7. Dahil sa matagal na pagtatago, nakaramdam
ng gutom si Maya. Kinain niya ang bigas na
nakasilid sa baluyot.
8. Maya-maya, may naramdaman siyang
kakaiba sa kaniyang katawan. Lumiliit siya at
nagkakaroon ng ibang anyo.
9. Samantala, hanap dito hanap doon ang
ginawa ng ina ni Maya subalit hindi niya
makita ang kaniyang anak.
MAYA!!
nasaan
kana
anak!!!
10. Makalipas ang ilang araw, nakarinig siya ng
kakaibang tunog mula sa loob ng baluyot.
Nang buklatin niya ang takip nito, may isang
maliit na ibon doon.
11. Maliit ito at may mamula-mulang balahibo.
May mabining huni ito. Patalon talon at tila
malikot kumilos ang ibon.
12. Napaiyak na lamang ang ina ni Maya
sapagkat batid niya na ang ibon na ito ay ang
kaniyang anak na si Maya.