2. • Layunin At Kahalagahan
– naglalayon na palawakin ang isipan ng bawat
indibidwal .
– pagtuklas natin sa kasaysayan upang mas
maunawaan natin ang nakaraan.
– magandang pag-usapan para sa
napapanahong suliraning pangkalusugan sa
bansa.
Halimbawa na rito ang sakit na “Dengue”.
– mula noong Enero hanggang Oktubre ng
taong 2010 umabot na sa 724 na tao sa
buong bansa ang namatay dahil sa dengue.
3. PAMUMUHAY NG MGA PILIPINO BAGO DUMATING
ANG MGA AMERIKANO
– Ang kulturang Pilipino ay pinaghalong impluwensya ng mga
katutubong tradisyon at mga kultura.
– Sa pananakop ng mga Mehikano na tumagal ng 350 taon ay may
malaking kontribusyon sa ating kultura.
– Tumawag ang mga misyonerong katoliko ng mga katutubo upang
maging tagasalin ng mga wika.
– Nakapaglikha sila ng bilingguwal na uri, at ito ay ang mga Ladinos.
– Sa panahon ding ito nakasentro ang panitikan sa senakulo, moro-
moro, korido at awit.
– Ang pagbabasa at pagsulat ay mabilis na natutunan ng mga Pilipino
kaya’t nakasulat sila ng aklat.
– Nakita nila ang kahalagahan ng edukasyon upang umunlad ang
kanilang buhay.
4. “Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong G’s ang
“GOD, GOLD at GLORY”. Dumating sila na ang pangunahing
layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at
upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag
ng kanilang nasasakop”.
-G. Francis Rodolfo M. Marcial Jr.
– Unang layon ng mga kastila ay ang paglaganap ng Kristiyanismo
upang mas madaling makuha at masakop ang Pilipinas.
– noong 1565 dumating ang mga misyonerong Agustinian na
nabibilang sa Orden ng San Agustin.
– taong 1577 sumunod na dumaong ang mga Franciscan na
nabibilang sa orden ng rancisco.
– noong 1581 dumating ang mga Hesiwita na kasali sa ordeng
Society of Jesus. Taong 1587 naman dumating ang mga
dominicano na kasali sa orden ni Santo Domingo .
5. – at taong 1606 dumating din ang mga Reoletos.
– Lubos nilang napaniwala ang mga Pilipino sa relihiyong
Katoliko tulad ng pagdarasal ng taimtim.
– Naniniwala ang mga Pilipino na ang lahat ng bagay ay
maidadaan sa pagdarasal.
– Upang mas lalo pang mapalaganap ang relihiyon, bumuo
sila ng Diocese.
“Ang mga bagay na ito ang ginawa nilang sandata
upang lubos na masakop ang Pilipinas. Hanggang
sa pag-alis ng mga Kastila sa Pilipinas, nanatili pa
rin ang mga ito sa isipan ng mga Pilipino kaya’t sa
pagpasok ng mga Amerikano ay hindi naging
madali para sa ating mga kababayn noon ang
makisalamuha sa estado ng pamumuhayng mga
Amerikano”.
6. ANG MGA SAKIT NA LUMAGANAP SA PILIPINAS SA
PAGDATING NG MGA AMERIKANO
Sa pagdating at pagsakop ng mga Amerikano, maraming
pagbabago ang nangyari.
“Batay sa mga opisyal na datos sa pagsisimula ng
pananakop ng Estados Undos sa Pilipinas, hindi sa mga
sakit nagmumula at pangkaraniwan sa mga bansang
tropko (na tinawag nilang tropical diseases) tulad ng
malaria, bulutong at tipus dapat mngamba ang mga
Amerikano” (Mactal,Kalusugang Pampubliko sa
Kolonyal na Maynila “1898-1918”,2009,p.16)
7. Ito ang mga sakit na pangunahing sanhi ng kamatayn sa
Maynila at proporsiyon nito sa Buong Bansa (1902)
Pinagkuhanan: Mactal,Kalusugang Pampubliko sa Kolonyal na Maynila
“1898-1918”,2009,p.17
8. – Ang kolera ay isa sa mga sakit na lumaganap sa pagsisimula
ng pananakop ng mga Amerikano sa bansa. Sa Maynila
nagsimula ang unang pananalanta ng kolera sa bansa noong
Marso 1902 (Mactal, 2009, p.52).
– Pinaniniwalaang nadamay lamang ang ating bansa sa mga
partikular na bansa sa Asya tulad ng Tsina at Hong Kong na
syang unang pinagmulan ng kolera. Marso 20, 1902, kauna-
unahang kaso ng kolera ang naitala sa bansa (Mactal, 2009).
– Sa pagtanggap ng Europa at Amerika ng “Germ Theory” na
naging eksplanasyon bilang sanhi ng sakit sa huling bahagi
ng ika- 19 na dantaon, nagkaroon ng matinding kasabikan at
paligsahan sa mga mananaliksik na tuklasin ang bakunang
makapipigil rito (Mactal, 2009, p.59).
10. • Sa pagtanggap ng Europa at Amerika ng “Germ Theory” na
naging eksplanasyon bilang sanhi ng sakit sa huling bahagi ng
ika- 19 na dantaon, nagkaroon ng matinding kasabikan at
paligsahan sa mga mananaliksik na tuklasin ang bakunang
makapipigil rito (Mactal, 2009, p.59).
• Sa isang “circular” na ipinalabas ni Direktor Heiser na
nagbibigay ng edukasyon sa publiko ukol sa kolera, tinutukoy
na sanhi nito ang isang espesipikong lason na tinatawag na
“comma bacillus of koch o mikrobyong kolera o spirillum/
comma bacillus” (Mactal, 2009).
• Nakukuha rin ang mikrobyo sa paghawak at sa paghahanda ng
pagkain tulad na lamang sa paghawak hawak ng mga mamimili
sa mga karne, isda at iba pang pagkaing nabibili sa palengke at
ang paghahalo ng mga kontaminadong tubig sa mga sariwang
gatas na kadalasang ibinebenta sa kalsada (Mactal, 2009).
11. • Ang kumbulsyon naman ang may pinakamataas na kaso at
pinakamataas na porsyento ng sanhi ng kamatayan.
• Sanhi rin ito ng iba’t-ibang malalang sakit tulad ng minigitis,
tetanus at malaria sa utak o pagkalason. Kaya’t noon maraming
namatay sa kumbulsyon dahil na rin napabayaan ito at hindi
nabigyan agad ng lunas.
• Bubonic Plague ang kauna unahang sakit sa Pilipinas na sinuri ng
mga Amerikanong Bakteryologis. Ang sakit na bubonic Plague ay
galing sa bansang Hong Kong. Noong Pebrero 1900 may 48 na kaso
ang naitala sa Maynila, pagkatapos ng pagsasanitaryo ng mga
inspektor, may 27 na kaso muli ang naitala.
• Si Alexandre Yersin ang nakatuklas ng “Plague Bacillus” sa Hong
Kong noong 1894, sa kadahilanan na ang mga organismo ay
matatagpuan lamang sa mga daluyan ng dugo kaya’t ang sakit na
ito’y madsling maipasa.
• Ang nasabing mikrobyo na “bacillus” ay halos matatagpuan sa mga
daga na syang pinakamabilis magpadami ng “virus” (Anderson,Colonial
Pathologies, 2006, p.61)
12. Mga “Bacteriologists” na nag-aaral upang tumukoy ng mga sakit.
(Colonial Pathologies, 2006, p.61)
13. Naging epekto sa kalusugan ng mga Pilipino
– Mula ng tinanggap ng Europa at Amerika ang “Germ
Theory” na maging eksplanasyon bilang sanhi ng mga
sakit marami na itong naidulot na sakit na syang lubos
na nakaapekto sa kalusugan ng mga mamamayan sa
bansa.
– Malaki ang naging epekto nito sa kalusugan sapagkat
laganap na ang may sakit na kung saan mabilis pa
itong makahawa sa iba. Isa pa sa mga sakit na
nakaapekto ng lubos ay ang kumbulsyon ito ang sakit
na kung saan itinalang may pinakamataas na kaso ng
kamatayan sa bansa.
14. MGA NABUONG PROGRAMANG MAKAKATULONG
UPANG MASUGPO ANG SULIRANIN
– Sa unang pananalanta ng kolera noong 1902-1904,
kaagad ipinag-utos ng pamahalaan ang paghadlang sa
mga maaaring panggalingan ng mikrobyo.
– Ipinatupad ang pagkuwarentenas sa look ng Maynila
ng mga barkong pandagat na nagmula sa dalawang
naturang bansa.
– Hindi pinapayagan ang anumang sasakyang pandagat
sa Ilog Pasig, inutusan ang lahat ng mga ito na manatili
sa pook ng Maynila buong magdamag upang
mainspeksyon mabuti ang lahat at madisimpektakung
kinakailangan bago muling payagang makabalik sa Ilog
Pasig sa araw.
– Mahigpit ding ipinagbawal ang pagpasok ng mga gulay
na nagmula sa Tsina dahil sa paniniwalang ito ay
kontaminado ng mikrobyo ng Kolera. (Mactal, 2009,
P64-P65).
15. – Para matugunan ang pangangailagan ng mga tao ng
malinis at ligtas na tubig, inutusan kaagad ang
tagapangasiwa ng planta ng pamahalaan na
gumagawa ng yelo na dagdagan ang ginagawa nitong
destiladong tubig.
– Upang maiwasan ang makakuha ng mikrobyong
Kolera sa pagkain, Isinaayos ng pamahalaan ang
pangangasiwa sa mga palengke upang mahadlangan
ang pagkalat ng Kolera.
– Mahigpit ang pagbabawal sa basura at dumi sa
pampublikong lugar . Kailangan nilang magkaroon ng
hiwalay na lalagyan ng basura at dumi nglahat ng
bahay at establisimento sa lugar.
– Ang Pail Conseruancy System
16. – Nang makumpirma ang unang kaso ng kolera noog
1902, hinati ang maynila sa labing dalawang distrito
ng kalusugan upang mapadali at maisaayos ang pag-
iinspeksyon sa buong lugar.
– Araw at gabi ang nagging ag-iinspeksyon ng mga
sanitary inspector sa bahay-bahay upang matukoy
ang bawt kaso ng kolera na ipinaghihinalaang
itinatago ng ma Pilipino.
– Ordinance No.5 at Ordinance No.12
17. Sila ang mga inspector na tumulong sa pagkalap ng mga may sakit
noon. (Anderson, Colonial Pathologies, 2006)
18. MGA PARAANG GINAMIT NG MGA AMERIKANO SA
PAGSUGPO SA MGA LUGAR NA PINAKA-APEKTADO
Nakatala rito ang mga lugar kung saan tinamaan ng mga sakit at
bilang ng mga namatay.
Pinagkuhanan: Worcester, A history of Asiatic cholera in the Philippine Islands,
1908,p.6
19. – Sa paglaganap ng mikrobyong Kolera sa Pilipinas,
unang tinamaan ang lungsod ng Maynila na siya ring
unang binigyan ng kaukulang pansin ng pamahalaan
upang ito’y malunasan.
– Pagbabawal sa pagpasok ng mga gulay at pagkaing
magmumula sa mga banang nasabing pinagmulan ng
sakit at paglalagay ng checkpoint sa bawat lugar.
– Sa makatuwid mas pinag-tuunan ng pansin ng mga
Amerikano ang pagkalat ng sakit na kolera.
21. EPEKTO NG MGA PROGRAMA AT PARAANG PINAIRAL
NG MGA AMERIKANO UPANG MASOLUSYUNAN ANG
SULIRANIN SA KALUSUGAN
– Malaki ang naitulong ng edukasyon sa pakikisangkot ng
taong bayan pagdating sa pagsugpo ng kolera.
– Nakakagulat ang naging pagtugon ng lipunan sa mga
programang ipinatupad. Sa mga paaralan, itinuro rin sa
mga bata ang tamang instruksyon na tungkol sa pagsugpo
ng mga sakit na laganap sa bansa na galing sa “Bureau of
Health” sa pag-iwas at pagpigil sa pagkalat ng mga sakit.
– Sa halip na kontrolin ang buong komunidad, tahimik
subalit sa taong may sakit ang nagging target ng Bureau of
Health sa pagpigil sa kolera (Mactal, 2009, p.70).
– Ang mga ito’y para sa kapakiinabangan ng mga Amerikano
munaa at hindi pra sa ikabubutin ng mga Pilipino.
22. KONKLUSYON SA NAGGING BUNGA NG MGA PROGRAMA AT
PARAAN NA PINAIRAL SA BANSA
– Sa paglaganap ng iba’t-ibang sakit sa bansa noong sakupin
tayo ng mga Amerikano, maraming programa ang naitatag.
– Isang buwan at kalahati, matapos ang pananakop ng
Estados unidos sa Maynila, Kaagad itinatag ang Board of
Health noong Setyemmbre 29, 1898 (Mactal, 2009, p.19).
– Ayon kay Mactal na ligtas sabihing na nakadepende ang
papmumuhay at naging pag-unlad na bansa lalo na ang
lungsod ng Maynila sa tubig hanggang sa pagsisimula ng
pananakop ng mga Amerikano noong 1898.
– Sa patuloy na pag-unlad at pagdami ng tao, umagos ang
mga naipong dumi ng mga kabahayan at bahay-
pangangalakalsa mga estero patungo sa Ilog Pasig.
– Sa paglipas ng panahon, naging putik at banlik ang mga
naipong dumi sa estero lalo na sa panahon ng tag-araw
kung saan napakababaw ng tubig at hindi makaagos sa Ilog
Pasig at look ng Maynila (Mactal, 2009, p.156)
23. – Dahil na rin sa patuloy na pagdumi ng mga estero,
Ilog at buong paligid ng Maynila, lumaganap ang
mga sakit at bakterya nagd udulot ng kamatayan ng
marami nating kababayan noong panahong iyon.
– Gumawa ng mga hakbang ang mga amerikano
upang sugpuin ang epidemyang kumakalat sa buong
bansa. Itinuon nila ang kanilang pansin sa paglilinis
at pagpapabango ng buong siyudad.
– Ang paulit-ulit na pananalasa ng kolera na biglaang
muling umaatake sa pagtatapos ng 1908 ang marahil
nagpabago sa naging pananaw at programa sa
paglutas ng problema sa iskuwater ng Bureau of
Health.
24. – Sa lahat ng pangyayaring ito, ano pa man ang
layunin ng mga Amerikano sa ating bansa dapat
pa rin tayong magpasalamat sa kanila dahil sila
ang naging sandigan ng bansa upang maka-ahon
tayo sa mga bagay na ito. Aking napagtanto sa
pagsasaliksik na ito, na hindi lahat ng
magagandang bagay na ating napapansin sa ating
paligid ay hindi puro kabutihan. Sa likod ng mga
iyon ay may nagtatagong ibang uri ng pagkatao at
hindi maganda ang intensiyon nito sa atin palagi.
25. SANGGUNIAN
Mga Aklat
Mactal, Ronaldo “Kalusugang Pampubliko sa kolonyal na Maynnila. (1898-
1918)”, UP Press 2009
Anderson, Warwick “Colonial Pathologies” (2006)
Babasahin
Worcester,Dean “A history of Asiatic cholera in the Philippine Island”s, 1908
Internet/Web
http://images.papapapauie.multiply.multiplycontent.com/attachment/0/SGN
xvQoKCD4AAFVOorI1/Pinoy..ppt?key=papapapauie:journal:21&nmid=1028
60215.
http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/28/Panitikang_Filipino_sa_Ibat
_ibang_panahon
http://tl.wikipedia.org/wiki/Pilipinas#Kultura
http://bagongkasaysayan.multiply.com/journal/item/10