1. SAMPLE TITLE: Mga bayani, sisimulang kilalanin ng mga bata!
SAMPLE TITLE: Mga bayani ating kilalanin
SAMPLE TITLE: Natatanging Pilipinong Bulakenyo, Ipagmalaki Natin
Ika- 22 ng Agosto 2024, araw ng Huwebes, inanunsyo ng Koordineytor ng Araling
Panlipunan na si Gng. Norita C. Cruz ang pagsisimula ng buwanang pagkilala ng mga bayani sa
bawat silid-aralan ng baiting lima at anim, sa tulong at gabay ng kanilang gurong tagapayo. Ito
ay kaugnay sa pandibisyong pagsasanay na inihain ng Provincial History, Arts, Culture and
Tourism Office (PHACTO) kung saan tampok ang kwento ng mga kabayanihang Bulakenyo.
Ang naturang programa na ito ay gagawin sa pamamagitan ng pagpapanuod ng bidyo kung saan
nakasalaysay ang kanilang talambuhay at mga mahahalagang nagawa noong panahon. Ang mga
gurong tagapayo ay naatasan na isagawa ang pagpanuod at pagtalakay sa mga bayani tuwing
katapusan ng bawat buwan. Sisimulan ito ngayong Setyembre hanggang sa katapusan ng pang-
akademikong taon. Layunin nito na makilala ng bawat mag-aaral ang mga natatanging
Bulakenyo.