Ang alokasyon ay mekanismo ng pamamahagi ng mga yaman upang matugunan ang mga pangangailangan at suliranin ng kakapusan. Ang mga sistemang pang-ekonomiya, tulad ng tradisyonal, market, command, at mixed economy, ay nagbibigay ng iba't ibang paraan para masagot ang mga problemang pangkabuhayan. Ang bawat sistema ay maaaring baguhin ayon sa mga pangangailangan ng ekonomiya at layunin nitong maiwasan ang labis na paglikha o kakulangan ng mga kalakal at serbisyo.