ALAMAT NG
ALON SA
DAGAT
MAY AKDA:
IZAIAH PAULINE L. LACUESTA
BEED 3-1N
Noong unang panahon may isang kaharian sa ilalim ng
dagat ang kanilang Hari na si Dinagat ay minamahal
ng marami, siya ay isang mabuti, mabait, at magaling
na pinuno, siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat
ng naninirahan sa karagatan. Meron siyang asawa,
ang Reyna ng Dagat na si Dana. At kanyang
pinakamamahal na mga anak, ang panganay na si
Prinsesa Ahana ay mahinhin at mahilig makihalubilo
sa lahat. At ang bunso na si Lonala, ay matalino at
mapagmahal. Masayang namumuhay ang mga sirena
at isda sa kaharian. Payapang payapa ang dagat at
wala silang nararamdamang kapahamakan.
Isang araw, masamang balita ang gumimbal sa
buong karagatan. Nagkaroon ng malubhang
karamdaman si Hari Dinagat at unti-unti siyang
nanghihina. Nagpatawag ng isang babaylang isda ang
hari. "Bakit ako nagkaroon ng sakit? At pakiramdam ko
ay nanghihina na ako", tanong ng Hari sa babaylan,
"Dahil ito sa mga tao mahal na hari, hindi na maganda
ang ginagawa nila sa mga anyong tubig, sinisira nila ito
at tila wala na silang pakialam sa maaring mangyari,
dahil ditto anomang oras, maaari ka na pong mamatay
at ito na rin ang hudyat ng paglaho ng ating kaharian",
sagot ng manggagamot . Napaisip si Reyna Dana,
"Mahal kong asawa, kailangan nating gumawa ng
paraan upang pigilan ang tao sa ginagawa nilang
pagsira sa ating tahanan, kung hindi, tuluyan ka nang
mawawala sa aming piling at hindi namin kakayanin
iyon."
Pinatawag ng Haring Dinagat ang kaniyang
tatlong anak upang sila ang gumawa ng paraan
upang mailigtas ang buong karagatan. "Ahana at
Alona, pinatawag ko kayo ngayon dito para sa isang
mahalagang misyon, batid ninyo ang kalagayan ko
at ang maaring maging kapalaran ng ating kaharian,
nais ko kayong ipadala sa lupa, at maganyong tao
upang pigilan sila sa kanilang masamang gawain,
ngunit isang paalala ang ihahabilin ko, bawal kayong
umibig sa kahit sinumang tagalupa at bawal
magdikit ang inyong mga balat dahil kayo ang
maglalaho" wika ng Hari. "Gagawin po naming ang
lahat Amang Hari, ako na lamang po ang mauunang
pumunta sa lupa." Sambit ni Ahana.
Sa pagdating ni Prinsesa Ahana sa lupa, dinatnan
niyang nagtatapon ng basura ang ilang mga tao sa
dagat. "Pakiusap, huwag ninyo itapon ang mga iyan sa
dagat, malalason ang mga isda!" Ngunit parang walang
narinig ang mga tao at pinagpatuloy pa rin ang kanilang
ginagawa. "Nagmamakaawa ako sa inyo wag ninyo
dumihan ang tubig" wika ng prinsesa. Di
nagtagal, sumuko na si Prinsesa Ahana at di na niya
kinayang makita pa ang masamang gawain ng mga tao.
Umuwi na ito at humingi ng tawad sa kanyang
pagkabigo. Siya ay lumuhod "Mahal kong Amang
Hari, humihingi ako ng kapatawaran dahil ako ay
nabigong baguhin ang gawi nila sa tubig." "Wag ka nang
humingi ng kapatawaran, alam kong mahirap ang
pinagagawa ko sa inyo anak. Tumayo ka na diyan." sabi
ng Hari.
Sa mga sumunod na araw, Si Prinsesa Lonala
naman ang pupunta sa lupa upang pakiusapan ang
mga tao. Sa paglalakbay ni Prinsesa Lonala, lahat ng
tao na makakakita sa kanya ay nabibighani sa
kanyang kagandahan, ngunit sa sumunod na mga
araw bumungad sa kanya ang madumi at mabahong
dagat. Nalungkot siya at sinabing, "dapat
magtagumpay ako sa misyong ito, dapat siguro ay
kilalanin ko muna ng husto ang mga tao at
kaibiganin sila upang makuha ko ang loob nila at
sila'y magtiwala saakin." Di nagtagal, nagtagumpay
nga siya sa kaniyang plano na kunin ang loob ng
mga tao at pagtiwalaan siya.
Umiibig na rin siya sa isang tagalupang si Alor na
mahigpit na ipinagbabawal sa kanila. Tila nakalimutan
na ni Prinsesa Lonala ang babala ng kaniyang Ama.
Alam ni Alo na isa siyang sirena pero tila umiibig na rin
siya sa Prinsesa sa kabila ng katotohanan na iba ito sa
kaniya. Sa kabutihang palad, hindi pa rin nagdidikit ang
kanilang mga balat. Tinulungan siya ni Alo na kausapin
ang mga tao at ipaisip sa kanila na masama at di
nakakabuti kanino man ang ginagawa nila sa dagat.
Ilang buwan ang ginugol nila upang mapakiusapan ang
lahat ng tao at sa wakas nagtagumpay rin sila. Tulong
tulong na inayos at nilinis ng mga tao ang dagat at di
lumaon ay bumalik sa dating ganda ang karagatan,
lahat ay nagbunyi lalong lalo na ang mga nilalang sa
kaharian ng dagat.
Pinauwi na ng Hari si Lonala upang bigyan siya
ng karangalan bilang bayani ng kanilang kaharian.
Ngunit tila ayaw umuwi ng Prinsesa dahil sa ayaw
niyang iwan ang kaniyang pinakamamahal na si Alo.
Hindi pumayag si Hari Dinagat sa nais ng kaniyang
anak at pinaalala sa kaniya ang mangyayari kapag
pinagpatuloy nila ang kanilang pagmamahalan.
Sinabi ni Prinsesa Lonala ang masamang balita kay
Alo, ngunit ipinangako nila sa isa't isa na
magmamahalan sila habang buhay at wala silang
pakialam kahit hindi pa sila naghahawak at kahit
kailan hindi sila pwede magkadikit.
Hindi kinaya ni Hari Dinagat ang sama ng loob at
sakit sa puso na kaniyang nararamdaman sa
pagsuway ng kaniyang anak at ito'y kaniyang
ikinamatay. Nang malaman ito ni Lonala, walang
tigil siyang umiyak at sinisisi ang kaniyang sarili sa
pagkawala ng kaniyang mahal na Ama. Nagpasiya
itong bumalik sa kanilang kaharian. "Alo, patawarin
mo ko ngunit kailangan ko ng bumalik sa aming
kaharian upang makita ang aking Ama sa bago
lamang siya kunin ng Bathala." sabi ni Lonala kay
Alo. "Hindi ako makapapayag! Sasama ako kung
kinakailangan, ayoko mawala ka saakin." sabi ni Alo.
Ngunit tumakbo ng mabilis si Lonala nang
hinawakan ni Alo si Lonala sa kamay para pigilan.
Biglang sabay na naglaho ang magkasintahan sa
karagatan, nang magkaroon ng pagumbok ng tubig
na humahampas sa dalampasigan. Ng mapansin ito
ng mga tao na nakasaksi sa pagmamahalan nila Alo
at Lonala, tinawag nila itong Alolon bilang pagalala
sa wagas na pagibig na ipinakita nila Alo at Lonala at
di naglaon naging Alon.

Alamat ng Alon sa Dagat

  • 1.
    ALAMAT NG ALON SA DAGAT MAYAKDA: IZAIAH PAULINE L. LACUESTA BEED 3-1N
  • 2.
    Noong unang panahonmay isang kaharian sa ilalim ng dagat ang kanilang Hari na si Dinagat ay minamahal ng marami, siya ay isang mabuti, mabait, at magaling na pinuno, siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng naninirahan sa karagatan. Meron siyang asawa, ang Reyna ng Dagat na si Dana. At kanyang pinakamamahal na mga anak, ang panganay na si Prinsesa Ahana ay mahinhin at mahilig makihalubilo sa lahat. At ang bunso na si Lonala, ay matalino at mapagmahal. Masayang namumuhay ang mga sirena at isda sa kaharian. Payapang payapa ang dagat at wala silang nararamdamang kapahamakan.
  • 3.
    Isang araw, masamangbalita ang gumimbal sa buong karagatan. Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Hari Dinagat at unti-unti siyang nanghihina. Nagpatawag ng isang babaylang isda ang hari. "Bakit ako nagkaroon ng sakit? At pakiramdam ko ay nanghihina na ako", tanong ng Hari sa babaylan, "Dahil ito sa mga tao mahal na hari, hindi na maganda ang ginagawa nila sa mga anyong tubig, sinisira nila ito at tila wala na silang pakialam sa maaring mangyari, dahil ditto anomang oras, maaari ka na pong mamatay at ito na rin ang hudyat ng paglaho ng ating kaharian", sagot ng manggagamot . Napaisip si Reyna Dana, "Mahal kong asawa, kailangan nating gumawa ng paraan upang pigilan ang tao sa ginagawa nilang pagsira sa ating tahanan, kung hindi, tuluyan ka nang mawawala sa aming piling at hindi namin kakayanin iyon."
  • 4.
    Pinatawag ng HaringDinagat ang kaniyang tatlong anak upang sila ang gumawa ng paraan upang mailigtas ang buong karagatan. "Ahana at Alona, pinatawag ko kayo ngayon dito para sa isang mahalagang misyon, batid ninyo ang kalagayan ko at ang maaring maging kapalaran ng ating kaharian, nais ko kayong ipadala sa lupa, at maganyong tao upang pigilan sila sa kanilang masamang gawain, ngunit isang paalala ang ihahabilin ko, bawal kayong umibig sa kahit sinumang tagalupa at bawal magdikit ang inyong mga balat dahil kayo ang maglalaho" wika ng Hari. "Gagawin po naming ang lahat Amang Hari, ako na lamang po ang mauunang pumunta sa lupa." Sambit ni Ahana.
  • 5.
    Sa pagdating niPrinsesa Ahana sa lupa, dinatnan niyang nagtatapon ng basura ang ilang mga tao sa dagat. "Pakiusap, huwag ninyo itapon ang mga iyan sa dagat, malalason ang mga isda!" Ngunit parang walang narinig ang mga tao at pinagpatuloy pa rin ang kanilang ginagawa. "Nagmamakaawa ako sa inyo wag ninyo dumihan ang tubig" wika ng prinsesa. Di nagtagal, sumuko na si Prinsesa Ahana at di na niya kinayang makita pa ang masamang gawain ng mga tao. Umuwi na ito at humingi ng tawad sa kanyang pagkabigo. Siya ay lumuhod "Mahal kong Amang Hari, humihingi ako ng kapatawaran dahil ako ay nabigong baguhin ang gawi nila sa tubig." "Wag ka nang humingi ng kapatawaran, alam kong mahirap ang pinagagawa ko sa inyo anak. Tumayo ka na diyan." sabi ng Hari.
  • 6.
    Sa mga sumunodna araw, Si Prinsesa Lonala naman ang pupunta sa lupa upang pakiusapan ang mga tao. Sa paglalakbay ni Prinsesa Lonala, lahat ng tao na makakakita sa kanya ay nabibighani sa kanyang kagandahan, ngunit sa sumunod na mga araw bumungad sa kanya ang madumi at mabahong dagat. Nalungkot siya at sinabing, "dapat magtagumpay ako sa misyong ito, dapat siguro ay kilalanin ko muna ng husto ang mga tao at kaibiganin sila upang makuha ko ang loob nila at sila'y magtiwala saakin." Di nagtagal, nagtagumpay nga siya sa kaniyang plano na kunin ang loob ng mga tao at pagtiwalaan siya.
  • 7.
    Umiibig na rinsiya sa isang tagalupang si Alor na mahigpit na ipinagbabawal sa kanila. Tila nakalimutan na ni Prinsesa Lonala ang babala ng kaniyang Ama. Alam ni Alo na isa siyang sirena pero tila umiibig na rin siya sa Prinsesa sa kabila ng katotohanan na iba ito sa kaniya. Sa kabutihang palad, hindi pa rin nagdidikit ang kanilang mga balat. Tinulungan siya ni Alo na kausapin ang mga tao at ipaisip sa kanila na masama at di nakakabuti kanino man ang ginagawa nila sa dagat. Ilang buwan ang ginugol nila upang mapakiusapan ang lahat ng tao at sa wakas nagtagumpay rin sila. Tulong tulong na inayos at nilinis ng mga tao ang dagat at di lumaon ay bumalik sa dating ganda ang karagatan, lahat ay nagbunyi lalong lalo na ang mga nilalang sa kaharian ng dagat.
  • 8.
    Pinauwi na ngHari si Lonala upang bigyan siya ng karangalan bilang bayani ng kanilang kaharian. Ngunit tila ayaw umuwi ng Prinsesa dahil sa ayaw niyang iwan ang kaniyang pinakamamahal na si Alo. Hindi pumayag si Hari Dinagat sa nais ng kaniyang anak at pinaalala sa kaniya ang mangyayari kapag pinagpatuloy nila ang kanilang pagmamahalan. Sinabi ni Prinsesa Lonala ang masamang balita kay Alo, ngunit ipinangako nila sa isa't isa na magmamahalan sila habang buhay at wala silang pakialam kahit hindi pa sila naghahawak at kahit kailan hindi sila pwede magkadikit.
  • 9.
    Hindi kinaya niHari Dinagat ang sama ng loob at sakit sa puso na kaniyang nararamdaman sa pagsuway ng kaniyang anak at ito'y kaniyang ikinamatay. Nang malaman ito ni Lonala, walang tigil siyang umiyak at sinisisi ang kaniyang sarili sa pagkawala ng kaniyang mahal na Ama. Nagpasiya itong bumalik sa kanilang kaharian. "Alo, patawarin mo ko ngunit kailangan ko ng bumalik sa aming kaharian upang makita ang aking Ama sa bago lamang siya kunin ng Bathala." sabi ni Lonala kay Alo. "Hindi ako makapapayag! Sasama ako kung kinakailangan, ayoko mawala ka saakin." sabi ni Alo.
  • 10.
    Ngunit tumakbo ngmabilis si Lonala nang hinawakan ni Alo si Lonala sa kamay para pigilan. Biglang sabay na naglaho ang magkasintahan sa karagatan, nang magkaroon ng pagumbok ng tubig na humahampas sa dalampasigan. Ng mapansin ito ng mga tao na nakasaksi sa pagmamahalan nila Alo at Lonala, tinawag nila itong Alolon bilang pagalala sa wagas na pagibig na ipinakita nila Alo at Lonala at di naglaon naging Alon.