5. Mateo 2:1-2
1 Panahon ng paghahari ni Herodes sa
Judea nang ipanganak si Jesus sa
Bethlehem. Nang siya'y isilang, may mga
matatalinong taong mula pa sa silangan
ang dumating sa Jerusalem.
2 Nagtanung-tanong sila, "Nasaan ang
ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita
namin sa silangan ang kanyang bituin,
kaya't naparito kami upang siya'y
sambahin."
7. Awit 63:1
1 O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi
kong hinahanap; ang uhaw kong
kaluluwa'y tanging ikaw nga ang hangad;
para akong tuyong lupa na tubig ang
siyang lunas.
2 Hayaan mong sa santuwaryo ika'y aking
mapagmasdan, at ang likas mong
kaluwalhatian at kapangyarihan.
9. Awit 63:3-4
3 Ang wagas na pag-ibig mo'y mainam pa
kaysa buhay, kaya pupurihin kita, O Diyos,
at pararangalan.
4 Habang ako'y nabubuhay, ako'y
magpapasalamat, at ako ay dadalangin na
kamay ko'y nakataas.
11. 1 Timoteo 2:8
8 Ibig ko ngang ang mga tao'y
magsipanalangin sa bawa't dako, na iunat
ang mga kamay na banal, na walang galit
at pakikipagtalo. (Tagalog Ang Biblia)
12. 1 Timoteo 2:8
8 Sa lahat ng dako, nais kong ang mga
lalaki ay manalangin nang may malinis na
puso, walang sama ng loob at galit sa
kapwa. (Revised Tagalog Popular Version)
14. Santiago 4:8
8 Lumapit kayo sa Diyos at lalapit siya sa
inyo. Linisin ninyo ang inyong mga
kamay, kayong mga makasalanan! Linisin
ninyo ang inyong puso, kayong pabagu-
bago ang isip.
16. Awit 141:1-2
1 Sa iyo, O Yahweh, ako'y dumadalangin
sa aking pagtawag, ako sana'y dinggin.
2 Ang aking dalangin sana'y tanggapin mo,
masarap na samyong handog na insenso;
itong pagtaas ng mga kamay ko.
18. Exo 17:10-11
10 Sinunod ni Josue ang utos ni Moises at
hinarap niya ang mga Amalekita. Si
Moises naman, kasama sina Aaron at Hur
ay nagpunta sa burol.
11 Kapag nakataas ang mga kamay ni
Moises, nananalo ang mga Israelita; kapag
nakababa, nananalo naman ang mga
Amalekita.
20. Exo 17:12-13
12 Nangawit na si Moises kaya sina Aaron
at Hur ay kumuha ng isang bato at pinaupo
roon si Moises habang hawak nilang
pataas ang mga kamay nito hanggang sa
lumubog ang araw.
13 Dahil dito'y natalo ni Josue ang mga
Amalekita.