5. Objectives
1. Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa sariling kaalaman,
pananaw, at mga karanasan.
2. Naisasabuhay ang mga konseptong
pangwika (rehistro at barayti ng wika) sa
sariling kaalaman, pananaw, at mga
karanasan.
7. Gawain 1. Wika Ko, Mahalin Ko!
Panuto: Basahin mo ang
linya ng awiting Cuyunon na
pinamagatang ”Aelaman Ko
Tana Dian Lang”, pamilyar
ka ba sa wikang ito? Sagutin
ang mga tanong.
8. Gawain 2. Konseptong Pangwika,
Tukuyin Mo!
Panuto: Marami ka nang
natuklasang konseptong
pangwika. Piliin sa loob
ng kahon ang mga
salitang sa palagay mo
ay tumutukoy sa bawat
bilang.
10. Gawain 3.
Tukuyin Mo ang Konseptong Pangwika!
Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga konseptong pangwika mula
sa Hanay B batay sa mga nabanggit na sitwasyon sa Hanay A.
14. Kahulugan ng VARAYTI
• Pagkakaroon ng natatanging katangian na
nauugnay sa partikular na uri ng
katangiang sosyo-sitwasyunal
May allergy
ako!
Galis lang
‘yan!
15. Kahulugan ng VARAYTI
• Pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng
mga tao sa pormalidad, bigkas, tono, uri, anyo
ng salita atbp.
Halimbawa:
Kung guro sa Filipino ang kausap:
Binibini, di ko po maunawaan/maintindihan.
Kung kaklase ang kausap:
Ano ba ‘yan? Di ko gets!
16. Kahulugan ng VARAYTI
• Porma/uri ng wika na ginagamit ng mga
nagsasalita ng isang wika.
Halimbawa:
Karaniwang Filipino:
Maghugas ka ng plato.
Tagalog-Bulacan:
Mag-urong ka ng pinggan.
17. 2 Dimensiyong ng Varayti ng Wika
1. Dimensiyong heograpiko – kasama rito
ang dayalekto o wikain
1. Dimensiyong sosyal – kasama naman
dito ang sosyolek
18. 1. DAYALEKTO – panrehiyon o heograpikal na varayti ng wika
na may sariling ponolohiya, sintaksis at leksikon (vocabulary)
• Ito ang yaong wikang kinamulatan o kinagisnan sa tahanan,
komunidad at lalawigan.
Halimbawa:
Tagalog –Maynila- “ Aalis na ako.”
Tagalog- Batangas- “ Payao na ako. “
Tagalog –Maynila- “ Bakit ba maraming tao.”
Tagalog- Batangas- “ Bakit baga maraming tao. “
19.
20. 2. IDYOLEK – nakabatay sa partikular na paggamit
ng isang tao ng kanyang wika na may kaugnayan sa
personal na kakanyahan ng tagapagsalita.
•Ito ay inihahantulad sa fingerprints ng isang tao na
tanging kanya lamang.
Halimbawa:
Karaniwang idyolek ng mga estudyante sa mga
paaralang pribado at eksklusibo sa Metro Manila:
Taglish o Enggalog (code mixing o palit-koda)
21. • “It’s not that na galit na galit ako. It’s just that.
Nakakasabaw. SOBRA.”
• “Grabe. Solid talaga.”
• “Hindi naman ako one-sided. Hindi ba dapat multiple
murder sa halip na rebellion?”
• “Kaya kung true yung 2012, ok na rin yon. Kawawa
younger generations.”
22. • Pansinin kung paano nagkakaiba-iba ang idyolek
ng mga sumusunod na brodkaster kahit pa silang
lahat ay gumagamit ng isang wika, nabibilang sa
isang larangan at naninirahan marahil lahat sa
Metro Manila:
• a). Mike Enriquez. b). Noli de Castro, c). Mon
Tulfo, d). Rey Langit at e). Gus Abelgas. Gayahin
ang paraan ng pagsasalita ng bawat isa. Iba-iba,
hindi ba?
23. • Prominente rin ang idyolek ng mga sumusunod
na personalidad kung kaya madalas silang
gayahin ng mga impersonators:
• a). Kris Aquino, b). Gloria Macapagal-Arroyo, c).
Mel Tiangco d). Anabelle Rama, e). Ruffa Mae
Quinto ,f). Mirriam Defensor-Santiago , g). Manny
Pacquio at h). Mommy Dionisia
24. 3. SOSYOLEK
• Batay sa katayuan o status ng isang gumagamit ng wika sa
lipunang kanyang ginagalawan– mahirap o mayaman; may
pinag-aralan o walang pinag-aralan; kasarian; edad atbp. salik o
factor
• Grupo ng ibat-ibang uri o klasificasyon ng mga mamamayan
batay sa lipunan.
*Wika ng mga dukha
*Wika ng mga nasa mataas na antas ng lipunan
• Napatunayan ng mga sosyolingguwista na malaki ang
nagagawa ng katayuang panlipunan (social status)
25. • Sa mahirap, "sira ang ulo", sa mayaman "nervous
breakdown"
• Ang mayamang malikot ang kamay tawag ay
“kleptomaniac", sa mahirap tawag dito ay " magnanakaw.
• Kung mahirap ka at masakit ang ulo mo, ikaw ay "
nalipasan ng gutom", kung mayaman ka naman at
masakit ang ulo mo meron kang “migraine".
• Kung mahirap ka ikaw ay “kuba", pag mayaman ka
naman, meron kang "scoliosis".
• Kung mahirap ka na maitim ikaw ay isang "negrita", pag
mayaman ka na maitim ikaw naman ay "Morena".
• Kung high society ka tawag sa iyo ay "slender", pag lo
class ka naman tawag sa yo ay "payatot"
• Ang anak ng mayaman ay "slow learner", ang anak
naman ng mahirap ay "bobo"
26. 3.a. REGISTER /REHISTRO – anyo ng wika
batay sa uri at paksa ng talakayan o larangang
pinag-uusapan, sa mga tagapakinig o
kinakausap o kaya ay sa okasyon at sa iba
pang mga salik o factor
27. Talakayan sa klase ng
International Affairs Subject
• Guro: Bakit kaya may foreign troops pa rin
sa Iraq at Afghanistan ngayon?
• Estudyante 1: Sir, kailangan ang foreign
troops para i-secure ang democratic
government sa Iraq.
• Estudyante 2: Ang agenda talaga ng USA
ay para makuha ang oil deposits ng Iraq.
• Estudyante 3: Sir, kasi, hindi naging
successful ang mediation at diplomatic
actions ng USA noon
28. Talakayan sa klase sa Filipino
• Guro: Bakit kailangan ang komunikasyon
sa pang-araw-araw na buhay?
• Estudyante 1: Kung wala pong
komunikasyon, parang walang buhay ang
mundo.
• Estudyante 2: Kailangan po ng
komunikasyon para magkaintindihan ang
mga tao.
29. Klase sa Law School
• Guro: Magbigay ng opinion tungkol sa
Maguindanao Massacre at sa mga kasong
isinampa sa mga suspect.
• Estudyante 1: Sir, faulty ang filing ng rebellion
case, dapat, multiple murder.
• Estudyante 2: Mahina po ang kasong rebellion at
maaaring tactics nila ‘yan para ma-subsume ng
rebellion ang iba pang crimes.
• Estudyante 3: Magkakaroon po ng whitewash.
Nakikita po natin na ang DOJ ay walang gana sa
pagsasampa ng kaso.
30. 3.a.a. JARGON- ito ay eklusibong salita o
leksikon ng iba’t ibang pangkat ng mga
propesyonal.
•Bawat propesyon o okupasyon ay may
sariling terminong hindi bastang
maunawaan ng mga hindi ganoon ang
trabaho.
31. Ang mga sumusunod naman ay mga
jargon sa disiplinang Accountancy at iba
pang kaugnay na disiplina:
• account, balance, net income,
debit, revenue, asset,
credit, gross income. cash flow
• Sa disiplinang Medisina at Nursing naman
ay gamitin ang mga sumusunod:
• diagnosis, therapy, prognosis,
symptom, emergency, patient
check up, ward, x-ray
32. • Pansinin naman na ang mga sumusunod
na terminolohiya ay may magkaibang
kahulugan o rehistro sa larangang nasa
boob ng panaklong:
mouse (Computer, Zoology)
stress (Language, Psychology)
strike (Sports, Labor Law)
hardware (Business, Computer)
race (Sports, Sociology)
nursery (Agriculture, Education)
operation (Medicine, Military)
note (Music, Banking)
accent (Language, Interior Design)
server (Computer, Restaurant Management)
33. 4. Pidgin
• Nabubuo dahil sa paghahalo-halo ng higit
sa 2 wika.
• Ito ang varayti ng wikang ginagamit ng
mga taong may magkakaibang
pinagmulang wika.
34. 5. Creole
• Varayti ng wika na unang naging pidgin at
kalaunan ay naging likas na wika
• Nagkaroon nito sapagkat may komunidad
ng mga tagapagsalita ang nag-angkin dito
bilang kanilang unang wika
• Pinakamahusay na halimbawa nito ay ang
Chavacano na hindi masasabing purong
Kastila dahil sa impluwensiya ng ating
katutubong wika sa estruktura
36. Gawain 4.
Panuto: Alamin kung sino ang nagpauso ng sikat na mga
linyang nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
37. Gawain 5.
Panuto: Ilista mo ang mga salitang nararapat mapasailalim sa
sumusunod na mga barayti sa loob ng kahon. Isulat mo ang mga
sagot sa kwaderno.
40. Gawain 7. Panuto: Magtala ng isang salita ayon sa larangang kinabibilangan nito. Ibigay ang
kahulugan ng salita.
41. Gawain 8.
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng barayti ng wika ang
isinasaad ng mga pangungusap. Piliin sa kahon ang letra
ng tamang sagot at isulat sa iyong kwaderno.