2. Ang Pinagmulan ng Pilipinas
Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga iba’t ibang batayan sa pinagmulan
ng Pilipinas tulad ng teorya, mito at relihiyon
2. Natatalakay ang teorya tungkol sa pinagmulan ng
Pilipinas
3. Naiisa-isa ang mga mito na iniuugnay sa pinagmulan
ng Pilipinas
4. Natatalakay ang kaugnayan ng relihiyon sa
pinagmulan ng Pilipinas
4. Pagganyak
Magbigay ng isang bansa o katubigan na nakapalibot sa
Pilipinas batay sa mga pangunahing direksiyon.
5. Pagtatalakay
Ang teorya ay isang kaisipan o paliwanag sa isang
mahalagang konsepto gamit ang siyentipikong
pamamaraan ng pananaliksik.
Ang ibig sabihin ng mito o mitolohiya (myth) ay
ng mga tradisyunal na kwento, mga kuwento na
binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala.
Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang
mga Diyos at nagbibigay ng mga paliwanag tungkol sa
likas na kaganapan. May kaugnayan ang mito o
mitolohiya sa alamat at kuwentong…
6. Pagtatalakay
… bayan.
Ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang
paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa
daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa
espiritwalidad at minsan ay sa moralidad.
Ang Pinagmulan ng Pilipinas batay sa Teoryang Plate
Tectonic
Batay sa siyensa, ang daigdig ay sinasabing may ilang
7. Pagtatalakay
May ilang paghihinuha na ang kasalukuyang anyo ng
mga lupain sa daigdig ay iba sa dati nitong anyo
matagal na panahon na ang nakaraan.
Bahagi rin ng mga lupain sa
daigdig ang kapuluan ng Pili-
pinas na pinaniniwalaang du-
maan din sa matagal na pro-
seso ng pagbabagong pisikal
bago ito humantong sa kasa-
lukuyang anyo nito.
8. Pagtatalakay
Ang Teorya ng Plate Tectonic ay iniuugnay sa
pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas.
Ipinaliliwanag ng teoryang ito ang paggalaw ng
kalupaan.
Ayon dito, ang crust ay naha
hati sa malalaki at makaka-
pal na tipak ng lupa na tina-
tawag na mga tectonic
plate.
9. Pagtatalakay
Alam mo ba na patuloy ang paggalaw ng ng mga
kontinente sa kasalukuyan? Gumagalaw ang mga
tectonic plate mula sa isa hanggang sampung
sentimetro bawat taon.
Dulot ng paikot na paggalaw ng init sa ilalim ng mga
tectonic plate – sa
athenosphere (sa mantle)
ay napapagalaw rin ang
mga tectonic plate pala-
yo, pasalubong, at pagilid
sa isa’t-isa.
10. Pagtatalakay
Ang ganitong paggalaw ay naging sanhi ng
pagkakabaluktot ng plato. Nagkaroon ng guwang sa
pagitan nito na siyang lumikha ng mga malalim na
bahagi ng karagatan (trenches) at pag-angat ng ilang
bahagi ng plato.
Ang paggalaw ng init ng
asthenosphere ang nag-
dudulot ng paggalaw ng
tectonic plate.
11. Pagtatalakay
Naging sanhi rin ito ng matitinding lindol at malalakas
na pagsabog ng mga bulkan
sa ilalim ng karagatan. Ang mga volcanic material na
ibinuga ng mga bulkang ito ay unti-unting naipon at
naging mga pulo at lupain sa ibabaw ng dagat.
Sinasabing ang Palawan, Kanlu-
rang Luzon, Timog ng Bundok
Sierra Madre at Bundok ng Cor-
dillera ay bunga ng prosesong
plate tectonic.
12. Pagtatalakay
Pinagmulan ng Pilipinas Batay sa Mito
Samu’t saring mga kuwento o alamat naman mula sa
ating mga ninuno ang maiuugnay sa pinagmulan ng
Pilipinas.
Ayon sa mito ng mga Bagobo, ang kanilang diyos na
si Melu ang may gawa ng daigdig gamit ang kanyang
sariling libag sa katawan at iyon daw ang naging mga
kapuluan.
Para naman sa mga Manobo ang daigdig ay mula
naman daw sa kuko ng kanilang diyos.
13. Pagtatalakay
Isang palasak na kuwento naman sa Luzon, ang nagsabi
na wala pang nilikha sa daigdig kundi ang langit,
dagat, at isang uwak na lilipad-lipad na naghahanap ng
matutungtungan sa
lawak ng karagatan. Wala siyang
makita kaya siya’y umisip ng para-
an at pinaglaban ang dagat at
langit. Ininugan at ibinulwak ng dagat sa langit
ang kanyang tubig. Bilang ganti, ang langit nama’y
naghulog ng mga bato at lupa sa tubig kaya’t napahinto
ang alon at nagkaroon ng mga
14. Pagtatalakay
…pulo na mapapagpahingahan ng uwak.
Ayon naman sa Matandang Panay sa Visayas, mayroon
ding ibong tinatawag na Manaul na siyang
pinakamakapangyarihan sa kalangitan. Ayon sa alamat,
pagod na pagod na sa pakikipaglaban sa dagat ang
langit
kaya siya’y dumalangin sa ibon.
Binungkal ni Manaul sa ilalim ng dagat
ang kimpal-kimpal na lupa at inihagis
sa dagat. Ito ang kauna-unahang pulo.
15. Pagtatalakay
May ilang nagsasabi naman na ang Pilipinas ay nabuo
dahil sa tatlong higante na naglaban. Sila
raw ay naglaban gamit ang mga bato at mga dakot
na lupa na nahulog sa dagat na siyang bumuo sa
kapuluan.
16. Pagtatalakay
Pinagmulan ng Pilipinas Batay sa Relihiyon
Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging relihiyoso
at paniniwala sa tinuturing nating makapangyarihan
sa lahat tulad sa mga Kristiyano na naniniwala sa
Panginoong Diyos Ama (Jehova) at kay Hesu Kristo at si
Allah naman para sa
mga Muslim.
17. Pagtatalakay
Magkakaiba-iba man ang paniniwala ng mga Muslim at
Kristiyano ngunit parehong naniniwala na ang kanilang
sinasamba ang may likha sa mundo at kabilang na rito
ang Pilipinas. Sa mga kristiyano nakasaad ang
paglalang ng Diyos sa sandaigdigan sa Genesis sa
Bibliya samantalang sa Qur’an naman sa mga Muslim.
18. Paglalapat
Sagutin mo.
1. Ano ang pagkakaiba ng teorya, mito at relihiyon?
___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________
19. Paglalahat
Laging tandaan na may iba-iba tayong batayan sa
pinagmulan ng Pilipinas. Ang mga ito ay teorya ng
plate tectonic, sari saring mito ng ating mga ninuno at
dahil sa likas nating pagkarelihiyoso hindi maiaalis ang
paniniwala natin sa pinaka-Makapangyarihan (Diyos) sa
lahat bilang may likha ng sandaigdigan. Alin man sa mga
20. Pagtataya
I. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Tumutukoy sa isang kaisipan o paliwanag sa isang
mahalagang konsepto gamit ang siyentipikong
pamamaraan ng pananaliksik.
a. teorya b. siyensiya c. mito d. relihiyon
2. Malalaki at makakapal na tipak ng lupa na bahagi ng
crust
a. asthenosphere b. tectonic plate
c. mantle d. bulkan
21. Pagtataya
3. Tumutukoy sa kumpol ng mga tradisyunal na kwento,
mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o
paniniwala.
a. teorya b. siyensiya c. mito d. relihiyon
4. Nagpapaliwanag sa paggalaw ng mga kalupaan sa
mundo
a. Lindol b. pagputok ng bulkan
c. teorya ng Plate Tectonic d. mito
23. Pagtataya
_____________2. Paglalaban ng tatlong higante gamit ang
mga bato at lupa
_____________3. May higit na puwersa na naglalang sa
daigdig
_____________4. Paghiling ng Punong Pinagmulan na
magkaroon ng lupa at kagubatan na madapuan ng
ibon.
_____________5. Ang Diyos ang may likha ng sandaigdigan.
24. Takdang-Aralin
Sagutin mo.(10 puntos)
1. Sa araling ito, ano ang pinakamahalaga mong
natutunan? Bakit?
___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________