SlideShare a Scribd company logo
1 of 74
Download to read offline
ARALING PANLIPUNAN
KASAYSAYAN NG DAIGDIG
MODYUL 4
ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIG (IKA-20
SIGLO HANGGANG SA KASALUKUYAN): MGA
SULIRANIN AT HAMON TUNGO SA
PANDAIGDIGANG KAPAYAPAAN,
PAGKAKAISA, PAGTUTULUNGAN, AT
KAUNLARAN
Aralin 1 – Unang Digmaang Pandaigdig
Aralin 2 – Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Aralin 3 – Mga Ideolohiya, Cold War at
Neokolonyalismo
Aralin 4 – Ang United Nations at Iba Pang
Pandaigdigang Organisasyon, Pangkat at
Alyansa
PANIMULA:
Mababakas sa ika-19 na siglo sa kasaysayan ng daigdig, ang malawakang
paglaganap ng diwang nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi nito. Iisang lahi, iisang lipi,
magkatulad na wika, relihiyon at pagpapahalaga ang pangunahing salik na nabunsod
sa diwang nasyonalismo. Kasabay nito ay ang pag-unlad ng agham, industriya at
kaisipang pampulitika ng mga bansa.
Subalit sa pasimula ng ikalawang dekada ng ika- 20 siglo maraming pangyayari
ang naganap na gumimbal sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Naganap ang Una at
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sinundan ng iba’t ibang ideolohiya, Cold War at ang
malawakang Neokolonyalismo ng mga superpowers na bansa. Upang mawakasan ang
di- pagkakaunawaan bumuo ang mga bansa ng pandaigdigang samahan na siyang
mangunguna sa pag-aayos ng lahat ng sigalot ng mga bansa.
Sa pagkakataong ito, susuriin natin ang mahalagang papel na ginampanan ng
mga bansa upang matamo ang pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan at kaunlaran mula ika-20 siglo hanggang sa kasalukuyan. Ang mga
babasahin at teksto ang magsisilbing gabay upang masagot mo ang tanong na paano
ka makakatulong upang makamit ang pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa,
kapayapaan at
kaunlaran?
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
kahalagahan ng pakikipag-ugnayan at sama-samang pagkilos sa kontemporaryong
daigdig tungo sa pandaigdigang kapayapaan, pagtutulungan at kaunlaran.
Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa mga Gawain,
program at proyektong pangkomunidad at pambansa na nagsusulong ng rehiyunal at
pandaigdigang pangkapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan at kaunlaran.
Ang Kontemporaryong Daigdig (Simula
sa Ika-20 Siglo Hanggang sa
Kasalukuyan): Mga Suliranin at Hamon
Tungo sa Pandaigdigang Kapayapaan,
Pagkakaisa, Pagtutulungan at
Kaunlaran
Pamantayan sa Pagkatuto
Aralin I - Ang Unang Digmaang
Pandaigdig
 Nasusuri ang mga dahilan na
nagbigay daan sa Unang Digmaang
Pandaigdig
 Nasusuri ang Mahahalagang
pangyayari naganap sa Unang
Digmaang Pandaigdig Natataya ang
mga epekto ng Unang Dimaang
Pandaigdig
 Nasusuri ang pagsisikap ng mga
bansa na makamit ang kapayapaang
pandaigdig at kaunlaran
Aralin II- Ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
 Nasusuri ang mga dahilan na
nagbigay daan sa Ikalawang
Digmaang Pandaidig Nasusuri ang
mahahalagang pangyayari naganap
sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Natataya ang mga epekto ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
 Nasusuri ang pagsisikap ng mga
bansa na makamit ang kapayapaang
pandaigdig at kaunlaran
Aralin III- Mga Ideolohiya, Cold War at
Neokolonyalismo
 Nasusuri ang mga ideolohiyang
pulitikal at ekonomik sa hamon ng
establisadong institusyon ng lipunan.
 Natataya ang epekto ng Cold War sa
iba’t ibang bahagi ng daigdig
 Nasusuri ang mga epekto ng
neokolonyalismo sa pangkalahatang
kalagayan ng papaunlad at di-
maunlad na bansa
Aralin IV- Ang United Nations at Iba
Pang Pandaigdigang Organisasyon,
Pangkat at Alyansa
 Nasusuri ang bahaging ginampanan
ng mga pandaidigang organisasyon
sa pagsusulong ng pandaigdigang
kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan, at kaunlaran.
 Ang United Nations at ang mga
sangay nito
 Mga organisasyon at alyansa
 Mga pang-ekonomikong organisasyon
at trading blocs
1. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang
Pandaigdig maliban sa:
A. pagtatatag ng Nagkakaisang Bansa
B. pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente.
C. pagpapalakas ng hukbong militarng mga bansa.
D. pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa
Gamiting gabay ang mapa ng Europe upang masagot ang tanong sa ibaba.
2. Sinasabing sa Kanlurang Europe naganap ang pinakamainit na labanan sa
panahon ng World War I . Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nauugnay dito?
A. Labanan ng Austria at Serbia
B. Digmaan ng Germany at Britain
C. Paglusob ng Rusya sa Germany
D. Digmaan mula sa Hilagang Belgium hanggang sa hangganan ng Switzerland
PANIMULANG PAGTATAYA
3. Isang ideolohiya at uri ng pamahalaan na nagbibigay ng pantay na karapatan at
kalayaan anuman ang kanilang kinabibilangang lahi, kasarian o relihiyon
A. Demokrasya
B. Liberalismo
C. Kapitalismo
D. Sosyalismo
4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag ng katagang ito “
Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa impluwensyang dayuhan”
A. Napapanatili ang kultura ng isang bansa
B. Pinakikinabangan ng mga dayuhan ang likas na yaman ng mga kolonya
C. Ang kulturang dayuhan ang pinahalagahan ng mga bansang umuunlad pa lamang
D. Nababago ng mga dayuhan ang kultura ng kolonya sa pamamagitan ng
iba’t ibang impluwensya
5. Bakit ikinagalit ni Adolf Hitler ang mga probisyon ng Kasunduan sa
Versailles?
A. Ginawang Mandated Territory ang lahat ng kolonya ng Germany
B. B. Pinagbayad ang Germany ng malaking halaga para sa reparasyon
C. Dahil ito ay kasunduang nabuo lamang ng samahang Triple Entente
D. Naniniwala si Hitler na labis na naapi ang Germany sa mga probisyong
nakasaad dito
6. Ang kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng World
War I
A. Treaty of Paris
B. United Nations
C. League of Nations
D. Treaty of Versailles
Suriin ang T-diagram sa ibaba, gawing gabay ito upang masagot ang tanong sa
bilang 7-8
7. Alin sa mga sumusunod ang impormasyong dapat ilagay sa gitna ng T-diagram?
A. 17th parallel at 38th parallel
B. 38th parallel at 17th parallel
C. 19th parallel at 38th parallel
D. 38th parallel at 19th parallel
8. Mahihinuha sa mga impormasyon sa T- diagram, na nahati ang Korea at Vietnam
matapos ang World War I. Bakit kaya nagkaroon ng paghahati ang ilang bansa sa
Asya?
A. Upang magkaroon ng tiyak na hangganan
B. Dahil sa magkaibang kultura ng dalawang bansa
C. Upang mas masukat ang pag-unlad ng ekonomiya ng dalawang bansa
Demokrasya Komunismo
D. Dahil sa magkaibang paniniwala, ideolohiya, at prinsipyo, ipinaglalaban ng bawat
bansa
9. Pahayag I: Ang United Nations ay naging matagumpay na pigilan ang
pagsiklab ng digmaang pandaigdig dahil ito ay nagging
pandaigdigang forum upang pag-usapan ang sigalot ng mga
bansa
Pahayag II: Nabigo ang UN na magpatupad ng mga resolusyon ukol sa pang-aabuso
ng Israel sa karapatang pantao ng mga Palestinian.
A. Tama ang pahayag I at Mali ang pahayag II
B. Mali ang pahayag I at tama ang pahayag II
C. Parehong tama ang pahayag I at II
D. Parehong mali ang pahayag I and II
10. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa
pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers
B. Pagpapalabas ng labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
C. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia
D. Pagwawakas ng mga Imperyo sa Europa tulad ng Alemanya, Austria- Hungary,
Rusya, at Ottoman
11. Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Alin ang hindi kabilang sa mga pangyayari pagkatapos ng digmaan?
A. Naitatag ang United Nation
B. Nagkaroon ng World War III
C. Nawala ang Fascism at Nazism
D. Nagkaroon sa daigdig ng labanan ng ideolohiya
12. Alin sa mga sumusunod ang nagtatakda ng pagiging kaanib ng UN?
A. Mga bansang nanalo sa digmaan
B. Bansang may kakayahang magbigay ng taunang butaw
C. Anumang sukat at populasyon ng bansa na nagmamahal sa kalayaan
D. Mga bansang naapektuhan ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Gamitin ang mga larawan upang masagot ang tanong bilang
13. Alin sa mga sumusunod ang mahihinuha mo mula sa larawan?
A. Maraming ari-arian at buhay ang nawawasak dahil sa digmaan
B. Malaking halaga ang kailangan para sa reparasyon pagkatapos ng digmaan
C. Sa mga digmaan, walang panalo, walang talo, lahat ng bansang sangkot ay
apektado
D. Lahat ng nabanggit
14. Ang Cold War ay digmaan ng nagtutungaling ideolohiya ng dalawang
makapangyarihang bansa o superpower. Anong dalawang bansa ang nakaranas nito
matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. US at USSR
B. US at France
C. Germany at USSR
D. Germany at France
15. Alin sa mga sumusunod ang tiyakang pakinabang na matatanggap ng mga bansa
kung sasanib sila sa APEC?
A. Karagdagang subsidiya sa pagtatayo ng mga imprastraktura
B. Tulong militar laban sa magtatangkang sakupin ang kalabang bansa
C. Pagtutulungang ekonomiya at teknikal sa pag-papaunlad ng agham at
ekonomiya
D. Pagpasok sa pamilihan at pag-aalis ng buwis sa mga produkto ng mga kasaping
bansa
16. Anong konklusyon ang mahihinuha mo sa pahayag na “ Ang kasunduan sa
Versailles ang nagsilbing binhi ng World War II”
A. Pabor sa lahat ng bansang sangkot ang mga probisyon ng kasunduan sa
Versailles
B. Ang kasunduan sa Versailles sa pagitan ng Allies at Germany ang opisyal na
nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig
C. Ang mga probisyon ng Kasunduan sa Versailles ang nagtulak sa Germany
upang maghimagsik sa mga arkitekto nito
D. Naging mahina ang League of Nationsna isa sa mga probisyon ng kasunduan
upang mapanatili ang kapayapaan ng mga bansa
17. Ang mga pahayag sa ibaba ay maaaring maranasan ng mga mamamayang
naninirahan sa US at Pilipinas, alin ang hindi kabilang?
A. May karapatang makaboto
B. May kalayaan sa pananampalataya
C. Militar ang nangingibabaw sa sibilyan
D. Lahat ng mga mamamayan ay may karapatan sa edukasyon
18. Malaki ang naging epekto ng Cold War s ekonomiya ng mga bansa sa Asya at
Kanluran. Paano nagsimula ang Cold War?
A. Pagnanais ng Russia na sakupin ang United States
B. Tinanggihan ng Russia ang mga kalakal mula sa United States
C. Pangingibabaw ng dalawang ideolohiya ng dalawang makapangyarihang bansa
D. Hindi pagbibigay ng pahintulot ng United States sa mga Ruso na makapasok sa
kanilang bansa
19. Alin sa mga sumusunod ang ipinakikita ng chain of events sa ibaba.
A. Mga salik na nagbigay daan sa World War I
B. Mga salik na nagbigay daan sa World War II
C. Mga pangyayaring naganap sa World War
D. Mga pangyayaring naganap sa World War II
Basahin at unawain ang talata sa ibaba upang sagutin ang tanong.
Noong World War II, nakalikha ang United States ng sandatang nukleyar sa
ilalim mg Manhattan Project. Ang lakas ng pwersang pinapakawalan ng bombang ito ay
katumbas ng pinasabog na TNT na nasa kilotons o megatons ang bigat.
Ika-6 ng Agosto 1945 nang hulugan ng bombang nukleyar ng mga
Amerikano ang Hiroshima at Nagasaki sa Japan. Nagdulot ito ng pagkasawi ng
maraming tao at pagkawasak ng mga imprastraktura. Disyembre 1983, nang may ilang
siyentipikong naglabas ng kanilang pag-aaral sa posibleng epkto ng pagpapasabog ng
sandatang nukleyar sa mga klima sa mundo na tinawag na nuclear winter theory. Ayon sa
teorya, ito ay magtatapon ng usok at alikabok na sapat upang takpan ang araw sa loob ng
maraming buwan na magiging sanhi ng paglamig ng klima ng mundo na ikamamatay ng mga
halaman at mga bagay na may buhay.
Pinagkunan- http://en.wikipedia.org/wiki/Nuclear_Weapons
20. Inilahad sa talata sa itaas ang posibleng epekto ng sandatang nukleyar sa
daigdig? Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang nararapat ipatupad ng mga
bansa sa daigdig hinggil dito?
A. Maaaring gumamit ng plantang nukleyar upang mapanatili ang kapayapaan sa
daigdig
B. Dapat ipagbawal ang paggamit nito upang maiwasan ang epekto sa tao at halaman
C. Nararapat magkaroon ng patakaran sa paggamit at siyasatin ang mga plantang
nukleyar ng mga bansa
D. Nararapat na magkaroon ang bawat bansa ng sandatang nukleyar sapagkat
mahalaga sa bawat bansa ang pwersa.
ALAMIN
GAWAIN 1: Konseptong Digmaan, Punan!
Ipagawa ang puzzle sa mga mag-aaral. Ipaalalang hindi nila kailangang masagot
ang lahat ng bilang.
Panuto:
Ano ang konseptong tinutukoy ng grupo ng mga salita sa bawat bilang. Isulat
ang nawawalang letra sa mga kahon upang matukoy iyon. Pansining may ibinigay nang
mga letra upang maisip ang wastong sagot.
1. Pagkakampihan ng mga bansa
A Y A
2. Pagpapalakas ng mga bansang sandatahan ng mga bansa sa Europe.
M I T A S O
3. Panghihimasok ng mga makakapangyarihang bansa sa mahihinang bansa.
I P Y L O
4. Pagmamahal sa bayan.
N S N L M
5. Bansang kaalyado ng France at Russia.
G T B T N
Sa bahaging ito ng aralin, tutuklasin ng guro ang dating kaalaman ng mga mag-
aaral tungkol sa mga dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig at mga pangyayaring
nagpapakita kung paano ito lumaganap, nagpatuloy at nagwakas. Bibigyang – pansin
ang matinding epekto na iniwan ng digmaan. Inaasahang masasagot ng mga mag-
aaral ang katanungang “Paano nagsikap ang mga bansa na wakasan ang Unang
Digmaang Pandaigdig?”. Ihanda ang mga mag-aaral sa pagtupad at pagsasagawa ng
mga gawain.
ARALIN 1: ANG UNANG DIGMAANG
PANDAIGDIG
6. Organisasyon ng mga bansa pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig.
E E F A O
7. Kasunduang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig.
V S I L S
8. Ang entablado ng Unang Digmaang Pandaigdig.
R P
9. Siya ang lumagda sa Proclamation of Neutrality
W D O L N
10. Alyansang binubuo ng Austria- Hungary, Germany at Italy.
T L E L I N E
Sagot sa mga Tanong:
1. Alyansa
2. Militarismo
3. Imperyalismo
4. Nasyonalismo
5. Great Britain
6. League of Nations
7. Versailles
8. Europe
9. Woodrow Wilson
10. Triple Alliance
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mahihinuha sa salitang iyong nabuo?
2. May magkakaugnay bang salita? Kung mayroon, paano ito nagkaugnay?
3. Ano ang kaugnayan nito sa naganap na Unang Digmaang Pandaigdig?
GAWAIN 2: Sapot ng Kaaalaman
Matapos sagutin ang puzzle, ipasulat sa mga mag-aral ang mga salitang
maiuugnay sa bawat konseptong nasa loob ng Fact Storming Web. Gagamitin ang mga
gabay na tanong upang maiugnay ito sa paksang tatalakayin.
Maaaring magpalitan ng mga tanong at kuru-kuro ang mga mag-aaral tungkol sa
kanilang kasagutan.
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang naging batayan mo sa pagsagot ng gawain?
2. Bakit kaya nagkakaroon ng digmaan?
3. Ipaliwanag ang mga posibleng mangyari sa panahon ng digmaan?
4. May pagkakatulad ba ang kasagutan mo sa kasagutan ng kaklase mo? sa paanong
paraan?
GAWAIN 3: Picture-nalysis
Ipasuri ang larawan. Ipasagot ang mga pamprosesong tanong
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang ideyang ipinakikita ng larawan?
2. Kung magiging saksi ka sa ganitong pangyayari, ano ang posible
mong maramdaman?
3. Paano kaya maiiwasan ang mga digmaan sa daigdig?
PAUNLARIN
Ipabasa ang kasunod na teksto upang magsilbing sanggunian sa paggawa ng
pangkatang gawain. Gamit ang binasang teksto tungkol sa Unang Digmaang
Pandaigdig. (Project Ease Modyul 17 ph. 9-12), ipabasa at ipaunawa sa mga mag-aaral
ang nilalaman nito upang magamit sa susunod na gawain.
Sa bahaging ito, simulan ang pagpapaunlad ng aralin. Bigyang-diin ang
pagtutuwid sa maling pag-unawa ng mga mag-aaral. Balikan ang mga
sagot sa bawat gawain sa unang bahagi ng yunit upang magabayan ang
pang-unawa ng mga mag-aaral.
Gawain 4: Magkwentuhan Tayo!
Gamiting gabay ang kasunod na Story Map upang masuri ang dahilan,
pangyayari, at epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig.
Tandaan: Sa pagsusuri ng Story Map, tanggaping lahat ang kasagutan ng mga
mag-aaral. Maaaring magbigay ng ilang pangyayari. Hayaan ang mga mag-aaral na
magbigay ng kanilang sariling kaalaman.
Pamprosesong Tanong:
1. Sino-sinong pinuno ang nanguna sa Unang Digmaang Pandaigdig?
2. Saang bahagi ng daigdig naganap ang pinakamainit na labanan?
3. Ipaliwanag ang simula, mahahalagang labanan, mga kasunduang naganap at
naging wakas ng Digmaang Pandaigdig.
4. Paano nakaapekto ang digmaang ito sa mundo?
Gawain 5: War of Presentation
Ipagawa ang pangkatang gawain upang maging mas malawak ang pagkaunawa
ng mga mag-aaral sa paksang aralin.
Unang Pangkat: Panel Interview – Tungkol sa mga dahilan ng Unang Digmaang
Pandaigdig
Ikalawang Digmaang Pandaigdig: Human Frame – Tungkol sa mga pangyayari sa
Unang Digmaang Pandaigdig
Ikatlong Pangkat: Role Play – Tungkol sa epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig
Ikaapat na Pangkat: Isang pagpupulong upang makamit ang Kapayapaang
Pandaigdig
Pamprosesong Tanong:
Batay sa ipinakitang pangkatang gawain, sagutin ang mga sumusunod na
tanong:
1. Ano- ano ang dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig?
2. Ilarawan ang mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang Digmaang
Pandaigdig
3. Bakit napilitan ang United States na makisangkot sa digmaan?
4. Ipaliwanag ang epekto o bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig?
5. Nakabuti ba ang usapang pangkapayapaan na pinangunahan ng Alyadong Bansa?
Bakit?
6. Bakit nagkaroon pa rin ng lihim na kasunduan na lingid kay Pangulong Wilson?
7. Bakit hindi naging kasiya-siya sa ibang bansang kasangkot sa Unang Digmaang
Pandaigdig ang Kasunduan sa Versailles?
8. Paano nagsikap ang mga pinuno ng mga bansa na wakasan ang Unang
Digmaang Pandaigdig?
Rubric sa Pagmamarka ng Gawain
PAMANTAYAN 1 2 3 4 PUNTOS
Pagkabuo Hindi
talaga
maunaawa
n ang
isinagawa
dahil
magulo
ang mga
daloy ng
pangyayari
Di-gaanong
maunawaan
ang
pagtatangha
l dahil
medyo
magulo ang
daloy ng
mga
pangyayari
Maayos ang
pagkakagana
p at may
mensaheng
ipinahahatid.
Malinaw na
nasunod ang
mga
pangyayari
Inilahad
nang
malinaw at
maayos ang
mga
pangyayari
Nakatawag
ng pansin
sa mga
manonood
Nilalaman Talagang
hindi
maunawaa
n ang
mensahe.
Magulo
ang
pagtatang
hal.
Medyo
Malabo sa
tagapanood
ang
mensahe.
Di gaanong
maayos ang
pagtatangha
l.
Malinaw na
naipahatid
ang mensahe
at maayos
ang
pagsasagawa
. Angkop at
maayos ang
props.
Napakalina
w na
naihatid ang
mensahe sa
ginawang
pagatatangh
al.
Kagamitan/Prop
s
Walang
ginamit na
kahit
anong
props.
May ginamit
na di
maayos na
props
Angkop at
maayos na
props
Napakaang
kop at
napakaayos
ng mga
ginamit na
props
Nagsiganap Magulo at
maingay
ang mga
nagsigana
p
Nakaaakit
ang mga
nagsiganap
ngunit di
gaanong
maayos ang
kanilang
pagtatangha
l
Nakaaakit
ang mga
nagsiganap
dahil sa
maayos na
pagsasalita at
pag-arte ng
nagtatanghal
Mahuhusay
ang mga
nagsiganap
dahil sa
maayos na
pagsasalita
at magaling
na pag-arte
Pagtawag-
pansin sa
manonood
Di
nakatawag
pansin sa
manonood
dahil sa
mahinang
pagsasalit
a at di
seryosong
pag-arte
Nakatawag-
pansin sa
manonood
dahil sa
maayos na
pagsasalita
ngunit di-
gaanong
seryoso sa
pag-arte
Nakatawag-
pansin sa
manonood
dahil sa
maayos na
pagsasalita at
magandang
pag-arte
Nakatawag-
pansin sa
manonood
dahil sa
maayos na
pagsasalita
at
madamdami
n at
seryosong
pag-arte
Kabuuan
Gawain 6: War of Thoughts
Gamiting gabay ng mga mag-aaral ang binasang teksto tungkol sa Kasunduang
Pangkapayapaan at Liga ng mga Bansa, upang sila’y makabuo ng mga ideyang isusulat
sa Cloud Callout. Sikapin ding makabuo sila ng mga ideyang nagpapakita ng pagsisikap
ng pinuno ng mga bansa na mawakasan ang Unang Digmaang Pandaigdig. Bigyang-
pansin ang mga hakbang na ginawa upang matuldukan ang digmaan.
Pamprosesong Tanong
1. Paano ipinakita ng mga lider ang kanilang paghahangad sa kapayapaan?
2. Kung isa ka sa kanila, gagawin mo rin ba ang kanilang ginawa? Bakit?
3. Sa iyong palagay, epektibo ba ang kanilang hakbang upang makamit ang tunay
na kapayapaan?
GAWAIN 7: Anong Say Mo?
Nabanggit noong Unang Digmaang Pandaigdig ang sumusunod na mga
pahayag. Gamit ang 2-3 pangungusap, ipaliwanag ang kahulugan ng bawat pahayag
sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa paksang tinalakay.
Upang malaman kung lubos na naunawaan ng mga mag-aaral ang paksa, maaaring
pasagutan ang kasunod na pagsusulit.
Panuto: Ipasulat ang tamang sagot sa patlang.
__________1. Isang paraan ng pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pag-
unlad ng mga bansang Europeo ang pag-aangkin ng mga kolonya.
__________2. Damdaming makabayan na maipakikita sa labis na pagmamahal at
pagpapahalaga sa bansa.
__________3. Pagkakaroon ng bansang superpower ng mahuhusay at malalaking
hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, at pagpaparami ng armas nito.
__________4. Samahang binubuo ng Germany, Austria-Hungary at Italy.
__________5. Dito naganap ang pinakamainit na labanan noong Unang Digmaang
Pandaigdig.
__________6. Pangulo ng United States na nanguna upang magkaroon ng
kasunduang pangkapayapaan sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig.
__________7. Organisasyon ng mga bansa pagkatapos ng Unang Digmaang
Pandaigdig.
__________8. Kasunduang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig
__________9. Samahang binuo ng France, Great Britain at Russia.
__________10. Siya ang nakatakdang humalili bilang emperador sa Imperyong Austria-
Hungary.
Gawain 8: Islogang Pangkapayapaan
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng islogan na nagpapahiwatig ng matinding
pagtutol sa mga kaguluhan at digmaan sa daigdig. Isulat ito sa graphic organizer sa
ibaba.
Rubric Para sa Paggawa ng Islogan
Pamantayan sa
Pagmamarka
5 4 3 2 1
Kaangkupan ng Islogan
sa Paksa
Orihinal ang ideya
Kaayusan at Kalinisan
Dating (impacts) sa
Nagmamarka (Tugma
at Gamit ng Salita)
Kabuuan
Gawain 9: Mundong Kung Iisipin
Ipabasa sa mga mag-aaral ang “Imagine”, isang awitin ni John Lennon.
Pagkatapos ay ipasuri ang nilalaman nito at ipaugnay sa Unang Digmaang Pandaigdig.
Ipakikita ito sa iba’t-ibang malikhaing paraan, tulad ng pagguhit. Ipabahagi sa klase ang
mga ginawa sa pamamagitan ng malayang talakayan, gamit ang kasunod na mga
pamprosesong tanong:
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng awit?
2. Aling bahagi ng awit ang pumukaw nang lubos sa iyong pansin? Bakit?
3. Paano mo ilalarawan ang isang bagong daigdig batay sa awitin?
4. Sa iyong palagay, posible kayang magkaroon ng tunay na pagkakaisa,
kapayapaan at pagtutulungan ang mga bansa sa daigdig? Ipaliwanag.
5. Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong upang magkaroon ng
pambansang pagkakaisa at kaunlaran ang bansa?
GAWAIN 10: A Soldier’s Heart
Pag-aralan ang kasunod na teksto tungkol sa telegrama at talaarawan (diary) ng
mga sundalo. Isagawa ang “Think, Pair, Share” kung saan pagkatapos mabasa ang
telegrama at talaarawan ay hahanap ng kapareha ang bawat estudyante upang ibahagi
ang kanyang saloobin tungkol sa nilalaman ng teksto.
Talaarawan
Introduction from Bob Mackay
This is the First World War Diary of my grandfather, Robert Lindsay Mackay
(1896-1981), OBE, MC, MB, CHB, MD, DPH, giving an account of his day-to-day life with
the 11th Battalion of the Argyll and Sutherland Highlanders from 1915 until the end of
the war1972
Introduction from Robert Lindsay Mackay 2 August 1972
My Dear Alan, Sheila, Mary and Murray.
I finished, two days ago, what I intended to be positively the last contribution to
my side of the family story, quite certain that apart from minor corrections here and
there nothing more could be added. Then I looked around for something to do. It
occurred to me to look at my diary of War I which had been in my desk or on my shelves,
almost unopened and unread, for over fifty years! Indeed, only three persons had read
it, namely John Buchan (Lord Tweedsmuir) who had asked for a perusal of personal war
diaries for his History of the 15th. Scottish Division, my friend the late Dr. D.T. McAinsh,
M.C., and the third, strange to say, my next-door neighbour, Chatwin. About a month
ago, Chatwin had been talking about the Somme Offensive of which he was a survivor
when I mentioned I still had my Somme Diary, and he asked for the loan of it to compare
with his experience in that prolonged battle. I am not quite clear why I wrote this diary,
day by day, a scrappy record of a scrappy period. I had no literary or military ambitions.
My parents did not read it. Perhaps it was to provide a kind of continuous alibi, to remind
me where I had been, perhaps an interesting memorial if I failed to return. Like cakes off
a hot griddle, it was written as events occurred, or immediately thereafter, in four little
brown leathercovered notebooks, and when the war ended these were in no state to
last long for they were soiled and grubby, and, where written in pencil, the writing was
fading. So, in 1919, I copied their contents, straight off, without editing, into two larger
note-books, and destroyed the four little ones. You, Mary, arrived last night from Hull,
with your two children, and the talk drifted on to the Highlands and to my family history.
Urged on by you, and by Judith, whose family roots in England go back a century or two
further than mine in Scotland, urged too by your Mother, I'll type out a copy for each of
you, for your deed-box, and for futurity!
Love to you all, Father
Source: http://www.firstworldwar.com/diaries/whitmore.htm,,
Background To the Diary
On 5th November 1914 Britain declared war on Turkey and a few days later the
first echelon of an expeditionary force, consisting of the 16th Infantry brigade and two
Indian mountain batteries under Brigadier-General Delamain, landed at Fao, a fortified
town near the head of the Persian Gulf.
After two stubbornly contested engagements both Fao and Basra were captured.
The invasion of Mesopotamia was ostensibly to protect the oil wells at the head of the
Persian Gulf. This motive became obscured, however, when, lured by the prospect of
capturing the legendary Baghdad, the British commander Gen. Sir John Nixon sent forces
under Maj. Gen. Charles Townshend up the Tigris. After overwhelming a Turkish outpost
near Qurna in an amphibious assault on May 31 1915, Townshend began to move inland.
By September the British had taken Kut-el-Amara. Refusing to stop there, Nixon ordered
the reluctant Townshend to continue northward. Arriving (November) at Ctesiphon,
Townshend discovered that the Turks had fortified extensively and had been reinforced
to a strength of 18,000 regulars and additional Arabs, with 45 guns. Townshend mustered
approximately 10,000 infantry, 1,000 cavalry, and 30 guns. He also had, for the first time
in that theatre, a squadron of 7 aeroplanes. Townshend attacked Ctesiphon savagely on
November 22, but after 4 days of bitter battle, during which more Turkish reinforcements
arrived, Townshend withdrew to Kut. Kut was invested by the Turks on December 7. In
Mesopotamia, Townshend's besieged force at Kut-el-Amara vainly waited for help. The
British suffered 21,000 casualties in a series of unsuccessful rescue attempts, and with
starvation near, Townshend capitulated on April 29, surrendering 2,680 British of the 6th
Division. By the time the Armistice was signed in 1918 1306 of these had perished and
449 remained untraced. Of the 10486 Indians who surrendered, 1290 perished and 1773
were never traced. British and Indians alike left a trail of whitening bones along the awful
road from Kut to Baghdad, to Mosul from there to Fion Kara Hissar in Asia Minor, Aleppo
and even Constantinople. Never, until the disaster at Singapore in 1941, in the whole
history of the British Army, had there been a surrender on the same scale. This diary was
put together by Lt. Edwin Jones who experienced many of the privations of the campaign.
It provides a unique glimpse into the everyday life of a junior officer at the time. It is a
pity that the diary finishes when it does for Edwin later took part in the drive towards
Damascus under General Allenby before being demobbed in 1919.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang magkakatulad na mensahe ng mga sundalo?
2. Ano ang naramdaman mo habang binabasa ang kanilang telegrama at
talaarawan? Bakit?
3. Anong aral na napulot mo mula sa teksto? Ipaliwanag.
Gawain 11: Reflection Journal
Ipagawa ito:
Gumawa ng sariling komitment sa reflection notebook. Gawing gabay ang
sumusunod na tanong:
 Bilang isang mag-aaral , nabago ba ang iyong pananaw tungkol sa digmaan
matapos malaman ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa
buhay at ari-arian ng mga tao? Ipaliwanag ang sagot.
 Paano mo maipakikita ang iyong pagmamalasakit sa bansa?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
______
Gawain 1: HULA – hoop – AN Mo!
Sa pagsisimula ng aralin, ipagawa ang sumusunod na gawain. Ipasulat sa maliliit
na hula hoop ang letra ng tamang sagot. Ipaalala sa mga mag-aaral na hindi nila
kailangang masagot kaagad nang wasto ang lahat ng dapat tukuyin.
Mga Sagot: 1. C 2. D. 3. B
Matapos pasagutan ang unang gawain, susubukan ipatukoy kung ano ang Facts
at ano ang Views sa mga tinukoy na pahayag tungkol sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Gamitin ang Right Angle Approach.
ARALIN 2: Ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
Sa araling ito, tatalakayin ang mga dahilan, mahahalagang pangyayari, at
wakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pati ang mga pagsisikap ng mga
kasangkot na bansa na nakamit ang kapayapaan. Kaakibat nito sasagutan ang
tanong na “Paano maipapakita ang pakikiisa upang maitaguyod ang
kapayapaan sa iyonh bansa?”. Sa tulong ng mga gawaing ito, inaasahang
mapapayaman pa ang kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral.
Gawain 2: Fact goes Right, Opinion goes Down
GAWAIN 3: Mapa – paisip ka.
Magagamit ang mapa upang malaman ang dating kaalaman ng mga mag-aaral
tungkol sa aralin. Ipatunton sa mapa ang mga lugar na apektado ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Mga Sagot:
Facts – B, D, E, F
Views – A, C
Gamit ang mga gabay, ipapangkat ang mga bansang nasakop ng tinukoy ng
mga pinuno noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
HITLER MUSSOLINI TOJO
France Somalia Pilipinas
Britain Egypt Hawaii
Gawain 4: I-R-F Chart
Unang mapagtibay ang paunang kaalaman ng mga mag-aaral, pasagutan ang
IRF Chart. Ipasulat sa kolum I – nitial ang kasagutan sa tanong na “Sa kabila ng
pagsisikap ng mga bansa na wakasan ang Unang Digmaang Pandaigdig at
magkaroon ng kapayapaan, bakit nagkaroon pa rin ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?” Ang dalawang natitirang hanay ay pasasagutan sa susunod na bahagi
ng pag-aaral.
PAUNLARIN
Gawain 5: Pangkat ng mga Pangyayari
Ipakita sa mga mag-aaral ang dayagram sa ibaba upang makita ang magiging
daloy ng pangkatang gawain. Nakaturo sa arrow ang paksang tatalakayin ng bawat
pangkat sa pag-uulat.
Sa bahaging ito, inaasahang mas malawak ang kaalaman at pag-unawa
ng mga mag-aaral tungkol sa mga dahilan ng pagkakaroon ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, sa naganap na mahahalagang pangyayari, sa epekto
at pagsisikap ng mga bansang makamit ang kapayapaan. Maaari ng pabalikan
ang mga kasagutang nabuo sa unang bahagi ng aralin upang mapagtibay ang
tamang kasagutan at maiwasto ang maling sagot o konseptong nabuo, kung
meron man. Pagtuunan din ng pansin ang teksto at ipasagot ang mga gawain.
Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto mula sa Project EASE (Tingnan sa
Learning Materials ng Mag-aaral). Maaari ring basahin ang Kasaysayan ng Daigdig
para sa karagdagang reperensya.
Matapos mabasa ang teksto, tawagin ang Unang Pangkat para sa kanilang
pag-uulat o presentasyon.
Rubrik sa Pagmamarka ng Gawain
PAMANTAYAN 1 2 3 4 PUNTOS
Pagkabuo Hindi
talaga
maunaawa
n ang
isinagawa
dahil
magulo
ang mga
daloy ng
pangyayari
Di-gaanong
maunawaan
ang
pagtatangha
l dahil
medyo
magulo ang
daloy ng
mga
pangyayari
Maayos ang
pagkakagana
p at may
mensaheng
ipinahahatid.
Malinaw na
nasunod ang
mga
pangyayari
Inilahad
nang
malinaw at
maayos ang
mga
pangyayari
Nakatawag
ng pansin
sa mga
manonood
Nilalaman Talagang
hindi
maunawaa
n ang
mensahe.
Magulo
ang
pagtatang
hal.
Medyo
Malabo sa
tagapanood
ang
mensahe.
Di gaanong
maayos ang
pagtatangha
l.
Malinaw na
naipahatid
ang mensahe
at maayos
ang
pagsasagawa
. Angkop at
maayos ang
props.
Napakalina
w na
naihatid ang
mensahe sa
ginawang
pagatatangh
al.
Kagamitan/Prop
s
Walang
ginamit na
kahit
anong
props.
May ginamit
na di
maayos na
props
Angkop at
maayos na
props
Napakaang
kop at
napakaayos
ng mga
ginamit na
props
Nagsiganap Magulo at
maingay
ang mga
nagsigana
p
Nakaaakit
ang mga
nagsiganap
ngunit di
gaanong
maayos ang
kanilang
pagtatangha
l
Nakaaakit
ang mga
nagsiganap
dahil sa
maayos na
pagsasalita at
pag-arte ng
nagtatanghal
Mahuhusay
ang mga
nagsiganap
dahil sa
maayos na
pagsasalita
at magaling
na pag-arte
Pagtawag-
pansin sa
manonood
Di
nakatawag
pansin sa
manonood
dahil sa
mahinang
pagsasalit
a at di
seryosong
pag-arte
Nakatawag-
pansin sa
manonood
dahil sa
maayos na
pagsasalita
ngunit di-
gaanong
seryoso sa
pag-arte
Nakatawag-
pansin sa
manonood
dahil sa
maayos na
pagsasalita at
magandang
pag-arte
Nakatawag-
pansin sa
manonood
dahil sa
maayos na
pagsasalita
at
madamdami
n at
seryosong
pag-arte
Kabuuan
Gawain 6: Draw – Cause Stairs
Upang matiyak ang pag-uanwa ng mga mag-aaral sa mahahalagang
pangyayaring nagbigay daan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ipagawa ang Up the
Stairs Timeline. Gagamitin nilang gabay ang tekstong binasa sa Modyul ng mag-aaral.
Ipagawa:
1. Anu-ano ang mga pangyayaring naging dahilan ng pagsiklabng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig? Isulat sa Timeline.
2. Sa mga binanggit na sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, alin sa palagay mo
ang pinakamabigat na dahulan? Ipaliwanag ang sagot.
Gawain 7: War – Diagram
Dahil alam na ng mga mag-aaral ang naging dahilan ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, ipagawa ang presentasyon ng Ikalawang Pangkat. Pagkatapos ay ipabuo
sa mga mag-aaral ang kasunod na graphic organizer. Ipasulat sa bilog and
mahahalagang pangyayaring naganap sa mga lokasyong tinutukoy sa bilog.
Ipaalala sa mga mag-aaral na makikita sa kasunod na teksto. (Pagwawakas ng
Digmaan) ang tungkol sa Digmaan sa Hilagang Africa.
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit lumaganap sa ibang kontinente ang digmaan?
2. Bakit sumali ang United States sa digmaan?
3. Kung ikaw ang pangulo ng Amerika ng panahong iyon, lulusob ka rin ba sa
panganib?
Digmaan sa Europe
Digmaan sa
Pasipiko at
Pagkasangkot ng
United States sa
Digmaan
Digmaan sa
Hilagang Africa
Gawain 8: History Frame
Ngayong alam na ng mga mag-aaral ang wakas ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, pasagutan ang History Frame na nagpapakita ng mahahalagang
impormasyon tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ipabasa ang teksto sa
Modyul ng mag-aaral. Maaari ring ipabasa ang Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista
Vivar, et. Al.
Ipaulat sa Ikaapat na pangkat ang itinakdang paksa sa kanila.
Pasagutan ang history frame upang masukat ang pag-unawa ng mga mag-aaral
tungkol sa mga teksto.
Pamprosesong Tanong:
1. Anong pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang tumatak sa iyong
isipan?
2. Para sa iyo, Ano ang pangkabuuang aral ng naganap na
Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
3. Paano nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa larangan ng kabuhayan,
politika at kultura ng mga bansang nasangkot o kabilang sa digmaan?
Gawain 9: Sapot ng Pagkakaisa
Pasagutan ang Semantic Web pagkatapos basahin ang teksto. Tingnan ang
teksto sa Modyul ng mag-aaral.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang layunin ng United Nations? Nakatulong ba ito upang mawakasan ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
2. Sa kasalukuyan ano ang ginagawang mga hakbang nito upang maisulong ang
kapayapaan sa daigdig?
3. Paano pinanatili ng United Nations ang pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa
sa daigdig?
Gawain 10: I-R-F Chart
Pabalikan sa mga mag-aaral ang I-R-F Chart. Sa puntong ito, ipasulat ang
kanilang Revised Answer. Inaasahang mas malinaw na nilang maisasagot ang
katanungang “Sa kabila ng pagsisikap ng mga bansa na wakasan ang Unang
Digmaang Pandaigdig at magkakaroon ng kapayapaan, bakit nagkaroon pa rin ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
PAGNILAYAN/UNAWAIN:
Gawain 11: Reflection Journal
Magpagawa ng reflective journal. Mula sa larawang nasa ibaba nag nagpapakita
ng epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tanungin ang mag-aaral kung ano ang
kanilang maiisip at mararamdaman kung sila ang nakatira sa lugar na ito na sinira ng
digmaan.
Sa bahaging ito, pagtitibayin ng guro ang nabuong pag-unawa tungkol
sa paksa. Inaasahan ding kritikal nang masusuri ng mag-aaral ang mga
konseptong napag-aralan hinggil sa simula, mahahalagang pangyayari, wakas
at epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinakikita sa larawan?
2. Paano ka makatutulong upang maiwasan ang ganitong pangyayari?
Maaaring magpalitan ng mga tanong at kuru-kuro tungkol sa mga kasagutan.
Gawain 12: I-R-F Chart
Pabalikan muli sa mga mag-aaral ang I-R-F Chart. Sa pagkakataong ito,
isusulat na nila ang pinal na sagot batay sa kanilang pag-unawa sa paksang tinalakay.
Inaasahan ding malinaw na nilang masasagot ang katanungang “Sa kabila ng
pagsisikap ng mga bansa na wakasan ang Unang Digmaang Pandaigdig aat
magkaroon ng kapayapaan, bakit nagkaroon pa rin ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?”.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
________________
GAWAIN 13: Say Peace!
Bukod sa kapayapaang pandaigdig, nais din ng lahat ng bansa na magkaroon
ng panloob na kapayapaan sa kanilang bansa. Sa Pilipinas, may proklamasyong
inilabas si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na naglalayong palaganapin ang
kapayapaan sa bansa. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Proclamation 675. Pagkatapos
basahin ang proklamasyon, pasagutan sa mga mag-aaral ang kasunod na grapghic
organizer.
Pagkatapos basahin ang proklamasyon, pasagutan sa mga mag-aaral ang
kasunod na graphic organizer.
Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saan ang Proklamasyon ni dating Pangulong Gloria MacapagalArroyo?
2. Sa iyong palagay, bakit mahalagang magkaroon ng “National Peace Consciousness
Month” ang isang bansa? Ipaliwanag.
3. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa
iyong komunidad?
Batiin ang mga mag-aaral sa matagumpay na pagtatapos ng Aralin 2.
ALAMIN
Gawain 1: LetrAyusin!
Ipagawa. Gawing malinaw sa mga mag-aaral na hindi inaasahang maging
tama lahat ang mga sagot. Ang mahalaga ay matukoy nila ang mga salitang may
kaugnayan sa paksang tatalakayin.
Panuto: Bumuo ng salita batay sa ginulong mga letra.
ARALIN 3: MGA IDEOLOHIYA, COLD
WAR AT NEOKOLONYALISMO
Sa bahaging ito, bibigyang-pansin ang pag-unlad ng iba’t-ibang ideolohiya
sa daigdig. Susuriin din ang Cold War at ang epekto nito sa mga bansa. Ang
pangkalahatang kalagayan ng mga papaunlad at di-maunlad na bansa na dulot ng
neokolonyalismo ay bibigyang-linaw sa pamamagitan ng paghihikayat sa mga
mag-aaral na magbigay na sariling pananaw tingkol sa mga hamon at suliraning
dala ng mga isyung ito sa daigdig. Inaasahan din na masasagot nila ang tanong
na “Paano nakaapekto ang iba’t-ibang ideolohiya, cold war at
neokolonyalismo sa kaunlaran ng mga bansang papaunlad pa lamang?”
Pamprosesong Tanong
Ipagawa.
Pagkatapos mabuo ang mga salita, sagutin ang mga tanong na ito:
1. Anong ideya ang mabubuo mo tungkol sa mga salitang iyong nabuo?
2. May ugnayan kaya ang bawat salita?
3. Paano mo maiuugnay ang mga salitan ito sa mga kasalukuyang isyu sa bansa?
Ipaliwanag.
Pamprosesong Tanong
Pagkatapos mabuo ang mga salita, subuking sagutin ang kasunod na mga
tanong.
1. Anong ideya ang mabubuo mo tungkol sa mga salitang iyong nabuo?
2. May ugnayan kaya ang bawat salita?
3. Paano mo maiuugnay ang mga salitan ito sa mga kasalukuyang isyu sa bansa?
Ipaliwanag.
Mga salitang mabubuo mula sa ginulong mga letra:
1. Cold War
2. Ideolohiya
3. World Bank
4. Komunismo
5. America
6. Russia
7. Iron Curtain
8. Ekonomiko
9. Foreign Aid
10. Neokolonyalismo
Maaaring hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng sariling kahulugan sa
mga salitang kanilang nabuo.
Hindi itatala ng guro ang puntos na makukuha ng mga mag-aaral sa bahaging
ito.
Gawain 2: Donuts Game
Sa pagkakataong ito, hikayatin ang 12 mag-aaral na sumalis sa laro. Bubuo
sila ng dalawang bilog na anyong donut. Gagawin nilang gabay ang tanong ng guro at
magbabahagi ang bawat isa ng kanilang ideya habang umiikot upang magkaroon ng
bagong kapareha at makausap ang lahat ng miyembro ng pangkat.
Pamprosesong Tanong
1. Sa mga salitang nabuo sa unang gawain, alin sa palagay mo ang magkakaugnay?
2. Bakit naging magkaugnay ang salitang iyong napili?
Ang anim na mag-aaral na nasa loob ng bilog ang mag-uulat ng iba’t-ibang
ideya na nabuo ng bawat pangkat.
Maaaring magkaroon ng malayang talakayan pagkatapos ng pag-uulat upang
maiugnay sa paksang tatalakayin.
Gawain 3: Mundo ng Tunggalian, Ayon sa Larawan
Panuto: Pag-aralang mabuti ang mga larawan. Sagutin ang mga tanong na
nasa loob ng talahanayan.
Mga Tanong Mga Posibleng Kasagutan
1. Anong mga imahe ang
kapansin-pansin sa unang
larawan?
Ang imahe ay nagpapakita ng watawat na
kulay pula at dilaw. Ito rin ay may imahe ng
martilyo at karet.
2. Ano ang kahulugan ng unang
larawan?
Ang mga imahe ay sumisimbolo sa mga
manggagawa dahil ito kadalasan ang
ginagamit ng mga manggagawa sa kanilang
trabaho.
3. Anong bansa sa iyong palagay
ang gumamit ng ganitong
simbolismo bilang representasyon
ng kanilang paniniwala?
Ang bansang Unyong Sobyet ang gumamit
ng ganitong simbolismo sa kanilang watawat
tanda ng kanilang paniniwala sa lakas ng
manggagawa.
4. Anong sikat na estatwa ang
ipinakikita sa pangalawang
larawan? Anong mga detalye ng
estatwa ang ipinakikita rito?
Nasa larawan ang Statue of Liberty. Ipinakita
nito ang kadena na nasa paanan ng estatwa
gayon din ang isang aklat na may nakaukit
na Roman numerals na petsa ng paglaya ng
Estados Unidos. Mayroon ding hawak ang
estatwa na sulo na may naglalagablab na
apoy.
5. Ano sa iyong palagay ang
kahulugan ng mga detalye ng
estatwang ito? Saang bansa ito
matatagpuan?
Ang putol na kadena ay sumisimbolo sa
paglaya sa kalupitan. Ang aklat ay
nagpapakita ng karunungan na panlalaban
sa pang-aapi at ang sulong may
naglalagablab na apoy ay nagpapakita ng
liwang na nakamtan dahil sa agtalikod sa
pang-aapi at pagyakap sa demokrasya. Ang
estatwa ay matatagpuan sa Estados Unidos.
6. Anong aksiyon ang ginagawa ng
mga imahe sa ikatlong larawan?
Animo’y nagsi-see saw sa larawan ng mundo
ang dalawang imahe sa larawan
7. Sa iyong palagay anong mga
bansa ang sinisimbulo ng
nagtutunggaling imahe?
Ang lalaki sa kaliwa ay si Uncle Sam na
sumisimbolo sa Estados Unidos. Ang oso sa
kanan ay sumisimbolo ng USSR.
8. Ano ang kahulugan ng
pagtutunggaling ito ng mga
bansa?
Ito ay nagpapakita ng tunggalian ng
dalawang bansang nabanggit upang matalo
o maungusan ang bawat isa sa impluwensya
at kapangyarihan. Cold war ang tawag dito.
Gawain 4: Alpha – Brainstorm
Pagkatapos ng mga paunang gawain, isulat sa kahon ang mga salitang may
kaugnayan sa paksang tatalakayin. Hindi kailangang mapuno ang kahon, ang
mahalaga ay matukoy ang mga ideya ng mag-aaral.
Halimabawa: A - Asia
A B C D
E F G H
I J K L
M N O P
Q R S T
U V W XYZ
Pamprosesong Tanong
1. Ilang salita ang naisulat mo?
2. Ano ang ginawa mong batayan sa pagsagot?
3. Naging madali ba sa iyo ang pagsagot sa mga gawain? Bakit?
4. Paano kaya maiuugnay ang mga salitang napili mo sa paksang aralin tungkol sa
ideolohiya?
PAUNLARIN
Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto tungkol sa ideolohiya. Sa
pagkakataong ito, maaaring linangin ang kaisipang ito sa tulong ng iba’t-ibang
estratehiya. Nararapat ding ipaalala na dapat ay handa silang makiisa sa iba’t-
ibang gawain sa araling ito.
Gawain 5: Bunch of Ideas
Pagkatapos basahin ang teksto, subukan ang kaalaman ng mga mag-aaral sa
tulong ng data retrieval chart.
Mga Ideolohiya Katangian Mga Bansang
Nagtaguyod
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang iba’t ibang uri ng ideolohiya sa daigdig?
2. Anong mga bansa ang nagtaguyod ng mga ideolohiyang ito?
3. Paano nagkakaiba ang kanilang patakaran at katangian?
Gawain 6: Hagdang-hagdang Ideya
Pasagutan ang kasunod na ladder web at ipasulat ang mahalagang papel na
ginagampanan ng ideolohiya sa isang bansa.
Iba’t-ibang ideolohiya ang sinusunod ng mga bansa sa daigdig. Naaayon ito sa
kanilang kasaysayan, paniniwala at kultura. Anuman ang ideolohiya ng bawat isa
nararapat na ito ay makatugon sa pangangailangan ng mga mamamayan at maging
daan sa pag-unlad ng bansa.
Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto tungkol sa paglaganap ng komunismo sa
Russia, Fascismo sa Italy at Nazismo sa Germany.
Gawain 7: Paniniwala Ko, Gets Mo!
Maaaring magsagawa ng pangkatang gawain na magpapakita ng maikling role
play/ dayalog o iskrip na tutukoy sa mga prinsipyo at paniniwala ng Russia, Italy at
Germany at mga patakarang ipinatupad sa mga bansang pumanig sa kanilang
ideolohiya.
 Unang Pangkat – Ang Pagsilang ng Komunismo sa Russia
 Ikalawang Pangkat – Ang Pagsilang ng Fascismo sa Italy
 Ikatlong Pangkat – Ang Nazismo sa Germany
Ipasagot ang pamprosesong mga tanong batay sa tinalakay sa pangkatang gawain.
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang mga dahilan ng kaguluhan sa Russia?
2. Paano nakuha ni Lenin ang pagtitiwala ng mga tao sa Russia?
3. Paano naging ganap na komunista ang Russia?
4. Anu- ano ang mga salik na nagbigay-daan sa Fascismo sa Italy?
5. Naniniwala ka ba sa prinsipyong sinusunod ng Fascismo? Ipaliwanag
6. Bakit itinuturing na pinakamalupit na diktaduryang totalitaryan ang
Nazismo sa makabagong panahon?
7. Paano pinamahalaan ni Hitler ang Germany sa ilalim ng ideolohiyang
Nazismo?
8. Sa iyong palagay, nakabuti ba ang Fascismo, Komunismo at Nazismo sa
buhay ng karaniwang tao sa Russia, Italy at Germany? Bakit?
9. Ipaliwanag ang mga salik na nagbigay-daan upang yakapin ng mga bansa ang
kanilang ideolohiya.
10. Ano ang bahaging ginagampanan ng puwersang demokrasya at komunismo sa
kalagayan ng tao?
11. Paano nagkakaiba-iba ang ideolohiyang sinusunod ng mga bansa?
12. Paano nauugnay ang puwersang pangkabuhayan ng bansa sa kalagayang
politikal nito?
Rubric sa Pagtataya ng Role Play
Mga Pamantayan Marka
Malinaw na naipakita ang mensahe ng
aralin
25%
Makatawag-pansin ang pagkakaganap
ng mga tauhan
25%
Pangkalahatang kaayusan 25%
Dating sa mga manonoog 25%
Kabuuan
Gawain 8: Makapangyarihang Sapot
Sa pamamagitan Triad Web, paghambingin ang katangian ng mga sumusunod
na tatlong pinuno. Isulat sa gitna ang pagkakatulad ng kanilang mga paniniwala at sa
bilog ang kanilang pagkakaiba.
Gawain 9: Punto For Punto
Ipagawa ang estratehiyang ito na katulad ng isang debate. Ipasunod ang
kasunod na mga hakbang.
Mga Hakbang:
1. Tukuyin ang usaping pagtatalunan: “Aling ideolohiya ang dapat pairalin sa
Pilipinas?” demokrasya o komunismo?
2. Hatiin ang klase sa dalawang panig na maghahanda ng mga argumento. Piliin ang
mga kasapi ng team at lider.
3. Pag-usapan ng bawat pangkat ang kanilang mga argumento o katwiran at patunay.
4. Simulan ang debate. Magpalitan ang pagsasalita ng dalawang grupo.
5. Isagawa ang “rebuttal” matapos maibigay ang argumento.
6. Ibuod ang argumento ng bawat pangkat.
7. Suriin ang debate batay sa mga pamantayan.
8. Tanungin ang klase kung aling pangkat ang mas epektibo sa debate. Inaasahan
ang mahusay na pagtanggap ng pagkatalo (sportsmanship) at ang pagtaya ng
kahusayang magsalita, mag-isip at mangatuwiran.
PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Organisayon – Lohikal ang presentasyon at
pagkakaugnay
Nilalaman – May ebidensya ang pagkakaunawa
sa mga pangunahing argumento
Presentasyon – Wasto, malinaw at makatwiran
ang mga pangungusap at inilahad ayon sa
napagkasunduang mga pamantayan.
Kakayahang Sumagot sa Tanong – Maayos at
wasto ang sagot sa mga tanong ng kalabang
panig
Kabuuang Iskor
Gawain 10: Ano sa Palagay Mo?
Pagkatapos matiyak ang iba’t-ibang ideolohiya sa daigdig. Alamin ang ideya ng
mga mag-aaral tungkol sa Cold War.
Ipabasa ang teksto at ipagawa ang kasunod na gawain. Ipasulat sa cloud callout
ang mga salita at terminolohiyang may kaugnayan sa paksa.
Paalala: Maaaring gamitin ang tekstong Kasaysayan ng Daigdig niina Teofista L. Vivar
et. Al, ph 273 – 281
Gawain 11: Compare and Contrast
Sa gawaing ito, hayaang makapag-isip ang mga mag-aaral tungkol sa
pagkakaiba ng mga patakaran ng KOMUNISMO at DEMOKRASYA. Ipatukoy ang mga
katangian ng dalawang ideolohiya, ang mga bansang pumanig sa kanila, at ang mga
naimbentong kagamitan para mapalakas ang puwersa ng bawat isa. Ipasulat sa gitna
ng dalawang figure kanilang pagkakapareho.
Mga Posibleng Kasagutan:
1. Pumanig sa ideolohiyang demokrasya ang Timog Koera, Taiwan at Timog Vietnam;
sa komunismo naman ang People’s Republic of China, Hilagang Korea at Hilagang
Vietnam.
2. Kapwa gumawa ng mataas na uri ng armas ang US at USSR.
3. Upang mas mapalakas ang kanilang puwersa, inilunsad ng US ang Apollo 11 upang
makarating ang tao s buwan. Samantala, ang USSR ay naglunsad ng Supersonic at
Sputnik, ang unang sasakyang gumalugad sa kalawakan.
Gawain 12: Discussion Web
Panuto: Sagutin ang core question ng Oo o Hindi: Kung ang sagot ay Pp, isulat
ang paliwanag ng sagot sa ilalim ng Oo. Kung ang sagot ay Hindi, isulat ang paliwanag
ng sagot sa ilalim ng Hindi.
Gawain 13: Opinyon Mo, Say Mo!
Sa pamamagitan ng iba’t-ibang malikhaing paraan tulad ng pagsulat ng jingle
o tula, ipahayag moa ng iyong opinion batay sa mga patakarang ipinatupad ng United
States sa Pilipinas. Gawing gabay ang mga sumusunod na tanong sa pagsasagawa
ng gawain.
Pamprosesong Tanong:
1. Paano pinalaganap ng mga superpower ang kanilang impluwensiya?
2. Nakabuti ba ang impluwensyang iniwan ng mga superpowers sa mga
bansang pumanig sa kanila? Pangatuwiranan
Gawain 14: Pasok mga Suki!
Maaaring ipakita ang tindahang ito sa unang bahagi ng pagtalakay ng
paksang neokolonyalismo bilang lunsaran ng aralin.
Pamprosesong Tanong:
1. Kung ikaw ay nasa supermarket at kailangan mong mamili ng limang produkto na
nasa tindahan ni Juan de la Cruz, aling mga produkto ang iyong bibilhin?Isulat sa
ibaba.
2. Bakit mo binili ang nasabing mga produkto? Pangatwiranan. Isulat din sa kasunod
na talahanayan ang iyong sagot.
Ipabasa ang teksto bago simulan ang kasunod na gawain.
Gawain 15: Neo - Caricature
Batay sa binasang teksto, ipagawa ang pangkatang gawain. Ang bawat
pangkat ay gagawa ng karikatura batay sa sumusunod:
 Unang Pangkat – Kahulugan ng Neokolonyalismo
 Ikalawang Pangkat – Mga Uri ng Neokolonyalismo
 Ikatlong Pangkat – Mga Superpower na nakakaimpluwensya s mga papaunlad
na bansa
 Ikaapat na Pangkat – Epekto ng Neokolonyalismo
Batay sa pangkatang gawain, magsagawa ng malayang talakayan sa tulong ng
mga pamprosesong tanong
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong ideya tungkol sa salitang neo-kolonyalismo?
2. Bakit kaya nagkaroon nito?
3. Ipaliwanag ang mga patakaran at impluwesiyang ipinatupad ng mga
makapangyarihang bansa sa mga bansang kontrolado nila?
4. Paano naapektuhan ng patakarang ito ang ekonomiya ng mga bansang
papaunlad pa lamang?
Rubric sa Pagtataya ng Karikatura
Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos
1. Napakagaling ng
presentasyon ng karikatura
5
2. Malinaw at angkop ang
mensahe nito
5
3. Makulay at kaakit-akit anf
presentasyon nito
5
4. Malinis at maayos ang
pagkakagawa nito
5
5. Nakatulong sa pagbibigay-
interpretasyon sa paksa ang
ibinabahagi sa klase
5
6. Bunga ng malikhaing pag-
iisip at pananaliksik ng
karikatura
5
Kabuuang Iskor
Gawain 16: Laro Tayo
Upang mas mapalalim pa ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa
paksang-aralin, ipalaro ang garter game. Kailangang bumigkis ang garter sa mga
manlalaro. Kapag positibo o maganda ang dulot ng salita o pariralang sasabihin ng
guro, hahakbang ng isa ang mga manlalaro papunta sa gitna. Kapag naman negatibo
o hindi maganda ang dulot ng salita, isang hakbang palayo sa gitna ang gagawin.
Nangangahulugan ito na kapag mas marami ang positibong dulot ng mga salitang
kaugnay ng Neokolonyalismo, magiging maluwag ang garter. Subalit kapag mas
marami ang negatibong dulot nito, mararamdaman ng mga manlalaro anf pagsisikip
ng garter.
Mga salitang ibibigay:
1. Foreign investment (Pamumuhunan ng ibang bansa)
2. Loss of Pride (Kawalan ng Karangalan)
3. Foreign debt (Utang-panlabas)
4. Over dependence (Labis na umaasa sa iba)
5. Continued enslavement (Patuloy na pang-aalipin)
Sa pagkakataong ito, mararamdaman ng mga mag-aaral ang pagsisikip ng
garter. Maaaring dagdagan ng guro ang mga salitang ibibigay.
Pamprosesong Tanong
1. Batay sa gawaing ito, nakabuti ba o nakasama ang neo-kolonyalismo sa
daigdig?
2. Ngayong nalaman mo ang negatibong epekto nito, ano ang nararapat
mong gawin? Bakit?
Gawain 17: Alpha - Brainstorm
Pabalikan sa mga mag-aaral ang ABC Brainstorm Strategy, upang malaman
ang kanilang natutuhan s buong aralin. Ipapaliwanag ng mga mag-aaral ang dahilan
kung bakit nila isinulat ang mga salita.
Halimbawa: C – Cold War
A B C D
E F G H
I J K L
M N O P
Q R S T
U V W XYZ
Pamprosesong Tanong
1. Ilang salita ang nadagdag sa dating isinagot mo? Ano-ano ito?
2. Paano mo naipaliwanag ang iyong mga sagot?
Upang malaman kung lubos ngang naunawaan ng mga mag-aaral ang paksang
tinalakay maaaring pasagutan ang kasunod na pagsusulit:
Panuto: Isulat sa patlang ang impormasyong hinihingi ng pangungusap.
__________1. Isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong
magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa pagbabago nito. Galing ito sa salitang ideya o
kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.
__________2. Digmaan ng nagtutunggaling ideolohiya ng dalawang
pinakamakapangyarihanng bansa (superpower) na hindi tuwirang naglalabanan gamit
ang armas.
__________3. Isang uri ng pagsasamantala at patuloy na pagkontrol ng isang dating
kolonyalista sa mahihirap na bansa. Layunin nitong patatagin ang pamumuhunan,
pigilin ang pagkakamit ng tuunay na kalayaan, at kunin ang mas malaking kita mula sa
negosyo.
__________4.Tumutukoy sa isang sistemang pangkabuhayan kung san ang
produksyon, distribusyon at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal
hanggang sa maging maliit na lamang ang papel ng pamahalaan sa mga patakarang
pangkabuhayan.
__________5. Ang nagpakilala ng salitang “ideolohiya” bilang pinaikling pangalan ng
agham ng mga kaisipan o ideya.
Analohiya: Suriin ang tinutukoy ng unang pares sa bawat bilang. Isulat ang maisip na
kapareha ng ikatlong salita.
6. Patakarang Pang-ekonomiya ng Bansa: Ideolohiyang Pangkabuhayan;
Paraan ng Pakikilahok ng mga Mamamayan sa Pamamahala: _______________.
7. Iran: Awtoritaryanismo; China: _____________.
8. US: Demokrasya; USSR: _____________.
9. Adolf Hitler: Nazismo; Benito Mussolini: _____________.
10. Foreign Aid: Tulong na pang-ekonomiya, pang-kultura at military;
Foreign Debt: _________________.
Sagot sa Pagsusulit:
1. Ideolohiya
2. Cold War
3. Neokolonyalismo
4. Kapitalismo
5. Desttutt de Tracy
6. Ideolohiyang Pampolitika
7. Sosyalismo
8. Komunismo
9. Fascism
10. Anumang pautang mula IMF/World Bank
Gawain 18: A Whole New World
Ipabasa at ipasuri ang kasunod na global issues. Sa pagkakataong ito,
pagtitibayin ng mga mag-aaral ang kanilang nabuong pag-unawa sa paksa, Ipagawa.
Panuto: Gamit ang internet sa tinukoy na link. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong
na nasa loob ng talahanayan.
Pamprosesong Tanong
1. Maituturing bang isang uri ng makabagong neokolonyalismo ang ginagawang
pagpasok ng China sa mga bansa ng kontinenteng Africa? Pangatwiranan ang sagot.
2. Sa iyong pananaw nakabubuti ba o nakasasama ang pagtulong ng China sa
ekonomiya ng mga bansa sa Africa?
Rubric sa Pagtataya ng Sanaysay
Mga Pamantayan Marka
Malinaw na Paksa 25%
Maayos na organisasyon ng mga ideya 25%
Wastong baybay, bantas, gamit ng mga salita 25%
Pagkamalikhain sa pagsulat 25%
Kabuuan
Gawain 19: Tapos Na!
Pasagutan ang mga tanong na ito sa pagtatapos ng paksang-aralin.
Sa araling ito, natutunan kong ____________________________________________.
Ang pinakamahalagang ideya na nakaapekto sa akin ay ________________________.
Mahalaga ang aralin sapagkat ____________________________________________.
Sa pagkakataong ito, napag-isipan kong ____________________________________.
ALAMIN:
GAWAIN 1: Reyna ng Kaalaman
Sa pagsisimula ng aralin, pasagutan sa mag-aaral ang mga tanong sa larong
“The Queen Wants to Know!” Ipasulat ang sagot sa papel o kwaderno. Ipaalala na hindi
kailangang masagutan kaagad ng tama lahat ng tanong.
Mga Sagot:
1. World Bank (WB)
2. Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)
3. World Trade Organization (WTO)
ARALIN 4: MGA PANDAIGDIGANG
ORGANISASYON, PANGKAT, AT ALYANSA
Batiin ang mag-aaral sa matagumpay na pagkakamit ng mahahalagang
kaalaman tungkol sa mga ideolohiya at epekto ng neokolonyalismo sa nakaraang
aralin. Ngayon, pag-aaralan ng mag-aaral sa araling ito ang bahaging ginampanan
ng mga pandaigdigang organisasyon, pangkat, at alyansa sa pagsusulong ng
pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan at kaunlaran. Kaakibat nito
ang pagpapayaman ng kanilang mga kaalaman at kakayahang linangin habang
tinatalakay ang sumusunod na tanong. “Ano ang mga naitulong sa mga bansa
ng mga organisasyong pandigdig sa larangan ng kaunlaran?”
GAWAIN 2: HULA – BANDILA
Sa gawaing ito, pahuhulaan s mga mag-aaral ang watawat o simbolo ng mga
organisasyong pandaigdig. Sa tulong nito’y matutukoy ang dati nang kaalaman ng mag-
aaral hinggil sa paksa.
Mapipili rito ang tamang sagot:
Mga Sagot:
1. Asean
2. World Bank
3. European Union
4. World Trade Organization
5. Organization of Islamic Cooperation
Organization of Islamic Cooperation (OIC) World Bank (WB)
Association of Asian Nations (ASEAN) World Trade Organization (WTO)
Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) European Union (EU)
Gawain 3: Generalization Table
Pasagutan sa mga mag-aaral ang kasunod na Generalization Table. Magpatala
sa kanila ng tatlong bagay na alam nila tungkol sa ginagampanan ng mga
pandaigdigang organisasyon at samahan sa pagpapanatili ng pandaigdigang
kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran. Ipaalala na kailangan muna
nilang iwanang blangko ang ibang hanay sapagkat sasagutan ito sa mga susunod na
gawain.
My Initial Thoughts
(Alam Ko Na)
My Findings and
Corrections
(Mga Nabago sa
Alam Ko Na)
Supporting
Evidence
(Mga Patunay)
My Generalization
(Paglalahat)
1.
2.
3.
Pamprosesong Tanong:
1. Marami ka bang naitala sa hanay ng Initial Thoughts? Sapat na ba sa iyo ang
kaalamang ito o nais mo pa itong dagdagan at palalimin?
2. Ao-ano pa ang nais mong malaman tungkol sa mga organisasyong
pandaigdig? Bakit mo ito gustong malaman?
PAUNLARIN
Pagkatapos matukoy ng mga mag-aaral ang lawak ng kanilang dati nang
alam na kaalaman tungkol sa mga organisasyong pandaigdig, maaaring
marami pa silang mga katanungan na nais masagot. Sabihing maari nilang
malaman ang mga sagot sa katanungang ito sa susunod na talakayan.
Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto tungkol sa mga pandaigdigang alyansa,
organisasyon at pangkat na nagsusulong ng kapayapaan, pagkakaisa at pag-unlad.
Pagkatapops ay pasagutan ang Gawain 4
Gawain 4: Org – Outliner
Pasagutan sa mga mag-aaral ang kasunod na org – outliner ayon sa format nito.
Pagkatapos ay pasagutan ang mga tanong na kasunod nito.
Pamprosesong Tanong:
1. Narinig mo na ba ang mga nabanggit na organisasyon sa teksto? Saan?
2. Sa iyong palagay, saklaw ba ng mga organisasyong ito ang mga bansa sa
iba’t ibang kontinente?
3. Ano ang masasabi mo sa layunin ng mga organisasyong ito? Ipaliwang ang
sagot.
Gawain 5: Organisadong Organisado
Pasagutan ang gawaing ito matapos malaman ng mga mag-aaral ang iba’t-ibang
layunin ng mga pandaigdigang organisasyon. Ipasulat sa kahon ang kahalagahan ng
mga nasabing organisasyon sa mga bansa sa daigdig.
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga pandaigdigang
organisasyon?
2. Paano makatutulong ang mga ito sa pagkakamit ng pandaigdigang
kapayapaan kalayaan at kaunlaran?
Gawain 6: UP Dev CHECKLIST
Ipaunawa sa mga bata ang nilalaman ng teksto tungkol sa mga organisasyonh
pandaigdig at pasagutan ang kasunod na gawain. Makikita ang teksto sa Learning
Module ng mag-aaral.
Ipagaw ang UP Dev Checklist. Palagyan ng tsek ang talahanayang tumutukoy
sa isinusulong ng mga organisasyon.
Organisasyon Pagkakaisa Kapayapaan Pag - unlad
1.
2.
3.
Pamprosesong Tanong:
1. Paano nakatutulong ang mga organisasyong pandaigdig sa pagpapanitili ng
kapayapaan, pagkakaisa at pag-unlad?
2. Ano sa palagay mo ang mangyayari kung walang organisasyong katulad ng
World Bank, IMF at WTO sa taas na nagsusulong ng pagkakaisa,
kapayapaan, at kaunlaran?
Gawain 7: Magpalitan Tayo!
Ipakita sa mga mag-aaral ang kasunod na mga larawan tungkol sa trade blocs.
Gagamitin nila itong gabay sa pangkatang gawain. Hatiin ang klase sa apat na grupo.
Pagawin ng Role Playing ayon sa kabutihang madudulot ng trade bloc sa mga bansang
kabilang dito.
Ipagawa na sa mga mag-aaral ang Role Playing. Atasan ang bawat grupo na
gumawa ng maikling dula na magpapakita ng kabutihang naidudulot ng trade bloc sa
mga bansang kabilang dito.
 Una at Ikalawang Pangkat: Mabuting naidudulot ng trade bloc sa mga
miyembro ng ASEAN Free Trade Agreement.
 Ikatlo at Ikaapat na Pangkat: Mabuting naidudulot ng trade bloc sa mga
miyembro ng North American Free Trade Agreement
.
Rubrik sa Pagmamarka ng Gawain
PAMANTAYAN 1 2 3 4 PUNTOS
Pagkabuo Hindi
talaga
maunaawa
n ang
isinagawa
dahil
magulo
ang mga
daloy ng
pangyayari
Di-gaanong
maunawaan
ang
pagtatanghal
dahil medyo
magulo ang
daloy ng mga
pangyayari
Maayos ang
pagkakagan
ap at may
mensaheng
ipinahahatid
.
Malinaw na
nasunod
ang mga
pangyayari
Inilahad
nang
malinaw at
maayos ang
mga
pangyayari
Nakatawag
ng pansin
sa mga
manonood
Nilalaman Talagang
hindi
maunawaa
n ang
mensahe.
Magulo
ang
pagtatang
hal.
Medyo
Malabo sa
tagapanood
ang
mensahe. Di
gaanong
maayos ang
pagtatanghal.
Malinaw na
naipahatid
ang
mensahe at
maayos ang
pagsasaga
wa. Angkop
at maayos
ang props.
Napakalina
w na
naihatid ang
mensahe sa
ginawang
pagatatangh
al.
Kagamitan/Prop
s
Walang
ginamit na
kahit
anong
props.
May ginamit
na di maayos
na props
Angkop at
maayos na
props
Napakaang
kop at
napakaayos
ng mga
ginamit na
props
Nagsiganap Magulo at
maingay
ang mga
nagsigana
p
Nakaaakit
ang mga
nagsiganap
ngunit di
gaanong
maayos ang
kanilang
pagtatanghal
Nakaaakit
ang mga
nagsiganap
dahil sa
maayos na
pagsasalita
at pag-arte
ng
nagtatangha
l
Mahuhusay
ang mga
nagsiganap
dahil sa
maayos na
pagsasalita
at magaling
na pag-arte
Pagtawag-
pansin sa
manonood
Di
nakatawag
pansin sa
manonood
dahil sa
mahinang
pagsasalit
a at di
seryosong
pag-arte
Nakatawag-
pansin sa
manonood
dahil sa
maayos na
pagsasalita
ngunit di-
gaanong
seryoso sa
pag-arte
Nakatawag-
pansin sa
manonood
dahil sa
maayos na
pagsasalita
at
magandang
pag-arte
Nakatawag-
pansin sa
manonood
dahil sa
maayos na
pagsasalita
at
madamdami
n at
seryosong
pag-arte
Kabuuan
Gawain 8: My Generalization Table
Ngayong natid na ng mga mag-aaral kung paano nakatutulong ang mga
organisasyong pandaigdig sa pagsulong ng kaunlaran, kapayapaan at pagkakapantay-
pantay, pabalikan ang “Generalization Table” at pasagutan ang nahagi ng “My Findings
and Corrections”. Ipasulat din sa hanay ng “Supporting Evidence” ang bagay na
magpapatunay sa sagot ng mag-aaral. Inaasahang may pag-unlad na magaganap sa
kanilang kaalaman ng mag-aaral sa pagkakataong ito.
My Initial Thoughts
(Alam Ko Na)
My Findings and
Corrections
(Mga Nabago sa
Alam Ko Na)
Supporting
Evidence
(Mga Patunay)
My Generalization
(Paglalahat)
1.
2.
3.
PAGNILAYAN/UNAWAIN
Ipabasa at ipasuri ang artikulo mula sa South African Broadcasting Corporation
tungkol sa layunin ng World Bank na wakasan ang matinding kahirapan sa taong 2030.
Pagkatapos ay pasagutan ang kasunod na gawain.
Sa bahaging ito, pagtitibayin ng guro ang nabuong pag-unawa ng
mag-aaral tungkol sa paksa. Inaasahan ding kritikal na nilang masusuri
ang bahaging ginampanan ng mga organisasyong pandaigdig sa
pagsusulong ng kapayapaan, pagkakaisa at pag-unlad.
Gawain 9: BALIT - A – nalysis
Ipabasa sa mga mag-aaral ang balitang makikita sa Learning Module.
Pagkatapos ay pupunan ng sago tang kasunod na graphic organizer.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang hakbang na ginawa ng World Bank upang malutas ang suliranin ng
kahirapan sa mga bansa sa daigdig? Sang-ayon ka ba sa hakbang na ito ng World
Bank? Pangatwiranan.
2. Sumasang-ayon ka ba sa World Bank na ang kahirapan ay maituturing na isyung
moral? Bakit?
3. Sa iyong palagay, nararapat nga bang bigyang-pansin din ni Pangulong Jim Yong
Kim ang kababaihan? Ano ang maaaring maging bunga nito sa kalagayan ng
kababaihan sa buong mundo?
Gawain 10: 1-2-3 Summary
Ipabasang mabuti ang balita tungkol sa pagsususpinde ng Organization of
Islamic Cooperation sa Syria at pasagutan ang kasunod na gawain.
Pamprosesong Tanong:
1. Ayon sa balita, bakit isususpinde ng Organisation of Islamic Cooperation ang
Syria?
2. Mahalaga ba ang ginawang hakbang ng OIC para sa pagpapanatili ng
kapayapaan sa Syria at sa mundo sa kabuuan? Bakit?
Gawain 11: Reaksyon Mo, Say Mo!
Ipabasa at ipaunawang mabuti sa mga mag-aaral ang nilalaman ng balitang nasa
LM. Ipasulat din sa reaction corner ang kanilang positibo/ negatibong reaksyon sa
isyung nakapaloob sa binasang balita.
Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saan ang balita? Saan daw nangutang ang Pilipinas at para saan ang
pangungutang na ito?
2. Sinusuportahan mo ba ang desisyon na ito ng pamahalaan?
3. Nararamdaman ba ang epekto ng pagkakautang ng bansa?
Gawain 12: Generalization Table
Sa huling pagkakataon muling pabalikan ang “My Generalization Tablee”.
Ipatala sa mag-aaral ang sagot sa hanay ng “My Generalization”.
My Initial Thoughts
(Alam Ko Na)
My Findings and
Corrections
(Mga Nabago sa
Alam Ko Na)
Supporting
Evidence
(Mga Patunay)
My Generalization
(Paglalahat)
1.
2.
3.
Gawain 13: Synthesis Journal
Ipakita sa mga mag-aaral ang kasunod na synthesis journal. Ipasulat sa unang
hanay ang mga gawaing kanilang isinagawa at sinagutan. Ang mga natutunan naman
ay ilalagay sa ikalawang hanay. Sa pinakahuling hanay, ipasulat kung paano nila
magagamit sa pang-araw-araw na buhay ang kanilang mga natutuhan.
Gawain 14: Gawin para sa bayan … Kaya Ko Ito!
Ipabasa sa mga mag – aaral ang kasunod na sitwasyon at ipagawa ang
gawain.
Bilang chair person ng Samahan ng Kabataan, ikaw ay inaatasang gumawa
ng ordinansa na magbibigay solusyon sa suliraning pangkapayapaan sa inyong
lugar.
Isulat sa ibaba ang ordinansa. Gamiting gabay ang format na ito:
Pamantayan sa Pagmamarka ng Output
Mga Pamantayan Marka
Nilalaman ng ordinansa: angkop at
kumpleto
25%
Maayos na organisasyon ng mga ideya 25%
Malinaw na presentasyon 25%
Wastong formar sa pagsulat ng ordinansa:
Tamang baybay, bantas, salita, ayos ng
pangungusap
25%
Kabuuan
Sanggunian
A. Books
Kasaysayan ng Daigdig, Teofista L. Vivar et al, ph.243-250
Kasaysayan ng Daigdig, Vivar et al, 281-284
Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo, Ph.D, et.al, ph. 309-319.
Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo PhD. et. al, 338-343
Kasaysayan ng Daigdig Grace Estela C. Mateo, 348-355
Kasaysayan ng Daigdig Grace Estela C. Mateo, 358-361.
B. Modules
Project EASE- Araling Panlipunan III Module 17-
Project EASE Araling Panlipunan III MODULE 18- pg. 13 .
Project EASE Araling Panlipunan III MODULE 19- pg. 17
Project EASE Araling Panlipunan III MODULE 20- pg. 5,9,10,13 14.
C. Website
http://www.gov.ph/2004/07/20/proclamation-no-675-s-2004/
http://www.tariffcommission.gov.ph/afta-cep.html
http://allafrica.com/stories/201310070084.html
http://www.reuters.com/article/2012/08/15/us-syria-crisis-islamic-
summitidUSBRE87E19F20120815
http://www.gmanetwork.com/news/story/264036/economy/finance/phl-s-1-bloanto-imf-not-the-
first-nor-the-biggest
http://www.galangphilippines.org/media/ADO-Brgy.-Pansol.pdf
http://voiceofrussia.com/2013_08_13/China-in-Africa-neocolonialism-or-chancefor-growth-
9071/
http://www.tldm.org/News10/Hammer3.png--
http://image.shutterstock.com/display_pic_with_logo/1024975/110632307/stockphoto-
american-symbol-statue-of-liberty-
110632307.jpghttps://encryptedtbn1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQvOOjDjqEMr0x3_V5
hANSi9kV7LkZJ1kS6
Xx5SDghVNWXkwI8nhttp://www-tc.pbs.org/behindcloseddoors/tmp_assets/stalin-bio.jpg
http://fascistitaly.files.wordpress.com/2011/05/benito-
mussolini1.jpeghttp://eternity.xhost.ro/hitler.jpghttps://www.google.com.ph/search?q=world+w
ar+i+pictures&source=lnms&tbm=isc
h&sa=X&ei=OqF4UrPRINOciQf3zYHgAw&sqi=2&ved=0CAcQ_AUoAQ&biw=1208&
bih=598- pics s WWI

More Related Content

What's hot

Mga sanhi na nagbigay daan sa pagsiklab ng ikalawang [autosaved]
Mga sanhi na nagbigay daan sa pagsiklab ng ikalawang [autosaved]Mga sanhi na nagbigay daan sa pagsiklab ng ikalawang [autosaved]
Mga sanhi na nagbigay daan sa pagsiklab ng ikalawang [autosaved]Maya Ashiteru
 
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxKristelleMaeAbarco3
 
Aralin 13 : MGA IDEOLOHIYA, COLD WAR, AT NEOKOLONYALISMO
Aralin 13 : MGA IDEOLOHIYA, COLD WAR, AT NEOKOLONYALISMOAralin 13 : MGA IDEOLOHIYA, COLD WAR, AT NEOKOLONYALISMO
Aralin 13 : MGA IDEOLOHIYA, COLD WAR, AT NEOKOLONYALISMOSMAP_G8Orderliness
 
Ang Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Unang Digmaang PandaigdigAng Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Unang Digmaang Pandaigdigedmond84
 
Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig Module 4
Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig Module 4Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig Module 4
Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig Module 4Jonathan Husain
 
Modyul 15 ang rebolusyong pampulitika sa pransiya at ameri
Modyul 15   ang rebolusyong pampulitika sa pransiya at ameriModyul 15   ang rebolusyong pampulitika sa pransiya at ameri
Modyul 15 ang rebolusyong pampulitika sa pransiya at ameri南 睿
 
ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIGANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIGJenny_Valdez
 
Pag-usbong ng Renaissance.pptx
Pag-usbong ng Renaissance.pptxPag-usbong ng Renaissance.pptx
Pag-usbong ng Renaissance.pptxCARLOSRyanCholo
 
Aralin 11 unang digmaang pandaigdig
Aralin 11 unang digmaang pandaigdigAralin 11 unang digmaang pandaigdig
Aralin 11 unang digmaang pandaigdigSMAP Honesty
 
Mga Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxKristelleMaeAbarco3
 
Modyul 19 cold war
Modyul 19   cold warModyul 19   cold war
Modyul 19 cold war南 睿
 

What's hot (20)

Mga sanhi na nagbigay daan sa pagsiklab ng ikalawang [autosaved]
Mga sanhi na nagbigay daan sa pagsiklab ng ikalawang [autosaved]Mga sanhi na nagbigay daan sa pagsiklab ng ikalawang [autosaved]
Mga sanhi na nagbigay daan sa pagsiklab ng ikalawang [autosaved]
 
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
Aralin 13 : MGA IDEOLOHIYA, COLD WAR, AT NEOKOLONYALISMO
Aralin 13 : MGA IDEOLOHIYA, COLD WAR, AT NEOKOLONYALISMOAralin 13 : MGA IDEOLOHIYA, COLD WAR, AT NEOKOLONYALISMO
Aralin 13 : MGA IDEOLOHIYA, COLD WAR, AT NEOKOLONYALISMO
 
Pag-usbong ng Bourgeoisie
Pag-usbong ng BourgeoisiePag-usbong ng Bourgeoisie
Pag-usbong ng Bourgeoisie
 
Ang Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Unang Digmaang PandaigdigAng Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Unang Digmaang Pandaigdig
 
Rebolusyong amerikano
Rebolusyong amerikanoRebolusyong amerikano
Rebolusyong amerikano
 
Cold war
Cold war Cold war
Cold war
 
Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig Module 4
Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig Module 4Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig Module 4
Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig Module 4
 
Modyul 15 ang rebolusyong pampulitika sa pransiya at ameri
Modyul 15   ang rebolusyong pampulitika sa pransiya at ameriModyul 15   ang rebolusyong pampulitika sa pransiya at ameri
Modyul 15 ang rebolusyong pampulitika sa pransiya at ameri
 
Ang Renaissance
Ang  RenaissanceAng  Renaissance
Ang Renaissance
 
ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIGANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
 
Ibat ibang Ideolohiya
Ibat ibang IdeolohiyaIbat ibang Ideolohiya
Ibat ibang Ideolohiya
 
Pag-usbong ng Renaissance.pptx
Pag-usbong ng Renaissance.pptxPag-usbong ng Renaissance.pptx
Pag-usbong ng Renaissance.pptx
 
Ang unang digmaang pandaigdig
Ang unang digmaang pandaigdigAng unang digmaang pandaigdig
Ang unang digmaang pandaigdig
 
Aralin 11 unang digmaang pandaigdig
Aralin 11 unang digmaang pandaigdigAralin 11 unang digmaang pandaigdig
Aralin 11 unang digmaang pandaigdig
 
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ikalawang Digmaang PandaigdigIkalawang Digmaang Pandaigdig
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
 
Mga Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
Rebolusyong pranses
Rebolusyong pranses Rebolusyong pranses
Rebolusyong pranses
 
Rebolusyong amerikano
Rebolusyong amerikanoRebolusyong amerikano
Rebolusyong amerikano
 
Modyul 19 cold war
Modyul 19   cold warModyul 19   cold war
Modyul 19 cold war
 

Similar to GABAY SA PAGTUTURO MODYUL 4 ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIG

K 12kasaysayanngdaigdiga-140726073346-phpapp01
K 12kasaysayanngdaigdiga-140726073346-phpapp01K 12kasaysayanngdaigdiga-140726073346-phpapp01
K 12kasaysayanngdaigdiga-140726073346-phpapp01Edilissa Padilla
 
Modyul 17 labanan ng mga bansa sa daigdig
Modyul 17   labanan ng mga bansa sa daigdigModyul 17   labanan ng mga bansa sa daigdig
Modyul 17 labanan ng mga bansa sa daigdig南 睿
 
4th-Quarter-Module-1-Unang-Digmaang-Pandaigdig-2 (1).pptx
4th-Quarter-Module-1-Unang-Digmaang-Pandaigdig-2 (1).pptx4th-Quarter-Module-1-Unang-Digmaang-Pandaigdig-2 (1).pptx
4th-Quarter-Module-1-Unang-Digmaang-Pandaigdig-2 (1).pptxMeLanieMirandaCaraan
 
AP8_Q4_Module_2.pdf
AP8_Q4_Module_2.pdfAP8_Q4_Module_2.pdf
AP8_Q4_Module_2.pdfdsms15
 
PAUNANG PAGTATAYA 3RD Q. KASAYDAIG.pptx
PAUNANG PAGTATAYA 3RD Q. KASAYDAIG.pptxPAUNANG PAGTATAYA 3RD Q. KASAYDAIG.pptx
PAUNANG PAGTATAYA 3RD Q. KASAYDAIG.pptxAljonMendoza3
 
unangdigmaangpandaigdigfordemo-190624175649.pdf
unangdigmaangpandaigdigfordemo-190624175649.pdfunangdigmaangpandaigdigfordemo-190624175649.pdf
unangdigmaangpandaigdigfordemo-190624175649.pdfJojoLambino
 
G7 AP Q4 Week 4 Epekto ng Ikalawang Digmaan sa Asyano.pptx
G7 AP Q4 Week 4 Epekto ng Ikalawang Digmaan sa Asyano.pptxG7 AP Q4 Week 4 Epekto ng Ikalawang Digmaan sa Asyano.pptx
G7 AP Q4 Week 4 Epekto ng Ikalawang Digmaan sa Asyano.pptxJoeyeLogac
 
g7apq4week4epektongikalawangdigmaansaasyano-230919125019-2349a894.pdf
g7apq4week4epektongikalawangdigmaansaasyano-230919125019-2349a894.pdfg7apq4week4epektongikalawangdigmaansaasyano-230919125019-2349a894.pdf
g7apq4week4epektongikalawangdigmaansaasyano-230919125019-2349a894.pdfVielMarvinPBerbano
 
Ikalawang digmaang pandaigdig -report -4th grading -3rd year
Ikalawang digmaang pandaigdig -report -4th grading -3rd yearIkalawang digmaang pandaigdig -report -4th grading -3rd year
Ikalawang digmaang pandaigdig -report -4th grading -3rd yearApHUB2013
 

Similar to GABAY SA PAGTUTURO MODYUL 4 ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIG (20)

Ap module (unit 4)
Ap module (unit 4)Ap module (unit 4)
Ap module (unit 4)
 
AP G8/G9 lm q4
AP G8/G9 lm q4AP G8/G9 lm q4
AP G8/G9 lm q4
 
K 12kasaysayanngdaigdiga-140726073346-phpapp01
K 12kasaysayanngdaigdiga-140726073346-phpapp01K 12kasaysayanngdaigdiga-140726073346-phpapp01
K 12kasaysayanngdaigdiga-140726073346-phpapp01
 
Ap8 lm q4
Ap8 lm q4Ap8 lm q4
Ap8 lm q4
 
Modyul 17 labanan ng mga bansa sa daigdig
Modyul 17   labanan ng mga bansa sa daigdigModyul 17   labanan ng mga bansa sa daigdig
Modyul 17 labanan ng mga bansa sa daigdig
 
4th-Quarter-Module-1-Unang-Digmaang-Pandaigdig-2 (1).pptx
4th-Quarter-Module-1-Unang-Digmaang-Pandaigdig-2 (1).pptx4th-Quarter-Module-1-Unang-Digmaang-Pandaigdig-2 (1).pptx
4th-Quarter-Module-1-Unang-Digmaang-Pandaigdig-2 (1).pptx
 
IKAAPAT NA MARKAHAN KASAYSAYAN NG DAIGDIG
IKAAPAT NA MARKAHAN KASAYSAYAN NG DAIGDIGIKAAPAT NA MARKAHAN KASAYSAYAN NG DAIGDIG
IKAAPAT NA MARKAHAN KASAYSAYAN NG DAIGDIG
 
AP8_Q4_Module_2.pdf
AP8_Q4_Module_2.pdfAP8_Q4_Module_2.pdf
AP8_Q4_Module_2.pdf
 
PAUNANG PAGTATAYA 3RD Q. KASAYDAIG.pptx
PAUNANG PAGTATAYA 3RD Q. KASAYDAIG.pptxPAUNANG PAGTATAYA 3RD Q. KASAYDAIG.pptx
PAUNANG PAGTATAYA 3RD Q. KASAYDAIG.pptx
 
Modyul 4 ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIDG
Modyul 4   ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIDGModyul 4   ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIDG
Modyul 4 ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIDG
 
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
 
unangdigmaangpandaigdigfordemo-190624175649.pdf
unangdigmaangpandaigdigfordemo-190624175649.pdfunangdigmaangpandaigdigfordemo-190624175649.pdf
unangdigmaangpandaigdigfordemo-190624175649.pdf
 
G7 AP Q4 Week 4 Epekto ng Ikalawang Digmaan sa Asyano.pptx
G7 AP Q4 Week 4 Epekto ng Ikalawang Digmaan sa Asyano.pptxG7 AP Q4 Week 4 Epekto ng Ikalawang Digmaan sa Asyano.pptx
G7 AP Q4 Week 4 Epekto ng Ikalawang Digmaan sa Asyano.pptx
 
g7apq4week4epektongikalawangdigmaansaasyano-230919125019-2349a894.pdf
g7apq4week4epektongikalawangdigmaansaasyano-230919125019-2349a894.pdfg7apq4week4epektongikalawangdigmaansaasyano-230919125019-2349a894.pdf
g7apq4week4epektongikalawangdigmaansaasyano-230919125019-2349a894.pdf
 
Pagsusulit sa AP8
Pagsusulit sa AP8Pagsusulit sa AP8
Pagsusulit sa AP8
 
6Ap module iii
6Ap module iii6Ap module iii
6Ap module iii
 
Ap module iii
Ap module iiiAp module iii
Ap module iii
 
Ikalawang digmaang pandaigdig -report -4th grading -3rd year
Ikalawang digmaang pandaigdig -report -4th grading -3rd yearIkalawang digmaang pandaigdig -report -4th grading -3rd year
Ikalawang digmaang pandaigdig -report -4th grading -3rd year
 
AP G8/G9 lm q3
AP G8/G9 lm q3AP G8/G9 lm q3
AP G8/G9 lm q3
 
Ap module (unit 3)
Ap module (unit 3)Ap module (unit 3)
Ap module (unit 3)
 

More from Precious Sison-Cerdoncillo

Aralin 1 Unang Digmaang Pandaigdig – Ikaapat na Markahan_Mahabang Pagsusulit ...
Aralin 1 Unang Digmaang Pandaigdig – Ikaapat na Markahan_Mahabang Pagsusulit ...Aralin 1 Unang Digmaang Pandaigdig – Ikaapat na Markahan_Mahabang Pagsusulit ...
Aralin 1 Unang Digmaang Pandaigdig – Ikaapat na Markahan_Mahabang Pagsusulit ...Precious Sison-Cerdoncillo
 
GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTERGABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTERPrecious Sison-Cerdoncillo
 
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTERMODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTERPrecious Sison-Cerdoncillo
 
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN_GRADE 8 FIRST QUARTERMODYUL I_ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN_GRADE 8 FIRST QUARTERPrecious Sison-Cerdoncillo
 
MODYUL I_HEOGRAPIYA NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_HEOGRAPIYA NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTERMODYUL I_HEOGRAPIYA NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_HEOGRAPIYA NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTERPrecious Sison-Cerdoncillo
 
Aralin 1-3 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pags...
Aralin 1-3 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pags...Aralin 1-3 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pags...
Aralin 1-3 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pags...Precious Sison-Cerdoncillo
 
Aralin-2 Ang Mga Sinaunang Tao - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin-2 Ang Mga Sinaunang Tao - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Aralin-2 Ang Mga Sinaunang Tao - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin-2 Ang Mga Sinaunang Tao - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Precious Sison-Cerdoncillo
 
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Precious Sison-Cerdoncillo
 

More from Precious Sison-Cerdoncillo (14)

Aralin 1 Unang Digmaang Pandaigdig – Ikaapat na Markahan_Mahabang Pagsusulit ...
Aralin 1 Unang Digmaang Pandaigdig – Ikaapat na Markahan_Mahabang Pagsusulit ...Aralin 1 Unang Digmaang Pandaigdig – Ikaapat na Markahan_Mahabang Pagsusulit ...
Aralin 1 Unang Digmaang Pandaigdig – Ikaapat na Markahan_Mahabang Pagsusulit ...
 
NEOKOLONYALISMO PSC
NEOKOLONYALISMO PSCNEOKOLONYALISMO PSC
NEOKOLONYALISMO PSC
 
NEOKOLONYALISMO
NEOKOLONYALISMONEOKOLONYALISMO
NEOKOLONYALISMO
 
GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTERGABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
 
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTERMODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG TAO_GRADE 8 FIRST QUARTER
 
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN_GRADE 8 FIRST QUARTERMODYUL I_ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN_GRADE 8 FIRST QUARTER
 
MODYUL I_HEOGRAPIYA NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_HEOGRAPIYA NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTERMODYUL I_HEOGRAPIYA NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_HEOGRAPIYA NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
 
Aralin 1-3 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pags...
Aralin 1-3 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pags...Aralin 1-3 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pags...
Aralin 1-3 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pags...
 
Aralin-2 Ang Mga Sinaunang Tao - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin-2 Ang Mga Sinaunang Tao - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Aralin-2 Ang Mga Sinaunang Tao - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin-2 Ang Mga Sinaunang Tao - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
 
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
 
KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYAKABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
 
ANG KLIMA AT MGA KONTINENTE
ANG KLIMA AT  MGA KONTINENTEANG KLIMA AT  MGA KONTINENTE
ANG KLIMA AT MGA KONTINENTE
 
ANG KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG
ANG KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIGANG KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG
ANG KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG
 
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYAKATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
 

Recently uploaded

ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxNicaGobalizaEsquilon
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....ryannioda32
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxIBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxlouieilo1
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoChristineJaneWaquizM
 
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentationAng sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentationRonalynGatelaCajudo
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxmaryjoyrobis2
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxRoseAnneOcampo1
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxCharmaineMacailan1
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxDanicaAndoyoDuhali
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxZERos7
 

Recently uploaded (20)

ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxIBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
 
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentationAng sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
 

GABAY SA PAGTUTURO MODYUL 4 ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIG

  • 1. ARALING PANLIPUNAN KASAYSAYAN NG DAIGDIG MODYUL 4 ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIG (IKA-20 SIGLO HANGGANG SA KASALUKUYAN): MGA SULIRANIN AT HAMON TUNGO SA PANDAIGDIGANG KAPAYAPAAN, PAGKAKAISA, PAGTUTULUNGAN, AT KAUNLARAN Aralin 1 – Unang Digmaang Pandaigdig Aralin 2 – Ikalawang Digmaang Pandaigdig Aralin 3 – Mga Ideolohiya, Cold War at Neokolonyalismo Aralin 4 – Ang United Nations at Iba Pang Pandaigdigang Organisasyon, Pangkat at Alyansa
  • 2. PANIMULA: Mababakas sa ika-19 na siglo sa kasaysayan ng daigdig, ang malawakang paglaganap ng diwang nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi nito. Iisang lahi, iisang lipi, magkatulad na wika, relihiyon at pagpapahalaga ang pangunahing salik na nabunsod sa diwang nasyonalismo. Kasabay nito ay ang pag-unlad ng agham, industriya at kaisipang pampulitika ng mga bansa. Subalit sa pasimula ng ikalawang dekada ng ika- 20 siglo maraming pangyayari ang naganap na gumimbal sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Naganap ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sinundan ng iba’t ibang ideolohiya, Cold War at ang malawakang Neokolonyalismo ng mga superpowers na bansa. Upang mawakasan ang di- pagkakaunawaan bumuo ang mga bansa ng pandaigdigang samahan na siyang mangunguna sa pag-aayos ng lahat ng sigalot ng mga bansa. Sa pagkakataong ito, susuriin natin ang mahalagang papel na ginampanan ng mga bansa upang matamo ang pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan at kaunlaran mula ika-20 siglo hanggang sa kasalukuyan. Ang mga babasahin at teksto ang magsisilbing gabay upang masagot mo ang tanong na paano ka makakatulong upang makamit ang pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, kapayapaan at kaunlaran? Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipag-ugnayan at sama-samang pagkilos sa kontemporaryong daigdig tungo sa pandaigdigang kapayapaan, pagtutulungan at kaunlaran.
  • 3. Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa mga Gawain, program at proyektong pangkomunidad at pambansa na nagsusulong ng rehiyunal at pandaigdigang pangkapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan at kaunlaran. Ang Kontemporaryong Daigdig (Simula sa Ika-20 Siglo Hanggang sa Kasalukuyan): Mga Suliranin at Hamon Tungo sa Pandaigdigang Kapayapaan, Pagkakaisa, Pagtutulungan at Kaunlaran Pamantayan sa Pagkatuto Aralin I - Ang Unang Digmaang Pandaigdig  Nasusuri ang mga dahilan na nagbigay daan sa Unang Digmaang Pandaigdig  Nasusuri ang Mahahalagang pangyayari naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig Natataya ang mga epekto ng Unang Dimaang Pandaigdig  Nasusuri ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at kaunlaran Aralin II- Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig  Nasusuri ang mga dahilan na nagbigay daan sa Ikalawang Digmaang Pandaidig Nasusuri ang mahahalagang pangyayari naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
  • 4. Natataya ang mga epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig  Nasusuri ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at kaunlaran Aralin III- Mga Ideolohiya, Cold War at Neokolonyalismo  Nasusuri ang mga ideolohiyang pulitikal at ekonomik sa hamon ng establisadong institusyon ng lipunan.  Natataya ang epekto ng Cold War sa iba’t ibang bahagi ng daigdig  Nasusuri ang mga epekto ng neokolonyalismo sa pangkalahatang kalagayan ng papaunlad at di- maunlad na bansa Aralin IV- Ang United Nations at Iba Pang Pandaigdigang Organisasyon, Pangkat at Alyansa  Nasusuri ang bahaging ginampanan ng mga pandaidigang organisasyon sa pagsusulong ng pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.  Ang United Nations at ang mga sangay nito  Mga organisasyon at alyansa  Mga pang-ekonomikong organisasyon at trading blocs
  • 5. 1. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa: A. pagtatatag ng Nagkakaisang Bansa B. pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente. C. pagpapalakas ng hukbong militarng mga bansa. D. pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa Gamiting gabay ang mapa ng Europe upang masagot ang tanong sa ibaba. 2. Sinasabing sa Kanlurang Europe naganap ang pinakamainit na labanan sa panahon ng World War I . Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nauugnay dito? A. Labanan ng Austria at Serbia B. Digmaan ng Germany at Britain C. Paglusob ng Rusya sa Germany D. Digmaan mula sa Hilagang Belgium hanggang sa hangganan ng Switzerland PANIMULANG PAGTATAYA
  • 6. 3. Isang ideolohiya at uri ng pamahalaan na nagbibigay ng pantay na karapatan at kalayaan anuman ang kanilang kinabibilangang lahi, kasarian o relihiyon A. Demokrasya B. Liberalismo C. Kapitalismo D. Sosyalismo 4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag ng katagang ito “ Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa impluwensyang dayuhan” A. Napapanatili ang kultura ng isang bansa B. Pinakikinabangan ng mga dayuhan ang likas na yaman ng mga kolonya C. Ang kulturang dayuhan ang pinahalagahan ng mga bansang umuunlad pa lamang D. Nababago ng mga dayuhan ang kultura ng kolonya sa pamamagitan ng iba’t ibang impluwensya 5. Bakit ikinagalit ni Adolf Hitler ang mga probisyon ng Kasunduan sa Versailles? A. Ginawang Mandated Territory ang lahat ng kolonya ng Germany B. B. Pinagbayad ang Germany ng malaking halaga para sa reparasyon C. Dahil ito ay kasunduang nabuo lamang ng samahang Triple Entente D. Naniniwala si Hitler na labis na naapi ang Germany sa mga probisyong nakasaad dito
  • 7. 6. Ang kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng World War I A. Treaty of Paris B. United Nations C. League of Nations D. Treaty of Versailles Suriin ang T-diagram sa ibaba, gawing gabay ito upang masagot ang tanong sa bilang 7-8 7. Alin sa mga sumusunod ang impormasyong dapat ilagay sa gitna ng T-diagram? A. 17th parallel at 38th parallel B. 38th parallel at 17th parallel C. 19th parallel at 38th parallel D. 38th parallel at 19th parallel
  • 8. 8. Mahihinuha sa mga impormasyon sa T- diagram, na nahati ang Korea at Vietnam matapos ang World War I. Bakit kaya nagkaroon ng paghahati ang ilang bansa sa Asya? A. Upang magkaroon ng tiyak na hangganan B. Dahil sa magkaibang kultura ng dalawang bansa C. Upang mas masukat ang pag-unlad ng ekonomiya ng dalawang bansa Demokrasya Komunismo D. Dahil sa magkaibang paniniwala, ideolohiya, at prinsipyo, ipinaglalaban ng bawat bansa 9. Pahayag I: Ang United Nations ay naging matagumpay na pigilan ang pagsiklab ng digmaang pandaigdig dahil ito ay nagging pandaigdigang forum upang pag-usapan ang sigalot ng mga bansa Pahayag II: Nabigo ang UN na magpatupad ng mga resolusyon ukol sa pang-aabuso ng Israel sa karapatang pantao ng mga Palestinian. A. Tama ang pahayag I at Mali ang pahayag II B. Mali ang pahayag I at tama ang pahayag II C. Parehong tama ang pahayag I at II D. Parehong mali ang pahayag I and II
  • 9. 10. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig? A. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers B. Pagpapalabas ng labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson C. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia D. Pagwawakas ng mga Imperyo sa Europa tulad ng Alemanya, Austria- Hungary, Rusya, at Ottoman 11. Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Alin ang hindi kabilang sa mga pangyayari pagkatapos ng digmaan? A. Naitatag ang United Nation B. Nagkaroon ng World War III C. Nawala ang Fascism at Nazism D. Nagkaroon sa daigdig ng labanan ng ideolohiya 12. Alin sa mga sumusunod ang nagtatakda ng pagiging kaanib ng UN? A. Mga bansang nanalo sa digmaan B. Bansang may kakayahang magbigay ng taunang butaw C. Anumang sukat at populasyon ng bansa na nagmamahal sa kalayaan D. Mga bansang naapektuhan ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig
  • 10. Gamitin ang mga larawan upang masagot ang tanong bilang 13. Alin sa mga sumusunod ang mahihinuha mo mula sa larawan? A. Maraming ari-arian at buhay ang nawawasak dahil sa digmaan B. Malaking halaga ang kailangan para sa reparasyon pagkatapos ng digmaan C. Sa mga digmaan, walang panalo, walang talo, lahat ng bansang sangkot ay apektado D. Lahat ng nabanggit 14. Ang Cold War ay digmaan ng nagtutungaling ideolohiya ng dalawang makapangyarihang bansa o superpower. Anong dalawang bansa ang nakaranas nito matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig? A. US at USSR B. US at France C. Germany at USSR D. Germany at France
  • 11. 15. Alin sa mga sumusunod ang tiyakang pakinabang na matatanggap ng mga bansa kung sasanib sila sa APEC? A. Karagdagang subsidiya sa pagtatayo ng mga imprastraktura B. Tulong militar laban sa magtatangkang sakupin ang kalabang bansa C. Pagtutulungang ekonomiya at teknikal sa pag-papaunlad ng agham at ekonomiya D. Pagpasok sa pamilihan at pag-aalis ng buwis sa mga produkto ng mga kasaping bansa 16. Anong konklusyon ang mahihinuha mo sa pahayag na “ Ang kasunduan sa Versailles ang nagsilbing binhi ng World War II” A. Pabor sa lahat ng bansang sangkot ang mga probisyon ng kasunduan sa Versailles B. Ang kasunduan sa Versailles sa pagitan ng Allies at Germany ang opisyal na nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig C. Ang mga probisyon ng Kasunduan sa Versailles ang nagtulak sa Germany upang maghimagsik sa mga arkitekto nito D. Naging mahina ang League of Nationsna isa sa mga probisyon ng kasunduan upang mapanatili ang kapayapaan ng mga bansa 17. Ang mga pahayag sa ibaba ay maaaring maranasan ng mga mamamayang naninirahan sa US at Pilipinas, alin ang hindi kabilang?
  • 12. A. May karapatang makaboto B. May kalayaan sa pananampalataya C. Militar ang nangingibabaw sa sibilyan D. Lahat ng mga mamamayan ay may karapatan sa edukasyon 18. Malaki ang naging epekto ng Cold War s ekonomiya ng mga bansa sa Asya at Kanluran. Paano nagsimula ang Cold War? A. Pagnanais ng Russia na sakupin ang United States B. Tinanggihan ng Russia ang mga kalakal mula sa United States C. Pangingibabaw ng dalawang ideolohiya ng dalawang makapangyarihang bansa D. Hindi pagbibigay ng pahintulot ng United States sa mga Ruso na makapasok sa kanilang bansa 19. Alin sa mga sumusunod ang ipinakikita ng chain of events sa ibaba. A. Mga salik na nagbigay daan sa World War I B. Mga salik na nagbigay daan sa World War II C. Mga pangyayaring naganap sa World War D. Mga pangyayaring naganap sa World War II Basahin at unawain ang talata sa ibaba upang sagutin ang tanong.
  • 13. Noong World War II, nakalikha ang United States ng sandatang nukleyar sa ilalim mg Manhattan Project. Ang lakas ng pwersang pinapakawalan ng bombang ito ay katumbas ng pinasabog na TNT na nasa kilotons o megatons ang bigat. Ika-6 ng Agosto 1945 nang hulugan ng bombang nukleyar ng mga Amerikano ang Hiroshima at Nagasaki sa Japan. Nagdulot ito ng pagkasawi ng maraming tao at pagkawasak ng mga imprastraktura. Disyembre 1983, nang may ilang siyentipikong naglabas ng kanilang pag-aaral sa posibleng epkto ng pagpapasabog ng sandatang nukleyar sa mga klima sa mundo na tinawag na nuclear winter theory. Ayon sa teorya, ito ay magtatapon ng usok at alikabok na sapat upang takpan ang araw sa loob ng maraming buwan na magiging sanhi ng paglamig ng klima ng mundo na ikamamatay ng mga halaman at mga bagay na may buhay. Pinagkunan- http://en.wikipedia.org/wiki/Nuclear_Weapons 20. Inilahad sa talata sa itaas ang posibleng epekto ng sandatang nukleyar sa daigdig? Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang nararapat ipatupad ng mga bansa sa daigdig hinggil dito? A. Maaaring gumamit ng plantang nukleyar upang mapanatili ang kapayapaan sa daigdig B. Dapat ipagbawal ang paggamit nito upang maiwasan ang epekto sa tao at halaman C. Nararapat magkaroon ng patakaran sa paggamit at siyasatin ang mga plantang nukleyar ng mga bansa D. Nararapat na magkaroon ang bawat bansa ng sandatang nukleyar sapagkat mahalaga sa bawat bansa ang pwersa.
  • 14. ALAMIN GAWAIN 1: Konseptong Digmaan, Punan! Ipagawa ang puzzle sa mga mag-aaral. Ipaalalang hindi nila kailangang masagot ang lahat ng bilang. Panuto: Ano ang konseptong tinutukoy ng grupo ng mga salita sa bawat bilang. Isulat ang nawawalang letra sa mga kahon upang matukoy iyon. Pansining may ibinigay nang mga letra upang maisip ang wastong sagot. 1. Pagkakampihan ng mga bansa A Y A 2. Pagpapalakas ng mga bansang sandatahan ng mga bansa sa Europe. M I T A S O 3. Panghihimasok ng mga makakapangyarihang bansa sa mahihinang bansa. I P Y L O 4. Pagmamahal sa bayan. N S N L M 5. Bansang kaalyado ng France at Russia. G T B T N Sa bahaging ito ng aralin, tutuklasin ng guro ang dating kaalaman ng mga mag- aaral tungkol sa mga dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig at mga pangyayaring nagpapakita kung paano ito lumaganap, nagpatuloy at nagwakas. Bibigyang – pansin ang matinding epekto na iniwan ng digmaan. Inaasahang masasagot ng mga mag- aaral ang katanungang “Paano nagsikap ang mga bansa na wakasan ang Unang Digmaang Pandaigdig?”. Ihanda ang mga mag-aaral sa pagtupad at pagsasagawa ng mga gawain. ARALIN 1: ANG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
  • 15. 6. Organisasyon ng mga bansa pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig. E E F A O 7. Kasunduang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig. V S I L S 8. Ang entablado ng Unang Digmaang Pandaigdig. R P 9. Siya ang lumagda sa Proclamation of Neutrality W D O L N 10. Alyansang binubuo ng Austria- Hungary, Germany at Italy. T L E L I N E Sagot sa mga Tanong: 1. Alyansa 2. Militarismo 3. Imperyalismo 4. Nasyonalismo 5. Great Britain 6. League of Nations 7. Versailles 8. Europe 9. Woodrow Wilson 10. Triple Alliance Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang mahihinuha sa salitang iyong nabuo? 2. May magkakaugnay bang salita? Kung mayroon, paano ito nagkaugnay? 3. Ano ang kaugnayan nito sa naganap na Unang Digmaang Pandaigdig?
  • 16. GAWAIN 2: Sapot ng Kaaalaman Matapos sagutin ang puzzle, ipasulat sa mga mag-aral ang mga salitang maiuugnay sa bawat konseptong nasa loob ng Fact Storming Web. Gagamitin ang mga gabay na tanong upang maiugnay ito sa paksang tatalakayin. Maaaring magpalitan ng mga tanong at kuru-kuro ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang kasagutan. Pamprosesong Tanong 1. Ano ang naging batayan mo sa pagsagot ng gawain? 2. Bakit kaya nagkakaroon ng digmaan? 3. Ipaliwanag ang mga posibleng mangyari sa panahon ng digmaan? 4. May pagkakatulad ba ang kasagutan mo sa kasagutan ng kaklase mo? sa paanong paraan?
  • 17. GAWAIN 3: Picture-nalysis Ipasuri ang larawan. Ipasagot ang mga pamprosesong tanong Pamprosesong Tanong 1. Ano ang ideyang ipinakikita ng larawan? 2. Kung magiging saksi ka sa ganitong pangyayari, ano ang posible mong maramdaman? 3. Paano kaya maiiwasan ang mga digmaan sa daigdig? PAUNLARIN Ipabasa ang kasunod na teksto upang magsilbing sanggunian sa paggawa ng pangkatang gawain. Gamit ang binasang teksto tungkol sa Unang Digmaang Pandaigdig. (Project Ease Modyul 17 ph. 9-12), ipabasa at ipaunawa sa mga mag-aaral ang nilalaman nito upang magamit sa susunod na gawain. Sa bahaging ito, simulan ang pagpapaunlad ng aralin. Bigyang-diin ang pagtutuwid sa maling pag-unawa ng mga mag-aaral. Balikan ang mga sagot sa bawat gawain sa unang bahagi ng yunit upang magabayan ang pang-unawa ng mga mag-aaral.
  • 18. Gawain 4: Magkwentuhan Tayo! Gamiting gabay ang kasunod na Story Map upang masuri ang dahilan, pangyayari, at epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig. Tandaan: Sa pagsusuri ng Story Map, tanggaping lahat ang kasagutan ng mga mag-aaral. Maaaring magbigay ng ilang pangyayari. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng kanilang sariling kaalaman. Pamprosesong Tanong: 1. Sino-sinong pinuno ang nanguna sa Unang Digmaang Pandaigdig? 2. Saang bahagi ng daigdig naganap ang pinakamainit na labanan? 3. Ipaliwanag ang simula, mahahalagang labanan, mga kasunduang naganap at naging wakas ng Digmaang Pandaigdig. 4. Paano nakaapekto ang digmaang ito sa mundo? Gawain 5: War of Presentation Ipagawa ang pangkatang gawain upang maging mas malawak ang pagkaunawa ng mga mag-aaral sa paksang aralin. Unang Pangkat: Panel Interview – Tungkol sa mga dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig Ikalawang Digmaang Pandaigdig: Human Frame – Tungkol sa mga pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig
  • 19. Ikatlong Pangkat: Role Play – Tungkol sa epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig Ikaapat na Pangkat: Isang pagpupulong upang makamit ang Kapayapaang Pandaigdig Pamprosesong Tanong: Batay sa ipinakitang pangkatang gawain, sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano- ano ang dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig? 2. Ilarawan ang mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig 3. Bakit napilitan ang United States na makisangkot sa digmaan? 4. Ipaliwanag ang epekto o bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig? 5. Nakabuti ba ang usapang pangkapayapaan na pinangunahan ng Alyadong Bansa? Bakit? 6. Bakit nagkaroon pa rin ng lihim na kasunduan na lingid kay Pangulong Wilson? 7. Bakit hindi naging kasiya-siya sa ibang bansang kasangkot sa Unang Digmaang Pandaigdig ang Kasunduan sa Versailles? 8. Paano nagsikap ang mga pinuno ng mga bansa na wakasan ang Unang Digmaang Pandaigdig? Rubric sa Pagmamarka ng Gawain PAMANTAYAN 1 2 3 4 PUNTOS Pagkabuo Hindi talaga maunaawa n ang isinagawa dahil magulo ang mga daloy ng pangyayari Di-gaanong maunawaan ang pagtatangha l dahil medyo magulo ang daloy ng mga pangyayari Maayos ang pagkakagana p at may mensaheng ipinahahatid. Malinaw na nasunod ang mga pangyayari Inilahad nang malinaw at maayos ang mga pangyayari Nakatawag ng pansin sa mga manonood
  • 20. Nilalaman Talagang hindi maunawaa n ang mensahe. Magulo ang pagtatang hal. Medyo Malabo sa tagapanood ang mensahe. Di gaanong maayos ang pagtatangha l. Malinaw na naipahatid ang mensahe at maayos ang pagsasagawa . Angkop at maayos ang props. Napakalina w na naihatid ang mensahe sa ginawang pagatatangh al. Kagamitan/Prop s Walang ginamit na kahit anong props. May ginamit na di maayos na props Angkop at maayos na props Napakaang kop at napakaayos ng mga ginamit na props Nagsiganap Magulo at maingay ang mga nagsigana p Nakaaakit ang mga nagsiganap ngunit di gaanong maayos ang kanilang pagtatangha l Nakaaakit ang mga nagsiganap dahil sa maayos na pagsasalita at pag-arte ng nagtatanghal Mahuhusay ang mga nagsiganap dahil sa maayos na pagsasalita at magaling na pag-arte Pagtawag- pansin sa manonood Di nakatawag pansin sa manonood dahil sa mahinang pagsasalit a at di seryosong pag-arte Nakatawag- pansin sa manonood dahil sa maayos na pagsasalita ngunit di- gaanong seryoso sa pag-arte Nakatawag- pansin sa manonood dahil sa maayos na pagsasalita at magandang pag-arte Nakatawag- pansin sa manonood dahil sa maayos na pagsasalita at madamdami n at seryosong pag-arte Kabuuan
  • 21. Gawain 6: War of Thoughts Gamiting gabay ng mga mag-aaral ang binasang teksto tungkol sa Kasunduang Pangkapayapaan at Liga ng mga Bansa, upang sila’y makabuo ng mga ideyang isusulat sa Cloud Callout. Sikapin ding makabuo sila ng mga ideyang nagpapakita ng pagsisikap ng pinuno ng mga bansa na mawakasan ang Unang Digmaang Pandaigdig. Bigyang- pansin ang mga hakbang na ginawa upang matuldukan ang digmaan. Pamprosesong Tanong 1. Paano ipinakita ng mga lider ang kanilang paghahangad sa kapayapaan? 2. Kung isa ka sa kanila, gagawin mo rin ba ang kanilang ginawa? Bakit? 3. Sa iyong palagay, epektibo ba ang kanilang hakbang upang makamit ang tunay na kapayapaan?
  • 22. GAWAIN 7: Anong Say Mo? Nabanggit noong Unang Digmaang Pandaigdig ang sumusunod na mga pahayag. Gamit ang 2-3 pangungusap, ipaliwanag ang kahulugan ng bawat pahayag sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa paksang tinalakay. Upang malaman kung lubos na naunawaan ng mga mag-aaral ang paksa, maaaring pasagutan ang kasunod na pagsusulit. Panuto: Ipasulat ang tamang sagot sa patlang. __________1. Isang paraan ng pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pag- unlad ng mga bansang Europeo ang pag-aangkin ng mga kolonya. __________2. Damdaming makabayan na maipakikita sa labis na pagmamahal at pagpapahalaga sa bansa. __________3. Pagkakaroon ng bansang superpower ng mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, at pagpaparami ng armas nito. __________4. Samahang binubuo ng Germany, Austria-Hungary at Italy. __________5. Dito naganap ang pinakamainit na labanan noong Unang Digmaang Pandaigdig. __________6. Pangulo ng United States na nanguna upang magkaroon ng kasunduang pangkapayapaan sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig. __________7. Organisasyon ng mga bansa pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig. __________8. Kasunduang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig
  • 23. __________9. Samahang binuo ng France, Great Britain at Russia. __________10. Siya ang nakatakdang humalili bilang emperador sa Imperyong Austria- Hungary. Gawain 8: Islogang Pangkapayapaan Ang mga mag-aaral ay gagawa ng islogan na nagpapahiwatig ng matinding pagtutol sa mga kaguluhan at digmaan sa daigdig. Isulat ito sa graphic organizer sa ibaba. Rubric Para sa Paggawa ng Islogan Pamantayan sa Pagmamarka 5 4 3 2 1 Kaangkupan ng Islogan sa Paksa Orihinal ang ideya Kaayusan at Kalinisan Dating (impacts) sa Nagmamarka (Tugma at Gamit ng Salita) Kabuuan Gawain 9: Mundong Kung Iisipin Ipabasa sa mga mag-aaral ang “Imagine”, isang awitin ni John Lennon. Pagkatapos ay ipasuri ang nilalaman nito at ipaugnay sa Unang Digmaang Pandaigdig. Ipakikita ito sa iba’t-ibang malikhaing paraan, tulad ng pagguhit. Ipabahagi sa klase ang
  • 24. mga ginawa sa pamamagitan ng malayang talakayan, gamit ang kasunod na mga pamprosesong tanong: Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng awit? 2. Aling bahagi ng awit ang pumukaw nang lubos sa iyong pansin? Bakit? 3. Paano mo ilalarawan ang isang bagong daigdig batay sa awitin? 4. Sa iyong palagay, posible kayang magkaroon ng tunay na pagkakaisa, kapayapaan at pagtutulungan ang mga bansa sa daigdig? Ipaliwanag. 5. Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa at kaunlaran ang bansa?
  • 25. GAWAIN 10: A Soldier’s Heart Pag-aralan ang kasunod na teksto tungkol sa telegrama at talaarawan (diary) ng mga sundalo. Isagawa ang “Think, Pair, Share” kung saan pagkatapos mabasa ang telegrama at talaarawan ay hahanap ng kapareha ang bawat estudyante upang ibahagi ang kanyang saloobin tungkol sa nilalaman ng teksto.
  • 26. Talaarawan Introduction from Bob Mackay This is the First World War Diary of my grandfather, Robert Lindsay Mackay (1896-1981), OBE, MC, MB, CHB, MD, DPH, giving an account of his day-to-day life with the 11th Battalion of the Argyll and Sutherland Highlanders from 1915 until the end of the war1972 Introduction from Robert Lindsay Mackay 2 August 1972 My Dear Alan, Sheila, Mary and Murray. I finished, two days ago, what I intended to be positively the last contribution to my side of the family story, quite certain that apart from minor corrections here and there nothing more could be added. Then I looked around for something to do. It occurred to me to look at my diary of War I which had been in my desk or on my shelves, almost unopened and unread, for over fifty years! Indeed, only three persons had read it, namely John Buchan (Lord Tweedsmuir) who had asked for a perusal of personal war diaries for his History of the 15th. Scottish Division, my friend the late Dr. D.T. McAinsh, M.C., and the third, strange to say, my next-door neighbour, Chatwin. About a month ago, Chatwin had been talking about the Somme Offensive of which he was a survivor when I mentioned I still had my Somme Diary, and he asked for the loan of it to compare with his experience in that prolonged battle. I am not quite clear why I wrote this diary, day by day, a scrappy record of a scrappy period. I had no literary or military ambitions. My parents did not read it. Perhaps it was to provide a kind of continuous alibi, to remind me where I had been, perhaps an interesting memorial if I failed to return. Like cakes off a hot griddle, it was written as events occurred, or immediately thereafter, in four little brown leathercovered notebooks, and when the war ended these were in no state to last long for they were soiled and grubby, and, where written in pencil, the writing was fading. So, in 1919, I copied their contents, straight off, without editing, into two larger note-books, and destroyed the four little ones. You, Mary, arrived last night from Hull, with your two children, and the talk drifted on to the Highlands and to my family history. Urged on by you, and by Judith, whose family roots in England go back a century or two further than mine in Scotland, urged too by your Mother, I'll type out a copy for each of you, for your deed-box, and for futurity! Love to you all, Father
  • 27. Source: http://www.firstworldwar.com/diaries/whitmore.htm,, Background To the Diary On 5th November 1914 Britain declared war on Turkey and a few days later the first echelon of an expeditionary force, consisting of the 16th Infantry brigade and two Indian mountain batteries under Brigadier-General Delamain, landed at Fao, a fortified town near the head of the Persian Gulf. After two stubbornly contested engagements both Fao and Basra were captured. The invasion of Mesopotamia was ostensibly to protect the oil wells at the head of the Persian Gulf. This motive became obscured, however, when, lured by the prospect of capturing the legendary Baghdad, the British commander Gen. Sir John Nixon sent forces under Maj. Gen. Charles Townshend up the Tigris. After overwhelming a Turkish outpost near Qurna in an amphibious assault on May 31 1915, Townshend began to move inland. By September the British had taken Kut-el-Amara. Refusing to stop there, Nixon ordered the reluctant Townshend to continue northward. Arriving (November) at Ctesiphon, Townshend discovered that the Turks had fortified extensively and had been reinforced to a strength of 18,000 regulars and additional Arabs, with 45 guns. Townshend mustered approximately 10,000 infantry, 1,000 cavalry, and 30 guns. He also had, for the first time in that theatre, a squadron of 7 aeroplanes. Townshend attacked Ctesiphon savagely on November 22, but after 4 days of bitter battle, during which more Turkish reinforcements arrived, Townshend withdrew to Kut. Kut was invested by the Turks on December 7. In Mesopotamia, Townshend's besieged force at Kut-el-Amara vainly waited for help. The British suffered 21,000 casualties in a series of unsuccessful rescue attempts, and with starvation near, Townshend capitulated on April 29, surrendering 2,680 British of the 6th Division. By the time the Armistice was signed in 1918 1306 of these had perished and 449 remained untraced. Of the 10486 Indians who surrendered, 1290 perished and 1773 were never traced. British and Indians alike left a trail of whitening bones along the awful road from Kut to Baghdad, to Mosul from there to Fion Kara Hissar in Asia Minor, Aleppo and even Constantinople. Never, until the disaster at Singapore in 1941, in the whole history of the British Army, had there been a surrender on the same scale. This diary was put together by Lt. Edwin Jones who experienced many of the privations of the campaign. It provides a unique glimpse into the everyday life of a junior officer at the time. It is a pity that the diary finishes when it does for Edwin later took part in the drive towards Damascus under General Allenby before being demobbed in 1919.
  • 28. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang magkakatulad na mensahe ng mga sundalo? 2. Ano ang naramdaman mo habang binabasa ang kanilang telegrama at talaarawan? Bakit? 3. Anong aral na napulot mo mula sa teksto? Ipaliwanag. Gawain 11: Reflection Journal Ipagawa ito: Gumawa ng sariling komitment sa reflection notebook. Gawing gabay ang sumusunod na tanong:  Bilang isang mag-aaral , nabago ba ang iyong pananaw tungkol sa digmaan matapos malaman ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari-arian ng mga tao? Ipaliwanag ang sagot.  Paano mo maipakikita ang iyong pagmamalasakit sa bansa? ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ______
  • 29. Gawain 1: HULA – hoop – AN Mo! Sa pagsisimula ng aralin, ipagawa ang sumusunod na gawain. Ipasulat sa maliliit na hula hoop ang letra ng tamang sagot. Ipaalala sa mga mag-aaral na hindi nila kailangang masagot kaagad nang wasto ang lahat ng dapat tukuyin. Mga Sagot: 1. C 2. D. 3. B Matapos pasagutan ang unang gawain, susubukan ipatukoy kung ano ang Facts at ano ang Views sa mga tinukoy na pahayag tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Gamitin ang Right Angle Approach. ARALIN 2: Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig Sa araling ito, tatalakayin ang mga dahilan, mahahalagang pangyayari, at wakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pati ang mga pagsisikap ng mga kasangkot na bansa na nakamit ang kapayapaan. Kaakibat nito sasagutan ang tanong na “Paano maipapakita ang pakikiisa upang maitaguyod ang kapayapaan sa iyonh bansa?”. Sa tulong ng mga gawaing ito, inaasahang mapapayaman pa ang kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral.
  • 30. Gawain 2: Fact goes Right, Opinion goes Down GAWAIN 3: Mapa – paisip ka. Magagamit ang mapa upang malaman ang dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa aralin. Ipatunton sa mapa ang mga lugar na apektado ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Mga Sagot: Facts – B, D, E, F Views – A, C
  • 31. Gamit ang mga gabay, ipapangkat ang mga bansang nasakop ng tinukoy ng mga pinuno noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. HITLER MUSSOLINI TOJO France Somalia Pilipinas Britain Egypt Hawaii Gawain 4: I-R-F Chart Unang mapagtibay ang paunang kaalaman ng mga mag-aaral, pasagutan ang IRF Chart. Ipasulat sa kolum I – nitial ang kasagutan sa tanong na “Sa kabila ng pagsisikap ng mga bansa na wakasan ang Unang Digmaang Pandaigdig at magkaroon ng kapayapaan, bakit nagkaroon pa rin ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?” Ang dalawang natitirang hanay ay pasasagutan sa susunod na bahagi ng pag-aaral. PAUNLARIN Gawain 5: Pangkat ng mga Pangyayari Ipakita sa mga mag-aaral ang dayagram sa ibaba upang makita ang magiging daloy ng pangkatang gawain. Nakaturo sa arrow ang paksang tatalakayin ng bawat pangkat sa pag-uulat. Sa bahaging ito, inaasahang mas malawak ang kaalaman at pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa mga dahilan ng pagkakaroon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa naganap na mahahalagang pangyayari, sa epekto at pagsisikap ng mga bansang makamit ang kapayapaan. Maaari ng pabalikan ang mga kasagutang nabuo sa unang bahagi ng aralin upang mapagtibay ang tamang kasagutan at maiwasto ang maling sagot o konseptong nabuo, kung meron man. Pagtuunan din ng pansin ang teksto at ipasagot ang mga gawain.
  • 32. Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto mula sa Project EASE (Tingnan sa Learning Materials ng Mag-aaral). Maaari ring basahin ang Kasaysayan ng Daigdig para sa karagdagang reperensya. Matapos mabasa ang teksto, tawagin ang Unang Pangkat para sa kanilang pag-uulat o presentasyon. Rubrik sa Pagmamarka ng Gawain PAMANTAYAN 1 2 3 4 PUNTOS Pagkabuo Hindi talaga maunaawa n ang isinagawa dahil magulo ang mga daloy ng pangyayari Di-gaanong maunawaan ang pagtatangha l dahil medyo magulo ang daloy ng mga pangyayari Maayos ang pagkakagana p at may mensaheng ipinahahatid. Malinaw na nasunod ang mga pangyayari Inilahad nang malinaw at maayos ang mga pangyayari Nakatawag ng pansin sa mga manonood Nilalaman Talagang hindi maunawaa n ang mensahe. Magulo ang pagtatang hal. Medyo Malabo sa tagapanood ang mensahe. Di gaanong maayos ang pagtatangha l. Malinaw na naipahatid ang mensahe at maayos ang pagsasagawa . Angkop at maayos ang props. Napakalina w na naihatid ang mensahe sa ginawang pagatatangh al. Kagamitan/Prop s Walang ginamit na kahit anong props. May ginamit na di maayos na props Angkop at maayos na props Napakaang kop at napakaayos ng mga
  • 33. ginamit na props Nagsiganap Magulo at maingay ang mga nagsigana p Nakaaakit ang mga nagsiganap ngunit di gaanong maayos ang kanilang pagtatangha l Nakaaakit ang mga nagsiganap dahil sa maayos na pagsasalita at pag-arte ng nagtatanghal Mahuhusay ang mga nagsiganap dahil sa maayos na pagsasalita at magaling na pag-arte Pagtawag- pansin sa manonood Di nakatawag pansin sa manonood dahil sa mahinang pagsasalit a at di seryosong pag-arte Nakatawag- pansin sa manonood dahil sa maayos na pagsasalita ngunit di- gaanong seryoso sa pag-arte Nakatawag- pansin sa manonood dahil sa maayos na pagsasalita at magandang pag-arte Nakatawag- pansin sa manonood dahil sa maayos na pagsasalita at madamdami n at seryosong pag-arte Kabuuan Gawain 6: Draw – Cause Stairs Upang matiyak ang pag-uanwa ng mga mag-aaral sa mahahalagang pangyayaring nagbigay daan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ipagawa ang Up the Stairs Timeline. Gagamitin nilang gabay ang tekstong binasa sa Modyul ng mag-aaral. Ipagawa:
  • 34. 1. Anu-ano ang mga pangyayaring naging dahilan ng pagsiklabng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Isulat sa Timeline. 2. Sa mga binanggit na sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, alin sa palagay mo ang pinakamabigat na dahulan? Ipaliwanag ang sagot. Gawain 7: War – Diagram Dahil alam na ng mga mag-aaral ang naging dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ipagawa ang presentasyon ng Ikalawang Pangkat. Pagkatapos ay ipabuo sa mga mag-aaral ang kasunod na graphic organizer. Ipasulat sa bilog and mahahalagang pangyayaring naganap sa mga lokasyong tinutukoy sa bilog. Ipaalala sa mga mag-aaral na makikita sa kasunod na teksto. (Pagwawakas ng Digmaan) ang tungkol sa Digmaan sa Hilagang Africa. Pamprosesong Tanong: 1. Bakit lumaganap sa ibang kontinente ang digmaan? 2. Bakit sumali ang United States sa digmaan? 3. Kung ikaw ang pangulo ng Amerika ng panahong iyon, lulusob ka rin ba sa panganib? Digmaan sa Europe Digmaan sa Pasipiko at Pagkasangkot ng United States sa Digmaan Digmaan sa Hilagang Africa
  • 35. Gawain 8: History Frame Ngayong alam na ng mga mag-aaral ang wakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pasagutan ang History Frame na nagpapakita ng mahahalagang impormasyon tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ipabasa ang teksto sa Modyul ng mag-aaral. Maaari ring ipabasa ang Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista Vivar, et. Al. Ipaulat sa Ikaapat na pangkat ang itinakdang paksa sa kanila. Pasagutan ang history frame upang masukat ang pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa mga teksto. Pamprosesong Tanong: 1. Anong pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang tumatak sa iyong isipan? 2. Para sa iyo, Ano ang pangkabuuang aral ng naganap na Ikalawang Digmaang Pandaigdig? 3. Paano nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa larangan ng kabuhayan, politika at kultura ng mga bansang nasangkot o kabilang sa digmaan?
  • 36. Gawain 9: Sapot ng Pagkakaisa Pasagutan ang Semantic Web pagkatapos basahin ang teksto. Tingnan ang teksto sa Modyul ng mag-aaral. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang layunin ng United Nations? Nakatulong ba ito upang mawakasan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig? 2. Sa kasalukuyan ano ang ginagawang mga hakbang nito upang maisulong ang kapayapaan sa daigdig? 3. Paano pinanatili ng United Nations ang pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa sa daigdig? Gawain 10: I-R-F Chart Pabalikan sa mga mag-aaral ang I-R-F Chart. Sa puntong ito, ipasulat ang kanilang Revised Answer. Inaasahang mas malinaw na nilang maisasagot ang katanungang “Sa kabila ng pagsisikap ng mga bansa na wakasan ang Unang Digmaang Pandaigdig at magkakaroon ng kapayapaan, bakit nagkaroon pa rin ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
  • 37. PAGNILAYAN/UNAWAIN: Gawain 11: Reflection Journal Magpagawa ng reflective journal. Mula sa larawang nasa ibaba nag nagpapakita ng epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tanungin ang mag-aaral kung ano ang kanilang maiisip at mararamdaman kung sila ang nakatira sa lugar na ito na sinira ng digmaan. Sa bahaging ito, pagtitibayin ng guro ang nabuong pag-unawa tungkol sa paksa. Inaasahan ding kritikal nang masusuri ng mag-aaral ang mga konseptong napag-aralan hinggil sa simula, mahahalagang pangyayari, wakas at epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
  • 38. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang ipinakikita sa larawan? 2. Paano ka makatutulong upang maiwasan ang ganitong pangyayari? Maaaring magpalitan ng mga tanong at kuru-kuro tungkol sa mga kasagutan. Gawain 12: I-R-F Chart Pabalikan muli sa mga mag-aaral ang I-R-F Chart. Sa pagkakataong ito, isusulat na nila ang pinal na sagot batay sa kanilang pag-unawa sa paksang tinalakay. Inaasahan ding malinaw na nilang masasagot ang katanungang “Sa kabila ng pagsisikap ng mga bansa na wakasan ang Unang Digmaang Pandaigdig aat magkaroon ng kapayapaan, bakit nagkaroon pa rin ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?”. ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ________________
  • 39. GAWAIN 13: Say Peace! Bukod sa kapayapaang pandaigdig, nais din ng lahat ng bansa na magkaroon ng panloob na kapayapaan sa kanilang bansa. Sa Pilipinas, may proklamasyong inilabas si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na naglalayong palaganapin ang kapayapaan sa bansa. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Proclamation 675. Pagkatapos basahin ang proklamasyon, pasagutan sa mga mag-aaral ang kasunod na grapghic organizer. Pagkatapos basahin ang proklamasyon, pasagutan sa mga mag-aaral ang kasunod na graphic organizer. Pamprosesong Tanong: 1. Tungkol saan ang Proklamasyon ni dating Pangulong Gloria MacapagalArroyo? 2. Sa iyong palagay, bakit mahalagang magkaroon ng “National Peace Consciousness Month” ang isang bansa? Ipaliwanag. 3. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa iyong komunidad? Batiin ang mga mag-aaral sa matagumpay na pagtatapos ng Aralin 2.
  • 40. ALAMIN Gawain 1: LetrAyusin! Ipagawa. Gawing malinaw sa mga mag-aaral na hindi inaasahang maging tama lahat ang mga sagot. Ang mahalaga ay matukoy nila ang mga salitang may kaugnayan sa paksang tatalakayin. Panuto: Bumuo ng salita batay sa ginulong mga letra. ARALIN 3: MGA IDEOLOHIYA, COLD WAR AT NEOKOLONYALISMO Sa bahaging ito, bibigyang-pansin ang pag-unlad ng iba’t-ibang ideolohiya sa daigdig. Susuriin din ang Cold War at ang epekto nito sa mga bansa. Ang pangkalahatang kalagayan ng mga papaunlad at di-maunlad na bansa na dulot ng neokolonyalismo ay bibigyang-linaw sa pamamagitan ng paghihikayat sa mga mag-aaral na magbigay na sariling pananaw tingkol sa mga hamon at suliraning dala ng mga isyung ito sa daigdig. Inaasahan din na masasagot nila ang tanong na “Paano nakaapekto ang iba’t-ibang ideolohiya, cold war at neokolonyalismo sa kaunlaran ng mga bansang papaunlad pa lamang?”
  • 41. Pamprosesong Tanong Ipagawa. Pagkatapos mabuo ang mga salita, sagutin ang mga tanong na ito: 1. Anong ideya ang mabubuo mo tungkol sa mga salitang iyong nabuo? 2. May ugnayan kaya ang bawat salita? 3. Paano mo maiuugnay ang mga salitan ito sa mga kasalukuyang isyu sa bansa? Ipaliwanag. Pamprosesong Tanong Pagkatapos mabuo ang mga salita, subuking sagutin ang kasunod na mga tanong. 1. Anong ideya ang mabubuo mo tungkol sa mga salitang iyong nabuo? 2. May ugnayan kaya ang bawat salita? 3. Paano mo maiuugnay ang mga salitan ito sa mga kasalukuyang isyu sa bansa? Ipaliwanag. Mga salitang mabubuo mula sa ginulong mga letra: 1. Cold War 2. Ideolohiya 3. World Bank 4. Komunismo 5. America 6. Russia 7. Iron Curtain 8. Ekonomiko 9. Foreign Aid 10. Neokolonyalismo Maaaring hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng sariling kahulugan sa mga salitang kanilang nabuo. Hindi itatala ng guro ang puntos na makukuha ng mga mag-aaral sa bahaging ito.
  • 42. Gawain 2: Donuts Game Sa pagkakataong ito, hikayatin ang 12 mag-aaral na sumalis sa laro. Bubuo sila ng dalawang bilog na anyong donut. Gagawin nilang gabay ang tanong ng guro at magbabahagi ang bawat isa ng kanilang ideya habang umiikot upang magkaroon ng bagong kapareha at makausap ang lahat ng miyembro ng pangkat. Pamprosesong Tanong 1. Sa mga salitang nabuo sa unang gawain, alin sa palagay mo ang magkakaugnay? 2. Bakit naging magkaugnay ang salitang iyong napili? Ang anim na mag-aaral na nasa loob ng bilog ang mag-uulat ng iba’t-ibang ideya na nabuo ng bawat pangkat. Maaaring magkaroon ng malayang talakayan pagkatapos ng pag-uulat upang maiugnay sa paksang tatalakayin. Gawain 3: Mundo ng Tunggalian, Ayon sa Larawan Panuto: Pag-aralang mabuti ang mga larawan. Sagutin ang mga tanong na nasa loob ng talahanayan.
  • 43. Mga Tanong Mga Posibleng Kasagutan 1. Anong mga imahe ang kapansin-pansin sa unang larawan? Ang imahe ay nagpapakita ng watawat na kulay pula at dilaw. Ito rin ay may imahe ng martilyo at karet. 2. Ano ang kahulugan ng unang larawan? Ang mga imahe ay sumisimbolo sa mga manggagawa dahil ito kadalasan ang ginagamit ng mga manggagawa sa kanilang trabaho. 3. Anong bansa sa iyong palagay ang gumamit ng ganitong simbolismo bilang representasyon ng kanilang paniniwala? Ang bansang Unyong Sobyet ang gumamit ng ganitong simbolismo sa kanilang watawat tanda ng kanilang paniniwala sa lakas ng manggagawa. 4. Anong sikat na estatwa ang ipinakikita sa pangalawang larawan? Anong mga detalye ng estatwa ang ipinakikita rito? Nasa larawan ang Statue of Liberty. Ipinakita nito ang kadena na nasa paanan ng estatwa gayon din ang isang aklat na may nakaukit na Roman numerals na petsa ng paglaya ng Estados Unidos. Mayroon ding hawak ang estatwa na sulo na may naglalagablab na apoy. 5. Ano sa iyong palagay ang kahulugan ng mga detalye ng estatwang ito? Saang bansa ito matatagpuan? Ang putol na kadena ay sumisimbolo sa paglaya sa kalupitan. Ang aklat ay nagpapakita ng karunungan na panlalaban sa pang-aapi at ang sulong may naglalagablab na apoy ay nagpapakita ng liwang na nakamtan dahil sa agtalikod sa pang-aapi at pagyakap sa demokrasya. Ang estatwa ay matatagpuan sa Estados Unidos. 6. Anong aksiyon ang ginagawa ng mga imahe sa ikatlong larawan? Animo’y nagsi-see saw sa larawan ng mundo ang dalawang imahe sa larawan 7. Sa iyong palagay anong mga bansa ang sinisimbulo ng nagtutunggaling imahe? Ang lalaki sa kaliwa ay si Uncle Sam na sumisimbolo sa Estados Unidos. Ang oso sa kanan ay sumisimbolo ng USSR. 8. Ano ang kahulugan ng pagtutunggaling ito ng mga bansa? Ito ay nagpapakita ng tunggalian ng dalawang bansang nabanggit upang matalo o maungusan ang bawat isa sa impluwensya at kapangyarihan. Cold war ang tawag dito.
  • 44. Gawain 4: Alpha – Brainstorm Pagkatapos ng mga paunang gawain, isulat sa kahon ang mga salitang may kaugnayan sa paksang tatalakayin. Hindi kailangang mapuno ang kahon, ang mahalaga ay matukoy ang mga ideya ng mag-aaral. Halimabawa: A - Asia A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W XYZ Pamprosesong Tanong 1. Ilang salita ang naisulat mo? 2. Ano ang ginawa mong batayan sa pagsagot? 3. Naging madali ba sa iyo ang pagsagot sa mga gawain? Bakit? 4. Paano kaya maiuugnay ang mga salitang napili mo sa paksang aralin tungkol sa ideolohiya? PAUNLARIN Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto tungkol sa ideolohiya. Sa pagkakataong ito, maaaring linangin ang kaisipang ito sa tulong ng iba’t-ibang estratehiya. Nararapat ding ipaalala na dapat ay handa silang makiisa sa iba’t- ibang gawain sa araling ito.
  • 45. Gawain 5: Bunch of Ideas Pagkatapos basahin ang teksto, subukan ang kaalaman ng mga mag-aaral sa tulong ng data retrieval chart. Mga Ideolohiya Katangian Mga Bansang Nagtaguyod Pamprosesong Tanong 1. Ano ang iba’t ibang uri ng ideolohiya sa daigdig? 2. Anong mga bansa ang nagtaguyod ng mga ideolohiyang ito? 3. Paano nagkakaiba ang kanilang patakaran at katangian? Gawain 6: Hagdang-hagdang Ideya Pasagutan ang kasunod na ladder web at ipasulat ang mahalagang papel na ginagampanan ng ideolohiya sa isang bansa.
  • 46. Iba’t-ibang ideolohiya ang sinusunod ng mga bansa sa daigdig. Naaayon ito sa kanilang kasaysayan, paniniwala at kultura. Anuman ang ideolohiya ng bawat isa nararapat na ito ay makatugon sa pangangailangan ng mga mamamayan at maging daan sa pag-unlad ng bansa. Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto tungkol sa paglaganap ng komunismo sa Russia, Fascismo sa Italy at Nazismo sa Germany. Gawain 7: Paniniwala Ko, Gets Mo! Maaaring magsagawa ng pangkatang gawain na magpapakita ng maikling role play/ dayalog o iskrip na tutukoy sa mga prinsipyo at paniniwala ng Russia, Italy at Germany at mga patakarang ipinatupad sa mga bansang pumanig sa kanilang ideolohiya.  Unang Pangkat – Ang Pagsilang ng Komunismo sa Russia  Ikalawang Pangkat – Ang Pagsilang ng Fascismo sa Italy  Ikatlong Pangkat – Ang Nazismo sa Germany Ipasagot ang pamprosesong mga tanong batay sa tinalakay sa pangkatang gawain. Pamprosesong Tanong 1. Ano ang mga dahilan ng kaguluhan sa Russia? 2. Paano nakuha ni Lenin ang pagtitiwala ng mga tao sa Russia? 3. Paano naging ganap na komunista ang Russia? 4. Anu- ano ang mga salik na nagbigay-daan sa Fascismo sa Italy? 5. Naniniwala ka ba sa prinsipyong sinusunod ng Fascismo? Ipaliwanag 6. Bakit itinuturing na pinakamalupit na diktaduryang totalitaryan ang Nazismo sa makabagong panahon? 7. Paano pinamahalaan ni Hitler ang Germany sa ilalim ng ideolohiyang Nazismo? 8. Sa iyong palagay, nakabuti ba ang Fascismo, Komunismo at Nazismo sa buhay ng karaniwang tao sa Russia, Italy at Germany? Bakit? 9. Ipaliwanag ang mga salik na nagbigay-daan upang yakapin ng mga bansa ang kanilang ideolohiya.
  • 47. 10. Ano ang bahaging ginagampanan ng puwersang demokrasya at komunismo sa kalagayan ng tao? 11. Paano nagkakaiba-iba ang ideolohiyang sinusunod ng mga bansa? 12. Paano nauugnay ang puwersang pangkabuhayan ng bansa sa kalagayang politikal nito? Rubric sa Pagtataya ng Role Play Mga Pamantayan Marka Malinaw na naipakita ang mensahe ng aralin 25% Makatawag-pansin ang pagkakaganap ng mga tauhan 25% Pangkalahatang kaayusan 25% Dating sa mga manonoog 25% Kabuuan Gawain 8: Makapangyarihang Sapot Sa pamamagitan Triad Web, paghambingin ang katangian ng mga sumusunod na tatlong pinuno. Isulat sa gitna ang pagkakatulad ng kanilang mga paniniwala at sa bilog ang kanilang pagkakaiba.
  • 48. Gawain 9: Punto For Punto Ipagawa ang estratehiyang ito na katulad ng isang debate. Ipasunod ang kasunod na mga hakbang. Mga Hakbang: 1. Tukuyin ang usaping pagtatalunan: “Aling ideolohiya ang dapat pairalin sa Pilipinas?” demokrasya o komunismo? 2. Hatiin ang klase sa dalawang panig na maghahanda ng mga argumento. Piliin ang mga kasapi ng team at lider. 3. Pag-usapan ng bawat pangkat ang kanilang mga argumento o katwiran at patunay. 4. Simulan ang debate. Magpalitan ang pagsasalita ng dalawang grupo. 5. Isagawa ang “rebuttal” matapos maibigay ang argumento. 6. Ibuod ang argumento ng bawat pangkat. 7. Suriin ang debate batay sa mga pamantayan. 8. Tanungin ang klase kung aling pangkat ang mas epektibo sa debate. Inaasahan ang mahusay na pagtanggap ng pagkatalo (sportsmanship) at ang pagtaya ng kahusayang magsalita, mag-isip at mangatuwiran. PAMANTAYAN 5 4 3 2 1 Organisayon – Lohikal ang presentasyon at pagkakaugnay Nilalaman – May ebidensya ang pagkakaunawa sa mga pangunahing argumento Presentasyon – Wasto, malinaw at makatwiran ang mga pangungusap at inilahad ayon sa napagkasunduang mga pamantayan. Kakayahang Sumagot sa Tanong – Maayos at wasto ang sagot sa mga tanong ng kalabang panig Kabuuang Iskor
  • 49. Gawain 10: Ano sa Palagay Mo? Pagkatapos matiyak ang iba’t-ibang ideolohiya sa daigdig. Alamin ang ideya ng mga mag-aaral tungkol sa Cold War. Ipabasa ang teksto at ipagawa ang kasunod na gawain. Ipasulat sa cloud callout ang mga salita at terminolohiyang may kaugnayan sa paksa. Paalala: Maaaring gamitin ang tekstong Kasaysayan ng Daigdig niina Teofista L. Vivar et. Al, ph 273 – 281 Gawain 11: Compare and Contrast Sa gawaing ito, hayaang makapag-isip ang mga mag-aaral tungkol sa pagkakaiba ng mga patakaran ng KOMUNISMO at DEMOKRASYA. Ipatukoy ang mga katangian ng dalawang ideolohiya, ang mga bansang pumanig sa kanila, at ang mga naimbentong kagamitan para mapalakas ang puwersa ng bawat isa. Ipasulat sa gitna ng dalawang figure kanilang pagkakapareho.
  • 50. Mga Posibleng Kasagutan: 1. Pumanig sa ideolohiyang demokrasya ang Timog Koera, Taiwan at Timog Vietnam; sa komunismo naman ang People’s Republic of China, Hilagang Korea at Hilagang Vietnam. 2. Kapwa gumawa ng mataas na uri ng armas ang US at USSR. 3. Upang mas mapalakas ang kanilang puwersa, inilunsad ng US ang Apollo 11 upang makarating ang tao s buwan. Samantala, ang USSR ay naglunsad ng Supersonic at Sputnik, ang unang sasakyang gumalugad sa kalawakan. Gawain 12: Discussion Web Panuto: Sagutin ang core question ng Oo o Hindi: Kung ang sagot ay Pp, isulat ang paliwanag ng sagot sa ilalim ng Oo. Kung ang sagot ay Hindi, isulat ang paliwanag ng sagot sa ilalim ng Hindi.
  • 51. Gawain 13: Opinyon Mo, Say Mo! Sa pamamagitan ng iba’t-ibang malikhaing paraan tulad ng pagsulat ng jingle o tula, ipahayag moa ng iyong opinion batay sa mga patakarang ipinatupad ng United States sa Pilipinas. Gawing gabay ang mga sumusunod na tanong sa pagsasagawa ng gawain. Pamprosesong Tanong: 1. Paano pinalaganap ng mga superpower ang kanilang impluwensiya? 2. Nakabuti ba ang impluwensyang iniwan ng mga superpowers sa mga bansang pumanig sa kanila? Pangatuwiranan Gawain 14: Pasok mga Suki! Maaaring ipakita ang tindahang ito sa unang bahagi ng pagtalakay ng paksang neokolonyalismo bilang lunsaran ng aralin.
  • 52. Pamprosesong Tanong: 1. Kung ikaw ay nasa supermarket at kailangan mong mamili ng limang produkto na nasa tindahan ni Juan de la Cruz, aling mga produkto ang iyong bibilhin?Isulat sa ibaba. 2. Bakit mo binili ang nasabing mga produkto? Pangatwiranan. Isulat din sa kasunod na talahanayan ang iyong sagot. Ipabasa ang teksto bago simulan ang kasunod na gawain. Gawain 15: Neo - Caricature Batay sa binasang teksto, ipagawa ang pangkatang gawain. Ang bawat pangkat ay gagawa ng karikatura batay sa sumusunod:  Unang Pangkat – Kahulugan ng Neokolonyalismo  Ikalawang Pangkat – Mga Uri ng Neokolonyalismo  Ikatlong Pangkat – Mga Superpower na nakakaimpluwensya s mga papaunlad na bansa  Ikaapat na Pangkat – Epekto ng Neokolonyalismo Batay sa pangkatang gawain, magsagawa ng malayang talakayan sa tulong ng mga pamprosesong tanong Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang iyong ideya tungkol sa salitang neo-kolonyalismo? 2. Bakit kaya nagkaroon nito? 3. Ipaliwanag ang mga patakaran at impluwesiyang ipinatupad ng mga makapangyarihang bansa sa mga bansang kontrolado nila? 4. Paano naapektuhan ng patakarang ito ang ekonomiya ng mga bansang papaunlad pa lamang?
  • 53. Rubric sa Pagtataya ng Karikatura Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos 1. Napakagaling ng presentasyon ng karikatura 5 2. Malinaw at angkop ang mensahe nito 5 3. Makulay at kaakit-akit anf presentasyon nito 5 4. Malinis at maayos ang pagkakagawa nito 5 5. Nakatulong sa pagbibigay- interpretasyon sa paksa ang ibinabahagi sa klase 5 6. Bunga ng malikhaing pag- iisip at pananaliksik ng karikatura 5 Kabuuang Iskor Gawain 16: Laro Tayo Upang mas mapalalim pa ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksang-aralin, ipalaro ang garter game. Kailangang bumigkis ang garter sa mga manlalaro. Kapag positibo o maganda ang dulot ng salita o pariralang sasabihin ng guro, hahakbang ng isa ang mga manlalaro papunta sa gitna. Kapag naman negatibo o hindi maganda ang dulot ng salita, isang hakbang palayo sa gitna ang gagawin. Nangangahulugan ito na kapag mas marami ang positibong dulot ng mga salitang kaugnay ng Neokolonyalismo, magiging maluwag ang garter. Subalit kapag mas marami ang negatibong dulot nito, mararamdaman ng mga manlalaro anf pagsisikip ng garter.
  • 54. Mga salitang ibibigay: 1. Foreign investment (Pamumuhunan ng ibang bansa) 2. Loss of Pride (Kawalan ng Karangalan) 3. Foreign debt (Utang-panlabas) 4. Over dependence (Labis na umaasa sa iba) 5. Continued enslavement (Patuloy na pang-aalipin) Sa pagkakataong ito, mararamdaman ng mga mag-aaral ang pagsisikip ng garter. Maaaring dagdagan ng guro ang mga salitang ibibigay. Pamprosesong Tanong 1. Batay sa gawaing ito, nakabuti ba o nakasama ang neo-kolonyalismo sa daigdig? 2. Ngayong nalaman mo ang negatibong epekto nito, ano ang nararapat mong gawin? Bakit?
  • 55. Gawain 17: Alpha - Brainstorm Pabalikan sa mga mag-aaral ang ABC Brainstorm Strategy, upang malaman ang kanilang natutuhan s buong aralin. Ipapaliwanag ng mga mag-aaral ang dahilan kung bakit nila isinulat ang mga salita. Halimbawa: C – Cold War A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W XYZ Pamprosesong Tanong 1. Ilang salita ang nadagdag sa dating isinagot mo? Ano-ano ito? 2. Paano mo naipaliwanag ang iyong mga sagot? Upang malaman kung lubos ngang naunawaan ng mga mag-aaral ang paksang tinalakay maaaring pasagutan ang kasunod na pagsusulit: Panuto: Isulat sa patlang ang impormasyong hinihingi ng pangungusap. __________1. Isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa pagbabago nito. Galing ito sa salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao. __________2. Digmaan ng nagtutunggaling ideolohiya ng dalawang pinakamakapangyarihanng bansa (superpower) na hindi tuwirang naglalabanan gamit ang armas. __________3. Isang uri ng pagsasamantala at patuloy na pagkontrol ng isang dating kolonyalista sa mahihirap na bansa. Layunin nitong patatagin ang pamumuhunan, pigilin ang pagkakamit ng tuunay na kalayaan, at kunin ang mas malaking kita mula sa negosyo.
  • 56. __________4.Tumutukoy sa isang sistemang pangkabuhayan kung san ang produksyon, distribusyon at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal hanggang sa maging maliit na lamang ang papel ng pamahalaan sa mga patakarang pangkabuhayan. __________5. Ang nagpakilala ng salitang “ideolohiya” bilang pinaikling pangalan ng agham ng mga kaisipan o ideya. Analohiya: Suriin ang tinutukoy ng unang pares sa bawat bilang. Isulat ang maisip na kapareha ng ikatlong salita. 6. Patakarang Pang-ekonomiya ng Bansa: Ideolohiyang Pangkabuhayan; Paraan ng Pakikilahok ng mga Mamamayan sa Pamamahala: _______________. 7. Iran: Awtoritaryanismo; China: _____________. 8. US: Demokrasya; USSR: _____________. 9. Adolf Hitler: Nazismo; Benito Mussolini: _____________. 10. Foreign Aid: Tulong na pang-ekonomiya, pang-kultura at military; Foreign Debt: _________________. Sagot sa Pagsusulit: 1. Ideolohiya 2. Cold War 3. Neokolonyalismo 4. Kapitalismo 5. Desttutt de Tracy 6. Ideolohiyang Pampolitika 7. Sosyalismo 8. Komunismo 9. Fascism 10. Anumang pautang mula IMF/World Bank
  • 57. Gawain 18: A Whole New World Ipabasa at ipasuri ang kasunod na global issues. Sa pagkakataong ito, pagtitibayin ng mga mag-aaral ang kanilang nabuong pag-unawa sa paksa, Ipagawa. Panuto: Gamit ang internet sa tinukoy na link. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na nasa loob ng talahanayan.
  • 58. Pamprosesong Tanong 1. Maituturing bang isang uri ng makabagong neokolonyalismo ang ginagawang pagpasok ng China sa mga bansa ng kontinenteng Africa? Pangatwiranan ang sagot. 2. Sa iyong pananaw nakabubuti ba o nakasasama ang pagtulong ng China sa ekonomiya ng mga bansa sa Africa? Rubric sa Pagtataya ng Sanaysay Mga Pamantayan Marka Malinaw na Paksa 25% Maayos na organisasyon ng mga ideya 25% Wastong baybay, bantas, gamit ng mga salita 25% Pagkamalikhain sa pagsulat 25% Kabuuan Gawain 19: Tapos Na! Pasagutan ang mga tanong na ito sa pagtatapos ng paksang-aralin. Sa araling ito, natutunan kong ____________________________________________. Ang pinakamahalagang ideya na nakaapekto sa akin ay ________________________. Mahalaga ang aralin sapagkat ____________________________________________. Sa pagkakataong ito, napag-isipan kong ____________________________________.
  • 59. ALAMIN: GAWAIN 1: Reyna ng Kaalaman Sa pagsisimula ng aralin, pasagutan sa mag-aaral ang mga tanong sa larong “The Queen Wants to Know!” Ipasulat ang sagot sa papel o kwaderno. Ipaalala na hindi kailangang masagutan kaagad ng tama lahat ng tanong. Mga Sagot: 1. World Bank (WB) 2. Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) 3. World Trade Organization (WTO) ARALIN 4: MGA PANDAIGDIGANG ORGANISASYON, PANGKAT, AT ALYANSA Batiin ang mag-aaral sa matagumpay na pagkakamit ng mahahalagang kaalaman tungkol sa mga ideolohiya at epekto ng neokolonyalismo sa nakaraang aralin. Ngayon, pag-aaralan ng mag-aaral sa araling ito ang bahaging ginampanan ng mga pandaigdigang organisasyon, pangkat, at alyansa sa pagsusulong ng pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan at kaunlaran. Kaakibat nito ang pagpapayaman ng kanilang mga kaalaman at kakayahang linangin habang tinatalakay ang sumusunod na tanong. “Ano ang mga naitulong sa mga bansa ng mga organisasyong pandigdig sa larangan ng kaunlaran?”
  • 60. GAWAIN 2: HULA – BANDILA Sa gawaing ito, pahuhulaan s mga mag-aaral ang watawat o simbolo ng mga organisasyong pandaigdig. Sa tulong nito’y matutukoy ang dati nang kaalaman ng mag- aaral hinggil sa paksa. Mapipili rito ang tamang sagot: Mga Sagot: 1. Asean 2. World Bank 3. European Union 4. World Trade Organization 5. Organization of Islamic Cooperation Organization of Islamic Cooperation (OIC) World Bank (WB) Association of Asian Nations (ASEAN) World Trade Organization (WTO) Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) European Union (EU)
  • 61. Gawain 3: Generalization Table Pasagutan sa mga mag-aaral ang kasunod na Generalization Table. Magpatala sa kanila ng tatlong bagay na alam nila tungkol sa ginagampanan ng mga pandaigdigang organisasyon at samahan sa pagpapanatili ng pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran. Ipaalala na kailangan muna nilang iwanang blangko ang ibang hanay sapagkat sasagutan ito sa mga susunod na gawain. My Initial Thoughts (Alam Ko Na) My Findings and Corrections (Mga Nabago sa Alam Ko Na) Supporting Evidence (Mga Patunay) My Generalization (Paglalahat) 1. 2. 3. Pamprosesong Tanong: 1. Marami ka bang naitala sa hanay ng Initial Thoughts? Sapat na ba sa iyo ang kaalamang ito o nais mo pa itong dagdagan at palalimin? 2. Ao-ano pa ang nais mong malaman tungkol sa mga organisasyong pandaigdig? Bakit mo ito gustong malaman? PAUNLARIN Pagkatapos matukoy ng mga mag-aaral ang lawak ng kanilang dati nang alam na kaalaman tungkol sa mga organisasyong pandaigdig, maaaring marami pa silang mga katanungan na nais masagot. Sabihing maari nilang malaman ang mga sagot sa katanungang ito sa susunod na talakayan.
  • 62. Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto tungkol sa mga pandaigdigang alyansa, organisasyon at pangkat na nagsusulong ng kapayapaan, pagkakaisa at pag-unlad. Pagkatapops ay pasagutan ang Gawain 4 Gawain 4: Org – Outliner Pasagutan sa mga mag-aaral ang kasunod na org – outliner ayon sa format nito. Pagkatapos ay pasagutan ang mga tanong na kasunod nito. Pamprosesong Tanong: 1. Narinig mo na ba ang mga nabanggit na organisasyon sa teksto? Saan? 2. Sa iyong palagay, saklaw ba ng mga organisasyong ito ang mga bansa sa iba’t ibang kontinente? 3. Ano ang masasabi mo sa layunin ng mga organisasyong ito? Ipaliwang ang sagot.
  • 63. Gawain 5: Organisadong Organisado Pasagutan ang gawaing ito matapos malaman ng mga mag-aaral ang iba’t-ibang layunin ng mga pandaigdigang organisasyon. Ipasulat sa kahon ang kahalagahan ng mga nasabing organisasyon sa mga bansa sa daigdig. Pamprosesong Tanong: 1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga pandaigdigang organisasyon? 2. Paano makatutulong ang mga ito sa pagkakamit ng pandaigdigang kapayapaan kalayaan at kaunlaran? Gawain 6: UP Dev CHECKLIST Ipaunawa sa mga bata ang nilalaman ng teksto tungkol sa mga organisasyonh pandaigdig at pasagutan ang kasunod na gawain. Makikita ang teksto sa Learning Module ng mag-aaral. Ipagaw ang UP Dev Checklist. Palagyan ng tsek ang talahanayang tumutukoy sa isinusulong ng mga organisasyon.
  • 64. Organisasyon Pagkakaisa Kapayapaan Pag - unlad 1. 2. 3. Pamprosesong Tanong: 1. Paano nakatutulong ang mga organisasyong pandaigdig sa pagpapanitili ng kapayapaan, pagkakaisa at pag-unlad? 2. Ano sa palagay mo ang mangyayari kung walang organisasyong katulad ng World Bank, IMF at WTO sa taas na nagsusulong ng pagkakaisa, kapayapaan, at kaunlaran? Gawain 7: Magpalitan Tayo! Ipakita sa mga mag-aaral ang kasunod na mga larawan tungkol sa trade blocs. Gagamitin nila itong gabay sa pangkatang gawain. Hatiin ang klase sa apat na grupo. Pagawin ng Role Playing ayon sa kabutihang madudulot ng trade bloc sa mga bansang kabilang dito.
  • 65. Ipagawa na sa mga mag-aaral ang Role Playing. Atasan ang bawat grupo na gumawa ng maikling dula na magpapakita ng kabutihang naidudulot ng trade bloc sa mga bansang kabilang dito.  Una at Ikalawang Pangkat: Mabuting naidudulot ng trade bloc sa mga miyembro ng ASEAN Free Trade Agreement.  Ikatlo at Ikaapat na Pangkat: Mabuting naidudulot ng trade bloc sa mga miyembro ng North American Free Trade Agreement .
  • 66. Rubrik sa Pagmamarka ng Gawain PAMANTAYAN 1 2 3 4 PUNTOS Pagkabuo Hindi talaga maunaawa n ang isinagawa dahil magulo ang mga daloy ng pangyayari Di-gaanong maunawaan ang pagtatanghal dahil medyo magulo ang daloy ng mga pangyayari Maayos ang pagkakagan ap at may mensaheng ipinahahatid . Malinaw na nasunod ang mga pangyayari Inilahad nang malinaw at maayos ang mga pangyayari Nakatawag ng pansin sa mga manonood Nilalaman Talagang hindi maunawaa n ang mensahe. Magulo ang pagtatang hal. Medyo Malabo sa tagapanood ang mensahe. Di gaanong maayos ang pagtatanghal. Malinaw na naipahatid ang mensahe at maayos ang pagsasaga wa. Angkop at maayos ang props. Napakalina w na naihatid ang mensahe sa ginawang pagatatangh al. Kagamitan/Prop s Walang ginamit na kahit anong props. May ginamit na di maayos na props Angkop at maayos na props Napakaang kop at napakaayos ng mga ginamit na props Nagsiganap Magulo at maingay ang mga nagsigana p Nakaaakit ang mga nagsiganap ngunit di gaanong maayos ang kanilang pagtatanghal Nakaaakit ang mga nagsiganap dahil sa maayos na pagsasalita at pag-arte ng nagtatangha l Mahuhusay ang mga nagsiganap dahil sa maayos na pagsasalita at magaling na pag-arte Pagtawag- pansin sa manonood Di nakatawag pansin sa manonood dahil sa mahinang pagsasalit a at di seryosong pag-arte Nakatawag- pansin sa manonood dahil sa maayos na pagsasalita ngunit di- gaanong seryoso sa pag-arte Nakatawag- pansin sa manonood dahil sa maayos na pagsasalita at magandang pag-arte Nakatawag- pansin sa manonood dahil sa maayos na pagsasalita at madamdami n at seryosong pag-arte Kabuuan
  • 67. Gawain 8: My Generalization Table Ngayong natid na ng mga mag-aaral kung paano nakatutulong ang mga organisasyong pandaigdig sa pagsulong ng kaunlaran, kapayapaan at pagkakapantay- pantay, pabalikan ang “Generalization Table” at pasagutan ang nahagi ng “My Findings and Corrections”. Ipasulat din sa hanay ng “Supporting Evidence” ang bagay na magpapatunay sa sagot ng mag-aaral. Inaasahang may pag-unlad na magaganap sa kanilang kaalaman ng mag-aaral sa pagkakataong ito. My Initial Thoughts (Alam Ko Na) My Findings and Corrections (Mga Nabago sa Alam Ko Na) Supporting Evidence (Mga Patunay) My Generalization (Paglalahat) 1. 2. 3. PAGNILAYAN/UNAWAIN Ipabasa at ipasuri ang artikulo mula sa South African Broadcasting Corporation tungkol sa layunin ng World Bank na wakasan ang matinding kahirapan sa taong 2030. Pagkatapos ay pasagutan ang kasunod na gawain. Sa bahaging ito, pagtitibayin ng guro ang nabuong pag-unawa ng mag-aaral tungkol sa paksa. Inaasahan ding kritikal na nilang masusuri ang bahaging ginampanan ng mga organisasyong pandaigdig sa pagsusulong ng kapayapaan, pagkakaisa at pag-unlad.
  • 68. Gawain 9: BALIT - A – nalysis Ipabasa sa mga mag-aaral ang balitang makikita sa Learning Module. Pagkatapos ay pupunan ng sago tang kasunod na graphic organizer. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang hakbang na ginawa ng World Bank upang malutas ang suliranin ng kahirapan sa mga bansa sa daigdig? Sang-ayon ka ba sa hakbang na ito ng World Bank? Pangatwiranan. 2. Sumasang-ayon ka ba sa World Bank na ang kahirapan ay maituturing na isyung moral? Bakit? 3. Sa iyong palagay, nararapat nga bang bigyang-pansin din ni Pangulong Jim Yong Kim ang kababaihan? Ano ang maaaring maging bunga nito sa kalagayan ng kababaihan sa buong mundo?
  • 69. Gawain 10: 1-2-3 Summary Ipabasang mabuti ang balita tungkol sa pagsususpinde ng Organization of Islamic Cooperation sa Syria at pasagutan ang kasunod na gawain. Pamprosesong Tanong: 1. Ayon sa balita, bakit isususpinde ng Organisation of Islamic Cooperation ang Syria? 2. Mahalaga ba ang ginawang hakbang ng OIC para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Syria at sa mundo sa kabuuan? Bakit? Gawain 11: Reaksyon Mo, Say Mo! Ipabasa at ipaunawang mabuti sa mga mag-aaral ang nilalaman ng balitang nasa LM. Ipasulat din sa reaction corner ang kanilang positibo/ negatibong reaksyon sa isyung nakapaloob sa binasang balita.
  • 70. Pamprosesong Tanong: 1. Tungkol saan ang balita? Saan daw nangutang ang Pilipinas at para saan ang pangungutang na ito? 2. Sinusuportahan mo ba ang desisyon na ito ng pamahalaan? 3. Nararamdaman ba ang epekto ng pagkakautang ng bansa? Gawain 12: Generalization Table Sa huling pagkakataon muling pabalikan ang “My Generalization Tablee”. Ipatala sa mag-aaral ang sagot sa hanay ng “My Generalization”. My Initial Thoughts (Alam Ko Na) My Findings and Corrections (Mga Nabago sa Alam Ko Na) Supporting Evidence (Mga Patunay) My Generalization (Paglalahat) 1. 2. 3.
  • 71. Gawain 13: Synthesis Journal Ipakita sa mga mag-aaral ang kasunod na synthesis journal. Ipasulat sa unang hanay ang mga gawaing kanilang isinagawa at sinagutan. Ang mga natutunan naman ay ilalagay sa ikalawang hanay. Sa pinakahuling hanay, ipasulat kung paano nila magagamit sa pang-araw-araw na buhay ang kanilang mga natutuhan. Gawain 14: Gawin para sa bayan … Kaya Ko Ito! Ipabasa sa mga mag – aaral ang kasunod na sitwasyon at ipagawa ang gawain.
  • 72. Bilang chair person ng Samahan ng Kabataan, ikaw ay inaatasang gumawa ng ordinansa na magbibigay solusyon sa suliraning pangkapayapaan sa inyong lugar. Isulat sa ibaba ang ordinansa. Gamiting gabay ang format na ito:
  • 73. Pamantayan sa Pagmamarka ng Output Mga Pamantayan Marka Nilalaman ng ordinansa: angkop at kumpleto 25% Maayos na organisasyon ng mga ideya 25% Malinaw na presentasyon 25% Wastong formar sa pagsulat ng ordinansa: Tamang baybay, bantas, salita, ayos ng pangungusap 25% Kabuuan
  • 74. Sanggunian A. Books Kasaysayan ng Daigdig, Teofista L. Vivar et al, ph.243-250 Kasaysayan ng Daigdig, Vivar et al, 281-284 Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo, Ph.D, et.al, ph. 309-319. Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo PhD. et. al, 338-343 Kasaysayan ng Daigdig Grace Estela C. Mateo, 348-355 Kasaysayan ng Daigdig Grace Estela C. Mateo, 358-361. B. Modules Project EASE- Araling Panlipunan III Module 17- Project EASE Araling Panlipunan III MODULE 18- pg. 13 . Project EASE Araling Panlipunan III MODULE 19- pg. 17 Project EASE Araling Panlipunan III MODULE 20- pg. 5,9,10,13 14. C. Website http://www.gov.ph/2004/07/20/proclamation-no-675-s-2004/ http://www.tariffcommission.gov.ph/afta-cep.html http://allafrica.com/stories/201310070084.html http://www.reuters.com/article/2012/08/15/us-syria-crisis-islamic- summitidUSBRE87E19F20120815 http://www.gmanetwork.com/news/story/264036/economy/finance/phl-s-1-bloanto-imf-not-the- first-nor-the-biggest http://www.galangphilippines.org/media/ADO-Brgy.-Pansol.pdf http://voiceofrussia.com/2013_08_13/China-in-Africa-neocolonialism-or-chancefor-growth- 9071/ http://www.tldm.org/News10/Hammer3.png-- http://image.shutterstock.com/display_pic_with_logo/1024975/110632307/stockphoto- american-symbol-statue-of-liberty- 110632307.jpghttps://encryptedtbn1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQvOOjDjqEMr0x3_V5 hANSi9kV7LkZJ1kS6 Xx5SDghVNWXkwI8nhttp://www-tc.pbs.org/behindcloseddoors/tmp_assets/stalin-bio.jpg http://fascistitaly.files.wordpress.com/2011/05/benito- mussolini1.jpeghttp://eternity.xhost.ro/hitler.jpghttps://www.google.com.ph/search?q=world+w ar+i+pictures&source=lnms&tbm=isc h&sa=X&ei=OqF4UrPRINOciQf3zYHgAw&sqi=2&ved=0CAcQ_AUoAQ&biw=1208& bih=598- pics s WWI