3. KASAYSAYAN NG BATAS
Ang Batas Republika Blg 1425 ay kilala sa
tawag na Batas Rizal
Pinagtibay noong Hunyo 12, 1956, ang
nagbibigay ng mandato sa pagkuha ng kursong
Rizal.
Si Sen. Claro M. Recto ang orihinal na may
akda at unang naghain ng tinatawag na Senate
Bill No. 438 sa Senado.
4. KASAYSAYAN NG BATAS
Nahirapang makalusot ang mga panukala dahil
sa mga pagtutol ng Simbahang Katoliko. Ang
nilalaman daw ng mga nobela ay labag sa ilang
doktrina ng Simbahan at maaaring magpariwara
sa Katolikong mambabasa.
Sa huli, nagkaroon ng isang kompromiso nang
dumaan ito sa Lupon ng Edukasyon ng Senado na
pinamumunuan ni Sen. Jose Laurel. Isina-alang-
alang sa kompromiso na hindi maaalanganin at
5. KASAYSAYAN NG BATAS
Nililiwanag sa puntong ito na ang tinutukoy sa
probisyon ng batas ay paglaya sa sapilitang
pagbasa ng mga nobela ni Rizal at hindi mula sa
pagkuha ng kurso. Lahat pa rin ng mga mag-
aaral, ano pa man ang relihiyon, ay
kinakailangang kumuha ng kursong Rizal para
makapagtapos sa kolehiyo.
Ang Batas Rizal ay ipinatupad ng Pambansang
6. MANDATO NG BATAS
Ang batas ay nagtatadhana ng pagsama sa
kurikulum ng lahat ng paaralang pambayan at
pansarili ng kursong nauukol sa buhay, mga
ginawa at sinulat ni Jose Rizal lalo na ang
kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo.
7. NILALAMAN NG BATAS
1. Pagpapabilang ng kursong Rizal.
Pagpapabilang ng kursong Rizal na saklaw
ang buhay, mga gawain at mga sinulat ni
Rizal, lalo na ang mga nobela niyang Noli
Me Tangere at El Filibisterismo sa kurikulum
ng lahat ng mga paaralang pampubliko at
pribadong saklaw ng batas ng Pilipinas.
8. NILALAMAN NG BATAS
2. Pagbasa ng mga nobela ni Rizal.
Pagpapabilang sa talaan ng mga aprubadong
babasahin sa mga paaralan at ang paggamit nito
sa mga programang pangkolehiyo sa anyong
unexpurgated o orihinal at kumpletong bersyon
ng mga nobela.
9. NILALAMAN NG BATAS
3. Pagkakaroon ng kopya ng mga lathalain
kaugnay kay Rizal. Paglalagay sa mga
silidaklatan ng sapat na mga kopya ng mga
nobela ni Rizal sa orihinal kabilang ang iba pang
mga lathalain ng mga ginawa at talambuhay ni
Rizal.
10. NILALAMAN NG BATAS
4. Pagpapalimbag ng mga isinulat ni Rizal.
Pagsalin sa Ingles, Filipino, ang mga
pangunahing wika sa Pilipinas ng mga nobela at
iba pang mga isinulat ni Rizal at mapalimbag
ang mga ito nang mura at maipamahagi nang
libre sa buong bansa.
11. NILALAMAN NG BATAS
5. Pagtakda ng walang paglabag. Nililinaw na
ang mga ipinag-uutos ng Batas Rizal ay hindi
dapat ipakahulugang pagpapawalang-bisa sa
Section 927 ng Administrative Code na
nagbabawal sa pagtalakay ng mga doktrinang
pang-relihiyon sa lahat ng pampublikong
paaralan.
12. LAYUNIN NG BATAS
1. Paggunita sa pabunyi sa mga bayani.
Bagamat ang batas ay tumutuon sa pag-aaral kay
Rizal, kabilang sa layunin ng batas ang
pagpapabilang sa pagtalakay ng mga iniambag
ng iba pang mga bayani.
2. Pagpapaigting sa nasyonalismo. Kalakip ng
batas ang layuning payabungin at paigtingin ang
diwa ng nasyonalismo para sa pagtataguyod at
13. LAYUNIN NG BATAS
3. Pagbuo ng pagkakakilanlan at katauhan.
Pagbuo ng tuwid na pamumuhay, disiplina, sa
sarili, at kahusayan sa mga gawaing
magbubunsod sa pagkakakilanlang Pilipino.
4. Pagbuo ng kamalayang sibiko. Magkaraoon
ng kabatiran at pag-unawa sa mga paksaing
pampulitika, panlipunan, at pang-ekonomiya at
pag-ukol ng mga kaisipan at aral ni Rizal sa mga
14. LAYUNIN NG BATAS
5. Pagpapahalaga sa kalayaan. Maipagtanggol
at maitaguyod ang kalayaan sa pagpapalaya ng
kaisipan, pagpapaunlad ng sarili, pagsasaliksik
ng karunungan at pagsasagawa ng mga bagay na
magdudulot ng pagbabago.
6. Paglinang sa pagkamamamayan. Linangin
sa bawat tao ang mga tungkulin ng isang
mamamayan at ang pagkakaroon ng malasakit sa
kapwa, gayon din ang aktibong pagharap at
15. MGA EPEKTO NG BATAS RIZAL
1. Nangangahulugan na tagumpay ang
liberalismo.
2. Naging simula ng puspusang pag-aaral sa
buhay, gawa at sinulat ni Rizal.
3. Lubhang dumami ang bilang ng mga
kapatiran at mga kasapi nito.
4. Lubhang dumami ang bilang ng mga
manunulat tungkol kay Rizal
16. MGA BATAS NA KAUGNAY KAY
RIZAL
Memorandum Order No. 247
Ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos noong
ika-26 ng Disyembre 1994 na nag-uutos sa
Kagawaran ng Edukasyon at Komisyon ng
Mataas na Edukasyon na tiyaking tumatalima
ang lahat ng mga paaralang saklaw ng R.A. 1425
at pagpapataw ng kaukulang parusa sa hindi
pagsunod.
17. MGA BATAS NA KAUGNAY KAY
RIZAL
Dekreto ni Aguinaldo
Ipinag-utos ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang
paggunita sa Araw ni Rizal tuwing ika-30 ng
Disyembre - araw ng kanyang kamatayan. Araw
din ito ng pagdadalamhati ng buong bansa;
walang pasok sa mga opisina ng pamahalaan at
itinataas ang watawat sa kalahatian ng poste sa
tanghali isang araw bago ang Araw ni Rizal.
18. MGA BATAS NA KAUGNAY KAY
RIZAL
Republic Act No. 229
Isang lumang batas na nilagdaan noong Hunyo 9,
1948 ni Pangulong Elpidio Quirino na may bisa
pa rin ngayon. Ipinagbabawal ng batas ang sugal,
gaya ng sabong, karera ng kabayo, at jai alai sa
araw ng paggunita sa kamatayan ni Rizal.
Kasama sa ipinag-uutos ng batas ang pagtataas
ng watawat ng Pilipinas sa kalahati ng poste sa
lahat ng mga pampublikong gusali at mga
sasakyang pandagat tuwing ika-30 ng
19. MGA BATAS NA KAUGNAY KAY
RIZAL
Act No. 243
Isinabatas noong Setyembre 28, 1901, na
nagtalaga sa paggamit sa pampublikong lupain
ng Luneta sa Lungsod ng Maynila para tayuan
ng bantayog ni Jose Rizal at paglagyan ng
kanyang mga labi. Napili ang Luneta dahil sa
kahalagahan sa kasaysayan ng lugar ng
pagkamartir ni Rizal. Idineklara itong
Pambansang Museo ng Pilipinas at isang
“National Cultural Treasure” noong ika-30 ng
20. MGA BATAS NA KAUGNAY KAY
RIZAL
Act No. 137
Batas na nagpabisa at bumuo sa Lalawigan ng
Rizal noong Hunyo 11, 1901 bilang pagkilala sa
pambansang bayani. Nabuo ang lalawigan ng
Rizal nang pagsamahin ang mga bayan ng
Maynila at distrito ng Morong.
22. PAMANTAYAN NG PAMBANSANG
BAYANI
Sa pamamagitan ng Executive Order No. 75,
ipinag-utos ni dating Pangulong Fidel Ramos
noong 1993 ang pagbuo ng Lupon para sa mga
Pambansang Bayani.
Ang layunin ng Lupon ay upang mag-aral,
magsuri at magmungkahi ng mga hihiranging
pambansang bayani.
23. PAMANTAYAN NI DR. ONOFRE D.
CORPUZ
1. Ang mga bayani ay iyong may konsepto ng
bayan at mula rito’y naghahangad at
nagpupunyagi para sa kalayaan ng bayan.
2. Ang mga bayani ay iyong nagbibigay-
kahulugan at nag-aambag sa isang sistema
pamumuhay nang may kalayaan at kaayusan.
3. Ang mga bayani ay iyong nag-aambag sa
kalamidad ng kabuhayan at tadhana ng
24. PAMANTAYAN NI DR. ALFREDO
LAGMAY
1. Ang isang bayani ay bahagi ng ekspresyon
ng mga tao.
2. Inaalala ng isang bayani ang kinabukasan,
lalo na ng susunod na salinlahi.
3. Hindi lamang pagsasalaysay ng isang bahagi
o mga pangyayari sa kasaysayan ang pagpili
ng isang bayani, kundi ang kabuuang proseso
na nagtuklas sa isang tao na maging bayani.
25. Sa mga pamantayan nina Corpuz at Lagmay, siyam
na pangalan ang iminungkahi ng Lupong Teknikal
ng Lupon para sa mga Pambansang Bayani:
1.Jose Rizal
2.Andres Bonifacio
3.Emilio Aguinaldo
4.Apolinario Mabini
5.Marcelo H. del Pilar
6. Sultan Dipatuan
Kudarat
7. Juan Luna
8. Melchora Aquino
9. Gabriela Silang
27. AMERICAN-SPONSORED O
SARILING ATIN
Sinasabing ang mga Amerikano ang pumili at
humirang kay Rizal bilang pambansang bayani
ng mga Pilipino. Nangyari ito sa panahon ng
Second Philippine Commission na kilala rin
bilang Taft Commission na pinamumunuan ni
William H. Taft noong 1901.
28. Pamantayan ng Taft Commission sa
Pagpili ng Pambansang Bayani:
1. Isang Pilipino
2. Pumanaw na
3. Maigting ang Pagkamakabayan
4. Mahinahon
29. Pinagpilian ng Taft Commission:
1. Jose Rizal
2. Andres Bonifacio
3. Emilio Aguinaldo
4. Apolinario Mabini
5. Antonio Luna
6. Marcelo H. del Pilar.
30. Tanggal na agad si Aguinaldo dahil buhay pa siya
nang panahong iyon. Gusto ng mga Amerikano na
pumanaw na ang isang hihirangin para wala nang
maidulot na kasiraan sa kanyang pagkatao o
pagkakataong magbago ang kanyang adhikain o di
kaya ay kalabanin ang pamamahala ng Estados
Unidos sa Pilipinas.
Si Del Pilar bagamat makabayan ay hindi raw
kasing igting na gaya ni Rizal.
31. Alanganin ding mapili sina Bonifacio, Luna at
Mabini na pawang naging bahagi ng himagsikan.
Iwas ang mga Amerikano sa pagpili sa mga
rebolusyonaryo sapagkat ito ay mapanganib sa
pananatili ng mga Amerikano sa Pilipinas.
Ang lahat ng pamantayan ng Komisyon ay nakita
nila kay Rizal.
Ang ginawa lamang ng mga Amerikano ay isang
kumpirmasyon na si Rizal ang nakita nilang
ipinagbubunyi ng mga Pilipino. Ang mga Pilipino
32. GEC 9 – THE LIFE AND WORKS OF RIZAL
KABANATA 2:
DR. JOSE RIZAL, ANG
PAMBANSANG BAYANI
JOBESAN YUSORES
INSTRUCTOR
34. Kapanganakan at Pagsilang
June 19, 1861 – araw ng kapanganakan.
Calamba, Laguna – lugar ng kapanganakan.
June 22, 1861 – araw ng binyag.
Padre Rufino Collantes – nagbinyag kay Rizal.
Padre Pedro Casañas – tumayong ninong sa
binyag.
35. • Sinasabing malaki ang ulo ng sanggol na si
Rizal na nagpahirap sa ina sa pagluwal sa
kanya.
• Naipangako ng ina ni Rizal sa Birheng Maria
na dadalhin ang anak sa pilgrimage ni
Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje (Ina
ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay) sa
Simbahan ng Antipolo bilang pasasalamat sa
ligtas na panganganak na muntik na niyang
ikasawi. Ginawa ang pilgrimage pitong taon
36. Pangalan ni Rizal
DR. JOSE PROTACIO MERCADO RIZAL Y
ALONZO REALONDA
Dr. – sapagkat pinag-aralan at naipasa niya ang
lahat ng asignatura sa pagka-manggagamot sa
Universidad Central de Madrid noong Hunyo 21,
1884. Ngunit, hindi niya naibigay ang
kinakailangang tesis at kabayaran kaya’t hindi siya
37. DR. JOSE PROTACIO MERCADO RIZALY
ALONZO REALONDA
Jose – ipinangalan ng kanyang ina bilang
pagbibigay-karangalan kay San Jose na isinilang
noong ika-19 ng Marso.
Protacio – ay buhat sa kalendaryo, sapagkat
lahat ng isinilang sa ika-19 ng Hunyo ay may
katumbas na pangalan sa kalendaryong katoliko
na Gervaco y Protacio at Sta. Juliana Falconeri at
noong panahon ng kastila ang pangalan ng bata
38. DR. JOSE PROTACIO MERCADO RIZALY
ALONZO REALONDA
Mercado – ginamit ng nuno na si Domingo
Lam-co noong 1731. Ang apelyidong ito ay ayon
sa kanyang panlasa sapagkat ang kanyang
hanapbuhay ay pagtitinda. Ang Mercado ay
nangangahulugan na pamilihan o palengke.
39. DR. JOSE PROTACIO MERCADO RIZALY
ALONZO REALONDA
Rizal – ay napili ni Don Francisco bilang
pagtupad sa utos na ang mga Pilipino ay
magbago ng apelyido. Ngunit walang naibigang
apelyido si Don Francisco sa listahang ipinadala
sa Calamba, kaya’t napagpasiyahan niyang
gamitin ang Rizal. Ito ay nagbuhat sa kastilang
“Ricial” na ang kahulugan ay “luntiang bukirin”.
Napili niya ito sapagkat ang kanyang
hanapbuhay ay pagsasaka.
40. DR. JOSE PROTACIO MERCADO RIZALY
ALONZO REALONDA
Realonda – buhat sa apelyidong ginagamit ng
kanyang ina na kinuha naman sa ninang nito.
Ang Realonda ay nangangahulugang, “dugong
bughaw” o royal blood.
Alonzo – ay matandang apelyido ng pamilya ng
kanyang ina (apelyido sa pagkadalaga).
42. Mga Ninuno sa Panig ng Ama
Domingo Lam-co
Ang unang ninuno sa panig ng ama ni Rizal na
mula China na nangibang-bansa sa Pilipinas
noong 1690. Pinaniniwalaan na ang mga
magulang ni Domingo Lam-co na sina Siong-co
at Jun-nio, ay mula sa mayamang angkan.
Nagmula si Domingo Lam-co sa nayon ng
Shangguo (Mandarin: Zhang Guo) sa lalawigan
43. Domingo Lam-co / Domingo Mercado
Siya ay nabinyagang Katoliko sa Pilipinas
noong 1697 na tumapat naman sa araw ng
Linggo; kaya’t Domingo ang bigay na pangalan
sa kanya. Domingo rin ang pangalan ng nagtatag
Dominican order na nagbinyag sa kanya.
Sa kalaunan, ipinalit ang apelyidong Mercado
sa Lam-co noong 1731 sa kapanganakan ng
unang anak na pinangalanang Francisco
Mercado. Ito ay upang makaiwas sa pansin
44. Ines de la Rosa
Chinang mestiza mula Binondo, Manila na
napangasawa ni Lam-co.
Francisco Mercado
Lolo sa tuhod ni Rizal na naging
gobernadorcillo ng Biñan.
Juan Mercado
45. Francisco Mercado
Ama ni Rizal. Kilala rin sa tawag na Don Kikoy.
Nagtapos siya ng pag-aaral sa Colegio de San
Jose sa Maynila. Nakakuha siya ng mauupahang
sakahan ng asukal, mais, at palay sa Calamba, na
pag-aari ng mga Dominikano.
Kinasiyahan ng mga Dominikano ang
pagpapaunlad ni Don Francisco sa ilang mga
lupain sa pagsasaka. Kaya’t nang lumaon ay sa
kanya na pinaupa ng karagdagang mga lupain at
hindi pinabayaran sa kanya ang unang limang
46. Francisco Mercado
Napangasawa ni Francisco Mercado noong
1848 ang 20-taong gulang na si Teodora Alonzo,
na taga Santa Cruz Maynila at siyam na taong
mas bata.
47. Mga Ninuno sa Panig ng Ina
Eugenio Ursua
Ang kanunu-nunuan ni Doña Teodora, na
nagmula sa lahing Hapon at nakapangasawa ng
katutubo sa Pilipinas.
48. Regina Ursua
Lola sa tuhod ni Rizal. Siya ay nakapangasawa
ng mestizong Tsino na nagngangalang Manuel
de Quintos at kilalang abugado na nagtapos sa
Unibersidad de Santo Tomas.
49. Brigida de Quintos
Lola ni Rizal. Siya ay nakapangasawa ng
mestizong Espanyol na nagngangalang Lorenzo
Alberto Alonzo (1790-1854) na naging
gobernadorcillo rin ng Biñan.
51. Pamilyang Mercado y Rizal
Ang pamilya Rizal ay kabilang sa tinatawag na
principalia. Ilan sa mga nasa angkan ni Rizal sa
panig ng ama at ina ay naupong gobernadorcillo,
isang puwesto sa pamahalaan na laan lamang sa
mga kasapi ng principalia. Ang pamilyang Rizal
ay isa sa pinakamayaman sa bayan ng Calamba.
52. Pamilyang Mercado y Rizal
Bagamat hindi pag-aari ng pamilya Rizal ang
lupang kinatatayuan ng kanilang bahay, sila
naman ang natatanging pamilyang unang
nakapagtayo ng bahay na bato sa Calamba. Ang
bahay ng pamilya Rizal ay halos katabi ng
simbahan sa bayan na noo’y magagawa lamang
ng mayayaman sa lipunan. May mahigit 1,000
aklat na bumubuo sa silid aklatan ng bahay. Ang
pamilya ay nagmamay-ari ng mga kabayo at
53. Pamilyang Mercado y Rizal
Sa kabila ng yaman ng pamilya, hindi sila naging
mapagmataas. Ang kanilang bahay ay bukas sa
sinumang bisita mula sa lahat ng antas-
pangkabuhayan at panlipunan. Maliban sa
pagiging tanyag na mayaman sa lugar,
maisalalarawan din ang pamliyang tradisyunal at
debotong Katoliko, mahigpit ang samahan at
ugnayan, at pinalaking magalang at disiplinado.
54. Pagsasalarawan sa Ama’t Ina
Isinalarawan ni Rizal ang ama na sa
pangkalahatan ay tahimik at maramdamin.
Maituturing din itong huwaran ng mga ama sa
pagiging maprinsipyo, tapat at masipag.
Ang ina naman ay may pambihirang talino,
mahusay sa wikang Espanyol at matematika at
mahilig sa panitikan at pagbabasa. Tila higit na
namana ni Rizal ang angking talino mula sa ina
55. Mga Anak nina Francisco at Teodora
1.Saturnina
2.Paciano
3.Narcisa
4.Olympia
5.Lucia
6.Maria
7. Jose
8. Concepcion
9. Josefa
10. Trinidad
11. Soledad
56. 1. SATURNINA
(1850-1913). Kilala rin sa palayaw na Neneng.
Ang panganay sa mga magkakapatid at ikinasal
kay Manuel Hidalgo ng Tanauan, Batangas.
Tinulungan niya - kasama ang kanyang ina - na
makaaral si Rizal at siya ang tumayong
pangalawang ina ni Rizal noong nakulong ang
kanilang ina.
57. 2. PACIANO
(1851-1939). Ang nag-iisang nakatatandang
lalaki sa kapatid ni Rizal at naging heneral sa
himagsikan. Siya at ang common law wife na si
Severina Decena ay nagkaroon ng dalawang
anak. Inalagaan niya si Rizal at tinulungan
niyang makarating sa Europa. Habang nasa
Europa si Rizal, pinadalhan niya ng pensiyon at
sinulatan niya para mabalitaan si Jose tungkol sa
mga nangyayari sa Pilipinas at sa kanilang
58. 2. PACIANO
Naging guro at kaibigan niya si Fr. Jose Burgos.
Sumali at sinuportahan ni Paciano ang
Propaganda Movement for social reforms at ang
diyaryo ng kilusan, Diariong Tagalog.
Sinuportahan din niya ang Katipunan sa pagkuha
ng mga miyembro galing sa Laguna.
Pagkamatay ni Jose Rizal, naging heneral si
Paciano ng Revolutionary Army at naging
military commander din ng revolutionary forces
59. 3. NARCISA
(1852-1939). Kilala rin sa palayaw na Sisa. Ang
pinakamatulunging kapatid na babae ni Rizal.
Tulad ni Saturnina, tumulong si Sisa sa pag-aaral
ni Rizal sa Europa, isinangla niya ang kanyang
mga alahas at ibinenta niya ang kanyang mga
damit para lang matustusan ang pag-aaral ni
Rizal. Lahat halos ng mga tula at isinulat ni Rizal
ay kanyang naisaulo.
60. 4. OLYMPIA
(1855-1887). Kilala sa palayaw ni Ipia.
Napangasawa si Silvestre Ubaldo ng Maynila at
nagkaroon ng dalawang anak; ang isa ay
pumanaw pagkasilang.
61. 5. LUCIA
(1857-1919). Napangasawa si Mariano Herbosa
ng Calamaba, Laguna at nagkaroon ng walong
anak. Naging kahati sa mga paghihirap ni Rizal.
Siya ay pinagbintangan na nagsulsol sa kanyang
mag kababayan na huwag magbayad ng upa sa
kanilang mga lupa na nagdulot ng kaguluhan at
silang mag-asawa ay minsan nang nahatulan na
itapon sa ibang bansa kasama ang ibang
miyembro ng pamilya Rizal.
62. 6. MARIA
(1859-1945). Kilala rin sa palayaw na Biang.
Ikinasal kay Daniel Fautino Cruz ng Binan,
Laguna at nagkaroon ng limang anak. Sinabi na
si Maria daw ang kinausap ni Jose noong
panahon na gusto ni Jose na pakasalan si
Josephine Bracken.
63. 7. JOSE
(1861-1896). Kilala rin sa mga palayaw na Moy,
Ute, at Pepe. Tinanggap na asawa si Josephine
Bracken, isang Irish, at nagkaroon ng isang anak
na pumanaw pagkasilang. Ang tanyag niyang
palayaw na Pepe ay nagmula sa mga initials na
P.P. na laan kay San Jose bilang pater putativus
or “adoptive father” ni Jesus.
64. 8. CONCEPCION
(1862-1865). Kilala rin sa palayaw na Concha.
Maagang pumanaw dulot ng isang sakit sa
gulang na tatlo, kung saan nakadama ng unang
pagdadalamhati si Rizal. Sinasabing sa lahat ng
kapatid na babae, si Concha ang pinakapaborito
ni Rizal na mas bata nang isang taon sa kanya.
Magkalaro sila at laging kinukuwentuhan ni
Rizal ang nakababatang kapatid. Sa kanya
naramdaman ni Rizal ang kagandahan ng
65. 9. JOSEFA
(1865-1945). Kilala sa palayaw na Pangoy.
Tumandang dalaga at kabilang sa 29 na unang
mga kababaihan na tinanggap sa Katipunan,
kung saan siya ay naging pangulo sa pangkat ng
mga kababaihan. Noong si Rizal ay nasa Europa,
siya ay nagsusulat para kay Josefa na ang laman
ay pagpupuri niya sa kanyang kapatid dahil sa
kanyang kaalaman sa Ingles.
66. 9. JOSEFA
Siya ay nagkaroon ng sakit na epilepsy ngunit sa
kabila ng kanyang sakit, nagawa niya pa ring
sumali sa Katipunan at maging isang Katipunera.
Si Josefa ay nahalal bilang pangulo ng mga
babae sa Katipunan. Isa siya sa mga orihinal na
miyembro ng Katipunan kasama sila Gregoria de
Jesus.
67. 10. TRINIDAD
(1868-1951). Kilala rin sa palayaw na Trining.
Tumandang dalaga at pinakahuling pumanaw sa
mga magkakapatid. Naging kaanib din ng
Katipunan. Ang tagapagtago at tagapamahala ng
pinakahuli at pinakatanyag na tula ni Rizal (Mi
Ultimo Adios o Huling Paalam). Sumulat si Rizal
kay Trining at isinasalaysay niya na ang mga
babae sa Alemanya ay masisipag mag-aral.
Pinayuhan niya si Trining na habang bata pa ito
68. 10. TRINIDAD
Pinangaralan niya ito na huwag hayaang ang
katamaran ang mamayani dahil napuna ni Jose
Rizal na wala sa loob nito ang pag-aaral. Sinabi
niya na kaunting tiyaga lamang at siya ay
magtatagumpay. Makaraan ang apat na taon ay
nagulat na lamang si Jose Rizal nang
makatanggap siya ng liham mula kay Trining.
Ipinaalam nito na nakapagtapos ito ng Kolehiyo,
dalawang taon at isa’t –kalahating buwan na ang
69. 10. TRINIDAD
Si Trinidad at ang kapatid na Josefa ay namuhay
nang magkasama hanggang sila’y namayapa at
parehong hindi nag-asawa. Noong 1883, si
Trinidad ay naratay sa banig ng karamdaman,
limang buwan mula Abril hanggang Agosto.
Pabalik-balik ang kanyang lagnat at dinapuan
pala siya ng sakit na malaria.
70. 11. SOLEDAD
(1870-1929). Kilala sa palayaw na Choleng at
bunso sa magkakapatid. Si Rizal ay saludo sa
kanya dahil siya ay isang guro at siya ang
pinakaedukado sa kanilang magkakapatid. Si
Choleng din ang pinakakontrobersyal na anak sa
kanilang pamilya. Kumalat ang balita na hindi
raw totoong anak ni Teodora at Francisco si
Choleng kung ‘di kela Saturnina at Jose Alberto
na kapatid ni Teodora.
72. KABATAAN NI RIZAL
Ginugol ni Rizal ang malaking bahagi ng
kaniyang kabataan sa bayan ng Calamba at
Biñan.
Ang kaniyang kabataan ay puspos ng
magagandang alaala sapagkat ang kanilang
tahanan sa Calamba ay malapit sa paanan ng
Bundok ng Makiling at sa baybayin ng Lawa ng
Laguna kung kaya’t naging makulay at kaibig-
73. KABATAAN NI RIZAL
May kaliitan at masasakitin si Jose kung
kaya’t tatlong taon pa lamang siya ay ikinuha na
siya ng isang yaya upang higit siyang
mapangalagaan.
Unang narinig ni Jose sa kaniyang yaya ang
mga kuwentong tungkol sa mga aswang, nuno sa
punso, mga maligno, tikbalang at iba pang
kuwentong pambata.
Sa kaniyang paglaki ay nakalagay niya ang
74. KABATAAN NI RIZAL
Simula pa sa kamusmusan ni Jose ay nabakas
na sa kaniya ang likas na katalinuhan.
Mapagtanong siya tungkol sa mga bagay-bagay
na nakikita at napapansin niya sa kaniyang
paligid.
Apat na taon si Jose nang maranasan niya ang
dalamhati dahil sa pagkamatay ng kaniyang
nakababatang kapatid na sumunod sa kaniya – si
75. KABATAAN NI RIZAL
Pagkatapos magdasal sa dambana ng Birhen ng
Antipolo, nagtungo sila sa Maynila upang
dalawin ang kaniyang kapatid na si Saturnina na
nag-aaral noon sa Kolehiyo ng La Concordia sa
Santa Ana. Ito ang kaniyang unang pagtungo sa
Maynila.
Isa sa pinakamasasayang alaala ni Rizal noong
siya ay bata pa ay ang paglalakbay nila ng
76. KABATAAN NI RIZAL
Isa sa mga pinakaunang kwento na binasa ni
Donya Teodora sa batang Rizal ang kwento ng
gamu-gamo. Para kay Rizal, ang ningas ng
lampara sa kwento ay kumakatawan sa isang
mithiin sa buhay. Katulad ng gamu-gamo na
napahamak sa paglapit sa ningas, isang
karangalan para sa kanino mang tao ang
mamatay para sa isang mithiin sa buhay.
Mahal na mahal ni Rizal ang bayan ng
Calamba kung kaya’t naisulat niya ang tulang
78. Aralin 1: CALAMBA
Sinasabing bata pa man ay nagpamalas na si Rizal ng likas na
talino at talento. Ang mga unang pag-aaral ni Jose ay naganap sa
bayan ng Calamba. Ang mga aralin doon ay nakatuon sa pagsulat,
pagbilang, pagbasa, at pagsamba.
Si Donya Teodora ang unang naging guro ni Rizal. Sa kaniyang
ina una niyang natutunan ang alpabeto.
Impormal na Edukasyon
79. Aralin 1: CALAMBA
Maraming kalinangang natamo si Rizal sa kanyang tatlong tiyuhin:
1. Tiyo Jose Alberto – siya ang nag-impluwensiya kay Jose sa
pagpapahalaga sa sining. Kagaya ng palarawang sining, iskultura at
panitikan. Sa kaniya nagpapaturo ang batang Pepe kung paano
magpinta o kaya umunawa ng mga tula.
2. Tiyo Manuel – palakasan naman ang naging impluwensiya nito.
Tinuruan niya si Rizal ng mga paraan sa pagtatanggol sa sarili.
3. Tiyo Gregorio – ang nagpamulat kay Rizal sa kahalagahan ng
pagbabasa ng mga aklat.
Impormal na Edukasyon
80. Aralin 1: CALAMBA
Maliban sa kanyang ina at tatlong tiyuhin, kabilang din ang mga
sumusunod sa mga naging unang guro ni Rizal:
1. Maestro Lucas Padua – nagturo sa kaniya ng kagandahang asal at
wastong pag-uugali.
2. Maestro Leon Monroy – nagturo kay Rizal ng Aritmetika o pagbilang.
Siya ay tumira sa bahay ng mga Mercado upang maging tutor ni Jose.
Tinuruan niya rin ito ng Espanyol at Latin.
3. Maestro Celestino – isang pribadong guro o tutor ni Rizal na nagturo
sa kaniyang sumulat.
Impormal na Edukasyon
81. Aralin 2: BINAN
Sa gulang na siyam na taon, noong Hunyo 1870 ay pinag-aral si
Rizal ng kanyang ama sa Binyang. Dito ay naging guro niya si
Justiniano Aquino Cruz.
Pagkaraan ng ilang buwan ay pinagpayuhan siya ng kanyang guro
na umuwi na sapagka’t natutuhan na niya ang lahat ng mga dapat
ituro sa kanya. Ipinayo rin ni Don Cruz na ipagpatuloy niya sa
Maynila ang pag-aaral.
Pormal na Edukasyon
82. Aralin 2: BINAN
Nilisan ni Rizal ang Binyang noong Disyembre 17, 1871 matapos
na tumigil doon ng isa at kalahating taon. Sakay siya ng bapor
Talim, kasama ng Pranses na si Arturo Camps, isang kaibigan ng
kanyang ama na tumingin sa kanya sa paglalakbay.
Pormal na Edukasyon
83. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
Tatlong paaralan lamang ang maaaring pagdalhan sa Maynila ng
isang batang angat sa talino at galing sa pamilyang angat sa
kabuhayan: Seminario de San Jose na pinasukan ni Paciano,
Colegio de San Juan de Letran, at ang Ateneo Municipal de Manila.
Napagpasiyahan ni Don Francisco na pag-aralin si Rizal sa Ateneo.
Ang Ateneo ay pinatatakbo ng orden sa Latin na Societas Jesus
(Society of Jesus) na mas kilala sa tawag na Heswita. Itinatag ni
San Ignacio Lopez ng Loyola, Espanya ang orden noong 1534.
Edukasyong Sekundarya
84. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
Ang sistema ng edukasyon sa Ateneo na sinusundan ng mga
Heswita ay tinatawag na Ratio Studiorum (Plan of Studies) na
binalangkas ng orden noong 1599 para magkaroon ng
pamantayan, alituntunin, at gabay ng edukasyong Heswita.
Kabilang sa binibigyang halaga ang mga kurso sa classical
humanities, gaya ng pilosopiya, teolohiya, Latin at Griyego.
Karagdagang itinuturo ang kasaysayan, heograpiya, matematika, at
mga likas na agham
Ratio Studiorum
85. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
Nakatuon naman ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa tatlong
diskarte ng pagtuturo sa Ateneo:
1. Disiplina – ang mga mag-aaral ay kailangang sumunod sa
mahigpit na schedule ng mga gawain ayon sa alituntunin ng mga
Heswita.
2. Paligsahan – ang kagalingan ng mga mag-aaral ay nailalabas sa
loob ng isang competitive environment na pantay ang
pagkakataon ng bawat isang magpakitang-gilas.
Ratio Studiorum
86. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
3. Insentibo – hinihikayat ang mga mag-aaral na paghusayan ang
mga gawa at kusang paunlarin pa ang kakayahang kinikilala at
pinararangalan sa pamamagitan ng mga premyo at gantimpala.
Ratio Studiorum
87. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
Lumuwas si Rizal ng Maynila upang kumuha ng pagsusulit sa
pangsekundarya sa Colegio de San Juan de Letran. Isa ito sa mga
lugar na pinagkukunan ng pagsusulit para sa iba’t ibang paaralang
sekundarya sa Pilipinas. Ang segunda enseῆanza (secondary
education) sa Pilipinas noon ay isinailalim ni Reyna Isabel II ng
Espanya sa superbisyon ng mga Dominikano sa pangunguna ng
Rektor ng Universidad de Santo Tomas. Kabilang sa pagsusulit ang
pagbasa, aritmetika, at Doktrina Kristiyana na lahat ay ipinasa ni
Rizal.
Pagpapatala sa Ateneo
88. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
Bagamat pasado sa lahat ng asignatura sa pagsusulit, sa palagay
ni Rizal ay tinanggihan siya ng head registrar ng Ateneo na si P.
Magin Fernando. Nagkataong huli na ang aplikasyon ni Rizal sa
Ateneo at tila nag-alinlangan ang pari sa kakayahan ng batang
Rizal na mukhang sakitan at mahina ang pangangatawan.
Ngunit gumawa ng paraan si Paciano at hiningi ang tulong ng
pamangkin ni P. Jose Burgos – si Manuel Jerez, isang doktor at
kaibigan ng pamilya Rizal. Siya ang naglakad na makapasok si
Rizal sa Ateneo.
Pagpapatala sa Ateneo
89. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
Ipinatalang apelyido ni Jose sa Ateneo ay Rizal sa halip na
Mercado upang wala ng tanong o problema pa ang maaaring idulot
ng paggamit ng apelyidong Mercado. Naging matunog at kahina-
hinala sa mga prayle at kinauukulan ang apelyidong Mercado na
gamit ni Paciano nang maugnay siya sa martir na si P. Burgos.
Pagpapatala sa Ateneo
90. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
Pumasok sa klase si Rizal sa Ateneo sa gulang na 11. Nanunuluyan
siya nang libre sa bahay ng isang nagngangalang Titay sa Santa
Cruz, Maynila bilang kabayaran sa utang na ₱300 ng matandang
dalagang may ari ng bahay sa mga magulang ni Rizal. Mag 25
minuto ang nilalakad ni Rizal papasok sa Ateneo mula sa tinirhang
bahay.
Ang mga mag-aaral ay hinahati sa 2 grupo: Carthaginian Empire
(externo o non-boarder sa Ateneo) at Roman Empire (interno o
boarder).
Unang Taon sa Ateneo
91. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
Pumasok sa klase si Rizal sa Ateneo sa gulang na 11. Nanunuluyan
siya nang libre sa bahay ng isang nagngangalang Titay sa Santa
Cruz, Maynila bilang kabayaran sa utang na ₱300 ng matandang
dalagang may ari ng bahay sa mga magulang ni Rizal. Mag 25
minuto ang nilalakad ni Rizal papasok sa Ateneo mula sa tinirhang
bahay.
Ang mga mag-aaral ay hinahati sa 2 grupo: Carthaginian Empire
(externo o non-boarder sa Ateneo) at Roman Empire (interno o
boarder).
Unang Taon sa Ateneo
92. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
Bilang externo at huli nang dumagdag sa klase, ibinilang siya ng
kanyang unang guro na si P. Jose Bech sa pangkat ng Imperyo ng
Carthage at inilagay sa pinakahulihan ng kanyang pangkat.
Ang wika ng pagtuturo ng unang taon sa klase ay Kastila at dahil
hirap si Rizal, minabuti niyang kumuha ng mga tutorial lessons sa
Kastila sa halagang ₱3 bawat aralin sa Colegio de Santa Isabel na
malapit sa Ateneo at nasa loob din ng Intramuros.
Unang Taon sa Ateneo
93. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
Sa pagtatapos ng unang taon ni Rizal sa Ateneo, wala siyang
nakuhang medalya ngunit ang nakuha niyang grado sa lahat
ng kurso ay sobresaliente.
Sistema ng grado sa Ateneo: Sobresaliente (excellent) ang
pinakamataas, sumunod ang notable (very good), bueno (good),
aprobado (passed), at suspendido (failed).
Unang Taon sa Ateneo
94. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
Nakatanggap lamang ng medalya ang isang mag-aaral kapag siya
ay nakakuha ng primer premio (1st place/prize) o segundo
premio (2nd place/prize) sa alinmang academic subject o
comportamiento (conduct) at aplicacion (effort). May medalya rin
para sa mga natatanging parangal.
Unang Taon sa Ateneo
95. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
Ang unang taon ni Rizal ay panahon ng pag-angkop sa buhay
Maynila para sa isang probinsyano. Gayon din ang pag-aangkop sa
sekundaryong edukasyon lalo pa at siya hirap pa sa Kastila.
Nakadagdag sa kanyang pagkalumbay ang mawalay muli sa
pamilya at matatandaan ding nasa bilangguan pa ang ina na
kanyang dinalaw noong bakasyon ng tag-init.
Unang Taon sa Ateneo
96. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
Nang sumunod na akademikong taon ng 1873, lumipat si Rizal ng
tirahan sa mas malapit sa Ateneo na isang boarding house na
pinangangasiwaan ng isang Donya Pepay de Ampuero sa Calle
Magallanes ng Intramuros.
Sa panahong iyon sa Ateneo naging palabasa si Rizal ng maraming
aklat.
Natapos ni Rizal ang ikalawang taon sa Ateneo na panlima sa
klase.
Ikalawang Taon sa Ateneo
97. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
Bakasyon muli ng tag-init nang dinalaw ni Rizal ang ina sa
bilanggunan at sa pagkakataong iyon naikuwento ng ina ang
napanaginipan na ipinakahuluigan ni Rizal na paglaya ng ina
matapos ang tatlong buwan. At nangyari nga ito nang halos
kauumpisa pa lamang ng akademikong taon sa Ateneo noong
1874.
Ikalawang Taon sa Ateneo
98. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
Nakapasok si Rizal sa panibagong akademikong taon noong 1874
nang palayain na rin ang kanyang ina mula sa pagkakabilanggo ng
dalawa at kalahating taon.
Sakto sa paglaya ng ina, nang isulat ni Rizal ang unang tula sa Ateneo
na pinamagatang Mi Primera Inspiracion (My First Inspiration) na
handog sa kaarawan ng ina.
Sa katapusan ng akademikong taon, nag-uwi si Rizal ng medalya sa
pangunguna niya sa Latin. Sa pagkakataong ito, si Rizal ay ikalawa na
sa pangkalahatan sa klase.
Ikatlong Taon sa Ateneo
99. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
Napagpasiyahan ng mga magulang ni Rizal na gawin siyang
interno sa Ateneo upang suportahan ang masidhi nitong pagnanais
na gumaling pa lao at malagpasan ang mga katunggali sa klase.
Nang sumunod na akademikong taon, si Rizal ay kabilang na sa
Imperyo ng Roma at tumira sa loob ng Ateneo sa ilalim ng disiplina
at malapit na pangangasiwa ng mga Heswita.
Ikaapat na Taon sa Ateneo
100. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
Napagpasiyahan ng mga magulang ni Rizal na gawin siyang
interno sa Ateneo upang suportahan ang masidhi nitong pagnanais
na gumaling pa lao at malagpasan ang mga katunggali sa klase.
Nang sumunod na akademikong taon, si Rizal ay kabilang na sa
Imperyo ng Roma at tumira sa loob ng Ateneo sa ilalim ng disiplina
at malapit na pangangasiwa ng mga Heswita.
Ikaapat na Taon sa Ateneo
101. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
Ayon kay Rizal, walang mga mapang-api mula sa mga mag-aaral
sa Ateneo sapagkat ang pagmamataas ay dinadaan sa tagisan ng
katalinuhan sa klase sa halip na pananakot o panunudyo. Maliban
sa iilan, ang mga kasamahan ni Rizal na interno ay mabuti, payak,
relihiyoso, magiliw, at mapagkaibigan.
Sa panahong ito umigting ang pagkahilig ni Rizal sa panitikan dahil
sa paghihimok, paglinang, at gabay na rin ng kinalulugdan niyang
guro na si Padre Francisco Paula de Sanchez. Dahil sa pari,
humusay nang husto si Rizal sa paggawa ng mga tula.
Ikaapat na Taon sa Ateneo
102. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
Nakatulong nang husto ang pagiging interno ni Rizal kaya sa
katapusan ng akademikong taon ay nakapag-uwi siya na apat na
medalya at nanguna na sa pangkalahatan sa klase.
Ikaapat na Taon sa Ateneo
103. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
Nagsimula ang panibagong akademikong taon sa Ateneo noong
1876. Si Rizal ay isa pa ring interno na nasa kanyang ikalima at
huling taon sa sekundarya.
Hindi maikakaila ang talinong ipinamalas ni Rizal nang magtapos
siya na may pangkalahatang gradong sobresaliente.
Huling Taon at Pagtatapos sa Ateneo
104. Aralin 3: ATENEO DE MANILA
Natapos ang huling araw ng klase ng akademikong taon sa Ateneo
noong Marso 14, 1877. Walang duda na si Rizal ang nanguna sa
mga nagtapos.
Ang diploma na may titulong Bachiller en Artes ay ipinagkaloob ng
Universidad de Santo Tomas na may pangalang Universidad de
Filipinas kalakip ang lagda ng rekto na si Fr. Jose Cueto.
Huling Taon at Pagtatapos sa Ateneo
105. Aralin 4: UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
Kinikilala sa Pilipinas at sa Asya na pinakamatandang pamantasan
ang Santo Tomas.
Ang pamantasan ay pinangangasiwaan ng Ordo Praedecatorum
(Order of Preachers) na mas kilala bilang mga Dominikano.
Edukasyong Pamantasan
106. Aralin 4: UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
Kung si Donya Teodora ang nasunod, hindi na sana
nakapagpatuloy sa mataas na edukasyon si Rizal. Nanghinayang si
Don Francisco sa kanyang talino kaya’t pinag-aral pa rin siya sa
Maynila. Hinimok ni Paciano si Rizal na huwag kumuha ng
abugasya sapagkat ayon sa kanya, maraming abugado sa panahon
na iyon sa Pilipinas ang hindi ganap na nakapagtatrabaho bilang
abugado. Isa pa, ang tungkulin ng abugado na ipagtanggol maging
ang mga mali, sa palagay ni Paciano ay taliwas sa tuntunin ni Rizal.
Filosofia y Letras
107. Aralin 4: UNIVERSIDAD DE SANTO TOMAS
Sa Universidad de Santo Tomas kumuha si Rizal ng programang
filosofia y letras (philosophy and letters) sapagkat iyon ang
programa na napili ng ama.
Muling nagpamalas ng kagalingan si Rizal sa unang taon sa
pamantasan sa mga asignatura na ang lahat ng grado ay
sobresaliente.
Filosofia y Letras
108. Aralin 4: UNIVERSIDAD DE SANTO TOMAS
Matatandaang isa sa mga pinagpipilian ni Rizal ang medisina
bagamat hindi pa siya sigurado noong una.
Sinulatan niya ang rector ng Ateneo na si P. Pablo Ramon, upang
konsultahin. Pinayuhan siya nito na kumuha ng medisina. At sa
pagnanais ni Rizal na maoperahan ang ina na nabubulag sanhi ng
dobleng katarata, nabuo ang kanyang pasya na kumuha ng
medisina.
Medisina
109. Aralin 4: UNIVERSIDAD DE SANTO TOMAS
24 na mag-aaral ang pumasok sa unang taon sa medisina. Sa
huling taon, walang Kastilang estudyante ang nakapasa. Anim
naman na Pilipino, kabilang si Rizal, sa mga nakapagtapos ng
kurso.
Medisina
111. Introduksyon
Nakita ni Paciano ang kanyang sarili sa progresibo at liberal na
kapatid. Sa gulang na 31, inako na ni Paciano mula sa ama ang
pamamahala sa mga lupaing sakahan kung kaya’t inilaan sa
nakababatang kapatid na si Rizal ang makapag-aral sa Europa.
Nagtungo si Rizal sa Madrid na may pakay para sa isang dakilang
layunin. Nais ni Rizal na makilahok at gumawa ng mga bagay na
kapaki-pakinabang para sa pagbabago at pagsusulong ng Pilipinas.
Paglisan ng Walang Paalam
112. Introduksyon
Inilihim nina Paciano at Rizal mula sa mga magulang ang balak
sapagkat tiyak na hindi ito papayag.
Matatandaang ayaw sana ni Donya Teodora na pag-aralin si Rizal
sa Maynila, lalo pa at sa mas malayo at mas liberal na Espanya.
Kaunti lang ang nakakaalam ng pag-alis ni Rizal. Ang kanyang tiyo
na si Antonio Rivera, ama ni Leonor Rivera, ang isa sa mga
naglakad ng pasaporte ni Rizal.
Paglisan ng Walang Paalam
113. Introduksyon
Ang apelyidong Rizal ay pinaghihinalaan ng mga kinauukulan dahil
sa makabayang pagpapamalas ni Rizal dulot na rin ng kanyang
kontrobersyal na tulang A la Juventud Filipina.
Ang apelyidong Mercado ang ipinagamit sa pasaporte ni Jose sa
pag-alis upang hindi makatawag-pansin sa mga kinauukulan.
Paglisan ng Walang Paalam
114. Introduksyon
1. Pinuntahan si Saturnina upang kunin ang singsing na diamante
ngunit siya ay natutulog.
2. Dinalaw ang mga propesor sa Ateneo at siya ay binigyan ng liham
rekomendasyon para sa mga paring Heswita sa Barcelona.
3. Pinuntahan si Pedro A. Paterno at siya ay binigyan ng liham
rekomendasyon para sa kaibigan nitong si Esquivel.
Mga Ginawa Bago Umalis
115. Introduksyon
4. Pinuntahan si Henry na isang Pranses at may-ari ng Bazar
Pilipino upang kunin ang kanyang tiket sa paglalakbay. Kasama ni
Jose si Antonio Rivera.
5. Pinasyalan si Leonor Rivera ngunit hindi binanggit ang kanyang
pag-alis.
6. Nagsimba sa simbahan ng Sto. Domingo.
Mga Ginawa Bago Umalis
116. Aralin 1: SINGAPORE at COLOMBO
Hindi na nahatid ni Paciano si Rizal. Pinabaunan niya ang kanyang
kapatid ng ₱356.
Ang kanyang tiyo Antonio Rivera kasama ang dalawa pang
kaibigan, ang sumama kay Rizal na makasakay sa barko.
Mayo 3, 1882 ng lisanin ni Rizal ang Maynila lulan ng Bapor
Salvadora.
Paglalakbay sa Dagat
117. Aralin 1: SINGAPORE at COLOMBO
Mayo 9, 1882 ng makarating sila ng Singapore (kolonya ng mga
Ingles). Inabot ng 6 na araw ang paglalakbay.
Tumuloy si Rizal sa Hotel de la Paz na kinatatayuan ngayon ng
Peninsula-Excelsior Hotel sa Singapore.
Nagtagal si Rizal ng 2 araw sa Singapore at namasyal sa isla.
Paglalakbay sa Dagat
118. Aralin 1: SINGAPORE at COLOMBO
Pinuntahan niya ang Botanical Gardens na matatagpuan pa rin sa
Singapore. Namangha si Rizal sa mga kalsadang may mga puno sa
magkabilang dako. Ganoon pa rin ang makikita sa Singapore
hanggang sa ngayon.
Paglalakbay sa Dagat
119. Aralin 1: SINGAPORE at COLOMBO
SS Djemnah – barkong Pranses na sinakyan ni Rizal patungong
Europa na umalis noong Mayo 11,1882.
Mayo 17,1882 – nakarating sa Point de Galle, isang pwerto sa isla
ng Ceylon (Sri Lanka).
Tumuloy si Rizal sa Oriental Hotel para malibot ang lugar habang
kinabukasan pa muli ito maglalayag.
Paglalakbay sa Dagat
120. Aralin 1: SINGAPORE at COLOMBO
Mayo 18, 1882 – pangalawang hinto ng bapor sa puwerto ng
Colombo, Ceylon kung saan nagkaroon din ang mga pasahero
tulad ni Rizal ng pagkakataon para bumaba.
Mayo 27, 1882 – pangatlong hinto sa puwerto ng Aden, Yemen.
Hunyo 7, 1882 – ikaapat na hinto sa Port Said, Egypt.
Paglalakbay sa Dagat
121. Hunyo 11, 1882 – dumaong sa pwerto ng Naples sa Italy. Ito ang
unang lunsod at bansa sa Europa na narating at napasyalan ni
Rizal. Si Maximo Viola ang naging kasa-kasama niya sa
paglalakbay sa mga lungsod ng Europa.
Hunyo 12, 1882 – narating ang pwerto ng Marseilles, France. Dito
nagtapos ang yugto ng paglalayag ni Rizal sa karagatan.
Sa loob ng 40 araw ang naging paglalakbay ni Rizal sa karagatan.
Aralin 2: Naples at Marseilles
122. Hotel Noailles – tinuluyan ni Rizal. Nilibot niya ang lunsod kung
saan napabilang sa napuntahan niya ang Chateau d’If na nabanggit
sa nobelang Count of Montecristo.
Hunyo 15, 1882 – nagtungo sa lunsod ng Barcelona sa Espanya
lulan ng tren.
Ayon kay Rizal, ang Marseilles ang pinakamatandang lungsod ng
kalakalan. Kanyang hingaaan ang pagiging masigla ng mga tao at
kagandahan ng mga tanawin.
Aralin 2: Naples at Marseilles
123. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Hunyo 16, 1882 ng dumating si Rizal sa Barcelona.
Tag-init sa Espanya sa buwan ng Hunyo hanggang Agosto kung
kaya’t nakabakasyon ang mga paaralan nang dumating si Rizal sa
Barcelona.
Tumuloy siya sa hotel na Fonda de Espaῆa.
Isang salu-salo ang mainit na isinalubong ng mga dating kamag-
aral ni Rizal sa Ateneo.
Buhay sa Espanya
124. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Setyembre 12, 1882 – Mayo 1883 – unang nanirahan si Rizal
malapit sa Universidad Central de Madrid kasama ang isang
matagal ng kaibigan ni Rizal sa Ateneo, si Vicente Gonzales.
Mangilang beses ding nagpapalit ng pamahayan si Rizal sa
kanyang paninirahan sa Madrid kasama ang ilang mga kaibigang
naghahati sa mga bayarin sa tinitirahan.
Buhay sa Espanya
125. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Natagpuan ni Rizal sa Madrid na maraming mga tao ang may
maling akala tungkol sa Pilipinas at hindi nakakabatid ng
pagkakakilanlang Pilipino.
Madalas na pagkamalang mga Tsino ang mga Pilipino at marami sa
mga kabataang mag-aaral ang hindi nakakaalam kung ang Pilipinas
ay kabilang sa Ingles o Espanyol.
Naikuwento pa ni Rizal sa liham niya sa kapatid na si Trinidad na
minsan may nagtanong kung ang Pilipinas ay malayo sa Maynila.
Buhay sa Espanya
126. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Mahal mamuhay sa Madrid. Doble kumpara sa Barcelona at dahil
dito, natutunan ni Rizal na pagkasyahin ang tinatanggap niyang
₱50 na buwanang panustos na ipinapadala sa kanya ng pamilya
mula sa Pilipinas.
Namuhay si Rizal nang matipid at may disiplina sa paggastos. Sa
isang liham ni Rizal kay Paciano, isinalarawan ni Rizal ang gastos
ng pamumuhay sa Madrid sa panustos na ₱50.
Buhay sa Espanya
127. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Maituturing lamang na kanyang luho ang pagbili ng maraming libro
at bisyo naman ay ang paminsan-minsang pagtaya sa loterya.
Nabanggit ni Rizal sa liham niya sa kapatid na si Maria na wala pa
siyang ligo magmula kalagitnaan ng Agosto dahil sa sobrang ginaw
at mahal na bayad na 35 sentimo bawat paligo.
Katumbas ng humigit-kumulang ₱4,000 ngayon ang ₱35 noon.
Buhay sa Espanya
128. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Pagkalat ng Salot – Mga 40 hanggang 45 araw bago makarating
ang mga liham sa pagitan ng Espanya at Pilipinas. Ilan sa mga
unang balita na natanggap ni Rizal sa Espanya ay ang
pagkakaroon ng kolera sa Maynila na nabanggit ni Paciano sa
liham kay Rizal. Sa mga sumunod na liham ng pamilya kay Rizal,
naibalita ang patuloy na pagkalat ng salot sa mga kalapit lalawigan
at ang mga naitalang kaso ng beriberi. Sa liham, nasabing may 15
tao ang namamatay mula sa kolera araw-araw.
Mga Suliranin ng Pamilya
129. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Krisis sa Asukal – Isang taon makalipas pagdating ni Rizal sa
Europa, bumagsak ang presyo ng asukal sa pandaigdigang
pamilihan noong 1883. Lubos na naapektuhan ang mga
magsasaka ng asukal na galing sa tubo sa Pilipinas at sa iba pang
panig ng mundo. Isa na sa mga naapektuhan nito ang pamilyang
Rizal. Maraming asukal na tubo ang hindi naibenta ng pamilyang
Rizal dahil sa mababang pangangailangan sa pamilihan.
Mga Suliranin ng Pamilya
130. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Pagtaas ng Upa sa Lupa – Hindi lamang ang pagbagsak sa
presyo ng asukal ang nakaapekto sa hanap-buhay sa sakahan
kundi pati na rin ang pinsala sa mga pananim dulot ng bagyo.
Nakadagdag pa sa suliraning pananalapi ng pamilyang Rizal ang
pahirap na pagsabay sa pagtaas ng upa sa sakahan. Dahil sa
suliraning pananalapi, lumiit ang buwanang padal ng pamilya kay
Rizal sa ₱30 mula sa karaniwang ₱50.
Mga Suliranin ng Pamilya
131. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Pagtaas ng Upa sa Lupa – Madalas ring matagal na naaantala
ang pagpapadala ng panustos habang lumilikom ng sapat na pera.
Iyon ay madalas na daing din ni Rizal sa kanyang mga liham sa
pamilya lalo pa at may mag pagkakataong buong araw na hindi
kumakain si Rizal dahil walang pambili. Kahit namamaga ang mga
paa, naglalakad na lamang si Rizal dahil walang pamasahe.
Mga Suliranin ng Pamilya
132. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Suliraning Pananalapi – Sa panahong iyon ng matinding kagipitan
sa pananalapi, may isang mayamang Pilipinong nagngangalang
Valentin Ventura na naninirahan sa Madrid na kaibigan ni Rizal ang
napag-uutangan niya. Maging ang mga Heswita doon ay napag-
uutangan din niya. Maging ang pamilya ni Rizal ay nabaon sa utang
na ₱4,000 mula sa pagbili ng kailangang makinarya sa pagsasaka
at mga pagkalugi ng mahigit na ₱3,000.
Mga Suliranin ng Pamilya
133. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Suliraning Pananalapi – kanya-kanyang pamamaraan sa pag-
ambag ang mga kapatid ni Rizal upang mapadalhan siya. Nariyan
ang pagpapadala ni Saturnina ng kanyang diyamanteng singsing
para maisangla ni Rizal. Nabanggit din ng kanyang kuya Paciano
ang pagbebenta ng kabayo ni Rizal sa halagang ₱200.
Mga Suliranin ng Pamilya
134. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Suliraning Pananalapi – Maging si Rizal ay masigasig na
naghanap ng pagkakakitaan para mapunuan ang kakulangan sa
panggastos. Nasabi ni Rizal sa kanyang liham na may tatlong
buwan nang hindi siya napadalhan ng panustos. Nagpresenta na si
Rizal sa pamilyang umuwi na lamang siya sa Pilipinas upang hindi
na maging pabigat pa sa suliranin sa pananalapi at upang
magtrabaho at makatulong sa pamilya.
Mga Suliranin ng Pamilya
135. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa – Sa Barcelona isinulat ni Rizal ang
kanyang kaunahang sanaysay mula sa ibayong bansa. Isinulat niya
ang “Amor Patrio” (Pag-ibig sa Tinubuang Lupa) sa kubling
pangalang Laong Laan na ipinadala ni Rizal sa Pilipinas kung saan
inilathala sa pahayagang Diariong Tagalog noong Agosto 20,
1882. Nais iparating ng Amor Patrio ang pagpapahalaga at
pagmamahal sa bayan.
Nasyonalismo ng mga Indio
136. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa – Sinundan ito ng pagkakalathala ng
isa pang artikulong may pamagat na Las Viajes at ang hindi na
umabot sa paglathala sana ng isa pa na ipinadalang artikulong may
pamagat na Revista de Madrid (Pagbabalik Pananaw sa Madrid)
dahil nagsara na ang pahayagan.
Nasyonalismo ng mga Indio
137. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Sirkulo ng mga Espanyol at Pilipino – Noong 1882, sumapi si
Rizal sa isang grupo ng mga liberal na Espanyol at mga mag-aaral
na Pilipino sa Madrid na tinawag na Circulo Hispano Filipino sa
pangunguna ng isang dating opisyal ng Hukbong Espanyol sa
Pilipinas na nagngangalang Juan Atayde.
Nasyonalismo ng mga Indio
138. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Sirkulo ng mga Espanyol at Pilipino – Ang mga pagtitipon at
pulong na iyon ay tumatalakay sa iba’t ibang mga suliranin at mga
paksaing pulitikal tungkol sa kalagayan at ikabubuti ng Pilipinas.
Naglabas din ng isang magazine ang samahang tinawag na
Revista del Circulo Hispano Filipino.
Nasyonalismo ng mga Indio
139. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Sirkulo ng mga Espanyol at Pilipino
Nakilala ni Rizal ang dalawang anak ni Don Pablo Ortiga na sina
Pilar at Consuelo. Si Consuelo ay maaaring sabihing “crush ng
bayan” ng mga binatang Pilipinong mag-aaral kabilang si Rizal. Sa
katunayan, marami sa kanila ang nanligaw sa 18-taong gulang na
si Consuelo.
Isang meztisong Espanyol na nagngangalang Eduardo de Lete ang
nakatunggali ni Rizal sa panliligaw.
Nasyonalismo ng mga Indio
140. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Sirkulo ng mga Espanyol at Pilipino
Ang pinili ni Consuelo ay si Eduardo de Lete na lihim na naging
kaaway ni Rizal. Dalawang taon ang nakalipas, hindi ito
maintindihan ni Rizal kaya’t nang tanungin niya si Consuelo kung
ano ang pagtingin sa kanya, sinagot siya nito na bilang
magkaibigan at may pahabol na tanong ang babae kung nais ba ni
Rizal ng higit pa doon.
Nasyonalismo ng mga Indio
141. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Sirkulo ng mga Espanyol at Pilipino
Ipinahayag ni Rizal ang damdamin para kay Consuelo sa isinulat
niya na tulang “A la Seῆorita C.O. y R.” (Kay Binibining Consuelo
Ortiga y Rey).
Sa liham ni Rizal sa kaibigang si Jose “Chenggoy” Cecilio,
itinanong nito kung sino sa dalawang Leonor sa Pilipinas ang dapat
piliin na makasama sa buhay. At sa sumunod na liham ni
Chenggoy mababatid ang pagbati nito kay Rizal sa pasiya na
pagpili kay Leonor Rivera sa halip na si Leonor Valenzuela.
Nasyonalismo ng mga Indio
142. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Sirkulo ng mga Espanyol at Pilipino
Sinabihan ni Rizal si Chenggoy sa isang liham na pakasalan na
lang ni Chenggoy si Leonor Rivera kesa makita na ikasal ito sa
ibang lalaki.
Nalansag kalaunan ang Circulo Hispano-Filipino dahil sa kawalan
ng pondo at hindi maayos na pamamalakad. Walang malinaw na
patutunguhan dulot na rin ng magkakaibang pananaw at
paninindigan sa mga paksain na pampulitikal at magkakasalungat
na pasya ang mga dahilan ng pagkawasak nito.
Nasyonalismo ng mga Indio
143. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Tagay sa Tagumpay
Ipinagdiwang nina Rizal ang pagkapanalo ng dalawang Pilipinong
pintor na sina Juan Luna at Felix Resurrreccion Hidalgo mula sa
patimpalakang Exposicion Nacional de Bellas Artes sa Madrid.
Nagwagi ng unang gantimpala ang ang pinta ni Luna na
Spoliarium.
Ikalawang gantimpala naman ang Virgenes Christianas
Expuestas al Populacho ni Hidalgo.
Nasyonalismo ng mga Indio
145. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Tagay sa Tagumpay
Isang pag-inom sa karangalan (toast) ang inihandog ni Rizal at
nagbigay ng talumpati bilang pagpupugay sa nakamit na tagumpay
ng mga ikinararangal na Pilipino sa larangan ng pagpinta.
Iyon ang unang pagkakataong nagbigay siya ng talumpati sa harap
ng publiko. Iyon na rin ang pagkakataong muling makakain si Rizal
sapagkat wala pa siyang kain ng almusal at tanghalian nang araw
na iyon dahil saw ala siyang pambili ng pagkain.
Nasyonalismo ng mga Indio
146. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Ang talumpating iyon na may halong pulitikal na mensahe ay
nabanggit sa pahayagang El Liberal at naipamalita maging sa
Pilipinas. Umani ito ng mga batikos at matinding reaksiyon mula sa
mga prayle at mga konserbatibong mga Espanyol.
Naapektuhan si Donya Teodora sa mga hindi kaayaayang mga
balita patungkol kay Rizal. Nagdulot iyon ng matinding kalungkutan
sa ina ni Rizal na hirap makatulog at hindi nakakain ng isang lingo
hanggang sa nanghina at bumagsak ang kalusugan.
Nasyonalismo ng mga Indio
147. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Pakiusap ng ina kay Rizal na huwag nang manghimasok sa mga
bagay na magdudulot ng sakit at kalungkutan sa kanya at iwasang
sumulat at magsalita ng ikaaayaw at ikagagalit ng mga prayle at
mga konserbatibong Espanyol.
Nasyonalismo ng mga Indio
148. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Kapatiran sa Masonriya
Sumapi si Rizal sa masonriya (Freemasonry), isa sa mga
pinakaprestihiyoso, pinakamatagal, pinakamalaki at malawak na
kapatiran sa mundo hanggang sa ngayon. Maraming Pilipinong
tulad ni Rizal ang sumali sa kapatiran dahil sa mga kaisipang liberal
na ipinamamalas ng samahan. Nais niya ring makakuha ng
mahahalagang impormasyon para sa kanyang pag-aaral sa kultura,
industriya, at pamahalaan ng Europa.
Nasyonalismo ng mga Indio
149. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Kapatiran sa Masonriya
Pinagtutuunan ng kapatiran sa mga kasapi ang sariling pag-aaral,
pagpapaunlad at pagpapabuti ng sarili at lipunan sa pamamagitan
na rin ng mga gawaing pilantropiya o mga mabubuting gawain para
sa kapakinabangan ng sangkatuhan. At bagamat hindi isang
samahang pampulitikal, aktibo ang mga kasapi nito sa mga usapin
at adhikaing pampulitikal.
Nasyonalismo ng mga Indio
150. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Kapatiran sa Masonriya
Mariin na ipinagbabawal ng simbahan ang pagsali ng isang Katoliko
sa Masonriya. Bagamat maganda ang hangarin at pangkalahatang
ginagawa ng kapatiran, tutol naman ang simbahan sa mga
pananaw nitong salungat sa mga doktrina ng Simbahan lalo na ang
pangingibabaw sa katuwiran higit sa pananampalataya.
Nasyonalismo ng mga Indio
151. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Pangingibabaw ng Katwiran
Ibinilin ni Donya Teodora kay Rizal na huwag makaligta sa mga
tungkulin niya bilang tunay na Kristiyano. Mas ninanais iyon ng ina
para kay Rizal kesa sa pagtatamo ng maraming kaalaman. Punahin
man ni Rizal ang mga bagay sa relihiyon o di man gampanan ang
lahat ng tungkulin ukol sa relihiyon, hindi nangangahulugang hindi
na niya itinuturing ang sarili bilang Katoliko.
Nasyonalismo ng mga Indio
152. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Pagpapatuloy ng Pag-aaral
Halos tatlong buwan lumagi si Rizal sa Barcelona bago tumulak sa
Madrid at nagpatala sa Universidad Central de Madrid noong
Setyembre 12, 1882 upang ipagpatuloy ang mga kursong
pilosopiya at letras pati na medisina.
Nais ipagpatuloy ni Rizal ang pag-aaral sa UCM upang
magpakadalubhasa pa sa medisina at dahil na rin sa kabiguan ng
Sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Dayuhang Mag-aaral
153. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Pagpapatuloy ng Pag-aaral
Nagpatala siya sa Colegio de San Carlos ng nasabing
pamantasan, dalubhasaan ng medisina.
Isa sa mga propesor sa pamantasang ito si Dr. Miguel Morayta,
isang liberal na Espanyol na kasundo at kakampi ng mga mag-aaral
na Pilipino.
Natuto din siyang magsalita ng Ingles, Pranses at Aleman.
Dayuhang Mag-aaral
154. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Aktibista at Kilos-Protesta
Sumiklab ang kaguluhan sa pamantasan at naikuwento ni Rizal sa
mga magulang ang nasaksihan noong Nobyembre 20, 1884.
Nagkagulo nang itiniwalag ng Obispo si Propesor Miguel Morayta
dahil sa kanyang talumpati tungkol sa pagtatanggol sa kalayaang
akademiko at agham.
Dayuhang Mag-aaral
155. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Aktibista at Kilos-Protesta
Sinundan iyon ng malakihang kilos-protesta ng mga mag-aaral na
pinagsasaktan at pinaghuhuli ng mga pulis. Nilusob din ng mga pulis ang
Pamantasan habang nasa klase si Rizal. Dinakip ang rektor na si
Francisco de la Pisa Pajares at isa pang propesor. Ang mga propesor ay
hinamak.
Ayon kay Rizal, marami sa mga mag-aaral ang sugutan at duguan.
Isinara ang Pamantasan at nang magbukas, naglipana ang mga pulis
ayon sa utos ng bagong rektor. Puno ng mga mag-aaral ang bilangguan.
Dayuhang Mag-aaral
156. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Aktibista at Kilos-Protesta
Maging si Rizal at ang kaibigang si Valentin Ventura ay muntikan
nang makulog kung hindi lamang nakatakas. Ang itinalagang kapalit
na rektor na si Dr. Juan Creus y Munso ay kinamumuhian ng lahat
maging ni Rizal.
Dayuhang Mag-aaral
157. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Pagtatapos at Pagkapasa
Noong Hunyo 21, 1884, unang natapos ni Rizal sa programa para
sa Licenciado en Medisina na may pangkalahatang gradong
Aprobado (Fair/3.00).
Hunyo 19, 1885 naman niya natapos ang kanyang programa para
sa Licenciado en Filisofia y Letras na may pangkalahatang
gradong Sobresaliente (Excellent/1.00).
Dayuhang Mag-aaral
158. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Pagtatapos at Pagkapasa
Noong Hunyo 21, 1884, unang natapos ni Rizal sa programa para
sa Licenciado en Medisina na may pangkalahatang gradong
Aprobado (Fair/3.00).
Hunyo 19, 1885 naman niya natapos ang kanyang programa para
sa Licenciado en Filisofia y Letras na may pangkalahatang
gradong Sobresaliente (Excellent/1.00).
Dayuhang Mag-aaral
159. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Pagtatapos at Pagkapasa
Sa kakulangan ng pera, hindi na kinaya ni Rizal ang mga kaukulang
bayarin sa pagtatapos ng pag-aaral sa pagkadoktorado sa
medisina kung kaya’t hindi na rin nagpresenta si Rizal ng thesis na
kailangan upang makatapos ng pagkadoktorado sa medisina.
Hinayaan na lang iyon ni Rizal sapagkat hindi na naging mahalaga
sa kanya ang pagkadoktorado dahil maaari pa rin naman siya
makapanggamot kahit wala ito.
Dayuhang Mag-aaral
160. Aralin 3: BARCELONA at MADRID
Pagtatapos at Pagkapasa
Ang naging mahalaga kay Rizal ay ang pagkakaroon ng
pagdadalubhasa sa optalmolohiya o paggagamot sa mata. Ang
kagandahan lang ng pagkakaroon ng doktorado ay ang dagdag na
karunungan at pagkakataong makapagturo sa dalubhasaan ng
medisina na wala rin naman balak si Rizal.
Dayuhang Mag-aaral
161. Pagpapakadalubhasa sa Paris
Dumalaw si Rizal sa ilang mga ospital para magmasid at matuto.
Kabilang sa mga ito ang Ospital Laennec at Ospital Lariboisiere.
Nagmasid si Rizal sa mga kagamitan at paraan ng panggagamot at
pagsusuri sa iba’t ibang kaso ng mga pasyente sa mga ospital na
ito.
Aralin 4: PARIS AT HEIDELBERG
162. Pagpapakadalubhasa sa Paris
Sa panahon ni Rizal, ang pagdadalubhasa sa optalmolohiya ay
hindi kabilang sa mga programa o pornal na pinagaaralan sa
dalubhasaan sa medisina. Ang isang ganap na manggagamot ay
maaaring maging isang ganap na optalmolohiko sa ilalim ng
pagtuturo, pagsasanay at mahigpit na pagsubaybay ng isang
mahusay na optalmolohiko.
Aralin 4: PARIS AT HEIDELBERG
163. Pagpapakadalubhasa sa Paris
Si Rizal ay maituturing na isa sa pinakamahusay na optalmolohiko
ng kanyang panahon dahil ang kanyang tagapagturo ay isa sa mga
nangungunang optalmolohiko sa Europa na si Dr. Louis de
Wecker.
Kilala si Dr. Wecker sa kanyang natatanging husay at kaibang
kapamaraanan sa larangan ng panggagamot sa mata. Siya ay
tagapanguna rin ng maraming kapamaraanan sa pagtitistis sa
mata.
Aralin 4: PARIS AT HEIDELBERG
164. Pagpapakadalubhasa sa Paris
Nobyembre 1885 – Pebrero 1886. Nagsanay si Rizal bilang
apprentice at katulong sa pag-oopera ng mga mata ng mga
pasyente sa Klinika Crugen ni Dr. Wecker.
Ayon kay Rizal, may mga 50 hanggang 100 pasyente ang
nagpupunta sa klinika ni Dr. Wecker at may mga araw na kasing
dami ng 10 ang kanilang inooperahan.
Aralin 4: PARIS AT HEIDELBERG
165. Pagpapakadalubhasa sa Paris
Nagsanay din si Rizal sa klinika ng isa pang kilalang optalmolohiko
sa Paris na si Dr. Xavier Galezowski na mula sa bansang Poland
at isa sa mga nangunguna sa larangan ng optalmolohiya.
Aralin 4: PARIS AT HEIDELBERG
166. Pagtira sa Heidelberg
Matapos ang apat na buwang pagsasanay sa optalmolohiya sa
Pransya, nagtungo si Rizal sa Alemanya na kilala noong ika-19 na
siglo na isa sa mga sentro ng agham at teknolohiya sa mundo.
Sa liham ni Rizal kay Trinidad, inilarawan niya ang mga babaeng
Aleman na higit na pinahahalagahan ang edukasyon, masipag, ata
seryoso na inihambing sa mga babaeng Pilipinong mas
pinagtutuunan ang panlabas na kagandahan. Gayon pa man, pinuri
din ni Rizal ang katangiang magiliw at masipag ang mga Pilipino.
Aralin 4: PARIS AT HEIDELBERG
167. Pagpapakadalubhasa sa Heidelberg
Bagamat hindi nagpatala sa Universitat Heidelberg, dumalo si Rizal
sa mga paanyayang lektura ng mga sumusunod:
Dr. Otto Heinrich Becker (Alemang optalmolohiko)
Dr. Wilhelm Kuhne (espesyalista sa chemical physiology)
Aralin 4: PARIS AT HEIDELBERG
168. Pebrero – Agosto 1886. Nagsanay si Rizal sa Augenklinik (Eye
Clinic) ng pamantasan sa ilalim ng tagapamahala nitong si Dr.
Becker. Dito nagsanay si Rizal sa pagsusuri at pagtukoy sa iba’t
ibang mga karamdaman sa mata na siyang kadalubhasaan ni Dr.
Becker.
Aralin 4: PARIS AT HEIDELBERG
169. Sa Mga Bulaklak ng Heidelberg
Bagamat malugod ang naging pagtira ni Rizal sa Heidelberg,
nakaramdam din siya ng pangungulila sa kanyang sariling bayan.
Habang naglalakad sa tabi ng Ilog Neckar, nakagiliwan ni Rizal ang
mga tanawin at nadadaanang kumpol ng asul na bulaklak na
tinatawag sa wikang Aleman na vergissmeinnicht (foget-me-not).
Nangulila siya sa bayan ng Calamba.
Aralin 4: PARIS AT HEIDELBERG
170. Sa Mga Bulaklak ng Heidelberg
Dito isinulat ni Rizal ang A las Flores de Heidelberg (Sa mga
Bulaklak ng Heidelberg). Mababakas sa tula ang pangungulila ni
Rizal bilang dayo sa malayong bansa at pag-alala sa sariling
bansang Pilipinas. Mababasa sa tula ang pagkausap ni Rizal sa
mga bulaklak na pumaroon sa Pilipinas at iparating ang kanyang
pagmamahal at pananabik sa sariling bansa.
Aralin 4: PARIS AT HEIDELBERG
171. Sa Mga Bulaklak ng Heidelberg
Agosto 15, 1886 nanuluyan si Rizal sa lunsod ng Leipzig.
Sa dalawang buwang paglagi ni Rizal sa lunsod, isinalin niya sa
Tagalog ang kuwento na William Tell ni Friedrich Schiller at ang
mga kuwento sa Fairy Tales ni Hans Christian Anderson.
Nakilala ni Rizal sa Universitat Leipzig ang batikang Alemang
geographer at ethnographer na si Propesor Friedrich Ratzel at ang
geographer rin at ethnologist na si Dr. Hans Meyer.
Aralin 5: LEIPZIG AT DRESDEN
172. Pagtira sa Dresden
Oktubre 29, 1886 dumating si Rizal sa Dresden at tumuloy sa
Hotel Vier Jahreszeiten.
Oktubre 31, 1886. Binisita ni Rizal ang Zoological,
Anthropological and Ethnographic Museum at sa pamamagitan
ng liham ng pagpapakilala mula kay Dr. Blumentritt, nakilala ni Rizal
ang director nitong si Adolf Bernhard Meyer.
Aralin 5: LEIPZIG AT DRESDEN
173. Pagtira sa Dresden
Nakapaglimbag si Dr. A.B. Meyer ng libro tungkol sa distribusyon ng
mga Negritos at ilang mga artikulo ng pagsasaliksik tungkol sa mga
wika sa Pilipinas. Nakapunta si Dr. Meyer ng Luzon at Mindanao sa
kanyang mga pagsasaliksik.
Aralin 5: LEIPZIG AT DRESDEN
174. Pagtira sa Berlin
Nobyembre 2, 1886. Dumating sa lunsod ng Berlin, kabisera ng
bansang Alemanya. Pansamantalang tumuloy si Rizal sa primera
klaseng Central Hotel.
Sa Berlin, muntikan siyang ipatapon ng mga awtoridad dahil
pinaghinalaan siyang espiya. Pinaghinalaan siya dahil sa mga
ginagawa niyang pagpunta sa iba’t ibang mga lunsod at kanyang
pagiging mausisa sa maraming bagay sa mga lugar na
pinupuntahan.
Aralin 6: BERLIN AT LEITMERITZ
175. Pagtira sa Berlin
Namasukan si Rizal bilang katulong na mangagamot sa klinika ng
optalmolohiko na si Dr. Karl Ernst Theodore Schweigger.
Sa pamamagitan ng liham ng pagpapakilala mula kay Dr.
Blumentritt, nakilala ni Rizal sa Berlin ang Alemang etnolohista na si
Dr. Jagor na may akda ng aklat na Reisen in den Philippinen (Mga
Paglalakbay sa Pilipinas) na nabasa ni Rizal noong sekundarya
siya sa Ateneo.
Aralin 6: BERLIN AT LEITMERITZ
176. Pagtira sa Berlin
Ipinakilala ni Dr. Jagor si Rizal sa itinuturing na “Ama ng Cellular
Pathology” na si Dr. Rudolf Virchow.
Aralin 6: BERLIN AT LEITMERITZ
177. Sa lunsod ng Berlin natapos ni Rizal noong Pebrero 21, 1887 ang
pagsasaayos at pagwawasto ng manuskrito ng Noli Me Tangere.
Isinulat sa Espanya ang una at kalahati ng nobela.
Isinulat sa Pransya ang sangkapat.
Ang huling isang sangkapat ay tinapos sa Alemanya.
Muntikan nang itapon at sunugin ni Rizal ang manuskrito dahil sa
pagkasiphayong maipalimbag pa ito bunsod ng kawalan ng salapi
at mga hirap na dinaraanan niya.
Aralin 6: BERLIN AT LEITMERITZ
178. Pinakamalala ang sinapit na kalagayan ni Rizal sa panahon ng
taglamig sa Berlin na kumakain na lamang siya ng isang beses sa
isang araw at ang kinakain lamang ay isang tinapay na may
kasamang tubig o di kaya ay sabaw. Upang hindi mahalata sa
kanyang tinutuluyan na wala siya makain at hindi siya magmukhang
kaawa-awa sa kasera ng kanyang tinutuluyan, lumalabas si Rizal
sa oras ng pananghalian at hapunan para kunwari ay kakain ngunit
para lamang maglakad-lakad habang nagpapalipas ng gutom.
Aralin 6: BERLIN AT LEITMERITZ
179. Disyembre 1886 nang dumating sa Berlin ang isang mayamang
kababayan at matalik na kaibigan ni Rizal na nagngangalang
Maximo Viola. Katatapos pa lamang ni Viola ng pag-aaral sa
medisina mula sa Barcelona, Espanya nang matagpuan si Rizal na
malubha na ang karamdaman. Sinamahan niya si Rizal na
magpatingin sa espesyalista upang matiyak ang palagay ni Rizal na
mayroon siyang tuberkolosis.
Aralin 6: BERLIN AT LEITMERITZ
180. Sa lungsod ng Berlin napili ni Rizal na ipalimbag ang Noli Me
Tangere at ang napiling palimbagan ay ang Berliner Buchdruckerei
Actien Gesellschaft (Berlin Book Printing Press Company).
Lumabas ang unang dalawang libo ng kopya na nobela noong
Marso 12, 1887.
Aralin 6: BERLIN AT LEITMERITZ
181. Prague
Vienna
Linz
Geneva
Vatican, Italy – Huling lugar sa Europa na nilibot ni Rizal.
May 3, 1882 – Hulyo 3, 1887 (Inilagi ni Rizal sa Europa)
Aralin 7-8
183. Napagpasyahan ni Rizal na panahon nang makauwi siya sa Pilipinas
upang:
1. Maoperahan ang mga mata ng kanyang ina.
2. Makatulong sa suliraning pananalapi ng kanyang pamilya.
3. Maglingkod sa mga kababayan.
Aralin 1: Desisyong Umuwi sa Sariling Bayan
184. Nais din ni Rizal malaman ang dalawang bagay:
1. Ang epekto ng kanyang nobela. (gusto ni Rizal na ipakitang hindi
totoong matapang lamang siya sa pagsulat ng nobela dahil siya
ay nasa malayo)
2. Ang dahilan ng di pagsulat ng kanyang sinisintang si Leonor
Rivera. (Gusto rin niyang ipaalam na hindi pa niya nakakalimutan
si Leonor Rivera)
Aralin 1: Desisyong Umuwi sa Sariling Bayan
185. Bagamat tinutulan ng kanyang kuya Paciano ang kanyang pasyang
umuwi dahil sa banta ng mga kaaway dulot ng kanyang
kontrobersyal na nobela, buo ang loob ni Rizal na may pagkasabik
ang mga magulang at mga kapatid.
Hulyo 3, 1887 – Umalis ng Marseilles, France sakay ng barkong SS
Djemnah.
Aralin 1: Desisyong Umuwi sa Sariling Bayan
186. Agosto 2, 1887 – Nilisan ni Rizal ang Singapore lulan ng barkong
Haiphong (Hayfong).
Tatlong araw ang inilagi ni Rizal sa Maynila upang dalawin ang
ilang mga kaibigan, kabilang ang mga Heswitang naging guro niya
sa Ateneo.
Aralin 2: Paglalakbay Patungong Maynila
187. Bayang Pinaglingkuran
Agosto 8, 1887 – nakauwi rin si Rizal sa Calamba. Sa tagal na
nahiwalay si Rizal nang walang paalam sa mga magulang at mga
kapatid na babae, ganoon na lamang na napaluha na may halong
saya ang pagpapakita ni Rizal sa kanyang pagdating sa bahay.
Aralin 2: Paglalakbay Patungong Maynila
188. Bayang Pinaglingkuran
Subalit isang buwan makalipas ng pagdating ni Rizal sa Calamba,
isang malungkot na pangyayari ang dumating sa pamilya nang
pumanaw ang kapatid na si Olympia dahil sa komplikasyon sa
panganganak.
Aralin 2: Paglalakbay Patungong Maynila
189. Bayang Pinaglingkuran
Nang mapagtagumpayan ang operasyon sa mga mata ng kanyang
ina, kumalat ang balita ng kanyang husay bilang manggagamot.
Nagbukas si Rizal ng klinika upang makatulong sa suliraning
pananalapi ng pamilya, bagamat walang singil sa mga mahihirap na
walang pambayad.
Binansagan si Rizal na Doktor Uliman (Aleman).
Aralin 2: Paglalakbay Patungong Maynila
190. Bayang Pinaglingkuran
Maliban sa pagbukas ni Rizal ng klinika, nagbukas din siya ng isang
gymnasium para ilayo ang mga kababayan niya sa Calamba mula
sa mga bisyo at sa halip ay mahimok sila sa mga ipinakilala ni Rizal
na pampalakasan mula sa Europa.
Bilang manggagamot, mahalaga para kay Rizal na maikintal sa
mga tao ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mabuting
pangangatawan at kalusugan sa pamamagitan ng ehersisyo at
pagsasanay sa mga pampalakasan.
Aralin 2: Paglalakbay Patungong Maynila
191. Pagpapatawag sa Malacaῆan
Tatlong linggo matapos dumating si Rizal sa Pilipinas, ipinatawag
siya ng Gobernador Heneral Emilio Terrero upang makuha ang
panig niya tungkol sa reklamo ng mga prayle sa kanyang nobela.
Binalaan siya ni P. Federico Faura at ng mga paring Heswita na
ikamamatay ni Rizal ang kanyang nobela.
Aralin 3: Kaguluhang Gawa ng Noli Me Tangere
192. Pagpapatawag sa Malacaῆan
Walang makita ang liberal na si Terrero na masama sa nobela at
hinimok ang mga prayleng sampahan si Rizal ng kaso kung may
nalabag siyang batas.
Alam ni Terrero na hindi tatantanan ng mga may kapangyarihang
prayle si Rizal, kaya minabuti niyang magtalaga ng bodyguard para
dito sa katauhan ni Tenyente Jose Taviel de Andrade upang
mabantayan ang mga kilos ni Rizal bilang pagtitiyak na wala itong
lalabaging batas.
Aralin 3: Kaguluhang Gawa ng Noli Me Tangere
193. Pagsuri sa Nobela
Sa reklamo ng Arsobispo ng Maynila na si Fr. Pedro Payo, sa
nobela ni Rizal, inatasan ang rector ng Universidad de Santo Tomas
na si Fr. Gregorio Echavarria, na bumuo ng lupon na
magsasagawa ng pagsusuri sa nobela.
Ang lupon ay binubuo ng mga dominikanong propesor ng UST na
sina Fr. Matias Gomez, Fr. Norberto del Prado, at Fr. Evaristo
Fernandez Arias.
Aralin 3: Kaguluhang Gawa ng Noli Me Tangere
194. Pagsuri sa Nobela
Nakitaan ng lupon ang nobelang naglalaman ng mga taliwas at
laban sa mga doktrina at aral ng Simbahan, paglapastangan sa
relilhiyong Katoliko, paninirang-puri sa mga religious orders,
mapanira at banta umano sa kaayusang panlipunan at pamahalaan
at laban sa bayan.
Aralin 3: Kaguluhang Gawa ng Noli Me Tangere
195. “Sa pagsasauli ng kopya na ipinadala mo sa amin, nilagyan namin ng
tanda gamit ang pulang lapis ang mga pahayag laban sa Espanya,
sa Pamahalaan, at kanyang mga kinatawan sa mga Islang ito. Gamit
ang asul o itim na lapis naman sa ibang mga pahayag na kawalang-
galang sa Diyos, taliwas sa mga doktrina at aral ng Simbahan,
kasiraang – puri o tinututulan para sa ibang mga dahilan. Lahat ng
salaysay, sa kabuuan at mga bahagi ng mga mahahalaga at di-
mahalagang pangyayari, ay laban sa doktrina, laban sa Simbahan,
Aralin 3: Kaguluhang Gawa ng Noli Me Tangere
196. “laban sa mga ordo panrelihiyon, at laban sa mga institusyon, sibil,
military, panlipunan at pampulitikal na itinatag ng Pamahalaan ng
Espanya sa mga islang ito. Ang Noli Me Tangere ni J. Rizal inilimbag
sa Berlin, kung palalaganapin sa Pilipinas ay magdudulot ng
pinakamalalang panganib sa pananampalataya at kabutihang asal,
mababawasan o mapapawi ang pag-ibig ng mga katutubo sa
Espanya at gigisingin ang mga damdamin ng mga naninirahan sa
bansa, at magdudulot ng mga malulungkot na araw para sa inang
bayan.”
Aralin 3: Kaguluhang Gawa ng Noli Me Tangere
197. Sa paniniwala na may pagkiling ang ulat ng mga Dominikano,
minabuti ng gobernador-heneral na isangguni ang ulat sa puno ng
Comisiồn Permanente de Censura (Pirmahan na Lupon ng
Sensura) na si Fr. Salvador Font, upang repasuhin ang ulat at
kunan ng tagubilin.
Itinaguyod ng Lupon ng Sensura ang mga natuklasan ng naunang
lupon na sumuri sa nobela at itinagubilin sa gobernador-heneral
ang lubos na pagbabawal sa pagpapakalat ng nobela.
Aralin 3: Kaguluhang Gawa ng Noli Me Tangere
198. Bagamat hindi bumigay si Gobernador-Heneral Terrero sa pamimilit
ng mga prayle na ipakulong si Rizal, napilitan siya na ipagbawal
ang pagpapakalat ng nobela, kabilang na dito ang pagmamay-ari,
pagbabasa, pag-angkat, pagkopya, pagbenta at pamamahagi ng
nobela dahil sumasalungat daw ito sa simbahan at pamahalaan.
Inilathala ng mga pahayagan sa Pilipinas ang ulat ng Lupon ng
Sensura upang malaman ng mga tao ang pagbabawal. Sa halip na
makasira sa nobela ang pagbabawal, mas lalo pa ito nakapukaw ng
interes at pagnanais na makakuha ng kopya at mabasa ito.
Aralin 3: Kaguluhang Gawa ng Noli Me Tangere
199. Sa kataasan at kainitan ng kontrobersya sa nobela, ang dating
ibinibenta sa limang peseta ay ibinenta ng hanggang ₱50 dahil sa
dami ng gsutong makakuha ng kopya, ngunit pahirapan pa ring
makakuha ng kopya nito. Dahil patago ang bentahan at
pagpamahagi ng mga kopya ng nobela, sinasabing nagpapakalat
ng mga espiya ang mga prayle upang isumbong at samsamin o
kaya ay pakyawin ang mga kopya upang sunugin.
Aralin 3: Kaguluhang Gawa ng Noli Me Tangere
200. Tuligsa ng mga Prayle
Nakatanggap si Rizal ng mga liham ng pagbabanta at pagtutuligsa.
Isa sa mga natanggap niya ay isang sulat na galing sa
nagpakilalang “Un Fraile” (Isang Prayle) na tinawag si Rizal na
walang utang na loob. Marami itong ipinakalat na mga tsismis at
paninira kabilang ang pagsasabing siya ay isang espiya ng mga
Aleman. Sa kabilang banda, kumalat din ang mga sabi-sabing
Protestante siya, mangkukulam at pinuna ang kanyang pagiging
Mason.
Aralin 3: Kaguluhang Gawa ng Noli Me Tangere
201. Tuligsa ng mga Prayle
Isa sa mga masugid sa pamumuno at paninira kay Rizal at sa
kanyang nobela ay isang Agustinong prayle na si Fr. Jose
Rodriquez. Nagbababala ito sa pagkakasala sa pagbasa ng nobela
ni Rizal.
Iisang Batangueῆong may alias na “V. Caraig” ang sumulat ng
pagtatanggol kay Rizal mula sa panunuligsa ni Fr. Rodriquez.
Napag-alamang ito ay isang paring Pilipinong si P. Vicente Garcia.
Aralin 3: Kaguluhang Gawa ng Noli Me Tangere
202. Tuligsa ng mga Prayle
Sa paglilinaw ni P. Garcia, sinabi niyang hindi inatake ni Rizal ang
pamahalaan at Simbahan kundi ang mga masasamang mga
opisyal at mga prayle, maliban na lamang kung ang pagiging
sobrang pagsanggalang ni F. Rodriquez ay tanda ng pag-amin ng
kasamaan. At panghuli, ibinalik kay F. Rodriquez ang pahayag na
pagkakasala ang pagbasa sa nobela ni Rizal dahil ito ay nabasa rin
naman ng prayle.
Aralin 3: Kaguluhang Gawa ng Noli Me Tangere
203. Ang Noli Me Tangere ay pinagdiskitahan nang matind ng mga
kaaway ni Rizal. Sa katunayan, ito ay naging paksa ng debate sa
senado ng mga Korte ng Espanya.
Sa kabilang dako, ito ay ipinatanggol naman nina Marcelo H. del
Pilar, Dr. Antonio Ma. Regidor, Graciano Lopez Jaena, Mariano
Ponce, at iba pang repormistang Pilipino.
Ipinagtanggol din ito ng ilang Espanyol na naging propesor ni Rizal
sa Ateneo gaya nina Don Segismundo Moret, Dr. Miguel
Morayta, at ni Propesor Blumentritt.
Aralin 4: Mga Tagapagtanggol ng
Noli Me Tangere
204. Ang pinakamainam na depensa sa Noli Me Tangere ay buhat kay P.
Vicente Garcia. Ang depensa niya ay nailathala sa Singapore bilang
bahagi ng apendiks ng isang polyeto:
1. Hindi isang ignorante si Rizal kagaya ng gustong palabasin ni
Padre Rodriguez sapagkat siya ay nakapagtapos sa mga
pinagpipitaganang pamantasan ng Espanya at nakatanggap siya
roon ng samot-saring pagkilala.
Aralin 4: Mga Tagapagtanggol ng
Noli Me Tangere
205. 2. Hindi kinalaban ni Rizal ang simbahan at ang Espanya gaya ng
iginigiit ni Padre Rodriguez sapagkat ang mga inilagay ni Rizal sa
Noli ay ang masasamang opisyal na Kastila at mga abusadong
prayle, hindi ang simbahan.
3. Sinabi ni Padre Rodriguez na makasalanan o nakagawa ng
mabigat na kasalanan ang mga nakabasa na ng Noli; yamang
nabasa na rin niya ang nobela, malinaw na nakagawa rin siya ng
isang kasalanang mortal.
Aralin 4: Mga Tagapagtanggol ng
Noli Me Tangere
206. Sa kabila ng tumitinding mga argumento tungkol sa nobela,
kampante pa rin si Rizal dahil sa tulong na ibinibigay sa kaniya ng
Gobernador Heneral Terrero na nagtalaga pa ng personal na
guwardiya (Jose Taviel de Andrade).
Ang masasayang araw ni Rizal ay nabahiran ng panibugho dahil sa
pagkamatay ng nakatatandang kapatid na si Olympia. Idagdag pa
rito, samot-sari din ang naging paratang sa kaniya na siya umano
ay isang “espiya ng mga Aleman, isang Protestante, isang Mason,
mangkukulam, at kaluluwang walang kaligtasan.”
Aralin 4: Mga Tagapagtanggol ng
Noli Me Tangere
207. Kasaysayan ng Hacienda
Ang unang nagmay-ari ng mga lupaing ito ay ang mga Heswita
noong 1759. Tinawag itong Hacienda de San Juan Bautista.
Subalit, ipag-utos ni Haring Carlos III ng Espanya ang
pagpapalayas sa mga Heswita mula sa Pilipinas at sa buong
imperyo noong 1767, Napasakamay ang hacienda sa pamahalaang
kolonyal
Aralin 5: Problemang Agraryo ng Calamba
208. Kasaysayan ng Hacienda
Pinalayas ang mga Heswita dahil sa paratang na paggamit ng
yaman at kapangyarihan sa pag impluwensya sa pulitika at
ekonomiya laban sa interes ng monarkiya.
Nangyari ang pagpapalayas na ito sa mga Heswita sa Imperyo ng
Espanya pati sa mga bansang Katoliko at mga sakop na teritoryo
ng kanilang imperyo.
Aralin 5: Problemang Agraryo ng Calamba
209. Kasaysayan ng Hacienda
Pinaupahan ng pamahalaang kolonyal ang mga lupain sa Calamba
sa ilang mga pribadong indibidwal hanggang sa naibenta ang mga
ito sa isang Don Clemente de Azansa.
Sa paglaon, hindi naipagpatuloy ang natitirang kabayaran kung
kaya’t binawi ng pamahalaan ang hacienda at pinasubasta ito
noong 1832.
Aralin 5: Problemang Agraryo ng Calamba
210. Kasaysayan ng Hacienda
Ang Corporacion de Padres Dominicos de Filipinas, na
korporasyon ng mga Dominikano, ang nakabili ng hacienda sa
halagang ₱51, 263 para sa kabuuan na 16,4242 na hektaryang ng
mga lupang bumubuo sa Hacienda de San Juan Bautista na
tinawag kalaunan na Hacienda de Calamba.
Pinauupahan ng mga Dominikano ang mga lupain sa Hacienda sa
mga masigasig na mga magpapayabong ng mga lupa. Isa na sa
mga ito ang ama ni Rizal na mula sa karatig na bayan ng Biῆan.
Aralin 5: Problemang Agraryo ng Calamba
211. Protesta at Reklamo ng mga Magsasaka
Sa palagay ng mga magsasaka, sila ay pinagiinitan at
pinagsasamantalahan ng mga Dominikanong nagmamay-ari ng
mga lupang pinagsasakahan nila, lalo na sa idinadaing nilang hindi
makatarungang mataas na upa sa lupa.
Sa loob lamang ng ilang taon, tumaas mula ₱45 hanggang ₱900
ang upa. Maliban sa bayad na upa, sinisingil din sila ng
karagdagang bayad tuwing may mga itinatayong mga istraktura o
ipinaaayos sa lupain.
Aralin 5: Problemang Agraryo ng Calamba
212. Protesta at Reklamo ng mga Magsasaka
Kinakailangan ring magbayad tuwing anihan. Kapag nais isauli ang
isang lupa dahil sa bigat ng mga bayarin o dahil mahirap gawing
kapaki-pakinabang ito, pagbabantaan ang magsasaka ng pagbawi
ng iba pa niyang lupain.
Aralin 5: Problemang Agraryo ng Calamba
213. Protesta at Reklamo ng mga Magsasaka
Dahil sa hinalang hindi tama ang ibinabayad na buwis ng mga
Dominikano, naglunsad ang pamahalaan ng pagsisiyasat sa mga
lupang sakahan sa Calamba. Inusisa ang upang ibinabayad ng
mga magsasaka at ginamit iyon ng mga magsasaka upang isiwalat
ang mga gawain ng mga prayle.
Aralin 5: Problemang Agraryo ng Calamba
214. Protesta at Reklamo ng mga Magsasaka
Sa ginawang paglalahad ni Rizal na nilagdaan ng mga magsasaka
noong 1888 ng Enero, isaisa niya inilatag ang mga sumusunod na
katotohanan para sa kabatiran ng pamahalaan bilang tulong sa
pagsisiyasat sa mga Dominikanong prayle:
1. Pag-aari ng mga Dominikano hindi lamang sa mga lupain na
nakapaligid sa labas ng Calamba kundi sa buong bayan ng
Calamba;
Aralin 5: Problemang Agraryo ng Calamba
215. Protesta at Reklamo ng mga Magsasaka
2. Patuloy ang paglaki ng kita ng mga Dominikano mula sa walang
habas na pagtaas ng upa sa kabila ng lagpas na tatlong taon
nang patuloy na pagliit ng kita ng mga magsasaka;
3. Sa kabila ng mga kinikita ng mga Dominikanong tagapamahala ng
lupa, wala silang naiambag para sa agrikultura o anuman, tulad
ng edukasyon, fiesta at iba pa;
Aralin 5: Problemang Agraryo ng Calamba
216. Protesta at Reklamo ng mga Magsasaka
4. Binawian ng lupa ang ilang mga magsasaka dahil sa mga
mababaw na kadahilanan; at
5. Sinamsam ang lupa ng ilang mga magsasaka kapag hindi sila
nakapagbayad sa upa at pinapatawan ng mataas na tubo ang
huling pagbabayad.
Aralin 5: Problemang Agraryo ng Calamba
217. Protesta at Reklamo ng mga Magsasaka
Naniniwala rin ang mga magsasakang hindi lehitimo ang mga
lupain sa Calamba na pinanghahawakan ng mga Dominikano.
Samakatuwid, wala ring batayan ang mga ginagawang pagsingil sa
kanila. Bilang protesta sa hindi makatwirang labis na singil ng upa,
minabuti ng mga magsasakang hindi na magbayad ng upa simula
Pebrero 1888.
Aralin 5: Problemang Agraryo ng Calamba
218. Tugon sa Protesta at mga Reklamo
Buong akala ni Rizal, hindi palalagpasin ng gobernador-heneral ang
lantarang pagsasamantala sa mga kaawa-awang mga
magsasakang walang ibang pakay kundi ang maghanap-buhay.
Pinili ni Gobernador-Heneral Terrero na manahimik sa paksa dahil
mahirap kalabanin ang mga prayle.
Isang taon matapos ang hindi pagbabayad ng upa ang mga
magsasaka, idinulog ng mga tagapamahalang Dominikano ang
sigalot sa katarungang-bayan ng Calamba.
Aralin 5: Problemang Agraryo ng Calamba
219. Tugon sa Protesta at mga Reklamo
Tugon ng mga tagapamahala, ang kita mula sa singil sa upa ay
hindi naman ikakayaman ng mga Dominikano, kundi napupunta sa
pagpapanatili ng iba’t ibang mga institusyon gaya ng mga
simbahan, paaralan, at seminaryo na pinatatakbo ng mga prayle at
sa pagtaguyod sa mga gawaing pangrelihiyon at misyon.
Aralin 5: Problemang Agraryo ng Calamba
220. Tugon sa Protesta at mga Reklamo
Katwiran ng mga tagapamahala, marapat lamang ang mga
pagtataas ng singil sa upa dahil sa pagtaas ng mga ginastos at
ipinupuhunan ng mga Dominikano sa pagpapayabong sa mga lupa
na pinakinabangan din naman ng mga magsasaka. Iginiit din ng
mga prayleng binibigyan ng sobra sa sapat na palugit ang mga
magsasaka sa pagbabayad.
Aralin 5: Problemang Agraryo ng Calamba
221. Tugon sa Protesta at mga Reklamo
Natalo ang mga tagapamahalang Dominikano sa katarungang-
bayan ng Calamba subalit iniakyat ang kaso sa hukumang-
lalawigan hanggang sa Audiencia Real.
Parehong binaliktad ang naunang disposisyon ng hukumang-
bayan. Nag-apela ang mga magsasaka sa Mataas na Hukuman sa
Espanya ngunit ganoon din ang naging hatol at ipinahintulot ang
pagpapaalis sa mga ayaw pa ring magbayad.
Aralin 5: Problemang Agraryo ng Calamba
222. Tugon sa Protesta at mga Reklamo
Sinuway ng mga magsasaka ang pagpapaalis sa kanila, na
humantong sa sapilitang pagpapalayas at pagwasak o pagsamsam
ng kanilang mga ari-arian. Ang sapilitang pagpapaalis sa mga
magsasaka, kabilang ang pamilya ni Rizal, ay nangyari makalipas
ang 12 taong pananatili ni Rizal sa Europa noong 1890.
Aralin 5: Problemang Agraryo ng Calamba
223. Muling Paglisan
Hindi tinantanan ng mga prayle ang gobernador-heneral na
ipaaresto si Rizal. Pinayuhan si Rizal ni Terrero, bilang kaibigan, na
makabubuti para sa kanya at para sa kanyang pamilya na lisanin na
lang ang bansa para hindi na lumala pa ang galit ng mga prayle at
para humupa ang anumang sigalot.
Sa katotohanan, iniiwasan ni Terrero na tumindi ang kaguluhan sa
Calamba at kumalat sa iba pang mga hacienda sa Pilipinas na
magdudulot ng mas malaking suliranin.
Aralin 6: Pamamaalam sa Calamba
224. Muling Paglisan
Sa takot ng mga magulang ni Rizal sa mga banta sa kanyang
buhay, hindi siya pinapayagang dumalo sa mga paanyaya ng mga
tao maging mga kumain sa labas o lumabas nang walang kasama.
Pinakiusapan na rin siya ng kanyang pamilya at ng mga kaibigang
lisanin muna ang bansa para sa katahimikan at kaligtasan ng lahat.
Bagamat ayaw nang lumisan pa muli, pinagbigyan na ni Rizal sa
pagkakataong ito ang mga magulang.
Aralin 6: Pamamaalam sa Calamba
225. Muling Paglisan
Sa takot ng mga magulang ni Rizal sa mga banta sa kanyang
buhay, hindi siya pinapayagang dumalo sa mga paanyaya ng mga
tao maging mga kumain sa labas o lumabas nang walang kasama.
Pinakiusapan na rin siya ng kanyang pamilya at ng mga kaibigang
lisanin muna ang bansa para sa katahimikan at kaligtasan ng lahat.
Bagamta ayaw nang lumisan pa muli, pinagbigayn na ni Rizal sa
pagkakataong ito ang mga magulang.
Aralin 6: Pamamaalam sa Calamba
226. Muling Paglisan
Para magkaroon na saysay ang paglisan muli ng bansa, inisip ni
Rizal na ipagpatuloy habang nasa Europa, ang kanyang mga
adhikain at mga isinusulong na reporma sa Pilipinas.
Masusubaybayan niya ang takbo ng kaso na iniakyat ng mga
magsasaka ng Calamba sa Mataas na Hukuman sa Espanya.
Aralin 6: Pamamaalam sa Calamba
227. Muling Paglisan
Hindi na nagawa ni Rizal na makita pa ang kasintahang si Leonor
Rivera sapagkat mahigpit na ipinagbawal ng mga magulang ni Rizal
ang pagpunta niya sa malayong lugar para sa kanyang kaligtasan.
Nakatira na sa Pangasinan si Leonor at kanyang magulang. Tutol
rin ang mga magulang ni Leonor sa ugnayan at pagkikita ng
dalawa.
Aralin 6: Pamamaalam sa Calamba
228. Muling Paglisan
Walang natatanggap si Rizal na liham mula kay Leonor dahil
hinaharang na ina nito ang mga liham ng dalawa. May petsang ika-
30 ng Marso 1884 ang huling liham na natanggap ni Leonor mula
kay Rizal.
Makalipas ang halos anim na buwang pananatili ni Rizal sa
Calamba simula nang dumating noong Agosto 5, 1887, napilitan
siyang lisanin muli ang bansa gamit ang sariling salapi na kinita
mula sa pangagamot.
Aralin 6: Pamamaalam sa Calamba
229. Muling Paglisan
Bago lisanin ang Calamba, hiniling ng kanyang mga kaibigang
taga-Lipa, Batangas na sumulat ng tula na aawitin sa pagdiriwang
dahil sa pagiging lungsod nito noong 1888. Sinulat niya ang tulang
“Himno Al Trabajo” (Awit sa Paggawa) na inihandog niya sa
masisipag na tao ng Lipa. Ito’y pinadala niya bago nilisan ang
Calamba.
Aralin 6: Pamamaalam sa Calamba