1. PABEBE PATROL
SFX…
N1: Magandang Hapon Carascians, ito si Allianah Paqueo
N2: ito naman si Denise Ortega
N1 and N2: at ito ang Pabebe patrol
N1: Mga kapamilya, ilang araw nalang at magpapasko na, muli na naman nating masisilayan ang mga
maliliwanag na ilaw at maririnig ang ibat ibang kantang pampasko
N2: at higit sa lahat allianah, inaasahan natin na magsisiksikan na naman ang mga tao sa mga pamilihan
upang bumili ng Christmas decorations, pang regalo, pang noche Buena at mga kakailanganin ngayong
darating na kapaskuhan
SFX…
N1: Kailangan na pong dumiskarte para raw kahit tipid masarap parin ang handa sa pasko dahil
posibleng tumaas ang presyo ng ilang pagkain at sangkap pang noche Buena at itinuturong dahilan ang
pagsikip ng pier sa maynila at pagkasira ng ilang piggery at palayan dahil sa nagdaang bagyo
May live report si Jeneth Elumba, Jeneth.
SFX…
Jeneth (Field Reporter): Allianah, Hindi paman nagsisimula ang ber months ay nagbabala na
ang autoridad sa mga mamimil. Possible raw tumaas ang presyo ng mga karneng pang noche
Buena katulad ng hamon, bacon at hotdog, di lang daw dahil mataas ang demand ng process
meat tuwing ber months kundi resulta ng mga nagdaang bagyo sa poultry at hog farms at epekto
rin ito umano ng port congestion sa Maynila. Pero ang Department of Trade and Industry
nagbabala sa mga kompanya huwag daw idahilan ang port congestion para abusuhin ang presyo
ng produkto. Sa unang lingo pa ng nobyembre ng maglabas ang DTI ng suggested retail price
(srp) para maging gabay ng mga tindera at mamimili. Sa ngayon dito sa Lipa Market Quezon
City, hindi pa naman nagtaas ng presyo ng process meat na depende sa brand ng mga ito . Nasa
140 hanggang 200 pesos ang kada kilo ng hamon, 100 hanggang 185 pesos ang hotdog at 65
hanggang 270 peosos ang bacon. Ang presyo naman ng manok ay nananatili parin sa 150
hanggang 160 pesos kada kilo . Hindi pa rin daw nila maibaba dahil mataas pa rin ang kuha nila.
Wala namang magawa ang mga mamimili kundi bumili pa rin ng karneng manok kahit
nagmahal na ito at kung ngayon pa lang daw ay mataas na ang presyo nito paano na kaya raw
kung papalapit na ang pasko.
Ating tanungin si Aling Rai2x kung kumusta na ang presyo ng karne.
Kumusta po nga ba ang presyo ng ating karne Aling Rai2x?
Tindera (Ray): Mataas pa rin po ang bigay sa amin kaya hindi pa po naming pwedeng ibaba ang
presyo n gaming mga karne.
Jeneth (Field Reporter): Misis, okay lang ba sa inyo na medyo mataas pa rin ang presyo n
gating mga karne?
2. Mamimili (Jr): Okay lang naman po, kailangan po kasi at gusto rin ito ng mga anak ko.
Jeneth: (Field Reporter): At yan muna ang pinakahuling balita dito mula sa Lipa Market, balik
sa ‘yo Allianah.
N1: Maraming salamat Jeneth Elumba.
N2: Nandito naman si Antonette Cinco makapanayam si DTI Under Secretary Glenn Dimagiba
tungkol sa sitwasyon ng presyo ng ating pamilihan. Antonette?
Field Reporter: Kumusta po ba ang presyo ng ating mga bilihin Under Secretary?
Sec: As of last week ok pa po ang mga produkto na may SRP (Suggested Retail Price) noche
Buena noh. Pero.. nag-utos po ang pangulo at ang secretary na tiyakin ng DTI na ang mga
produkto ay hindi dapat lalampas sa itinakdang SRP lalo na po ang produktong pampasko.
Field Reporter: At yan muna po, balik sa ‘yo Denise.
N2: Salamat sa iyo Antonette At yun lamang po. Tandaan nating ang balita ay palaging gising
kay wag matulog para maging updated. Muli ako si Denise Ortega
N1: Ako naman si Allianah Paqueo.
Both: At ito ang pabebe patrol. Hangngang sa muli! (with pabebe wave)