Ang dagli ay isang anyo ng maikling kuwento na nakatuon sa mga sitwasyon na may mga tauhan ngunit walang tiyak na banghay o aksiyon. Ayon kay Dr. Reuel Molina Aguila, mas naunang umusbong ang dagli sa Pilipinas bago ang konsepto ng flash fiction noong 1990. Sa kasalukuyan, may iba't ibang tema at estilo ang mga dagli, na nagbibigay-diin sa pagkontrol ng salita at pagbuo ng kwento na nagiging hamon sa kakayahan ng mambabasa na umunawa.