SlideShare a Scribd company logo
1 of 5
Quarter No: First               Topic: Kasaysayan                  Time Frame: 2 weeks
Stage 1 Desired Results
Content Standard:                                 Performance Standard:

Pamantayan sa Unang Taon: Naipapamalas ng         Naipapamalas ng mag-aaral ang kasanayan sa
mag-aaral     ang     pag-unawa   sa   mga        pamamagitan ng pagsulat o pagsagawa ng
pangunahing kaisipan at mga napapanahong          gawain tulad ng kasaysayang lokal o case study
isyung pang-kasaysayan at pampamahalaan ng        na nagpapakita ng malalim na pag-unawa sa
Pilipinas gamit ang mga kasanayan at              bahaging ginagampanan ng kasaysayan,
pagpapahalaga tungo sa pagpapatatag ng            heograpiya, at tao sa pagbuo at pag-unlad ng
pagkabansa,       sistemang     demokratiko,      sinaunang kabihasnang Pilipino.
pagkakaisa, at mabuting pagkamamamayan.


Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng
mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng
kasaysayan at sa bahaging ginagampanan ng
heograpiya at ng tao sa pagbuo at pag-unlad
ng sinaunang kabihasnang Pilipino.

Note: Pag-aaral ng kasaysayan, kahulugan ng
kasaysayan,   kahalagahan    ng    kasaysayan,
kaugnayan ng kasaysayan sa iba pang disiplinang
panlipunan

Essential Understanding                           Essential Question

Ang kasaysayan ay nagbibigay linaw upang Bakit mahalaga ang pag-aaral ng kasaysayan?
makabuo      ng  pananaw     sa    nakaraanna
makatutulong sa kasalukuyan at sa hinaharap
Prior Knowledge                               Transfer

   1. Ang kasaysayan ay isang agham.              Maging   responsableng    mamamayan     sa
   2. Ang kasaysayan ay pag-aaral ng              pagtataguyod at pangangalaga ng mga
      pangyayari, petsa, at mga taong             naiwang bakas ng kasaysayan upang mapanatili
      mahahalaga.                                 ang pagmamahal sa ating pinagmulan.
   3. Ang kasaysayan ay walang kinalaman sa
      ating     hinaharap sapagkat    ito ay
      tumutukoy lamang sa ating nakaraan.
Students will know:                               Students will be able to do:

   1. Kahulugan ng kasaysayan                        1. Pagpapaliwanag       sa   kahulugan  ng
   2. Kahalagahan ng kasaysayan                         kasaysayan
   3. Kaugnayan ng kasaysayan sa iba pang            2. Pag-aanalisa      sa   kahalagahan   ng
      disiplinang panglipunan                           kasaysayan sa kasalukuyang panahon
                                                     3. Pagsusuri sa kaugnayan ng iba’t-ibang
                                                        disiplinang panlipunan sa kasaysayan
Stage 2 Assessment
                                                                        Evidence at the Level of
    Performance Task               Evidence of Understanding
                                                                             Performance
Paggawa ng Case Study
                                     Pagpapaliwananag                   1.   Semantic Web
          Ang Center for              (Naipaliliwanag ang                2.   Picture Analysis
Bulacan Studies (CBS) ay              kahulugan ng kasaysayan            3.   News Clipping
isang            institusyong         ayon sa sariling pang-unawa)       4.   News-Reporting
nagsasaliksik               at         Semantic Web and Picture         5.   Picture Analogy
sumusubok na bumuo ng                    Analysis                        6.   Brain Storming
ma lokal na kasaysayan                                                   7.   Simulation
sa bawat bayan sa                    Interpretasyon (Nagbibigyang       8.   Panel Discussion
probinsya ng Bulacan. Isa             kahulugan ang kaugnayan
ka       sa       naatasang           ng kasaysayan sa pag-unlad
magsaliksik            upang          ng kabihasnan)
makatulong                  sa         Picture Analogy
binubuong                aklat
patungkol sa lokal na                Aplikasyon (Gumawa ng
kasaysayan ng                           sariling news article upang
pagbibigay-pagkilala sa                 maibahagi sa mga kamag-
mga                bayaning             aaral ang kahulugan,
Bulakenyo sa Araw ng                    kaugnayan at kahalagahan
Kagitingan.                             ng kasaysayan sa lipunan)
                Inaasahang               Balita Ko, Balita Mo (News-
makagagawa ka ng                            Writing and Reporting)
isang maikling salaysay
na       naglalahad         sa       Pagkilala sa Sarili (Nasusuri
katangiang                            ang mga iba’t-ibang
pisikal,kultura,                      disiplinang may kaugnayan
pangkabuhayan, tala ng                sa kasaysayan gamit ang
mga bayaning nagmula                  sariling pananaw)
sa nassabing bayan at                  Double Jeopardy
kasaysayan. Ang mga                       (Simulation Game)
nakalap na impormasyon
ang magiging basehan
ng paglikha ng isang                 Empathy (Nagagampanan
aklat patungkol sa lokal              ang katauhang ng isang
na kasaysayan ng bawat                dalubhasa sa pagpapakilala
bayan ng Bulacan.                     ng kaugnayan ng kasaysayan
                                      sa kanyang disiplina)
                                       Panel Discussion

Stage 3 Learning Plan

Teaching/Learning Sequence : Use of Three Is

I. Introduce Essential Questions

Semantic Web – Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng pagkakataong bumuo ng sariling konsepto
ukol sa kahulugan ng kasaysayan sa pamamagitan ng picture analysis.

Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa mga larawan na nakita ninyo, anu-ano ang mga salita na maaari ninyong iugnay
      dito?
   2. Batay sa mga salitang naibigay ninyo, bumuo ng sariling kahulugan ng kasaysayan.
   3. Bakit sa inyong palagay ito ay kahulugan ng kasaysayan?
   4. Bakit mahalaga ang pag-aaral ng kasaysayan?


II. Interaction with Different Resources to Answer EQ

Alamin natin ang kahulugan, kahalagahan, at kaugnayan ng kasaysayan sa pag-unlad ng isang
bayan. Upang matugunan ito, ang mga mag-aaral ay gagawa sa mga susunod na classroom
activities.

   A. Brain Storming
      Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay hihikayatin mag-usap usap at
      bumuo ng mga kaisipan kaugnay ng kahalagahan ng kasaysayan. Upang mas mapalalim
      ang brain storming sundin ang mga sumusunod na gabay na katanungan.

       Gabay na Katanungan:

       Gaano kahalaga ang pag-aaral ng kasaysayan sa mga sumusunod na aspeto:
         1. Sarili
         2. Lipunan
         3. Bansa
         4. Daigdig

     Pagkatapos ng brainstorming, susubukan ng mga mag-aaral na palalimin pa ang
     kahalagahan ng kasaysayan sa pamamagitan ng sumusunod na gawain.

   B. Picture Analogy
      Magpapakita ang guro ng mga larawan kung saan tutukuyin ng mag-aaral ang
      ipinahihiwatig nito at ang kaugnayan ng larawan sa ibang larawan upang makabuo ng
      konsepto.

       Gabay na katanungan:
        1. Ano ang ipinapakita ng una at ikalawang larawan?
        2. Ano ang kaugnayan ng una at ikalawang larawan sa ikatlong larawan?
        3. Kung ang ikaapat na larawan ay nagpapakita ng isang mahalagang kaganapan sa
           nakalipas, paano mo ilalarawan ang kasalukuyang kalagayan ng bansa?
        4. Ano ang kabuluhan ng pag-aaral ng kasaysayan?
        5. Sa kabuuan ng pagsusuri, bakit mahalaga ang kasaysayan?

   C. News Clipping
       Hikayatin ang mga mag-aaral na magsaliksik ng mga news clippings na may kaugnayan sa
       kahalagahan ng kasaysayan. Maaaring gamitin ang mga sumusunod:
       (Kung walang internet, papuntahin ang mga mag-aaral sa silid-aklatan)

       Websites:
       http://pinas.dlsu.edu.ph/history.html (Philippine History Online)
       http://filipiniana.net (Kasaysayan ng Pilipinas Iba’t-Ibang Pananaw)
       http://philippine-history.org/early-filipinos.htm (Sinaunang Kasaysayan ng Pilipinas)

   D. Balita Mo, Balita Ko (News Reporting)
Iuulat ng mga mag-aaral ang napili nilang news clipping sa klase. Maaaring talakayin ang
       iba’t-ibang pananaw ukol sa kahalagahan ng kasaysayan.

   E. Simulation
      Ang mga mag-aaral ay maglalaro ng Double Jeopardy Game, upang maunawaan ang mga
      iba’t-ibang konsepto ng kasaysayan sa pamamagitan ng pagsunod sa bawat panuntunan.

       Panuntunan ng Laro
       1. Ang bawat pangkat ay may pagkakataong pumil ng isang kategorya at kung gaanong
          kalaking puntos ang nais makamit ng pangkat.
       2. Sa bawat kategoryang pipiliin ay may nakalaang katanungan.
       3. Ang bawat pangkat ay may nakalaang limang segundo upang sagutin ang bawat
          katanungan na nagbibigay daan para makalikom ng maraming puntos.
       4. Sa huling bahagi ng laro ang bawat pangkat ay magkakaroon ng pagkakataong
          madoble ang puntos na kanilang nalikom batay sa kanyang puntos na binahagi.
       5. Ang pangkat na makakakalap ng pinakamaraming puntos ang siyang magwawagi sa
          larong ito.

   F. Panel Discussion
      Ang mga mag-aaral ay inaatasang magsagawa ng “panel discussion”, ang mga ito ay
     gaganap bilang mga dalubhasa sa iba’t ibang agham panlipunan upang maipaliwanag ang
     kaugnayan ng mga disiplinang ito sa pag-aaral ng kasaysayan. Dito maaari silang gumanap
     bilang mga sosyolohista, antropologo atbp.


III. Integration of Findings with EU and Application of EU

  1. Pagbubuo ng Concept Map
     Ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang concept map kung saan ito’y magpapakita sa
     kaisipang “kasaysayan”.




   2. Pagsasagawa ng Case Study
          Ang Center for Bulacan Studies (CBS) ay isang institusyong nagsasaliksik at sumusubok na
      bumuo ng ma lokal na kasaysayan sa bawat bayan sa probinsya ng Bulacan. Isa ka sa
      naatasang magsaliksik upang makatulong sa binubuong aklat patungkol sa lokal na
      kasaysayan ng pagbibigay-pagkilala sa mga bayaning Bulakenyo sa Araw ng Kagitingan.

         Inaasahang makagagawa ka ng isang maikling salaysay na naglalahad sa katangiang
     pisikal,kultura, pangkabuhayan, tala ng mga bayaning nagmula sa nassabing bayan at
     kasaysayan. Ang mga nakalap na impormasyon ang magiging basehan ng paglikha ng isang
     aklat patungkol sa lokal na kasaysayan ng bawat bayan ng Bulacan.

     Ang inyong output ay huhusgahan batay sa:
             a. Pagkilala sa kaanyuan, katangian, at sakop ng lokal na kasaysayan sa bayang
                napili.
             b. Pagsusuri sa kalakasan at kahinaan ng lokal na kasaysayan ng bayang napili.
             c. Pagtukoy sa mga suliraning pangkasaysayan ng bayang napili.
             d. Pagtataya ng mga pagpapahalaga at antas ng pagkilos ng pamayanan sa
                kanilang lokal na kasaysayan.
             e. Paglikha ng epektibong solusyon at pamamaraan upang maitaguyod ang lokal na
kasaysayan.

  Pagpapahalaga:
     Ang guro ay gagamit ng isang valuing strategy na tinatawag na Freedom Wall kung saan ang
  mga mag-aaral ay makapagbabahagi ng mga natutunan nila mula sa natapos na pag-aaral ng
  kasaysayan. Inaasahan na ang kanilang mga ilalahad na pagpapahalaga ay naaayon sa ating
  pamantayan. Iproseso ito upang matiyak na walang negatibong pananaw.

  Contingency Plan: Hikayatin ang mga mag-aaral na lumikha ng mga proyektong maaari nilang
  magawa upang mapangalagaan ang mga nalalabing historical landmarks and heritage sites ng
  Bulacan.
     1. Panukalang Proyekto
     2. Hakbang sa Pagsasakatuparan


   Closure:
     Mahalaga ang pag-aaral ng kasaysayan dahil ditto natin matutugunan kung paano tayo
mamumuhay ssa kasalukuyan. Ang kasaysayan ay isang mahalagang batayan kung papaano natin
maiwawasto ang mga pagkakamali o mga pagkukulang ng ating nakaraan upang makamit ang
isang maunlad at wastong pamumuhay.




Resources:

http://www.slideshare.net/peacfapereg3/inset-g1ap

More Related Content

Similar to Group1-AP FAPE INSET Seminar

DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q1_W6.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q1_W6.docxDLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q1_W6.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q1_W6.docxJamesCutr
 
Dlp grade 7 maikling kuwento (paalam sa pagkabata)
Dlp grade 7 maikling kuwento (paalam sa pagkabata)Dlp grade 7 maikling kuwento (paalam sa pagkabata)
Dlp grade 7 maikling kuwento (paalam sa pagkabata)Michelle Muñoz
 
Final AP8 2nd LC Week nbhkmm mnkmlml 1.docx
Final AP8 2nd LC Week nbhkmm   mnkmlml 1.docxFinal AP8 2nd LC Week nbhkmm   mnkmlml 1.docx
Final AP8 2nd LC Week nbhkmm mnkmlml 1.docxEllaPatawaran1
 
PELIKULANG-PANLIPUNAN-SYLLABUS.docx
PELIKULANG-PANLIPUNAN-SYLLABUS.docxPELIKULANG-PANLIPUNAN-SYLLABUS.docx
PELIKULANG-PANLIPUNAN-SYLLABUS.docxChantraMarieQuiselFo
 
Modyul 1 kasaysayan alamin natin
Modyul 1 kasaysayan alamin natinModyul 1 kasaysayan alamin natin
Modyul 1 kasaysayan alamin natin南 睿
 
Lesson Plan in Aral Pan 8
Lesson Plan in Aral Pan 8Lesson Plan in Aral Pan 8
Lesson Plan in Aral Pan 8MechelPurca1
 
Q2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptx
Q2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptxQ2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptx
Q2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptxCha Chie14
 
KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYAKABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYAPreSison
 
Grade Seven Syllabus in Araling Panlipunan
Grade Seven Syllabus in Araling PanlipunanGrade Seven Syllabus in Araling Panlipunan
Grade Seven Syllabus in Araling PanlipunanMavict De Leon
 
PANIMULA AT MODULES 1 N 2.pptx
PANIMULA AT MODULES 1 N 2.pptxPANIMULA AT MODULES 1 N 2.pptx
PANIMULA AT MODULES 1 N 2.pptxAkiCreus2
 

Similar to Group1-AP FAPE INSET Seminar (20)

INSET G3AP
INSET G3APINSET G3AP
INSET G3AP
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q1_W6.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q1_W6.docxDLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q1_W6.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q1_W6.docx
 
Dlp grade 7 maikling kuwento (paalam sa pagkabata)
Dlp grade 7 maikling kuwento (paalam sa pagkabata)Dlp grade 7 maikling kuwento (paalam sa pagkabata)
Dlp grade 7 maikling kuwento (paalam sa pagkabata)
 
Final AP8 2nd LC Week nbhkmm mnkmlml 1.docx
Final AP8 2nd LC Week nbhkmm   mnkmlml 1.docxFinal AP8 2nd LC Week nbhkmm   mnkmlml 1.docx
Final AP8 2nd LC Week nbhkmm mnkmlml 1.docx
 
week 4.docx
week 4.docxweek 4.docx
week 4.docx
 
PELIKULANG-PANLIPUNAN-SYLLABUS.docx
PELIKULANG-PANLIPUNAN-SYLLABUS.docxPELIKULANG-PANLIPUNAN-SYLLABUS.docx
PELIKULANG-PANLIPUNAN-SYLLABUS.docx
 
week 6 (1).docx
week 6 (1).docxweek 6 (1).docx
week 6 (1).docx
 
Filipino 7 u1 exeed
Filipino 7 u1 exeedFilipino 7 u1 exeed
Filipino 7 u1 exeed
 
Modyul 1 kasaysayan alamin natin
Modyul 1 kasaysayan alamin natinModyul 1 kasaysayan alamin natin
Modyul 1 kasaysayan alamin natin
 
Lesson Plan in Aral Pan 8
Lesson Plan in Aral Pan 8Lesson Plan in Aral Pan 8
Lesson Plan in Aral Pan 8
 
Q2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptx
Q2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptxQ2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptx
Q2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptx
 
IM AP8Q1W8D3.pptx
IM AP8Q1W8D3.pptxIM AP8Q1W8D3.pptx
IM AP8Q1W8D3.pptx
 
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYAKATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
 
Ap grades 7 10 cg
Ap grades 7 10 cgAp grades 7 10 cg
Ap grades 7 10 cg
 
Ap grades 7 10 cg
Ap grades 7 10 cgAp grades 7 10 cg
Ap grades 7 10 cg
 
Ap grades 7 10 cg
Ap grades 7 10 cgAp grades 7 10 cg
Ap grades 7 10 cg
 
KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYAKABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
 
Grade Seven Syllabus in Araling Panlipunan
Grade Seven Syllabus in Araling PanlipunanGrade Seven Syllabus in Araling Panlipunan
Grade Seven Syllabus in Araling Panlipunan
 
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docxMITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
 
PANIMULA AT MODULES 1 N 2.pptx
PANIMULA AT MODULES 1 N 2.pptxPANIMULA AT MODULES 1 N 2.pptx
PANIMULA AT MODULES 1 N 2.pptx
 

Recently uploaded

Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxEVELYNGRACETADEO1
 
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGrade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGeizukiTaro
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumVALERIEYDIZON
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxGerlynSojon
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxRochAsuncion
 
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONGRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONSaadaGrijaldo1
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxDesilynNegrillodeVil
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxChristineJaneWaquizM
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...mtmedel20in0037
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptxTAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptxrodriguezjoelina25
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 

Recently uploaded (20)

Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
 
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGrade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
 
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONGRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptxTAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 

Group1-AP FAPE INSET Seminar

  • 1. Quarter No: First Topic: Kasaysayan Time Frame: 2 weeks Stage 1 Desired Results Content Standard: Performance Standard: Pamantayan sa Unang Taon: Naipapamalas ng Naipapamalas ng mag-aaral ang kasanayan sa mag-aaral ang pag-unawa sa mga pamamagitan ng pagsulat o pagsagawa ng pangunahing kaisipan at mga napapanahong gawain tulad ng kasaysayang lokal o case study isyung pang-kasaysayan at pampamahalaan ng na nagpapakita ng malalim na pag-unawa sa Pilipinas gamit ang mga kasanayan at bahaging ginagampanan ng kasaysayan, pagpapahalaga tungo sa pagpapatatag ng heograpiya, at tao sa pagbuo at pag-unlad ng pagkabansa, sistemang demokratiko, sinaunang kabihasnang Pilipino. pagkakaisa, at mabuting pagkamamamayan. Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng kasaysayan at sa bahaging ginagampanan ng heograpiya at ng tao sa pagbuo at pag-unlad ng sinaunang kabihasnang Pilipino. Note: Pag-aaral ng kasaysayan, kahulugan ng kasaysayan, kahalagahan ng kasaysayan, kaugnayan ng kasaysayan sa iba pang disiplinang panlipunan Essential Understanding Essential Question Ang kasaysayan ay nagbibigay linaw upang Bakit mahalaga ang pag-aaral ng kasaysayan? makabuo ng pananaw sa nakaraanna makatutulong sa kasalukuyan at sa hinaharap Prior Knowledge Transfer 1. Ang kasaysayan ay isang agham. Maging responsableng mamamayan sa 2. Ang kasaysayan ay pag-aaral ng pagtataguyod at pangangalaga ng mga pangyayari, petsa, at mga taong naiwang bakas ng kasaysayan upang mapanatili mahahalaga. ang pagmamahal sa ating pinagmulan. 3. Ang kasaysayan ay walang kinalaman sa ating hinaharap sapagkat ito ay tumutukoy lamang sa ating nakaraan. Students will know: Students will be able to do: 1. Kahulugan ng kasaysayan 1. Pagpapaliwanag sa kahulugan ng 2. Kahalagahan ng kasaysayan kasaysayan 3. Kaugnayan ng kasaysayan sa iba pang 2. Pag-aanalisa sa kahalagahan ng disiplinang panglipunan kasaysayan sa kasalukuyang panahon 3. Pagsusuri sa kaugnayan ng iba’t-ibang disiplinang panlipunan sa kasaysayan
  • 2. Stage 2 Assessment Evidence at the Level of Performance Task Evidence of Understanding Performance Paggawa ng Case Study  Pagpapaliwananag 1. Semantic Web Ang Center for (Naipaliliwanag ang 2. Picture Analysis Bulacan Studies (CBS) ay kahulugan ng kasaysayan 3. News Clipping isang institusyong ayon sa sariling pang-unawa) 4. News-Reporting nagsasaliksik at  Semantic Web and Picture 5. Picture Analogy sumusubok na bumuo ng Analysis 6. Brain Storming ma lokal na kasaysayan 7. Simulation sa bawat bayan sa  Interpretasyon (Nagbibigyang 8. Panel Discussion probinsya ng Bulacan. Isa kahulugan ang kaugnayan ka sa naatasang ng kasaysayan sa pag-unlad magsaliksik upang ng kabihasnan) makatulong sa  Picture Analogy binubuong aklat patungkol sa lokal na  Aplikasyon (Gumawa ng kasaysayan ng sariling news article upang pagbibigay-pagkilala sa maibahagi sa mga kamag- mga bayaning aaral ang kahulugan, Bulakenyo sa Araw ng kaugnayan at kahalagahan Kagitingan. ng kasaysayan sa lipunan) Inaasahang  Balita Ko, Balita Mo (News- makagagawa ka ng Writing and Reporting) isang maikling salaysay na naglalahad sa  Pagkilala sa Sarili (Nasusuri katangiang ang mga iba’t-ibang pisikal,kultura, disiplinang may kaugnayan pangkabuhayan, tala ng sa kasaysayan gamit ang mga bayaning nagmula sariling pananaw) sa nassabing bayan at  Double Jeopardy kasaysayan. Ang mga (Simulation Game) nakalap na impormasyon ang magiging basehan ng paglikha ng isang  Empathy (Nagagampanan aklat patungkol sa lokal ang katauhang ng isang na kasaysayan ng bawat dalubhasa sa pagpapakilala bayan ng Bulacan. ng kaugnayan ng kasaysayan sa kanyang disiplina)  Panel Discussion Stage 3 Learning Plan Teaching/Learning Sequence : Use of Three Is I. Introduce Essential Questions Semantic Web – Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng pagkakataong bumuo ng sariling konsepto ukol sa kahulugan ng kasaysayan sa pamamagitan ng picture analysis. Pamprosesong Tanong:
  • 3. 1. Batay sa mga larawan na nakita ninyo, anu-ano ang mga salita na maaari ninyong iugnay dito? 2. Batay sa mga salitang naibigay ninyo, bumuo ng sariling kahulugan ng kasaysayan. 3. Bakit sa inyong palagay ito ay kahulugan ng kasaysayan? 4. Bakit mahalaga ang pag-aaral ng kasaysayan? II. Interaction with Different Resources to Answer EQ Alamin natin ang kahulugan, kahalagahan, at kaugnayan ng kasaysayan sa pag-unlad ng isang bayan. Upang matugunan ito, ang mga mag-aaral ay gagawa sa mga susunod na classroom activities. A. Brain Storming Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay hihikayatin mag-usap usap at bumuo ng mga kaisipan kaugnay ng kahalagahan ng kasaysayan. Upang mas mapalalim ang brain storming sundin ang mga sumusunod na gabay na katanungan. Gabay na Katanungan: Gaano kahalaga ang pag-aaral ng kasaysayan sa mga sumusunod na aspeto: 1. Sarili 2. Lipunan 3. Bansa 4. Daigdig Pagkatapos ng brainstorming, susubukan ng mga mag-aaral na palalimin pa ang kahalagahan ng kasaysayan sa pamamagitan ng sumusunod na gawain. B. Picture Analogy Magpapakita ang guro ng mga larawan kung saan tutukuyin ng mag-aaral ang ipinahihiwatig nito at ang kaugnayan ng larawan sa ibang larawan upang makabuo ng konsepto. Gabay na katanungan: 1. Ano ang ipinapakita ng una at ikalawang larawan? 2. Ano ang kaugnayan ng una at ikalawang larawan sa ikatlong larawan? 3. Kung ang ikaapat na larawan ay nagpapakita ng isang mahalagang kaganapan sa nakalipas, paano mo ilalarawan ang kasalukuyang kalagayan ng bansa? 4. Ano ang kabuluhan ng pag-aaral ng kasaysayan? 5. Sa kabuuan ng pagsusuri, bakit mahalaga ang kasaysayan? C. News Clipping Hikayatin ang mga mag-aaral na magsaliksik ng mga news clippings na may kaugnayan sa kahalagahan ng kasaysayan. Maaaring gamitin ang mga sumusunod: (Kung walang internet, papuntahin ang mga mag-aaral sa silid-aklatan) Websites: http://pinas.dlsu.edu.ph/history.html (Philippine History Online) http://filipiniana.net (Kasaysayan ng Pilipinas Iba’t-Ibang Pananaw) http://philippine-history.org/early-filipinos.htm (Sinaunang Kasaysayan ng Pilipinas) D. Balita Mo, Balita Ko (News Reporting)
  • 4. Iuulat ng mga mag-aaral ang napili nilang news clipping sa klase. Maaaring talakayin ang iba’t-ibang pananaw ukol sa kahalagahan ng kasaysayan. E. Simulation Ang mga mag-aaral ay maglalaro ng Double Jeopardy Game, upang maunawaan ang mga iba’t-ibang konsepto ng kasaysayan sa pamamagitan ng pagsunod sa bawat panuntunan. Panuntunan ng Laro 1. Ang bawat pangkat ay may pagkakataong pumil ng isang kategorya at kung gaanong kalaking puntos ang nais makamit ng pangkat. 2. Sa bawat kategoryang pipiliin ay may nakalaang katanungan. 3. Ang bawat pangkat ay may nakalaang limang segundo upang sagutin ang bawat katanungan na nagbibigay daan para makalikom ng maraming puntos. 4. Sa huling bahagi ng laro ang bawat pangkat ay magkakaroon ng pagkakataong madoble ang puntos na kanilang nalikom batay sa kanyang puntos na binahagi. 5. Ang pangkat na makakakalap ng pinakamaraming puntos ang siyang magwawagi sa larong ito. F. Panel Discussion Ang mga mag-aaral ay inaatasang magsagawa ng “panel discussion”, ang mga ito ay gaganap bilang mga dalubhasa sa iba’t ibang agham panlipunan upang maipaliwanag ang kaugnayan ng mga disiplinang ito sa pag-aaral ng kasaysayan. Dito maaari silang gumanap bilang mga sosyolohista, antropologo atbp. III. Integration of Findings with EU and Application of EU 1. Pagbubuo ng Concept Map Ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang concept map kung saan ito’y magpapakita sa kaisipang “kasaysayan”. 2. Pagsasagawa ng Case Study Ang Center for Bulacan Studies (CBS) ay isang institusyong nagsasaliksik at sumusubok na bumuo ng ma lokal na kasaysayan sa bawat bayan sa probinsya ng Bulacan. Isa ka sa naatasang magsaliksik upang makatulong sa binubuong aklat patungkol sa lokal na kasaysayan ng pagbibigay-pagkilala sa mga bayaning Bulakenyo sa Araw ng Kagitingan. Inaasahang makagagawa ka ng isang maikling salaysay na naglalahad sa katangiang pisikal,kultura, pangkabuhayan, tala ng mga bayaning nagmula sa nassabing bayan at kasaysayan. Ang mga nakalap na impormasyon ang magiging basehan ng paglikha ng isang aklat patungkol sa lokal na kasaysayan ng bawat bayan ng Bulacan. Ang inyong output ay huhusgahan batay sa: a. Pagkilala sa kaanyuan, katangian, at sakop ng lokal na kasaysayan sa bayang napili. b. Pagsusuri sa kalakasan at kahinaan ng lokal na kasaysayan ng bayang napili. c. Pagtukoy sa mga suliraning pangkasaysayan ng bayang napili. d. Pagtataya ng mga pagpapahalaga at antas ng pagkilos ng pamayanan sa kanilang lokal na kasaysayan. e. Paglikha ng epektibong solusyon at pamamaraan upang maitaguyod ang lokal na
  • 5. kasaysayan. Pagpapahalaga: Ang guro ay gagamit ng isang valuing strategy na tinatawag na Freedom Wall kung saan ang mga mag-aaral ay makapagbabahagi ng mga natutunan nila mula sa natapos na pag-aaral ng kasaysayan. Inaasahan na ang kanilang mga ilalahad na pagpapahalaga ay naaayon sa ating pamantayan. Iproseso ito upang matiyak na walang negatibong pananaw. Contingency Plan: Hikayatin ang mga mag-aaral na lumikha ng mga proyektong maaari nilang magawa upang mapangalagaan ang mga nalalabing historical landmarks and heritage sites ng Bulacan. 1. Panukalang Proyekto 2. Hakbang sa Pagsasakatuparan Closure: Mahalaga ang pag-aaral ng kasaysayan dahil ditto natin matutugunan kung paano tayo mamumuhay ssa kasalukuyan. Ang kasaysayan ay isang mahalagang batayan kung papaano natin maiwawasto ang mga pagkakamali o mga pagkukulang ng ating nakaraan upang makamit ang isang maunlad at wastong pamumuhay. Resources: http://www.slideshare.net/peacfapereg3/inset-g1ap