Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Dulang Ang Tagahuli ng Ibon sa Impiyerno at mga Elemento ng Dulang Pangtanghalan. Dito din matatagpuan ang ilang aktibidad o diskusyon patungkol sa mga paksa.
8. Yama: Ako ang hari ng Impiyerno, si Yama! At
nandito ako upang dumalo sa pulong ng anim
na paraan. Yai, yai, nandyan ba ang aking mga
alalay?
Mga Demonyo: Ha! Narito kami.
Yama: Kapag may dumating na mga
makasalanan, itaboy niyo sila sa Impiyerno.
Mga Demonyo: Masusunod po mahal na hari
Kiyoyori: Lahat ng tao’y makasalanan, at dahil
hindi ako naiiba sa karamihan ano ba ang dapat
kong ikatakot?
9. Kiyoyori: Ako si Kiyoyori, isang tagahuli ng ibon.
Isang bantog na tagahuli sa kapatagan. Pero
ang buhay ko’y umabot na sa katapusan.
Tinangay ako ng hangin at ngayo’y naglalakbay
sa kadiliman. Walang bahid ng pait ay iniwan ko
ang mundong aking kinamulatan. Sa aking
palagay, sa langit pa arin ako mahihimlay.
Mga Demonyo: Ha! Ha! May naaamoy akong
parating na tao. Sigurado akong isa itong
makasalanan, at may hihirap na kami sa’yo
Haring Yama. Mahal na hari, ang unang
makasalanan ay dumarating na.
10. Yama: Bilisan ninyo’t itulak kaagad siya sa
Impiyerno.
Mga Demonyo: Abot-kamay lang ang impiyerno
kaya halika na. Ang langit ay hindi madaling
marating kaya sumama ka na. Halika na. Yai! Yai!
Ibang klase ito sa mga makasalanan sa balat ng
lupa. Ano ba’ng pinagkakakitaan mo sa lupa?
Kiyoyori: Ako si Kiyoyori, ang kilalang tagahuli ng
ibon.
Demonyo: Tagahuli ng ibon? Kumikitil ka ng buhay
mula umaga hanggang gabi. Mabigat ang
kasalanan mo. Nasisiguro kong sa impiyerno ang
tuloy mo.
11. Kiyoyori: Ang katotohanan ay hindi ako kasinsama ng
katulad ng iinisip niyo. Mas makakabuti siguro kung sa
langit ninyo ako papuntahin.
Unang Demonyo: Hindi puwede! Itatanong ko muna sa
Hari ang tungkol sa kaso mo. Ipagpaumanhin ninyo mahal
na hari!
Yama: Ano’ng kailangan?
Unang Demonyo: Sabi ng bagong dating na makasalanan
na isa raw siyang tagahuli ng ibon sa kapatagan. Kaya
sabi ko sa kanya na dahil kumikitil siya ng buhay araw’t
gabi, nakagawa siya ng mabigat na kasalanan at
karapat-dapat lamang na pagdusahan niya ito sa
impiyerno. Pero ayaw niyang sumang-ayon at iniisip
niyang hindi patas ang panghuhusga natin sa kanya.
12. Yama: Dalhin mo’ng makasalanan na’yan dito.
Kiyoyori: Susunod ako.
Demonyo: Heto na po ang makasalanang
pinatawag ninyo.
Yama: Halika rito ikaw na makasalanan! Nalaman
kong buong buhay mo ay ginugol mo sa
panghuhuli ng ibon. Iyan ay paglapastangan sa
buhay. Ngayon din ay dapat kang mapunta sa
impiyerno.
Kiyoyori: Hindi kayo nagkakamali sa tinuran ninyo
tungkol sa akin, pero ipinakakain sa mga palkon
ang mga ibong hinuhuli ko. Wala namang
nasasaktan sa ginagawa ko.
13. Yama: Isang uri din ng ibon ang palkon, di ba?
Kiyoyori: Isang Tama kayo.
Yama: Sa tingin ko ay hindi nga ganoong kabigat
ang iyong kasalanan.
Kiyoyori: Mabuti naman po at umaayon kayo sa
akin. Mas kasalanan naman talaga ng palkon ‘yon
kaysa sa akin. Kaya hinihiling ko pong ako’y
papuntahin ninyo sa langit.
Yama: At dahil hindi pa ako nakatitikim ng ibon
sapul na ako’y maging hari, ihuli mo ako ng isa, at
gusto kong matikman ngayon din. Pagkatapos
ibibigay ko sa iyo ang hiling mo nang walang
away.
14. Kiyoyori: Napakadali niyan. Manghuhuli ako ng
ilang ibon ngayon at iaalay ko sa inyo.
Koro: Manghuli, manghuli kailangang manghuli at
lumabas na nga sila, isang kumpol na ibon, at
pinukol na ang panang panghuli upang sa gayon
ay maihaw na at maialay sa hari ng impiyernong
may kapangyarihang taglay.
Yama: Sige, sige! Titikman ko. Meri, meri! Yum, Yum!
Ang sarap, ibang-iba ang lasa!
Kiyoyori: (sa mga demonyo) Gusto n’yo bang
titikman?
Mga Demonyo: Salamat, gusto namin. Hmmmm…
masarap nga.
15. Yama: Wala pa akong natikmang kasinsarap nito.
Dahil sa napakasarap ang handog mo sa amin,
maaari ka ng bumalik sa lupa. Doo’y puwede kang
manghuling muli ng mga ibon sa loob ng tatlong
taon pa.
Kiyoyori: Tatanawin ko itong malaking utang na
loob
Koro: Babalik sa lupa, upang doon manghuli ng
ibon. Iba’t-ibang klase na hindi makatatakas sa
iyong patibong. Pero bago siya tuluyang bumalik
pinabaonan siya ng koronang sa bato ay hitik.
Babalik na siya sa kapatagan at doo’y magsisimula
ng bagong buhay.
16. MGA TANONG:
Sino si Yama? Ano ang utos niya sa
kanyang mga kasama?
Ilarawan si Kiyoyori. Ano ang kanyang
pinagkukuhanan ng kita noong
nabubuhay pa siya?
Sa iyong palagay, bakit sinabi ng mga
demonyo na mas madaling magpunta
sa impiyerno kaysa langit? May
katotohanan ba ito? Ipaliwanag.
17. MGA TANONG:
Bakit sinabihan ni Yama si Kiyoyori na
naiiba ang kaso niya?
Ano ang mabuting aral na iniiwan ng
dula sa mga babasa nito?
20. 1. Banghay
Simula – dito pinapakilala ang mga
tauhan at tagpuan ng dula
Gitna – dito makikita ang mga
problema o tunggalian sa dula
Wakas – dito matatagpuan ang
resolusyon at pagtatapos ng dula
21. 2. Dayalogo
Ito ay ang usapan ng mga tauhan
sa dula
Pinakadiwa ng isang dula
22. 3. Yugto at Eksena
Yugto – pinakakabanatang
paghahati sa dula
Eksena – ito ay paglabas-pasok ng
mga tauhan sa tagpuan ng lugar
ng pinagtatanghalan.
23. 4. Direktor
Siya ang nagpapakahulugan sa
isang iskrip, nag-i-interpret sa iskrip
mula sa pagpasya sa itsura ng
tagpuan, ng damit ng mga tauhan
hanggang sa paraan ng
pagganap at pagbigkas ng mga
tauhan ay dumidipende sa
interpretasyon ng direktor sa iskrip
24. 5. Tema
Ito ay ang pinakapaksa ng dulang
itinatanghal