2. Aralin 1:
Pagkamamamayan:
Konsepto at Katuturan
Ang konsepto ng citizenship
(pagkamamamayan) o ang kalagayan o
katayuan ng isang tao bilang miyembro
ng isang pamayanan o estado ay
maaaring iugat sa kabihasnang Griyego
nang umusbong ang konsepto ng citizen
ng mabuo ang mga lungsod-estado na
tinatawag na polis sa Greece.
3. • Ang citizenship ay ugnayan ng
isang indibidwal at ang estado.
•Ito ay tumutukoy sa pagiging
miyembro ng isang indibidwal sa
isang estado.
•Bilang isang citizen, siya ay
ginawaran ng mga karapatan at
tungkulin. Sa Pilipinas, inisa-isa
ng estado sa Saligang -batas ang
tungkulin at karapatan ng mga
mamamayan nito.
4. Aralin 2: Ligal at Lumawak na
Konsepto ng Pagkamamamayan
•A. Ligal na Pananaw:
Polis- ito ay isang lipunan na
mga taong may iisang
pagkakakilanlan at iisang
mithiin. Ang polis ay binubuo ng
mga citizen na limitado lamang sa
mga kalalakihan. Ang pagiging
citizen ng Greece ay isang
pribilehiyo kung saan may kalakip
na mga karapatan at tungkulin.
5. •Ayon sa orador
ng Athens na si
Pericles, hindi
lamang sarili
ang iniisip ng
mga citizen
kundi maging
ang kalagayan
ng estado.
7. • Ayon kay Murray
Clark Havens (1981 ),
ang citizenship ay
ugnayan ng isang
individual at ng
estado. Ito ay
tumutukoy sa pagiging
miyembro ng isang
indibidwal sa isang
estado kung saan
bilang isang citizen,
siya ay ginawaran ng
mga karapatan at
tungkulin.
31. Seksiyon 1. Ang sumusunod ay mamamayan ng
Pilipinas;
1. yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon
ng pagpapatibay ng
Saligang-batas na ito;
2. yaong ang mga ama o mga ina ay
mamamayan ng Pilipinas;
3. yaong mga isinilang bago sumapit ang
Enero 17, 1973 na ang mga
ina ay Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit
sa karampatang gulang; at
4. yaong mga naging mamamayan ayon sa
batas
32. •Seksiyon 2. Ang katutubong inianak
na mamamayan ay yaong mamamayan ng
Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala
nang kinakailangang gampanang ano
mang hakbangin upang matamo o malubos
ang kanilang pagkamamamayang Pilipino.
Yaong mga nagpasiya na maging
mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon
1, talataan 3 nito ay dapat ituring
na katutubong inianak na mamamayan