing pag-angat ng ekonomiya ng bansa? 3. Batay sa iyong nabasang artikulo, masasabi bang may pag-unlad sa bansa? Ipaliwanag ang sagot. Gawain 19: AWITIN MO AT GAGAWIN KO! Maraming mamamayang Pilipino ay patuloy na umaasang matatamo ng bansa ang hinahangad nitong kaunlaran. Patuloy tayong nangangarap na minsan ay makaahon ang karamihan sa atin sa kahirapan at magkaroon ng maayos na pamumuhay. Ngunit bago ito mangyari, kinakailangang magising tayo sa katotohanang may obligasyon o responsibilidad tayong dapat gawin. Upang matamo ang pambansang kaunlaran, napakahalaga na magtulungan tayo at magbahagi ng ating panahon at kakayahan tungo sa pag-abot nito. Sa gawaing ito, ipasuri ang isang awiting pinasikat ni Noel Cabangon. Inilahad sa awitin ang mga simpleng pamamaraan upang matawag tayong “Mabuting Pilipino.” Ang mga simpleng bagay na ginagawa natin sa araw- araw ay maaring makatulong sa unti-unti nating pag-abot sa pinapangarap nating kaunlaran.Bawat isa sa atin - kahit ano pa man ang papel mo sa lipunan, ay may magagawa upang maabot ang mithiing ito. Ipagamit na gabay ang mga pamprosesong tanong sa gilid ng mga kahon sa pag-unawa at pagninilay sa aralin. Ako’y Isang Mabuting Pilipino Noel Cabangon Ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin Tumatawid ako sa tamang tawiran Sumasakay ako sa tamang sakayan Pumipila at ‘di nakikipag-unahan At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan Maaaring panoorin ang video sa Youtube upang masundan ang himig ng awit. http://www.yo.utube.com/watch?v=hkfO uCzJl78
  • 98.
    250 DEPED COPY Bumababa’t nagsasakayako sa tamang sakayan (Nagbababa ako sa tamang babaan) ‘di nakahambalang parang walang pakialam Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa kalsada Humihinto ako ‘pag ang ilaw ay pula [chorus] ‘pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin Sumasakay at bumababa ka ba sa tamang sakayan at babaan? Ano- anong mga tuntunin at alituntunin sa paaralan ang sinusunod mo? ‘Di ako nangongotong o nagbibigay ng lagay Tiket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay Ako’y nakatayo doon mismo sa kanto At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno ‘Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan ‘Di bumubuga ng usok ang aking sasakyan Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan Inaalagaan ko ang ating kapaligiran [repeat chorus] Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan ‘di ako gumagamit ng bawal na gamot O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y ‘di pumapasok Paano ka makatutulong sa pangangalaga ng ating kapaligiran? Gaano kahalaga ang pag- aaral sa iyo? Pangatwiranan. sinusunod mo? Ano-anong pag-aaral
  • 99.
    251 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pangkalahatang mensahe ng awitin? Paano mo maiuugnay ito sa pagtatamo ng kaunlaran? Ipaliwanag. 2. Kanino kayang mga tungkulin ang inilahad sa awitin? Ano ang implikasyon nito sa pambansang kaunlaran? 3. Paano ka makatutulong sa pag- unlad ng bansa bilang isang mabuting Pilipino? Pagtibayin. Gawain 20: IKAMPANYA MO NA! Itanong sa mga mag- aaral kung papaano sila makapag-aambag sa pag-unlad ng bansa bilang mabuting mamamayan? Ipalahad ang kanilang kasagutan gamit ang isang campaign slogan. Gamiting gabay ang rubrik sa susunod na pahina sa pagsasagawa ng gawain. Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan ‘pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan ‘di ko ibinebenta ang aking kinabukasan Ang boto ko’y aking pinahahalagahan [repeat chorus] Ako’y isang tapat at totoong lingkod ng bayan Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan ‘Di ko ibinubulsa ang pera ng bayan Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino Mga karapatan nila’y kinikilala ko Iginagalang ko ang aking kapwa-tao Ipinaglalaban ko ang dangal ng bayan ko. [repeat chorus twice] Bakit mahalaga ang pagkakaloob ng tapat na serbisyo sa mga tao?
  • 100.
    252 DEPED COPY RUBRIK SAPAGMAMARKA NG CAMPAIGN SLOGAN PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS NAKUHANG PUNTOS Nilalaman Ang ginawang campaign slogan ay mabisang nakapanghihikayat sa mga makababasa nito 20 Pagkamalikhain Ang paggamit ng mga angkop at malalalim na salita (matalinghaga) ay akma sa mga disenyo at biswal na presentasyon upang maging mas maganda ang slogan. 15 Kaangkupan sa Tema Angkop sa tema ang ginawang slogan. 10 Kalinisan Malinis ang pagkakagawa ng slogan. 5 Kabuuang Puntos 50 Transisyon sa Susunod na Aralin Inilahad sa aralin na ito ang konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran. Natalakay din ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino at sama-samang pagkilos ng mga ito tungo sa inaasam na pambansang kaunlaran. Bilang mga mamamayan ng Pilipinas, nararapat lamang na makiisa at aktibong makisangkot sa mga gawain at tungkulin ang bawat mamamayan upang makapag- ambag tayo sa pag-unlad ng bansa. Sa mga susunod na aralin, tutuklasin at aalamin ng mga mag-aaral ang iba’t ibang sektor ng ating ekonomiya at ang mga patakarang pang- ekonomiya na maaaring makatulong sa bawat sektor. Ngayon ay may sapat na silang kaalaman tungkol sa konsepto at palatandaan ng kaunlaran. Gamit ang mga konsepto at pag-unawa na kanilang natutunan sa araling ito, magiging madali na lamang ang mga susunod pang aralin! Napagtagumpayan na ng mga mag-aaral ang unang aralin kaya mas paghusayan pa nila sa iyong paggabay ang susunod pang mga gawain! MAHUSAY! Natapos mo na ang paggabay sa mga mag-aaral upang maisakatuparan nila ang mga gawain!
  • 101.
    253 DEPED COPY PANIMULA Sa nakaraangaralin, tinalakay ang kahulugan at palatandaan ng kaunlaran. Ipinaunawa ang kahulugan at mahahalagang impormasyon na dapat makita upang masukat ang kaunlaran ng isang bansa. Ipinakilala rin ang iba’t ibang elemento sa buhay at kapaligiran bilang indikasyon ng kalidad sa pamumuhay ng mga tao. Kaugnay nito, inaasahang malalaman ng mga mag- aaral ang kalagayan ng mga sektor ng ekonomiya gayundin ang kontribusyon ng mga ito sa pagtatamo ng kaunlaran. Sa araling ito ay sisimulan ang pagtalakay sa Sektor ng Agrikultura. Susuriin kung ano ang kahalagahan ng sektor na ito sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Iisa- isahin din ang mga suliraning kinakaharap nito at ang mga patakarang pang-ekonomiya na itinataguyod ng pamahalaan upang mapalakas ang sektor. Inaasahan na mauunawaan ang papel ng agrikultura at ang kaugnayan nito sa pagkakaroon ng matiwasay na pamumuhay ng bawat mamamayan. Bago tuluyang magsimula sa mga talakayan ang mga mag-aaral, aalamin muna ang kanilang mga paunang kaalaman hinggil dito. Kaya umpisahan na! ARALIN 2: SEKTOR NG AGRIKULTURA Gawain 1: KANTANG BAYAN – ALAM KO! Isulat ng guro ang awiting “Magtanim ay Di Biro” sa pisara o sa manila paper. Ipaaawit sa mga mag-aaral ang nasabing kantahing bayan. Maaaring patayuin ang mga mag-aaral o manatili silang nakaupo habang umaawit. Matapos ito, itanong sa mga mag-aaral kung ano ang limang bagay na pumapasok sa kanilang isipan kapag binabasa, naririnig, o inaawit ang kantang bayan. Layunin ng gawain na matukoy ang sektor agrikultura. Hindi dapat maikintal sa isipan ng mga mag-aaral na mahirap ang gawain sa bukid bagkus ay dapat na maipaunawa na ang lahat ng gawain ay dapat na maisagawa nang tama. ALAMIN Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa sektor ng agrikultura at kung ano ang bahaging ginagampanan ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng bansa.
  • 102.
    254 DEPED COPY Magtanim aydi biro Maghapong nakayuko Di naman makatayo Di naman makaupo Bisig ko’y namamanhid Baywang ko’y nangangawit. Binti ko’y namimintig Sa pagkababad sa tubig. Kay-pagkasawing-palad Ng inianak sa hirap, Ang bisig kung di iunat, Di kumita ng pilak Sa umagang pagkagising Lahat ay iisipin Kung saan may patanim May masarap na pagkain. Halina, halina, mga kaliyag, Tayo’y magsipag-unat- unat. Magpanibago tayo ng lakas Para sa araw ng bukas (Braso ko’y namamanhid Baywang ko’y nangangawit. Binti ko’y namimintig Sa pagkababad sa tubig.) Pinagkunan: Retrieved from http://tagaloglang.com/Filipino-Music/Tagalog-Folk-Songs/magtanim-ay-di-biro.html on January 13, 2015 Matapos ibigay ang tanong tungkol sa naisip ng mag-aaral, isusunod na ibibigay isa-isa ang mga pamprosesong tanong. Pamprosesong Tanong: 1. Bakit ang limang bagay na ito ang naisip mo kaugnay ng awiting “Magtanim Ay Di Biro”? 2. Ano ang nabubuo o pumapasok sa isipan mo habang inaawit ang “Magtanim ay Di Biro”? 3. Anong sektor ng ekonomiya ang nabibilang ang tema ng awitin? Ipaliwanag. Gawain 2 : KILALA KO ANG SEKTOR NA ITO! Muling babalikan ang awiting “Magtanim Ay Di Biro.” Magpakuha sa mga mag-aaral ng isang bagay sa loob ng silid-aralan na sa palagay nila ay maglalarawan o maaaring nagmula sa sektor ng agrikultura. Atasan sila na humanap ng ka-triad at talakayin ang bagay na napili at ang kaugnayan nito sa sektor. Matapos ito, tatalakayin ang gawain gamit ang mga pamprosesong tanong. Pamprosesong Tanong 1. Ano ang naging batayan mo sa napiling bagay? 2. Paano mo ito iniugnay sa sektor ng agrikultura? 3. Para sa iyo, ano ang kahalagahan ng sektor na ito at sa buong bansa upang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa? Patunayan.
  • 103.
    255 DEPED COPY Gawain 3:IDEYA-KONEK! Ipahalintulad sa mag-aaral ang kanilang sarili sa isang puno na nasa larawan. Ipasukat ang kanilang kaalaman katulad sa lalim ng ugat ng nasabing puno. Ipaunawa na kung mas malalim ang ugat, ganoon din kalalim ang kaalaman ng mag-aaral tungkol sa sektor ng agrikultura. Ipasagot sa mag- aaral ang tanong na nasa ibaba. Ano ang alam ko sa sektor ng agrikultura? Ang susunod na bahagi ng aralin ay magbibigay-daan upang ang mga mag-aaral ay magabayan sa pagkatuto ng mga kaalaman tungkol sa sektor ng agrikultura. Ang kabatiran sa mga impormasyong ito ay daan upang ang pamantayang pangnilalaman ay matamo. Ang lahat ng ito ay bilang paghahanda na rin sa mga kasanayan na lilinangin sa mga susunod na bahagi ng aralin. PAUNLARIN Matapos maipamalas ng mag-aaral ang kanilang kaalaman sa aralin, asahan na ito ay higit pang malilinang sa pamamagitan ng mga babasahin at mga gawain na makatutulong sa pagpapaunlad ng kanilang kakayahan. Mahalaga ang aktibong partisipasyon nila sa mga gawain at mga talakayan para sa kanilang lubos na pagkatuto. Simulan ang pagpapaunlad sa kanilang kaalaman.
  • 104.
    256 DEPED COPY Gawain 4:CONCEPT DEFINITION MAP Atasan ang mag-aaral na bumuo ng Concept Definition Map gamit ang modelo sa ibaba. Hayaan na tukuyin nila at bigyan ng kahulugan kung ano ang sektor ng agrikultura, ano ang bumubuo rito, at ipaisa-isa ang mga kahalagahan nito. Maaari itong ipagawa nang dalawahan, tatluhan, o pangkatin ang mag- aaral depende sa laki ng klase. Ipalagay ang kasagutan sa bawat kahon. Ipaalam sa mag-aaral na ang mga impormasyon sa paggawa ng Concept Definition Map ay makukuha mula sa teksto na tumatalakay tungkol sa sektor ng agrikultura. Matapos ang gawain, ipatalakay ang output ng mga mag-aaral. Sunod na isagawa ang pamprosesong tanong upang malinaw na maipaliwanag ang kabuuan ng nasabing gawain. Pamprosesong Tanong: 1. Bakit mahalagang sektor ng ekonomiya ang agrikultura? 2. Sa iyong palagay, paano ka magiging kaakibat upang maitaguyod ang sektor ng agrikultura? Ipaliwanag. Ano ang mga bumubuo rito? Ano ito?Ano ang mga kahalagahan nito? Sektor ng Agrikultura
  • 105.
    257 DEPED COPY GAWAIN 5:LARAWAN! KILALANIN! Sa gawaing ito, muling balikan ang mga impormasyon mula sa binasang teksto. May apat na larawan na kumakatawan sa bawat sekundaryang sektor ng agrikultura. Mula rito, ipasulat sa mga mag-aaral ang bahaging ginagampanan ng bawat sekundaryang sektor at ambag ng mga ito sa kabuuan ng sektor agrikultura. Hayaang maibahagi ng mga mag-aaral ang kanilang output. Matapos ito, gamit ang pamprosesong tanong bilang gabay, talakayin ang nilalaman ng gawain. Pamprosesong Tanong: 1. Ano-ano ang bumubuo sa sektor ng agrikultura? 2. Paano nakatutulong ang sektor ng agrikultura sa pamumuhay ng tao sa komunidad? 3. Sa iyong palagay, sapat ba ang naitutulong o pagtugon ng sektor ng agrikultura sa mga pangangailangan ng maraming Pilipino? Bakit? 4. Iugnay ang papel ng sektor ng agrikultura sa pagkakamit ng kaunlaran ng bansa. A G R I K U L T U R A GAWAIN _________________ ____ GAWAIN _________________ ____ GAWAIN _________________ ____ GAWAIN _________________ ____
  • 106.
    258 DEPED COPY Gawain 6:CONCEPT WEB Gamit ang modelong Concept Web bilang gabay, papunan sa mag- aaral ang kahon ng mga salita na may kaugnayan sa mga suliranin ng sektor. Ipaalam na ang mahahalagang impormasyon ay makukuha mula sa babasahin nilang teksto tungkol sa suliranin sa sektor ng agrikultura. Ipaalala rin sa mag-aaral na ang talakayan ay umiikot sa bawat sekundaryang sektor ng agrikultura upang mabigyan sila ng mas malinaw na ideya tungkol sa mga isyu. Ang ganap na pag-unawa ay kinakailangan upang maibigay ang mga wastong impormasyon sa gawain. Gamitin ang pamprosesong tanong upang lubos na matalakay ang layunin ng gawain. Pamprosesong Tanong: 1. Ano-ano ang suliranin ng sektor ng paghahalaman, paggugubat, paghahayupan, at pangingisda? 2. Ano-ano ang kasalukuyang solusyong ginagawa ng pamahalaan, mga magsasaka, at mga nasa pribadong sektor? 3. Sa iyong palagay, paano mahihikayat ang kabataan na gumawa ng mga hakbang na makatutulong sa sektor ng agrikultura? 4. Ano ang iyong maaaring maiambag upang maging kabahagi sa pagtugon sa mga suliranin sa sektor ng agrikultura? Gawain 7: I-VENN DIAGRAM NA YAN! Gamit ang istratehiyang Venn Diagram, ipaisa-isa ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga sekundaryang sektor ng agrikultura. Atasan ang mga mag-aaral na gamiting huwaran ang dayagram sa susunod na pahina bilang tugon sa gawain. Siguraduhin na mauunawaan ng mga mag-aaral na ang mga patakaran at programa ay ipinatupad ayon sa kaunlaran na nais nitong matamo. Ipaunawa sa mga mag-aaral na mahalagang maunawaan ang nilalaman ng teksto upang makatugon sa gawain. Ipasagot ang mga pamprosesong tanong upang matamo ang kabuuang layunin ng gawain. SULIRANIN NG AGRIKULTURA
  • 107.
    259 DEPED COPY Inaasahansa gawaing ito na ilan sa mga kasagutan ay maaaring livelihood program para sa pamilya ng mga magsasaka, scholarship para sa mga anak ng mangingisda at mga batas para sa kapakanan ng mga nabibilang sa sektor ng magsasaka. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pagkakapareho at pagkakaiba sa mga naging patakaran ng pamahalaan sa iba’t ibang aspekto ng agrikultura? 2. Sa iyong palagay, mayroon bang mga naging pagkukulang upang ganap na matamo ang layunin ng mga patakaran? Patunayan. 3. Bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang maaari mong maging papel upang maging matagumpay ang pagpapalakas sa sektor ng agrikultura? Gawain 8. RIPPLES OF KNOWLEDGE Batay sa layunin na maipakita ang kasanayan sa paghinuha, hayaan ang mga mag-aaral na punan ang hanay ng inaasahang epekto at ang ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa ayon sa mga patakaran o programa ng pamahalaan. Maaaring pangkatin ang mga mag-aaral ayon sa laki ng klase bilang tugon sa gawaing Ripples of Knowledge. Tiyakin na maunawaan ng mga mag-aaral ang teksto tungkol sa mga patakaran at programa ng pamahalaan upang makapagbigay ng angkop at kritikal na mga kasagutan. Sundan ang mga pamprosesong tanong upang matamo ang layunin sa gawaing ito. Pangisdaan Pagtotroso Pagsasaka
  • 108.
    260 DEPED COPYPamprosesong Tanong: 1. Ano-ano ang patakarang ipinatutupad ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura? 2. Epektibo ba ang mga patakarang ito batay sa naging sagot mo sa mga inaasahang magiging epekto nito? Bakit? 3. Paano magiging makabuluhan ang pagpapatupad ng mga patakarang nabanggit sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura at bansa? Gawain 9: IDEYA - KONEK! Bilang pagpapatuloy, hayaan na suriin ng mga mag-aaral ang naidagdag na kaalaman mula sa pagtatapos ng bahaging ito. Upang malaman ang lalim ng kaalaman, muli itong tayain sa pamamagitan ng paghahalintulad sa isang puno na patuloy ang paglago at pagkalat ng mga ugat sa lupa. Gamitin ang katanungan na nasa ibaba bilang pamaraan sa pagsukat. Ano ang alam ko sa sektor ng agrikultura? Sitwasyon Mga Patakaran/ Programang Pang- ekonomiya Pagpapatayo ng sistema ng patubig, daan, at post harvest facilities Hamon sa globalisasyon Pagbibigay ng lupang sakahan Ahensiya ng Pamahalaan Inaasahang Magiging Epekto
  • 109.
    261 DEPED COPY Gawain 10:KASO-LUTASIN! Ipangkat ang mga mag-aaral na may limang miyembro bawat grupo. Bigyan ang bawat pangkat ng kopya ng editoryal tungkol sa “Aangkat pa pala ng bigas.” Ipasuri ito sa mga mag-aaral gamit ang mga pamprosesong tanong at ipaulat sa klase ang mga naging kasagutan. Gamitin ang pamantayan sa pagmamarka sa gagawing pag-uulat ng mga mag-aaral. EDITORYAL: Aangkat pa pala ng bigas Hindi nagkakatugma ang sinasabi ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) ukol sa pag-angkat ng bigas. Hindi malaman ng taumbayan kung sino ang paniniwalaan. Matapos na maibigay ang mahahalagang konsepto at kaisipan tungkol sa aralin na ito, ang mag-aaral ay inaasahan na nagkaroon ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa sektor ng agrikultura. Inaasahan din na ang mga nilalamang ito ay kanilang magagamit upang higit pang mapalalim ang kanilang kaalaman at kasanayan na kritikal sa isang mag-aaral ng Araling Panlipunan. Ang mga gawaing inihanda sa susunod na bahagi ay napapanahon, makatotohanan, at mangangailangan ng pagsusuri at kasanayan na magamit ang mga natutuhan sa naunang bahagi. PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin pa ng mag-aaral ang mga nabuong kaalaman ukol sa sektor ng agrikultura. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa sektor ng agrikultura upang maihanda sila sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan.
  • 110.
    262 DEPED COPY Ayonsa NFA, tinatayang 120,000 tonelada ng bigas ang bibilhin ng Pilipinas sa Thailand at Vietnam ngayong 2012. Darating ang mga bigas sa Hulyo. Bukod sa Thailand at Vietnam, posible raw umangkat din ng bigas sa Cambodia. Mag-uusap pa umano ang NFA at Cambodia para maisara ang usapan at maging supplier na ng bigas ang nasabing bansa. Ang pahayag ng NFA sa pag-aangkat ng bigas ay nagbibigay ng kalituhan sapagkat hindi pa natatagalan nang ihayag ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na sa susunod na taon ay hindi na aangkat ang Pilipinas ng bigas. At sa 2016 umano ay maaaring ang Pilipinas na ang mag-export ng bigas. Sa halip na bumili ng bigas sa Thailand at Vietnam, ang Pilipinas na ang magluluwas katulad noong dekada ’60 na ang Pilipinas ang nangungunang rice exporter sa Asia. Ayon kay Alcala, hindi na aangkat ng bigas ang Pilipinas sapagkat pauunlarin ang sakahan ng bansa. Iri-rehabilitate umano ang mga irigasyon. Bibigyan ng makinarya at binhi ang mga local na magsasaka. Isasailalim sa pagsasanay ang mga magsasaka. Lahat daw ng pangangailangan ng mga magsasaka ay tutugunan. Pero nakapagdududa kung magkakaroon ng katotohanan ang mga sinabi ni Alcala sapagkat taliwas nga sa pahayag ng NFA na aangkat pa pala nang maraming bigas at balak pang kausapin ang Cambodia para maging supplier. Ano ang totoo? Kung positibo ang Department of Agriculture na magiging masagana ang ani, bakit pa dadagdagan ang supplier? Bakit kailangang damihan pa ang aangkatin na umaabot sa 120,000 tonelada? Hindi kaya ito mabulok kagaya ng nangyari sa administrasyon ni dating Pangulong Arroyo? Ipaliwanag ito sa taumbayan. Pinagkunan: http://www.philstar.com/opinyon/811177/editoryal-aangkat-pa-pala-ng-bigas Retrieved on November 5, 2014 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang magkatunggaling isyu na ipinahihiwatig ng editoryal? 2. Anong patakarang pang-ekonomiya ang binibigyang-diin sa binasa? 3. Ano ang kahalagahan ng sektor ng agrikultura sa pagkamit ng kaunlaran ng bansa? 4. Kung ikaw ay isang magsasaka o mangingisda, anong suliranin ang dapat na bigyan ng pansin ng pamahalaan upang mapaunlad ang sektor ng agrikultura? 5. Kung ikaw ay kasapi ng pamahalaan na nagpapatupad ng mga batas o programa sa sektor ng agrikultura, ano ang gagawin mo para mapaunlad ito?
  • 111.
    263 DEPED COPY PAMANTAYAN SAPAG-UULAT Pamantayan Puntos Natamong Puntos Kawastuhan ng ideya batay sa paksa 5 Organisado at malikhain na paglalahad ng ideya ayon sa paksa ng araling inilahad 5 Kagamitang ginamit sa paglalahad 5 Kooperasyon ng bawat kasapi ng pangkat 5 Kabuuang Puntos 20 Katumbas na Interpretasyon: Magaling 5 Lubhang kasiya-siya 4 Kasiya-siya 3 Hindi gaanong kasiya-siya 2 Dapat pang linangin 1 Gawain 11: Mangampanya Tayo! Magpagawa ng isang advocacy campaign bilang mag-aaral at mamamayan ng kanilang pamayanan at ng bansa. Siguruhin na nakatutok ang nasabing kampanya sa pagpapalakas ng agrikultura at paghikayat sa kapuwa kabataan na makapag-ambag ng mga gawain na magpapalakas sa sektor na ito. Ilang halimbawa na maaaring gawin ay paggawa ng mga shout out na makaka-inspire sa mga mambabasa tungkol sa kabutihan ng sektor. Maaari ding gumawa ng mga artikulo o magbasa ng mga artikulo mula sa mga website at blog na may impormasyon tungkol sa agrikultura. Ang pagrekomenda ng mga palabas sa telebisyon, programa sa radyo, o mga dokumentaryo ay maaari ding maging bahagi ng kampanyang ito. Maaaring i-upload sa Facebook, blogs, o iba pa ang mga materyal na maaaring gamitin bilang kampanya.
  • 112.
    264 DEPED COPY MGA PAMANTAYANSA GAWAIN INDIKADOR NATATANGI MAHUSAY HINDI MAHUSAY KAILANGAN PANG PAUNLARIN MARKA 4 3 2 1 Nilalaman Malinaw na nagpapahi- watig ng pagpapa- halaga sa sektor ng agrikultura tungo sa pamban- sang pagsulong at pag-unlad Hindi gaanong malinaw ang ipinapahi- watig na pagpapa- halaga sa sektor ng agrikultura Hindi malinaw ang ipinahi- hiwatig na pagpapa- halaga sa sektor ng agrikultura Walang pagpapa- halaga sa sektor ng agrikultura Pagka- malikhain Ang likha ay orihinal. Ang likha ay orihinal subalit kulang sa kaayusan. Ang likha ay hindi orihinal at kulang sa kaayusan. Ang likha ay hindi orihinal at walang tunguhin. Nakahi- hikayat na maging kabahagi sa pagpapala- kas ng sektor ng agrikultura Nakahi- hikayat ngunit walang panahon kung paano maging kabahagi sa pagpapa- lakas ng sektor ng agrikultura Nakahi- hikayat ngunit hindi handang maging kabahagi sa pagpapa- lakas ng sektor ng agrikultura Nakahi- hikayat ngunit hindi handang maging kabahagi sa pagpapa- lakas ng sektor ng agrikultura Kooperasyon ng grupo Ang lahat ng miyembro ay nagsagawa ng mga gawain. Tatlo lamang na miyembro ang nagsagawa sa mga gawain. Isa lang na miyembro ang nagsagawa sa gawain. Walang nagsagawa sa mga gawain.
  • 113.
    265 DEPED COPY Gawain 12:IDEYA-KONEK Sa bahaging ito ay muling tatayain ng mga mag-aaral ang antas ng kanilangkaalaman.Gamitanglarawansaibabaatpaghahalintuladngnatamong kaalaman sa lalim ng mga ugat ng isang puno, ipasagot ang katanungan sa ibaba. Bilang isang mag-aaral, paano ako makatutulong sa pagpapatupad ng mga patakarang pang-ekonomiya tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad? MAHUSAY! Natapos mo na ang paggabay sa mga mag-aaral upang maisakatuparan nila ang mga gawain! Transisyon sa Susunod na Aralin Sa araling ito ay natutuhan mong ang sektor ng agrikultura ay binubuo ng paghahalaman, paghahayupan, pangingisda, at paggugubat. Ang bawat isa ay may malaking gampanin sa pagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa. Nakasalalay rin dito ang katugunan sa mga pangunahing pangangailangan ng tao at ng buong bansa. Ang mga suliraning nararanasan sa sektor na ito ay mga hamon upang tayo ay manindigan at gumawa ng mga pamamaraan para mapaunlad ang nabanggit na sektor. Samantala, ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay nagbabalangkas ng mga batas at programa tulad ng CARP para mapaunlad ang antas ng produktibidad nito. Nabigyang-diin ang kaugnayan ng sektor ng agrikultura sa sektor ng industriya at iba pa. Sa susunod naman na aralin ay tatalakayin ang kahalagahan at kontribusyon ng industriya sa pagkakamit ng kaunlaran ng bansa.
  • 114.
    266 DEPED COPY PANIMULA Sa nakaraangaralin ay tinalakay ang sektor ng agrikultura. Sinuri ang kahalagahan nito sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Inisa-isa din ang mga suliraning kinakaharap nito at ang pagbibigay diin sa matalinong paggamit ng mga likas na yaman para sa kapakanan ng mga susunod na Pilipino. Hindi rin nakaligtaan ang mga patakarang pang-ekonomiya na itinataguyod ng pamahalaan upang masiguro na patuloy ang pagpapalakas sa sektor. Samantala, bilang bahagi ng yunit na ito, ang susunod na sektor na tatalakayin ay ang sektor ng industriya. Ipauunawa sa mga mag-aaral ang papel ng industriya at ang kaugnayan nito sa pagkakaroon ng matiwasay na pamumuhay ng bawat mamamayan. Susuriin din ang kahalagahan at ang kasalukuyang kalagayan nito, maging ang mga balakin ng pamahalaan upang masiguro ang kapakinabangan nito sa pagtatamo ng kaunlaran ng bansa. Kaya’t muling gabayan ang mga mag-aaral na patuloy na makiisa upang ganap nilang maunawaan ang papel ng sektor ng industriya at ang kaugnayan nito sa buhay bilang mga Pilipino. Bago tuluyang tumungo sa mga talakayan, alamin muna ang mga paunang kaalaman hinggil dito. Kaya imbitahin na sila upang umpisahan na! ARALIN 3: SEKTOR NG INDUSTRIYA Gawain 1. PRIMARYA – SEKUNDARYA HALA! Atasan ang mag-aaral na tingnan at pag-aralan ang bawat larawan. Ipaugnay ang larawan sa kanan at sa kaliwa. ALAMIN Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa sektor ng industriya at kung ano ang bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya sa ekonomiya ng bansa. 1
  • 115.
    267 DEPED COPYPamprosesong Tanong: 1. Mula sa mga larawan, ano ang iyong mabubuong hinuha? 2. Paano nabuo ang mga produktong papel, sardinas, at furniture o muwebles? Ipaliwanag. 3. Anong sekondaryang sektor ng ekonomiya nakapaloob ang transpormasyon ng mga produkto? Gawain 2: PINAGMULAN, ALAM KO! Atasan ang mga mag- aaral na maglista ng limang gamit na nasa kanilang bag o nasa loob ng silid-aralan at sabihin kung anong produktong primarya ang pinagmulan nito. Gamitin ang mga pamprosesong tanong sa pagtalakay sa gawain. Pamprosesong Tanong: 1. Bakit mo napili ang mga isinulat mong produkto? 2. Paano mo ito maiuugnay sa sektor ng industriya? Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang sektor ng industriya sa pagtugon ng iyong pangangailangan? 2 3 Sa susunod na bahagi ay ipasasagot mo sa mga mag-aaral ang isang target ring upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa sektor ng industriya. SARDINAS
  • 116.
    268 DEPED COPY Gawain 3:ARROW IN ACTION Tanungin ang mag-aaral kung saan sa “target ring” aabot ang kaalaman nila? Upang matukoy ang antas ng kanilang kaalaman, ipasagot ang arrow question sa ibaba para masuri ang daloy ng kaalaman sa sektor ng industriya. Pinagkunan: https://www.google.com.ph/search?q=clip+art+arrow+man&espv= 2&tbm=isch&tbo=u&source=univ&sa =X&ei=6Vv5U5DKGonl8AWPj4KgAQ&ved=0 CGYQsAQ&biw=1024&bih=610#facrc=_&im gdii=_&imgrc=ZY1QL6cw3xlMiM%253A%3BHntzdV7QpryUYM%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.clipartbest. com%252Fcliparts%252FecM%252F5db%252FecM5dbpcn.png%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.clipartbest.com%252Fclipart- ecM5dbpcn%3B600%3B600, Retrieved on October 2013 Matapos maorganisa ng mag-aaral ang mga paunang kaalaman tungkol sa sektor ng industriya, ihanda sila para sa susunod na bahagi ng aralin upang higit na maunawaan ang konsepto ng sektor na ito. PAUNLARIN Matapos malaman ng mga mag-aaral ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay kanilang lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan nila bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa sektor ng industriya. Mula sa mga inihandang gawain at teksto ay inaasahang gagabay ito upang masagot kung ano ang bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya sa ekonomiya ng bansa. Mag-umpisa sa pamamagitan ng gawain sa susunod na pahina. Pambansang pag-unlad Napagtanto Natutuhan Ang alam ko Ano ang alam ko sa Sektor ng Industriya?
  • 117.
    269 DEPED COPY Gawain 4:CONCEPT MAP! Batay sa binasang teksto tungkol sa sektor ng industriya, atasan ang mag-aaral na punan ang concept map na nasa ibaba. Ipatukoy ang iba’t ibang industriya sa loob ng mga sekundaryang sektor at katangian ng mga ito. Gamitin ang mga pamprosesong tanong sa gagawing talakayan. Gawain 5: DATOS… DATOS… Pangkatin ang klase batay sa dami ng mag-aaral. Tingnan muli ang Talahanayan 6. Hayaan ang mga bata na pag-aralan ang mga datos. Atasan ang bawat pangkat na gumawa ng graph batay sa Talahanayan. Siguraduhin na ang bawat pangkat ay may takdang graph na gagawin na hindi katulad ng ibang grupo. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang naging trend ng mga datos sa ginawang graph?Ano ang naging dahilan ng nasabing trend? 2. Kung ikaw ang magbibigay ng isang presentasyon, paano mo gagamitin ang talahanayan at graph upang ipakita ang kakayahan ng industriya bilang isang sektor ng ekonomiya ng bansa? Gawain 6: BENEPISYO O EPEKTO? Halos bawat bansa ay nagsisikap na matamo ang industriyalisasyon dahil sa kaugnayan nito sa konsepto ng kaunlaran. Ngunit ayon mismo sa ilang mga ekonomista, ang industriyalisasyon ay nagdudulot din ng masamang epekto sa kapaligiran. Kaugnay nito, magkaroon ng debate ang mag-aaral. Ipangkat ang klase sa dalawa. Itakda ang bawat panig ayon sa benepisyo at masamang epekto ng industriyalisasyon. Gamiting gabay ang mga pamprosesong tanong sa pagtalakay ng gawain. Pagmimina Konstruksyon Utilities Pagmamanupaktura Sektor ng Industriya
  • 118.
    270 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pinakatampok na isyu sa naging debate? 2. Ano ang iyong personal na katayuan sa isyu? Bakit? 3. Kung ikaw ang pinuno ng bayan, ano ang iyong higit na bibigyan ng bigat sa paggawa ng desisyon, ang benepisyo mula sa industriyalisasyon o ang epekto nito sa kapaligiran at sa mga mamamayan? Pangatwiranan. Gawain 7: VENN DIAGRAM Malalim ang ugnayan ng mga sektor ng agrikultura at industriya. Kinakailangan ang dalawa upang higit na mapabuti ang katatagan bilang mga sandigan ng ekonomiya. Mula sa binasang teksto, papunan ang Venn diagram ng mga hinihinging impormasyon. Ugnayan: _____________________________________________________ Pagkakaiba: ___________________________________________________ Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang bahaging ginagampanan ng industriya? agrikultura? 2. Paano nagiging mahalaga ang bawat isa sa pagtugon sa mga pangangailangan ng tao? bansa? 3. Sa mga gampanin ng bawat isa, paano ka makatutulong sa pag-unlad ng sektor ng industriya? Gawain 8: ECO-SIGNS Ang pamahalaan ay nagpapatupad ng mga patakaran at programa dahil sa layunin nito na mapatatag ang ekonomiya ng bansa. Mula sa binasang teksto, hayaan ang mag-aaral na gamitin at sundin ang paggamit ng Eco-signs na hango sa konsepto ng traffic signs. Ang mga panandang ito ay STOP, GO, at CAUTION. Ang STOP ay ilalagay kung nais ng mag-aaral na ang patakaran ay ihinto, GO kung nais ipagpatuloy, at CAUTION kung itutuloy nang may pag- iingat. Agrikultura Industriya
  • 119.
    271 DEPED COPY Ipasuriatipagawasamag-aaralanggawainsaibabaayonsapanuntunan ng Eco-Signs. BATASECO-SIGNS DAHILAN • Pagsusog (amendments) sa Executive Order (EO) No. 226 o ang Omnibus Investment Code of 1987 • Pagpapatibay sa Anti-Trust/ Competition Law • Pagsusog sa Export Development Act • Pagpapabuti sa industriya ng Aviation • Pagsusog sa Tariff and Customs Code ng Pilipinas • Pagsusog sa Local Government Code Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang iyong palagay sa kasalukuyang kalagayan ng sektor ng industriya? Ipaliwanag. 2. Makatwiran ba ang direksiyon ng pamahalaan na magsagawa ng pagbabago sa mga patakaran at polisiya ng bansa kaugnay sa sektor ng industriya? Patunayan. 3. Paano ka makatutulong sa pag-unlad ng sektor ng industriya tungo sa pagkamit ng kaunlaran ng bansa? Gawain 9: ARROW IN ACTION! Ipagpatuloy ang gawaing ito sa pamamagitan ng pagsagot sa arrow question. Hindi dapat ipatupad Dapat ipatupad Hinay-hinay sa pagpapatupad Hindi dapat ipatupad Dapat ipatupad Hinay-hinay sa pagpapatupad
  • 120.
    272 DEPED COPY Pinagkunan:https://www.google.com.ph/search?q=clip+art+arrow+man&espv=2&tbm =isch&tbo=u&source=univ&sa=X&ei=6Vv5U5D KGonl8AWPj4KgAQ&ved=0CGYQsAQ&biw=1024&bi h=610#facrc=_&imgdii=_&imgrc=ZY1QL6cw3xlMiM%253A%3BHntzdV7QpryUYM%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.clipartbest. com%252Fcliparts%252FecM%252F5db%252FecM5dbpcn.png%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.clipartbest.com%252Fclipart- ecM5dbpcn%3B600%3B600,Retrieved on October 2013 PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ng mag-aaral ang mga nabuong kaalaman ukol sa sektor ng industriya. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa sektor ng industriya upang maihanda sila sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan. Matapos na maibigay ang mahahalagang konsepto at kaisipan sa paksa, inaasahan na nagkaroon ng karadagang kaalaman ang mag-aaral. Inaasahan din na ang mga nalalamang ito ay kanilang magagamit upang higit pang mapalalim ang kanilang kaalaman at kasanayan na kritikal sa isang mag-aaral ng Araling Panlipunan. Ang mga gawaing inihanda sa susunod na bahagi ay napapanahon, makatotohanan, at mangangailangan ng pagsusuri at kasanayan upang maisabuhay ang natutunan sa bahaging ito. Pambansang pag-unlad Napagtanto Natutuhan Ang alam ko Ano natutuhan ko sa Sektor ng Industriya?
  • 121.
    273 DEPED COPY Gawain 10:KNOWLEDGE! POWER! Ipabasa ang hinalaw na teksto sa mag-aaral. Ipasuri ang mga ideya at ang nakapaloob na paniniwala sa sumulat. Gamitin ang mga pamprosesong tanong bilang gabay sa pagtalakay ng gawain. Pinagkunan: http://sasaliwngawit.wordpress.com/2012/10/12/doon-po-sa-amin-balik-tanaw-usapang-pag-unlad-2/Retrieved on October 15, 2014 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang nilalaman ng hinalaw na teksto? 2. Anong damdamin ang mararamdaman mula sa sumulat? 3. Ano ang naging kongklusyon ng sumulat? Bakit iyon ang naging pangwakas niya? Gawain 11: GAWAIN 2, TAKE 2 Batay sa naging Gawain 2, pabalikan sa mag-aaral ang kanilang naging listahan ng mga bagay na kanilang napili. Batay sa listahan, ipasaliksik sa kanila kung ano ang estado ng mga sekundaryang sektor ng industriya na pinagmulan ng mga ito mula 2000 – 2010 (isang dekada). Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang naging kalagayan ng mga nasabing sekundaryang sektor na sinaliksik? 2. Bakit ganoon ang naging kalagayan? 3. Ano ang kongklusyon na maaari mong mabuo mula sa naging pagtingin sa mga datos? 4. Ano ang mga bagay na kailangan upang mapalakas o mapanatiling malakas ang mga ito? Ang kuwento ng grupo naming taga-UP, post-EDSA dreamers – mga nangarap ng magandang Pilipinas na maaaring maipagmalaki kahit saan. Noong araw, nagtatalo-talo lang kami tungkol sa industrialization, bakit ang Pilipinas ay hindi naka-take off kompara sa mga kasabayang bansa at paanongang technologyandknow-how ng agriculture natin, severalcenturies behind – kompara sa ibang agricultural countries. Ang consensus namin noon – hindi nagkaroon ang Pilipinas ng land reform, totoong land reform na talagang namahagi ng lupa sa tillers of the land, gaya ng ginawa sa US at Japan. Ang pinag-uusapan, social policies na dapat gawin – para paramihin at palakihin pa ang middle class ng bansa o mga pamilyang may purchasing powers. Isa pa, ang tax system sa bansang masyadong skewed in favor ng mga may properties na at conducive para gawing idle lamang ang marami sa mga ari-arian. Anyway, marami sa amin ay nakapagtrabaho na sa gobyerno at alam namin – first-hand – hindi ganoon kadaling baguhin ang mga kalakaran at bagay-bagay…
  • 122.
    274 DEPED COPY Gawain 12:PRESYO NG LANGIS, PARANG SPAGHETTI BA NA TATAAS O BABABA? Pinagkunan: Arao, D. (2011). Presyo ng langis, parang spaghetti ba na tataas o bababa?. Retrieved from http:// pinoyweekly.org/new/2011/02/presyo-ng-langis-bilang-epekto-ng-deregulasyon-2/ on November 7, 2014 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang ipinararating ng mensahe sa loob ng text box? 2. Ano ang iyong mahihinuha mula rito? 3. Sa iyong palagay, ano ang maaaring mangyari sa susunod na labinlimang taon? Ipaliwanag. Gawain 13: Pag-aralan Mo ang Presyo ng Langis! Ipasaliksik sa mag-aaral ang naging pagbabago sa presyo ng gasolina sa pamayanan kung saan nabibilang ang mga mag-aaral sa mga taong 2012 at 2013. Gamit ang talahanayan at graph, hayaang ilapat nila ang nasaliksik na datos at tandaan ang mahahalagang panahon at pagbabago sa presyo. Kasama rin na ipasaliksik ang epekto ng mga pagbabago sa araw-araw na pamumuhay ng mga negosyante, pamilya, simbahan, guro, at ng mga tindero/ tindera. Gumawa ng pag-uulat sa isinagawang pagsasaliksik. Pamprosesong Tanong: 1. Anong panahon naganap ang mga pagbabago? 2. Paano naapektuhan ng mga pagbabago ang mamamayan? 3. Sa iyong palagay, ano ang naging hamon sa iyong pamilya ng mga pagbabago sa presyo ng langis? Pangatwiranan. GAWAIN 14: INDUSTRIYA, MAYROON BA? Ang gawaing ito ay maglalagay sa iyo sa sitwasyong aktibo kang makibabahagi sa pagpapatupad ng patakarang pang-ekonomiya na magpabubuti sa sektor ng industriya. Hatiin ang klase sa tatlong grupo. Ang mga pangkat ay magsasagawa ng sarbey upang alamin ang mga industriya na mayroon sa komunidad. Kasabay nito, isaliksik din ang mga polisiya na sumusuporta sa mga industriya na ito. Gumawa ng isang balangkas sa Noong Abril 1996, ang gasolina at diesel ay nagkakahalaga lang ng Php9.50 at Php7.03 bawat litro. Ang LPG naman ay Php145.15 ang bawat 11-kilong cylinder na karaniwang ginagamit sa mga bahay. Ayon sa Oil Monitor (1 February 2011) ng Department of Energy, ang price range ng gasolina ay Php47.55-Php48.89 bawat litro, samantalang ang diesel ay Php39.20-P41.35 bawat litro. Sa kaso ng 11-kg LPG, ito naman ay Php686.00-Php743.00. Aba, nangangahulugan po ito ng mahigit 400 porsiyentong pagtaas sa presyo ng gasolina, diesel, at LPG sa loob ng 15 taon!
  • 123.
    275 DEPED COPY kalagayan ngmga industriya at tingnan ang kapakinabangan ng mga makikitang polisiya. Matapos ito ay bumuo ng kongklusyon ayon sa: • Kalagayan ng mga industriya • Kakayahan na mapalago ang mga industriya • Kasapatan ng mga polisiya bilang tugon sa mga pangangailangan ng industriya • Mga dagdag na kailangan mula sa lokal na pamahalaan MGA PAMANTAYAN SA MGA GAGAWIN INDIKADOR NATATANGI MAHUSAY HINDI MAHUSAY KAILANGAN PANG PAUNLARIN MARKA 4 3 2 1 Panahon na Iginugol sa Gawain Hindi umabot sa limang (5) araw ng pagsasagawa Umabot sa pitong (7) araw ng pagsasagawa Umabot sa siyam (9) na araw ng pagsasagawa Umabot ng higit sa sampung araw (10+) ng pagsasagawa Kooperasyon ng Grupo Ang lahat ng miyembro ay nagsagawa ng mga gawain. Kalahati lamang na miyembro ang nagsagawa ng mga gawain. Isa lang na miyembro ang nagsagawa ng mga gawain. Walang nagsagawa ng mga gawain. Gawain 16: ARROW IN ACTION Sagutin ang tanong sa bahaging ito. Pinagkunan:https://www.google.com.ph/search?q=clip+art+arrow+man&espv=2&tbm=isch&tbo=u&source=univ&sa = X & e i = 6 V v 5 U 5 D K G o n l 8 A W P j 4 K g A Q & v e d = 0 C G Y Q s A Q & b i w = 1 0 2 4 & b i h = 6 1 0 # f a c r c = _ & imgdii=_&imgrc=ZY1QL6cw3xlMiM%253A%3BHntzdV7QpryUYM%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.clipartbest. com%252Fcliparts%252FecM%252F5db%252FecM5dbpcn.png%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.clipartbest.com%252Fclipart- ecM5dbpcn%3B600%3B600, Retrieved on October 2013 Pambansang pag-unlad Napagtanto Natutuhan Ang alam ko Paano ako makatutulong sa mga patakarang industriyal tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad?
  • 124.
    276 DEPED COPY MAHUSAY!Natapos mo na ang paggabay sa mga mag-aaral upang maisakatuparan nila ang mga gawain! Transisyon sa Sususnod na Aralin Naunawaan ng mga mag-aaral ang kalagayan at kahalagahan ng sektor ng industriya sa ekonomiya. Malaki ang kontribusyon ng sektor na ito bilang isang industriya. Maaari itong maging sandigan ng bansa upang masiguro na ang mamamayan ay magkaroon ng hanapbuhay at madama ang tunay na epekto ng industriyalisasyon. Sa isang banda, ang sektor ng industriya ay limitado kahit na malaki pa ang potensiyal nito na makapaghatid ng kabutihan sa bansa. Sa kabilang banda, ang kakayahan nito na makipag-ugnay sa iba pang sektor ay malaking tulong upang higit na matamo ang kaunlaran. Ang kakayahan na makabuo ng mga produkto upang higit na mapalaki ang kita ng iba pang sektor ay isang makabuluhang inisyatibo para sa ekonomiya. Kaakibat nito ang kakayahan naman na mapagbuti at magamit ng iba pang sektor ang produktong mula sa sektor ng industriya. Upang lubos na maunawaan ang buong ekonomiya, susunod na pag-aaralan ang sektor ng paglilingkod, ang kasalukuyang kalagayan at kakayahan nito sa pag-aambag sa kabuuang kita ng bansa. Aalamin ng mga mag-aaral kung ano ang kaugnayan nito sa sektor ng industriya at kung paano ito gumagalaw sa loob ng ekonomiya.
  • 125.
    277 DEPED COPY PANIMULA Anglahat ng tao ay may mga pangangailangan na dapat matugunan. Kabilang dito ang pagkain, damit, tirahan, at edukasyon. Ang mga ito ay hindi kayang ipagkaloob ng iisang sektor lamang. Kailangan din ng mga serbisyo kagaya ng transportasyon, komunikasyon, at edukasyon. Ang mga pagkain tulad ng mga gulay, prutas, karne, at isda ay nagmumula sa sektor ng agrikutura. Ang mga pangangailangang tulad ng damit ay nagmumula naman sa sektor ng industriya. Subalit sa anong sektor naman ng ekonomiya ang nagkakaloob ng mga pangangailangang tulad ng transportasyon, komunikasyon, at edukasyon? Sa ganitong aspekto pumapasok ang bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod. Kung kaya’t ang pangunahing pokus ng araling ito ay ang bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod at mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong dito. Sa pagtahak sa landas ng kaalaman sa araling ito, ang mag-aaral ay haharap sa mga tekstong magbibigay-kabatiran at mga mapanghamong gawain na sadyang pupukaw ng kaniyang interes at magdudulot sa kaniya ng kaalaman. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ang mag-aaral ay makapagsusuri ng bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod at mapahalagahan ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong dito. ARALIN 4: SEKTOR NG PAGLILINGKOD Gawain 1: ON THE JOB! Ipasuri sa mga mag-aaral ang mga larawan sa susunod na pahina. Ipatukoy kung ano ang trabaho ng mga makikitang tao sa larawan. Hayaan silang ipaliwanag ang batayan ng kanilang sagot. ALAMIN Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa sektor ng paglilingkod at kung ano ang bahaging ginagampanan nito sa ekonomiya ng bansa.
  • 126.
    278 DEPED COPY Gawain 2:CALLOUT Ipasagot ang mga tanong sa una at pangalawang icon. Samantala, ang panghuling icon ay sasagutin lamang pagkatapos ng aralin na ito. 1 2 3 4 5 6 Sa susunod na bahagi ay ipapasagot sa mga mag-aaral ang isang callout upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa sektor ng paglilingkod.
  • 127.
    279 DEPED COPY PAUNLARIN Matapos malamanang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan ng mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa sektor ng paglilingkod. Inaasahan na magagabayan ka ng mga inihandang gawain at teksto upang masagot ang katanungan na kung ano ang bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod sa ekonomiya ng bansa. Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng gawain na nasa ibaba. Ang susunod na bahagi ng aralin ay magbibigay-daan upang ang mga mag-aaral ay magabayan sa pagkatuto ng mga kaalaman tungkol sa sektor ng agrikultura. Ang kabatiran sa mga impormasyong ito ay daan upang ang pamantayang pangnilalaman ay matamo.Ang lahat ng ito ay bilang paghahanda na rin sa mga kasanayan na lilinangin sa mga susunod na bahagi ng aralin. Ang aking paunang nalalaman ay________ _____________________ ___________________ ____________ Ang aking gustong malaman ay __________ ______________________ ____________________ ______________ Ang aking mga nalaman ay__ _____________ ____________ ________
  • 128.
    280 DEPED COPY Gawain 3:TEKS-TO-GRAPH Atasan ang mga mag-aaral na basahin at unawain ang sumusunod na teksto tungkol sa sektor ng paglilingkod. Hikayatin sila na itala ang mahahalagang bagay o konsepto na nakapaloob dito para sa susunod nilang gawain. Gamiting gabay ang mga pamprosesong tanong sa pagtalakay ng aralin. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang ibig sabihin ng sektor ng paglilingkod? 2. Isa-isahin ang bumubuo sa sektor ng paglilingkod. 3. Sumasang-ayon ka bang malaking bilang ng sektor ng paglilingkod sa bansa ay maaaring isang indikasyon ng kaunlaran ng ekonomiya? Pangatwiranan. Gawain 4: TRI-QUESTION CHART Gamit ang tri-question chart bilang gabay, ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa loob ng tsart. Ipatala ang mga ito ayon sa mga hinihingi ng bawat titik. Gamiting gabay ang mga pamprosesong tanong sa pagtalakay ng gawain. ANG SEKTOR NG PAGLILINGKOD Ano-anong gawaing pang- ekonomiya ang nasasaklawan ng sektor ng paglilingkod? Ano-ano ang halimbawa nito? Paano nakatutulong ang mga gawaing ito sa pambansang ekonomiya? A. B. C. D. E. F.
  • 129.
    281 DEPED COPY Gawain 5:DATOS-INTERPRET KO Atasan ang mga mag-aaral na paghambingin ang distribusyon ng mga sektor ng ekonomiya. Ipasagot ang mga pamprosesong tanong upang lubos na maunawaan ng mga mag-aaral ang konsepto. Talahanayan 2 Distribusyon ng mga Sektor ng Pang-ekonomiya, 2005 – 2010 (In Million Pesos) SEKTOR 2005 2006 2007 2008 2009 2010 Agrikultura 778,370 853,718 943,842 1,102,465 1,138,334 1,182,374 Industriya 1,735,148 1,909,434 2,098,720 2,347,803 2,318,882 2,663,497 Paglilingkod 2,930,521 3,268,012 3,606,057 3,959,102 4,221,702 4,667,166 Pinagkunan: National Statistical Coordination Board (NSCB), January 31, 2011 Pamprosesong Tanong: 1. Aling sektor ang nagbigay ng malaking kontribusyon sa kabuuang kita ng ekonomiya mula 2005 hanggang 2010? 2. Alin naman ang may pinakamaliit na kontribusyon sa ekonomiya sa nakalipas na mga taon? 3. Ano ang ipinahihiwatig na patuloy na paglaki ng distribusyon ng sektor ng paglilingkod sa ekonomiya ng bansa? 4. Ano ang maaaring maging epekto ng paglaki ng paglilingkod sa ekonomiya ng bansa kompara sa sektor ng agrikultura at industriya? Gawain 6: PAGLILINGKOD KOLEK Gamit ang datos mula 1st Quarter 2014 Gross National Income & Gross Domestic Product by Industrial Origin, ipakompyut sa mga mag-aaral ang antas ng kontribusyon ng bawat sub-sektor sa kabuuang Gross Value Added ng sektor ng paglilingkod para sa 2013 (Q1) at 2014 (Q1). Pagkatapos ay ipatukoy kung tumaas o bumaba ang antas ng kontribusyon nito.
  • 130.
    282 DEPED COPY GROSS VALUEADDED in SERVICES AT CONSTANT 2000 PRICES, IN MILLION PESOS 1st Quarter 2013 and 1st Quarter 2014 INDUSTRY/INDUSTRY GROUP Q1 2013 Q1 2014 Growth Rate (%) SERVICE SECTOR 885,830 946,095 6.8 a. Transportation, Storage, and Communication 123,446 134,452 8.9 b. Trade and Repair of Motor Vehicles, Motorcycles, Personal and Household Goods 238,463 251,792 5.6 c. Financial Intermediation 118,743 126,118 6.2 d. Real Estate, Renting & Business Activity 165,317 180,536 9.2 e. Public Administration & Defense; Compulsory Social Security 65,178 69,289 6.3 f. Other Services 174,683 183,907 5.3 Pinagkunan: National Statistical Coordination Board, May 2014 SEKTOR NG PAGLILINGKOD 2013 (Q1) (%) 2014 (Q1) (%) Tumaas o Bumaba a. Transportation, Storage, and Communication b. Trade and Repair of Motor Vehicles, Motorcycles, Personal and Household Goods c. Financial Intermediation d. Real Estate, Renting & Business Activity e. Public Administration & Defense; Compulsory Social Security f. Other Services
  • 131.
    283 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Anong bahagi ng sektor ng paglilingkod ang nagbigay ng malaki at maliit na kontribusyon sa GVA ng Q1 2013 at Q1 2014? 2. Paano mapananatili ang potensiyal ng kabuuang sektor ng paglilingkod upang maging kaakibat sa pagpapaunlad ng bansa? Gawain 7: PINOY SAAN MAN SA MUNDO Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto tungkol sa mga katangian ng mga manggagawang Pilipino. Pagkatapos ay ipakumpleto ang dayagram na nasa ibaba. Gamiting gabay ang mga pamprosesong tanong sa pagtalakay. Pamprosesong Tanong: 1. Saang mga larangan nakikilala ang mga manggagawang Pilipino sa mundo? 2. Sa iyong palagay, sa papaanong paraan mapapangalagaan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino?
  • 132.
    284 DEPED COPY Gawain 8:TULONG PAGLILINGKOD Mula sa nakalap na impormasyon mula sa pagsasaliksik, ipatala ang mga nakalap na impormasyon sa dayagram sa ibaba tungkol sa mga ahensiya ng pamahalaan na tumutulong sa mga manggagawang Pilipino. Pagkatapos ay ipasagot sa mga mag-aaral ang mga gabay na tanong. Pamprosesong Tanong: 1. Alin sa mga ahensiya ang tumututok sa mga manggagawa sa ibang bansa? 2. Alin sa mga ahensiya ang tumutulong sa pagsasanay sa mga manggagawang Pilipino? 3. Bakitkailangangsiguruhinangkapakapananngmgamanggagawang Pilipino sa ibang bansa? Gawain 9: BATAS-PAGLILINGKOD Ipabasa ang teksto na nasa kanilang modyul. Ito ay naglalaman ng mga batas na nangangalaga sa mga karapatan ng manggagawa. Pagkatapos mabasa at masuri ay papunan ang graphic organizer na nasa susunod na pahina. Gamiting gabay ang mga pamprosesong tanong sa pagtalakay ng aralin. Mga Ahensiyang Tumutulong sa Sektor ng Paglilingkod Nangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa Humuhubog sa kakayahan ng mga manggagawa Klasipikasyon ng Ahensiya Mga Ahensiya ng Pamahalaan ? ? ? ? ? ?
  • 133.
    285 DEPED COPY Batas: Mahalagang Probisyon: Atasan ang mga mag-aaral na sagutan ang sumusunod na tanong. Pagkatapos ay ipasuri sa tulong ng isa nilang kamag-aral ang naging kasagutan ng bawat isa gamit ang Guide Question Sheet. Ipalagay sa ikalawang hanay kung may pagkakatulad ang kanilang mga sagot o wala. (May pagkakatulad) (Walang pagkakatulad) TANONG 1. Sa mga nabanggit na probisyon, alin ang maituturing mo na pinaka-nakabubuti sa mga manggagawa? Pangatwiranan. 2. Paano makabubuti sa mga manggagawa ang mga napiling probisyon? 3. Alin sa mga probisyon ang sa palagay mo ay nakaliligtaan o napababayaan ng kinauukulan? Ipaliwanag. 4. Ano ang kontraktuwalisasyon? Ano ang epekto nito sa mga manggagawang Pilipino? 5. Alin sa mga karapatan na binanggit ng ILO ang sa palagay mo ay hindi naisasakatuparan sa bansa? Paano ito maaaring mapalakas o maipalaganap? Batas na nangangalaga sa karapatan ng mga manggagawang Pilipino
  • 134.
    286 DEPED COPY Gawain 10:SULIRANIN AT DAHILAN Ipatukoy ang nilalaman ng mga larawan at ipasulat sa kahon ang sa palagay nilang dahilan ng mga ito. Gamiting gabay ang mga pamprosesong tanong sa pagtalakay ng gawain. . Matapos na maibigay ang mahahalagang konsepto at kaisipan tungkol sa aralin na ito, ang mag-aaral ay inaasahang nagkaroon ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa sektor ng paglilingkod. Inaasahan din na ang mga nilalamang ito ay kanilang magagamit upang higit pang mapalalim ang kanilang kaalaman at kasanayan na kritikal sa isang mag-aaral ng Araling Panlipunan. Ang mga gawaing inihanda sa susunod na bahagi ay napapanahon, makatotohanan, at mangangailangan ng pagsusuri at kasanayan na magamit ang mga natutuhan sa naunang bahagi. PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin pa ang mga nabuong kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa sektor ng paglilingkod at kahalagahan nito sa pambansang ekonomiya. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa kahalagahan ng sektor na ito upang maihanda sila sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan. 1
  • 135.
    287 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang kaugnayan ng edukasyon sa pag-unlad ng bansa? 2. Paano nakaaapekto sa isang bansa ang pagbagsak ng kalidad ng edukasyon? 3. Bakit dumarami ang bilang ng mga manggagawang Pilipino na nangingibang-bayan partikular na ang labor skilled worker at propesyonal? 4. Sa iyong palagay, magiging maunlad ba ang ekonomiya ng isang bansa kung sisiguraduhin ng pamahalaan na mapapangalagaan ang kapakanan ng mamamayan? Gawain 11: PAGLILINGKOD-POSTAL Pasulatin ng isang BUKAS NA LIHAM para sa tanggapan ng Pangulo ng bansa ang mga mag-aaral ukol sa kanilang mga natutuhan, reyalisasyon, at opinyon tungkol sa sektor ng paglilingkod sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Hikayatin sila na magbigay ng mga mungkahing programa para sa kagalingan ng mga manggagawang Pilipino. Gamiting gabay ang rubrik sa susunod na pahina sa pagsasagawa ng gawain. 2 3
  • 136.
    288 DEPED COPY RUBRIK PARASA BUKAS NA LIHAM PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS NAKUHANG PUNTOS Pagkilala sa sarili Maliwanag na nailahad ang lahat ng mga tanong, isyung nalutas at hindi nalutas, at nakagawa ng kongkreto at akmang kongklusyon batay sa pansariling pagtataya. 25 Paglalahad ng sariling saloobin sa paksa Napakaliwanag ang paglalahad ng saloobin sa paksa. 25 Pagpapahalagang natalakay sa aralin Natukoy ang lahat ng mga pagpapahalagang natalakay sa paksa. 25 Pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang natutuhan sa paksa Makatotohanan ang binanggit na paraan ng pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang natutuhan sa paksa. 25 Kabuuang Puntos 100 Gawain 12: SALIK-ULAT: PAGSASALIKSIK AT PAG-UULAT Sa pamamagitan ng pagsasaliksik ay daragdagan pa ng mga mag- aaral ang kanilang kaalaman kaugnay sa paksa na tinalakay. Gabay sa Pagsasaliksik 1. Atasan ang mga mag-aaral na magsaliksik sa mga aklatan, magasin, o sa mga Internet website ng ilang mga isyu tulad ng labor outsourcing at salary standardization law. 2. Pagawin sila ng pagbubuod gamit ang mga graphic organizer ukol sa kanilang pamamaraang ginamit upang mapalakas at maproteksiyunan ang sektor na ito. 3. Ipabahagi ang resulta ng ginawang pagsasaliksik sa klase.
  • 137.
    289 DEPED COPY RUBRIK PARASA PAGMAMARKA NG PAGSASALIKSIK PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS NAKUHANG PUNTOS Nilalaman Kumpleto at kumprehensibo ang nilalaman ng pagsasaliksik. Wasto ang lahat ng impormasyon. Gumamit ng mga primarya at sekondaryang sanggunian upang mabuo ang nilalaman. May mga karagdagang kaalaman na matututuhan mula sa pagsasaliksik. Paglalahad ng Pananaw Masusing sinuri at tinimbang ang mga pananaw na inilahad. Nakabatay sa moralidad, ebidensiya, at sariling pagsusuri ang paglalahad ng pananaw. Hindi nagpakita ng pagpanig sa sino mang personalidad o pangkat. Mensahe Malinaw na naipabatid ang mensahe ng pagsasaliksik. Naimulat ang mga manonood sa mga katotohanan at maling pananaw ukol sa paksa ng pagsasaliksik. Nakabatayangmensahesamganilalaman ng sangguniang ginamit. Nahikayat ang mga manonood na kumilos ayon sa mensahe ng pagsasaliksik. Presentasyon Organisado, malinaw, simple, at may tamang pagkakasunod-sunod ang presentasyon ng mga pangyayari at ideya sa pagsasaliksik. Malinaw ang daloy ng istorya at organisado ang paglalahad ng mga argumento at kaisipan. Pagkamalikhain Malikhain, malinis, at kumprehensibo ang nabuong pagsasaliksik. Gumamit ng iba pang midya o teknolohiya bukod sa hinihingi ng gawain upang mas maging kaaya-ayang panoorin ang ginawang pagsasaliksik. Nakatulong ang mga ginamit na midya o teknolohiya upang makakuha ng karagdagang impormasyon na nagpayaman sa pagsasaliksik. Kabuuang Puntos 100
  • 138.
    290 DEPED COPY Gawain 13:CALLOUT Muling pabalikan ang kanilang inilagay sa una at pangalawang icon. Atasan silang kompletuhin na ang callout icon na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang mahalagang natutuhan sa aralin na ito. Ipasulat mo ito sa ikatlong icon. MAHUSAY! Natapos mo na ang paggabay sa mga mag-aaral upang maisakatuparan nila ang mga gawain! Transisyon sa Susunod na Aralin Inilahad sa aralin na ito ang bumubuo, naging bahaging ginampanan, at kontribusyon ng sektor ng paglilingkod sa pambansang ekonomiya. Natalakay rin ang mga katangian ng mga manggagawang Pilipino na kabilang sa sektor na ito na kinikilala sa buong mundo at mga suliraning kinakaharap nila. Sa gitna ng mga hamon na ito, ang pamahalaan ay nagpatupad ng mga programa para sa kanilang kapakanan sa tulong ng mga ahensiyang may kaugnayan sa kanila at mga batas na kumikilala sa kanilang karapatan. Sa susunod na aralin ay tatalakayin ang isa pang sektor pang- ekonomiya na patuloy na lumalago sa ating bansa – ang Impormal na Sektor. Tatalakayin sa aralin na ito ang mga kadahilanan, epekto, at kung paano pahahalagahan ang sektor na ito. Ang aking paunang nalalaman ay________ _____________________ ___________________ ____________ Ang aking gustong malaman ay __________ ______________________ ____________________ ______________ Ang aking mga nalaman ay__ _____________ ____________ ________
  • 139.
    291 DEPED COPY PANIMULA Ang pagkamitng pambansang kaunlaran ay hinahangad ng bawat mamamayan. Ang hangaring ito ay makakamit lamang kung ang lahat ng bumubuo sa sektor ng ekonomiya at ang pamahalaan ay magtutulungan. Sa nakaraang mga aralin, naunawaan ng mga mag-aaral ang bahaging ginagampanan ng mga sektor ng agrikultura, industriya, at paglilingkod upang matugunan ang mga pangangailangan ng ekonomiya at makamit ang pambansang kaunlaran. Subalit, hindi masasabing komprehensibo ang pag- aaral ng ekonomiya ng isang bansa kung hindi natin maibibilang ang pagsusuri ng tinatawag nating impormal na sektor sapagkat maraming mga mamamayan ang kabilang dito. Kaugnay nito, ang pangunahing pokus ng araling ito ay ang impormal na sektor ng ekonomiya. Upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga konseptong nakapaloob sa paksang ito, sila ay haharap sa mga impormatibong teksto na siyang magbibigay sa kanila ng mga impormasyon at mga mapanghamong gawain na pupukaw sa kanilang interes at magdudulot ng kaalaman. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na sila ay makapagsuri ng mga dahilan at epekto ng pagkakaroon ng impormal na sektor sa ekonomiya at mapahalagahan ang mga patakarang pang-ekonomiya na may kaugnayan sa impormal na sektor. ARALIN 5: ANG IMPORMAL NA SEKTOR: MGA DAHILAN AT EPEKTO NITO SA EKONOMIYA Gawain 1: SHAPE TEXT BOX Ipaayos sa mga mag-aaral ang sumusunod na titik na nasa loob ng shape box upang mabuo ang salita o konsepto na tumutukoy sa iba’t ibang gawain o hanapbuhay. Atasan silang isulat ang kanilang sagot sa kanilang kuwaderno at pagkatapos ay kanilang sagutin ang mga pamprosesong tanong. ALAMIN Matapos matutuhan ng mag-aaral ang mga konsepto at kung paano nakatutulong ang mga sektor ng agrikultura, industriya, at paglilingkod sa ekonomiya ng ating bansa, ngayon naman ay tutuklasin niya ang tungkol sa impormal na sektor. Upang higit na maging masaya ang magiging paglalakbay sa paksang ito, halina’t simulan munang maglaro at sagutin ang susunod na mga gawain.
  • 140.
    292 DEPED COPY PamprosesongTanong: 1. Ano ang pagkakatulad ng mga nabuo mong uri ng hanapbuhay? 2. Alin sa mga salitang ito ang bago o hindi mo ganap na nauunawaan? Bakit? 3. Sa iyong palagay, maituturing ba silang bahagi ng ekonomiya ng bansa? Bakit? Gawain 2: PHOTO-BUCKET Atasan ang mga mag-aaral na suriin ang photo-bucket na nasa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong tanong. Ang mga larawang ito ay maaaring ilahad sa pamamagitan ng powerpoint presentation, pagguhit sa kartolina, o paggupit ng ibang larawan mula sa mga dyaryo o magasin na katulad ng mga hanapbuhay na ipinapakita ng mga larawang nasa ibaba. A T H O E V N D O R A B U L T E O D R N V E A R L A N B D A K L W A I D E S N V O R D E A B C E P I D R E V I D R Pinagkunan: http://watwatworldcom.c.presscdn.com/wp-content/uploads/underground-economy.jpg Retrieved on November 7, 2014
  • 141.
    293 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Patungkolsaan ang mga larawan? 2. Saang lugar mo madalas makikita ang mga ganitong sitwasyon? 3. Paano mo maiuugnay ang mga larawang ito sa ekonomiya at pamumuhay ng mga tao? Gawain 3: PYRAMID OF KNOWLEDGE CHART Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan ang baitang ng kaunlaran ng mga mag-aaral sa pagkatuto. Sa bahaging ito ng aralin, ang sasagutan lamang ng mga mag-aaral ay ang pinakaibabang bahagi ng pyramid of knowledge chart upang masukat ang inisyal nilang kaalaman mula sa katanungan. Ipaliwanag sa kanila na ang gitnang bahagi ay pupunan lamang pagkatapos ng bahagi ng paunlarin at ang pinakaitaas na bahagi ay pagkatapos ng gawain sa PAGNILAYAN. Ipaunawa sa mga mag-aaral na dapat nilang ingatan ang kanilang pyramid of knowledge chart. Maaari nila itong ilagay sa portfolio o kuwaderno dahil ito ay kanilang kakailanganin hanggang sa dulong bahagi ng modyul na ito. Sa susunod na bahagi ay gabayan ang mga mag-aaral upang masagutan ang chart at inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa impormal na sektor. Ano-ano ang dahilan at epekto ng pag-iral ng impormal na sektor ng ekonomiya? Matapos maorganisa ang mga paunang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksang impormal na sektor, ihanda silang muli para sa susunod na bahagi ng aralin upang higit na maunawaan ang konsepto ng impormal na sektor. ekonomiya
  • 142.
    294 DEPED COPYGawain 4:PROJECT R.A.I.D. (READ, ANALYZE, INTERPRET & DRAW) PAKSA: Ang Impormal na Sektor: Isang Pagpapaliwanag Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto na matatagpuan sa kanilang mga Learner’s Module. Layunin ng gawaing ito na ang mga mag-aaral ay magkaroon ng kaalaman at pang-unawa sa paksang-aralin. Ipaunawa sa mga mag-aaral na sa nakatakdang Gawain, hindi lamang pagbabasa ang kanilang isasakatuparan kundi pati ang pagsusuri ng mga mahahalagang salita na siyang bubuo sa pangunahing konsepto ukol sa impormal na sektor ng ekonomiya. Mula sa kanilang malalim na pagsusuri ay makukuha ang mga pangunahing salita/ideya na bubuo ng mahahalagang konsepto na siyang sasagot sa mga pamprosesong tanong na matatagpuan sa ibaba ng teksto. Pagkatapos nito ay ipaguhit at papunan ang dayagram at ipasulat sa itinalagang tri-linear model chart na nasa ibaba. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang nais iparating/ipahayag ng teksto? 2. Sumasang-ayon ka ba sa pangkalahatang mensahe o ideya ng teksto? Bakit? 3. Mula sa datos na nakalap sa teksto, iguhit at punan ng kasagutan sa kuwaderno o papel ang dayagram na nasa susunod na pahina. PAUNLARIN Matapos malaman ng mga mag-aaral ang mga paunang impormasyon tungkol sa paksang-aralin, ngayon naman ay kanilang lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawaing sadyang inihanda upang maging batayan nila ng impormasyon.Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan ng mga mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa impormal na sektor. Inaasahang magagabayan sila ng mga inihandang gawain at teksto upang masagot ang katanungan na kung ano ang dahilan at epekto ng pag-iral ng impormal na sektor ng ekonomiya. Halina’t mag-umpisa sa pamamagitan ng unang babasahin na inihanda para sa mga mag-aaral.
  • 143.
    295 DEPED COPY TRI-LINEAR MODEL Gawain5: WORDS/CONCEPT OF WISDOM! Sabi Nila! Isulat Mo! Layunin ng gawain na ito na mabigyang-diin ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsulat sa kahon ng mahahalagang konseptong sinabi ng ilang piling tao o organisasyon tungkol sa impormal na sektor mula sa tekstong kanilang nabasa. 1 2 3 4 5 6 7 8
  • 144.
    296 DEPED COPY Gawain 6:TEKSTO-SURI Ipabasa at ipasuri sa mga mag-aaral ang teksto na nasa ibaba. Layunin ng gawaing ito na magkaroon ng kaalaman at pang-unawa ang mga mag-aaral tungkol sa mga kadahilanan ng pagkakaroon at epekto ng impormal na sektor sa kabuuan ng ekonomiya. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na sa nakatakdang Gawain, hindi lamang pagbabasa ang kanilang isasakatuparan kundi pati ang pagsusuri ng mahahalagang salita na siyang magbibigay daan upang kanilang masagot ang mga pamprosesong tanong na matatagpuan pagkatapos ng teksto. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pangkalahatang tema ng teksto? 2. Isa-isahin ang mga inilahad na dahilan kung bakit umiiral o lumalaganap ang impormal na sektor. Isulat ang iyong kasagutan sa radial cycle na nasa ibaba. 3. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga dahilan kung bakit pumapasok ang isang tao sa loob ng impormal na sektor? Bakit? 4. Gamit ang cycle matrix chart, isa-isahin at ipaliwanag ang mga epekto ng impormal na sektor.
  • 145.
    297 DEPED COPY Gawain 7:ULAT SA BAYAN: AYON SA BATAS! Ipabasa at ipaunawa sa mga mag-aaral ang teksto na naglalaman ng mga programa at patakarang pang-ekonomiya na may kaugnayan sa impormal na sektor. Pagkatapos nito ay ipasagot ang mga pamprosesong tanong na nasa ibaba ng teksto na susukat sa antas ng kanilang kaalaman at pang-unawa. Pamprosesong Tanong: 1. Batay sa teksto, ano ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabigyan ng solusyon o mapabuti ang mga mamamayang nasa impormal na sektor? 2. Sa pamamagitan ng hierarchy list chart, isa-isahin at ipaliwanag ang mga batas at programa o proyekto ng pamahalaan na may kaugnayan sa impormal na sektor. Matapos maunawaan ng mga mag-aaral ang konsepto ng impormal na sektor, mga dahilan at epekto nito sa ekonomiya ng bansa, ngayon naman ay ihanda sila upang maipaunawa at mapahalagahan ang mga patakarang pang-ekonomiyang may kinalaman dito.
  • 146.
    298 DEPED COPY Gawain 8:PORMAL o IPOPORMAL: TAMA o MALI: Sagutin Mo! Atasan ang mga mag-aaral na basahin at unawain ang sumusunod na pahayag at tukuyin kung tama o mali ang mensahe ayon sa mga salitang nakasalungguhit. Lagyan ng salitang PORMAL kung TAMA ang mensahe at IMPORMAL kung ito ay MALI. 1. Ang pormal na pagsisimula ng paggamit ng terminong “impormal na sektor” ay pinasimulan ni Keith Hart noong taong 1973. 2. Ang International Labour Organization (ILO) ay nagpalabas ng pandaigdigang batayan ng paglalarawan ng impormal na sektor. 3. Ang impormal na sektor ay tumutukoy sa yunit na nagsasagawa ng mataas na antas ng organisasyon na may sinusunod na itinakdang kapital at pamantayan ng produksiyon ayon sa batas. Mahusay, ngayong natapos na magabayan ang mga mag-aaral upang maunawaan nila ang konsepto ng impormal na sektor, sa punto namangitoaysusukatinangantasngkanilangnatutuhansapamamagitan ng maiksing pagsusulit bilang kasunod na gawain. Mga batas na may kaugnayan sa impormal na sektor Mga programa, proyekto, o patakarang pang-ekonomiya na may kaugnayan sa impormal na sektor
  • 147.
    299 DEPED COPY 4. Bataysa 2008 Informal Sector Survey (ISS), mayroong halos 10.5 milyon ang kabilang sa impormal na sektor. 5. Ang impormal na sektor ay nakarehistro at sumusunod sa batas at pamantayan ng pamahalaan. 6. Ang Asian Development Bank (ADB) ay nagsagawa ng pag-aaral tungkol sa ekonomiya at impormal na sektor ng 162 bansa sa daigdig. 7. Ayon sa 2007 BLES NSO Report, ang impormal na sektor ay nakapag-ambag ng 10-15% sa kabuuang Gross Domestic Product (GDP) ng ating bansa. 8. Inilarawan ng IBON Foundation ang impormal na sektor bilang binubuo ng mga taong “isang kahig, isang tuka.” 9. Ang karaniwang katangian ng impormal na sektor ay hindi nakarehistro, hindi nagbabayad ng buwis, at hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas ng pamahalaan. 10. Ang impormal na sektor ay kilala rin bilang underground o hidden economy. Gawain 9: IPORMAL MO! JUMBLED LETTERS! Ipabasa at ipasuri sa mga mag-aaral ang sumusunod na pahayag o katanungan at tukuyin sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga titik upang mabuo ang hinihinging kasagutan sa bawat bilang. 1. Ang bahagi ng ekonomiya na gumagamit ng mababang antas ng produksiyon at halos wala ang mga kondisyong legal na kinakailangan sa pagpapatakbo ng negosyo. MIORPALM AN ORSKET 2. Ang tawag sa mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipag- transaksiyon sa pamahalaan. CITARCUAERUB DER EATP 3. Ito ay ang pinagmumulan o nagsisilbing badyet o pondo ng pamahalaan upang maisagawa ang mga program at proyektong panlipunan. ISUBW 4. Ito ay ipinatutupad ng mga kompanya bilang proteksiyon sa mamimili laban sa mga depektibong kalakal o serbisyo na maaaring magresulta sa kanilang kapahamakan. ITYQAULI TRLONOC 5. Ito ay tumutukoy sa illegal o walang permisong pangongopya ng mga pelikula, musika, at iba pa sa anyong CD, VCD, o DVD. ERTFSOAW IRYCAP
  • 148.
    300 DEPED COPY 6. Angprograma ng pamahalaan ayon sa itinatadhana ng R.A. 8425 na naglalayong iahon sa kahirapan ang mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor. ALCISO FROERM GENADA 7. Batay sa pag-aaral at survey sila ang bumubuo sa halos kalahati ng kabuuang populasyon ng impormal na sektor. AIHKBANABA 8. Ang itinuturing bilang pangunahing batas ng bansa para sa mga manggagawa. ENILIPPHP OBLRA OCDE 9. Ang ahensiya ng pamahalaan na itinatag upang makapagbigay ng edukasyong teknikal at kasanayan ng mga Pilipino. EDTSA 10. Ang tawag sa programa ng pamahalaan na may kinalaman sa kalusugan, serbisyong medikal para sa mga manggagawa. HTEALHILPH PGRMAOR Gawain 10: PYRAMID OF KNOWLEDGE CHART Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan mo bilang guro ang baitang ng kaunlaran ng mga mag-aaral sa pagkatuto. Sa aspektong ito ay pupunan nila ang gitnang bahagi ng pyramid of knowledge chart batay sa mga kaalaman na nakuha mula sa pagbabasa ng mga teksto. Ang pinakaitaas na bahagi ay papupunan lamang sa mga mag-aaral pagkatapos ng gawain sa PAGNILAYAN. Ipaliwanag sa kanila na dapat ingatan ang pyramid of knowledge chart. Maaari nila itong ilagay sa kanilang portfolio o kuwaderno dahil ito ay kanilang kakailanganin hanggang sa dulong bahagi ng modyul na ito. Sa puntong ito, maaari mo ng pasagutan sa mga mag-aaral ang gitnang bahagi ng Pyramid of Knowledge Chart mula sa kanilang kaalaman na natutuhan mula sa nabasang teksto. Ipasagot sa mga mag-aaral ang gitnang bahagi ng chart. Ano-ano ang dahilan at epekto ng pag-iral ng impormal na sektor ng ekonomiya?ekonomiya?
  • 149.
    301 DEPED COPY Gawain 11:DISCUSSION WEB! PANGATWIRANAN MO! Ang layunin ng gawaing ito ay masukat ang natutuhan ng iyong mga mag-aaral ukol sa impormal na sektor at sanayin sila sa sistematikong pangangatwiran. Atasan silang gumawa ng katulad na pigura ng discussion web chart na nasa ibaba upang kanilang mapangatwiranan kung nakabubuti ba o nakasasama sa ekonomiya ng bansa ang pag-iral ng impormal na sektor. Pagkatapos nito ay ipasagot ang mga pamprosesong tanong upang mas maging kongkreto ang kanilang kaalaman ukol sa impormal na sektor. Matapos mong matulungan ang mga mag-aaral na maorganisa ang kanilang mga paunang kaalaman tungkol sa impormal na sektor kaugnay ang mga dahilan, epekto, at mga batas na may kinalaman dito, sa puntong ito naman ay ihanda mo sila para sa susunod na bahagi ng aralin upang higit nilang maunawaan ng mas malalim ang konsepto ng impormal na sektor. PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng modyul ay palalawakin at pagtitibayin mo ang mga kaalamang nabuo ng mga mag-aaral ukol sa impormal na sektor, mga dahilan at epekto nito sa ekonomiya, mga batas, programa, at patakarang pang-ekonomiya na may kaugnayan dito. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa paksa upang maihanda ang mga mag-aaral para maisabuhay nila ang kanilang mga natutuhan. NAKAKABUTI BA O NAKASASAMA SA EKONOMIYA ANG PAG-IRAL NG IMPORMAL NA SEKTOR DAHILAN / PALIWANAG DAHILAN / PALIWANAG KONGKLUSYON
  • 150.
    302 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang naging batayan mo sa pagbibigay ng desisyon ng kabutihan at hindi kabutihan ng pagkakaroon ng impormal na sektor sa ekonomiya? Ipaliwanag. 2. Sa anong panig ka nahirapan maglahad ng mga kadahilanan? Bakit? 3. Ano ang pangkalahatang repleksiyon o kongklusyon mong nabuo tungkol sa pagkakaroon ng impormal na sektor sa ekonomiya ng bansa? Pangatwiranan ang iyong kasagutan. Gawain 12: FLASH REPORT: STORY MAP CHART! Basahin at ipaunawa sa mga mag-aaral ang balita na matatagpuan sa kanilangLearner’sModule.Pagkataposnitoayipasagotangmgapamprosesong tanong at papunan ng mahahalagang datos ang story map chart na nasa ibaba. Pamprosesong Tanong: 1. Tungkol saan ang balita? 2. Sa pamamagitan ng story map chart na nasa ibaba, isulat mo sa loob ng kahon ang mga pinakatampok na mahahalagang detalye ng balita. 3. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang inilalahad ng balita? Bakit? Gawain 13: PANGKATANG GAWAIN: SOCIO-POLITICAL CARICATURE Ito ay isang pangkatang gawain na kung saan ay aatasan ang mga mag- aaral na gumawa ng isang socio-political caricature na nagpapakita ng mukha ng impormal na sektor. Ipaunawa na ito ay dapat na naglalaman ng mga elemento ng impormal na sektor sa aspektong kadahilanan, epekto, at mga batas o patakarang pang-ekonomiya ukol dito. Upang maisagawa nang maayos ang presentasyon, ipasaalang-alang ang sumusunod na pamprosesong tanong at ang bawat presentasyon ay bibigyan ng marka o puntos gamit ang rubrik sa susunod na pahina. Pamprosesong Tanong: 1. Ano-ano ang pangunahing konsepto ng impormal na sektor ang inyong ipinakita sa caricature? 2. Isa-isahin at ipaliwanag ang mga simbolismong inyong ginamit para ilahad ang mensahe ng caricature. 3. Sa iyong palagay, maliwanag bang naipapakita ng inyong larawan ang konsepto ng impormal na sektor? Pangatwiranan ang inyong sagot.
  • 151.
    303 DEPED COPY RUBRIK PARASA SOCIO-POLITICAL CARICATURE Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos Kaangkupan sa Tema Akma ang kabuuang caricature sa hinihinging mensahe at tema para sa impormal na sektor. 10 Paglalahad ng Pananaw/Kaisipan Mahusay na nailahad ang pananaw/kaisipan gamit ang mga elemento o simbolismo. 10 Presentasyong Biswal Masining na ipinakita ang ideya batay sa kabuuang larawan. 10 Kabuuang Puntos 30 puntos Gawain 14: PYRAMID OF KNOWLEDGE CHART Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan ang baitang ng kaunlaran sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa aspektong ito ay pupunan nila ang pinakataas na bahagi ng pyramid of knowledge chart batay sa mga kaalaman na nakuha mula sa pagbabasa ng mga teksto. Ipaliwanag sa kanila na dapat ingatan ang pyramid of knowledge chart, maaari nila itong ilagay sa kanilang portfolio o kuwaderno dahil ito ay magsisilbi nilang proyekto. Sa puntong ito, na may sapat nang kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa impormal na sektor at mga konseptong may kaugnayan sa mga kadahilanan, epekto, mga batas, programa, at patakarang pang-ekonomiya ay pasagutan na sa kanila ang huling baitang o ang pinakamataas na bahagi ng Pyramid of Knowledge Chart. Paalalahanan sila na dapat nila itong ingatan sapagkat ito ay kanilang proyekto. Ano-ano ang dahilan at epekto ng pag-iral ng impormal na sektor ng ekonomiya? MAHUSAY! Napagtagumpayan mong ipagawa sa mga mag-aaral ang mga gawain upang kanilang maunawaan ang impormal na sektor ng ekonomiya. ekonomiya?
  • 152.
    304 DEPED COPY PANIMULA “No manis an island.” Ito ay isang popular na kasabihan na nagsasaad na walang tao sa mundo na maaaring mabuhay ng mag-isa. Nagpapatunay ito na sa buhay ay kailangan ng karamay o kasama. Ang konseptong ito ay hindi lamang akma sa tao kundi maging sa isang bansa. Sa larangan ng mga bansa, ang kasabihang ito ay makikita sa pampolitika, panlipunan, at higit sa lahat sa pang-ekonomikong usaping masasalamin sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan. Kaugnay nito, ang araling ito ay patungkol sa kalagayan, kalakaran, at kahalagahan ng kalakalang panlabas ng Pilipinas. May mga inihandang mapanghamong mga gawain at mga tekstong babasahin na makapagbibigay sa mga mag-aaral ng mga kaalaman at impormasyon upang mabigyang- linaw kung ano ang kalakalang panlabas at bakit ito nagaganap sa pagitan ng Pilipinas at ibang bansa sa daigdig. Sa pagtatapos ng araling ito inaasahan na ang mga mag-aaral ay nakapagtataya ng kalakaran o sitwasyon ng kalakalang panlabas ng Pilipinas, napapahalagahan ang bahaging ginagampanan ng kalakalang panlabas sa ekonomiya ng ating bansa, at nasusuri ang ugnayan at mga patakarang pang-ekonomiya ng Pilipinas sa iba’t ibang samahan o organisasyong may kinalaman sa kalakalang pandaigdig. ARALIN: 6 ANG PILIPINAS AT ANG KALAKALANG PANLABAS Gawain 1: COUNTRY & FLAG HUNT Ipaayos sa mga mag-aaral ang mga titik na nasa loob ng kahon sa HANAY A upang mabuo ang pangalan ng bansang tinutukoy at pagkatapos ay piliin ang titik ng katumbas na watawat nito sa HANAY B. Layunin ng bahaging ito na tukuyin ang schema o dati nang alam ng mga mag-aaral tungkol sa paksang-aralin na kalakalang panlabas ng Pilipinas sa tulong ng sumusunod na gawain na pupukaw sa kanilang interes. ALAMIN
  • 153.
  • 154.
    306 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Alin sa mga bansang ito ang naging madali/mahirap sa iyong hanapin? Bakit? 2. Paano nakatulong ang iyong paunang kaalaman sa heograpiya at kasaysayan ng daigdig upang madali mong masagutan ang bawat bilang? 3. Sa iyong palagay, sa paanong paraan nagkakaroon ng ugnayan ang mga bansang ito sa Pilipinas? Pinagkunan: http://www.worldatlas.com/aatlas/world.htm
  • 155.
    307 DEPED COPY Gawain 2:HANAP-SALITA Ipahanap sa mga mag-aaral ang sumusunod na salita sa word box. Ang mga ito ay maaaring nasa anyo ng pababa, pahalang, pataas, o pabaliktad. E K O N O P R U T A S S A W  B A T O U Q E L Q L G A L L E O N S A W A R R W D X E A C N A K E T R O P M I I G B A X E F D G O T N I I L Z R O O T A T O S G A L L L K E K A R L A N Y L U X C E  R T B S A O D P A E D I C A R P O O T N I G P E T A R R N M E U L A L A P T A B A K O D A E S Pamprosesong Tanong: 1. Alin sa mga ito ang bago o hindi gaanong pamilyar sa iyo? Bakit? 2. Sa iyong sariling opinyon, paano kaya nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa ang mga salitang iyong hinanap? Ipaliwanag. Gawain 3: TOWER OF KNOWLEDGE Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan mo bilang guro ang baitang ng kaunlaran sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa aspektong ito ay ipasagot sa kanila ang katanungang nasa kahon at ipasulat sa bahaging SIMULA bilang inisyal na kasagutan. Samantalang ang bahagi ng GITNA at WAKAS ay sasagutan lamang nila sa iba pang bahagi ng paglalakbay sa araling ito. Sa susunod na bahagi ay ipapasagot sa mag-aaral ang isang tower of knowledge upang inisyal na masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa kalakalang panlabas. BARTER BATAS BIGAS DOLYAR ELECTRONICS EXPORT GALLEON GINTO IMPORT KALAKALAN LANGIS PRUTAS TABAKO TARIPA QUOTA
  • 156.
    308 DEPED COPY Paano moilalarawan ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa sa larangan ng kalakalan at ano ang bahaging ginagampanan nito sa ekonomiya ng bansa? Matapos mong maorganisa ang mga paunang kaalaman ng iyong mga mag-aaral tungkol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas, ihanda mo naman sila para sa susunod na bahagi ng aralin upang higit nilang maunawaan nang mas malalim ang paksang ito. PAUNLARIN Pagkatapos balikan ng mga mag-aaral ang kanilang mga kaalaman tungkol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas, ipabasa sa kanila ang mga teksto na nasa kanilang Learner’s Module kaugnay ng paksa na nasa Gawain 4. Layunin ng gawaing ito na mapalawak pang lalo ang kanilang kaalaman sa aralin. Bilang guro, maaaring ibigay sa kanila bilang takdang-aralin ang ilang konsepto tungkol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas nang sa gayon ay maging madali para sa kanilang maunawaan ang nilalaman ng mga babasahin o teksto.
  • 157.
    309 DEPED COPY Gawain 4:TEKS-TO-GRAPH LIST Pagkatapos basahin at unawain ng mga mag-aaral ang teksto na nasa kanilang modyul, ipasagot sa kanila ang mga pamprosesong tanong gamit ang graphic organizer na nasa ibaba. Pamprosesong Tanong: 1. Tungkol saan ang tekstong iyong binasa? 2. Bakit nagkakaroon ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa? 3. Paano binago ng pag-unlad ng pag-aaral ng Ekonomiks ang kaisipan tungkol sa kalakalang panlabas? Gawain 5: T-CHART: ABSOLUTE o COMPARATIVE Sa pamamagitan ng t-tsart, paghahambingin ng mga mag-aaral ang dalawang batayan o kalakaran ng kalakalang panlabas ng isang bansa batay sa tekstong nabasa. A. Batay sa Paglikha ng Produkto o Serbisyo:
  • 158.
    310 DEPED COPY B. Bataysa Pakinabang sa Kalakalan: Gawain 6: IMPORT o EXPORT: I-VENN DIAGRAM MO! Ipabasa at ipaunawa sa mga mag-aaral ang teksto tungkol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas sa kanilang Learner’s Module. Layunin ng gawaing ito na masuri ng mga mag-aaral ang mahahalagang datos o impormasyon tungkol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas. Pagkatapos ay ipasagot ang mga pamprosesong tanong at papunan ang sa pagkatuto Venn diagram. Pamprosesong Tanong: 1. Tungkol saan ang tekstong iyong binasa? 2. Paano mo ilalarawan ang takbo ng kalakalang panlabas ng Pilipinas? 3. Batay sa datos na inilahad ng teksto, pagkomparahin ang export at import ng ating bansa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang impormasyon. EXPORTIMPORT
  • 159.
    311 DEPED COPY Gawain 7:PHILIPPINE ECONOMIC TIES: Logo Natin, Alamin at Talakayin Ipabasa at ipaunawa sa mga mag-aaral ang teksto tungkol sa pakikipag- ugnayan ng ating bansa sa iba’t ibang samahan o organisasyong pang- ekonomiko na nasa Learner’s Module. Layunin ng gawain na ito na masuri ng mga mag-aaral ang mahahalagang datos o impormasyon tungkol sa gampanin ng iba’t ibang samahan o organisasyong pang-ekonomiko sa mga patakaran o programa ng ating bansa tungkol sa kalakalang panlabas. Pagkatapos ay ipasagot ang mga pamprosesong tanong at papunan ng mga impormasyon ang dayagram na nasa ibaba. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pangunahing diwa o mensahe ng iyong binasang teksto? 2. Mula sa iyong binasa, bakit nakikipag-ugnayan ang ating bansa sa mga samahang pandaigdig? 3. Batay sa datos na inilahad ng teksto, punan mo ng mahahalagang impormasyon ang dayagram na nasa ibaba upang maikompara ang pakikipag-ugnayan ng ating bansa sa mga samahang pandaigdig. Layunin ng Pagkakatatag ng Samahan Mga Samahang Pang- ekonomiko Pangunahing Tulong na Naidulot sa Ekonomiya ng Pilipinas
  • 160.
    312 DEPED COPY Gawain 8:TEKS-TO-DATA RETRIEVAL CHART Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto na pinamagatang “Kalakalang Panlabas ng Pilipinas: Kahalagahan, Mga Patakaran, at Programa”. Layunin ng gawain na ito na magabayan ang mga mag-aaral upang mapaghusay pa ang kanilang kakayahan sa pagsuri ng mga impormasyon. Pagkatapos ay kanilang sasagutin ang mga pamprosesong tanong na nasa ibaba at papunan ang data retrieval chart ng mahahalagang datos at impormasyon. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang ipinapahayag ng teksto? 2. Batay sa iyong binasa bakit kinakailangang ang pamahalaan ay magpatupad ng mga batas,patakaran, oprogramang maykaugnayan sa kalakalang panlabas? 3. Batay sa datos na inilahad ng teksto, punan mo ng datos ang data retrieval chart na nasa ibaba. Batas o Programang may Kaugnayan sa Kalakalang Panlabas Isinasaad o Nilalaman Kahalagahan Gawain 9: MIND TRADE: QUIZ Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga kaalamang hinihingi batay sa mga natutuhan mula sa mga tekstong binasa. Ipasagot ang sumusunod na pahayag o katanungang nasa ibaba. 1. Ang tawag sa sistema ng pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng mga bansa sa daigdig 2. Ito ay ang buwis na ipinapataw sa mga produktong inaangkat. 3. Ito ay tumutukoy sa ganap na kalamangan ng isang bansa sa isang produkto kapag mas mababa ang halaga ng produksiyon nito kaysa halaga ng produksiyon ng ibang bansa. 4. Ang tawag sa pandaigdigang batayan o sukatan para sa mga gawaing pang-ekonomiya 5. Isang batayan ng pakikipagkalakalan na kung saan mas makabubuti sa bansa ang espesyalisasyon bilang batayan ng kalakalan at ang prinsipyo ng opportunity cost
  • 161.
    313 DEPED COPY 6. Angtawag sa batayan ng transaksiyon ng pakikipag-ugnayan ng isang bansa sa larangan ng kalakalang pandaigdig 7. Ang pagluluwas ng mga produkto patungo sa iba’t ibang bansa sa daigdig 8. Ang tawag sa pag-aangkat o pagbibili ng produkto sa ibang bansa 9. Ito ay ang takdang dami ng mga produkto na maaaring iluwas sa isang bansa. 10. Ang patakarang nagbubunsod upang isulong ang malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga hadlang dito 11. Ang pangunahing bansang may mataas na pagluluwas ang Pilipinas ayon sa datos ng Philipppine Statistical Authority ng June 2014 12. Sa ilalim ng economic bloc, ito ang samahang may mataas na pagluluwas ang ating bansa ng mga produkto at serbisyo. 13. Isang organisasyong pangkalakalan na itinatag upang isulong ang malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa daigdig. 14. Ang samahan ng mga bansa saAsya Pasipiko na naglalayong paunlarin ang ekonomiya ng mga kasaping bansa sa pamamagitan ng pag-iibayo ng kalakalan. 15. Ang samahan ng mga bansa na nagtatag ng tatlong pangunahing komunidad na kinabibilangan ng Political & Security Community, Economic Community at Socio-Cultural Community na siyang magiging batayan ng ugnayan ng mga kasaping bansa. Gawain 10: TOWER OF KNOWLEDGE Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan mo bilang guro ang baitang ng kaunlaran sa pagkatuto ng iyong mga mag-aaral. Sa aspektong ito ay pasagutan mo sa kanila ang katanungang nasa kahon at kanila itong isulat sa bahaging GITNA bilang kanilang kasagutan. Samantalang ang bahagi ng WAKAS ay sasagutan lamang nila sa iba pang bahagi ng kanilang paglalakbay sa araling ito.
  • 162.
    314 DEPED COPY Gawain 11:BALITA-NALYSIS Ipabasa at ipaunawa sa mga mag-aaral ang balitang pinamagatang “Pinas, obligadong umangkat ng bigas” na nasa kanilang modyul at pagkatapos ay ipasagot ang mga pamprosesong tanong na nasa ibaba. Pamprosesong Tanong: 1. Tungkol saan ang balita? 2. Makatwiran ba ang isinasaad ng balita? Bakit? 3. Maglista ng mga pahayag mula sa balita na siyang nagpapahayag ng pakikipag-ugnayan ng ating bansa sa larangan ng kalakalang panlabas. Paano mo ilalarawan ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa sa larangan ng kalakalan at ano ang bahaging ginagampanan nito sa ekonomiya ng bansa? Matapos mong gabayan ang iyong mga mag-aaral upang mapalalim ang kanilang kaalaman ukol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas, ngayon naman ay gabayan mo sila sa susunod na bahagi ng modyul. PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng modyul ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang guro ang mga nabuong kaalaman ng mag-aaral ukol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa naturang paksa upang maihanda mo sila para sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutuhan.
  • 163.
    315 DEPED COPY Gawain 12:BRAND B-ANYAGA o BRAND L-OKAL: SURVEY Sa tulong ng kanilang mga kagrupo, atasan ang mga mag-aaral na magsagawa ng isang survey sa 10 katao gamit ang isang checklist na sasagutan ng mga respondents (kapuwa mag-aaral, kamag-anak, kaibigan, o kapitbahay) na naglalayong malaman at masukat ang kanilang mga preference o mga nais bilhin o ikonsumong mga produkto o serbisyo. Ipakita sa mga mag-aaral ang halimbawa ng checklist form na nasa ibaba upang maging gabay. Pagkatapos ng gawain, ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pamprosesong tanong. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang naging batayan mo sa pagpili ng respondents? 2. Paano ka nagkaroon ng ideya kung anong mga produktong lokal o banyaga ang iyong isasama sa checklist? 3. Ano at alin sa mga aytem o brand name ang maraming pumili? Bakit kaya maraming pumili nito? 4. Sa kabuuan ano ang produktong mas marami ang pumili, gawang banyaga o gawang lokal? Sa Kinauukulan: Ang gawaing ito ay naglalayong masukat ang inyong preference bilang isang mamimili pagdating sa pagpili ng mga produkto o serbisyo. Ipagpalagay na ikaw ay mamimili ng iyong gamit. Alin sa mga sumusunod ang iyong pipiliin? Mangyari po lamang na pakipunan at pakisagutan ng mahahalagang impormasyon ang sumusunod na aytem. Anumang impormasyon o datos ay mananatilng confidential. BATAYANG IMPORMASYON Pangalan: ____________________________________Kasarian: __________ Edad: __________ Tirahan: _______________________Hanapbuhay: ______Meron (Anong uri) ______________ Pinag-aralan: _____________________________ _______Wala PANUTO: Pakilagyan ng tsek ang mga aytem o brand na gusto mong bilhin. Maaari kang pumili ng higit sa isa.  BRAND NG DAMIT _________Bench ________Giordano _________Dickies ________Polo Sport  BRAND NG SAPATOS __________Nike _________gawang Marikina ________Swatch __________Reebok _________gawang Liliw, Laguna ________Accel  BRAND NG TSINELAS/SANDALS __________Bantex _________Havianas ________Spartan __________Adidas _________Happy Feet ________Crocs  BRAND NG CHOCOLATE __________Chocnut _________Hershey’s _________Cloud-9 __________Goya _________Toblerone _________Snickers
  • 164.
    316 DEPED COPY Gawain 13:EDITORIAL at CARTOON Itoayisangpangkatanggawainnakungsaansapamamagitannggrupong kinabibilangan ng mga mag-aaral ay magsasaliksik sila tungkol sa kalagayan ng kalakalang panlabas ng Pilipinas. Batay sa mga datos o impormasyon na kanilang makukuha, sila ay bubuo ng mahahalagang impormasyon o detalye upang makagawa ng sariling balitang editoryal at cartoon. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na kinakailangang ang mabubuo nilang balita ay naglalaman ng maayos na panimula kung saan ipinaaalam nila sa mambabasa ang paksa, ang katawan ng balita na siyang nagpapaliwanag ng paksa, at ang wakas kung saan mababasa ang kanilang mga tagubilin o mungkahi tungkol sa paksa. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang kanilang output ay mamarkahan gamit ang sumusunod na rubrik. RUBRIK PARA SA EDITORIAL Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos Kalinawan Ang pagkakasulat ng balita ay nagpapahayag ng malinaw na kaisipan at impormasyon tungkol sa kalagayan ng kalakalang panlabas ng Pilipinas. 20 Katiyakan Ang mga datos at impormasyon na nakapaloob tungkol sa kalagayan ng kalakalang panlabas ng Pilipinas ay tama, may basehan, at angkop sa paksa. 20 Istilo Maayos at may kahusayan sa pagpapaliwanag ang kabuuang balita at nagpamalas ito ng angking pagkamalikhain ng grupo. 10
  • 165.
    317 DEPED COPY RUBRIK PARASA EDITORIAL CARTOON Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos Nilalaman Naipakita at naipaliwanag nang mahusay ang kaangkupan editorial cartoon batay sa inilahad na balita tungkol sa kalagayan ng kalakalang panlabas ng Pilipinas. 20 Pagkamalikhain at Pagkamasining Maliwanag at angkop ang mensahe sa paglalarawan ng konsepto kung kalian at bakit nakikialam ang pamahalaan sa pamilihan. 20 Kabuuang Presentasyon at Kahusayan sa Pagpapaliwanag Malinis, maayos at may kahusayan sa pagpapaliwanag ang kabuuang larawan. 10 Pamprosesong Tanong: 1. Anong mga sanggunian ang inyong ginamit upang makakuha ng impormasyon tungkol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas? 2. Ano ang pangunahing mensahe ng nagawa ninyong balita? 3. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng nabuo ninyong editorial cartoon? 4. Paano kayo nakabuo ng ideya o konsepto para makabuo ng editorial cartoon? 5. Mula sa gawain, ano ang iyong naging pangkalahatang impresyon tungkol sa kalagayan ng kalakalang panlabas ng Pilipinas?
  • 166.
    318 DEPED COPY Gawain 14:TOWER OF KNOWLEDGE Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan mo bilang guro ang baitang ng kaunlaran sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa aspektong ito ay pasasagutan sa kanila ang katanungang nasa kahon at kanila itong isusulat sa bahaging WAKAS bilang kasagutan. Ipaalala sa mga mag-aaral na dapat nila itong itago sa kanilang portfolio o kuwaderno bilang kanilang proyekto. Paano mo ilalarawan ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa sa larangan ng kalakalan at ano ang bahaging ginagampanan nito sa ekonomiya ng bansa? MAHUSAY! Napagtagumpayan mo na gabayan ang mga mag-aaral upang kanilang maisagawa ang mga iniatang na gawain. ISABUHAY Ngayong lubos na ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas, sa bahaging ito ng aralin ay gagabayan mo sila upang mailapat nila ang mga natutuhan sa kanilang pang-araw- araw na buhay. Ano nga ba ang kahalagahan ng mga paksang pinag- aralan sa kanilang buhay bilang isang mamamayang Pilipino na bahagi sa pagkamit ng pambansang kaunlaran? Upang mabigyan ng kasagutan ang katanungan, isasakatuparan nila ang isang gawain upang maging kapaki-pakinabang ang mga aral na kanilang natutuhan.
  • 167.
    319 DEPED COPY Gawain 15:PANATA NG MABUTING MAMAMAYAN Sa pamamagitan ng isang pangkatang gawain ay aatasan ang mga mag-aaral na bumuo ng isang “panata” na nagsasaad kung papaano sila magiging mabuting kabahagi ng bansa upang mapaunlad ang ekonomiya ng ating bansa. Upang maging maayos at makabuluhan ang kanilang gagawin, gawing gabay ang talahanayan na nakabatay sa konsepto ng G.R.A.S.P. Goal Makagawa ng isang panata na naglalaman ng inyong commitment o pangako kung paano magiging mabuting kabahagi para sa kaunlaran ng ekonomiya ng ating bansa Role Bahagi ka ng isang pangkat na nagpapahayag ng panata o pangako upang maging mabuting mamamayan na magiging kabahagi para sa pag- unlad ng ekonomiya ng bansa Audience Mga kapuwa mag-aaral at guro Situation Sa isang klase na kung saan kayo ay gagawa ng pangkatang panata at bibigkasin ito sa harap ng inyong mga kamag-aral Product/ Performance Isang mapanagutang Panata para sa Kaunlaran ng Ekonomiya Ipaunawa sa mga mag-aaral na marapat nilang bigyang-tuon ang sumusunod sa paggawa ng Panata ng Mabuting Mamamayan. a. Komprehensibong nagpapahayag ng mga pamamaraan kung paano magiging kabahagi sa kaunlaran ng bansa b. Napapangatwiranan kung bakit kailangan tayong maging kabahagi upang isulong ang kaunlaran ng ating bansa c. Kahalagahan sa pagtataguyod at paghihimok sa pagiging matalinong mamimili at mapanagutang negosyante
  • 168.
    320 DEPED COPY PANGWAKAS NAPAGTATAYA Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel 1. Maraming mga salik ang maaaring makatulong sa isang bansa upang umangat ang ekonomiya nito, MALIBAN sa: A. teknolohiya B. kalakalan C. yamang-tao D. likas na yaman 2. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng konsepto ng kaunlaran? A. Hindi ganap na maipakikita ng paglago ng ekonomiya ang pag- unlad ng bansa. B. Sa mga OFWs lamang nabubuhay ang ekonomiya ng bansa. C. Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan din ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan. D. Isang mabisang sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyonal na panukat gaya ng GDP. 3. Isa ang korapsiyon sa itinuturong dahilan ng kahirapan ng bansa. Paano kumikilos ang mga Pilipino upang labanan ang hamong dulot nito? A. Mulat ang mga Pilipino sa mga anomalya at korapsiyon kaya’t ipinaglalaban nila kung ano ang tama at nararapat. B. Hinahayaan na lamang ng mga Pilipino na ang pamahalaan at ang mga hukuman ang umusig sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno. C. Idinadaan nila sa samu’t-saring rally at protesta ang kanilang mga saloobin ukol sa talamak na korapsiyon sa bansa. D. Ipinagsasawalang-kibo na lamang ng mga mamamayan ang mga maling nagaganap sa ating bansa. Binabati Kita! Napagtagumpayan mo na isagawa bilang guro ang lahat ng gawain sa bahagi ng modyul na ito ukol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas. Ngayon ay ihanda mo na sila para sa pangwakas na pagtataya. (U) (U) (K)
  • 169.
    321 DEPED COPY 4. Bilangisang mamamayang Pilipino, may obligasyon din tayong dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa bansa? A. Tangkilikin ang mga produktong gawang Pilipino. B. Maging mapagmasid sa mga nangyayari sa lipunan. C. Maging aktibo sa pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad. D. Wala sa nabanggit. 5. Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura? A. pangingisda B. paggugubat C. paghahayupan D. pagmimina 6. Ang madaling pagkasira ng mga produktong agrikultural ang isa sa mga pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura. Ano ang dahilan nito? A. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka. B. Kawalan ng mga konsyumer sa pamilihan C. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad. D. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm-to- market road) 7. Bakit mahalaga ang repormang agraryo ng pamahalaan para sa mga magsasaka? A. Nabibigyang-pansin ang mga magsasaka sa pamamagitan ng maayos na sistema ng pautang, mga proyektong pang- imprastruktura, redistribusyon ng lupa, at iba pa. B. Nagkakaroon ng sariling lupang sakahan ang mga magsasaka. C. Natutugunan ng pamahalaan ang mga hinaing at problema ng sektor ng agrikultura. D. Lahat ng nabanggit (P) (U) (K) (U)
  • 170.
    322 DEPED COPY Para sabilang 8, suriin ang sumusunod na datos at sagutin ang tanong sa ibaba nito. Talahanayan 2 Distribusyon ng mga Sektor ng Pang-ekonomiya 2005 – 2010 (In-Million Pesos) SEKTOR 2005 2006 2007 2008 2009 2010 Agrikultura 778,370 853,718 943,842 1,102,465 1,138,334 1,182,374 Industriya 1,735,148 1,909,434 2,098,720 2,347,803 2,318,882 2,663,497 Paglilingkod 2,930,521 3,268,012 3,606,057 3,959,102 4,221,702 4,667,166 Pinagkunan: National Statistical Coordination Board (NSCB), January 31, 2011 8. Lubhang napakayaman ng bansa kung likas na yaman lamang ang pagbabatayan. Ngunit kapansin-pansin sa mga datos sa itaas na ang sektor ng agrikultura ang may pinakamaliit na ambag sa ekonomiya ng bansa mula 2005-2010. Ano ang nais ipahiwatig nito? A. Kulang ang mga programa at proyektong tutulong sa sektor ng agrikultura. B. Mas binibigyang-pansin ng pamahalaan ang sektor ng industriya at serbisyo. C. Kulang ang suporta na tinatanggap ng mga magsasakang Pilipino. D. Lahat ng nabanggit 9. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyal upang ito ay maging isang produkto? A. paglilingkod B. impormal na sektor C. agrikultura D. industriya (P) (K)
  • 171.
    323 DEPED COPY 10. Mahalaga angpapel na ginagampanan ng mga ektor ng agrikultura at industriya sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng epektibong ugnayan ng dalawang sektor? A. Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng agrikultura ay lubhang mahalagang sangkap sa sektor industriya upang gawing panibagong uri ng produkto. B. Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng agrikultura samantalang ang industriya ay sa mga bahay-kalakal. C. Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang ang mga entreprenyur naman ang kapitan ng industriya. D. Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang agrikultura ay nanatili sa tradisyonal na pamamaraan ng pagsasaka. 11. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng limitasyon ng industriyalisasyon? A. Ang malawakang paggamit ng inobasyon katulad ng mga makinarya ay nakaaapekto sa pagkakaroon ng hanapbuhay para sa mga manggagawa. B. Ang mga makabagong teknolohiya ay nakatutulong sa paggawa ng mas maraming produkto at serbisyo. C. Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas ng bansa bunga na rin ng mataas na pambansang kita. D. Unti-unting nasisira ang kapaligiran dulot ng polusyon at masyadong mabilis na industriyalisasyon. 12. Ang sektor ng paglilingkod ay binubuo ng sumusunod maliban sa: A. kalakalang pakyawan at pagtitingi B. serbisyong pampamayanan, panlipunan, at personal C. sektor sa pananalapi D. pagmimina 13. Alin sa sumusunod na pangungusap ang dahilan kung bakit patuloy pa ring problema ng kontraktuwalisasyon sa bansa? A. Mas makatitipid ang mga kompanya kung ang mga manggagawa ay kontraktuwal dahil wala silang mga benepisyo tulad ng SSS at PhilHealth. (P) (P) (K) (U)
  • 172.
    324 DEPED COPY B. Maliit lamangang gastusin ng mga kompanya sa mga manggagawang kontraktuwal. C. Hindi maaaring tumanggi ang mga manggagawang kontraktuwal sa mga overtime na trabaho lalo na sa mga peak season. D. Lahat ng nabanggit 14. Gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod? A. Sila ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal. B. Sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman, at serbisyo. C. Silaangdahilanupangmagkaroonngopurtunidadsapagkakaroon ng trabaho sa isang bansa. D. Larawan sila ng mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa. 15. Alin sa sumusunod na sektor ang hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo? A. agrikultura B. impormal na sector C. industriya D. paglilingkod 16. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng positibong epekto ng paglaganap ng impormal na sektor? A. Ipinapakita nito ang pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang tugunan ang pangangailangan sa kabila ng krisis sa buhay. B. Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries. C. Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa. D. Maraming mamamayan ang umaasa na lamang sa pamahalaan. 17. Ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng mga bunga ng pamimirata sa bansa maliban sa: A. Kakulangan ng komprehensibong kampanya sa mga tao ukol sa masasamang bunga nito B. Kakulangan ng trabaho sa bansa C. Kakulangan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga batas na laban sa pamimirata (P) (U) (K) (P)
  • 173.
    325 DEPED COPY D. Pagnanaisng ilang negosyante na kumita nang malaki kahit sa illegal na pamamaraan 18. Ang mga bansa ay makikinabang sa isa’t isa ayon sa konsepto ng comparative advantage. Alin sa sumusunod na paraan sila makikinabang? A. kasunduang multilateral B. trade embargo at quota C. espesyalisasyon at kalakalan D. sabwatan at kartel 19. Alin sa sumusunod na pangungusap ang pinakaakmang dahilan ng pakikipagkalakalan ng mga bansa sa daigdig? A. Abot-kamay na ang angkat na produkto sa lokal na pamilihan B. Upang dumami ang mga produktong imported na maaaring gayahin o kopyahin C. Madaragdagan ang pantugon ng mga panustos para sa pangangailangan ng lokal na ekonomiya D. Maipagmamalaki ang kanilang produkto sa pandaigdigang pamilihan 20. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paghina ng kalakalang lokal at panlabas ng mga bansang naapektuhan ng globalisasyon? A. Ang pagkakaroon ng mga surplus sa mga pamilihan B. Ang patuloy na paglawak ng mga korporasyong transnasyonal C. Ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga bansa D. Ang pagbabago sa kabuuang pamumuhay ng mamamayan (U) (K) (P)
  • 174.
    326 DEPED COPY SAGOT: 1. B 2. C 3. A 4. C 5. D 6. D 7. D 8. D 9. D 10. A 11. D 12. D 13. D 14. B 15. B 16. A 17. B 18. A 19. C 20. A