Aralin 6 kaugnayan ng matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman sa pag un...EDITHA HONRADEZ
Aralin 6 kaugnayan ng matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman sa pag unlad ng bansa
EDITHA T. HONRADEZ
PASOLO ELEMENTARY SCHOOL
PASOLO VALENZUELA CITY
Aralin 6 kaugnayan ng matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman sa pag un...EDITHA HONRADEZ
Aralin 6 kaugnayan ng matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman sa pag unlad ng bansa
EDITHA T. HONRADEZ
PASOLO ELEMENTARY SCHOOL
PASOLO VALENZUELA CITY
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Bryan Ben Orcenado
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Madrid Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024. Ang pampaaralang pahayagang ito ay kuwalipikado para sa National Schools Press Conference 2024 na gaganapin sa Carcar City, Cebu ngayong Hulyo.
7. 1. Lumalaking bilang ng mga angkat na produktong
agrikultural.
2. Kahirapang dulot ng mababang kita ng mga
magsasaka.
3. limitadong pondo na ipinagkakaloob ng
pamahalaan bilang tulong sa maliliit na magsasaka
4. suliranin sa irigasyon
5. kawalan ng kontrol sa presyo
6. suliranin sa kalamidad/pagkasira ng kalikasan El
Niño phenomenon o mahabang panahon ng tag-init
8. 1. impormasyon sa mga bagong pag-aaral at saliksik
upang gumanda ang ani at dumami ang produksiyon.
2. paggamit ng makabagong teknolohiya para mapabilis
ang produksiyon.
3. paghihikayat sa mga OFW na mamuhunan sa pagsasaka
at linangin ang mga lupain sa kani-kanilang probinsiya.
4. pagbibigay ng pagkakataon para sa magsasaka na
makapag-aral ng tamang paraan ng pagsasaka.
5. pagpapatayo ng mga irigasyon o patubig sa mga lupang
sakahan.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15. PANGINGISDA
Bilang isang kapuluan, ang
Pilipinas ay napalilibutan ng
tubig kung
kaya’t napakayaman nito sa
mga pagkaing dagat at
halamang dagat.
Itinuturing ang Pilipinas bilang
isa sa pinakamalaking
tagatustos ng isda
sa buong mundo.
16. MGA HAMON SA PANGINGISDA
CLIMATE
CHANGE
Dahil sa climate change o pagbabago
ng klima ng mundo at likas na mga
pangyayari tulad ng mga kalamidad,
nagkakaroon ng tinatawag na fish kill
lalong lalo na kapag mainit ang
panahon at dahil dito, unti-unting
nauubos ang ating mga lamang
dagat.
17. MGA HAMON SA PANGINGISDA
Hindi maayos na mga
kalsada, tulay at
imprastraktura para sa
transportasyon ng mga
isdang nahuhuli.
18. MGA HAMON SA PANGINGISDA
Pagkasira ng tahanan ng
mga isda sa ilalim ng
dagat at hindi epektibong
pangangalaga sa mga yamang
dagat lalo na sa mga
protektadong lugar.
19. 1. Climate Change
2. Mga sakuna sa dagat
3. Hindi maayos na mga kalsada, tulay at
imprastraktura para sa transportasyon ng mga
isdang nahuhuli.
4. Pagkasira ng tahanan ng mga isda sa ilalim ng
dagat
5. Paggamit ng lason (cyanide)at dinamita sa
pangingisda
20. 1. Pagpapatatag ng Philippine Fish Marketing
Authority (PFMA) o mas kilala ngayon sa tawag na
Philippine Fisheries Development Authority (PFDA).
2. Pagpapatayo ng planta ng yelo at imbakan ng
mga isda;
3. Paglalaan ng mga sasakyang gamit sa
pangingisda;
4. Pagbili ng mga modernong kagamitan sa
pangingisda tulad ng underwater sonars at radars;
5. Paggawa ng bagong kurikulum para sa mga kurso
sa marine at fishing.
24. Malaking ektarya ng kagubatan
ang nawawala bawat taon dahil
karamihan sa mga ito ay
ginagawang lupang pang-
agrikultura, subdibisyon at
lupang pangkomersyo.
Dagdag dito talamak ang illegal
logging na nagiging sanhi ng
pagkalbo ng kagubatan.
26. MGA HAMON
Sa kasalukuyan nakakaranas
pa rin ng kakulangan sa
enerhiya ang ilang bahagi ng
Pilipinas. Ito ay dahil may mga
lugar pa ring umiiiral ang
rotating brownout upang
pagkasyahin ang limitadong
pinagkukuhanan ng enerhiya.
Naaapektuhan nito hindi
lamang ang pang araw-araw
na gawain ng mga karaniwang
mamamayan, kundi maging
ang operasyon ng malalaki at
maliliit na negosyo.
27. HANAY A
____ 1. Pagsasaka
____ 2. Pangingisda
____ 3. Pagmimina
____ 4. Pagtotroso
____ 5. Industriya
HANAY B
a. pagkamatay ng mga isda
b. polusyon sa lupa,sanhi ng basura
c. pagguho ng lupa
d. pagnipis ng suplay ng kuryente
e. pagkaubos ng mga puno sa
Kagubatan
f. pagkasira ng kalikasan
28. Marangal ba ang
mga gawaing
pangkabuhayang
tinalakay? Bilang
mag-aaral, ano ang
maaari ninyong gawin
upang makatulong sa
mga manggagawa?
29. Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.
1. Ito ang nangungunang gawain ng ating bansa.
A. Pangingisda B. Pagmimina C. Pagsasaka D. Pangangaso
2. Ito ay isang gawain na nagiging sanhi ng pagkakalbo ng
kagubatan
A. Water shed C. Illegal logging
B. Rotating brown out D. Pagmimina
30. 3. Alin sa mga sumusunod ang hamon kaakibat ng pagmimina?
A. Suliranin sa irigasyon C. Mabagal na transportasyon
B. Pagguho ng lupa D. Pagbabago ng klima
4. Ito ay isang uri ng pagbabago ng panahon na nagkakaroon ng mahabang
panahon ng tag-init.
A. Tag-lamig B. Tag-lamig C. Tag-ulan D. El Niño
5. Ito ay ang pagbabago ng klima ng mundo at likas na pangyayari tulad ng
kalamidad.
A. Rotating brownout C. Water shed
B. Illegal logging D. Climate Change
32. Sagutin ang mga tanong batay sa hamon pangkabuhayan.
1. Ito ay isang hamon pangkabuhayan kung saan ang mga puno ay
sinusunog para taniman ng ibang halaman ang bahaging dating may
mga puno. Ang paraang ito ay tinatawag na _________.
2. Ito ay maituturing na pinakamalaking hamon sa pangkabuhayan sa
pangingisda ang ___________.
3. Isang hamon sa pangkabuhayan ng bansa kung saan tinatangkilik ng
mga Pilipino ang gawang imported o tinatawag din itong __________.
4. Ito ay hamong pangkabuhayan kung saan gumagamit ng
pampasabog o dinamita. Saang bahagi ng kabuhayan ito nakaapekto?
5. Ang mga kabundukan ay hinuhukay para makakuha ng mga mineral.
Anong paraan ng pangkabuhayan ito?
33. Kilala ang Pilipinas bilang isang agrikultural na
bansa. Kung kaya, ang isa sa nangungunang
gawaing pangkabuhayan sa bansa ay
pagsasaka. Sadyang malawak ang taniman
dito. Tinatayang nasa 35 bahagdan ang
sinasakang lupain sa Pilipinas.
Ang kabuhayang ito ay mahalaga dahil
nagmumula sa lupa ang mga produkto na
pangunahing pangangailangan ng tao para
patuloy na mabuhay. Kung liliit ang produksyon,
maaapektuhan ang taong bayan at ang bansa.
Ayon sa maraming magsasaka, ang uri ng
kanilang pamumuhay ay isang tuloy-tuloy na
pakikipaglaban sa mga hamon at oportunidad
na kaakibat ng kanilang hanapbuhay.
40. • Pagpapatatag ng Philippine Fish
Marketing Authority (PFMA) o mas kilala
ngayon sa tawag na Philippine Fisheries
Development Authority (PFDA).
Ang PFDA ay ahensya ng pamahalaan na
naglalayong mapaunlad ang industriya ng pagbibili
ng isda sa pamamagitan ng pagpapatayo ng
karagdagang daungan o pantalan sa mga
istratehikong lugar upang mapalago ang kita at
produksiyon.
41. 2. Pagpapatayo ng
planta ng yelo at
imbakan ng mga isda;
3. Paglalaan ng mga
sasakyang gamit sa
pangingisda;
42. 4. Pagbili ng mga
modernong kagamitan sa
pangingisda tulad ng
underwater sonars at
radars;
5. Paggawa ng bagong
kurikulum para sa mga
kurso sa marine at fishing.
43. 6. Paglulunsad ng mga
programang makatutulong sa
pagpapaunlad ng industriya ng
pangingisda tulad ng Blue
Revolution o Biyayang Dagat na
naglalayong matulungan ang mga
mangingisda sa pamamagitan ng
pagpapautang ng puhunan na
maari nilang gamitin sa kanilang
hanapbuhay
44. 7. Pagkakaroon ng mga
kooperatibang naglalayong
masuportahan ang maliliit
na mangingisda sa
pamamagitan ng
pagpapahiram ng pera
bilang puhunan sa kanilang
hanapbuhay
46. Batay sa datos ng PSA noong Enero 2017, sa CARABARZON o Rehiyon
IV-A matatagpuan ang pinakamalaking bilang ng mangagawa.
Sinundan ng NCR at pangatlo ang Gitnang Luzon. Dito matatagpuan
ang pangunahing ahensya ng pamahalaan at mga opisina ng mga
pribadong sector. Nandito rin ang mga pabrika upang mapabilis ang
pagbebenta ng mga produkto at kasangkapan. Dahil sa pag-usbong
ng imprastraktura, mga gusali at iba pang pasilidad, nabibigyan ng
trabaho ang mga laborer, inhinyero, arkitekto, at iba. Lumalago rin
ang industriya ng call centers at business processing outsourcing sa
mga lugar dito.
47. _____1. Bagong pag-aaral tungkol sa pagpaparami ng ani.
_____2. Climate change
_____3. Mga sakuna sa dagat
_____4. Pagkakaroon ng mga modernong kagamitan tulad ng
underwater sonars at radars
_____5. El Niño phenomenon.
Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang kung ito ay tumutukoy sa oportunidad ng
pangunahing gawain ng bansa at ekis (x) naman kung hindi.
48. Magbigay ng oportunid sa bawat hamon. Pumili ng ng titk ng tamang sagot
sa kahon.
_____1. Pagkaubos ng mga puno
dahil sa kaingin system.
_____2. Colonial mentality
_____3. Kahirapan dulot ng
mababang kita
_____4. Mabagal na tranportasyon
ng mga produkto
_____5. Marami ang walang trabaho
50. Ano-ano ang mga oportunidad ng mga pangunahing gawain ng bansa?
Ano-ano ang mga programang ibinibigay ng pamahalaan sa mga
pangunahing gawain ng bansa?
Ano-ano ang mga makabagong teknolohiya na giangamit ng mga
magsasaka?mangingisda?
51. Ang mga bundok na matataas
Ay yamang lupa ‘wag nating patagin (2x)
Wag ka nang malungkot O, Wow! Philippines.
Ang mga ilog na umaagos
Ay yamang tubig, ‘wag nating dumihan (2x)
Wag ka nang malungkot O, Wow! Philippines.
Ang mga puno na mayayabong
Ay yamang gubat, ‘wag nating putulin (2x)
Wag ka nang malungkot O, Wow! Philippines.
52. Ang mga haribon na lumilipad
Ay yamang hayop ‘wag nating panain(2x)
Wag ka nang malungkot O, Wow! Philippines.
Ang magsasaka na masipag
Ay yamang tao, ‘wag nating maliitin (2x)
Wag ka nang malungkot O, Wow! Philippines.
Ang likas na yaman
Ay gawa ng Diyos, ‘wag nating sirain (2x)
Wag ka nang malungkot O, Wow! Philippines.
53. Mga Mungkahing Planong Pangkabuhayan:
1. Pagsasaka/Agrikultura
• Crop Rotation - ito ay pagtatanim ng dalawang uri ng
panananim sa loob ng isang taon sa magkaparehong lupa.
At mga bulok na dahon sa sistemang ito mapanatiling
mataba ang lupa na hindi ginagamitan ng inorganic fertilizer.
Ang pagsasabay ng munggo sa lupang ginapasan ng palay
ay isang halinbawa ng crop rotation.
• Strip cropping- ang paraang ito ay nakakatulong upang
maiwasan ang pagguho ng lupa. Sa strip cropping,
nakapagaani ng dalawang uri ng pananim sa
magkaparehong panahon. Ang pagtatanim ng puno ng
mangga sa pagitan ng mga kamatis ay isang halimbawa nito.
54. • Terracing- Ito ay ang paggawa ng mga baiting sa mataas na lugar
upang gawing taniman. Nakatutulong ito upang maiwasan ang
pagguho ng lupa. Isang halimbawa ng terracing ay ang gawa ng mga
Ifugao na Hagdang-Hagdang palayan.
• Paggamit ng organic fertilizer- ang organic fertilizer ay nagmumula sa
mga dumi ng hayop at mga bulok na dahoon ng halaman. Ligtas sa
kalusugan ang paggamit nito. At ang pananim na ginamitan nito ay
higit na masustansya.
• Integrated Pest Management (IPM)-ito ay paggamit ng organic bio
control agent sa pagpuksa ng mga insektong nakasisisra sa mga
pananim. Sa bisa ng Department of Agriculture Special Order no. 495
noong 1987 at memorandum order 126 (KASAKALIKASAN) noong Mayo
1993, pinagtibay ng pamahalaan ang IPM bilang isang pambansang
alituntunin sa pangangalaga ng pananim, lalong-lalo na ng palay.
55. Mga Mungkahing Planong Pangkabuhayan:
2. PANGINGISDA
• Pagbabawal sa paggamit ng dinamita sa pangingisda.
• Pag-iwas sa paggamit ng kemikal na cyanide sa pangingisda..
• Paggamit lamang ng lambat na may katamtamang butas sa pangingisda
upang hindi malambat ang mga maliit na isda at magkaroon pa ito ng
panahon na lumaki at makapagparami.
• Pag-iwas sa pangingisda sa mga lugar na idineklarang marine sanctuary
tulad ng Tubbataha Reef sa Palawan at Apo Reef sa Occidental Mindoro.
• Hindi pagtatapon ng naklalasong kemikal sa mga daluyan ng tubig.
• Magtayo ng water treatment plant upang linisin ang maruruming tubig mula
sa pagawaan, pook-alagaan ng mga hayop, tahanan, at taniman.
• Nararapat din na makilahok sa mga proyekto o programa ng pamahalaan
para sa kapaligiran at kalikasan tulad ng programang 3Rs (Reduce, Recycle,
Reuse)
56. Mga Mungkahing Planong Pangkabuhayan:
2. PAGTOTROSO
• Reforestration-ito ay isang proyektong pangkalikasan na naglalayong
muling payabungin ang mga puno at halaman sa mga kabundukan.
• Tree planting Activity- sa aktibidad na ito, hinihikayat ang mga mamayang
nakatira sa mga sentro o mauunlad na lugar na magtanim ngmga
punongkahoy sa kanilang bakuran sa kabila ng urbanisasyon. Nakakatulong
ito upang pababain ang lebel g polusyon sa lugar at mapigilan ang pagtaas
ng temperature sa kapaligiran.
• Selective logging- tumutukoy ito sa pagputol ng matatanda at depektibong
puno sa kagubatan.
• Total log ban- ito ay ang pagpatigil sa mga illegal at labis na pagputol ng
mga punongkahoy.
57. Nalaman mo na ang iyong ama ay gumagamit ng dinamita sa
pangingisda. Natutunan mo sa paaralan na ipinagbabawal ito ng
pamahalaan at maari siyang makulong kung siya ay mahuhuli.
Paanon mo ito sasabihin sa iyong ama?
58. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang tamang saloobin sa pagtapon ng basura?
A. Paghiwalayin muna ang mga maaring magamit muli, maibenta at gawing
kapakipakinabang.
B. Baliwalain ang ordenansa sa tamang pagtapon ng basura.
C. Itapon ito sa bakuran ng kapit bahay.
D. Itapon sa mga anyong tubig.
2. Isa sa masamang epekto ng paggamit ng cyanide sa panghuhuli ng isda ay
ang___________________.
A. Madami ang mahuling isda
B. Mabilis ang panghuhuli ng isda
C. Dadami ang kita ng mga mangingisda.
D. Mabilis ang panghuhuli ng isda,ngunit nakakasira ng mga tirahan ng isda at may
masamang epekto sa tao ang may kemikal na isda.
59. 3. Ang mga puno sa kagubatan ay unti-unting nang nauubos dahil sa illegal logging.
Paano ka makatulong sa pagbangon muli ng ating kagubatan?
A. Makiisa sa proyekto ng pamahalaan na tree planting
B. Hayaan nalang ang mga marunong magtanim.
C. Makipagkasundo sa mga illegal loggers.
D. Tutulong kung may pera.
4. Ang paraan ng pagtanim ng mga Ifugao sa kanilang kabundukan ay may
magandang epekto sa buong bansa. Alin ang hindi magandang epekto?
A. Naging kilalaang lugar na isa sa mga magagandang tanawin ng Bansa ito.
B. Nagkaroon ng hanapbuhay ang mga mga magsasaka sa lugar.
C. Naging mayabang ang mga taga Ifugao sa pagkilalang natamo.
D. Nagsilbing magandang halimbawa ito sa pangangalaga sa lupa.
60. 5. Mahalaga ang tubig sa pang araw-araw na buhay. Ano ang mai- ambag
natin para malinis palagi ang tubig na ating ginagamit?
A. Iwasan ang pagtapon ng kemikal, basura at di-kanais nais na dumi sa
mga anyong tubig.
B. Bawasan ang basurang tinatapon sa mga anyong tubig.
C. Maligo sa mga anyong tubig araw-araw.
D. Mag-imbak ng tubig kung may La Niña.