Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Relihiyon sa Israel. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang katangian ng Relihiyon sa Israel.
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
AP 7 Lesson no. 25-C: Relihiyon sa Israel
1. Lesson 25-C: Relihiyon sa Israel
• Ang relihiyon sa Israel ay may malaking impluwensiya sa kultura, kasaysayan at pamumuhay ng mga
Israeli
• Ang Israel lamang ang bansang may malaking porsiyento ng mga Mamamayan ay relihiyong Judaism
• Ang Israel ay binuo upang magbigay ng isang lokal na bahay at proteksyon sa mga Hudyo
• Judaism in Israel – karamihan sa mga Mamamayan ng Israel ay mga Hudyo. Noong 2015, 74.9% ng
populasyon ay mga Hudyo.
Rabbinic Judaism – ito ay ang pangunahing anyo ng Judaism simula noong ika-6 na siglo A.D.
Kinakalaban nito ang ideyolohiya ng mga Sadducees at Samaritanism na hindi kinikilala ang Oral Law
bilang isang awtoridad na banal (divine authority). Pinaniniwalaan nila na pinakilala ng Diyos ang Torah
sa dalawang bahagi: Oral at Written Torah.
• Kristiyanismo sa Israel – ito ay isa sa mga kinikalalang relihiyon sa Israel. Ito ay may 161,000 na
Mamamayan na tagasunod. Ang mga Kristiyanong Arabo ay isa sa mga edukadong grupo sa Israel.
Catholic Church in Israel – ito ay isang parte ng Roman Catholic Church ng buong mundo na
pinamumunuan ng Obispo ng Roma o Santo Papa. Sinasabi na ito ay pinasimulan ni Hesu Kristo at ng
Simbahan ng Jerusalem na pinaliwanag sa Akto ng mga Apostol (Acts of the Apostles). Ito ay
pinamumunuan ng Patriarch ng Jerusalem.