Bahagi ng Pahayagan
Pang-ulong Balita
Ito ay nakasulat sa malalaking titik at unang
mababasa sa unang pahina ng pahayagan.
Ito rin ang pangunahing balita para sa araw
na ito.
Editoryal
Mababasa rito ang opinyon ng pahayagan
tungkol sa napapanahong isyu.
Balitang Panlungsod
Mababasa rito ang pangunahing balitang
nagaganap sa kalungsuran.
Balitang Pandaigdig
Mababasa rito ang mga pangyayari o balita
sa ibang bansa.
Balitang Panlalawigan
Mababasa rito ang mga pangyayari o balita
sa probinsiya o lalawigan.
Balitang Pangkalakalan
Mababasa rito ang balita tungkol sa
ekonomiya, komersiyo at negosyo.
Pampalakasan
Mababasa rito ang balita tungkol sa
palakasan tulad ng basketbol, tennis at
marami pang iba.
Aliwan/Balitang Pang-artista
Mababasa rito ang mga balitang pang-
artista, horoscope, komiks at palaisipan.
Anunsiyo Klasipikado
Mababasa rito ang iba’t ibang anunsiyo
tulad ng mga bakanteng trabaho.
Obituwaryo
Mababasa rito ang anunsiyo tungkol sa
mga yumao.

Bahagi ng Pahayagan.pptx