SlideShare a Scribd company logo
1 of 6
Lesson 6 – Pre-Encounter
NAGKAKAISA SA BAUTISMO
Mat 28:18 At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat
ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.
Mat 28:19 Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga
bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu
Santo:
Mat 28:20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos
ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng
sanglibutan.
Rom 6:1 Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang
biyaya ay makapanagana?
Rom 6:2 Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga
tayong mabubuhay pa riyan?
Rom 6:3 O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo
Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan?
Rom 6:4 Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa
kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa
pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa
panibagong buhay.
Rom 6:5 Sapagka't kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang
kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang
pagkabuhay na maguli;
Sa isang Valentines banquet para sa mga magasawa, nagkaroon ako ng pagkakataon na hamunin
ang mahigit na 50 magasawa na muling sariwain ang kanilang sumpaan sa isat-isa. Nais kong ibalik ang
Layunin:
1. Upang maunawaan ng mga alagad na ang bautismo ay ibinigay na kautusan ng Panginoon,
na ipinapahayag natin sa lahat an gating natamong kaligtasan sa pamamagitan ni Hesus, at
an gating commitment na mabuhay para sa Kanya. Hindi ito isang pangangailangan sa
ikaliligtas, subalit hindi rin naman ito dapat bale-walain.
2. Upang patibayin na ito ay ginaganap sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig, pagkat ito
ang nagpapakita ng kamatayan, pagkalibing, at pagkabuhay na maguli n gating Panginoong
Hesus.
3. Upang ipaalam nan g tanggapin natin an gating Panginoong Hesus bilang ating
Tagapagligtas sa ating puso, tayo ay binautismuhan ng Banal na Espirito sa buong katawan
ni HesuKristo. Ang bautismo sa tubig ay dapat agad ganapin matapos nating maipahayag sa
lahat an gating kaligtasan, pagibig, at commitment, na siyang nagsasama sa atin local na
Iglesia n gating Panginoong Hesus.
kanilang ala-ala ng silay kasalin, na ang lahat na naipangako nila sa isat-isa ito ay pananagutan nila sa
harap ng Diyos. Sa pagtatapos ng mensahe, ang lahat ay muling nanumpa sa harap ng lahat.
Napakagandang tanawin na habang sila’y magkakahawak kamay at nakatingin sa isat-isa ay muli nilang
binanggit na sila’y magmamahalan hanggang sa kamatayan. Sa paglipas ng panahon lalong gumaganda
ang kanilang pagsasama kung palagiang sasariwain ang kanila mga sinumpaan.
Ang singsing din ay isang simbolo na nagpapaalaala sa magasawa ng kanilang sumpaan na
magmamahalan habang nabubuhay. Kapag ito’y isinusuot, ito’y nagpapahayag na ang kanilang pagibig
ay may nagmamayari na.
Sa buhay espiritual ito’y katotohanan din, ng tayo ay maging Kristiano. Nang isuko natin ang
buhay natin sa ating Panginoong Hesus, ang Diyos ay nagbigay ng simbolo na ang ating buhay ay pagaari
na ni Jesusristo. Ang simbolong ito ay ang bautismo.
Kung babalikan natin ang ilang talata sa Bagong Tipan, nais kong bigyang pansin ang apat na
mahahalagang bagay tungkol sa bautismo.
I. ITO AY ITINATAG:
Kapag pinaguusapan natin ang tungkol sa bautismo, linawin natin na ito ay hindi lamangbahagi ng
mga tradisyon na pinasimulan ng iglesia, ito ay isang gawaing itinatag at pinatibay ng Panginoong Hesus
sa Kanyang iglesia.
Ang Mathew 28:18-20 ay tinatawag na “Great Commission” na ibinigay sa mga alagad bago umakyat
sa langit angating Panginoon. Bago Siya umakyat sa langit, inipon Niya ang mga nauna Niyang mga
alagad at inutusan sila na ipangaral ang Ebanghelyo sa lahat ng bansa. Bahagi ng kautusang ito ay;
“bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Banal Na Espirito.
Una, tingnan natin ang talata 18 na sinabi ni Hesus, “ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa
ibabaw ng lupa ay ibinigay na sa akin.” Makikita natin ang bigat at kahalagahan ng utos na ito:
A. Bilang Diyos at Panginoon ng buong sanlibutan, ibinigay ni Jesus sa atin ang kautusang ito. Hindi
niya ito ipinakikiusap o tayo’y hinihikayat kundi inuutusan. Kung hindi natin ito gawin, tayo ay
nagkakasala.
B. Isa pang mahalagang katotohanan mula sa great commission ay ang mga salitang ito. “at narito
ako’y sumasainyong palagi hanggang sa katapusan ng panahon.” Maliwanag, sinasabi ni Hesus
na ang kautusang ito ay kailanagang ganapin hanggang katapusan ng mundo. Hanggang ang mga
tao ay nagiging alagad ni Hesus, kalooban Niya na ang iglesia ay bautismuhan sila. Lahat ay
kasama s utos na ito.
1. Bakit kailangan nating seriosohin ang kautusang ito?
______________________________________________________________________________
Kung babasahin natin ang book of Acts, bago dumating ang Banal na Espirito sa chapter 2, si apostol
Pedro ay nagkaroon ng pagkakataong mangaral sa libong katao tungkol sa ating Panginoong Hesus. Kung
titingnan natin ang verse 41, makikita natin na ginawa ng mga alagad ang ipinaguutos sa kanila.
Act 2:41 Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at
nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa.
Bakit meron ngayon na gusto nilang tanggapin si Hesus bilang Tagapagligtas, pero ayaw namang
magpabautismo? Nais kong ulitin na ang bautismo’y kung ayaw ay pwede. Ito’y kautusan kaya ito ay
dapat sundin, kung ayaw mong sumunod, sinasabi ni Hesus na ito’y nagpapakita ng kawalan mo ng
pagibig sa Kanya.Joh 14:15 Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.
Umaasa ako na angating pagkamasunurin sa Panginoon ay magdala sa atin sa isang buhay na puno
ng ligaya, at mabunga sa ating paglilingkod sa Kanya. Ang hindi pagpapabautismo ay tinatawag na “sin of
omission.” Kung nais natin na dinggin angating mga panalangin kailangang sundin natin ang Kanyang
mga kautusan. Kadalasan nagtataka tayo kung bakit hind natin nararanasan ang mga pagpapala ng
Diyos. Siyasatin ninyo ang inyong buhay kung ang bagay na ito ay dapat ninyong ituwid.
Ang pagpapabautismo ba ay kailangan sa isang mananampalataya?
___________________________________________________________________________
II. TO AY PAGTUBOG:
Ang isang mahalagang katanungan tungkol sa bautismo ay, anong klase ng bautismo ang
itinuturo ng Biblia? Ito ba’y pawisik, pabuhos o patubog?Kung masusi nating pagaaralan ang Biblia, ang
pagtubog ang nagiisang paraan na dapat sundin ng tunay na iglesia ni Kristo. Ito ang mga dahilan:
A. Ang salita mismo ay nangangahulugan ng itubog.
Ang ginagamit nating salita ay bautismo,na sa English ay baptism na galing naman sa salitang
Griego na baptizo na ang kahulugan ay ilubog, kailangang gawin nati ang ibig sabihin ng salita. May ibang
salitang Griego na epicheo na ibig sabihin ay buhusan at rhantizo na ibig sabihin naman ay wisikan. Ang
mga salitang ito ay hindi nagamit pamalit sa salitang baptizo na ang kahulugan ay ilubog kung Bibliua
ang paguusapan.
B. Halimbawa ng bautismo sa Bagong Tipan
May dalawang halimbawa ang Bagong Tipan sa paggamit ng bautismo na ang kahulugan ay ilubog.
Una ay ang bautismo ngating Panginoong Hesus;
Mar 1:9 At nangyari nang mga araw na yaon, na nanggaling si Jesus sa Nazaret ng Galilea,
at siya'y binautismuhan ni Juan sa Jordan.
Mar 1:10 At karakarakang pagahon sa tubig, ay nakita niyang biglang nangabuksan ang
mga langit, at ang Espiritu na tulad sa isang kalapati na bumababa sa kaniya:
Kung papansinin natin ang talatang 10, “At karakarakang pagahon sa tubig,” ito’y nagpapakita na si
Hesus ay inilubog sa tubig, kung Siya ay umahon mula sa tubig nangangahulugan na galing siya sa tubig.
Alam ba ninyo kung bakit sa ilog nagbabautismo si Juan? Ito ang pahahayag sa atin:
Joh 3:23 At bumabautismo rin naman si Juan sa Enon na malapit sa Salim, sapagka't doo'y
maraming tubig: at sila'y nagsiparoon, at nangabautismuhan.
Si Juan ay nagbabautismo sa ilog sa dahilang maraming tubig doon. Kung nagbabautismo siya ng
pabuhos o pawisik, ang isang pitsel ng tubig ay maaari nang makabautismo ng isang libong katao.
Ang pangalawang halimbawa ay matatagpuan natin sa book of Acts. Nang ang unang
iglesiaaymagpasimulang bumautismo, sila rin ay nagbautismo ng pagtubog.Sa Acts 8:38-39, makikita mo
na si Philip ay binautismuhan ang Ethiopian eunuch na nadala niya sa Panginoon. Pansinin ninyo na ang
talata ay gumamit ng katulad nan a salita na,“At ipinagutos niyang itigil ang karo: at sila'y
kapuwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang bating; at kaniyang binautismuhan siya. At nang
magsiahon sila sa tubig, ay inagaw si Felipe ng Espiritu ng Panginoon; at hindi na siya nakita
ng bating, sapagka't ipinagpatuloy niya ang kaniyang lakad na natutuwa.”
Muli, makikita natin si Philip at ang Eunoch na lumusong sa tubig para magbautismo at nagsiahon
sila mula sa tubig na nagpapahayag na paglubog sa tubig. Mula sa halimbawang nabasa natin ay
maliwanag na ang pagbabautismo ay sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig.
2. May pagkakaiba ba kung tayo ay inilubog o winisikan sa ating bautismo.” Bakit?
__________________________________________________________________________________
III. PARA SILA MAISAMA(identification):
Mahalaga ito para sa mga tunay na mananampalataya na pumailalim sila sa kautusang ito ni
Hesus aty dapat nila itong gawin sa oras na sila’y sumasampalataya.Sa Romans 6:3-5, ipinaliwanag ni
apostol Pablo sa mga mananampalataya sa Roma na sila ay naisama sa pagkamatay, pagkalibing at
pagkabuhay na maguli ni Kristo sa pamamagitan ng bautismo. Sa pagbabautismo, ito ay isang
pagpapahayag na siya ay kabilang na kay Hesus at siya ay sumasampalataya sa Ebanghelyo. Alam ba
ninyo kung ano angating Ebanghelyo?
1Co 15:1 Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking
ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan,
1Co 15:2 Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang
salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang
walang kabuluhan.
1Co 15:3 Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo
ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan,
1Co 15:4 At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga
kasulatan;
Angating kaligtasan ay nakabatay sa ating pananampalataya sa kamatayan, pagkalibing at
pagkabuhay na maguli ni Kristo. Ang bautismo natin ang sumisimbulo sa Ebangheyong nakapagliligtas.
Nagbibigay din ito ng halaga sa paraang paglulubog sapagkat ito ang naglalarawan ng pagkamatay,
pagkalibing at muling pagkabuhay na hindi natin makikita sa pagbuhos o pagwisik ng tubig.
Sa simbolong ito nagbibigay din ng liwanag na ang bautismo ay hindi nakapagliligtas. Sa bautismo
ipinapahayag mo ang isang bagay na nangyari na sa iyo. Sa pamamagitan ng pananampalataya mo sa
kamatayan ni Kristo sa krus at sa pagtanggap mo sa Kanya bilang Panginoon ng iyong buhay at
Tagapagligtas, ikaw ay ay binigyan ng buhay na walang hanggan at naligtas sa kaparusahan ng impyerno.
Ang bautismo naman ang paraan ng iyong pagpapahayag ng bagay na ito na nangyari na sa iyo. Ang
pagkakaayos sa Bagong Tipan ay ganito, ang tao’y kailangang sumampalataya, ipinagkakaloob sa kanya
ng Diyos ang buhay na walang hanggan, at ipinapahayag niya ito sa pamamagitan ng bautismo.
Act 2:41 Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at
nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa.
Sa kabanatang ito, nangaral si Pedro tungkol kay HesuKristo, yaong mga tumanggap kay Kristo ang
siyang pinagbabautismuhan. Naaayon din ito sa isang texto sa Romans na ang bautismo ay isang
pagpapahayag lamang sa pakikipagkaisa kay Kristo na Siyang Tagapagligtas.
Ang bautismo rin ang nagbibigay ng pagkakataon nalantarangmaipahayag ang
tungkolsaatingPanginoonat Tagapagligtas. Nagbigay ng babala si Kristo kung ano ang mangyayari sa mga
taong ikinahihiya Siya, Mat 10:32 Kaya't ang bawa't kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, ay
kikilalanin ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit.
Mat 10:33 Datapuwa't sinomang sa aki'y magkaila sa harap ng mga tao, ay ikakaila ko
naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit.
Hindi natin dapat ikahiya angating Tagapagligtas na napakalaki ang nagawa para sa atin.Sa
pamamagitan lamang ng Kanyang ginawa sa krus tayo ay naligtas. Kung tayo ay mayroong bagong
buhay, bagong pagasa ang lahat ng ito ay sa pamamagitan lamang ngating Panginoong Hesus.
3. Kaya moba na ipahayag at ipakita sa lahat ang bago mong buhay at katapatan sa isang nagligtas sa
iyo, ang Panginoong Hesus?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
I. ITO’Y PARA SA PAGANIB
Ang bautismo ang siyang naglalagay sa mananampalataya bilang kaanib sa katawan ni Kristo. Makikita
natin ito sa Act 2:41 Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan:
at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa.
Act 2:42 At sila'y nagsipanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa
pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin.
Ayon sa talata 41, matapos tanggapin ng mga tao si nKristo, sila’y binautismuhan, at nadagdag
sila sa iglesia, sa talata 42, sila’y nakisama at nakiisa sa buhay ng iglesia. Ganito ang makikita nating
kaayusan, Sila’y sumampalataya, sila’y binautismuhan at sila’y naanib sa iglesia.
Sa katunayan ang nangyari sa kanila na pisikal ay nangyari na spiritually sa pamamagitan ng
Banal na Espirito. Itinuro ni apostol Pablo ang doktrinang ito sa mga taga Corinto.
1Co 12:13 Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan,
maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay
pinainom sa isang Espiritu.
Ang kahulugan ng pagbabautismo ng Banal na Espirito sa talatang ito, ay ang paglalagay sa isang taong
sumampalataya sa pangkalahatang katawan ni Kristo sa pamamagitan ng Banal na Espirito. Mayroon
lamang isang Iglesia na pangkalahatan na ang lahat na mananampalataya kay HesuKristo sa buong
daigdig ay kaanib. Kung ang bautismo nating espiritual sa pamamagitan ng Banal na Espirito ay
naglalagay sa atin bilang kaanib ng pangkalahatang Iglesia, ang bautismo naman ng pastor ang
siyang naglalagay sa atin sa local na iglesia tulad ng Morong Bible Church. Kaya nga ang bautismo sa
tubig ay isang panglabas na pagpapakita sa isang uri ng bautismo na nauna nang nangyari sa atin sa
pamamagitan ng Banal na Espirito.
Ayon sa pagtuturo ng Biblia, ang bautismo ay nangyayari sa oras na tayo ay sumampalataya, ganon pa
man ang pagiging bahagi natin ng isang iglesia ay napakahalaga sa ating paglago at pagiging
mabunga kaya ito ipinagutos ni Kristo. Kaya Niya ito ipinagutos ay dahil mahal Niya tayo, alam Niya
na angating paglago ay nakasalalay lamang sa mga taong ibinigay Niya sa mga iglesia upang turuan
at sanayin ang mga mananampalataya sa kanilang bagong buhay kay Kristo.
4. Hand ka na bang pabautismo? (Kung nais mong magpabautismo tiyakin mo na ito ay personal
mong pagpapasya na malagay ang pangalan mo sa talaan ng mga kaanib ng Morong Bible Church?

More Related Content

What's hot

Living in the Spirit
Living in the SpiritLiving in the Spirit
Living in the SpiritJesus is Lord
 
Mga Handog at Bunga ng Espiritu Santo
Mga Handog at Bunga ng Espiritu SantoMga Handog at Bunga ng Espiritu Santo
Mga Handog at Bunga ng Espiritu SantoSheryl Coronel
 
Christ is Risen & Will Come Again
Christ is Risen & Will Come AgainChrist is Risen & Will Come Again
Christ is Risen & Will Come AgainRic Eguia
 
Ritu ng Sakramento ng Kumpil
Ritu ng Sakramento ng KumpilRitu ng Sakramento ng Kumpil
Ritu ng Sakramento ng KumpilEllen Maala
 
Standing Strong Sermon 6 (Tagalog)
Standing Strong Sermon 6 (Tagalog)Standing Strong Sermon 6 (Tagalog)
Standing Strong Sermon 6 (Tagalog)Bong Baylon
 
Sacraments
SacramentsSacraments
Sacramentsjohn5683
 
Standing Strong Sermon 5 (English)
Standing Strong Sermon 5 (English)Standing Strong Sermon 5 (English)
Standing Strong Sermon 5 (English)Bong Baylon
 
"I AM APPRECIATED" - PTRA. LUCY BANAL - 7AM TAGALOG SERVICE
"I AM APPRECIATED" - PTRA. LUCY BANAL - 7AM TAGALOG SERVICE"I AM APPRECIATED" - PTRA. LUCY BANAL - 7AM TAGALOG SERVICE
"I AM APPRECIATED" - PTRA. LUCY BANAL - 7AM TAGALOG SERVICEFaithworks Christian Church
 
Nobena sa mahal na birhen ng mga dukha
Nobena sa mahal na birhen ng mga dukhaNobena sa mahal na birhen ng mga dukha
Nobena sa mahal na birhen ng mga dukhaJoemer Aragon
 
Pre Confirmation Seminar
Pre Confirmation SeminarPre Confirmation Seminar
Pre Confirmation SeminarJoemer Aragon
 
EPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
EPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICEEPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
EPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICEFaithworks Christian Church
 
April 24, 2022_ANG DAHILAN NG ATING PAGPAPASALAMAT
April 24, 2022_ANG DAHILAN NG ATING PAGPAPASALAMATApril 24, 2022_ANG DAHILAN NG ATING PAGPAPASALAMAT
April 24, 2022_ANG DAHILAN NG ATING PAGPAPASALAMATRaymundo Belason
 
Panalangin sa kaluluwa ni san gregorio
Panalangin sa kaluluwa ni san gregorioPanalangin sa kaluluwa ni san gregorio
Panalangin sa kaluluwa ni san gregorioCatherine Vargas
 

What's hot (20)

Living in the Spirit
Living in the SpiritLiving in the Spirit
Living in the Spirit
 
Mga Handog at Bunga ng Espiritu Santo
Mga Handog at Bunga ng Espiritu SantoMga Handog at Bunga ng Espiritu Santo
Mga Handog at Bunga ng Espiritu Santo
 
kumpil
kumpilkumpil
kumpil
 
Kumpil feb 3 2017
Kumpil feb 3 2017Kumpil feb 3 2017
Kumpil feb 3 2017
 
Baptismal catechesis
Baptismal catechesisBaptismal catechesis
Baptismal catechesis
 
Christ is Risen & Will Come Again
Christ is Risen & Will Come AgainChrist is Risen & Will Come Again
Christ is Risen & Will Come Again
 
Ritu ng Sakramento ng Kumpil
Ritu ng Sakramento ng KumpilRitu ng Sakramento ng Kumpil
Ritu ng Sakramento ng Kumpil
 
PRE CANA MODULE
PRE CANA MODULEPRE CANA MODULE
PRE CANA MODULE
 
Paghuhubog bagong l.c.
Paghuhubog bagong l.c.Paghuhubog bagong l.c.
Paghuhubog bagong l.c.
 
Standing Strong Sermon 6 (Tagalog)
Standing Strong Sermon 6 (Tagalog)Standing Strong Sermon 6 (Tagalog)
Standing Strong Sermon 6 (Tagalog)
 
Sacraments
SacramentsSacraments
Sacraments
 
Standing Strong Sermon 5 (English)
Standing Strong Sermon 5 (English)Standing Strong Sermon 5 (English)
Standing Strong Sermon 5 (English)
 
"I AM APPRECIATED" - PTRA. LUCY BANAL - 7AM TAGALOG SERVICE
"I AM APPRECIATED" - PTRA. LUCY BANAL - 7AM TAGALOG SERVICE"I AM APPRECIATED" - PTRA. LUCY BANAL - 7AM TAGALOG SERVICE
"I AM APPRECIATED" - PTRA. LUCY BANAL - 7AM TAGALOG SERVICE
 
Nobena sa mahal na birhen ng mga dukha
Nobena sa mahal na birhen ng mga dukhaNobena sa mahal na birhen ng mga dukha
Nobena sa mahal na birhen ng mga dukha
 
Pre Confirmation Seminar
Pre Confirmation SeminarPre Confirmation Seminar
Pre Confirmation Seminar
 
Puspos ng Banal na Espiritu
Puspos ng Banal na EspirituPuspos ng Banal na Espiritu
Puspos ng Banal na Espiritu
 
EPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
EPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICEEPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
EPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
 
April 24, 2022_ANG DAHILAN NG ATING PAGPAPASALAMAT
April 24, 2022_ANG DAHILAN NG ATING PAGPAPASALAMATApril 24, 2022_ANG DAHILAN NG ATING PAGPAPASALAMAT
April 24, 2022_ANG DAHILAN NG ATING PAGPAPASALAMAT
 
Panalangin sa kaluluwa ni san gregorio
Panalangin sa kaluluwa ni san gregorioPanalangin sa kaluluwa ni san gregorio
Panalangin sa kaluluwa ni san gregorio
 
Cfc clp talk 9
Cfc clp talk 9Cfc clp talk 9
Cfc clp talk 9
 

Similar to Lesson 6 pre encounter

2018 cfc clp talk 8 life in the holy spirit at the pangatlan chapel mexico pamp
2018 cfc clp talk 8 life in the holy spirit at the pangatlan chapel mexico pamp2018 cfc clp talk 8 life in the holy spirit at the pangatlan chapel mexico pamp
2018 cfc clp talk 8 life in the holy spirit at the pangatlan chapel mexico pampRodel Sinamban
 
2017 cfc clp talk 8 life in the holy spirit
2017 cfc clp talk 8 life in the holy spirit2017 cfc clp talk 8 life in the holy spirit
2017 cfc clp talk 8 life in the holy spiritRodel Sinamban
 
PBC SUNDAY WORSHIP.pptx
PBC SUNDAY WORSHIP.pptxPBC SUNDAY WORSHIP.pptx
PBC SUNDAY WORSHIP.pptxMei Miraflor
 
Emerging Ekklesia by Greg Simas
Emerging Ekklesia by Greg Simas Emerging Ekklesia by Greg Simas
Emerging Ekklesia by Greg Simas Berean Guide
 
Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!Truth
 
vdocuments.mx_sacramento-58a6d3bfa3ff6.ppt
vdocuments.mx_sacramento-58a6d3bfa3ff6.pptvdocuments.mx_sacramento-58a6d3bfa3ff6.ppt
vdocuments.mx_sacramento-58a6d3bfa3ff6.pptsrdemisabio
 
410629065-Sacrament-of-the-Holy-Eucharist.pptx
410629065-Sacrament-of-the-Holy-Eucharist.pptx410629065-Sacrament-of-the-Holy-Eucharist.pptx
410629065-Sacrament-of-the-Holy-Eucharist.pptxElmer982286
 
Presentation clss tagalog version
Presentation clss tagalog version Presentation clss tagalog version
Presentation clss tagalog version Melvin Angeles
 
ANG PAGTUTURO BA NA MGA APOSTOL TUNGKOL.pptx
ANG PAGTUTURO BA NA MGA APOSTOL TUNGKOL.pptxANG PAGTUTURO BA NA MGA APOSTOL TUNGKOL.pptx
ANG PAGTUTURO BA NA MGA APOSTOL TUNGKOL.pptxRaymundo Belason
 
CONFIRMATION.pptx
CONFIRMATION.pptxCONFIRMATION.pptx
CONFIRMATION.pptxRoseUligan
 
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016Rodel Sinamban
 
Four Spiritual Laws Tagalog
Four Spiritual Laws   TagalogFour Spiritual Laws   Tagalog
Four Spiritual Laws Tagalogangelsonline
 
Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2
Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2
Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2Rodel Sinamban
 
Lesson 2 pre encounter
Lesson 2 pre   encounterLesson 2 pre   encounter
Lesson 2 pre encounterRogelio Gonia
 

Similar to Lesson 6 pre encounter (20)

2018 cfc clp talk 8 life in the holy spirit at the pangatlan chapel mexico pamp
2018 cfc clp talk 8 life in the holy spirit at the pangatlan chapel mexico pamp2018 cfc clp talk 8 life in the holy spirit at the pangatlan chapel mexico pamp
2018 cfc clp talk 8 life in the holy spirit at the pangatlan chapel mexico pamp
 
sakramento ng binyag.pptx
sakramento ng binyag.pptxsakramento ng binyag.pptx
sakramento ng binyag.pptx
 
PBC- JULY 10.pptx
PBC- JULY 10.pptxPBC- JULY 10.pptx
PBC- JULY 10.pptx
 
2017 cfc clp talk 8 life in the holy spirit
2017 cfc clp talk 8 life in the holy spirit2017 cfc clp talk 8 life in the holy spirit
2017 cfc clp talk 8 life in the holy spirit
 
PBC SUNDAY WORSHIP.pptx
PBC SUNDAY WORSHIP.pptxPBC SUNDAY WORSHIP.pptx
PBC SUNDAY WORSHIP.pptx
 
Emerging Ekklesia by Greg Simas
Emerging Ekklesia by Greg Simas Emerging Ekklesia by Greg Simas
Emerging Ekklesia by Greg Simas
 
Cfc clp talk 12
Cfc clp talk 12Cfc clp talk 12
Cfc clp talk 12
 
Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!
 
vdocuments.mx_sacramento-58a6d3bfa3ff6.ppt
vdocuments.mx_sacramento-58a6d3bfa3ff6.pptvdocuments.mx_sacramento-58a6d3bfa3ff6.ppt
vdocuments.mx_sacramento-58a6d3bfa3ff6.ppt
 
410629065-Sacrament-of-the-Holy-Eucharist.pptx
410629065-Sacrament-of-the-Holy-Eucharist.pptx410629065-Sacrament-of-the-Holy-Eucharist.pptx
410629065-Sacrament-of-the-Holy-Eucharist.pptx
 
Presentation clss tagalog version
Presentation clss tagalog version Presentation clss tagalog version
Presentation clss tagalog version
 
Som 105-01 marturia presentation-tagalog
Som 105-01 marturia presentation-tagalogSom 105-01 marturia presentation-tagalog
Som 105-01 marturia presentation-tagalog
 
ANG PAGTUTURO BA NA MGA APOSTOL TUNGKOL.pptx
ANG PAGTUTURO BA NA MGA APOSTOL TUNGKOL.pptxANG PAGTUTURO BA NA MGA APOSTOL TUNGKOL.pptx
ANG PAGTUTURO BA NA MGA APOSTOL TUNGKOL.pptx
 
CONFIRMATION.pptx
CONFIRMATION.pptxCONFIRMATION.pptx
CONFIRMATION.pptx
 
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016
Cfc clp talk 8 life in the holy spirit june 2016
 
Ang-bagong-tipan.pptx
Ang-bagong-tipan.pptxAng-bagong-tipan.pptx
Ang-bagong-tipan.pptx
 
Clp sesyon 10
Clp sesyon 10Clp sesyon 10
Clp sesyon 10
 
Four Spiritual Laws Tagalog
Four Spiritual Laws   TagalogFour Spiritual Laws   Tagalog
Four Spiritual Laws Tagalog
 
Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2
Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2
Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2
 
Lesson 2 pre encounter
Lesson 2 pre   encounterLesson 2 pre   encounter
Lesson 2 pre encounter
 

More from Rogelio Gonia

HERE IN MY LIFE.docx
HERE IN MY LIFE.docxHERE IN MY LIFE.docx
HERE IN MY LIFE.docxRogelio Gonia
 
Bakit Nagagalit ang Diyos?
Bakit Nagagalit ang Diyos?Bakit Nagagalit ang Diyos?
Bakit Nagagalit ang Diyos?Rogelio Gonia
 
Performance task in 21st century 2022
Performance task in 21st century 2022Performance task in 21st century 2022
Performance task in 21st century 2022Rogelio Gonia
 
Demonstration sa AP6
Demonstration sa AP6Demonstration sa AP6
Demonstration sa AP6Rogelio Gonia
 
Flat and sharp chart
Flat and sharp chartFlat and sharp chart
Flat and sharp chartRogelio Gonia
 
Demonstration in music 6
Demonstration in music 6Demonstration in music 6
Demonstration in music 6Rogelio Gonia
 
Colonialmentality 161119140903
Colonialmentality 161119140903Colonialmentality 161119140903
Colonialmentality 161119140903Rogelio Gonia
 
Africa before the arrival of the europeans
Africa before the arrival of the europeansAfrica before the arrival of the europeans
Africa before the arrival of the europeansRogelio Gonia
 
It came upon a midnight clear
It came upon a midnight clearIt came upon a midnight clear
It came upon a midnight clearRogelio Gonia
 
Angels we have heard on high
Angels we have heard on highAngels we have heard on high
Angels we have heard on highRogelio Gonia
 
266098526 filipino-educators
266098526 filipino-educators266098526 filipino-educators
266098526 filipino-educatorsRogelio Gonia
 
257398180 filipino-education-philosophy-new-slide
257398180 filipino-education-philosophy-new-slide257398180 filipino-education-philosophy-new-slide
257398180 filipino-education-philosophy-new-slideRogelio Gonia
 
3. ict-lac-activity-cards-template
3. ict-lac-activity-cards-template3. ict-lac-activity-cards-template
3. ict-lac-activity-cards-templateRogelio Gonia
 
3. ict-lac-activity-cards-template2
3. ict-lac-activity-cards-template23. ict-lac-activity-cards-template2
3. ict-lac-activity-cards-template2Rogelio Gonia
 
3 types of proportion
3 types of proportion3 types of proportion
3 types of proportionRogelio Gonia
 
Session 7 bridging among 14 domains
Session 7 bridging among 14 domainsSession 7 bridging among 14 domains
Session 7 bridging among 14 domainsRogelio Gonia
 

More from Rogelio Gonia (20)

HERE IN MY LIFE.docx
HERE IN MY LIFE.docxHERE IN MY LIFE.docx
HERE IN MY LIFE.docx
 
Bakit Nagagalit ang Diyos?
Bakit Nagagalit ang Diyos?Bakit Nagagalit ang Diyos?
Bakit Nagagalit ang Diyos?
 
Performance task in 21st century 2022
Performance task in 21st century 2022Performance task in 21st century 2022
Performance task in 21st century 2022
 
Demonstration sa AP6
Demonstration sa AP6Demonstration sa AP6
Demonstration sa AP6
 
Flat and sharp chart
Flat and sharp chartFlat and sharp chart
Flat and sharp chart
 
Demonstration in music 6
Demonstration in music 6Demonstration in music 6
Demonstration in music 6
 
Colonialmentality 161119140903
Colonialmentality 161119140903Colonialmentality 161119140903
Colonialmentality 161119140903
 
Africa before the arrival of the europeans
Africa before the arrival of the europeansAfrica before the arrival of the europeans
Africa before the arrival of the europeans
 
What child is this
What child is thisWhat child is this
What child is this
 
The first noel
The first noelThe first noel
The first noel
 
O come
O comeO come
O come
 
It came upon a midnight clear
It came upon a midnight clearIt came upon a midnight clear
It came upon a midnight clear
 
Angels we have heard on high
Angels we have heard on highAngels we have heard on high
Angels we have heard on high
 
266098526 filipino-educators
266098526 filipino-educators266098526 filipino-educators
266098526 filipino-educators
 
257398180 filipino-education-philosophy-new-slide
257398180 filipino-education-philosophy-new-slide257398180 filipino-education-philosophy-new-slide
257398180 filipino-education-philosophy-new-slide
 
3. ict-lac-activity-cards-template
3. ict-lac-activity-cards-template3. ict-lac-activity-cards-template
3. ict-lac-activity-cards-template
 
3. ict-lac-activity-cards-template2
3. ict-lac-activity-cards-template23. ict-lac-activity-cards-template2
3. ict-lac-activity-cards-template2
 
3 types of proportion
3 types of proportion3 types of proportion
3 types of proportion
 
Week7 lecture10
Week7 lecture10Week7 lecture10
Week7 lecture10
 
Session 7 bridging among 14 domains
Session 7 bridging among 14 domainsSession 7 bridging among 14 domains
Session 7 bridging among 14 domains
 

Lesson 6 pre encounter

  • 1. Lesson 6 – Pre-Encounter NAGKAKAISA SA BAUTISMO Mat 28:18 At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin. Mat 28:19 Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Mat 28:20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan. Rom 6:1 Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana? Rom 6:2 Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan? Rom 6:3 O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan? Rom 6:4 Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay. Rom 6:5 Sapagka't kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli; Sa isang Valentines banquet para sa mga magasawa, nagkaroon ako ng pagkakataon na hamunin ang mahigit na 50 magasawa na muling sariwain ang kanilang sumpaan sa isat-isa. Nais kong ibalik ang Layunin: 1. Upang maunawaan ng mga alagad na ang bautismo ay ibinigay na kautusan ng Panginoon, na ipinapahayag natin sa lahat an gating natamong kaligtasan sa pamamagitan ni Hesus, at an gating commitment na mabuhay para sa Kanya. Hindi ito isang pangangailangan sa ikaliligtas, subalit hindi rin naman ito dapat bale-walain. 2. Upang patibayin na ito ay ginaganap sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig, pagkat ito ang nagpapakita ng kamatayan, pagkalibing, at pagkabuhay na maguli n gating Panginoong Hesus. 3. Upang ipaalam nan g tanggapin natin an gating Panginoong Hesus bilang ating Tagapagligtas sa ating puso, tayo ay binautismuhan ng Banal na Espirito sa buong katawan ni HesuKristo. Ang bautismo sa tubig ay dapat agad ganapin matapos nating maipahayag sa lahat an gating kaligtasan, pagibig, at commitment, na siyang nagsasama sa atin local na Iglesia n gating Panginoong Hesus.
  • 2. kanilang ala-ala ng silay kasalin, na ang lahat na naipangako nila sa isat-isa ito ay pananagutan nila sa harap ng Diyos. Sa pagtatapos ng mensahe, ang lahat ay muling nanumpa sa harap ng lahat. Napakagandang tanawin na habang sila’y magkakahawak kamay at nakatingin sa isat-isa ay muli nilang binanggit na sila’y magmamahalan hanggang sa kamatayan. Sa paglipas ng panahon lalong gumaganda ang kanilang pagsasama kung palagiang sasariwain ang kanila mga sinumpaan. Ang singsing din ay isang simbolo na nagpapaalaala sa magasawa ng kanilang sumpaan na magmamahalan habang nabubuhay. Kapag ito’y isinusuot, ito’y nagpapahayag na ang kanilang pagibig ay may nagmamayari na. Sa buhay espiritual ito’y katotohanan din, ng tayo ay maging Kristiano. Nang isuko natin ang buhay natin sa ating Panginoong Hesus, ang Diyos ay nagbigay ng simbolo na ang ating buhay ay pagaari na ni Jesusristo. Ang simbolong ito ay ang bautismo. Kung babalikan natin ang ilang talata sa Bagong Tipan, nais kong bigyang pansin ang apat na mahahalagang bagay tungkol sa bautismo. I. ITO AY ITINATAG: Kapag pinaguusapan natin ang tungkol sa bautismo, linawin natin na ito ay hindi lamangbahagi ng mga tradisyon na pinasimulan ng iglesia, ito ay isang gawaing itinatag at pinatibay ng Panginoong Hesus sa Kanyang iglesia. Ang Mathew 28:18-20 ay tinatawag na “Great Commission” na ibinigay sa mga alagad bago umakyat sa langit angating Panginoon. Bago Siya umakyat sa langit, inipon Niya ang mga nauna Niyang mga alagad at inutusan sila na ipangaral ang Ebanghelyo sa lahat ng bansa. Bahagi ng kautusang ito ay; “bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Banal Na Espirito. Una, tingnan natin ang talata 18 na sinabi ni Hesus, “ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay ibinigay na sa akin.” Makikita natin ang bigat at kahalagahan ng utos na ito: A. Bilang Diyos at Panginoon ng buong sanlibutan, ibinigay ni Jesus sa atin ang kautusang ito. Hindi niya ito ipinakikiusap o tayo’y hinihikayat kundi inuutusan. Kung hindi natin ito gawin, tayo ay nagkakasala. B. Isa pang mahalagang katotohanan mula sa great commission ay ang mga salitang ito. “at narito ako’y sumasainyong palagi hanggang sa katapusan ng panahon.” Maliwanag, sinasabi ni Hesus na ang kautusang ito ay kailanagang ganapin hanggang katapusan ng mundo. Hanggang ang mga tao ay nagiging alagad ni Hesus, kalooban Niya na ang iglesia ay bautismuhan sila. Lahat ay kasama s utos na ito. 1. Bakit kailangan nating seriosohin ang kautusang ito? ______________________________________________________________________________
  • 3. Kung babasahin natin ang book of Acts, bago dumating ang Banal na Espirito sa chapter 2, si apostol Pedro ay nagkaroon ng pagkakataong mangaral sa libong katao tungkol sa ating Panginoong Hesus. Kung titingnan natin ang verse 41, makikita natin na ginawa ng mga alagad ang ipinaguutos sa kanila. Act 2:41 Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa. Bakit meron ngayon na gusto nilang tanggapin si Hesus bilang Tagapagligtas, pero ayaw namang magpabautismo? Nais kong ulitin na ang bautismo’y kung ayaw ay pwede. Ito’y kautusan kaya ito ay dapat sundin, kung ayaw mong sumunod, sinasabi ni Hesus na ito’y nagpapakita ng kawalan mo ng pagibig sa Kanya.Joh 14:15 Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos. Umaasa ako na angating pagkamasunurin sa Panginoon ay magdala sa atin sa isang buhay na puno ng ligaya, at mabunga sa ating paglilingkod sa Kanya. Ang hindi pagpapabautismo ay tinatawag na “sin of omission.” Kung nais natin na dinggin angating mga panalangin kailangang sundin natin ang Kanyang mga kautusan. Kadalasan nagtataka tayo kung bakit hind natin nararanasan ang mga pagpapala ng Diyos. Siyasatin ninyo ang inyong buhay kung ang bagay na ito ay dapat ninyong ituwid. Ang pagpapabautismo ba ay kailangan sa isang mananampalataya? ___________________________________________________________________________ II. TO AY PAGTUBOG: Ang isang mahalagang katanungan tungkol sa bautismo ay, anong klase ng bautismo ang itinuturo ng Biblia? Ito ba’y pawisik, pabuhos o patubog?Kung masusi nating pagaaralan ang Biblia, ang pagtubog ang nagiisang paraan na dapat sundin ng tunay na iglesia ni Kristo. Ito ang mga dahilan: A. Ang salita mismo ay nangangahulugan ng itubog. Ang ginagamit nating salita ay bautismo,na sa English ay baptism na galing naman sa salitang Griego na baptizo na ang kahulugan ay ilubog, kailangang gawin nati ang ibig sabihin ng salita. May ibang salitang Griego na epicheo na ibig sabihin ay buhusan at rhantizo na ibig sabihin naman ay wisikan. Ang mga salitang ito ay hindi nagamit pamalit sa salitang baptizo na ang kahulugan ay ilubog kung Bibliua ang paguusapan. B. Halimbawa ng bautismo sa Bagong Tipan May dalawang halimbawa ang Bagong Tipan sa paggamit ng bautismo na ang kahulugan ay ilubog. Una ay ang bautismo ngating Panginoong Hesus; Mar 1:9 At nangyari nang mga araw na yaon, na nanggaling si Jesus sa Nazaret ng Galilea, at siya'y binautismuhan ni Juan sa Jordan.
  • 4. Mar 1:10 At karakarakang pagahon sa tubig, ay nakita niyang biglang nangabuksan ang mga langit, at ang Espiritu na tulad sa isang kalapati na bumababa sa kaniya: Kung papansinin natin ang talatang 10, “At karakarakang pagahon sa tubig,” ito’y nagpapakita na si Hesus ay inilubog sa tubig, kung Siya ay umahon mula sa tubig nangangahulugan na galing siya sa tubig. Alam ba ninyo kung bakit sa ilog nagbabautismo si Juan? Ito ang pahahayag sa atin: Joh 3:23 At bumabautismo rin naman si Juan sa Enon na malapit sa Salim, sapagka't doo'y maraming tubig: at sila'y nagsiparoon, at nangabautismuhan. Si Juan ay nagbabautismo sa ilog sa dahilang maraming tubig doon. Kung nagbabautismo siya ng pabuhos o pawisik, ang isang pitsel ng tubig ay maaari nang makabautismo ng isang libong katao. Ang pangalawang halimbawa ay matatagpuan natin sa book of Acts. Nang ang unang iglesiaaymagpasimulang bumautismo, sila rin ay nagbautismo ng pagtubog.Sa Acts 8:38-39, makikita mo na si Philip ay binautismuhan ang Ethiopian eunuch na nadala niya sa Panginoon. Pansinin ninyo na ang talata ay gumamit ng katulad nan a salita na,“At ipinagutos niyang itigil ang karo: at sila'y kapuwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang bating; at kaniyang binautismuhan siya. At nang magsiahon sila sa tubig, ay inagaw si Felipe ng Espiritu ng Panginoon; at hindi na siya nakita ng bating, sapagka't ipinagpatuloy niya ang kaniyang lakad na natutuwa.” Muli, makikita natin si Philip at ang Eunoch na lumusong sa tubig para magbautismo at nagsiahon sila mula sa tubig na nagpapahayag na paglubog sa tubig. Mula sa halimbawang nabasa natin ay maliwanag na ang pagbabautismo ay sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig. 2. May pagkakaiba ba kung tayo ay inilubog o winisikan sa ating bautismo.” Bakit? __________________________________________________________________________________ III. PARA SILA MAISAMA(identification): Mahalaga ito para sa mga tunay na mananampalataya na pumailalim sila sa kautusang ito ni Hesus aty dapat nila itong gawin sa oras na sila’y sumasampalataya.Sa Romans 6:3-5, ipinaliwanag ni apostol Pablo sa mga mananampalataya sa Roma na sila ay naisama sa pagkamatay, pagkalibing at pagkabuhay na maguli ni Kristo sa pamamagitan ng bautismo. Sa pagbabautismo, ito ay isang pagpapahayag na siya ay kabilang na kay Hesus at siya ay sumasampalataya sa Ebanghelyo. Alam ba ninyo kung ano angating Ebanghelyo? 1Co 15:1 Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan, 1Co 15:2 Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.
  • 5. 1Co 15:3 Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan, 1Co 15:4 At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan; Angating kaligtasan ay nakabatay sa ating pananampalataya sa kamatayan, pagkalibing at pagkabuhay na maguli ni Kristo. Ang bautismo natin ang sumisimbulo sa Ebangheyong nakapagliligtas. Nagbibigay din ito ng halaga sa paraang paglulubog sapagkat ito ang naglalarawan ng pagkamatay, pagkalibing at muling pagkabuhay na hindi natin makikita sa pagbuhos o pagwisik ng tubig. Sa simbolong ito nagbibigay din ng liwanag na ang bautismo ay hindi nakapagliligtas. Sa bautismo ipinapahayag mo ang isang bagay na nangyari na sa iyo. Sa pamamagitan ng pananampalataya mo sa kamatayan ni Kristo sa krus at sa pagtanggap mo sa Kanya bilang Panginoon ng iyong buhay at Tagapagligtas, ikaw ay ay binigyan ng buhay na walang hanggan at naligtas sa kaparusahan ng impyerno. Ang bautismo naman ang paraan ng iyong pagpapahayag ng bagay na ito na nangyari na sa iyo. Ang pagkakaayos sa Bagong Tipan ay ganito, ang tao’y kailangang sumampalataya, ipinagkakaloob sa kanya ng Diyos ang buhay na walang hanggan, at ipinapahayag niya ito sa pamamagitan ng bautismo. Act 2:41 Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa. Sa kabanatang ito, nangaral si Pedro tungkol kay HesuKristo, yaong mga tumanggap kay Kristo ang siyang pinagbabautismuhan. Naaayon din ito sa isang texto sa Romans na ang bautismo ay isang pagpapahayag lamang sa pakikipagkaisa kay Kristo na Siyang Tagapagligtas. Ang bautismo rin ang nagbibigay ng pagkakataon nalantarangmaipahayag ang tungkolsaatingPanginoonat Tagapagligtas. Nagbigay ng babala si Kristo kung ano ang mangyayari sa mga taong ikinahihiya Siya, Mat 10:32 Kaya't ang bawa't kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit. Mat 10:33 Datapuwa't sinomang sa aki'y magkaila sa harap ng mga tao, ay ikakaila ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit. Hindi natin dapat ikahiya angating Tagapagligtas na napakalaki ang nagawa para sa atin.Sa pamamagitan lamang ng Kanyang ginawa sa krus tayo ay naligtas. Kung tayo ay mayroong bagong buhay, bagong pagasa ang lahat ng ito ay sa pamamagitan lamang ngating Panginoong Hesus. 3. Kaya moba na ipahayag at ipakita sa lahat ang bago mong buhay at katapatan sa isang nagligtas sa iyo, ang Panginoong Hesus? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ I. ITO’Y PARA SA PAGANIB Ang bautismo ang siyang naglalagay sa mananampalataya bilang kaanib sa katawan ni Kristo. Makikita natin ito sa Act 2:41 Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa. Act 2:42 At sila'y nagsipanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin.
  • 6. Ayon sa talata 41, matapos tanggapin ng mga tao si nKristo, sila’y binautismuhan, at nadagdag sila sa iglesia, sa talata 42, sila’y nakisama at nakiisa sa buhay ng iglesia. Ganito ang makikita nating kaayusan, Sila’y sumampalataya, sila’y binautismuhan at sila’y naanib sa iglesia. Sa katunayan ang nangyari sa kanila na pisikal ay nangyari na spiritually sa pamamagitan ng Banal na Espirito. Itinuro ni apostol Pablo ang doktrinang ito sa mga taga Corinto. 1Co 12:13 Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu. Ang kahulugan ng pagbabautismo ng Banal na Espirito sa talatang ito, ay ang paglalagay sa isang taong sumampalataya sa pangkalahatang katawan ni Kristo sa pamamagitan ng Banal na Espirito. Mayroon lamang isang Iglesia na pangkalahatan na ang lahat na mananampalataya kay HesuKristo sa buong daigdig ay kaanib. Kung ang bautismo nating espiritual sa pamamagitan ng Banal na Espirito ay naglalagay sa atin bilang kaanib ng pangkalahatang Iglesia, ang bautismo naman ng pastor ang siyang naglalagay sa atin sa local na iglesia tulad ng Morong Bible Church. Kaya nga ang bautismo sa tubig ay isang panglabas na pagpapakita sa isang uri ng bautismo na nauna nang nangyari sa atin sa pamamagitan ng Banal na Espirito. Ayon sa pagtuturo ng Biblia, ang bautismo ay nangyayari sa oras na tayo ay sumampalataya, ganon pa man ang pagiging bahagi natin ng isang iglesia ay napakahalaga sa ating paglago at pagiging mabunga kaya ito ipinagutos ni Kristo. Kaya Niya ito ipinagutos ay dahil mahal Niya tayo, alam Niya na angating paglago ay nakasalalay lamang sa mga taong ibinigay Niya sa mga iglesia upang turuan at sanayin ang mga mananampalataya sa kanilang bagong buhay kay Kristo. 4. Hand ka na bang pabautismo? (Kung nais mong magpabautismo tiyakin mo na ito ay personal mong pagpapasya na malagay ang pangalan mo sa talaan ng mga kaanib ng Morong Bible Church?