5. 2 Sinabi sa kanya, "Isama mo ang kaisa-isa
at pinakamamahal mong anak na si Isaac,
at magpunta kayo sa lupain ng Moria.
Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko
sa iyo, at ihandog mo siya sa akin."
Geneses 22:2
6. 23 Natupad ang sinasabi ng kasulatan, "Si
Abraham ay sumampalataya sa Diyos, at
dahil dito, siya'y itinuring ng Diyos bilang
isang taong matuwid," at tinawag siyang
"kaibigan ng Diyos."
Santiago 2:23
7. Nang isuko ni Abraham ang
pangarap niya na natanggap sa
Diyos , doon niya nakita si Jesus na
pag-asa ng kanyang pangarap
8. 56 Natuwa ang inyong amang si Abraham
nang malaman niyang makikita niya ang
araw ng aking pagdating. Nakita nga niya
ito at siya'y nagalak."
Juan 8:56
9. 24 Dahil sa pananampalataya sa Diyos,
tumanggi si Moises, nang siya'y mayroon
nang sapat na gulang, na tawagin siyang
anak ng prinsesang anak ng hari.
25 Inibig pa niyang makihati sa kaapihang
dinaranas ng bayan ng Diyos kaysa
magtamasa ng mga panandaliang aliw ng
mundong ito na dulot ng kasalanan.
Hebreo 11:24-26
10. 26 Itinuring niyang higit na mahalaga ang
pagtitiis sa hirap dahil sa Mesiyas kaysa
ang mga kayamanan ng Egipto; sapagkat
nakatuon ang kanyang paningin sa mga
gantimpala sa hinaharap.
Hebreo 11:24-26
12. 25 May isang tao noon sa Jerusalem na
ang pangala'y Simeon, isang lalaking
matuwid, may takot sa Diyos at
naghihintay sa katubusan ng Israel. Nasa
kanya ang Espiritu Santo.
26 Ipinahayag ng Espiritu Santo sa kanya
na hindi siya mamamatay hangga't hindi
niya nakikita ang Cristo na ipinangako ng
Panginoon.
Lucas 2:25-26
13. Itinuon ni Simeon ang buhay niya
sa paghihintay sa pagdating ng
Mesias.
15. 36 Naroon din sa Templo ang isang
propetang babae na ang pangalan ay
Ana, anak ni Fanuel at mula sa angkan ni
Aser. Siya'y napakatanda na. Pitong taon
pa lamang silang nagsasama ng kanyang
asawa,
Lucas 2:36-38
16. 37 at ngayo'y walumpu't apat na taon na
siyang biyuda. Lagi siya sa Templo, at
araw-gabi'y sumasamba sa Diyos sa
pamamagitan ng pag-aayuno at
pananalangin.
Lucas 2:36-38
17. 38 Nang oras na iyon, lumapit din siya
kina Jose at Maria, at nagpasalamat sa
Diyos. Nagsalita rin siya tungkol sa
sanggol sa lahat ng naghihintay sa
pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem.
Lucas 2:36-38
18. Hindi na nag-asawa si Ana, isinuko
niya ang pangarap na magkaroon ng
kasama sa buhay bagkus itinuon
niya sa paghintay sa pagdating ng
Mesias.