LIMITLESS 03 - THE FRUIT OF THE HOLY SPIRIT - PTR. VETTY GUTIERREZ - 4PM AFTE...
IT'S ALL ABOUT JESUS 2 - IDENTITY - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICE
1.
2.
3. Sa Psychology ang
pagkakakilanlan ay isang
katangian, paniniwala,
pagkatao, kaanyuan, o
kapahayagan para magkaroon
ng sariling pagkakakilanlan.
Ito ay proseso na pwedeng
makabuti o makasira sa
isang tao.
4. Lahat tayo ay mayroong kanya
kanyang pagkakakilanlan sa sarili;
maaring mabuti, masama, tama o
hindi akma. May mga sukatan tayo
kung paano natin ikumpara ang ating
sarili sa iba. Yong iba isinasama ng
ating Panginoong Hesus sa kanilang
pagkakakilanalan at yong iba naman
ay inaalis ang ating Panginoon sa
kanilang sarili.
6. Yong pangitain ni Isaiah
patungkol sa Diyos ay
nagkaroon ng katunayan
sa aklat ni Juan.
7. Sinabi ito ni Isaias sapagkat
nakita niya ang kaluwalhatian
ni Jesus, at nagpahayag siya
tungkol kay Jesus.
Juan 12:41
8. Si Hesus dapat ang
sentro at bida sa
kwento ng ating buhay
9. Mula Genesis, ang paglikha
ng lahat ng bagay;
hanggang sa Pahayag, ang
pagbabalik ng Panginoong
Hesus. Ang sentro ng
kwento ng lahat ay
patungkol sa ating
Panginoong Hesus at tayo
ay isinama lang.
10. Sa simula pa lang nilikha na ng
Diyos ang langit at lupa sa
pamamagitan ng Kanyang
Salita. Pinatunayan ni Juan na
ang Diyos Ama, Diyos Anak at
Diyos Espiritu Santo ay
kasama Sila sa prosesong ito.
11. Makikita natin sa Pahayag 21
na sinabi ng Diyos na lalalang
Siya ng bagong langit at lupa
na walang sumpa at walang
kasalanan na kung saan ang
lalaki at babae ay
mgakakaroon na perpektong
pagsasama at tamang relasyon
sa Diyos habang sumasamba
sa Kanya.
12. Mula sa hardin ng Eden
hanggang sa bagong langit at
lupa ito ay kwento ng
Paghahari ng Diyos, at hindi
kailan man ito ay masisira.
13. Mula sa pagakakasala ng tao
hanggang sa bagong simula, ang
kwento ay patungkol sa iisang
Bida at ang Bidang yan ay ang
ating Panginoong Hesus
15. Ang Diyos Ama ay
Kanyang pinahayag ang
pagkakakilanlan sa ating
Panginoong Hesus bago pa
man magsimula ang
Kanyang ministeryo.
16. 13 Dumating si Jesus sa ilog Jordan
mula sa Galilea upang magpabautismo
kay Juan.
14 Ngunit tinangka ni Juan na pigilan
Siya at sinabi, “Ako po ang dapat
magpabautismo sa inyo! Bakit Kayo
nagpapabautismo sa akin?”
Mateo 3:13-17
17. 15 Subalit sumagot si Jesus, “Hayaan
mong ito ang mangyari ngayon,
sapagkat ito ang nararapat nating
gawin upang matupad ang kalooban
ng Diyos.” Kaya't pumayag din si
Juan.
Mateo 3:13-17
18. 16 Nang mabautismuhan si Jesus,
kaagad Siyang umahon sa tubig.
Nabuksan ang langit at nakita ni Jesus
ang Espiritu ng Diyos na bumababang
parang isang kalapati at dumapo sa
Kanya.
17 At isang tinig mula sa langit ang
nagsabi, “Ito ang minamahal Kong Anak
na lubos Kong kinalulugdan!”
Mateo 3:13-17
23. Maliban na ikaw ay
pumayag na may mas
mataas sa iyo, ang kwento
ng iyong buhay ay laging
patungkol sa iyo.
24. Si Hesus ay bumaba
mula sa langit para
maging alipin at Siya ay
binautismohan para sa
pagkilala sa atin
25. Bilang Tagapagligtas ng
sangkatauhan at
Manunubos sa ating mga
kasalanan, wala pa Siyang
ginagawa pero ang Diyos
Ama ay sinabi na Niya na
Ito ang minamahal kung
Anak na lubos Kong
kinalulugdan.
26. Ang pag-ibig ng Diyos Ama
ay hindi dumidepende sa
ating mga gawa kundi ito ay
nakaugat sa Kanyang
Katangian at sa Kanyang
pagkakakilanlan bilang
mapagmahal na Diyos.
27. Walang bagay na dapat
nating gawin para mas
mamahalin tayo ng Diyos
ng lubos o para hindi tayo
mamahalin.
28. Hindi tayo minahal ng Diyos
Ama, o Diyos Anak, o Diyos
Espiritu Santo ng dahil may
ginawa tayo, kundi dahil sa
ating Panginoong Hesus ay
minahal tayo ng Ama at tayo
din naman ay konektado sa
Tatlong Persona ng Diyos sa
pamamagitan ng ating
Panginoong Hesus.
29. 6 Sumagot si Jesus, “Ako ang
daan, ang katotohanan, at ang
buhay. Walang makakapunta sa
Ama kundi sa pamamagitan ko.
Juan14:6
30. Si Hesus ang nagbigay
ng ating pagkakakilanlan
na tayo ay minahal ng
Diyos
31. ANG TAO AY MAY
MGA ALTERNATIBO
SA BINIGAY NG ATING
PANGINOONG HESUS
NA
PAGKAKAKILANLAN
SA ATIN
32. Tayo ay kumukuha ng
ating pagkakakilanlan sa
ating mga ginagawa.
Binabase natin ang ating
pagkatao sa kung ano
ang mayroon tayo sa
buhay.
1
33. Tayo ay kumukuha ng
ating pagkakakilanlan
kung ano ang nangyari sa
buhay natin.
2
34. Maliban sa pagkakakilanlan
sa atin na ibinigay ng ating
Panginoon Hesus, lahat
niyan ay walang kabuluhan at
yan ay unti unting pumapatay
sa ating kaluluwa.
35. Ang pinaka mataas na
pagkakakilanlan sa atin ay
yong ibingay sa atin ng
Panginoong Hesus na
tawagin tayong taga-dala ng
Ebanghelyo o Mabuting
Balita
39. Ang ibig sabihin ng Shalom
ay higit pa sa simpleng
kapayapaan; ito ay
kumpletong kapayapaan,
mayroon kang kapanatagan,
may magandang kaganapan
sa buhay at mayroong
pagkakatugma ng lahat ng
bagay sa iyong ikakabuti.
40. Ang Shalom ay nagumpisa
sa salitang Ebangelyo o
Mabuting Balita.
41. Ang Ebanghelyo ay Mabuting
Balita. At ang Mabuting Balita
ay ang Panginoong Hesus na
dumating para magbibigay ng
kapatawaran sa ating mga
kasalanan doon sa mga
naniniwala sa Kanya.
43. Ang Mabuting Balita ang
Siyang naging tungtungan ng
ating pagkakakilanlan kay
Jesus, ang hindi maarok na
kapayapaan na binigay sa
atin, ang pagmamahal ni
Hesus sa atin at yong mga
ginawa Niya sa buhay natin.
44. 27 Nilalang nga ng Diyos ang tao
ayon sa Kanyang larawan. Sila'y
Kanyang nilalang na isang lalaki at
isang babae,
Genesis 1:27
45. Tayo ay nilalang para taga
dala ng imahe ng Diyos.
Kaya dapat nakikita sa atin
ang pagiging maka Diyos.
48. 1Minsan, habang nakatayo si Jesus sa
tabi ng Lawa ng Genesaret, nagsiksikan
ang napakaraming tao sa paglapit sa
kanya upang makinig ng salita ng Diyos.
2 May nakita Siyang dalawang bangka
sa baybayin; nililinisan ng mga
mangingisda ang kanilang mga lambat
at wala sila sa kanilang mga bangka.
Lucas 5:1-11
49. 3 Sumakay Siya sa isa sa mga ito na
pag-aari ni Simon. Hiniling Niya rito na
ilayo nang kaunti ang bangka mula sa
baybayin. Naupo Siya sa bangka at
nangaral sa mga tao.
4 Pagkatapos Niyang mangaral, sinabi
Niya kay Simon, “Pumalaot kayo at
ihulog ang mga lambat upang manghuli.”
Lucas 5:1-11
50. 5 Sumagot si Simon, “Guro, magdamag
po kaming nagpagod ngunit wala
kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi
ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat.”
6 Ganoon nga ang ginawa nila, at
nakahuli sila ng maraming isda, kaya't
halos mapunit ang kanilang mga lambat.
Lucas 5:1-11
51. 7 Kinawayan nila ang kanilang mga
kasamahang nasa kabilang bangka
upang magpatulong. Lumapit naman
ang mga ito at napuno nila ang
dalawang bangka, anupa't halos
lumubog ang mga ito.
Lucas 5:1-11
52. 8 Nang makita iyon ni Simon Pedro,
siya'y lumuhod sa harap ni Jesus at
sinabi, “Lumayo Kayo sa akin,
Panginoon, sapagkat ako'y isang
makasalanan.”
9 Nanggilalas siya at ang kanyang mga
kasama dahil sa dami ng kanilang huli,
Lucas 5:1-11
53. 10 gayundin sina Santiago at Juan na
mga anak ni Zebedeo at mga kasosyo ni
Simon. Sinabi ni Jesus kay Simon,
“Huwag kang matakot. Mula ngayo'y
mga tao na, sa halip na mga isda, ang
iyong huhulihin.”
11 Nang maitabi na nila ang mga
bangka sa pampang, iniwan nila ang
lahat at sumunod kay Jesus.
Lucas 5:1-11
54. Sinabi ng Panginoong Hesus
kay Pedro na hindi niya
kailangang gumawa ng kanyang
sa buhay, sa halip inimbitahan
siya na sumama sa kwento ng
Panginoong Hesus at binigyan
siya ng papel na maging
mangingisda ng tao.
55. 17 At isang tinig mula sa langit ang
nagsabi, “Ito ang minamahal Kong Anak
na lubos Kong kinalulugdan!”
Mateo 3:17
56. Inimbitahan muna si Pedro
sa relasyon sa Panginoong
Hesus bago siya binigyan ng
trabaho bilang Apostol.
57. Lahat tayo ay iniimbitahan
para lumapit sa ating
Panginoong Hesus. Subalit
nais ninyo bang iwanan ang
kwento ng inyong buhay para
sumama para maging
kabahagi ng napakahulugang
kwento ng ating Panginoon
Hesus.
59. Ang ating pagkakakilanlan
ay hindi natin pinaghirapan
kundi ito ay regalo at
ibinigay ng ating Panginoong
Hesus dahil sa Kanyang
pagmamahal sa atin.
60. Website : main.fcc-global.com
Facebook: https://www.facebook.com/fccglobal
Instagram: @fccphilippines
Twitter : @fccphilippines
FAITHWORKS CHRISTIAN CHURCH
GLOBAL
Presented By:
Ptr. Vitaliano Gutierrez
FCC Main San Mateo, Rizal, PH
April 8, 2018
7AM Mabuhay Service