2. I. LAYUNIN
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
a. matutukoy ang mga gawain ng
mga bata sa isang tipikal na araw sa
paaralan;
b. mailalahad ang dahilan at
kahalagahan ng pag-aaral.
3. “ANG MAG-AARAL”
(kantahin sa himig ng “Jesus Loves Me”)
Ako’y isang mag-aaral
na may mabuting asal
Laging nasa paaralan,
upang ako’y matuto na:
Magbasa’t umawit, sumulat, gumuhit,
Sumayaw at bumilang
upang pangarap ko’y makamit.
4. Mga Katanungan:
1. Base sa kanta na ating inawit,
bakit nag-aaral ang isang batang
katulad mo?
2. Anu-ano ang ginagawa mo sa
isang buong araw mo sa paaralan?
5. “ANG MAG-AARAL”
(kantahin sa himig ng “Jesus Loves Me”)
Ako’y isang mag-aaral
na may mabuting asal
Laging nasa paaralan,
upang ako’y matuto na:
Magbasa’t umawit, sumulat, gumuhit,
Sumayaw at bumilang
upang pangarap ko’y makamit.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14. Flag Ceremony
Kung saan ang mga mag-
aaral ay pumipila sa tapat ng
bandila at umaawit ng ating
pambansang awit na “Lupang
Hinirang” at nagbibigkas ng
“Panatang Makabayan”
upang magbigay pugay sa
ating bansa at maipakita ang
ating pagiging makabayan.
15. Pagdarasal/
Pananalangin (Prayer)
Kung saan ang mga
mag-aaral ay nagpapakita ng
pagiging maka-Diyos sa
pamamagitan ng pananalig
sa Panginoon na
pinanggagalingan ng ating
lakas, talino, mga biyaya, at
ang ating buhay.
16. Paglilinis (Cleaning)
Kung saan ang mga
mag-aaral ay nagpapakita ng
pagiging mga responsableng
mamamayan na
nangangalaga at nag-iingat
sa ating paligid at kalikasan
sa pamamagitan ng paglilinis
upang malayo sa polusyon.
17. Recess (Break-time)
Kung saan ang mga
mag-aaral ay binibigyan
nga pagkakataong
makapagpahinga at
kumain upang mapanatili
ang lakas at listo ng kani-
kanilang mga katawan at
isipan sa pag-aaral.
18. Pag-aaral at Pakikinig sa Guro
Kung saan ang mga mag-
aaral ay alerting/aktibong
nakikinig sa mga leksyon at
patuturo ng mga guro. Sa
pamamagitan nito, ay
nagkakaroon ng mga bagong
kaalaman (knowledge) at
kasanayan (skills) ang mga mag-
aaral na magagamit nila sa
kanilang pamumuhay.
19. Pag-eehersisyo
(Exercise / P.E.)
Kung saan ang mga
mag-aaral ay tinuturuan ng
mga iba’t-ibang gawaing
pisikal na makakatulong sa
kalusugan ng kanilang
pangangatawan.
20. TANDAAN:
1. Nag-aaral ang isang bata upang matuto siyang:
bumasa,
sumulat,
bumilang,
umawit,
sumayaw,
gumuhit, at higit sa lahat,
kagandahang asal.
2. Para matupad ang ating mga pangarap sa buhay.
3. Ang bawat araw sa paaralan ay dapat kapaki-pakinabang.
22. PAGTATAYA:
Panuto: Alin sa mga sumusunod na mga
larawan ang nagpapakita ng mga gawain ng
mga mag-aaral sa isang tipikal na araw sa
paaralan? Lagyan ng tsek “√” kung larawan ay
nagpapakita ng tamang gawain at ekis “x”
naman kung ito ay mali.