2. Si Athena Rodriguez ay may tatlong kaibigan na sina Colleen, Luna at Leah. Marami ang
nagsasabi na maswerte raw ang tatlo dahil bukod sa maganda ito, mayaman din ang
pamilya nila Athena. Ngunit mayabang at mapagmataas ito.
Isang araw inimbitahan ni Athena ang kanyang tatlong kaibigan sa kanilang bahay upang
magkaroon ng salo-salo at magkwentuhan. Habang sila ay kumakain nabanggit ni Colleen
ang problema niya tungkol sa kanyang pag-aaral.
“Kapag bumagsak ako ngayon baka hindi na ako pag-aralin ng magulang ko.”
“Hindi ka naman siguro babagsak, nagreview naman tayo e.” ang sabi ni Luna.
“Kaya nga” sabat ni Leah.
Gumaan ang loob ni Colleen matapos marinig ang sinabi ng kanyang dalawang kaibigan.
“Kawawa ka naman” sabi ni Athena.
3. “Ako kase kahit bumagsak ayos lang kase mayaman naman kami at hindi ko na
kailangan problemahin ang future ko.” mayabang na dugtong nito.
Natahimik ang tatlo sa sinabi ni Athena. Naisip nina Luna at Leah na wala man lang
konsiderasyon si Athena sa nararamdaman ni Colleen.
Doon natapos ang pag-uusap ng magkakaibigan. Napag desisyonan ng tatlo na umuwi
na dahil pagabi na rin.
KINABUKASAN sa eskwelahan.
Habang hinihintay nina Colleen, Luna at Leah si Athena sa gate ng eskwelahan,
napagkwentuhan nila ang nangyari kagabi.
“Bakit kaya ganoon ang ugali ni Athena?” ani Leah.
4. “Matagal ko ng napapansin ang ganoong ugali niya. Mayabang siya at walang
pakialam sa nararamdaman ng ibang tao. Feeling niya sakanya lang umiikot ang
mundo.” dugtong na ani nito.
“Gusto ko nga siyang pagsabihan patungkol sa ugali niyang ganyan ngunit natatakot
ako dahil parang ako pa ang mapapasama at lalabas na mali.” sabi naman ni Luna.
“Dapat sabihin na natin habang maaga pa at baka isipin niya na walang mali sa
ginagawa niya.” sabi ni Colleen.
Lumipas ang ilang minuto at dumating na nga si Athena. Sabay-sabay silang apat na
pumasok sa paaralan. Nang makarating sila sakanilang silid-aralan ay wala silang
nadatnan na tao doon dahil masyado pang maaga. Nang mga oras ding iyon ay
naisipan na ng tatlo na komprontahin si Athena.
5. “Athena pwede ka ba naming maka-usap?” tanong ni Leah.
“Kausap mo na nga ako e” taas kilay na sagot ni Athena.
“Gusto ka lang naming pagsabihan tungkol sa pagiging mayabang mo. Wala ka bang
pakiaalam sa nararamdaman ng ibang tao?”ani Luna.
“Hindi na kami natutuwa sa ugali mo, masyado kang masakit mag-salita, hindi ka
naman ganyan dati.”sabat ni Leah.
Nangunot ang noo ni Athena matapos marinig ang sinabi ng dalawa.
“Mayabang?! Walang pakiaalam?! Nagsasabi lang naman ako ng totoo!” pasigaw na
sabi ni Athena.
“Anong nangyayari sainyo? Bakit bigla kayong nagkakaganyan?” dugtong nito.
Umiinit na ang tensyon sa pagitan ng magkakaibigan. Bakas na rin sa mukha ni
Athena ang galit dahil hindi niya nagugustuhan ang sinasabi nina Leah at Luna.
6. “ Kaibigan mo kami pero hindi naming kukunsintihin ang ganyang pag-uugali mo. Marami
kang taong nasasaktan sa mga pinagsasabi mo kaya nga marami sa mga naging kaibigan mo
ang iniiwan ka. Bilang kaibigan mo ayaw naming masama ang tingin ng ibang tao sayo kaya
habang maaga pa ay sana maisip mo na mali ang inaasal mo.” mahabang litany ni Colleen.
Natahimik at nagulat ang tatlo sa sinabi ni Colleen. Hindi nila inaasahan ang biglang
paglalabas ng saloobin nito. Sa sandaling katahimikan ay natauhan si Athena sa mga
salitang binitawan sakanya ng kanyang kaibigan.
Tumingin si Athena sa mga mata ng kanyang mga kaibigan sabay sabing…
“Pasensya, ngayon ko lang narealize na mali ang pinag-gagagawa ko. Hindi ko naisip na
sumosobra na pala ako”
Niyakap siya ng kanyang mga kaibigan at pinaramdaman sakanya na ayos lang dahil hindi
naman lahat ng tao ay perpekto.
“Salamat dahil hindi niyo ako iniwan at sinabi niyo saakin ang pagkakamali ko. “
“Walang anuman.” sagot ng tatlo.