2. ALAM MO BA?
Teddy Benigno ---- siya ay batikang manunulat ng isang
sikat na peryodiko. Nagsimula siya bilang manunulat ng
isports, naging boksingero rin siya. Noong panahon ng
pamamahala ni dating Pangulong Corazon C. Aquino, itinalaga
siya bilang kalihim ng press mula 1986-1989.
Randy David ---- isang manunulat sa peryodikong laganap
sa buong bansa. Isa siyang respetadong kalumnista,
sociologist, professor, television host, at sumulat na rin ng
maraming aklat.
3. ALAM MO BA?
Solita Monsod ---- kilala sa taguring na “Mareng Winnie”. Isa
siyang boadcaster, host, ekonomista, at manunulat. Naging
ikalimang direktor-head siya ng National Economic and
Development Authority (NEDA) at kalihim ng Socio-economic
Planning of the Philippines.
Jarius Bondoc ---- isang matapang na kolumnista at
komentarista sa radyo. Pinarangalan siya bilang Journalist of
the Year noong 2013. marami siyang mga ibinunyag na
anomalya sa kanyang kolum at programa sa radyo sa
nagbukas ng imbestigasyon
4. Pinahahalagahan ng tekstong argumentatibo ang
paglalahad ng katotohanan mula sa balidong datos na
nakuha o nabasa. May mga isyu na minsan kulang ang
ating kaalaman ngunit isang paraan upang makakuha ng
spata na ipormasyon hinggil dito ay ang pagpili ng mga
babasahin na may kaugnayan sa paksa. Huwag din
kalimutang isaalang-aang ang kredebilidad ng awtor kung
malinaw bang nailahad ang kanyang mga pananw at
maaaring mapagkakatiwalaan ang kanyang isinulat.
Ang Tekstong ARGUMENTATIBO
Pinahahalagahan ng tekstong argumentatibo ang
paglalahad ng katotohanan mula sa balidong datos na
nakuha o nabasa. May mga isyu na minsan kulang ang
ating kaalaman ngunit isang paraan upang makakuha ng
spata na ipormasyon hinggil dito ay ang pagpili ng mga
babasahin na may kaugnayan sa paksa. Huwag din
kalimutang isaalang-aang ang kredebilidad ng awtor kung
malinaw bang nailahad ang kanyang mga pananw at
maaaring mapagkakatiwalaan ang kanyang isinulat.
5. Ang tekstong argumentatibo ay naglalayong
kumbinsihin ang mambabasangunit hindi lamang ito
nakabatay sa opinyon odamdamin ng manunulat, batay sa
datos oimpormasyong inilatag ng manunulat. Sa
tatlongparaan ng pangungumbinsi-ethos, pathos, atlogos,
ginagamit ng tekstong argumentatibo anglogos. Upang
makumbinsi ang mambabasa,inilalahad ng may-akda ang
mga argument,katwiran, at ebidensiya na nagpapatibay
ngkanyang posisyon o punto.
Ang Tekstong Argumentatibo
6. 1. Pumili ng paksang isusulat na angkop para sa
tekstong argumentatibo. Halimbawa: Ang
pagpapatupad ng K to 12 Kurikulum
2. Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong
panindigan at ano ang mga dahilan mo sa
pagpanig dito.
3. Mangalap ng ebidensiya. Ito ay ang mga
impormasyon o datos na susuporta sa iyong
posisyon
Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo
7. 4. Gumawa ng borador (draft).Unang talata: Panimula
• Ikalawang talata: Kaligiran o ang kondisyon o sitwasyong nagbibigay-daan sa
paksa.
• Ikatlong talata: Ebidensiyang susuporta sa posisyon. Maaaring magdagdag ng
talata kung mas.maraming ebidensiya.
• Ikaapat na talata: Counterargument. Asahan mong may ibang mambabasang
hindi sasang-ayon sa iyong argumento kaya ilahad dito ang iyong mga lohikal
na dahilan kung bakit ito ang iyong posisyon.
• Ikalimang talata: Unang kongklusyon na lalagom sa iyong isinulat
• Ikaanim na talata: Ikalawang kongklusyon na sasagot sa tanong na “E ano
ngayon kung ‘yan ang iyong posisyon?
Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo
8. 5. Isulat na ang draft o borador ng iyong tekstong
argumentatibo.
6. Basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang
mga pagkakamali sa gamit ng wika at mekaniks.
7. Muling isulat ang iyong teksto taglay ang
anumang pagwawasto. Ito ang magiging pinal na
kopya.
Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo