SlideShare a Scribd company logo
1 of 5
Dahil Sa Anak
ni Julian Cruz Balmaceda
Mga TauhanngDula :
Don Arkimedes
Don Cristobal
Manuel
Rita
Ang ayos ng tanghalan ay loob ng isang bahay-mayaman. Makikita sa loob ng bahay ang kasangkapang antik o
sinauna. Ipalalagay rin na ang namamahay ay may ugaling mapaniwalain sa mga utos ng pananampalataya.Sa dakong
kaliwa ng nanonood ay naroon ang silid ng may bahay. Sa dakong kanan ay may mga bintana, At sa dulong kanan ay
isang pintong patungong labas. Sa dulong kaliwa ay may isa ring pintong patungo sa isang panig ng looban ng
bahay. Pagkaangat ng tabing ay makikitang nangakaupo at nag-uusap ang magpinsang si Don Arkimedes at Don
Cristobal. Si Don Arkimedes(suot pambahay) at Si Don Cristobal (suot panlakad).
Don Cristobal: Liwanagin mo ang ating pinag-uusapan, primo, at kung
makukuro mo ang magiging hangga‟y maaaring magbago ka
ng isipin at palagay.
Don Arkimedes: Ang lagay ba‟y naparito ka upang ipagtanggol ang walang-
hiyang iyan?
Don Cristobal: Isipin mo, primo, na ang tinatawag mong walang-hiya ay tunay
mong anak. Ang bugtong mong anak na iniwan sa iyo ng
nasira…
Don Arkimedes:(Titindig at magpapahalata ng kapootan) ….Primo….iya‟y
hindi ko na anak , mula sa mga sandaling iya‟y maka-isip na
gumawa ng napakalaking kasalanang gaya ng kaniyang
ginawa… siya‟y hindi ko na anak… Siya‟y hindi karapat-dapat
na magtaglay ng aking apelyido… Si Manoling ay kahiya-
hiya…! Karima-rimarim…! Isang malaking batik iyan sa lahi
ng mga Lakambayan… Oo, walang patawad ang kaniyang
ginawa…
Don Cristobal:Huwag mong ipasupil sa iyong puso ang iyong isip…Ang
nangyari sa inyong mag-ama‟y nangyayari sa lahat…
Don Arkimedes: Nagkakamali ka, primo…hindi nangyari, kailanman sa aming
lahi ang bagay na iyan … Oo talagang walang-hiya, walang
turing….walang….
Don Cristobal: Dahan- dahan…
Don Arkimedes: Hindi, hindi ako makapagdahan-dahan, kapag naglalagablab ang aking
isip sa galit …Oo… walang pinag-aralan, bastus…
Don Cristobal: Baka ipalagay tuloy ng mga kapitbahay na ako‟y siya mong
minumura at tinutungayaw…
Don Arkimedes: Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako,
pulaan man ako ng mga tao?Pagtawanan ako ng kahit sino…
walang kailangan …Hindi ba‟t ngayo‟y pinagtatawanan na
ako, pinupulaan at pinipintasan ng bala ng nakakikilala sa
akin…?
Don Cristobal : Natatalastas ko angiyongikinagagalit .Oo, hindi kitasinisisi
… sa palagayko‟ymaymatuwid ka, datapwatlahat ay may
kaniya- kaniyanghangganan …Ang ginawangiyonganak ay
isangbagay na di kataka-takanggawinngkabataanngayon
… dahil sa kakapusanngpagkukuro sa mararating…
Don Arkimedes: Primo… alam mo na kunggaanoangpagtatangi ko saiyo,
kayakungpinahahalagahan mo angatingparang
magkapatid na pagsasama ay hinihilingkonghuwag na
natingpag-usapanangbagay na iyan… (palipas.) Sapagka‟t
makakain mo bang gawin sa iyongitinuturingmongbugtong
naanakpa naman na ikaw ay dalhanngisangapong ni di
manlamangnagdaan sa simbahan? Kung sa bagay ,tayong
lahat ay nagingama… angakingama ay nagingamarin …
angamangakingninuno ay nagingamarin …angama
ng…
Don Cristobal: Oo, ang ama ng iyong ninuno …ay naging ama rin.
Don Arkimedes: Ngunit ni isa ma‟y di nagkaroon ng kapangahasang gaya ng
kapangahasang ginawa ng aking “mabait” na anak…Sayang,
sayang ang pagkakapagpaaral ko sa hayop na iyan…Oo,
sayang…! Walang education…
Don Cristobal: Ikaw rin ang masisisi sa nangyaring iyan at hindi ang anak mo
lamang … Pinalaki mo sa malabis na layaw ang iyong anak.
Nalimutan mo angsabi ni Florante na---
Ang laki sa layaw,
Karaniwa‟y hubad
Sa hatol at munit sa
aral ay salat…
Don Arkimedes: Nakita mo na? Sa bibig mo na rin nagmumula ang
pagbibigay sisi sa magulang, dahil sa kagagawan ng anak…
saka ngayon ay ikaw ang mamamagitan upang huwag kong
pansinin at alintanain ang kaniyang kaalibughaan…?
Don Cristobal: Dapat mong malaman, primo, na ako man ay nagdaramdam
din sa nangyari, kaya‟t kinausap ko si Manoling at sinabi ko sa
kaniya na ang kaniyang ginawa ay pangit… napakapangit…!
Don Arkimedes : Kapangit-pangitan…angsabihin mo!
Don Cristobal : Oo, Pangitpa sa dilangpangit…ngunitanoangsinabiniya sa
akin? “Tito Cristobal”, angsabiniya… “Ang nangyari ay
nangyari na at hindi na natinmaiuulipa sa rati. Hindi ko
maaaring itapon sa lansangan ang aking anak …” At kung ang
ginawa ng iyong anak, ay gaya ng ginagawa ng iba na ayaw
kumilala sa laman ng kaniyang laman, at sa dugo ng kaniyang
dugo…ano ang sasabihin mo?
Don Arkimedes: Lalo ko siyang mapapatay… Kung may pitong buhay man
siya‟y uutasin kong lahat…
Don Cristobal: Mangyari pa… kaya ngayon, si Manoling ay wala ng paraan
at magagawa kundi ang magpasan ng tungkulin ng isang
ama…ang sabi nga niya: “ang nangyari‟y nangyari na.”
At tsaka sa ibig mo, primo… agwelo ka na … isang bagong
Arkimedes ang sumilang sa iyong angkan na siyang
magpapakilos ng daigdig ….”
Don Arkimedes: Agwelo?
Don Cristobal: Mangyari, may apo ka na … at di apo sa pakinabang kundi
apong tunay… isang apong magdadala ng iyong pangalan…
Arkimedes Lakambayan Junior …
Don Arkimedes: Iyan ang hindi maaari.
Don Cristobal: Kung ayaw ka ng “Junior” ay tatawagin nating Arkimedes
Lakambayan, II, nalalaman mo bang ipinanganak ang iyong
apo ng mismong araw ng iyong ika-50 kumpleanyos?
Don Arkimedes: Basta kung ayaw kong ipamana sa kaniya ang aking ngalan
at apelyido, ay ano ang kaniyang
magagawa? Maiaalis baga sa aking ipagkait ko ang aking
pangalan sa iba?
Don Cristobal : Diyan ka nagkakamali. Isangkatutubongkarapatanngiyong
apo na gamitin angpangalang sa kaniya‟yukol. Iyan ang
kayamanan mong maaaring kunin sa iyo ng iba sa harap-
harapan, at ikaw ay di makakikibo. At saka isa pa: Kasalanan
ba ng iyong apo na ang maging ama niya‟y si Manuel, at ikaw
ang maging nuno?
Don Arkimedes: Matanong kita : sino ang kamukha ng bata?
Don Cristobal :Ikaw sa isangdako…
Don Arkimedes: Ano ang ibig mong sabihin?
Don Cristobal: Kamukha mo sapagkat kung makasigaw ay abot
sa kapitbahay.
Don Arkimedes:Demonyo…!
Don Cristobal: At kung tumawa..walang iniwan sa kanyang agwela sa ina.
Don Arkimedes : Saina? Saina ni Rita? Ang labandera?…Isangbutil na
lamangupangkalusinang salop… Oo….Iyanpangaang
hindi ko malunok-lunok. Papasok sa silongngbubongng
akingtahananangisanganaklamangng
labandera…! Pasasaan ka, oo pasasaan ka?
Don Cristobal: Diyan ka nagkamali ng panukat, primo. Kilala ko ang ina ni
Rita. Oo, labandera nga, ngunit ikaw ma‟y hahanga sa
babaing iyon noong nabubuhay….Sa kaniyang sariling
pagsisikap at sa likod ng di kakaunting pagtitiis, kahit gapang ,
iginapang ang pagpapaaral sa kaniyang bugtong na anak, si
Rita nga, at una ang Diyos, si Rita‟y nakatapos sa Normal
School at nakapagturo sa paaralang bayan… Datapwat diyan
siya nakilala ng iyong anak…Namatay ang kaniyang ina, at si
Rita‟y naiwan sa piling ng kaniyang tiya, na halos sunod-
sunod na parang organo ang mga anak. Si Rita‟y naalis sa
pagtuturo, mula sa sandaling makilala ng mga pinuno ng
paaralang bayan ang kaniyang kalagayan… at ngayo‟y mag-
ina silang sasagutin ng iyong anak…
Don Arkimedes: Samakatuwid, ang Ritang iyang anak ng labandera‟y….
Don Cristobal: Isang babaing malinis, may puri, may dangal…at maliban sa
munting batik na nilikha ng kalikutan at kagandahang lalaki ng
iyong anak…ay walang maisusurot sa kaniya ang
makasalanang lipunan ng mga tao.
Don Arkimedes: Di kung gayon ay mag-iisang buwan na ang anak?
Don Cristobal: Oo, isang buwan at labintatlong araw…
Don Arkimedes: At hindi pa nabibinyagan?
Don Cristobal: Hindi pa, sapagkat ang ibig nila‟y magpakasal muna bago
pabinyagan ang iyong apo…
Don Arkimedes: O, ay ano ang kanilang ginagawa? Bakit di pakasal kung
pakakasal, at pabinyagan ang bata, upang lumaking moro at
simaron…
Don Cristobal: Kung sa bagay kapwa nangasagulang maging si Manuel,
maging si Rita…ngunit palibhasa‟y ibig ni Manuel na
mahugasan ang kaniyang pagkakasala, kaya ang hinihintay
ay ang iyong pahintulot…
Don Arkimedes: Pahintulot? Aanhin pa ang pahintulot? Nang siya ba‟y
magtayo ng „templo‟ ay nangailangan ng aking pahintulot ?
Komporme na akong siya‟y mag-asawa , kung ibig niya,
upang mailigtas sa kasalanan ang kaniyang walang malay
na anak… ngunit kung ako pa ang magiging alkagwete na
magbibigay ng pahintulot… ay iyan ang hindi maaari.Sinabi
mong sila‟y may layang pakasal…. Aber… pakasal sila,at
tapos ang kuwento. /Palipas/ Hindi ko sinisisi ang bata …
ang sinisisi ko‟y ang ama‟t ina … kaya kung ibig nila‟y
pakasal sila, kahit makasanlibo at ako‟y di kikibo , sapagkat
sinabi ko sa iyo na malaon nang nayari ang aking pasiya:
ako‟y walang anak. Ako‟y nagkaroon ng isang anak na
suwail, at ang suwail na yao‟y malaon ko nang ipinagtulos
ng kandila.
Don Cristobal : Bueno…Kung mag-uulittayongsalitaan ay hindi na kita
sasagutin. Naganap ko na angakingtungkulin: “Ang
paalaala‟ygamut sa taongnakalilimot….” anangkasabihan.
Napaalaalahanan na kita, ngunitkungikawangnagkukusang
lumimot sa iyongtungkulin ay walaakongmagagawa.
Don Arkimedes: Pinasasalamatan kita, pinsan… ngunit bago ka umalis, ay
utang na loob sa iyo, kung makikita mo si Manoling, sabihin
mo lamang na ibig ko siyang makausap. Kapag sa unang
tanungan namin ay di sumagot sa akin ng tama … o
nasirang Manoling siya o ako‟y hindi na si Arkimedes…
Don Cristobal : Oo, nariyanlamang si Manolo …. Tatawagin ko. (Tutungo sa
may pinto at babalik)Ngunit ang paalaala ko lamang sa iyo …
Huwag mong kalilimutang si Manoling ay iyong anak.
Don Arkimedes: Nalalaman ko. Oo… hindi ko kalilimutan na siya‟y aking
anak…
Don Cristobal: At hindi mo dapat pagbuhatan ng kamay…
Don Arkimedes: Bakit ko pagbubuhatan ng kamay?
Don Cristobal: Nakikilala kita … kapag nagdidilim ang iyong isip ay
gumagawa ka ng di mo nalalaman…
Don Arkimedes: Oo, nalalaman ko….
Don Cristobal: At isaisip mo na ikaw man, at ako man ay nagdaan din tayo sa
kabataan.
Don Arkimedes: Pero, tatawagin mo ba, o ako ang tatawag…?
Don Cristobal: Oo, ako ang tatawag… Ay, Arkimedes…Arkimedes!
(Papasok sa pintong kanan, samantala‟y yao‟t dito sa buong bahay si Arkimedes na bulong ng bulong at kumpas ng
kumpas.)

More Related Content

What's hot

Mga Tauhan sa nobelang Noli me Tangere
Mga Tauhan sa nobelang Noli me TangereMga Tauhan sa nobelang Noli me Tangere
Mga Tauhan sa nobelang Noli me TangereAnnex
 
TAUHAN NG NOLI ME TANGERE.pptx
TAUHAN NG NOLI ME TANGERE.pptxTAUHAN NG NOLI ME TANGERE.pptx
TAUHAN NG NOLI ME TANGERE.pptxssuser5bf3a1
 
Nagkamali ng Utos
Nagkamali ng UtosNagkamali ng Utos
Nagkamali ng UtosAi Sama
 
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)Arlyn Duque
 
Denotasyon at konotasyon
Denotasyon at konotasyonDenotasyon at konotasyon
Denotasyon at konotasyonJolly Lugod
 
ARALIN 18 (Ekonomiks) Produksiyon at Kita ng Pambansang Ekonomiya
ARALIN 18 (Ekonomiks) Produksiyon at Kita ng Pambansang EkonomiyaARALIN 18 (Ekonomiks) Produksiyon at Kita ng Pambansang Ekonomiya
ARALIN 18 (Ekonomiks) Produksiyon at Kita ng Pambansang EkonomiyaSalgie Masculino
 
Talambuhay ni dr. jose rizal
Talambuhay ni dr. jose rizalTalambuhay ni dr. jose rizal
Talambuhay ni dr. jose rizalEnzo Gatchalian
 
FLORANTE AT LAURA (TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS)
FLORANTE AT LAURA (TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS)FLORANTE AT LAURA (TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS)
FLORANTE AT LAURA (TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS)Cherry An Gale
 
Florante at laura (jhoeannersaraos)
Florante at laura (jhoeannersaraos)Florante at laura (jhoeannersaraos)
Florante at laura (jhoeannersaraos)annjhoe
 

What's hot (20)

Kay Estella Zeerhandelar
Kay Estella Zeerhandelar  Kay Estella Zeerhandelar
Kay Estella Zeerhandelar
 
Kay estella zeehandelaar
Kay  estella  zeehandelaarKay  estella  zeehandelaar
Kay estella zeehandelaar
 
Mga Tauhan sa nobelang Noli me Tangere
Mga Tauhan sa nobelang Noli me TangereMga Tauhan sa nobelang Noli me Tangere
Mga Tauhan sa nobelang Noli me Tangere
 
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang NagkaloobFilipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
 
TAUHAN NG NOLI ME TANGERE.pptx
TAUHAN NG NOLI ME TANGERE.pptxTAUHAN NG NOLI ME TANGERE.pptx
TAUHAN NG NOLI ME TANGERE.pptx
 
Rama at sita
Rama at sitaRama at sita
Rama at sita
 
Nagkamali ng Utos
Nagkamali ng UtosNagkamali ng Utos
Nagkamali ng Utos
 
Parabula
ParabulaParabula
Parabula
 
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
 
NMT 26-38
NMT 26-38NMT 26-38
NMT 26-38
 
Denotasyon at konotasyon
Denotasyon at konotasyonDenotasyon at konotasyon
Denotasyon at konotasyon
 
ARALIN 18 (Ekonomiks) Produksiyon at Kita ng Pambansang Ekonomiya
ARALIN 18 (Ekonomiks) Produksiyon at Kita ng Pambansang EkonomiyaARALIN 18 (Ekonomiks) Produksiyon at Kita ng Pambansang Ekonomiya
ARALIN 18 (Ekonomiks) Produksiyon at Kita ng Pambansang Ekonomiya
 
Talambuhay ni dr. jose rizal
Talambuhay ni dr. jose rizalTalambuhay ni dr. jose rizal
Talambuhay ni dr. jose rizal
 
Group 3 tayutay
Group 3 tayutayGroup 3 tayutay
Group 3 tayutay
 
Ang parabula ng banga
Ang parabula ng bangaAng parabula ng banga
Ang parabula ng banga
 
FLORANTE AT LAURA (TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS)
FLORANTE AT LAURA (TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS)FLORANTE AT LAURA (TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS)
FLORANTE AT LAURA (TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS)
 
Filipino el fi suliranin
Filipino el fi suliraninFilipino el fi suliranin
Filipino el fi suliranin
 
Pang-Ugnay
Pang-UgnayPang-Ugnay
Pang-Ugnay
 
Florante at laura (jhoeannersaraos)
Florante at laura (jhoeannersaraos)Florante at laura (jhoeannersaraos)
Florante at laura (jhoeannersaraos)
 
3.-TAUHAN NG NOLI.pptx
3.-TAUHAN NG NOLI.pptx3.-TAUHAN NG NOLI.pptx
3.-TAUHAN NG NOLI.pptx
 

Viewers also liked

Japanese Period of the Philippine Literature
Japanese Period of the Philippine Literature Japanese Period of the Philippine Literature
Japanese Period of the Philippine Literature Eileen Aycardo
 
Japanese period
Japanese periodJapanese period
Japanese periodellaboi
 
The japanese period (1941 – 1945)
The japanese period (1941 – 1945)The japanese period (1941 – 1945)
The japanese period (1941 – 1945)Elain Cruz
 
Pagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuanPagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuanRodel Moreno
 
Sa Pula, Sa Puti by Francisco Rodrigo (Colloquium Presentation)
Sa Pula, Sa Puti by Francisco Rodrigo (Colloquium Presentation)Sa Pula, Sa Puti by Francisco Rodrigo (Colloquium Presentation)
Sa Pula, Sa Puti by Francisco Rodrigo (Colloquium Presentation)oneofthosegyrls
 
Philippine literature during american period
Philippine literature during american periodPhilippine literature during american period
Philippine literature during american periodIgnatius Joseph Estroga
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleNico Granada
 
235258959 dahil-sa-anak
235258959 dahil-sa-anak235258959 dahil-sa-anak
235258959 dahil-sa-anakBay Max
 
Script - "Kaanu-ano ko kayo?"
Script - "Kaanu-ano ko kayo?"Script - "Kaanu-ano ko kayo?"
Script - "Kaanu-ano ko kayo?"Ma Ellaine Cruz
 
Mag-anak na Cruz & Titser
Mag-anak na Cruz & TitserMag-anak na Cruz & Titser
Mag-anak na Cruz & Titserserenethunder
 
Presentation in panitikang pilipino
Presentation in panitikang pilipinoPresentation in panitikang pilipino
Presentation in panitikang pilipinoANNABELE DE ROMA
 
Pagsusuri sa uhaw ang tigang na lupa
Pagsusuri sa uhaw ang tigang na lupaPagsusuri sa uhaw ang tigang na lupa
Pagsusuri sa uhaw ang tigang na lupaMargarita Celestino
 

Viewers also liked (20)

Sino Ba Kayo?
Sino Ba Kayo?Sino Ba Kayo?
Sino Ba Kayo?
 
Japanese Period of the Philippine Literature
Japanese Period of the Philippine Literature Japanese Period of the Philippine Literature
Japanese Period of the Philippine Literature
 
Japanese period
Japanese periodJapanese period
Japanese period
 
The japanese period (1941 – 1945)
The japanese period (1941 – 1945)The japanese period (1941 – 1945)
The japanese period (1941 – 1945)
 
Pagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuanPagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuan
 
Sa Pula, Sa Puti by Francisco Rodrigo (Colloquium Presentation)
Sa Pula, Sa Puti by Francisco Rodrigo (Colloquium Presentation)Sa Pula, Sa Puti by Francisco Rodrigo (Colloquium Presentation)
Sa Pula, Sa Puti by Francisco Rodrigo (Colloquium Presentation)
 
Philippine literature during american period
Philippine literature during american periodPhilippine literature during american period
Philippine literature during american period
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
 
235258959 dahil-sa-anak
235258959 dahil-sa-anak235258959 dahil-sa-anak
235258959 dahil-sa-anak
 
Dula 111213051254-phpapp01-1
Dula 111213051254-phpapp01-1Dula 111213051254-phpapp01-1
Dula 111213051254-phpapp01-1
 
Script - "Kaanu-ano ko kayo?"
Script - "Kaanu-ano ko kayo?"Script - "Kaanu-ano ko kayo?"
Script - "Kaanu-ano ko kayo?"
 
Mag-anak na Cruz & Titser
Mag-anak na Cruz & TitserMag-anak na Cruz & Titser
Mag-anak na Cruz & Titser
 
Anak
AnakAnak
Anak
 
Presentation in panitikang pilipino
Presentation in panitikang pilipinoPresentation in panitikang pilipino
Presentation in panitikang pilipino
 
Vaed report.
Vaed report.Vaed report.
Vaed report.
 
Lupang tinubuan
Lupang tinubuanLupang tinubuan
Lupang tinubuan
 
Summary about the period of
Summary about the period ofSummary about the period of
Summary about the period of
 
Pagsusuri sa uhaw ang tigang na lupa
Pagsusuri sa uhaw ang tigang na lupaPagsusuri sa uhaw ang tigang na lupa
Pagsusuri sa uhaw ang tigang na lupa
 
Usok at salamin
Usok at salaminUsok at salamin
Usok at salamin
 
Parabula ng banga
Parabula ng bangaParabula ng banga
Parabula ng banga
 

More from PRINTDESK by Dan

MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAKMGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAKPRINTDESK by Dan
 
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDEGENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDEPRINTDESK by Dan
 
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDEEARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDEPRINTDESK by Dan
 
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDEGENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDEPRINTDESK by Dan
 
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)PRINTDESK by Dan
 
21st century literature from the philippines and the world
21st century literature from the philippines and the world21st century literature from the philippines and the world
21st century literature from the philippines and the worldPRINTDESK by Dan
 
The Rice Myth - Sappia The Goddess
The Rice Myth - Sappia The GoddessThe Rice Myth - Sappia The Goddess
The Rice Myth - Sappia The GoddessPRINTDESK by Dan
 
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcerA control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcerPRINTDESK by Dan
 
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3PRINTDESK by Dan
 
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4PRINTDESK by Dan
 
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3PRINTDESK by Dan
 
Unit 3 - Science 10 Learner’s Material
Unit 3 - Science 10 Learner’s MaterialUnit 3 - Science 10 Learner’s Material
Unit 3 - Science 10 Learner’s MaterialPRINTDESK by Dan
 
Science 10 Learner’s Material Unit 4
Science 10 Learner’s Material Unit 4 Science 10 Learner’s Material Unit 4
Science 10 Learner’s Material Unit 4 PRINTDESK by Dan
 

More from PRINTDESK by Dan (20)

MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAKMGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
 
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDEGENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
 
DepEd Mission and Vision
DepEd Mission and VisionDepEd Mission and Vision
DepEd Mission and Vision
 
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDEEARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
 
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDEGENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
 
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
 
21st century literature from the philippines and the world
21st century literature from the philippines and the world21st century literature from the philippines and the world
21st century literature from the philippines and the world
 
The Rice Myth - Sappia The Goddess
The Rice Myth - Sappia The GoddessThe Rice Myth - Sappia The Goddess
The Rice Myth - Sappia The Goddess
 
Kultura ng taiwan
Kultura ng taiwanKultura ng taiwan
Kultura ng taiwan
 
MGA AWITING BAYAN
MGA AWITING BAYANMGA AWITING BAYAN
MGA AWITING BAYAN
 
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcerA control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
 
Gawains in Aral Pan 9
Gawains in Aral Pan 9Gawains in Aral Pan 9
Gawains in Aral Pan 9
 
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
 
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
 
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
 
Unit 3 - Science 10 Learner’s Material
Unit 3 - Science 10 Learner’s MaterialUnit 3 - Science 10 Learner’s Material
Unit 3 - Science 10 Learner’s Material
 
Science 10 Learner’s Material Unit 4
Science 10 Learner’s Material Unit 4 Science 10 Learner’s Material Unit 4
Science 10 Learner’s Material Unit 4
 
Branches of biology
Branches of biologyBranches of biology
Branches of biology
 
Basketball
BasketballBasketball
Basketball
 
Babasit
BabasitBabasit
Babasit
 

Recently uploaded

edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxjohnarveedomingo278
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...KathlyneJhayne
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2OlinadLobatonAiMula
 
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxvh27pvs4b5
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismMyrrhBalanayFlorida
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-diannesofocado8
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxLlemorSoledSeyer1
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfCamiling Catholic School
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikoErwinPantujan2
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfAizaStamaria3
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...AlliyahMonsanto
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKALovellAzucenas
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxfranciscagloryvilira1
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePatriciaJamesEstrada1
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxPundomaNoraima
 
Communication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxCommunication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxAman119787
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4MarieClaireRanesesYa
 

Recently uploaded (20)

edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Communication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxCommunication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 

Dahil sa anak

  • 1. Dahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda Mga TauhanngDula : Don Arkimedes Don Cristobal Manuel Rita Ang ayos ng tanghalan ay loob ng isang bahay-mayaman. Makikita sa loob ng bahay ang kasangkapang antik o sinauna. Ipalalagay rin na ang namamahay ay may ugaling mapaniwalain sa mga utos ng pananampalataya.Sa dakong kaliwa ng nanonood ay naroon ang silid ng may bahay. Sa dakong kanan ay may mga bintana, At sa dulong kanan ay isang pintong patungong labas. Sa dulong kaliwa ay may isa ring pintong patungo sa isang panig ng looban ng bahay. Pagkaangat ng tabing ay makikitang nangakaupo at nag-uusap ang magpinsang si Don Arkimedes at Don Cristobal. Si Don Arkimedes(suot pambahay) at Si Don Cristobal (suot panlakad). Don Cristobal: Liwanagin mo ang ating pinag-uusapan, primo, at kung makukuro mo ang magiging hangga‟y maaaring magbago ka ng isipin at palagay. Don Arkimedes: Ang lagay ba‟y naparito ka upang ipagtanggol ang walang- hiyang iyan? Don Cristobal: Isipin mo, primo, na ang tinatawag mong walang-hiya ay tunay mong anak. Ang bugtong mong anak na iniwan sa iyo ng nasira… Don Arkimedes:(Titindig at magpapahalata ng kapootan) ….Primo….iya‟y hindi ko na anak , mula sa mga sandaling iya‟y maka-isip na gumawa ng napakalaking kasalanang gaya ng kaniyang ginawa… siya‟y hindi ko na anak… Siya‟y hindi karapat-dapat na magtaglay ng aking apelyido… Si Manoling ay kahiya- hiya…! Karima-rimarim…! Isang malaking batik iyan sa lahi ng mga Lakambayan… Oo, walang patawad ang kaniyang ginawa… Don Cristobal:Huwag mong ipasupil sa iyong puso ang iyong isip…Ang nangyari sa inyong mag-ama‟y nangyayari sa lahat… Don Arkimedes: Nagkakamali ka, primo…hindi nangyari, kailanman sa aming lahi ang bagay na iyan … Oo talagang walang-hiya, walang turing….walang…. Don Cristobal: Dahan- dahan… Don Arkimedes: Hindi, hindi ako makapagdahan-dahan, kapag naglalagablab ang aking isip sa galit …Oo… walang pinag-aralan, bastus… Don Cristobal: Baka ipalagay tuloy ng mga kapitbahay na ako‟y siya mong minumura at tinutungayaw…
  • 2. Don Arkimedes: Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako, pulaan man ako ng mga tao?Pagtawanan ako ng kahit sino… walang kailangan …Hindi ba‟t ngayo‟y pinagtatawanan na ako, pinupulaan at pinipintasan ng bala ng nakakikilala sa akin…? Don Cristobal : Natatalastas ko angiyongikinagagalit .Oo, hindi kitasinisisi … sa palagayko‟ymaymatuwid ka, datapwatlahat ay may kaniya- kaniyanghangganan …Ang ginawangiyonganak ay isangbagay na di kataka-takanggawinngkabataanngayon … dahil sa kakapusanngpagkukuro sa mararating… Don Arkimedes: Primo… alam mo na kunggaanoangpagtatangi ko saiyo, kayakungpinahahalagahan mo angatingparang magkapatid na pagsasama ay hinihilingkonghuwag na natingpag-usapanangbagay na iyan… (palipas.) Sapagka‟t makakain mo bang gawin sa iyongitinuturingmongbugtong naanakpa naman na ikaw ay dalhanngisangapong ni di manlamangnagdaan sa simbahan? Kung sa bagay ,tayong lahat ay nagingama… angakingama ay nagingamarin … angamangakingninuno ay nagingamarin …angama ng… Don Cristobal: Oo, ang ama ng iyong ninuno …ay naging ama rin. Don Arkimedes: Ngunit ni isa ma‟y di nagkaroon ng kapangahasang gaya ng kapangahasang ginawa ng aking “mabait” na anak…Sayang, sayang ang pagkakapagpaaral ko sa hayop na iyan…Oo, sayang…! Walang education… Don Cristobal: Ikaw rin ang masisisi sa nangyaring iyan at hindi ang anak mo lamang … Pinalaki mo sa malabis na layaw ang iyong anak. Nalimutan mo angsabi ni Florante na--- Ang laki sa layaw, Karaniwa‟y hubad Sa hatol at munit sa aral ay salat… Don Arkimedes: Nakita mo na? Sa bibig mo na rin nagmumula ang pagbibigay sisi sa magulang, dahil sa kagagawan ng anak… saka ngayon ay ikaw ang mamamagitan upang huwag kong pansinin at alintanain ang kaniyang kaalibughaan…? Don Cristobal: Dapat mong malaman, primo, na ako man ay nagdaramdam din sa nangyari, kaya‟t kinausap ko si Manoling at sinabi ko sa kaniya na ang kaniyang ginawa ay pangit… napakapangit…! Don Arkimedes : Kapangit-pangitan…angsabihin mo! Don Cristobal : Oo, Pangitpa sa dilangpangit…ngunitanoangsinabiniya sa akin? “Tito Cristobal”, angsabiniya… “Ang nangyari ay
  • 3. nangyari na at hindi na natinmaiuulipa sa rati. Hindi ko maaaring itapon sa lansangan ang aking anak …” At kung ang ginawa ng iyong anak, ay gaya ng ginagawa ng iba na ayaw kumilala sa laman ng kaniyang laman, at sa dugo ng kaniyang dugo…ano ang sasabihin mo? Don Arkimedes: Lalo ko siyang mapapatay… Kung may pitong buhay man siya‟y uutasin kong lahat… Don Cristobal: Mangyari pa… kaya ngayon, si Manoling ay wala ng paraan at magagawa kundi ang magpasan ng tungkulin ng isang ama…ang sabi nga niya: “ang nangyari‟y nangyari na.” At tsaka sa ibig mo, primo… agwelo ka na … isang bagong Arkimedes ang sumilang sa iyong angkan na siyang magpapakilos ng daigdig ….” Don Arkimedes: Agwelo? Don Cristobal: Mangyari, may apo ka na … at di apo sa pakinabang kundi apong tunay… isang apong magdadala ng iyong pangalan… Arkimedes Lakambayan Junior … Don Arkimedes: Iyan ang hindi maaari. Don Cristobal: Kung ayaw ka ng “Junior” ay tatawagin nating Arkimedes Lakambayan, II, nalalaman mo bang ipinanganak ang iyong apo ng mismong araw ng iyong ika-50 kumpleanyos? Don Arkimedes: Basta kung ayaw kong ipamana sa kaniya ang aking ngalan at apelyido, ay ano ang kaniyang magagawa? Maiaalis baga sa aking ipagkait ko ang aking pangalan sa iba? Don Cristobal : Diyan ka nagkakamali. Isangkatutubongkarapatanngiyong apo na gamitin angpangalang sa kaniya‟yukol. Iyan ang kayamanan mong maaaring kunin sa iyo ng iba sa harap- harapan, at ikaw ay di makakikibo. At saka isa pa: Kasalanan ba ng iyong apo na ang maging ama niya‟y si Manuel, at ikaw ang maging nuno? Don Arkimedes: Matanong kita : sino ang kamukha ng bata? Don Cristobal :Ikaw sa isangdako… Don Arkimedes: Ano ang ibig mong sabihin? Don Cristobal: Kamukha mo sapagkat kung makasigaw ay abot sa kapitbahay. Don Arkimedes:Demonyo…! Don Cristobal: At kung tumawa..walang iniwan sa kanyang agwela sa ina.
  • 4. Don Arkimedes : Saina? Saina ni Rita? Ang labandera?…Isangbutil na lamangupangkalusinang salop… Oo….Iyanpangaang hindi ko malunok-lunok. Papasok sa silongngbubongng akingtahananangisanganaklamangng labandera…! Pasasaan ka, oo pasasaan ka? Don Cristobal: Diyan ka nagkamali ng panukat, primo. Kilala ko ang ina ni Rita. Oo, labandera nga, ngunit ikaw ma‟y hahanga sa babaing iyon noong nabubuhay….Sa kaniyang sariling pagsisikap at sa likod ng di kakaunting pagtitiis, kahit gapang , iginapang ang pagpapaaral sa kaniyang bugtong na anak, si Rita nga, at una ang Diyos, si Rita‟y nakatapos sa Normal School at nakapagturo sa paaralang bayan… Datapwat diyan siya nakilala ng iyong anak…Namatay ang kaniyang ina, at si Rita‟y naiwan sa piling ng kaniyang tiya, na halos sunod- sunod na parang organo ang mga anak. Si Rita‟y naalis sa pagtuturo, mula sa sandaling makilala ng mga pinuno ng paaralang bayan ang kaniyang kalagayan… at ngayo‟y mag- ina silang sasagutin ng iyong anak… Don Arkimedes: Samakatuwid, ang Ritang iyang anak ng labandera‟y…. Don Cristobal: Isang babaing malinis, may puri, may dangal…at maliban sa munting batik na nilikha ng kalikutan at kagandahang lalaki ng iyong anak…ay walang maisusurot sa kaniya ang makasalanang lipunan ng mga tao. Don Arkimedes: Di kung gayon ay mag-iisang buwan na ang anak? Don Cristobal: Oo, isang buwan at labintatlong araw… Don Arkimedes: At hindi pa nabibinyagan? Don Cristobal: Hindi pa, sapagkat ang ibig nila‟y magpakasal muna bago pabinyagan ang iyong apo… Don Arkimedes: O, ay ano ang kanilang ginagawa? Bakit di pakasal kung pakakasal, at pabinyagan ang bata, upang lumaking moro at simaron… Don Cristobal: Kung sa bagay kapwa nangasagulang maging si Manuel, maging si Rita…ngunit palibhasa‟y ibig ni Manuel na mahugasan ang kaniyang pagkakasala, kaya ang hinihintay ay ang iyong pahintulot… Don Arkimedes: Pahintulot? Aanhin pa ang pahintulot? Nang siya ba‟y magtayo ng „templo‟ ay nangailangan ng aking pahintulot ? Komporme na akong siya‟y mag-asawa , kung ibig niya, upang mailigtas sa kasalanan ang kaniyang walang malay na anak… ngunit kung ako pa ang magiging alkagwete na
  • 5. magbibigay ng pahintulot… ay iyan ang hindi maaari.Sinabi mong sila‟y may layang pakasal…. Aber… pakasal sila,at tapos ang kuwento. /Palipas/ Hindi ko sinisisi ang bata … ang sinisisi ko‟y ang ama‟t ina … kaya kung ibig nila‟y pakasal sila, kahit makasanlibo at ako‟y di kikibo , sapagkat sinabi ko sa iyo na malaon nang nayari ang aking pasiya: ako‟y walang anak. Ako‟y nagkaroon ng isang anak na suwail, at ang suwail na yao‟y malaon ko nang ipinagtulos ng kandila. Don Cristobal : Bueno…Kung mag-uulittayongsalitaan ay hindi na kita sasagutin. Naganap ko na angakingtungkulin: “Ang paalaala‟ygamut sa taongnakalilimot….” anangkasabihan. Napaalaalahanan na kita, ngunitkungikawangnagkukusang lumimot sa iyongtungkulin ay walaakongmagagawa. Don Arkimedes: Pinasasalamatan kita, pinsan… ngunit bago ka umalis, ay utang na loob sa iyo, kung makikita mo si Manoling, sabihin mo lamang na ibig ko siyang makausap. Kapag sa unang tanungan namin ay di sumagot sa akin ng tama … o nasirang Manoling siya o ako‟y hindi na si Arkimedes… Don Cristobal : Oo, nariyanlamang si Manolo …. Tatawagin ko. (Tutungo sa may pinto at babalik)Ngunit ang paalaala ko lamang sa iyo … Huwag mong kalilimutang si Manoling ay iyong anak. Don Arkimedes: Nalalaman ko. Oo… hindi ko kalilimutan na siya‟y aking anak… Don Cristobal: At hindi mo dapat pagbuhatan ng kamay… Don Arkimedes: Bakit ko pagbubuhatan ng kamay? Don Cristobal: Nakikilala kita … kapag nagdidilim ang iyong isip ay gumagawa ka ng di mo nalalaman… Don Arkimedes: Oo, nalalaman ko…. Don Cristobal: At isaisip mo na ikaw man, at ako man ay nagdaan din tayo sa kabataan. Don Arkimedes: Pero, tatawagin mo ba, o ako ang tatawag…? Don Cristobal: Oo, ako ang tatawag… Ay, Arkimedes…Arkimedes! (Papasok sa pintong kanan, samantala‟y yao‟t dito sa buong bahay si Arkimedes na bulong ng bulong at kumpas ng kumpas.)