4. Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:
1. nalalaman ang pangangailangan sa pansarili, sa kapwa, at sa komunidad
kaugnay ng mga isyung pandaigdig;
2. naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtulong upang matugunan ang
pansariling pangangailangan, sa kapwa, at sa komunidad; at
3. makagagawa ng reflection table ng pagtulong sa pansariling
pangangailangan, sa kapwa, at sa komunidad.
5. Ilarawan ang iba’t ibang suliranin ng daigdig na kinakaharap ngayon.
Gumawa ng pangungusap batay sa inyong pagkakaunawa sa bawat
isa.
a. Kahirapan
b. Pangunahing Pandaigdigang Suliranin sa Kalusugan (COVID – 19)
c. Suliraning Pangkapaligiran
d. Populasyon
e. Kapayapaan at Seguridad
6. 1. Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa
mo ang gawain?
2. Paano nakaaapekto sa iyo ang mga sumusunod
na natukoy na pandaigdigang suliranin, sa iyong
kapwa, at sa inyong komunidad?
3. Ano ang mga pananaw na nalaman mo sa
gawain habang ito ay iniuugnay mo sa new
normal na pamumuhay?
7. Basahing mabuti ang bawat panuto at sundin ang mga nakasaad. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Kung ikaw ay magiging presidente ng Pilipinas, paano ka tutulong sa mga
pandaigdigang isyu na kinakaharap ng ating bansa ngayon?
2. Upang makamit ang matatag na kalagayang pang-ekonomiya ng ating bansa, isulat ang
iyong mga iminungkahing solusyon upang matugunan ang mga natukoy na suliranin.
3. Gamitin ang talahanayan sa ibaba bilang gabay.
Mga Suliraning Dapat Tugunan Solusyon
8. 1. Ano ang masasabi mo sa mga gawain?
2. Sa mga pandaigdigang isyu na nais mong tugunan, alin sa mga
ito ang nais mong unahing masolusyunan?
3. Ano ang iyong napag-alaman matapos ang gawain?
9. Habang ang mundo ay tumatanda, patuloy ang pagtaas
ng bilang ng mga alalahanin sa ating daigdig. Ang pagharap sa
pandemya ang gumising sa lahat na kailangan nating harapin at
tumulong para sa kapakanan ng ating mga mahal sa buhay at
pati na rin sa ating komunidad. Kahit ang batang katulad mo ay
maaari ring makatulong para sa pagbabago.
Ayon sa United Nations, bawat bata ay may karapatang
pangkalusugan, sa edukasyon, at mga pribilehiyo ng
proteksyon, bagama't sa buong mundo, milyun-milyong bata
ang pinagkakaitan nang walang dahilan.
10. Noong 1950, limang taon matapos ang pagkakatatag ng United Nations,
ang populasyon ng mundo ay tinatayang nasa humigit-kumulang 2.6 bilyong tao.
Sa buong panahon pagsapit ng Oktubre 2011, ang global populasyon ay humigit-
kumulang 7 bilyon.
Sa patuloy na paglaki ng populasyon, may tinatayang 795 milyong tao sa
mundo na malnourished noong 2014 hanggang 2016. Ibig sabihin isa sa 9 na tao
ay hindi nakakukuha ng sapat na nutrisyon at hindi malusog.
Isa sa mga pangunahing hamon ng mundo ngayon ay ang climate change.
Kasama ang pagbabago ng lagay ng panahon, na lubhang nakaaapekto sa
produksyon ng pagkain, pagtaas ng tubig sa dagat at pagbaha sa mga mababang
lugar na nagbibigay ng panganib.
11. Sa lahat ng ito, malinaw nating mauunawaan kung gaano kahirap
tugunan ang alalahanin ng lahat ng tao sa mundo. Maaari mo ring hamunin
ang iyong sarili kung paano ka makatutulong kahit na sa maliliit na paraan.
Ang pagiging responsable sa ating kapaligiran ay maaaring humantong sa
pagbawas ng mga problema sa polusyon at mga problemang nauugnay sa
kalusugan dahil sa hindi wastong kalinisan. Pagbabago ay makakamtan, kung
ito ay magsisimula sa iyong sarili.
13. Sa iyong naging karanasan dito sa daigdig,
paano ka makakatulong sa simpleng mong
pamamaraan? Isalaysay ang iyong sagot?
14. Ano ang mga pandaigdigang alalahanin
na kinakaharap ng ating mundo ngayon?
15. Sa isang malinis na papel, ipahayag ang iyong
pagkamalikhain sa pagdidisenyo ng iyong islogan
upang ipakita ang iyong suporta at dedikasyon
sa komunidad sa mga hamong kinakaharap
ngayon ng buong mundo.