2. Luke 11:24-28
24 Kapag ang karumal-dumal na
espiritu ay lumabas sa isang
tao, gumagala siya sa mga tuyong
dako. Naghahanap siya ng
mapagpapahingahan ngunit wala
siyang matagpuan. Kaya sasabihin
niya: Babalik ako sa bahay na
pinanggalingan ko.
25 Sa pagbalik niya, matatagpuan niya
itong nawalisan at nagayakan na.
3. 26 Kung magkagayon, paroroon
siya at magsasama ng pito pang
espiritu na higit pang masama
kaysa sa kaniya. Papasok sila roon
at doon maninirahan. Kaya ang
kalagayan ng lalaking iyon ay
masahol pa kaysa sa una.
4. 27 Nangyari, nang sabihin ni Jesus ang
mga bagay na ito, isang babaeng mula
sa karamihan ang sumigaw. Sinabi nito
sa kaniya: Pinagpala ang sinapupunang
nagdala sa iyo at ang mga susong
sinusuhan mo.
28 Sinabi ni Jesus: Oo, ang totoo ay
pinagpala ang mga nakikinig ng
salita ng Diyos at sumusunod dito.
5. 2 Peter 2:20-22
20 Ito ay sapagkat nakawala na
sa kabulukan ng sanlibutan ang
mga taong kumikilala sa
Panginoon at Tagapagligtas na
si Jesucristo. Subalit kung muli
silang masangkot at madaig, ang
magiging kalagayan nila ay
masahol pa kaysa sa dati.
6. 21 Ito
ay sapagkat mabuti pang hindi
na nila nalaman ang daan ng
katuwiran kaysa tumalikod
pagkatapos na malaman ang banal na
utos na ibinigay sa kanila.
7. 22 Kung magkagayon, nangyari sa
kanila ang kawikaang totoo:
Bumabalik ang aso sa sarili niyang
suka at sa paglulublob sa pusali
ang baboy na nahugasan na.
8. Mark 9:14-27
14 Sa paglapit nila sa mga
alagad, nakita niya ang napakaraming
tao na nakapalibot sa kanila. Ang mga
guro ng kautusan ay nakikipagtalo sa
kanila.
15 Kapagdaka nang makita siya ng
lahat, sila ay lubhang nagtaka at
naglapitan na bumabati sa kaniya.
9. 16 Tinanong niya ang mga guro ng
kautusan: Ano ang ipinakikipagtalo
ninyo sa kanila?
17 Sumagot ang isa mula sa
napakaraming tao: Guro, dinala ko sa
iyo ang aking anak na may piping
espiritu na siyang dahilan ng kaniyang
pagkapipi.
10. 18 Tuwing siya ay sinusunggaban
nito, siya ay ibinabalibag nito.
Bumubula ang kaniyang bibig at
nagngangalit ang kaniyang mga ngipin
at siya ay nanunuyot. Sinabi ko sa
iyong mga alagad na palabasin ang
espiritu ngunit hindi nila kaya.
11. 19 Sinabini Jesus: O lahing walang
panananampalataya, hanggang
kailan ako mananatiling kasama ninyo?
Hanggang kailan ako magtitiis sa inyo?
Dalhin ninyo siya sa akin.
12. 20 Dinalanga nila siya kay Jesus.
Pagkakita kay Jesus, kaagad na
pinangisay ng espiritu ang bata.
Bumagsak ito sa lupa at
nagpagulong-gulong na bumubula
ang bibig.
13. 21 Tinanong ni Jesus ang ama ng bata:
Kailan pa nangyari sa kaniya ang
ganito?
Sinabi ng ama: Mula pa sa pagkabata.
22 Madalas siyang itapon sa apoy at
tubig upang siya ay patayin nito. Ngunit
kung may magagawa ka, tulungan
mo kami, mahabag ka sa amin.
14. 23 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Kung
sumampalataya ka, ang lahat
ay maaaring mangyari sa kaniya na
sumasampalataya.
15. 24 Kaagadna sumigaw na may
luha ang ama ng bata:
Sumasampalataya
ako, Panginoon. Tulungan mo
ako sa kawalan ko ng
pananampalataya.
16. 25 Nang makita ni Jesus na patakbong
dumarating ang mga tao, sinaway
niya ang karumal-dumal na espiritu:
Sinabi niya: Espiritu ng pipi at
bingi, inuutos ko sa iyo na lumabas ka
sa kaniya at huwag ka nang
papasok sa kaniya.
17. 26 Angespiritu ay sumigaw, pinangisay
ang bata at lumabas sa kaniya.
Nagmistulang patay ang bata na
anupa't marami ang nagsabi na patay
na ang bata.
27 Ngunit nang hawakan siya ni Jesus
sa kamay at ibangon, ang bata ay
bumangon.
18. 28 Nang makapasok si Jesus sa
bahay, tinanong siya nang bukod ng
kaniyang mga alagad: Bakit hindi
namin siya mapalabas?
29 Sinabi niya sa kanila: Ang ganitong
uri ay hindi mapapalabas maliban sa
pamamagitan ng pananalangin at
pag-aayuno.
19. 2 Corinthians 5:17
17 Kaya nga, kung ang sinuman
ay na kay Cristo, siya ay bago
nang nilalang.
Ang mga dating bagay ay
lumipas na, narito, ang lahat ng
bagay ay naging bago.
20. john 14:15
Kung iniibig ninyo
ako, tuparin ninyo ang aking
mga utos.
21. 1 john 5:3
Ito ang pag-ibig ng Diyos:
Tuparin natin ang kaniyang
mga utos at ang kaniyang
mga utos ay hindi mabigat.
22. john 3:5
Sumagot si Jesus:
Katotohanan, katotohanang
sinasabi ko sa iyo: Malibang ang
isang tao ay ipanganak ng tubig
at ng Espiritu
hindi siya makakapasok sa
paghahari ng Diyos.
23. Act 2:38
At sinabi sa kanila ni
Pedro, Mangagsisi kayo, at
mangagbautismo ang bawa't isa
sa inyo sa pangalan ni
Jesucristo sa ikapagpapatawad
ng inyong mga kasalanan; at
tatanggapin ninyo ang kaloob
ng Espiritu Santo.
24. 2 Corinthians 13:5
Suriin ninyo ang inyong sarili kung
kayo ay nasa
pananampalataya, subukin ninyo
ang inyong sarili. Hindi ba ninyo
kinikilala ang inyong sarili, na si
Cristo ay nasa inyo, maliban na
lang kung kayo ay mga itinakwil?