2. Layunin sa Pag-aaral
Sa pagtatapos ng talakayang ito, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang konsepto ng Kontemporaryong Isyu.
2. Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga
kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig.
3. Nagiging sensitibo sa mga napapanahong isyu na nagaganap
sa komunidad, bansa, at daigdig.
3. GAWAIN
Magpapakita ang guro ng iba’t-ibang
imahe. Ang mga mag-aaral ay
inaasahang makapagbigay kasagutan sa
bawat larawan.
15. PAGBABAGO SA KLIMA
Ang mabilis na pagkasira ng kapaligiran,
mabilis na pagtaas ng lebel ng tubig,
global warming, at patuloy na paglakas
ng mga bagyo ay ang ilan lamang usapin
na kaugnay ng climate change.
16. Pagbabago sa Teknolohiya
Sa nakalipas na mga dekada, hindi
ipagkakaila ang mabilis na paghusay
ng ating teknolohiya. Ito ay nagdulot
ng maraming pagbabago sa paraan
kung paano nakikipag-ugnayan ang
bawat tao sa isa’t isa at ito rin ay
nagkaroon ng mga epekto sa mga
tradisyon, pagpapahalaga, at
pananaw ng mga tao sa kasalukuyan.
18. DISKRIMINASYON AT PAGBABAGO SA KLIMA
Ang hindi patas na pagtrato dahil sa lahi,
kulay ng balat, edad at kasarian ay patuloy pa
din na nagkinakaharap ng daigdig. Kahit
natapos na ang panahon ng kolonyalismo at
segregasyon sa maraming bansa sa daigdig,
may mga bakas pa rin ang naiwan sa mga
bansang nakaranas nito.
19. KALUSUGAN
Malaking usapin pa din ang kalusugan
sa iba’t ibang bansa(lalo sa pagkalat ng
NCOV-19 global pandemic). Naging
paksa ang kahandaan ng mga bansa na
ito sa pagharap sa mga sakit at
pagtuklas ng paraan para sugpuin ito.
Kasabay nito ang mga debate sa
pagpapatupad ng universal healthcare.
20. Bakit nga ba mahalagang
pag-aralan ang
Kontemporaryong Isyu?
21. Ang pag-aaral kontemporaryong isyu ay
nakatutulong at nagbubuklod ng mga
tao upang pag-usapan at unawain ang
mga suliranin na kinakaharap ng lipunan
at bigyan ng solusyon ang mga
problema na ito na nakakaapekto sa
lahat ng miyembro ng pamayanan.