Kataga ng Buhay  Marso 2010
Gaano kalimit mong nararamdaman na kailangan mo ng isang tutulong sa iyo, pagkatapos ay nakita mong walang makakatulong sa...
Sa sandaling iyon ay napapabaling ka sa Isa na alam mong mapangyayari ang imposible. May pangalan ang Isang ito: Siya si J...
“ Sinasabi ko sa inyo: kung kayo ay may pananampalatayang tulad ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito: ‘Lum...
Maliwanag na ang mga salitang “ilipat ang bundok” ay hindi dapat unawain ayon sa salita mismo. Hindi nangako si Jesus sa K...
Kung titingnan mo ang buong kasaysayan ng Simbahan, wala kang makikitang santo – sa aking kaalaman – na naglipat ng bundok...
Ang salitang “maglipat ng bundok” ay isang kasabihan bagama’t may labis na paglalarawan. Sinasabi ito upang itanim sa isip...
Ang layunin ng bawat himala na ginawa mismo ni Jesus o sa pamamagitan ng Kanyang mga tagasunod ay upang palawakin ang Kaha...
Ang paghahambing sa “butil ng mustasa” ay ginamit upang ilarawan na hindi hinihiling ni Jesus ang napakalaking pananampala...
Kung may pag-aalinlangan tayo o pasubali sa ating pananampalataya, ibig sabihin ay hindi pa tunay ang pananalig natin sa D...
Hinahayaan ng taong ganap na nagtitiwala sa Diyos na kumilos sa kanyang buhay dahil walang imposible sa Diyos. Ang pananam...
Ang pananampalatayang ito na may kakayahang ilipat ang bundok ay hindi lamang para sa ilang natatanging tao. Lahat ng suma...
“ Sinasabi ko sa inyo: kung kayo ay may pananampalatayang tulad ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito: ‘Lum...
Ayon sa tradisyon, sinabi ni Jesus ang mga salitang ito sa Kanyang mga alagad noong sila ay ipapadala na Niya sa kanilang ...
Madaling mawalan ng lakas ng loob at matakot kung alam natin na maliit tayo, hindi handa, walang kakaibang talino, at naha...
Nanghihina tayo dahil nakikita natin na ang ninanais ng mga taong kaharap natin ay kakaiba sa kaharian ng Diyos. Tila ba i...
Kaya tinitiyak ni Jesus sa Kanyang mga alagad na sa pamamagitan ng pananampalataya, “maiilipat nila ang bundok” ng pagwawa...
Sa kabilang dako, ang mga salitang ito ay magagamit sa lahat ng pagkakataon sa buhay, hangga’t ito ay para sa pagpapalagan...
Kung minsan, kapag nahaharap tayo sa napakalalaking kahirapan, maaari tayong matukso na huwag nang bumaling sa Diyos. Ang ...
Ito ang nangyari kay Lella. Ilang buwan na ang nakalipas mula ng una niyang araw sa bagong trabaho sa Belgium kung saan an...
Tila ba may isang napakataas na hadlang sa pagitan niya at ng mga kasama niya sa bahay. Pakiramdam niya ay nag-iisa siya s...
Ramdam niya ito dahil kailangan niyang magsalita ng isang wika na hindi kanya at hindi rin naman ginagamit ng mga kasama n...
Malimit ay sinikap ni Lella na “ilipat ang bundok” ng pagkakaiba na naghihiwalay sa kanya sa kanyang mga kasamahan, ngunit...
Nakikita pa niya ang mukha ng kanyang kasamahang si Godeliève na punô ng kalungkutan. Nang gabing iyon ay nagtuloy sa kany...
Kinabukasan, nagpunta siya sa simbahan at nanatili siya sa pinakalikurang upuan, hawak niya ang mukha na nakatungo upang h...
Naroon siya sa harap ng tabernakulo, parang naghihintay ng sagot mula kay Jesus na Siyang nagdala ng liwanag sa bawat kadi...
Nang umuwi na siya para sa agahan, nakita niya si Annj na naglilinis. Binati niya ito, sumunod sa kanya at tinulungan niya...
Nang gabing iyon, nang pauwi na sila na nagbibisikleta, lumapit si Godeliève kay Lella at nagwika sa paraang mauunawaan ni...
“ Sinasabi ko sa inyo: kung kayo ay may pananampalatayang tulad ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito: ‘Lum...
Upcoming SlideShare
Loading in …5
×

Kataga ng Buhay(03/2010)

3,200 views

Published on

Ang Kataga ng Buhay ay hango sa Ibanghelyo ng kasalukuyang buwan upang maging gabay at magsilbing inspirasyon sa pang araw-araw na kabuhayan. Buhat sa simulain ng Focolare, si Chiara Lubich ay naglimbag ng mga komentaryo sa bawat "Kataga ng Buhay", at sa kanyang pagpanaw noong Marso 2008, ang mga naunang mga panulat ay muling ibinabalik. Ang mga komentaryo ay nauukol sa mga Kristiyano na siyang inilimbag simula noong Septyembre 1979.

0 Comments
1 Like
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
3,200
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
3
Actions
Shares
0
Downloads
49
Comments
0
Likes
1
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Kataga ng Buhay(03/2010)

  1. 1. Kataga ng Buhay Marso 2010
  2. 2. Gaano kalimit mong nararamdaman na kailangan mo ng isang tutulong sa iyo, pagkatapos ay nakita mong walang makakatulong sa iyong kalagayan!
  3. 3. Sa sandaling iyon ay napapabaling ka sa Isa na alam mong mapangyayari ang imposible. May pangalan ang Isang ito: Siya si Jesus. Pakinggan mo ang sinasabi Niya:
  4. 4. “ Sinasabi ko sa inyo: kung kayo ay may pananampalatayang tulad ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito: ‘Lumipat ka roon,’ at ito ay lilipat. At walang bagay na hindi ninyo mapangyayari.” (Mt 17:20)
  5. 5. Maliwanag na ang mga salitang “ilipat ang bundok” ay hindi dapat unawain ayon sa salita mismo. Hindi nangako si Jesus sa Kanyang mga alagad ng kakayahang gumawa ng kahanga-hangang milagro upang gulatin ang mga tao.
  6. 6. Kung titingnan mo ang buong kasaysayan ng Simbahan, wala kang makikitang santo – sa aking kaalaman – na naglipat ng bundok sa pamamagitan ng pananampalataya. Gianna Beretta Molla Pier Giorgio Frassati Chiara Luce
  7. 7. Ang salitang “maglipat ng bundok” ay isang kasabihan bagama’t may labis na paglalarawan. Sinasabi ito upang itanim sa isip ng mga alagad ang katotohanan na kung may pananampalataya, walang bagay na hindi mapangyayari.
  8. 8. Ang layunin ng bawat himala na ginawa mismo ni Jesus o sa pamamagitan ng Kanyang mga tagasunod ay upang palawakin ang Kaharian ng Diyos, ang Ebanghelyo, at ang kaligtasan ng sangkatauhan. Hindi kinakailangan ang paglilipat ng bundok upang maganap ito.
  9. 9. Ang paghahambing sa “butil ng mustasa” ay ginamit upang ilarawan na hindi hinihiling ni Jesus ang napakalaking pananampalataya, bagkus ay isang tunay na pananampalataya. Ang tunay na pananampalataya ay nakaugat lamang sa Diyos at hindi sa sariling lakas ng isang tao.
  10. 10. Kung may pag-aalinlangan tayo o pasubali sa ating pananampalataya, ibig sabihin ay hindi pa tunay ang pananalig natin sa Diyos. Ibig sabihin nito ay mahina pa at hindi mabisa ang ating pananalig dahil nakabatay pa ito sa pantaong lakas at katwiran.
  11. 11. Hinahayaan ng taong ganap na nagtitiwala sa Diyos na kumilos sa kanyang buhay dahil walang imposible sa Diyos. Ang pananampalataya na hinihingi ni Jesus mula sa Kanyang mga alagad ay isang ganap na pagtitiwala na hinahayaan ang Diyos na ipakita ang Kanyang lakas.
  12. 12. Ang pananampalatayang ito na may kakayahang ilipat ang bundok ay hindi lamang para sa ilang natatanging tao. Lahat ng sumasampalataya ay may tungkulin na hayaan ang Diyos na ipahayag sa kanilang buhay ang Kanyang lakas.
  13. 13. “ Sinasabi ko sa inyo: kung kayo ay may pananampalatayang tulad ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito: ‘Lumipat ka roon,’ at ito ay lilipat. At walang bagay na hindi ninyo mapangyayari.”
  14. 14. Ayon sa tradisyon, sinabi ni Jesus ang mga salitang ito sa Kanyang mga alagad noong sila ay ipapadala na Niya sa kanilang misyon.
  15. 15. Madaling mawalan ng lakas ng loob at matakot kung alam natin na maliit tayo, hindi handa, walang kakaibang talino, at nahaharap sa napakaraming tao kung saan dapat nating ipahayag ang katotohanan ng Ebanghelyo.
  16. 16. Nanghihina tayo dahil nakikita natin na ang ninanais ng mga taong kaharap natin ay kakaiba sa kaharian ng Diyos. Tila ba isang gawaing hindi mangyayari.
  17. 17. Kaya tinitiyak ni Jesus sa Kanyang mga alagad na sa pamamagitan ng pananampalataya, “maiilipat nila ang bundok” ng pagwawalang-bahala at kawalang-malasakit sa mundo. Kung sila ay may pananampalataya, walang hindi mangyayari sa kanila.
  18. 18. Sa kabilang dako, ang mga salitang ito ay magagamit sa lahat ng pagkakataon sa buhay, hangga’t ito ay para sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo at kaligtasan ng tao.
  19. 19. Kung minsan, kapag nahaharap tayo sa napakalalaking kahirapan, maaari tayong matukso na huwag nang bumaling sa Diyos. Ang katwiran ng tao ay, “Sumuko na tayo, wala namang saysay.” Ngayon tayo tinatawag ni Jesus na huwag mawalan ng pag-asa, bagkus ay bumaling nang may tiwala sa Diyos. Tutugon Siya sa atin, sa anumang paraan.
  20. 20. Ito ang nangyari kay Lella. Ilang buwan na ang nakalipas mula ng una niyang araw sa bagong trabaho sa Belgium kung saan ang tanging wika ay “Flemish”. Puno siya ng pag-asa, ngunit biglang may bumalot na pangamba at takot sa puso niya.
  21. 21. Tila ba may isang napakataas na hadlang sa pagitan niya at ng mga kasama niya sa bahay. Pakiramdam niya ay nag-iisa siya sa paligid nitong mga taong nais lamang niyang paglingkuran nang may pag-ibig.
  22. 22. Ramdam niya ito dahil kailangan niyang magsalita ng isang wika na hindi kanya at hindi rin naman ginagamit ng mga kasama niya. Sinabi nila sa kanya na lahat sa Belgium ay nagsasalita ng Pranses, kaya’t pinag-aralan niya ito. Ngunit sa kanyang pakikisalamuha sa kanila ay naunawaan niya na pinag-aralan ng mga taga-Belgium ang Pranses sa paaralan ngunit hindi nila ito masyadong ginagamit.
  23. 23. Malimit ay sinikap ni Lella na “ilipat ang bundok” ng pagkakaiba na naghihiwalay sa kanya sa kanyang mga kasamahan, ngunit tila walang nangyayari. Ano ang magagawa niya?
  24. 24. Nakikita pa niya ang mukha ng kanyang kasamahang si Godeliève na punô ng kalungkutan. Nang gabing iyon ay nagtuloy sa kanyang sariling silid si Godeliève na hindi kumakain ng hapunan. Sinundan siya ni Lella, ngunit napatigil siya sa harap ng pinto dahil sa hiya at takot. Nais niyang kumatok... ngunit anong sasabihin niya upang ipaliwanag ang sarili? Nanatili siya roon ng ilang sandali, at pagkatapos ay sumuko na.
  25. 25. Kinabukasan, nagpunta siya sa simbahan at nanatili siya sa pinakalikurang upuan, hawak niya ang mukha na nakatungo upang hindi mapansin ninuman ang kanyang mga luha. Iyon lamang ang lugar na hindi kinakailangan ang anumang wika, walang kailangang paliwanag, dahil may Isa na nakakaunawa sa kabila ng mga salita. Nang makatiyak na siya na siya ay naunawaan, kinuha niya ang lahat niyang lakas, at bagamat nahihirapan siya ay tinanong niya si Jesus, “ Bakit hindi ko kayang makibahagi sa krus ng aking mga kasamahan? Bakit hindi ko masabi sa kanila ang ipinaunawa Mo sa akin nang matagpuan Kita, na bawat paghihirap ay pag-ibig?”
  26. 26. Naroon siya sa harap ng tabernakulo, parang naghihintay ng sagot mula kay Jesus na Siyang nagdala ng liwanag sa bawat kadiliman ng kanyang buhay. Binasa niya ang Ebanghelyo ng araw ng iyon at kanyang nabasa, “Magtiwala, manalig ka, napagwagian ko ang mundo.” Ang mga salitang ito ay parang pampalubag-loob at naramdaman niya ang isang dakilang kapayapaan.
  27. 27. Nang umuwi na siya para sa agahan, nakita niya si Annj na naglilinis. Binati niya ito, sumunod sa kanya at tinulungan niyang maghanda ng almusal. Ang unang lumabas ng silid ay si Godeliève. Tumuloy siya sa kusina para magkape, nagmamadali para walang makita. Ngunit napatigil siya. Ang kapayapaan ni Lella ay malakas na nakaantig sa puso niya, higit pa sa anumang salita.
  28. 28. Nang gabing iyon, nang pauwi na sila na nagbibisikleta, lumapit si Godeliève kay Lella at nagwika sa paraang mauunawaan ni Lella, “Hindi mahalaga ang iyong mga salita. Ngayon, ipinahayag sa akin ng iyong buhay: higit na mahalaga ang pag-ibig kaysa sa salita.” Nailipat ang bundok!
  29. 29. “ Sinasabi ko sa inyo: kung kayo ay may pananampalatayang tulad ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito: ‘Lumipat ka roon,’ at ito ay lilipat. At walang bagay na hindi ninyo mapangyayari.” Sinulat ni Chiara Lubich

×