mala-masusing banghay aralin sa filipino-lumbriaSalvador Lumbria
nilalayon ng banghay araling ito na matulungan ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Nawa'y magsilbi itong gabay upang lubos na maunawaan ang mabisang pagtuturo ng panitikan na may angkop at naayon sa wastong pamamaraan ng pagtuturo nito.
mala-masusing banghay aralin sa filipino-lumbriaSalvador Lumbria
nilalayon ng banghay araling ito na matulungan ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Nawa'y magsilbi itong gabay upang lubos na maunawaan ang mabisang pagtuturo ng panitikan na may angkop at naayon sa wastong pamamaraan ng pagtuturo nito.
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7Wimabelle Banawa
Ang pang-ugnay ay nakatutulong upang pag-ugnayin ang mga kaisipang nais paimbabawin. Ito ay nagagamit sa pagbuo ng sanaysay upang maging kahali-halina itong basahin.
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7Wimabelle Banawa
Ang pang-ugnay ay nakatutulong upang pag-ugnayin ang mga kaisipang nais paimbabawin. Ito ay nagagamit sa pagbuo ng sanaysay upang maging kahali-halina itong basahin.
This is a compilation of children's literature in Hiligaynon. It is composed of riddles, proverbs, nonsense rhymes, fingerplays, action songs. poems and illustrated visayan myth
1. Ang Punong Kawayan
Ni: Francisco“ Soc” Aldana Rodrigo
Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may
kanya-kanyang katangian. Mabunga ang Santol,
mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero,
tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi
ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.
Minsan, nagpaligsahan ang mga punungkahoy.
2. Minsan, nagpaligsahan ang mga
punungkahoy.
Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa
bunga kaya mahal ako ng mga bata.
Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong angaking
mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming
ibon sa aking mga sanga.
Higit akong maganda, wika ni Kabalyero.
Bulaklak ko'y marami at pulang-pula.
3. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.
Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno,
malapad ang mga dahon at mabunga, wika ni
Niyog.
Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan.
Payat na at wala pang bulaklak at bunga.
Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo
na siyang nagmumukhang kaawa-awa.
4. Nagtawanan ang mga punungkahoy.
Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.
Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng
mga punungkahoy. Pinalakas niya nang
pinalakas ang kanyang pag-ihip. At isang oras
niyang pagkagalit ay nalagas ang mga
bulaklak, nahulog ang mga bunga at
nangabuwal ang puno ng mayayabang na
punungkahoy.
5. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan
ang sumunud-sunod sa ihip ng malakas na
hangin, ang nakatayo at di nasalanta.
6.
7. Tukuyin ang mga naging sanhi at
bunga ng mga pangyayari sa akda.
Punan ang talahanayan sa ibaba.
8.
9. Suriin
Ang panitikan ay sumasalamin at naglalahad ng
mga kaisipan, damdamin, mithiin, kathang-isip at
maging karanasan ng mga tao. May dalawang uri
ng panitikan: Akdang tuluyan at akdang patula. Ang
isang akda ay nasa anyong tuluyan kung ito ay
nagpapakita ng simpleng paraan ng pagpapahayag
at isinusulat nang patalata.
10. Ilan sa halimbawa ng akdang tuluyan ay ang
alamat, anekdota, nobela, pabula, parabula,
maikling kwento, dula, sanaysay, talambuhay,
talumpati, at balita.
11. Ang akdang “Punong Kawayan” ay halimbawa
ng kwentong bayan na nasa anyong tuluyan.
Kapupulutan ito ng mensahe at aral na
maaaring iugnay sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Taglay rin ng akdang ito ang
paglalahad ng mga sanhi at bunga ng mga
pangyayaring mayroon sa kasalukuyan.
12. Matapos mong mabasa ang kwentong-
bayang “Ang Punong Kawayan” ay isaisip mo
ang mga dapat isaalang-alang sa pagbibigay
ng sanhi at bunga. Basahin mo ang nasa
ibaba.
13. Alam mo ba na…
Ang pagbibigay ng sanhi at bunga ay
tumutukoy sa pinakaugat o dahilan ng isang
pangyayari at ang magiging bunga o epekto
nito. Ang ugnayang sanhi at bunga ay
inihuhudyat ng mga pang-ugnay na maaaring
salita o lipon ng mga salita sa tinatawag na
pangatnig.
14. Ang mga pangatnig na nagpapahayag ng
sanhi o dahilan ay sapagkat, kasi, dahil
palibhasa, mangyari, kundangan, at iba
15. Pagyamanin
Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap upang mabuo
ang diwa ng nito. Gamitin ang simulang letra bilang klu.
Isulat ang sagot sa patlang. Taglay ng mga
punongkahoy ang kaniya-kaniya nilang katangian. Ang
1. S__________ ay hitik sa bunga kaya’t gusto ito ng mga
bata.
16. Mabulalak naman ang 2. K________________,
samantala mayabong naman ang dahon ng puno
ng 3. M __________ kaya’t maraming ibon ang
laging nasa sanga nito. Ngunit may isang kakaiba
sa kanilang lahat. Payat ngunit matayog ang
puno ng 4. K__________ na kahit anong lakas ng 5.
H__________ ay hindi tumutumba bagkus ay
sumusunod lamang ito.
17. Pang-isahang Pagsusulit Blg. 1
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.
Bilugan ang letra ng tamang sagot sa bawat
bilang.
1. Sino ang nagwika nito- “Daig kita. Mayabong
ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya
maraming ibon sa aking mga sanga.”
a. Mangga b. Santol c. Kawayan d.
Hangin
18. 2. Sino ang nagbigay ng parusa para sa mga
punong humusga kay Punong kawayan?
a. ang mga ibon b. ang iba pang puno
c. ang hangin d. ang mga bunga
3. Sino sa mga punongkahoy ang naiiba dahil sa
pisikal na anyo nito.
a. Santol b. Kawayan
c. Mangga d. Kabalyero
19. 4. Paano pinarusahan ang panghuhusgang ginawa ng
mga punongkahoy kay Kawayan?
a. Umihip ang napakalakas na hangin hanggang sa
malagas ang mga dahon at bunga ng mga
punongkahoy.
b. Umulan nang malakas at nasira ang kanilang bunga.
c. Dumating ang tag-tuyot at unti-unting nalanta ang
kanilang mga dahon. d. Maraming peste ang sumira sa
kanilang mga hitik na bunga.
20. 5. Bakit naging tampulan ng tawanan si Punong
Kawayan?
a. Dahil hitik ito sa bunga.
b. Dahil maraming ibon ang nagnanais na dumapo
dito.
c. Dahil ito ay payat at walang bulaklak.
d. Dahil maraming bata ang nagnanais makuha ito.
25. Tayahin
A. Panuto: Salungguhitan ang parirala o sugnay na
1. Maglulunsad ng kilos-protesta ang mga drayber ng dyip sa sunod-
sunod ng pagtaas ng gasolina.
2. 2. Palibhasa’y mahiyain ang bata, hindi na pinilit ng guro na sumali
sya sa paligsahan sa pag-awit.
3. 3. Ang dahilan ng pagguho ng lupa ay ang tuloy-tuloy na iligal na
pagtotroso sa bundok.
26. 4. Kinulong ang aso palibhasa matapang at nangangagat ito.
5. Hindi ako makagamit ng kompyuter dahil wala pang kuryente.
6. Tumahimik na tayo dahil nandito na si Binibining Garcia.
7. Mabigat ang trapiko sa EDSA kaya nag-MRT na lang kami pauwi.
8. Natagalan ako magbayad kasi mahaba ang pila sa kahera.
9. Bagong luto ang kanin kaya mainit pa.
10. Dahil sa kagustuhan niyang matulungan ang kanyang pamilya,
pinili niyang magtrabaho sa ibang bansa.
27. Panuto: Salungguhitan ang parirala o sugnay na nagsasaad
ng bunga sa bawat pangungusap.
1. Maaga akong gumising kanina dahil ayaw kong mahuli sa klase.
2. Kapag ang ilaw ay pula hindi muna tayo tatawid sa kalsada.
3. Malaki ang natipid ni Nanay sapagkat kumukuha lamang siya ng
gulay sa bakuran para sa aming pagkain.
4. Simple lang ang buhay namin palibhasa hindi kami mayaman.
5. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo dahil naranasan ko na rin
‘yan.
28. 6. Masyadong mahal ang sapatos kaya hindi ko na ito binili.
7. Dahil kaarawan mo, mamasyal tayo bukas.
8. Palibhasa’y gutom na gutom na si Gabiel, nakalimutan
niyang alukin ng pagkain si Carlo.
9. Magpapahinga muna ako sandali dahil masakit ang ulo
ko.
10. Masiglang-masigla ang mga bata dahil maglalaro sila sa
malaking parke.