2. Nagtataka ba kayo kung saan
nagmula ang kagamitang martilyo
na siyang kasa-kasama ng mga
karpintero sa araw-araw nilang
pagtratrabaho?
Halina’Ating tuklasin at palawakin
ang ating imahinasyon sa kung
paano at saan nga ba nagmula ang
kagamitang martilyo.
3. Isang pilyong bata si Martin, hindi niya
iginagalang ang mga nakatatanda sa kanya.
Dahil iyon sa kapabayaan ng kanyang
naghiwalay na magulang. Hindi na siya
natutukan pa ng atensyon at payo simula
noon. Hindi na siya natutukan pa ng atensyon
at payo simula noon.
Hindi siya marunong gumamit ng salitang po
at opo, bastos pa siyang makipag-usap.
Pasigaw siyang lagi kapag nagsasalita, mainit
lagi ang ulo at pabalang lagi kung sumagot sa
mga nakatatanda.
4. Madalas siyang kainitan ng kanyang mga
kalaro dahil sa kanyang ugali, inaaway niya
ang mga bata kahit wala naman itong
ginagawa sa kanya. Hindi na siya kinagigiliwan
ng mga tao madalas pa siyang kainisan dahil sa
pagiging pilyo niya. Bastos na bata ang bansag
sa kanya, mapanlait at walang modo.
5. Isang gabi habang natutulog si Martin, nagkaroon
siya ng isang hindi masamang panaginip, may isang
matandang nagpakita sa kanya. Nagbanta ito ng isang
sumpa dahil sa panlalait niya sa kanyang kapwa.
“Ang lahat ng masamang salitang iyong sasambitin
ay sa iyo rin masasalin”- Iyon ang banta ng matandang
nagpakita.
At ng magising si Martin natandaan niya ang
kanyang panaginip. Ngunit ipingsawalang bahala niya
lamang iyon dahil para sa kaniya wala iyong mga
katotohanan, kabaliktaran ng panaginip ang totoong
buhay. Bumangon siya at nag agahan, sunod ay naligo,
nagbihis ng uniporme, at sumunod ay humingi ng sobrang
baon sa kanyang ate at saka nagtungo sa eskwelahan.
6. Habang naglalakad si Martin , nakasalubong niya
ang kanyang kamag-aral na may malaking bukol sa ulo,
inborn na iyon. Inakbayan iyon ni Martin at sinabing
“Kamusta Boy Bukol? Habang tumatagal lumalaki ang ulo
mo ah.” Sabay takbo habang humahalakhak.
Matapos niya iyong sambitin ay medyo kumati ang
kanyang likod niya. Kinamot niya iyon at may nakapa
siyang isang maliit na bukol sa kanyang likod ngunit hindi
niya ito pinansin dahil akala niya isa lamang itong kagat
ng isang gutom na lamok. Nagpatuloy lamang siya sa
paglalakad at hindi nia namamalayang lumalaki ang
bukol sa kanyang likuran.
“May bukol ka sa likod Martin, napano iyan?- Tanong ng
isang matandang nagbibisekleta.
7. “Lokohin mo ang lelang mo, kulugo ka! Ipinaglihi ka sa
palaka”
Sagot ni Martin sa matandang nagtanong. Hindi na
naman pinansin ng batang mapanlait ang kulugong tumutubo
sa kanyang leeg, sa kanyang ulo at braso, nagpatuloy lamang
siya sa astang siga.
“Martin, may sakit ka ba? Huwag ka na munang pumasok” bilin
ng kumare ng kanyang ina.
“Malakas pa ako sa iyo, palibhasa baboy ka, Malaki ang tiyan
Wag mo nga akong pakialamanan” sigaw ni Martin. Nanahimik
na lamang nag babaeng nilait niya, umismid at umalis.
Naramdaman ni Martin ang biglaang paglobo ng kanyang
tiyan, lumaki iyon na tila isang babaeng nagdadalang tao.
Napasigaw siya sa kanyang nasaksihan. Napatingin ang mga
estudyante’t mga magulang na nakarinig sa kanya.
8. “Mga wala kayong kwenta, anong tinitingin niyo
diyan,Tulungan niyo ko! Mga anak kayo ng unggoy, walang mga
utak” -pagmamalaking sigaw pa ni Martin.
“Aba, bastos kang bata ka ah, nanghihingi ka na nga lang ng
tulong pasigaw pa?” Wala kang modo” galit na sinabi ng mga
nakatatandang nakarinig sa kanya.
Patakbo siyang umuwi sa kanilang bahay at nang tumingin
siya sa salamin ay nakita niya ang kanyang sariling puno ng bukol.
Napasigaw na lamang siya, hindi niya maunawaan ang mga
naganap.
“Sino ka?”- sambit ng kanyang ate. “Ao io si tMalin,” sagot ni
Martin na noo’y naging ngongo.
“Ano? Hindi kita maintindihan, hindi kita kilala, lumabas ka rito.”
sigaw ng kanyang ate.
9. Magdamag na umiyak si Martin hanggang siya’y tuluyang
makatulog. Bumalik sa kanyang panaginip ang matandang
sumumpa sa kanya.
“Ngayon ay naramdaman mo din ang sakit ng pangungutya na
iyong ginagawa sa iyong kapwa, mananatili kang ganyan
hangga’t di ka natututong gumalang sa iyong kapwa, mawawala
lamang ang sumpa kung patawarin ka na ng mga taong iyong
naapakan, at kung hindi ikaw ay magiging bagay na may
matigas na anyo ” –sambit ng matanda at bigla na lamang itong
nawala.
Nang magising si Martin, agad siyang nagtungo sa mga taong
kanyang lubusang nasaktan at siya’y humingi ng tawad. Ngunit
huli na para dito, hindi siya nagawang patawarin ng mga taong
kanayang lubusang nasaktan.
10. Hindi niya napansin na siya’y lumuluha na pala. Muling
nagpakita ang matanda sa kanyang panaginip. “Gaya ng
aking sinambit, Ngayong hindi ka magawang mapatawad ng
mga nagawan mo ng mga kasalanan, hindi ko na maaari
pang bawiin ang aking sumpa, Ikaw ngayon ay magiging
anyong bagay na matigas at magagamit ng mga tao sa
paggawa ng mga kasangkapang bagay.” muling binigkas ng
matanda at tuluyan na itong nagluha.
Si Martin ngayo’y wala ng nagawa pa, Luha na lamang
ang lumabas sa kanyang mga mata. Doon niya na lamang
napagtanto ang mga kasamaang kanyang ginawa, ngunit
huli na ang lahat para magbago.
11. Huli na nang matutunan niyang masama manlait ng kapwa,
dahil di mo mamamalayan na ang balik nito’y sa iyo rin salin.
Nang di kinalaunan, tuluyan nang nawala si Martin.
Hindi na siya kailanman nakita ng kanyang pamilya, at nang
hanapin siya ng mga ito, Isang bagay na anyong matigas na lamang
ang kanilang nakita, korteng pamukpok at may ulo ang natagpuan
nila sa kagubatan. Ang dating Martin na noo’y umiiyak at nagsisisi
ay biglang naglaho, napalitan na lamang ito ng bagay na anyong
matigas, korteng ulong pamukpok.
12. Inisip ng kanyang pamilya na ang
bagay na iyon ay si Martin, Di naglaon ang
bagay na noo’y nakita nila kung saan
naroon si Martin ay tinawag na nilang
“Martilyo” na nagmula sa noo’y batang
sutil at pilyong si Martin. Hindi nagtagal
ang dating si Martin na batang pilyo ay
napalitan ng isang bagay na tinawag
nilang “MARTILYO” na nagyo’y naging
mahalaga sa araw-araw na pamumuhay
an mga karpintero.