1. BUWAN BUWAN BAKIT KA GANYAN?
Ni: Winton Lou Ynion
1Nag iisa akong nag iisip sa silid ng isang boarding house. Dumungaw ako sa labas ,nasilip ko ang buwan
na yaring nagyayabang . ang kalahati nitoy nilulon na ng bubungan ng katabing bahay. Mamula-mula ang buwang
bilog na bilog . para bang inire-rewind na pelikula sa isip ko ang mga ginawa namin ng aking mga kalaro noong
nasa probinsiya pa ako tuwing kabilugan ng buwan .Ang sigla ng paglalaro namin ng taguan , patitintero, at
shotbong.
2Pero ala-ala na lamang ng buhay probinsiya ang kaulayaw ko ngayong nasa gitna ako ng dagitab ng
lungsod. Naamoy ko na lam ng sa aking isip ang kagagapas na palay , ang nilulutong baye-baye ni tiya Remy ,at
ang namumukadkad na dama de noche .
3Pilit ding bumabalik sa aking isip ang kapilyuhang dati naming kinasasabikan: ang pagnanakaw ng
bayabas sa bakuran ni tiyo Tonio .
4Lakat ta pangsakaon tadto ang mga bayabas ni tiyo tonio, yakag sa akin ni doydoy.
5sige na noy , guis-a-man lang ini ,” dugtong ni Glenn
6”Dali lang malisensiya ko anay basi hinde ako pagtudtan”tanggi ko . ang totoo’y ayoko talaga dahil hinde
ako sanay sa ganyang uri ng libangan ng mga kababata ko .
7 “Lisensiya- lisensiya, bay –I da, hinde ka man na pagpatyon sang nanay mo kung mabal-an ya nga nag
upod ka sa amon” hamon ni Doydoy.
8 Kung sabagay , hinde naman ako papatayin ni inay kapag nalaman niyang lumakad ako kasama nina
Doydoy at Glenn. Mas matutuwa pa nga si itay dahil matapang ako at,sabi nga ng lola ko “nagbibinata na”
9Wala akong nagawa kundi sumunofd kina doydoy at glenn. Saka ,kababata at kabarkada ko sila kaya OK
lang na hinde ako humingi ng permiso.
10”Noy saka-a-na,” utos ni Glenn.
11”Anoo?”
12”Saka na , maabutan ‘ta diri karon ,” pagmamadali ni Doydoy
13 Sa takot na baka maabutan kami ni Tiyo Tonio agad kong inakyat ang puno ng bayabas. Marami na
kaming nakuha ngunit hinde pa kami nakontento. Desidido akong kunin pati mga bunga ng maninipis na sanga.
14”Noy lakat na ta,”! pagmamadaling utos ni Doydoy.
15”Dali lang kadamo pa di o” sagot ko namn na parang hinde kailangan mag madali.
16 Pilit kong inabot ang isang bayabas sa dulo kahit nagsisigawan na sina Doydoy at Glenn na bumaba na
ako . pero nagmatigas talaga ako hanggang ……
17”Aaaaahh!” isang malakas na sigaw ang bumulabog sa aming lugar .
18Pakiramdam koy parang nabalian ako ng buto
19Kinaumagahan nanggagalaiti ang mga ugat sa leeg ni Tiyo Tonio dahil parang dinaanan ng barbero ang
kanyang puno ng bayabas . Wala na ang mga bunga nito. Bali-bali ang mga sanga .Naawa kami kay Tiyo Tonio,
subalit may kung anong lakas sa aming puso na nagpaimbulog sa di malirip na pagmamalaki. Nagawa namin ang
mga hinde nagagawa ng mga kaedad namin sa nayong iyon . Akala namin ang karanasang nagpatingkad ng aming
kabataan sa probinsiya ay sapat na sandata sa pakikihamok sa digmaang isasabog ng buhay lungsod.
20 Pero mali kami , Mali akoo….
21Napakapalad ko raw dahil napasok ako sa dalawang kilalang unibersidad sa Iloilo. Maaring tama sila .
subalit hinde nila alam ang dramatikong pagbabago sa aking kinagisnang pamumuhay . Wala na masasayang gabi
ng kabataan, ang paglalaro sa gitna ng kalsada sa ilalim ng sinag ng buwan , ang kapilyuhang nagdulot ng kasabik
sabik na kaba. Sa halip , araw at gabing pagsusunog ng kilay,pagpunta sa library dahil wala akong pambili ng aklat,
paggawa ng mga proyekto at paminsan-minsang pagliliwaliw sa downtown.
22 Buwan, buwan ….. bakit ka ganyan? Tingnan mo ako ngayon, nakatutok na naman ang paningin sa
nagmamayabang mong mukha. Pilit inuunawa kung bakit nararamdaman ko ngayon ang pangugulila.
23 Bakit hinde mapaknit sa aking isipan ang nakaraan?
24 Sadya nga yatang kinukulit ako ng buwang ito. Pero salamat at nariyan siya dahil may nag-uugnay sa
akin sa masasayang araw ng aking kabataan sa kanayunan at sa buhay ko sa kasulukuyan .
Pagsasalaysay - Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. katulad ito ng pagkukwento ng mga
kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita.Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan
ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat;
epiko at mga kwentong bayan.
.
prepared by :alma atizado