Ang alokasyon ay ang proseso ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao. May iba't ibang sistemang pang-ekonomiya tulad ng traditional, market, command, at mixed economy na nag-uugnay sa mga pangunahing katanungang pang-ekonomiya. Ang bawat sistema ay may kani-kaniyang mekanismo na nagtatakda kung paano at para kanino ipapamahagi ang mga produkto at serbisyo.