Ang araling ito ay nakatuon sa wastong pangangasiwa ng mga likas na yaman sa sariling lalawigan at rehiyon. Tinalakay ang mga paraan ng matalinong at di-matalinong pangangasiwa ng mga yamang lupa, tubig, at gubat, pati na ang epekto ng mga ito sa kalikasan at sa mga mamamayan. Nagbigay din ng mga gawain at katanungan upang mapaunlad ang kaalaman at kamalayang pangkapaligiran ng mga mag-aaral.