Amalgamasyon ng iba't ibang wika sa PilipinasFatima Garcia
Ito ay iniulat kamakailan sa Paglilinang ng Filipino at Pahambing na Pag-aaral ng mga Prinsipal na Wika sa Pilipinas. Maaaring makatulong ito sa karagdagang impormasyon hinggil sa pagpaplanong amalgamasyon ng KWF sa Wikang Filipino. Ang mga impormasyon dito ay pinagyayabong pa at kailangang maragdagan sa mga susunod na taon.
Amalgamasyon ng iba't ibang wika sa PilipinasFatima Garcia
Ito ay iniulat kamakailan sa Paglilinang ng Filipino at Pahambing na Pag-aaral ng mga Prinsipal na Wika sa Pilipinas. Maaaring makatulong ito sa karagdagang impormasyon hinggil sa pagpaplanong amalgamasyon ng KWF sa Wikang Filipino. Ang mga impormasyon dito ay pinagyayabong pa at kailangang maragdagan sa mga susunod na taon.
3. Ayon sa Kawanihan ng Pambayang Paaralan, nararapat na
Ingles ang ituro sa pambayang paaralan. Ilan sa mga
kadahilanan ay:
• Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay
mag-reresulta sa suliraning administratibo.
• Ang paggamit ng iba’t-ibang bernakular sa
pagtuturo ay magdudulot lamang ng rehiyonalismo
sa halip na nasyonalismo.
4. • Hindi magandang pakinggan ang magkahalong wikang
Ingles at bernakular.
• Malaki ang nagasta ng pamahalaan para sa edukasyong
pambayan at paglinang ng Ingles upang maging wikang
pambansa.
• Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng
pambansang pagkakaisa.
• Ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal.
5. • Ang Ingles ay mayaman sa katawagang pansining at
pang-agham.
• Dahil nandito na ang wikang Ingles ay kailangang
hasain ang paggamit nito.
6. Ilan sa mga katwiran ng mga tagapagtaguyod
ng bernakular ay ang mga sumusunod:
• Walumpong porsiyento ng mag-aaral ang nakaaabot ng hanggang ikalimang
grado lamang kaya pagsasayang lamang ng panahon at pera ang pagtuturo ng
Ingles na walang kinalaman sa kanilang sosyal at praktikal na pamumuhay.
• Kung bernakular ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo
sa primary.
• Nararapat lamang na Tagalog ang linangin sapagkat ito ang wikang komon sa
Pilipinas.
7. • Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung
Ingles ang gagamitin.
• Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa
ay hindi nagpapakita ng nasyonalismo.
• Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay para sa
ikabubuti ng lahat katulad ng paggamit ng bernakular.
8. • Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang
Ingles ang mga Pilipino.
• Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang
panturo upang magamit ang bernakular, kailangan
lamang na iyo ay pasiglahin.
10. Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Paano nabago ng pananakop ng mga Amerikano ang
sitwasyong pangwika ng Pilipinas?
2. Masasabi mo bang may magandang naidulot ang
pagdating ng mga Hapones sa ating bansa sa pagpapalawak
ng ating wikang pambansa? Ipaliwanag.