Isang pagpapaliwanag kung paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino ang relihiyong Kristiyanismo at ang Sistemang Reduccion na ipinatupad ng mga misyonerong paring Espanyol
Isang pagpapaliwanag kung paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino ang relihiyong Kristiyanismo at ang Sistemang Reduccion na ipinatupad ng mga misyonerong paring Espanyol
Sa araling ito, tatalakayin natin ang mga pamamaraang ginamit ng mga Espanyol upang maipatupad ang Kolonisasyon. Pangunahin sa mga patakarang ito ang kristiyanisasyon, reduccion, tributo, encommienda, at polo y servicio o sapilitang paggawa. Tatalakayin din dito ang naging epekto ng mga patakaran sa mga katutubo at naging reaksiyon nila rito.
Sa araling ito, tatalakayin natin ang mga pamamaraang ginamit ng mga Espanyol upang maipatupad ang Kolonisasyon. Pangunahin sa mga patakarang ito ang kristiyanisasyon, reduccion, tributo, encommienda, at polo y servicio o sapilitang paggawa. Tatalakayin din dito ang naging epekto ng mga patakaran sa mga katutubo at naging reaksiyon nila rito.
1. Ang mga Katutubong Pilipino na
Lumaban Upang Mapanatili ang Ating
Kasarinlan
Araling Panlipunan
Inihanda ni: G John Amper D. Pesano
2. Ang Pilipinas ay nasakop ng mga Espanyol sa
mahabang panahon subalit hindi lahat na mga lugar
sa Pilipinas ay napasailalim sa kanilang
kapangyarihan.
Ilan sa mga lugar sa Mindanao kung saan nakatira
ang mga katutubong Muslim ay hindi lubusang
nasakop ng mga Espanyol sapagkat buong tapang
silang nilabanan ng mga katutubong Muslim.
Ang mga Muslim sa Mindanao
3. Bagamat natalo ang mga katutubo sa labanan at
nakapagtayo ang mga Espanyol ng kuta at
pamayanan sa Zamboanga ay hindi pa rin nila
napasuko ang mga ito.
Dahil sa pangyayaring ito, hindi magawang kontrolin
ng mga Espanyol ang mga Muslim kaya napilitan
itong makipagkasundo sa mga katutubo.
4. Binigyan ng mga Espanyol ng kalayaan ang mga
Muslim sa pananampalataya. Binigyan din ng
pension ang mga sultan at datu at hinayaan ang
karapatan sa pagmamana ng mga anak at apo ng
Sultan sa trono ng Jolo.
Ang lahat ng ito ay kapalit ng kanilang pagkilala sa
kapangyarihan ng Espanya. Bagama’t nagkaroon ng
kasunduan ang mga Espanyol at mga katutubong
Muslim, kailanman ay hindi nila napasuko ang mga
ito.
5. Narito ang ilang mga Muslim sa Mindanao na namuno sa pagtatanggol ng kanilang
kalayaan at relihiyong Islam laban sa mga mananakop na Espanyol.
6. ang tinaguriang pinakamagiting na
mandirigma ng Mindanao, ipinagtaggol ang
Lamitan laban sa Espanyol noong 1619
hanggang 1671
Sultan Kudarat
(Cachel Corralat)
ng Maguindanao
9. namuno sa pagtatanggol sa Maguindanao laban
sa pag-atake sa mga Espanyol noong 1734
Datu Malinug
(Tahir-Ud-Din)
10. namuno sa pagtatanggol sa Buayan, Cotabato
noong 1596
Raha Sirongan Silongan,
Raha ng Buayan
11. "Heroes of the past,
inspiration for the present,
hope for the future!"
12. Pagsasanay
Panuto: Isulat ang T kung ang pangungusap ay tama at M kung mali. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
____1. Luzon ang lugar na hindi lubusang nasakop ng mga Espanyol.
____2. Ang mga katutubong Muslim ay kailan man hindi sumuko sa mga Espanyol.
____3. Ang mga Espanyol ay nagkuta at nagtayo ng pamayanan sa Zamboanga.
____4. Si Sultan Kudarat ay tinaguriang pinakamagiting na mandirigma sa
Mindanao.
____5. Si Datu Dimansakay ay nagtanggol sa Maguindanao laban sa mananakop na
Espanyol noong 1579.
13. Gawain
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel.
1. Bakit hindi magawang masakop ng lubusan ng mga Espanyol ang ibang lugar sa
Mindanao?
a. dahil naduduwag ang mga Espanyol.
b. dahil hindi marunong makipaglaban ang mga Espanyol
c. dahil mas lamang ang sandata ng mga katutubong Muslim
d. dahil may mga katutubong muslim na patuloy na nakipaglaban sa Pamahalaang
Kolonyal.
2. Paano ipinakita ng mga katutubong Muslim ang kanilang pagmamahal sa bayan?
a. Nakiisa sila sa mga Espanyol
b. Nakipaglaban sila sa mga Espanyol
c. Niyakap nila ang kulturang Espanyol d. Sumunod sila sa gusto ng mga Espanyol
14. Gawain
3. Bakit nakipaglaban ang mga katutubong Muslim sa mga Espanyol?
a. Para sa kalayaan
b. Para pumatay ng tao
c. Para sa gawing bihag ang mga Espanyol
d. Para hindi kalawangin ang kanilang sandata
4. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga
katutubong Muslim na nakipaglaban sa mga Espanyol?
a. Hindi ko kikilalanin ang kanilang ginawa sa bayan.
b. Kakalimutan nalang ang kanilang kabayanihang ginawa.
c. Magagalit ako sapagkat hindi sila sumuko sa mga Espanyol.
d. Ipagmamalaki ko ang kanilang kabayanihan sa pagtatanggol ng ating bayan.
15. Gawain
5. Kung ikaw ay isang katutubong Muslim na nabuhay noong panahon ng
pananakop ng mga Espanyol, ano ang gagawin mo?
a. Magsawalang kibo na lang b. Ipagkanulo ang kapwa ko Muslim
c. Tulungan ang mga Espanyol upang matalo ang kapwa ko Muslim
d. Makiisa sa pakikipaglaban sa kapwa ko Muslim para sa kasarinlan.
17. Ang mga Katutubong Pilipino na
Lumaban Upang Mapanatili ang Ating
Kasarinlan
Araling Panlipunan
Inihanda ni: G John Amper D. Pesano
18. Isa sa mga lugar na hindi napagtagumpayang
sakupin ng mga Espanyol ay ang kabundukan ng
Cordilerra. Naninirahan dito ang mga Igorot, na
nahahati sa iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko:
Ibaloi, Isneg (o Apayao), Kankanaey, Kalinga, Bontoc,
at Ifugao.
Ang mga Igorot sa Cordillera
19. Nagpadala ng misyon ang mga Espanyol sa
Cordillera upang gawing “sibilisado” ang mga Igorot
tulad ng kanilang ginawa sa mga katutubo sa
kapatagan, ngunit sa katunayan ay maghanap ng
ginto ang kanilang pakay. Hangad nila ay ang
deposito ng ginto sa Cordillera na natuklasan sa
pamamagitan ni Miguel Lopez de Legazpi. Ayon sa
balita, ang mina ay dinadala ng mga Igorot sa Ilocos.
Noong 1624, tuluyang inihinto ang paghahanap ng
minang ginto sa Cordillera. Sa kadahilanang napag-
alamang mababang kalidad lamang ang gintong
nanggagaling dito.
Pananakop sa mga Igorot
dahil sa Ginto
20. Matapos ang hindi matagumpay na paghahanap ng
ginto sa Cordillera, ninais na lamang ng mga
Espanyol na mabura ang sinaunang relihiyon ng
mga Igorot at baguhin ang kanilang pamumuhay
ayon sa pamantayan ng mga Espanyol. Ang mga
Igorot ay mayroong paniniwalang panrelihiyon na
ang kalikasan ay tahanan ng mga Espiritu o kilala sa
tawag na animismo. Ito ay itinuturing ng mga
Espanyol na isang uri ng pagsamba sa mga
demonyo. Ayon sa kanila, upang maligtas ang
kaluluwa ng mga Igorot, kailangan nilang yakapin
ang Kristiyanismo.
Pananakop sa mga Igorot
dahil sa Kristiyanismo
21. Sa huli, hindi nagtagumpay ang mga Espanyol sa misyong
sakupin ang mga Igorot dahil sa ginto at kristiyanismo.
Una, naging mahirap para sa mga misyonero na tunguhin
nang madalas ang bulubundukin ng Cordillera.
Pangalawa, nagkaroon ng kakulangan sa mga misyonerong
maaaring ipadala sa lalawigan.
Huli, naging mahirap din para sa mga sundalong Espanyol
na ipinadala sa Cordillera na lupigin ang mga
mandirigmang Igorot sa bulubunduking kabisado nila ang
pasikot-sikot.