Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa mga kababaihan sa Pakistan. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang kalagayang panlipunan ng mga babae sa Pakistan.
AP 7 Lesson no. 20: Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang at Timog AsyaJuan Miguel Palero
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Nasyonalismo sa Kanlurang at Timog Asya. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang konsepto sa Nasyonalismo sa Kanlurang at Timog Asya.
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa mga kababaihan sa Pakistan. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang kalagayang panlipunan ng mga babae sa Pakistan.
AP 7 Lesson no. 20: Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang at Timog AsyaJuan Miguel Palero
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Nasyonalismo sa Kanlurang at Timog Asya. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang konsepto sa Nasyonalismo sa Kanlurang at Timog Asya.
EPEKTO NG NEOKOLONYALISMO
By: Alleanna D. Lastrella and Rosmine S.J. Brinquis
Grade 8-Newton S.Y 2018-2019
~San Mateo National High School~
~San Mateo, Rizal~
EPEKTO NG NEOKOLONYALISMO
By: Alleanna D. Lastrella and Rosmine S.J. Brinquis
Grade 8-Newton S.Y 2018-2019
~San Mateo National High School~
~San Mateo, Rizal~
LAS Epekto ng mga Samahang Kababaihan at ng mga Kalagayang Panlipunan sa Buha...Jackeline Abinales
LAS Epekto ng mga Samahang Kababaihan at ng mga Kalagayang Panlipunan sa Buhay ng Kababaihan Tungo sa Pagkakapantay-pantay, Pagkakataong Pang-ekonomiya at karapatan Pampolitika
LAS Epekto ng mga Samahang Kababaihan at ng mga Kalagayang Panlipunan sa Buha...Jackeline Abinales
LAS Epekto ng mga Samahang Kababaihan at ng mga Kalagayang Panlipunan sa Buhay ng Kababaihan Tungo sa Pagkakapantay-pantay, Pagkakataong Pang-ekonomiya at karapatan Pampolitika
1. Ang Mga Kababaihan, Kabataan At Manggagawang Asyano.
Demokratisasyon ng mga Kababaihang Asyano.
Korea
- Mula sa panig ng masa ang kilusang demokratiko gaya ng pag-aalsa sa Gwangju Korea na
pinamumunuan ng mga babae. Noong Disyembre, 1978 ay itinatag nila ang Song Bak Hue na tumingin sa
kapakanan ng mga bilanggong pulitikal at sa kanilang mga pamilya. Sila ang namuno sa mga idinaos na
rali (rally) sa Democracy Square at nagpagawa din sila ng malalaking poster at naglathalang publikasyon
na may pamagat na “The Fighters
Bulletin”. Nagdala ng mga riple at Molotov bomb ang iba. Lumusob ang mga militar noong Mayo 21,
1978 sa Gumnam, may 8 oras ding nakipag-laban ang mga babae. Kapansin-pansin ang kanilang
katapangan ngunit nanatili pa rin silang sumunod sa kalalakihan, nalimitahan tuloy ang mga kilos nila.
Kaya naman, nagsilbi na lamang sila.
India
- Ang paglabas ng mga pangyayaring pambansa at pandaigdig ay nag-bunga ng mga pagbabago sa
kalagayan ng mga kababaihang Muslim sa India. Pagkaraang bumagsak ang mga kolonyalismo ng Africa
at Asya noong ika-20 siglo ay nagtatag ng isang demokratikong pamahalaan ang India at nagsikap
magpairal ng pagkakapantay-pantay. Sinimulan ito ng mga kalalakihang naimpluwensyahan ng mga
liberal na
ideya mula sa kanluran. Ang mga repormang panlipunan na pinilit nilang makamit ay ang pagbabawal sa
mga bata na mag-asawa nang maaga, sati at purdah. May kilusan din na nag-alis ang iliterasi sa mga
kababaihan sa pamamagitan ng edukasyon. Noong una, mga mula sa mataas na antas na lipunan lamang
ang nakikinabang dito dahil nagpokus sila sa pagkakapantay-pantay ng mga lalaki sa mga babae. Ang
mga babaing Muslim sa India ay nabigayn ng pagkakataon sa edukasyon at naitatag ang maraming
paaralan para sa mga BABAE.
Hindu
- Ang mga kababaihang Hindu ay nagsikap din para sa All India Women’s Conference - ang unang
samahan ng mga kababaihang Indiano para sa pambansang kalayaan. Ipinaglaban din ang kilusan ng
mga kababaihan sa India ang eliminasyon ng diskriminasyon
para sa mga kababaihan. Inihayag din ang kaso ng pang-aabuso at karahasan, pati na ang may kinalaman
sa kanilang relihiyon. Napilitan silang sumali sa Nari Atma Raksha Samity (NARS) dahil sa naranasang
2. kahirapang dala ng tag-tuyot. Nakilahok ang NARS sa makasaysayang Tebhaga. Ang mga kilusang
makakaliwa ay lumaban din para sa karapatan ng mga manggagawa. Naharap ang mga kilusan sa
usaping may kinalaman sa pulitika, pamilya at pambansa.
Afghanistan
- Sinasabing pinakamapanganib na bansa sa buong daigdig para sa mga babae ang Afghanistan.
Dito ay walang karapatan ang mga babae. Marami sa kanila ang pinapatay, inaalipin, kinakawawa at
kinukulong lamang sa loob ng bahay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang pagpapakasal ng
mga batang babae.
Ang MADRE ay isang kilusan ng mga babaing Afghan na nakalaya na sa kanilang kalagayan. Isang
samahang underground na tumutulongsa mga babae na gusto ng kalayaan. Pinapakain at ipinapagamot
ng MADRE ang mga babaing nasasaklolohan nila. Binibigyan din sila ng mga kasuotan at dinadala sa
ligtas na lugar.
Deklarasyon ng Eliminasyon ng Karahasan Laban sa mga Kababaihan.
Ang karahasan laban sa mga kababaihan ay nangangahulugan ng pagsama ngunit hindi malilimitahan ng
mga sumusunod:
Pisikal, sekswal at sikolohikal na karahasan na nangyayari sa pamilya. Kasama ang pagbubugbog,
abusong sekswal sa mga anak na babae, mga karahasang kaugnay ng dote, panggagahasa sa asawa,
mutilasyon ng ari ng babae at iba pang tradisyunal na gawang makasasakit sa mga babae, mga
karahasan sa hindi asawa at mga karahasang kaugnay ng pagsasamantala.
Pisikal, sekswal at sikolohikal na karahasan na
nangyayari sa pangkalahatang pamayanan kabilang ang panggagahasa, abusong sekswal, panggigipit na
sekswal at pananakot na sekswal sa trabaho, sa mga institusyong edukasyonal at sa iba pang pook.
Trafficking ng mga kababaihan at sapilitang prostitrusyon.
3. Pisikal, sekwal at sikolohikal na karahasan na ginagawa o pinatatawad ng estado saan man ito
naganap.
~ May karapatan ang mga kababaihan sa pantay na pagtatamo at pagpapahalaga sa lahat ng karapatang
pantao at pinakamahalagang kalayaan sa pulitika, ekonomiya,lipunan, kultura, sibil at anumang
larangan. Sa mga karapatang ito ay kabilang ang mga sumusunod:
Karapatang mabuhay.
Karapantan sa pagkakapantay-patay.
3. 3. Karapatan sa kalagayan at kaligtasan ng pagkatao.
4. Karapatan sa pantay na proteksyon sa ilalim ng batas.
5. Karapatan na maging malaya a lahat ng anyo ng diskriminasyon.
6. Karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang pisikal at mental.
7. Karapatan sa makatarungan at kaiga-igayang kondisyon sa trabaho.
8. Karapatang hindi mapapasailalim sa pagmamalupit at iba pang di-makatao at nakabababang
kaparusahan.
~ Ang mga estado ay dapat itakwil ang karahasan laban sa mga kababaihan at huwag nang ipagawa ang
anumang kaugalian, tradisyon o konsiderasyong panrelihiyon upang maiwasan ang obligasyon kaugnay
na pag-aalis sa mga ito. Kailangang pagsikapan ng
estado na maitaguyod ang anumang pagkilos nang walang pagkabalam ang anumang patakaran na alisin
ang karahasan laban sa mga kababaihan at sa layuning ito ay:
isaalang-alang ang pagpapatibay ng hindi pa nila nagagawa, pagpapatibay o pagsang-ayon sa
kumbensyon para sa eliminasyon ng lahat ng anyo ng diskriminasyon laban sa mga kababaihan….
Pag-iwas sa karahasan laban sa mga kababaihan.
Magsagawa nang may pagtitiyaga upang maiwasan, parusahan ang anumang kasalanan… ginawa man
ng estado o indibidwal.
Magpabitay ng kriminal o penal…….
Isinaalang-alang ang pagpapaunlad ng isang pambansang plano ng pagkilos upang mapangalagaan
ang mga kababaihan laban sa anumang anyo ng karahasan…. etc..
~ Ang mga sangay at tanging ahensya ng United Nations batay sa kani-kanilang kakayahan ay dapat
kumilala at magsakatuparan ng mga karapatan at mga prinsipyong itinatadhana ng kasalukuyang
deklarasyon at sa layuning ito higit sa anuman:
Magtaguyuod ng rehiyunal at pandaigdigang kooperasyon upang makaisip ng mga istratehiyang
rehiyunal sa paglaban sa karahasan.
4. Magtaguyod ng mga pulong at seminar upang itaas ang kamulatan ng lahat ng tao tungkol sa isyu ng
eliminasyon ng karahasan laban sa mga kababaihan.
Makipag-ugnayan at makipagpalitan sa loob ng UN.
Kasama ang mga pagsusuri na inihanda ng UN at mga sangay at sistema ng UN ng mga kalakarang
panlipunan at mga suliranin.
5. Pagsikapan ang ugnayan sa pagitan ng mga organisasyon at mga sangay ng mga sistema ng UN upang
isama sa mga ginagawang programa.
6. Bumuo ng mga patnubay o manwal tungkol sa karahasan laban sa mga kababaihan na may
pagsasaalang-alang sa pamaraang tinutukoy sa kasalukuyang deklarasyon.
7. Isaalang-alang ang isyu ng eliminasyon ng karahasan laban sa mga kababaihan na karapat-dapat sa
pagsasakatuparan ng kanilang mandato kaugnay ng mga kasulatan sa karapatang pantao.
8. Makipagtulungan sa mga organisasyong di-pampamahalaan sa paglutas ng isyu ng karahasan laban sa
mga kababaihan.
Kumbensyon sa mga Karapatan ng mga Bata.
Artikulo Bilang 1.
- Sa layunin ng kumbensyon, ang bata ay yaong may edad na labingwalong taon-pababa o kung
ayon sa batas ang edad mayorya ng bata ay higit na maaga pa kaysa dito.
Artikulo Bilang 2
Igagalang at pangangalagaan ng estado ang mga karapatang itinatadhana ng kasalukuyang kumbensyon
sa bawat bata sa ilalim ng hurisdisyon nito nang walang diskriminasyon.
Gagawin ng estado ang lahat ng nararapat na pamamaraan upang pangalagaan ang bata laban sa
lahat ng anyo ng diskriminasyon o kaparusahan.
Artikulo Bilang 3
Kikilalanin ng estado ang karapatan ng bata na maranasan o matamo ang pinakamataas na antas ng
kalusugan at mapabilis ang pagpapagamot ng sakit at rehabilitasyon ng kalusugan.
Pagsusumikapan ng estado ang pagpaoatupad ng karapatang ito sa partikular ang nararapat na paraan:
5. a) Bawasan ang pagkamatay ng mga sanggol.
b) Tiyakin ang pagbibigay ng kinakailangang tulong medikal at pangangailangang pangkalusugan ng
lahat ng bata.
c) Labanan ang mga sakit at malnutrisyon.
d) Tiyakin ang pangangalaga sa ina bago at matapos manganak.
Artikulo Bilang 29
- Sasang-ayunan ng estado na ang edukasyon ng bata ay itutuon sa: paghahanda ng bata para sa
isang responsableng pamumuhay ng isang malayang lipunan. Para sa pagkaunawa, kapayapaan,
pagtitiyaga, pagkakapantay-pantay ng kasarian at pagkakaibigan ng lahat ng tao, etniko, pambansa at
pangkat panrehiyon at mga taong may katutubo.
Ang Karapatan ng mga Manggagawa
- nahaharap sa maraming suliranin kaugnay ng usapin sa paggawa. Hindi mabilang ang mga
tumatanggap ng mga sweldo na mababa kaysa minimum wage na itinatakda sabatas. Higit pa sa 8 oras
ang trabaho nila ngunit walang dagdag ang sweldo. Marurumi at mapanganib ang mga lugar na kanilang
panagtatrabahuhan. Hindi sila pinapayagang magtayo ng unyon, malaki ring bilang ng mga manggagawa
ang nabibilang sa mga kabataan – 5 taon hanggang 14 taon.
Nilunasan ang mga naturang suliranin ng Universal Declaration of Human Rights, Artikulo 23:
1. May karapatang mamili ng trabaho na gusto niya sa makatwiran at paborableng kundisyon ng trabaho
at proteksyon laban sa pagkawala ng empleyo.
2. May karapatan para sa sapat na sweldo.
3. May karapatan na tumanggap ng pasahod o kabayaran na makatwiran na magbibigay sa kanya at
kanyang pamilya ng buhay na may dignidad.
4. May karapatang bumuo at sumapi sa unyon upang mapangalagaan ang kanyang interes.