SlideShare a Scribd company logo
ARALIN 5: PANITIKAN
HINGGIL SA
KARAPATANG PANTAO
LAYUNIN:
1. NALALAMAN ANG UGAT NG PAGKABUO NG KARAPATANG-PANTAO
2. NAPAPAHALAGAHAN ANG KAALAMANG NATAMO TUNGKOL SA KARAPATAN NG
BAWAT TAO
3. NAKAPAGSASAGAWA NG MAIKLING PAGSASADULA HINGGIL SA KARAPATANG-
PANTAO
KARAPATANG PANTAO
Matugunan ang kaniyang mga pangangailangan upang siya ay
mabuhay nang may dignidad bilang tao.
Ang mga karapatang tinatamasa ng mga tao sa sandaling siya
ay isilang at makamit ang pangangailangan.
 Bahagi ng pagiging tao at hindi na kinakailangan pang
kilalanin ng pamahalaan sapagkat likas na itong bahagi ng
tao.
Ang mga karapatang pantao ay ang payak na mga karapatan
at mga kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng mga
tao.
(Human rights are the basic rights and freedoms to which all
humans are entitled.)
KATANGIAN NG KARAPATANG PANTAO
1.Unibersal o para sa lahat ng tao saan man siya
2.Inherent o taglay na natin mula pa sa pagsilang
3.Indivisible o hindi maaring paghiwa-hiwalayin o hatiin
4.Interrrelated o pagkakaugnay
PANGUNAHING BATAYAN NG KARAPATANG
PANTAO
I. SALIGANG BATAS NG PILIPINAS
Art. II – Deklarasyon ng mga Prinsipyo at Pang-
Estadong Polisiya
Art. III – Kalipunan ng Karapatan
Art. V – Pagboto
Art. XIII – Katarungang Panlipunan at Karapatang
Pantao
Art. XIV – Edukasyon, Agham, at Teknolohiya, Sining,
Kultura at Isports
II. PANDAIGDIGANG DEKLARASYON NG
KARAPATANG PANTAO
(Universal Declaration of Human Rights)
isa sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga
karapatang pantao ng bawat indibidwal na may kaugnayan sa
bawat aspekto ng buhay ng tao.
Ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao
(Universal Declaration of Human Rights o UDHR). Ang UDHR ay
nabuo at nilagdaan noong 1948. Ang Pilipinas ay nakalagda sa
deklarasyong ito kaya’t ang instrumentong ito’y dapat ipatupad sa
ating bansa. Binibigyang diin ng Pandaigdigang Deklarasyon ng
Karapatang Pantao na lahat ng tao ay isinilang na malaya at may
pantay-pantay na dignidad. Itinakda nito ang pangunahing prinsipyo
ng pagkakapantay-pantay at pagbabawal sa diskriminasyon upang
matamasa ang karapatang pantao at ang mga pangunahing
kalayaan ng tao.
ANG MGA SIBIL NA PROBISYON NG
UDHR
Karapatang mabuhay, maging malaya, at maging ligtas ng isang
tao
Kalayaan sa pagiging alipin at puwersahang pagtatrabaho o
paninilbihan
Kalayaan laban sa pananakit at malupit, di-makatao at
nakabababang-uri ng pagtrato at kaparusahan
Pagkilala sa tao sa harap ng batas
Pantay na proteksiyon sa harap ng batas
Epektibong paraang panghukuman laban sa paglabag sa
karapatang pantao
Kalayaan sa walang dahilang pag-aaresto, detensiyon, at
pagpapalayas sa sariling bansa
ANG MGA SIBIL NA PROBISYON NG
UDHR
Pantay na paglilitis at pagdinig pampubliko ng isang malaya at walang
kinikilingang tribunal
Pagpapalagay na walang kasalanan ang isang tao hanggat hindi
napapatunayang maysala
Hindi dapat bigyang kaparusahan sa isang aksiyon na hindi pa krimen
noong ito ay ginawa
Kalayaan sa pakikiaalam sa pagiging isang pribadong indibidwal,
pamilya, bahay at mga sulat
Kalayaan sa pagpili ng lugar na titirahan at maging sa pag-alis sa isang
lugar
Mag-asawa at magkaroon ng pamilya
Magkaroon ng ari-arian
ANG MGA POLITIKAL NA PROBISYON NG
UDHR
Karapatan sa asylum. Ang Asylum ay ang paghingi ng karapatang
maging mamamayan ng isang bansa kung sakaling ang isang tao ay
napaalis sa kaniyang bansa dahil sa pagtutol sa pamahalaan
Karapatang magkaroon ng nasyonalidad
Kalayaan sa pag-iisip, konsensiya at relihiyon
Kalayaan sa sariling opinyon at pagsasalita
Kalayaan sa tahimik na asamblea at asosasyon
Pagsali sa pamahalaan ng sariling bansa
Pagkakaroong ng pantay na serbisyo publiko sa sariling bansa
ANG MGA PANGKABUHAYAN,
PANLIPUNAN AT PANGKULTURA NA
PROBISYON SA UDHR
Karapatan sa panlipunang seguridad
Karapatang magkaroon ng hanapbuhaty at kalayaan sa pagpili ng empleo
Pantay na bayad sa pantay na paggawa
Karampatang kabayaran sa trabaho ng nagbibigay respeto sa pamumuhay
na may dignidad
Bumuo at sumali sa mga unyong pangkalakal
Karapatan sa pahinga at paglilibang
Maayos na pamumuhay upang maging malusog (kasama dito ang
karapatan sa pagkain, pananamit, pabahay at gamot)
ANG MGA PANGKABUHAYAN,
PANLIPUNAN AT PANGKULTURA NA
PROBISYON SA UDHR
Magkaroon ng seguridad sa panahon na walang hanapbuhay, pagkakasakit,
pagkakaroon ng kapansanan, pagkamatay ng asawa, pagtanda, at iba pang
pagkakataon na wala sa kontrol ng tao
Bigyan ng proteksiyon ang mga ina at anak
Karapatan sa edukasyon. Ang magulang ay may karapatang mamili ng edukasyon ng
kanilang anak
Karapatan sa partisipasyon sa buhay kultural ng isang pamayanan
Magkaroon ng proteksiyon sa moral at materyal na interes na nagreresulta sa
pagiging may-akda ng siyentipiko, literari, at artistikong produksiyon
URI NG KARAPATANG PANTAO
Indibidwal o Personal na Karapatan
Ito ay ang mga karapatan na pag-aari ng mga indibidwal na tao para sa
pag-unlad ng sariling pagkatao at kapakanan. Ang mga karapatang ito ay
ang sibil, politikal, panlipunan, pangkabuhayan, at kultural na karapatan.
Pangkatan o Kolektibong Karapatan
Ito ang mga karapatan ng tao ng bumuo ng pamayanan upang isulong
ang panlipunan, pangkabuhayan, at pangkultural ng pag-unlad sa
pamamagitan ng paggamit ng kanilang likas na kayamanan at
pagsusulong ng malusog na kapaligiran.
INDIBIDWAL O PERSONAL
A. KARAPATANG SIBIL
 Mabuhay na malaya at mapayapa
 Pumili ng lugar kung saan maninirahan, maghahanapbuhay, at mamili ng hanapbuhay.
B. KARAPATANG POLITIKAL
 Karapatang makilahok sa mga politikal na gawain sa pamayanan tulad ng pagboto ng
mga opisyal, pagsali sa referendum, at plebisito.
C. KARAPATANG PANLIPUNAN
 Karapatan upang maisaayos ang kagalingang panlipunan at upang isulong ang kaniyang
kapakanan.
D. KARAPATANG PANGKABUHAYAN
 Karapatan ukol sa pagsusulong ng desenteng pamumuhay at matustusan ang
pangangailangan
E. KARAPATANG KULTURAL
 Karapatan ng taong lumahok sa buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng
siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.
KARAPATANG PANTAO
1. Karapatang mamuhay
2. Kalayaan sa pagsasalita
3. Pagkakapantay-pantay sa harap ng batas
4. Mga pangkalinangang karapatan
5. Karapatang makilahok sa kultural na gawain
6. Karapatan sa pagkain
7. Karapatang makapaghanapbuhay
8. Karapatan sa edukasyon
ANG MGA KARAPATANG PANTAO NA
NASUSULAT SA DEKLARASYON NG MGA
PRINSIPYO AT PATAKARAN NG ESTADO (ART. II)
 Pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao at paggarantiya ng buong respeto
sa karapatang pantao;
 Pagkilala sa karapatan ng pamilya at pagpapalakas ng pamilya;
 Pagsulong at pagbigay proteksiyon sa pisikal, moral, espirituwal,
intelektuwal at panlipunang kapakanan ng mga kabataan;
 Pantay-pantay ng karapatan sa harap ng batas ng kababaihan at
kalalakihan;
 Proteksiyon sa karapatang pangkalusugan at balanse at malinis na
kapaligiran ng tao;
 Pagsulong ng kalayaan at pag-unlad ng tao; at
 Pagkilala at pagsulong ng mga karapatan ng mga pamayanang kultural.
ANG MGA KARAPATANG SIBIL AT POLITIKAL NG
MGA FILIPINO AY NASA BILL OF RIGHTS (ART.
II)
Karapatang mabuhay, maging malaya, at magkaroon
ng mga ari-arian
Karapatan sa makatarungang proseso at pantay na
proteksiyon ng batas
Karapatan ng tao sa tamang pamamahala ng
katarungan
PANIMULA:
Maraming napapanuod, nakikita o maging naririnig hinggil sa isyu na
nagaganap sa ating lipunan. Nariyan ang pang-aabuso, pananakit, pagpatay, o
anumang uri ng paglabag sa karapatang-pantao.
Ano nga ba ang karapatang-pantao? Ang karapatang-pantao ay
tumutukoy sa kalayaang nararapat matanggap ng lahat ng tao. Kabilang sa
mga halimbawa ng mga karapatan at kalayaan, na karaniwang iniisp bilang
karapatang-pantao, ang karapatang sibil at pampulitika, tulad ng karapatang
mamuhay at kalayaan, kalayaan sa pagsasalita at pagkakapantay-pantay ng
bawat tao sa batas at maging karapatang makapag-aral, karapatang bumoto
at marami pang iba.
Nagsimula ang karapatang pantao noong 539 B.C.E mula nang
pinalaya ni Haring Cyrus ang mga alipin at pinapili ang mga ito ng sariling
relihiyon at ito ay tinawag na Silindro ni Cyrus sapagkat nakaukit sa hinulmang
luwad na hugis cylinder ang mga batas sa karapatang pantao na nakasulat sa
wikang akkadian. Tinagurian itong “World’s first charter of human rights”.
Noong 1215, lumagda si John I, hari ng England sa Magna Carta o Dakilang
kasulatan. Ito ay naglalaman ng mga pangako ng namumuno sa kanyang
mamamayan para igalang ang mga partikular na karapatan. Noong 1787,
inaprubahan ng United States-Congress ang Saligang Batas ng kanilang
bansa. Sa dokumentong ito, nakapaloob ang Bill of Rights na pinatupad
noong Disyembre,1791. Ito ang nagbibigay-proteksyon sa mga karapatan
ng mga mamamayan at maging sa naninirahan sa kanilang bansa. Noong
1948, itinatag ng United Nations ang Human Rights Commission sa
pangunguna ni Eleonor Roosevelt, ang asawa ng yumaong Pangulong
Franklin Roosevelt ng United States. Sa pamamagitan ng naturang
komisyon, nilagdaan at ipinatupad ang dokumentong tinawag na Universal
Declaration of Human Rights.
Ang Universal Declaration of Human Rights ay isang dokumentong
naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibidwal na may
kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao. Malugod itong tinanggap ng
UN General Assembly ang UDHR noong Disyembre 10, 1948 at binansagan
itong “International Magna Carta for all Mankind.”
ITO BA ANG LANGIT?
BAYANI MACATIAG GABRIEL
AKO SI DEMONYITO at ito, ito ang kwento ng buhay ko.
Gaya ng mga nagdaang araw masaya naman ang kinalabasan ng aking umaga.
Pero may kakaibang nangyari.
HINGAL PA AKO ngunit may ngiti sa aking labi dahil may makakain ako ngayong
umaga. Ang paborito ko, kalamay ube. Isang mahabang habulan pa ang nangyari sa
amin no’ng ale, ‘yong nagtitinda ng kalamay na kinuha ko, bago ko siya natakasan.
Habang hinahabol nga ako isinisigaw pa niya ang aking pangalan “ Demonyito ka! 'Wag
kang pahuhuli sa akin at mapapatay kita!” galit na galit ang matanda buti na lang
mataba siya kaya hindi nakahabol.
May ipinagtataka lang ako. Halos lahat ng tao kakilala ako. kung minsan may
iba ring ipinapangalan sa akin gaya ng hayop, hampas lupa, bastardo at marami pang
iba. Pero karaniwang tawag sa akin ng mga tao ay ang pangalan ko: Demonyito. Gano’n
din ang tawag ng mga magulang ko sa akin dati. May naaalala akong tawag sa akin ni
inay rati e... parang… Jepri? Ay, ewan, di ko na maalala, napakabata ko pa kasi noon.
Sa aking paglalakad palabas ng Plazuela ng Tarlac na kaharap ng katedral na nasa
kabilang kalsada, ay may lumapit sa akin na babae, medyo may edad na. Hindi ko
alam kung ilang taon na, basta maganda siya. Napakalinis at napakaputi ng kaniyang
damit na mahaba. Nakangiti siya habang lumalapit sa akin. Napa-atras ako, baka kasi
may balak siyang masama sa akin. Siya lang kasi ang ngumiti sa TAPOS KO NANG
kainin ang kalamay ko nang naglalakad ako papunta sa aking tulugan, sa ilalim ng
tulay. Aquino Bridge ang tawag ng mga tao rito sa Tarlac sa tulay na iyon. Ipinangalan
daw sa isang dating presidente. Hindi ko siya kilala. Wala rin akong pakialam kung
ano man ang itawag nila. Basta ako, doon ang bahay ko. Doon lang kasi ako
puwedeng matulog. Sa mga daan kasi ay may iba ng nagmamay-ari, katulad kong
mga bata, ang ilan mga may edad na. Ang suwerte nga nila, e, buti pa sila may
pagmamay-ari na sila na ipinagtatanggol sa mga gustong umangkin. Pero alam ko,
pagdating ng araw, magiging akin din ‘yong ilalim ng tulay, matagal na akong
nakatira doon, wala pa naman ang nagpapa-alis sa akin at sinasabing akin ‘yan. At
kung mangyayari man iyon, e, maaari ko na sigurong ipagtanggol ito. May karapatan
na akong angkinin ang lugar na iyon, sa tinagal-tagal ba naman na roon ako tumira,
‘yon ang batas na alam ko.
akin ng gano’n.
“Bata!” tawag ng babae. Lalo akong natakot sa tawag niya sa akin, siya lang ata
ang tumawag sa akin ng ganoong pangalan.
“Hindi Bata ang pangalan ko!” matigas pa nga ang pagkakasagot ko para malaman
niyang hindi ako takot sa kanya.
“Anong pangalan mo?” nakangiti pa rin niyang tanong.
“Demonyito!” mariin kong sagot. Lalo pa siyang napangiti sa aking isinagot. Wala
namang nakakatawa sa sagot ko, baka nga may masama siyang balak sa akin!
Parang gusto ko nang kumaripas ng takbo, buti pang magalit siya gaya ng ginagawa ng
ibang tao sa akin, tawagin ng kung ano-anong pangalan, habulin ng itak at kung ano-ano
pa, kesa kausapin ako nang gano’n at ngitian na parang may masamang balak. Tinanong
naman niya kung ano ang pangalan ng mga magulang ko at kung saan ako nakatira.Nag-
isip ako, naaalala ko noon, may katagalan na rin noong huling araw ko sa aming bahay,
taon na siguro ang nakalilipas, hindi ko kasi alam magbilang,at hindi ko rin alam kung
paano bilangin ang taon.
Ayon sa aking pagkaka-alala, sa tuwing nag-uusap si Inay at Itay, hiyawan, gaya ng pag-
uusap ng mga kapitbahay. Kung minsan nagsusuntukan pa sila kung mag- usap.
Tinatawag ni Itay si Inay na Demonya, tapos tawag naman ni Inay kay Itay Demonyo,
tapos bigla nila akong hahanapin, “ Nasa’n na ba ang Demonyito mong anak?”
Tapos noong huling araw ko sa aming bahay narinig ko si Itay, “Makalayas na nga
sa impiyernong bahay na ito!” napakalakas ng boses ni Itay noon, manghang-mangha
ako sa kaniya. Tapos sinuntok pa niya si inay sa tiyan gaya ng nakikita ko sa TB. Idolo ko
si itay kaya ginaya ko siya.
Sumigaw rin ako nang malakas “Lalayas na rin ako sa
impiyernong bahay na ito!”
“Lumayas ka kung gusto mo! Mabuti pa nga at nang magkaroon ako ng kalayaan
mula sa pagkakagapos sa putanginang buhay na ito!” sagot naman ng aking ina sa akin.
At mula noon sa kahabaan ng F. Tańedo na ako tumira. Nagpalaboy-laboy sa
lansangan namalimos noong una, ngunit wala pala akong mapapala sa paghingi ng limos.
Buti na lang at may nakilala ako, si Morlong, mas matanda sa akin ng, ilang taon nga ba?
Hindi ko alam.
Ang sabi niya sa akin, magnakaw raw ako. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin
noong una, kaya ipinakita niya sa akin kung paano gawin iyon. Siyempre sa unang
pagkakataon ay nahuli ako. Sobrang galit na galit sa akin ‘yong mama na pinagnakawan ko.
Hindi ko siya maintindihan kung bakit galit na galit siya, e, pinagnakawan ko lang naman
siya. Malaking tao ang una kong ninakawan, at sa kaniya ko natikman ang unang bugbog sa
aking buhay. Hindi pala dahil palagi rin akong binubugbog ng aking ama noon, ito ang
totoo, sa kaniya ko natikman ang mabugbog na halos ikamatay ko. Halos di ako makagalaw
nang iwan niya akong nakahandusay sa liblib na eskinita ng Matatalaib. Buti na lang at
nakita ako ni Morlong, tinawanan pa niya ako habang binabatukan “Tanga ka talaga! Dapat
galingan mo kasi. Huwag kang papahuli,” naaalala ko pang binanggit niya sa akin.
“Bakit ba galit na galit siya?” Pinilit kong magsalita kahit hirap na hirap na ako sa
sitwasyon ko.
“Dahil pinagnakawan mo siya,” simple niyang sagot.
“Di ko pa rin maintindihan,” muli ay pinilit ko ang aking sarili sa pagsasalita.
“Alam mo kasi,” tumingin siya sa akin, napukaw na ang kaniyang pagkakangiti. “May mga taong
gahaman sa pera, ayaw nilang magbigay o mawalan ng pera, kaya galit na galit sila kapag
pinagnanakawan sila ng mga kagaya natin. Ang sabi nila masama raw kasi ang magnakaw, pero
tingnan mo naman, ang daming pulitiko ang nagnanakaw sa kaban ng bayan, hindi nila
binubugbog kagaya ng ginawa sa’yo. Kung puwede silang magnakaw ba’t tayo hindi? E, maliit
lang naman ang ninanakaw natin,” napakatiim ng kaniyang pagkakatingin sa akin. Kahit di ko
siya lubusang naiintindihan nang mga sandaling iyon alam ko sa sarili ko na tama ang kaniyang
mga sinabi.
BUMALIK ANG ULIRAT ko sa kasalukuyan sa pag uulit ng babae sa kaniyang tanong.
“Demonyo si Itay si Inay naman Demonya!” sagot ko, nakita ko ang gulat sa kaniyang
mukha matapos niyang marinig ang sagot ko, tapos bigla siyang nalungkot. Natuwa naman ako,
di ko napigilan ang aking tuwa at napangiti ako sa kaniyang harapan. Dahil do’n ngumiti rin siya
at humawak sa aking ulo,“Ikaw talagang bata ka” sabi niya at marahan pa niyang ginulo ang
magulo ko nang buhok. Sa sobrang gulat ko iwinaksi ko ang kaniyang kamay nang napakalakas.
Narinig ko pa nga siyang umaray, ngunit ngumiti pa rin pagkatapos, kahit matalim na ang
pagkakatingin ko sa kaniya.
“Sa’n ka nakatira?” muli niyang tanong.
“Sa impiyerno rati, pero ngayon diyan na ako sa ilalim ng tulay nakatira!” matigas pa rin
ang pagkakasagot ko sa babae.
Nang muli niya akong hahawakan, kumaripas na ako ng takbo, sa sobrang takot, palipat
sa kalsada, palayo sa babae. Nang medyo nakalayo na ako, tumigil ako at lumingon sa
kaniyang direksyon. Di pa rin siya gumagalaw at nakatingin pa rin sa akin. Di ko talaga
lubos maisip kung bakit gano’n ang turing sa akin ng Ale, kaya sa sobrang galit at
pagkainis ko sa kaniya ay inilagay ko ang aking magkabilang hinlalaki sa aking sentido
nang nakalahad ang kamay sabay labas ng aking dila, medyo iginewang ko pa ang aking
bewang gaya ng mga nakikita kong bata kapag nag-aaway-away sila. Nang
maramdaman kong maglalakad siya patungo sa akin, kumaripas akong muli ng takbo,
ngunit di ko namalayan na may pampasaherong jeep na biyaheng 3M ang paparating sa
direksiyon na aking tinakbuhan, di ko na ito naiwasan. Biglang nagdilim ang aking
paningin. Ang tanging naaalala ko, tumatakbo ang babae patungo sa aking kinaroroonan
at humihingi ng saklolo.
BIGLA NA LANG bumalik ang alaala ko kay Morlong. Pinaslang siya ng mga
walang awang tao. Awang-awa ako sa kaniya nang araw na iyon. Naliligo siya sa
sarili niyang dugo, di makapag salita habang kalong-kalong ko siya, maging ako ay
naliligo na rin sa dugo.
“Ayon siya!” isang malakas na sigaw ang aking narinig mula sa aking likuran. Paglingon
ko, nakita ko ang mga tambay sa may kanto, mga ale na nagtitinda ng kung ano-ano, ang
mga aleng nagtsitsismisan sa kung saan, lahat sila may hawak na pamalo.
“Siya! Siya ang pumatay!” sigaw ng isa pa.
Sinubukan kong sabihing hindi ako pero parang narinig ko si Morlong na sinasabing
“tumakbo ka na”
Pinagbibintangan pa akong pumatay sa sarili kong kaibigan, wala akong magawa
kundi ang tumakbo. Walang lingon at walang tigil, hanggang mahapo at mapadpad sa
lugar na ito. Sinumpa ko pa mandin sa aking sarili na ipaghihiganti ko siya. Pero paano? Ni
hindi ko alam kung sino ang gumawa no’n sa kaniya. At ang masaklap ay ang alam ng
ibang tao ay ako ang pumatay.
GAYA NG MGA nagdaang araw masaya naman ang kinalabasan ng aking umaga.
Pero may kakaibang nangyari.
Pagdilat ko ng aking mga mata, wala nang ibang tao sa paligid, tanging ako na lang
mag-isa. Di ko alam kung nasa’n ako, ang tanging nakikita ko ay ang dalawang espasyo sa
aking harapan. Sa isang banda ay puting-puti na silid kung saan may naririnig akong mga
awitin, habang sa kabila naman ay madilim kung saan sigawan ang namamayani.

More Related Content

What's hot

Human rights
Human rightsHuman rights
KASAYSAYAN NG KARAPATANG PANTAO, UDHR, at BILL OF RIGHTS
KASAYSAYAN NG KARAPATANG PANTAO, UDHR, at BILL OF RIGHTSKASAYSAYAN NG KARAPATANG PANTAO, UDHR, at BILL OF RIGHTS
KASAYSAYAN NG KARAPATANG PANTAO, UDHR, at BILL OF RIGHTS
joril23
 
Grade 9 ESP - MODULE 6
Grade 9 ESP -  MODULE 6Grade 9 ESP -  MODULE 6
Grade 9 ESP - MODULE 6
Avigail Gabaleo Maximo
 
POLITIKAL NA PAKIKILAHOK
POLITIKAL NA PAKIKILAHOKPOLITIKAL NA PAKIKILAHOK
POLITIKAL NA PAKIKILAHOK
Miss Ivy
 
Uri ng sexual orientation
Uri ng sexual orientationUri ng sexual orientation
Uri ng sexual orientation
Joelina May Orea
 
Pagpapakilala Sa Karapatang Pantao
Pagpapakilala Sa Karapatang PantaoPagpapakilala Sa Karapatang Pantao
Pagpapakilala Sa Karapatang Pantao
Raymund Sanchez
 
Karapatan at Tungkulin
Karapatan at TungkulinKarapatan at Tungkulin
Karapatan at Tungkulin
edmond84
 
Ang Sistema Ng Edukasyon Sa Pilipinas
Ang Sistema Ng Edukasyon Sa Pilipinas Ang Sistema Ng Edukasyon Sa Pilipinas
Ang Sistema Ng Edukasyon Sa Pilipinas
ZiahGil
 
Politikal na Pakikilahok
   Politikal na Pakikilahok   Politikal na Pakikilahok
Politikal na Pakikilahok
Rozzie Jhana CamQue
 
Diskriminasyon
DiskriminasyonDiskriminasyon
Diskriminasyon
maam jona
 
ANG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS (UDHR.pptx
ANG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS (UDHR.pptxANG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS (UDHR.pptx
ANG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS (UDHR.pptx
JeanevySabCamposo
 
KARAPATANG PANTAO.pptx
KARAPATANG PANTAO.pptxKARAPATANG PANTAO.pptx
KARAPATANG PANTAO.pptx
SJCOJohnMichaelDiez
 
AralPan-JHS-and-Peace-Educ-for-Catch-up-Fridays.docx
AralPan-JHS-and-Peace-Educ-for-Catch-up-Fridays.docxAralPan-JHS-and-Peace-Educ-for-Catch-up-Fridays.docx
AralPan-JHS-and-Peace-Educ-for-Catch-up-Fridays.docx
GENIVACANDA2
 
EsP10-Pagmamahal sa Bayan
EsP10-Pagmamahal sa BayanEsP10-Pagmamahal sa Bayan
EsP10-Pagmamahal sa Bayan
JanBright11
 
pakikilahok sa civil society.pptx
pakikilahok sa civil society.pptxpakikilahok sa civil society.pptx
pakikilahok sa civil society.pptx
MichelleFalconit2
 
Modyul 6: ESP grade 9: Karapatan at Tungkulin
Modyul 6: ESP grade 9: Karapatan at TungkulinModyul 6: ESP grade 9: Karapatan at Tungkulin
Modyul 6: ESP grade 9: Karapatan at Tungkulin
Maria Fe
 
Aralin 2 Mga Karapatang Pantao
Aralin 2 Mga Karapatang Pantao Aralin 2 Mga Karapatang Pantao
Aralin 2 Mga Karapatang Pantao
edmond84
 
ESP 9 Layunin ng lipunan
ESP 9 Layunin ng lipunanESP 9 Layunin ng lipunan
ESP 9 Layunin ng lipunan
Graze Lords
 
EsP 9-Modyul 4
EsP 9-Modyul 4EsP 9-Modyul 4
EsP 9-Modyul 4
Rivera Arnel
 
Grade 10 ESP MODULE 10
Grade 10 ESP MODULE 10Grade 10 ESP MODULE 10
Grade 10 ESP MODULE 10
Avigail Gabaleo Maximo
 

What's hot (20)

Human rights
Human rightsHuman rights
Human rights
 
KASAYSAYAN NG KARAPATANG PANTAO, UDHR, at BILL OF RIGHTS
KASAYSAYAN NG KARAPATANG PANTAO, UDHR, at BILL OF RIGHTSKASAYSAYAN NG KARAPATANG PANTAO, UDHR, at BILL OF RIGHTS
KASAYSAYAN NG KARAPATANG PANTAO, UDHR, at BILL OF RIGHTS
 
Grade 9 ESP - MODULE 6
Grade 9 ESP -  MODULE 6Grade 9 ESP -  MODULE 6
Grade 9 ESP - MODULE 6
 
POLITIKAL NA PAKIKILAHOK
POLITIKAL NA PAKIKILAHOKPOLITIKAL NA PAKIKILAHOK
POLITIKAL NA PAKIKILAHOK
 
Uri ng sexual orientation
Uri ng sexual orientationUri ng sexual orientation
Uri ng sexual orientation
 
Pagpapakilala Sa Karapatang Pantao
Pagpapakilala Sa Karapatang PantaoPagpapakilala Sa Karapatang Pantao
Pagpapakilala Sa Karapatang Pantao
 
Karapatan at Tungkulin
Karapatan at TungkulinKarapatan at Tungkulin
Karapatan at Tungkulin
 
Ang Sistema Ng Edukasyon Sa Pilipinas
Ang Sistema Ng Edukasyon Sa Pilipinas Ang Sistema Ng Edukasyon Sa Pilipinas
Ang Sistema Ng Edukasyon Sa Pilipinas
 
Politikal na Pakikilahok
   Politikal na Pakikilahok   Politikal na Pakikilahok
Politikal na Pakikilahok
 
Diskriminasyon
DiskriminasyonDiskriminasyon
Diskriminasyon
 
ANG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS (UDHR.pptx
ANG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS (UDHR.pptxANG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS (UDHR.pptx
ANG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS (UDHR.pptx
 
KARAPATANG PANTAO.pptx
KARAPATANG PANTAO.pptxKARAPATANG PANTAO.pptx
KARAPATANG PANTAO.pptx
 
AralPan-JHS-and-Peace-Educ-for-Catch-up-Fridays.docx
AralPan-JHS-and-Peace-Educ-for-Catch-up-Fridays.docxAralPan-JHS-and-Peace-Educ-for-Catch-up-Fridays.docx
AralPan-JHS-and-Peace-Educ-for-Catch-up-Fridays.docx
 
EsP10-Pagmamahal sa Bayan
EsP10-Pagmamahal sa BayanEsP10-Pagmamahal sa Bayan
EsP10-Pagmamahal sa Bayan
 
pakikilahok sa civil society.pptx
pakikilahok sa civil society.pptxpakikilahok sa civil society.pptx
pakikilahok sa civil society.pptx
 
Modyul 6: ESP grade 9: Karapatan at Tungkulin
Modyul 6: ESP grade 9: Karapatan at TungkulinModyul 6: ESP grade 9: Karapatan at Tungkulin
Modyul 6: ESP grade 9: Karapatan at Tungkulin
 
Aralin 2 Mga Karapatang Pantao
Aralin 2 Mga Karapatang Pantao Aralin 2 Mga Karapatang Pantao
Aralin 2 Mga Karapatang Pantao
 
ESP 9 Layunin ng lipunan
ESP 9 Layunin ng lipunanESP 9 Layunin ng lipunan
ESP 9 Layunin ng lipunan
 
EsP 9-Modyul 4
EsP 9-Modyul 4EsP 9-Modyul 4
EsP 9-Modyul 4
 
Grade 10 ESP MODULE 10
Grade 10 ESP MODULE 10Grade 10 ESP MODULE 10
Grade 10 ESP MODULE 10
 

Similar to ARALIN_5___PANITIKAN_HINGGIL_SA_KARAPATANG_PANTAO.pptx.pdf

karapatang-pantao.pptx
karapatang-pantao.pptxkarapatang-pantao.pptx
karapatang-pantao.pptx
MaryJoyTolentino8
 
Mga-Isyu-Sa-Karapatang-Pantao-demo.pptx
Mga-Isyu-Sa-Karapatang-Pantao-demo.pptxMga-Isyu-Sa-Karapatang-Pantao-demo.pptx
Mga-Isyu-Sa-Karapatang-Pantao-demo.pptx
YnnejGem
 
Karapatang Pantao.pptx
Karapatang Pantao.pptxKarapatang Pantao.pptx
Karapatang Pantao.pptx
ShielaMarieMariano1
 
KARAPATANG PANTAODKSJDNBSAKDNSKDNSAKDNSKDNSKDNSDN
KARAPATANG PANTAODKSJDNBSAKDNSKDNSAKDNSKDNSKDNSDNKARAPATANG PANTAODKSJDNBSAKDNSKDNSAKDNSKDNSKDNSDN
KARAPATANG PANTAODKSJDNBSAKDNSKDNSAKDNSKDNSKDNSDN
reynanciakath
 
KARAPATANG PANTAO.pptx
KARAPATANG PANTAO.pptxKARAPATANG PANTAO.pptx
KARAPATANG PANTAO.pptx
TeacherDennis1
 
Aralin 2- Q4- Karapatang Pantao.pptx
Aralin 2- Q4- Karapatang Pantao.pptxAralin 2- Q4- Karapatang Pantao.pptx
Aralin 2- Q4- Karapatang Pantao.pptx
MaryJoyTolentino8
 
Aral.pan-report.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Aral.pan-report.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxAral.pan-report.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Aral.pan-report.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
JuliaFaithMConcha
 
karapatan at tungkulin.pptx
karapatan at tungkulin.pptxkarapatan at tungkulin.pptx
karapatan at tungkulin.pptx
russelsilvestre1
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
charlyn050618
 
modyul6-150520102340-luujnva1-app6892.pdf
modyul6-150520102340-luujnva1-app6892.pdfmodyul6-150520102340-luujnva1-app6892.pdf
modyul6-150520102340-luujnva1-app6892.pdf
VielMarvinPBerbano
 
MODYUL 4: ARALIN 2
MODYUL 4: ARALIN 2MODYUL 4: ARALIN 2
MODYUL 4: ARALIN 2
edwin planas ada
 
pagpapakilala-sa-karapatang-pantao-1225761882099422-9.ppt
pagpapakilala-sa-karapatang-pantao-1225761882099422-9.pptpagpapakilala-sa-karapatang-pantao-1225761882099422-9.ppt
pagpapakilala-sa-karapatang-pantao-1225761882099422-9.ppt
MARITES59
 
DEMO AP Q4 W1 CANVA-jh.pptx
DEMO AP Q4 W1 CANVA-jh.pptxDEMO AP Q4 W1 CANVA-jh.pptx
DEMO AP Q4 W1 CANVA-jh.pptx
jennyhiyas
 
ESP 9: Modyul 6 - katapatan at Tungkulin
ESP 9: Modyul 6 - katapatan at TungkulinESP 9: Modyul 6 - katapatan at Tungkulin
ESP 9: Modyul 6 - katapatan at Tungkulin
Jun-Jun Borromeo
 
A. P 10 Q4 - Mga Karapatang Pantao.ppt
A. P 10 Q4  - Mga Karapatang Pantao.pptA. P 10 Q4  - Mga Karapatang Pantao.ppt
A. P 10 Q4 - Mga Karapatang Pantao.ppt
Mejicano Quinsay,Jr.
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
JuliaFaithMConcha
 
araling panlipunan karapatang-pantao grade 10 aralin ppt
araling panlipunan karapatang-pantao grade 10 aralin pptaraling panlipunan karapatang-pantao grade 10 aralin ppt
araling panlipunan karapatang-pantao grade 10 aralin ppt
CaselynCanaman1
 
Karapatang Pantao 2.pptx
Karapatang Pantao 2.pptxKarapatang Pantao 2.pptx
Karapatang Pantao 2.pptx
ValDarylAnhao2
 

Similar to ARALIN_5___PANITIKAN_HINGGIL_SA_KARAPATANG_PANTAO.pptx.pdf (20)

karapatang-pantao.pptx
karapatang-pantao.pptxkarapatang-pantao.pptx
karapatang-pantao.pptx
 
Mga-Isyu-Sa-Karapatang-Pantao-demo.pptx
Mga-Isyu-Sa-Karapatang-Pantao-demo.pptxMga-Isyu-Sa-Karapatang-Pantao-demo.pptx
Mga-Isyu-Sa-Karapatang-Pantao-demo.pptx
 
Karapatang Pantao.pptx
Karapatang Pantao.pptxKarapatang Pantao.pptx
Karapatang Pantao.pptx
 
KARAPATANG PANTAODKSJDNBSAKDNSKDNSAKDNSKDNSKDNSDN
KARAPATANG PANTAODKSJDNBSAKDNSKDNSAKDNSKDNSKDNSDNKARAPATANG PANTAODKSJDNBSAKDNSKDNSAKDNSKDNSKDNSDN
KARAPATANG PANTAODKSJDNBSAKDNSKDNSAKDNSKDNSKDNSDN
 
KARAPATANG PANTAO.pptx
KARAPATANG PANTAO.pptxKARAPATANG PANTAO.pptx
KARAPATANG PANTAO.pptx
 
Aralin 2- Q4- Karapatang Pantao.pptx
Aralin 2- Q4- Karapatang Pantao.pptxAralin 2- Q4- Karapatang Pantao.pptx
Aralin 2- Q4- Karapatang Pantao.pptx
 
Aral.pan-report.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Aral.pan-report.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxAral.pan-report.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Aral.pan-report.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
 
karapatan at tungkulin.pptx
karapatan at tungkulin.pptxkarapatan at tungkulin.pptx
karapatan at tungkulin.pptx
 
Aralin 17
Aralin 17Aralin 17
Aralin 17
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
 
modyul6-150520102340-luujnva1-app6892.pdf
modyul6-150520102340-luujnva1-app6892.pdfmodyul6-150520102340-luujnva1-app6892.pdf
modyul6-150520102340-luujnva1-app6892.pdf
 
MODYUL 4: ARALIN 2
MODYUL 4: ARALIN 2MODYUL 4: ARALIN 2
MODYUL 4: ARALIN 2
 
pagpapakilala-sa-karapatang-pantao-1225761882099422-9.ppt
pagpapakilala-sa-karapatang-pantao-1225761882099422-9.pptpagpapakilala-sa-karapatang-pantao-1225761882099422-9.ppt
pagpapakilala-sa-karapatang-pantao-1225761882099422-9.ppt
 
DEMO AP Q4 W1 CANVA-jh.pptx
DEMO AP Q4 W1 CANVA-jh.pptxDEMO AP Q4 W1 CANVA-jh.pptx
DEMO AP Q4 W1 CANVA-jh.pptx
 
ESP 9: Modyul 6 - katapatan at Tungkulin
ESP 9: Modyul 6 - katapatan at TungkulinESP 9: Modyul 6 - katapatan at Tungkulin
ESP 9: Modyul 6 - katapatan at Tungkulin
 
A. P 10 Q4 - Mga Karapatang Pantao.ppt
A. P 10 Q4  - Mga Karapatang Pantao.pptA. P 10 Q4  - Mga Karapatang Pantao.ppt
A. P 10 Q4 - Mga Karapatang Pantao.ppt
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
 
araling panlipunan karapatang-pantao grade 10 aralin ppt
araling panlipunan karapatang-pantao grade 10 aralin pptaraling panlipunan karapatang-pantao grade 10 aralin ppt
araling panlipunan karapatang-pantao grade 10 aralin ppt
 
Modyul 6 karapatan at tungkulin
Modyul 6 karapatan at tungkulinModyul 6 karapatan at tungkulin
Modyul 6 karapatan at tungkulin
 
Karapatang Pantao 2.pptx
Karapatang Pantao 2.pptxKarapatang Pantao 2.pptx
Karapatang Pantao 2.pptx
 

More from ChristianVentura18

Elements_and_Principles_of_Art_A.ppt
Elements_and_Principles_of_Art_A.pptElements_and_Principles_of_Art_A.ppt
Elements_and_Principles_of_Art_A.ppt
ChristianVentura18
 
PANITIKAN-HINGGIL-SA-SITWASYON-NG-MGA-PANGKAT-MINORYA.pptx
PANITIKAN-HINGGIL-SA-SITWASYON-NG-MGA-PANGKAT-MINORYA.pptxPANITIKAN-HINGGIL-SA-SITWASYON-NG-MGA-PANGKAT-MINORYA.pptx
PANITIKAN-HINGGIL-SA-SITWASYON-NG-MGA-PANGKAT-MINORYA.pptx
ChristianVentura18
 
languagecurriculum-150617134700-lva1-app6891.pdf
languagecurriculum-150617134700-lva1-app6891.pdflanguagecurriculum-150617134700-lva1-app6891.pdf
languagecurriculum-150617134700-lva1-app6891.pdf
ChristianVentura18
 
technology-infographics.pptx
technology-infographics.pptxtechnology-infographics.pptx
technology-infographics.pptx
ChristianVentura18
 
Lesson-2-Functions-of-Literature.pptx
Lesson-2-Functions-of-Literature.pptxLesson-2-Functions-of-Literature.pptx
Lesson-2-Functions-of-Literature.pptx
ChristianVentura18
 
Prelim-Lesson-3-Origins-and-History-of.pptx
Prelim-Lesson-3-Origins-and-History-of.pptxPrelim-Lesson-3-Origins-and-History-of.pptx
Prelim-Lesson-3-Origins-and-History-of.pptx
ChristianVentura18
 
97818594-2-Nature-of-Comm-Planning-and-Role.pptx
97818594-2-Nature-of-Comm-Planning-and-Role.pptx97818594-2-Nature-of-Comm-Planning-and-Role.pptx
97818594-2-Nature-of-Comm-Planning-and-Role.pptx
ChristianVentura18
 
Purposes of Art-4 (1).ppt
Purposes of Art-4 (1).pptPurposes of Art-4 (1).ppt
Purposes of Art-4 (1).ppt
ChristianVentura18
 
2024-01-january-calendar-turquoise-sunday-start-en-ph.pdf
2024-01-january-calendar-turquoise-sunday-start-en-ph.pdf2024-01-january-calendar-turquoise-sunday-start-en-ph.pdf
2024-01-january-calendar-turquoise-sunday-start-en-ph.pdf
ChristianVentura18
 

More from ChristianVentura18 (9)

Elements_and_Principles_of_Art_A.ppt
Elements_and_Principles_of_Art_A.pptElements_and_Principles_of_Art_A.ppt
Elements_and_Principles_of_Art_A.ppt
 
PANITIKAN-HINGGIL-SA-SITWASYON-NG-MGA-PANGKAT-MINORYA.pptx
PANITIKAN-HINGGIL-SA-SITWASYON-NG-MGA-PANGKAT-MINORYA.pptxPANITIKAN-HINGGIL-SA-SITWASYON-NG-MGA-PANGKAT-MINORYA.pptx
PANITIKAN-HINGGIL-SA-SITWASYON-NG-MGA-PANGKAT-MINORYA.pptx
 
languagecurriculum-150617134700-lva1-app6891.pdf
languagecurriculum-150617134700-lva1-app6891.pdflanguagecurriculum-150617134700-lva1-app6891.pdf
languagecurriculum-150617134700-lva1-app6891.pdf
 
technology-infographics.pptx
technology-infographics.pptxtechnology-infographics.pptx
technology-infographics.pptx
 
Lesson-2-Functions-of-Literature.pptx
Lesson-2-Functions-of-Literature.pptxLesson-2-Functions-of-Literature.pptx
Lesson-2-Functions-of-Literature.pptx
 
Prelim-Lesson-3-Origins-and-History-of.pptx
Prelim-Lesson-3-Origins-and-History-of.pptxPrelim-Lesson-3-Origins-and-History-of.pptx
Prelim-Lesson-3-Origins-and-History-of.pptx
 
97818594-2-Nature-of-Comm-Planning-and-Role.pptx
97818594-2-Nature-of-Comm-Planning-and-Role.pptx97818594-2-Nature-of-Comm-Planning-and-Role.pptx
97818594-2-Nature-of-Comm-Planning-and-Role.pptx
 
Purposes of Art-4 (1).ppt
Purposes of Art-4 (1).pptPurposes of Art-4 (1).ppt
Purposes of Art-4 (1).ppt
 
2024-01-january-calendar-turquoise-sunday-start-en-ph.pdf
2024-01-january-calendar-turquoise-sunday-start-en-ph.pdf2024-01-january-calendar-turquoise-sunday-start-en-ph.pdf
2024-01-january-calendar-turquoise-sunday-start-en-ph.pdf
 

ARALIN_5___PANITIKAN_HINGGIL_SA_KARAPATANG_PANTAO.pptx.pdf

  • 1. ARALIN 5: PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO LAYUNIN: 1. NALALAMAN ANG UGAT NG PAGKABUO NG KARAPATANG-PANTAO 2. NAPAPAHALAGAHAN ANG KAALAMANG NATAMO TUNGKOL SA KARAPATAN NG BAWAT TAO 3. NAKAPAGSASAGAWA NG MAIKLING PAGSASADULA HINGGIL SA KARAPATANG- PANTAO
  • 2. KARAPATANG PANTAO Matugunan ang kaniyang mga pangangailangan upang siya ay mabuhay nang may dignidad bilang tao. Ang mga karapatang tinatamasa ng mga tao sa sandaling siya ay isilang at makamit ang pangangailangan.  Bahagi ng pagiging tao at hindi na kinakailangan pang kilalanin ng pamahalaan sapagkat likas na itong bahagi ng tao. Ang mga karapatang pantao ay ang payak na mga karapatan at mga kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng mga tao. (Human rights are the basic rights and freedoms to which all humans are entitled.)
  • 3. KATANGIAN NG KARAPATANG PANTAO 1.Unibersal o para sa lahat ng tao saan man siya 2.Inherent o taglay na natin mula pa sa pagsilang 3.Indivisible o hindi maaring paghiwa-hiwalayin o hatiin 4.Interrrelated o pagkakaugnay
  • 4. PANGUNAHING BATAYAN NG KARAPATANG PANTAO I. SALIGANG BATAS NG PILIPINAS Art. II – Deklarasyon ng mga Prinsipyo at Pang- Estadong Polisiya Art. III – Kalipunan ng Karapatan Art. V – Pagboto Art. XIII – Katarungang Panlipunan at Karapatang Pantao Art. XIV – Edukasyon, Agham, at Teknolohiya, Sining, Kultura at Isports
  • 5. II. PANDAIGDIGANG DEKLARASYON NG KARAPATANG PANTAO (Universal Declaration of Human Rights) isa sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibidwal na may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao.
  • 6. Ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights o UDHR). Ang UDHR ay nabuo at nilagdaan noong 1948. Ang Pilipinas ay nakalagda sa deklarasyong ito kaya’t ang instrumentong ito’y dapat ipatupad sa ating bansa. Binibigyang diin ng Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao na lahat ng tao ay isinilang na malaya at may pantay-pantay na dignidad. Itinakda nito ang pangunahing prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at pagbabawal sa diskriminasyon upang matamasa ang karapatang pantao at ang mga pangunahing kalayaan ng tao.
  • 7. ANG MGA SIBIL NA PROBISYON NG UDHR Karapatang mabuhay, maging malaya, at maging ligtas ng isang tao Kalayaan sa pagiging alipin at puwersahang pagtatrabaho o paninilbihan Kalayaan laban sa pananakit at malupit, di-makatao at nakabababang-uri ng pagtrato at kaparusahan Pagkilala sa tao sa harap ng batas Pantay na proteksiyon sa harap ng batas Epektibong paraang panghukuman laban sa paglabag sa karapatang pantao Kalayaan sa walang dahilang pag-aaresto, detensiyon, at pagpapalayas sa sariling bansa
  • 8. ANG MGA SIBIL NA PROBISYON NG UDHR Pantay na paglilitis at pagdinig pampubliko ng isang malaya at walang kinikilingang tribunal Pagpapalagay na walang kasalanan ang isang tao hanggat hindi napapatunayang maysala Hindi dapat bigyang kaparusahan sa isang aksiyon na hindi pa krimen noong ito ay ginawa Kalayaan sa pakikiaalam sa pagiging isang pribadong indibidwal, pamilya, bahay at mga sulat Kalayaan sa pagpili ng lugar na titirahan at maging sa pag-alis sa isang lugar Mag-asawa at magkaroon ng pamilya Magkaroon ng ari-arian
  • 9. ANG MGA POLITIKAL NA PROBISYON NG UDHR Karapatan sa asylum. Ang Asylum ay ang paghingi ng karapatang maging mamamayan ng isang bansa kung sakaling ang isang tao ay napaalis sa kaniyang bansa dahil sa pagtutol sa pamahalaan Karapatang magkaroon ng nasyonalidad Kalayaan sa pag-iisip, konsensiya at relihiyon Kalayaan sa sariling opinyon at pagsasalita Kalayaan sa tahimik na asamblea at asosasyon Pagsali sa pamahalaan ng sariling bansa Pagkakaroong ng pantay na serbisyo publiko sa sariling bansa
  • 10. ANG MGA PANGKABUHAYAN, PANLIPUNAN AT PANGKULTURA NA PROBISYON SA UDHR Karapatan sa panlipunang seguridad Karapatang magkaroon ng hanapbuhaty at kalayaan sa pagpili ng empleo Pantay na bayad sa pantay na paggawa Karampatang kabayaran sa trabaho ng nagbibigay respeto sa pamumuhay na may dignidad Bumuo at sumali sa mga unyong pangkalakal Karapatan sa pahinga at paglilibang Maayos na pamumuhay upang maging malusog (kasama dito ang karapatan sa pagkain, pananamit, pabahay at gamot)
  • 11. ANG MGA PANGKABUHAYAN, PANLIPUNAN AT PANGKULTURA NA PROBISYON SA UDHR Magkaroon ng seguridad sa panahon na walang hanapbuhay, pagkakasakit, pagkakaroon ng kapansanan, pagkamatay ng asawa, pagtanda, at iba pang pagkakataon na wala sa kontrol ng tao Bigyan ng proteksiyon ang mga ina at anak Karapatan sa edukasyon. Ang magulang ay may karapatang mamili ng edukasyon ng kanilang anak Karapatan sa partisipasyon sa buhay kultural ng isang pamayanan Magkaroon ng proteksiyon sa moral at materyal na interes na nagreresulta sa pagiging may-akda ng siyentipiko, literari, at artistikong produksiyon
  • 12. URI NG KARAPATANG PANTAO Indibidwal o Personal na Karapatan Ito ay ang mga karapatan na pag-aari ng mga indibidwal na tao para sa pag-unlad ng sariling pagkatao at kapakanan. Ang mga karapatang ito ay ang sibil, politikal, panlipunan, pangkabuhayan, at kultural na karapatan. Pangkatan o Kolektibong Karapatan Ito ang mga karapatan ng tao ng bumuo ng pamayanan upang isulong ang panlipunan, pangkabuhayan, at pangkultural ng pag-unlad sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang likas na kayamanan at pagsusulong ng malusog na kapaligiran.
  • 13. INDIBIDWAL O PERSONAL A. KARAPATANG SIBIL  Mabuhay na malaya at mapayapa  Pumili ng lugar kung saan maninirahan, maghahanapbuhay, at mamili ng hanapbuhay. B. KARAPATANG POLITIKAL  Karapatang makilahok sa mga politikal na gawain sa pamayanan tulad ng pagboto ng mga opisyal, pagsali sa referendum, at plebisito. C. KARAPATANG PANLIPUNAN  Karapatan upang maisaayos ang kagalingang panlipunan at upang isulong ang kaniyang kapakanan. D. KARAPATANG PANGKABUHAYAN  Karapatan ukol sa pagsusulong ng desenteng pamumuhay at matustusan ang pangangailangan E. KARAPATANG KULTURAL  Karapatan ng taong lumahok sa buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.
  • 14. KARAPATANG PANTAO 1. Karapatang mamuhay 2. Kalayaan sa pagsasalita 3. Pagkakapantay-pantay sa harap ng batas 4. Mga pangkalinangang karapatan 5. Karapatang makilahok sa kultural na gawain 6. Karapatan sa pagkain 7. Karapatang makapaghanapbuhay 8. Karapatan sa edukasyon
  • 15. ANG MGA KARAPATANG PANTAO NA NASUSULAT SA DEKLARASYON NG MGA PRINSIPYO AT PATAKARAN NG ESTADO (ART. II)  Pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao at paggarantiya ng buong respeto sa karapatang pantao;  Pagkilala sa karapatan ng pamilya at pagpapalakas ng pamilya;  Pagsulong at pagbigay proteksiyon sa pisikal, moral, espirituwal, intelektuwal at panlipunang kapakanan ng mga kabataan;  Pantay-pantay ng karapatan sa harap ng batas ng kababaihan at kalalakihan;  Proteksiyon sa karapatang pangkalusugan at balanse at malinis na kapaligiran ng tao;  Pagsulong ng kalayaan at pag-unlad ng tao; at  Pagkilala at pagsulong ng mga karapatan ng mga pamayanang kultural.
  • 16. ANG MGA KARAPATANG SIBIL AT POLITIKAL NG MGA FILIPINO AY NASA BILL OF RIGHTS (ART. II) Karapatang mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng mga ari-arian Karapatan sa makatarungang proseso at pantay na proteksiyon ng batas Karapatan ng tao sa tamang pamamahala ng katarungan
  • 17. PANIMULA: Maraming napapanuod, nakikita o maging naririnig hinggil sa isyu na nagaganap sa ating lipunan. Nariyan ang pang-aabuso, pananakit, pagpatay, o anumang uri ng paglabag sa karapatang-pantao. Ano nga ba ang karapatang-pantao? Ang karapatang-pantao ay tumutukoy sa kalayaang nararapat matanggap ng lahat ng tao. Kabilang sa mga halimbawa ng mga karapatan at kalayaan, na karaniwang iniisp bilang karapatang-pantao, ang karapatang sibil at pampulitika, tulad ng karapatang mamuhay at kalayaan, kalayaan sa pagsasalita at pagkakapantay-pantay ng bawat tao sa batas at maging karapatang makapag-aral, karapatang bumoto at marami pang iba. Nagsimula ang karapatang pantao noong 539 B.C.E mula nang pinalaya ni Haring Cyrus ang mga alipin at pinapili ang mga ito ng sariling relihiyon at ito ay tinawag na Silindro ni Cyrus sapagkat nakaukit sa hinulmang luwad na hugis cylinder ang mga batas sa karapatang pantao na nakasulat sa wikang akkadian. Tinagurian itong “World’s first charter of human rights”.
  • 18. Noong 1215, lumagda si John I, hari ng England sa Magna Carta o Dakilang kasulatan. Ito ay naglalaman ng mga pangako ng namumuno sa kanyang mamamayan para igalang ang mga partikular na karapatan. Noong 1787, inaprubahan ng United States-Congress ang Saligang Batas ng kanilang bansa. Sa dokumentong ito, nakapaloob ang Bill of Rights na pinatupad noong Disyembre,1791. Ito ang nagbibigay-proteksyon sa mga karapatan ng mga mamamayan at maging sa naninirahan sa kanilang bansa. Noong 1948, itinatag ng United Nations ang Human Rights Commission sa pangunguna ni Eleonor Roosevelt, ang asawa ng yumaong Pangulong Franklin Roosevelt ng United States. Sa pamamagitan ng naturang komisyon, nilagdaan at ipinatupad ang dokumentong tinawag na Universal Declaration of Human Rights. Ang Universal Declaration of Human Rights ay isang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibidwal na may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao. Malugod itong tinanggap ng UN General Assembly ang UDHR noong Disyembre 10, 1948 at binansagan itong “International Magna Carta for all Mankind.”
  • 19. ITO BA ANG LANGIT? BAYANI MACATIAG GABRIEL AKO SI DEMONYITO at ito, ito ang kwento ng buhay ko. Gaya ng mga nagdaang araw masaya naman ang kinalabasan ng aking umaga. Pero may kakaibang nangyari. HINGAL PA AKO ngunit may ngiti sa aking labi dahil may makakain ako ngayong umaga. Ang paborito ko, kalamay ube. Isang mahabang habulan pa ang nangyari sa amin no’ng ale, ‘yong nagtitinda ng kalamay na kinuha ko, bago ko siya natakasan. Habang hinahabol nga ako isinisigaw pa niya ang aking pangalan “ Demonyito ka! 'Wag kang pahuhuli sa akin at mapapatay kita!” galit na galit ang matanda buti na lang mataba siya kaya hindi nakahabol. May ipinagtataka lang ako. Halos lahat ng tao kakilala ako. kung minsan may iba ring ipinapangalan sa akin gaya ng hayop, hampas lupa, bastardo at marami pang iba. Pero karaniwang tawag sa akin ng mga tao ay ang pangalan ko: Demonyito. Gano’n din ang tawag ng mga magulang ko sa akin dati. May naaalala akong tawag sa akin ni inay rati e... parang… Jepri? Ay, ewan, di ko na maalala, napakabata ko pa kasi noon.
  • 20. Sa aking paglalakad palabas ng Plazuela ng Tarlac na kaharap ng katedral na nasa kabilang kalsada, ay may lumapit sa akin na babae, medyo may edad na. Hindi ko alam kung ilang taon na, basta maganda siya. Napakalinis at napakaputi ng kaniyang damit na mahaba. Nakangiti siya habang lumalapit sa akin. Napa-atras ako, baka kasi may balak siyang masama sa akin. Siya lang kasi ang ngumiti sa TAPOS KO NANG kainin ang kalamay ko nang naglalakad ako papunta sa aking tulugan, sa ilalim ng tulay. Aquino Bridge ang tawag ng mga tao rito sa Tarlac sa tulay na iyon. Ipinangalan daw sa isang dating presidente. Hindi ko siya kilala. Wala rin akong pakialam kung ano man ang itawag nila. Basta ako, doon ang bahay ko. Doon lang kasi ako puwedeng matulog. Sa mga daan kasi ay may iba ng nagmamay-ari, katulad kong mga bata, ang ilan mga may edad na. Ang suwerte nga nila, e, buti pa sila may pagmamay-ari na sila na ipinagtatanggol sa mga gustong umangkin. Pero alam ko, pagdating ng araw, magiging akin din ‘yong ilalim ng tulay, matagal na akong nakatira doon, wala pa naman ang nagpapa-alis sa akin at sinasabing akin ‘yan. At kung mangyayari man iyon, e, maaari ko na sigurong ipagtanggol ito. May karapatan na akong angkinin ang lugar na iyon, sa tinagal-tagal ba naman na roon ako tumira, ‘yon ang batas na alam ko.
  • 21. akin ng gano’n. “Bata!” tawag ng babae. Lalo akong natakot sa tawag niya sa akin, siya lang ata ang tumawag sa akin ng ganoong pangalan. “Hindi Bata ang pangalan ko!” matigas pa nga ang pagkakasagot ko para malaman niyang hindi ako takot sa kanya. “Anong pangalan mo?” nakangiti pa rin niyang tanong. “Demonyito!” mariin kong sagot. Lalo pa siyang napangiti sa aking isinagot. Wala namang nakakatawa sa sagot ko, baka nga may masama siyang balak sa akin! Parang gusto ko nang kumaripas ng takbo, buti pang magalit siya gaya ng ginagawa ng ibang tao sa akin, tawagin ng kung ano-anong pangalan, habulin ng itak at kung ano-ano pa, kesa kausapin ako nang gano’n at ngitian na parang may masamang balak. Tinanong naman niya kung ano ang pangalan ng mga magulang ko at kung saan ako nakatira.Nag- isip ako, naaalala ko noon, may katagalan na rin noong huling araw ko sa aming bahay, taon na siguro ang nakalilipas, hindi ko kasi alam magbilang,at hindi ko rin alam kung paano bilangin ang taon.
  • 22. Ayon sa aking pagkaka-alala, sa tuwing nag-uusap si Inay at Itay, hiyawan, gaya ng pag- uusap ng mga kapitbahay. Kung minsan nagsusuntukan pa sila kung mag- usap. Tinatawag ni Itay si Inay na Demonya, tapos tawag naman ni Inay kay Itay Demonyo, tapos bigla nila akong hahanapin, “ Nasa’n na ba ang Demonyito mong anak?” Tapos noong huling araw ko sa aming bahay narinig ko si Itay, “Makalayas na nga sa impiyernong bahay na ito!” napakalakas ng boses ni Itay noon, manghang-mangha ako sa kaniya. Tapos sinuntok pa niya si inay sa tiyan gaya ng nakikita ko sa TB. Idolo ko si itay kaya ginaya ko siya. Sumigaw rin ako nang malakas “Lalayas na rin ako sa impiyernong bahay na ito!” “Lumayas ka kung gusto mo! Mabuti pa nga at nang magkaroon ako ng kalayaan mula sa pagkakagapos sa putanginang buhay na ito!” sagot naman ng aking ina sa akin. At mula noon sa kahabaan ng F. Tańedo na ako tumira. Nagpalaboy-laboy sa lansangan namalimos noong una, ngunit wala pala akong mapapala sa paghingi ng limos. Buti na lang at may nakilala ako, si Morlong, mas matanda sa akin ng, ilang taon nga ba? Hindi ko alam.
  • 23. Ang sabi niya sa akin, magnakaw raw ako. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin noong una, kaya ipinakita niya sa akin kung paano gawin iyon. Siyempre sa unang pagkakataon ay nahuli ako. Sobrang galit na galit sa akin ‘yong mama na pinagnakawan ko. Hindi ko siya maintindihan kung bakit galit na galit siya, e, pinagnakawan ko lang naman siya. Malaking tao ang una kong ninakawan, at sa kaniya ko natikman ang unang bugbog sa aking buhay. Hindi pala dahil palagi rin akong binubugbog ng aking ama noon, ito ang totoo, sa kaniya ko natikman ang mabugbog na halos ikamatay ko. Halos di ako makagalaw nang iwan niya akong nakahandusay sa liblib na eskinita ng Matatalaib. Buti na lang at nakita ako ni Morlong, tinawanan pa niya ako habang binabatukan “Tanga ka talaga! Dapat galingan mo kasi. Huwag kang papahuli,” naaalala ko pang binanggit niya sa akin. “Bakit ba galit na galit siya?” Pinilit kong magsalita kahit hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko. “Dahil pinagnakawan mo siya,” simple niyang sagot. “Di ko pa rin maintindihan,” muli ay pinilit ko ang aking sarili sa pagsasalita.
  • 24. “Alam mo kasi,” tumingin siya sa akin, napukaw na ang kaniyang pagkakangiti. “May mga taong gahaman sa pera, ayaw nilang magbigay o mawalan ng pera, kaya galit na galit sila kapag pinagnanakawan sila ng mga kagaya natin. Ang sabi nila masama raw kasi ang magnakaw, pero tingnan mo naman, ang daming pulitiko ang nagnanakaw sa kaban ng bayan, hindi nila binubugbog kagaya ng ginawa sa’yo. Kung puwede silang magnakaw ba’t tayo hindi? E, maliit lang naman ang ninanakaw natin,” napakatiim ng kaniyang pagkakatingin sa akin. Kahit di ko siya lubusang naiintindihan nang mga sandaling iyon alam ko sa sarili ko na tama ang kaniyang mga sinabi. BUMALIK ANG ULIRAT ko sa kasalukuyan sa pag uulit ng babae sa kaniyang tanong. “Demonyo si Itay si Inay naman Demonya!” sagot ko, nakita ko ang gulat sa kaniyang mukha matapos niyang marinig ang sagot ko, tapos bigla siyang nalungkot. Natuwa naman ako, di ko napigilan ang aking tuwa at napangiti ako sa kaniyang harapan. Dahil do’n ngumiti rin siya at humawak sa aking ulo,“Ikaw talagang bata ka” sabi niya at marahan pa niyang ginulo ang magulo ko nang buhok. Sa sobrang gulat ko iwinaksi ko ang kaniyang kamay nang napakalakas. Narinig ko pa nga siyang umaray, ngunit ngumiti pa rin pagkatapos, kahit matalim na ang pagkakatingin ko sa kaniya. “Sa’n ka nakatira?” muli niyang tanong. “Sa impiyerno rati, pero ngayon diyan na ako sa ilalim ng tulay nakatira!” matigas pa rin ang pagkakasagot ko sa babae.
  • 25. Nang muli niya akong hahawakan, kumaripas na ako ng takbo, sa sobrang takot, palipat sa kalsada, palayo sa babae. Nang medyo nakalayo na ako, tumigil ako at lumingon sa kaniyang direksyon. Di pa rin siya gumagalaw at nakatingin pa rin sa akin. Di ko talaga lubos maisip kung bakit gano’n ang turing sa akin ng Ale, kaya sa sobrang galit at pagkainis ko sa kaniya ay inilagay ko ang aking magkabilang hinlalaki sa aking sentido nang nakalahad ang kamay sabay labas ng aking dila, medyo iginewang ko pa ang aking bewang gaya ng mga nakikita kong bata kapag nag-aaway-away sila. Nang maramdaman kong maglalakad siya patungo sa akin, kumaripas akong muli ng takbo, ngunit di ko namalayan na may pampasaherong jeep na biyaheng 3M ang paparating sa direksiyon na aking tinakbuhan, di ko na ito naiwasan. Biglang nagdilim ang aking paningin. Ang tanging naaalala ko, tumatakbo ang babae patungo sa aking kinaroroonan at humihingi ng saklolo. BIGLA NA LANG bumalik ang alaala ko kay Morlong. Pinaslang siya ng mga walang awang tao. Awang-awa ako sa kaniya nang araw na iyon. Naliligo siya sa sarili niyang dugo, di makapag salita habang kalong-kalong ko siya, maging ako ay naliligo na rin sa dugo.
  • 26. “Ayon siya!” isang malakas na sigaw ang aking narinig mula sa aking likuran. Paglingon ko, nakita ko ang mga tambay sa may kanto, mga ale na nagtitinda ng kung ano-ano, ang mga aleng nagtsitsismisan sa kung saan, lahat sila may hawak na pamalo. “Siya! Siya ang pumatay!” sigaw ng isa pa. Sinubukan kong sabihing hindi ako pero parang narinig ko si Morlong na sinasabing “tumakbo ka na” Pinagbibintangan pa akong pumatay sa sarili kong kaibigan, wala akong magawa kundi ang tumakbo. Walang lingon at walang tigil, hanggang mahapo at mapadpad sa lugar na ito. Sinumpa ko pa mandin sa aking sarili na ipaghihiganti ko siya. Pero paano? Ni hindi ko alam kung sino ang gumawa no’n sa kaniya. At ang masaklap ay ang alam ng ibang tao ay ako ang pumatay. GAYA NG MGA nagdaang araw masaya naman ang kinalabasan ng aking umaga. Pero may kakaibang nangyari. Pagdilat ko ng aking mga mata, wala nang ibang tao sa paligid, tanging ako na lang mag-isa. Di ko alam kung nasa’n ako, ang tanging nakikita ko ay ang dalawang espasyo sa aking harapan. Sa isang banda ay puting-puti na silid kung saan may naririnig akong mga awitin, habang sa kabila naman ay madilim kung saan sigawan ang namamayani.