Proyekto sa FIL4: Panitikan ng Rehiyon
Halaw sa librong "Literatura ng Iba't-Ibang Rehiyon ng Pilipinas" (2001) ni Carmelita S. Lorenzo, et. al.
Presentasyon ni Alia Janiel Sultan
BSED IIB - FILIPINO
Proyekto sa FIL4: Panitikan ng Rehiyon
Halaw sa librong "Literatura ng Iba't-Ibang Rehiyon ng Pilipinas" (2001) ni Carmelita S. Lorenzo, et. al.
Presentasyon ni Alia Janiel Sultan
BSED IIB - FILIPINO
EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''Rey Reyes Jr.
EL FILIBUSTERISMO kabanata 6 ''Si Basilion''
Filipino 9 and 10
by: Rio Reyes Jr.
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
************************************************************************
Let me share my presentation about "Region 6: Kanlurang Visayas"
Mga Nilalaman:
Ang Kanlurang Visayas
Magandang Tanawin
Pagkain at Produkto
Wika
Mga Manunulat na Pilipino
Mga Makata
Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng PagkakataonDonna Mae Tan
Nakapaloob dito ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin bilang mangingibig at biktima ng pagkakataon sa nobelang Noli Me Tangere.
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Maikling Kuwento mula sa Pakistan na ang titulo ay Sino ang Nagkaloob. Dito din matatagpuan ang ilang aktibidad o diskusyon patungkol sa paksang tinalakay.
EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''Rey Reyes Jr.
EL FILIBUSTERISMO kabanata 6 ''Si Basilion''
Filipino 9 and 10
by: Rio Reyes Jr.
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
************************************************************************
Let me share my presentation about "Region 6: Kanlurang Visayas"
Mga Nilalaman:
Ang Kanlurang Visayas
Magandang Tanawin
Pagkain at Produkto
Wika
Mga Manunulat na Pilipino
Mga Makata
Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng PagkakataonDonna Mae Tan
Nakapaloob dito ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin bilang mangingibig at biktima ng pagkakataon sa nobelang Noli Me Tangere.
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Maikling Kuwento mula sa Pakistan na ang titulo ay Sino ang Nagkaloob. Dito din matatagpuan ang ilang aktibidad o diskusyon patungkol sa paksang tinalakay.
Isang pabulang nagmula sa Korea kung saan isinasalaysay ang kaugalian ng mga ito na kung ano ang ipinag-uutos ng magulang ay siyang kabaliktaran ang gagawin.
Gamit sa Filipino Grade 9 Lesson 2.2 Gawain 2
Mga Salitang Magkatulad ang Baybay Ngunit Magkaiba ang Kahulugan.May mga salitang iisa o pareho ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas at magkaiba rin ang kahulugan. Makukuha ang kahulugan ng mga ito ayon sa gamit.
1. Igan (Alamat ng Iligan)
Noong unang panahon, May isang lugar na nag ngangalang Bayug. Ang bawat naninirahan sa lugar na
ito ay masaya at puno ng pagmamahalan sa isa’t- isa. Hitik ito sa likas na yaman, magagandang tanawin
at mga talon na kay sarap paliguan. Dito din isinilang si Igan. Simula sa kanyang pagkabata si Igan ay
likas na matabil, malikot, at malimit na sumusuway sa ipinapangaral ng kanyang mga magulang.
Isang araw, si Igan ay inutusan magtungo sa kabukiran upang dalhan ng pagkain na inihanda ng
kanyang inay ang kanyang itay, Subalit, sa halip na magtungo sa bukid, si Igan ay tumuloy sa kagubatan
upang manghuli ng ibon. Gamit ang kanyang tirador, kaliwat kanan niyang sinapul ng bato ang mga
inosenteng ibon. Ang kanyang Ama, na kasalukuyang naghihintay sa kanya sa kabukiran ay lubos ng nag-
aalala kung bakit siya (si Igan) ay hindi pa nakakarating. Lumipas na ang pananghalian hanggang
kinahapunan, hindi pa umuwi si Igan mula sa kagubatan. Lubos ng nababahala ang kanyang Ama at Ina
Malapit ng magtakipsilim hindi pa rin dumating si Igan sa kanilang tahanan. Nang gabi ding iyun, ang
mga magulang ni Igan ay tumawag sa diwata ng talon kay Maria Cristina. “Maria Cristina, ikaw na ang
bahala sa aming pinakamamahal na anak. Kung nasaan man siya ngayon, pangalagaan mo siya kahit siya
ay may hindi magandang ugali. Sakaling hindi na namin siya matagpuan., gawin mo po sanang
makabuluhan ang kanyang buhay…”
Sa kagubatan , sa kinaroroonan ni Igan, ay ganap ng lumatag ang kadiliman. Sinagilahan na siya
ng takot sa kadahilanang hindi nya matunton ang landas na tatahakin patungo sa kanilang tahanan.
Patuloy pa rin sa paglalakad si Igan sa pagbabakasakaling mahanap niya ang daan pauwi sa kanilang
bahay. Nang nasa kalagitnaan na siya ng gubat, nakasalubong niya ang isang matandang kuba.
Tinanong niya ito kung alam ba nito ang daan pauwi sa kanilang tahanan. Subalit sa halip na sagutin ng
matanda ang kanyang tanong, humingi ito ng pagkain sa kanya. Dahil hindi likas kay Igan ang pusong
mamon, hindi niya pinagbigyan ang matanda at sinabi pa niyang wala siyang dalang pagkain. Inulit muli
ng matanda ang paghingi ng kay Igan. “Iho may dala ka bang pagkain? Maaari mo ba akong bigyan kahit
kaunti?” sambit ng matanda. Hindi kumibo si Igan, sa pagkakataong ito nagalit ang matanda, Isang himala
ang nangyari ang matanda ay nagpalit ng anyo ng isang napakagandang babae siya pala ay si Maria
Cristina.
Maya-maya’y nagsalita ang babae at nagwika , “Bata!, dahil sa iyong pangit na ugali, ang iyong
nakagawiang pag-iwas sa tamang asal ay bibigyan ko ng kapalit na kaparusahan. Simula sa araw na ito
mananatili kang nakatayo sa iyong kinaroroonan at magsisilbing taga bantay ng bayan na ito. Ikaw ay
gagawin kong isang malaking haligi isang moog na haharang sa lahat ng may masamang ninanais sa
bayan na ito.”
At gayun nga ang nagyari kay Igan. Mula nga noon, si Igan ngayon ay isa ng haligi ng Bayug, na
patuloy na nagtatanggol sa mga mamamayan dito na parang kanyang hinaharangang makapasok ang mga
may masamang ugali sa kanyang lugar na sinasakupan. Naging takbuhan ng mga naaapi ang bayan ng
Bayug. Dahil dito, pinangalanan ng tao ang Bayug na isang lugar kung saan ay maiilagan ang lahat na
kasamaan. Mula nga noon ang lugar na dati ay Bayug ngayon ay kilala na bilang bayan ng Iligan na ang
kahulugan ay “Kuta ng Salag” o sa ingles ay, “ Fortress of Defense”.
Alamat ng Iligan
Mula sa http://alamatng kasaysayan.com/ igan-iligan/
http://allabout.com.ph/iligancity/alamat-ng-iligan-history-myth/
Modified to meet local content by: Evelyn R. Manahan 6/19/2017
2. A.Paglinang sa Talasalitaan
Hanapin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit . Isulat. Pagkatapos
ng pangungusap..
1.Labis na nabahala ang mga magulang ni Igan dahil natagalan ito sa pag-uwi at mababakas
sa kanilang mga mata ang pag-aalala.____
2.Sumigaw nang malakas ang nanay kaya agad na dumating ang anak nang marinig ang singhal
nito._____________
3.Tuwang-tuwa ang binatilyo ng masapol ng kanyang tirador ang tinamaan nitong ibon._________
4. Anumang pagsubok ang dumating hindi mabubuwal ang pader na mag sisilbing moog siyang
taguan ng mga Iliganon. _____________
5.Hindi ko maintindihan kung ano ang binigkas niya dahil parang kinakain niya ang mga salitang
mahirap sambitin.__________
B.Pag-unawa sa Binasa
1. Sino-sino ang mga tauhan sa alamat?
2. Ilarawan si Igan noong bata pa siya
3. Ano-anong mga pangyayaring kababalaghan ang naganap sa alamat?
4. Bakit nagalit kay Igan ang diwata?
5. Ano ang parusang iginawad ng diwata kay Igan?
6. Alin sa mga pangyayari sa alamat ang higit mong naibigan? Alin naman ang hindi mo nagustuhan?
Ipaliwanag.
7. Nakabuti ba ang kaparusahang nangyari kay Igan? Pangatwiranan.
C.Pagsusuri sa Akda
Ang gawaing ito ay nakatulong sa iyo upang madali mong maunawaan ang daloy ng mga
pangyayari sa alamat.
1. Pagsunud-sunurin mo ang mga pangyayari sa alamat sa tulong ng Story Mountain. Gawin sa
papel. Gayahin ang pormat.
2. Sa iyong palagay, angkop ba ang naging wakas ng akda? Pangatuwiranan ang iyong sagot. Gawin
sa papel.
Simula Wakas
Gitna
__
3. 3. Suriin ang mga pangyayari sa bawat bahagi ng alamat.Itala mo sa talahanayan kung alin ang
makatotohanan at di- makatotohanan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.
BAHAGI MAKATOTOHANAN DI- MAKATOTOHANAN
SIMULA
GITNA
WAKAS