4. - Ayon sa isang diksyonaryo, ang Talangka
Mentality, ay isang paglalarawan sa taong nais
makaangat sa buhay sa pamamagitan ng
paghatak sa iba nang pababa.
- Isang ugali natin mga Pinoy na hinihila ang
kapwa natin pababa imbis na tulungan ito sa pag-
angat.
- Mga taong makasarili at hindi iniisip ang
kapakanan ng iba.
5. Mahahalintulad ito sa mga
alimango na kapag inilagay
sa isang timba ay nag-
uunahang umakyat sa timba
upang makalabas. Sa pag-
akyat nito, hinahatak ng
ibang alimango ang
kanilang kapwa upang hindi
ito makalabas.
6. - Kung may isang dating karaniwang tao ang biglang
uunlad o mararating ang tagumpay, asahan natin na
bukod sa mga pupuri ay nandun din ang sangkatutak
na kung anu-ano ang sasabihing hindi maganda sa
kanya.
- Malimit din ang ganitong tagpo sa mga lugar ng
trabaho. Sangkatutak na apakan at siraan ang
nangyayari para maiangat lang ang sarili sa kanilang
mga employer.
7. - Hindi naman lahat ng mga pinoy ay utak
talangka. Ngunit may mangilan-ngilan pa rin
talagang mga tao na ang kilala lamang niya
ay ang kanyang sarili at ayaw niyang uunlad
ang iba. Talagang niyakap na nila ang
ganitong ugali, kaya naman sa tuwing may
nagtatagumpay, may talangka pa rin
talagang hindi masaya. Subalit hindi nila
alam na kapag hinihila niya pababa ang
isang tao, mangyayari din ito sa kanya.
8.
9. - Kanya-kanyang linis sa kani-kanilang lugar,
ngunit naging iba ang dating ng mensahe. Tila isa
itong pamamaraan ng pagiging makasarili at
walang pakialam sa iba.
- Maraming nagsasabi na tayo raw na mga
Filipino ay mapanlamang, pero di naman lahat
sapagkat marami sa mga Filipino ang mayroong
magagandang kalooban at mapagbigay.
10. - Sa Bibliya, mayroong sinabi ang Panginoong
Hesus, "mahalin ninyo ang inyong kapwa tulad ng
inyong sarili". Pagpapatunay na tayong tao ay
marapat na maging mapagbigay at hindi
maging mapanlamang sa kapwa. Ang pagiging
mapagbigay ay isang katangian na
ipinagmamalaki ng mga Pilipino.
- Marahil ang pag uugaling ito ay naging
kaugalian na, at nauwi na ring maging kultura.
11. - Kailangang makita ng lahat ang kagandahan ng
tunay na kaugalian na dapat manahin at isalin sa
mga susunod na henerasyon sa pamamagitan ng
pagtanggap kung ano ang tama at nararapat na
gawi. Dahil pag naisalin sa bagong henerasyong
ang mga di kagandahang pag-uugali ay
napakalaking pananagutan ng mga taong
nagsalin nito sapagkat magiging gawing
kakalakhan ng mga nag-aakalang tamang gawi
ang kanilang ginagawa.